You're My Missing String [GYT...

By gytearah

7.9K 90 37

"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 20

116 2 0
By gytearah

CHAPTER 20 ' TYRA's POINT OF VIEW ★

"Salamat po Tito Vash, paki-bigay na lang po kay Gwy, pagpasensyahan na rin po ninyo ang kapatid ko ha, pagsabihan po ninyo kung kina-kailangan." Sabi ko at iniabot kay Tito Vash ang isang paper bag na may lamang damit at gamot ni Gwy.

"Mukhang okay naman siya sa bahay. Hindi ka ba sasama sa akin?" Tanong ni Tito Vash at inakbayan ako.

"Sa susunod na lang po Tito, may mga kailangan pa po akong gawin eh, sa Farm at saka 'yong mga trabaho dito sa bahay na dapat si Gwy ang gumagawa. Nakakahiya naman po sa mga kumukupkop sa amin." Sabi ko at sumulyap kay Tita Alpa.

"Ikaw ang bahala, kapag walang gaanong trabaho sa Mango Farm ay sumaglit ka sa bahay o 'di kaya'y sa bahay ng Lola Rose mo ha, alam kong sasaya 'yon kapag nakita ka nila." Sabi ni Tito at tinapik pa ako sa balikat. "Para ka talagang Mama mo." Sabi pa ni Tito bago sumakay sa motor niya. 

"Pakisabi na lang kay Kuya Drammy na dumaan ako."

"Opo Tito, ingat po."

Bumalik ako sa paglalaba, ilang piraso na lang naman ang kukusitin ko at magbabanlaw na ako.

"Tyra, kaya ba natutulala si Gwy minsan?" Tanong ni Tita Alpa

"Hindi po, kapag tulala siya ibig sabihin ay marami siyang iniisip o madalas kapag tumitig siya sa tao ay may nalalaman siya, kahit nga po sa picture lang e, kaya nga madalas niyang titigan ang picture ni Mama e, parang kinakausap raw po siya." 

"Ahh, parang si Kaley?"

"Parang gano'n na nga po, normal po ba 'yon?" Curious kong tanong, ang alam ko kasi e si Kaley at Gwy lang ang gano'n sa pamilya namin, si Lyra naman e hindi gano'n pero minsan bigla na lang raw pumapasok sa isip niya  ang mga pangyayari kaya siya nakapagsulat ng libro noon.

"Hindi ko rin alam kung normal ba 'yon Tyra, pero si Kaley magaling 'yon, siya nga ang unanv nakaalam na may relasyon kami ng Tito Drammy mo e, bago pa malaman ng lahat, alam na niya. Mahirap nga lang din para sa kanya kasi nahihirapan siyang matulog, natatakot na rin siyang matulog kasi natatakot siyang may malaman na naman lalo na kung bad news, nakakabaliw 'yon, mabuti na lang at naagapan na." Kwento ni Tita Alpa

"Si Gwy po, kapag tinititigan  ka niya ay may malalaman s'ya tungkol sa iyo, kahit pa sekreto mong pinakatatago-tago, lalo na kapag tumitig ka sa mga mata niya. Ang ipinagtataka ko lang e wala siyang nakikita kapag tinititigan niya ako."

Napakunot noo si Tita Alpa sa sinabi ko.

"Alam ko kung saan nagtatago ang Nay Shielo ninyo." 

Gulat akong napatingin kay Tita Alpa, bakit niya sinasabi 'yon? Takot ba siyang matitigan ni Gwy at malaman na may alam siya?

"Tita, alam din po namin ni Gwy kung nasaan siya, sila." Nakangiti kong sambit at nagpatuloy na sa pagbabanlaw.

"Tita, totoo po bang binangungot si Papa kaya siya nawala?"

Napahinto siya sa pagwawalis. "Oo, 'yong ang sabi ng Tita Rainne mo, hindi na nga raw nagising ang Papa mo, yakap yakap pa nga raw ang picture ng Mama mo e."

Bigla akong nalungkot.

Mukhang wala namang alam si Tita Alpa, kailangan ko talagang magpatulong kay Mang Jun, dapat marami akong malaman, kailangan kong malaman lahat ng nalalaman niya tungkol sa mga Musico. 

"Daddy!" Narinig naming sambit ni Clarry, nagkatinginan kami ni Tita Alpa.

"Tapusin mo na 'yan at kakain na tayo, nandito na ang Tito mo."

Kailangan kong tumakas ngayong gabi, kailangan kong puntahan si Mang Jun.

"Bakit ang konti ng kain mo Tyra? Kumain ka pa, hindi mo ba nagustuhan itong ulam na niluto ng Tita mo?" Tanong ni Tito Drammy

"Hindi naman po sa gano'n, medyo busog pa po kasi ako Tito, nagkape po ako kanina pagkauwi ko galing sa palengke, kakain na lang po ako ulit mamaya kapag nagutom ako." Sabi ko

"Eh bakit parang balisa ka?" Tanong pa ni Tito, mukhang effective ang acting skills ko ah.

"Tito, kasi po ano eh, p'wede po ba akong bumalik sa Farm?"

Napakunot noo ang mag-asawa.

"Bakit Tyra? Malapit na dumilim." Sabi ni Tita Alpa, nakita niya kayang suot ko ang kwintas ko kanina?

"Ano po eh, 'yong kwintas ko." Mahina kong sambit at napatungo. "Naiwan ko po doon sa kubo, tinanggal ko po kasi nung maliligo ako sa ilog tapos nakalimutan kong kunin sa pinaglagyan ko." Pagsisinungaling ko, gusto ko lang talagang puntahan si Mang Jun, dadalhan ko siya ng pagkain, gamot at konting damit.

"Hindi ba p'wedeng bukas na lang?" Tanong ni Tito, hinawakan siya ni Tita sa kamay.

"Mahal, hindi p'wede 'yon, iyong balat niya sa likod ay mag-iiba na naman ang kulay." Sabi ni Tita Alpa at tumingin sa akin.

"Sige, sige. Mag-iingat ka sa pagmamaneho at bumalik ka agad ha pero h'wag ka namang magmamadali at baka maaksidente ka pa."

"Thank you po Tito, babalik din po ako agad, kailangan ko lang po talagang kunin ang kwintas ko."

Pagka-abot ni Tito sa akin ng susi ay lumabas na ako agad, baka bigla pang magbago ang isip niya. Kinuha ko ang tinago kong bag sa garden malapit sa gate na may lamang mga gamot para kay Mang Jun.

Mag-aalas siete na ng gabi ako nakarating sa kubo na pinagdalhan namin kat Mang Jun. Itinago ko muna ang motor ko sa medyo malagong damuhan bago ako naglakad palapit sa kubo.

"May ibang tao?" Bulong ko ng may makita akong tsinelas. 

"Sino ka??"

Mabuti na lang at napaiwas ako agad sa kahoy na tatama sana sa akin.

"Joepette!!"

"Tyra? Miss Tyra, sorry po. Akala ko kasi nasundan ako."  Sabi ni Joepette at binitawan ang pamalong hawak niya.

"Nandito ka rin pala."

"Oo, dinalhan ko ng pagkain si Mang Jun, nagpaalam naman ako kila Nanay pero ang akala nila ay babae ang pupuntahan ko. Mabuti at nandito ka rin, pinayagan ka ni Sir Drammy?"

"Oo." Sagot ko habang inilalabas ang mga pagkaing dala ko. "Ang sabi ko e naiwan ko ang kwintas ko sa Farm kaya ako babalik."

Napansin kong nakatitig si Mang Jun sa kwintas na hawak ko, sinuot ko na rin bago pa tuluyang mamula ang likod ko.

"Ibinigay ba sa iyo 'yan ng Papa mo?" Seryosong tanong ni Mang Jun.

"Hindi ko po nakilala ang Papa ko pero galing po ito kay Nay Shielo, siya po ang nagbigay nito sa akin nung one year na ako."

Napailing si Mang Jun, gusto ko sanang magtanong pero si Joepette . . . dapat wala siyang alam para hindi siya madamay. 

"Ingatan mo 'yan." Sabi ni Mang Jun at nag-umpisa ng kumain.

"Bukas ay aalis na ako pero hayaan ninyo at pupuntahan ko kayo paminsan-minsan, maraming salamat sa lahat ng tulong ninyong dalawa. P'wede na kayong umuwi, baka magtaka na ang pamilya ninyo, baka hinahanap na kayo." 

"Marami po akong gustong malaman pero alam ko pong mag tamang panahon para dun at hindi na po ako makapaghintay. Mag-iingat po kayo." Sabi ko, tumango lang si Mang Jun, patuloy lang siya sa pagkain.

"Aalis na po kami." Paalam ni Joepette, "Uuwi ka na ba Miss Tyra? Hindi ka na ba dederetso sa Farm? Baka magtanong ang Tito mo bukas tapos hindi ka naman nakita ng mga taga-farm."

"Naisip ko nga rin 'yon e kaya dederetso na rin ako. Mauna na ako sa iyo, hindi tayo p'wedeng magsabay." Sabi ko, mabilis akong nagmaneho patungo sa Farm.

"Magandang gabi po Mang Nato."

"Magandang gabi po Miss Tyra."  Bati din ni Mang Nato habang binubuksan ang gate, "Bumalik po kayo, may kailangan po ba kayo?"

"Wala po, may nakalimutan lang po akong gamit doon sa kubo kay ako bumalik."

"Ah gano'n po ba? Samahan ko na po kayo at medyo madilim na."

"H'wag na po Mang Nato, mayroon naman pong solar light, magpahinga na po kayo at ako na lang po ang magsasarado ng gate mamaya."

"Sige po, hihintayin ko lang po ang anak ko, nasa labas po siya at may binibili lang." Sabi ni Mang Nato at natanaw namin pareho si Joepette sa hindi kalayuan sa farm, inaalalayan ang motorsiklo niya.

"‘Tay, naubusan ng gasolina, grabi! Kanina pa ako naglalakad."

"H'wag ka na magsisigaw d'yan at gabi na, bilisan mo d'yan at nandito si Miss Tyra."

"Good evening po Miss Tyra." Bati ni Joepette

"Magandang gabi. Maiwan ko muna kayo, kukunin ko lang 'yong naiwan ko para makauwi na rin ako agad."

"Sige po Miss Tyra, nakita po ba ninyo si Ely?"

Napakunot noo ako sa tanong ni Joepette, Ely? Nandito si Ely?

"Kakarating ko lang." Sagot ko

"Ah baka natutulog na 'yon, wala akong naririnig na tumutugtog e at saka konti lang ang bituin." Napatingala ako, iilang piraso nga lang at mukhang uulan pa.

"‘Tay, tara na. Miss Tyra, ingat po pauwi ha."  

"Salamat." Naglakad na ako papunta sa kubo, lalapit lang naman ako na kunwari may kinuha tapos uuwi na rin ako agad.

“Nasaan ka? Magpakita ka!"

Napahinto ako sa paglalakad, si Ely ba 'yon? Sino'ng kausap niya sa loob?

Napasilip ako sa maliit na butas, wala namang ibang tao, mukhang siya lang mag-isa.

“H'wag! Wala akong kasalanan. . . bitawan mo ako, hindi ako sasama sa 'yo!"

Nananaginip siya!

Bigla kong naalala si Papa at kung paano siya nawala.

Napatakbo ako papasok sa kubo. “H'wag! Mahal kita pero hindi ako sasama! H'wag!!”

"Ely! ELY!!! Gising." Yugyog ko sa balikat niya at bigla siyang bumangon, hingal na hingal, pawis na pawis.

"Ikukuha kita ng tubig." Sabi ko pero hinawakan niya ako sa kamay at niyakap.

Tinapik-tapik ko siya sa balikat at bumitaw siya. "Kukuha lang ako ng tubig, dito ka muna."

Paano kung hindi ako dumating? Baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

"Uminom ka muna."

"Salamat."

"Nanaginip ka?" Dahan-dahan siyang tumango.

"Maraming salamat Miss Tyra." Sabi niya sabay buntong hininga.

"Dapat hindi ka natutulog mag-isa at saka bakit nandito ka? Hindi ka umuwi?"

Umiling siya. "Ako muna kasi ang magbabantay dito sa Farm ninyo at saka may ide-deliver na kambing bukas na umaga."

"Magpasama ka kaya kay Joepette dito. Okay ka na ba?" Napahawak siya sa dibdib niya. "Hangga't maaari ay h'wag kang matulog mag-isa, 'yong Papa ko binangungot, kapag nangyari sa iyo 'yon, paano si Eya? Matatanda na ang Tiyuhin at Tiyahin ninyo, dapat palagi kang  malakas para sa kapatid mo." Sabi ko at lumabas na ng kwarto, balak ko sanang tawagin si Joepette para pasamahan si Ely pero nakasalubong ko siya sa Manggahan.

"Miss Tyra, pauwi na po kayo?"

"Oo sana pero itong kaibigan mo mukhang kailangan ng kasama."

Napangiti na may halong pang-aasar si Joepette.

"Ano na naman 'yang iniisip mo?" Tanong ko sabay hampas sa braso niya, "Binangungot 'yan kanina nung dumating ako, doon mo na nga patulugin sa inyo." Sabi ko

"Hala! ‘Tol, ano? Kumusta ka? Hmm, h'wag mong sabihing hinihila ka na naman ni–"

"Medyo okay na ako." Putol mo Ely sa sinasabi ni Joepette.

"Alis na ako, gabi na. Huyy Ely, magdasal ka bago matulog ha."

Nagtext lang ako kay Tito Drammy na pauwi na ako at pina-andar na ang motor, palabas pa lang ako ng gate nang bigla na lang huminto at ayaw na umandar. Tsk! Walang gasolina.

"Miss Tyra, bakit?"

"Nawalan ng gasolina, malas."

"HAHAHAHAHA!! Na-gaya pa sa motor ko, paano ka na uwi n'yan Tyra?" Tanong ni Joepette, bigla siyang siniko ni Ely.

"Si Miss Tyra 'yan, igalang mo naman." Bulong ni Ely

"‘Tol naman masyadong seryoso, sabi ni MISS TYRA e kapag hindi oras ng trabaho, Tyra na lang daw ang itawag sa kanya, 'di ba Tyra?" Tumango ako.

"Tawagan ko lang saglit si Tito." Sana sagutin ni Tito, sana gising pa siya.

"Tito? Hello po."

"Nasaan ka na?"

"Yun na nga po Tito e, nandito pa lang ako sa may gate ay bigla na lang tumigil, naubusan po pala ng gasolina." Sabi ko sabay buga sa hangin.

"Ay oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa iyo na ko konti na lang ang gasolina n'yan. Puntahan mo na lang si Joepette, magpahatid ka saglit."

"Eh Tito wala ring pong gasolina ang motor nila e, naubusan din po ngayon lang, kakauwi lang din po ni Joepette."

"Si Eleazar, nand'yan siya 'di ba?  Ibigay mo nga sa kanya ang cellphone mo at kakausapin ko."

"Saglit lang po." Iniabot ko kay Ely ang cellphone. "Kakausapin ka raw ni Tito."

"Hello po Sir? Opo, mayro'n naman po. Sige po Sir, ihahatid ko po si Miss Tyra." Sabi ni Ely at tumingin sa akin.

"Tito?"

"Ipinapahatid kita kay Ely, mag-iingat kayo."

"Opo Tito, salamat po." Kinuha ko lang ang bag ko at itinabi ang motor ni Tito sa gilid ng kubo.

"Kaya mo bang magmaneho?" 

"Opo, kaya naman. P'wede po bang uminom muna ako ulit ng tubig?" 

"Sige, hihintayin na lang kita sa labas ng Farm."

Eight thirty na kami umalis ng farm at hindi pa manlang kami nakakalayo ay pumatak na ang ulan.

"Babalik ba tayo sa Farm?"

"Basa na tayo e, kung babalik tayo e wala naman tayong pamalit, deretso na tayo sa bahay. Gusto mo bang ako na lang muna ang magmaneho para mabilis?"

"Ako na lang po Miss Tyra, kaya ko rin naman pong bilisan, mag-iingat na lang po ako at medyo madulas na ang kalsada."

Binilisan ni Ely ang pagmamaneho at sobrang lakas na ng ulan.

"Ihinto mo muna, sumilong muna tayo." Sabi ko at huminto kami sa isang waiting shed, basang basa kami pareho at nilalamig.

Nagulat ako ng bigla siyang maghubad sa harapan ko.

Oh no!

Napatalikod ako.

Umuulan, malakas ang hangin pero biglang nag-init ang pisnge ko.

* End of Chapter 20 *

A/N : Chubbabies 💜 thank you so much! Don't forget to vote and comment, God bless everyone! Keep rockin' 🤘

@gytearah 🎸

Continue Reading

You'll Also Like

47.1K 1.4K 40
As a assassin , Charlotte Vinci is best at kill . Shes a college student , currently studying in Medical field. And in her free time , shes studying...
203K 6.3K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...