Seduced By A Lesbian: Stefanie

By EmilySuperb

5.2K 65 6

❗❗❗ WARNING❗❗❗ 📍 Rated SPG 📍 Not suitable for very young ages 📍 Girl to Girl 📍 Vulgar words More

Prologue
✨ Una ✨
✨ Ikalawa ✨
✨ Ikatlo ✨
✨ Ikaapat ✨

✨ Ikalima ✨

425 9 3
By EmilySuperb


✨✨✨

"Room 135." Sabay na napalingon sa isa't isa ang dalawang bagong bisita ng Anawangin beach resort. Hindi nila alam kung bakit pareho ang binanggit nilang numero ng cottage.



"Excuse me? That's my room." Napataas ang gilid ng labi ni Maris at pinakatitigan ang kausap mula ulo hanggang paa. Psh! Hanggang sa pagbabakasyon niya ba ay kakausap pa rin siya ng englishera?




"But, that's my room!" Inilapag nito ang brochure na ibinigay sa kaniya ng HR. Pabagsak niya itong ipinakita sa harap ng kausap at ng receptionist kung saan nakasulat nga doon ang numero ng kaniyang cottage. Malinaw na sa Room 135 nga ang tutuluyan niya.





"Kaya Miss. Pakibigay na sa akin ang susi." Inilahad nito ang kamay sa harap ng receptionist para makuha ang susi ng cottage. Gusto na rin kasi niyang mahiga at magpahinga dahil galing pa siya sa night shift bago siya bumyhae patungo sa beach na iyon.




"But I have my proof here." Itinapat nito ang screen ng kaniyang mamahalin at bagong modelong cellphone at doon nga nakalagay ang room number niya at parehas na parehas ang numero sa brochure na mayroon siya.




"And this is already paid." Where in, Catrice really paid for that room. Hindi para sa kaniya kundi para sa kanila sana ng bago niyang nobyo. Kinuha lamang niya ang dalawang visitor's pass na iyon para makasama siya sa joiners ng tour na sinalihan ni Catrice at nobyo nito.




Paano'y nakakalat lamang ang visitor's pass sa ibabaw ng bed side table ng matalik na kaibigan. At sakto namang gusto niyang magpakalayo at mapag isa kaya hindi niya na ipinaalam na kukunin niya ang mga iyon.




"Teka Miss, parang may mali yata dito?" Nakasalumbabang tinapunan ng tingin ni Maris ang babaeng receptionist na tila ba nag panic sa pagtaas ng boses ng dalaga sa kaniya.




"Alam mo, Miss. Huwag ka ng magpatalo kasi bayad na nga 'to oh! Hindi katulad nung sa'yo, umaasa lang sa libre ng kumpanya mo!" Umayos ng postura si Maris at tila narindi sa sinabi ng maangas na kausap.




"Excuse me?" Matinis nitong sambit. Nararamdaman niya na ang pag pintig ng ulo niya, bukod kasi sa puyat siya ay malapit na siyang mainis sa mayabang na tomboy na 'to!




"Uhm, please calm down mga ma'am." Ang receptionist na ang nagputol sa masamang titigan nilang dalawa.




"Ichecheck ko lang po dito sa system namin dahil baka nagkaroon lang po ng glitch regarding sa reservation ng mga rooms nila." Kalmado nitong sambit kahit na parang may kaharap siyang dalawang tigre na malapit ng magkagatan.




"Oo miss, paki check ha gusto ko na kasing magpahinga." Sabay irap nito. Hindi naman sana siya magsusungit kung hindi lang siya inaantok at napagod sa mahabang biyahe.




"Anong klaseng pahinga?" Natatawang sambit ni Stef. Mas lalo niya pa itong gustong asarin dahil nakikita niya ang pagkairitable nito. Naaalala niya tuloy si Norien na hilig niyang asarin noon at pagkatapos ay lalambingin niya dahil hindi na siya nito papansinin pagkatapos nitong mapikon.





"Huwag ka ngang sumabat diyan, hindi naman kita kilala." Maris rolled her eyes. Kung maari lang na ingungod niya ito sa buhangin ay kanina pa niya ginawa.





"Sino po si Ms. Catrice?" Matapos icheck ng receptionist ang kanilang system ay mabilis naman niyang binalikan ang dalawa.




"Ah, that's my friend." Tumango naman ang receptionist sa mabilis na sagot ni Stef.





"Kung makaasta ka naman, libre lang naman pala ng kaibigan." Bulong ni Maris sabay irap.





"Lakasan mo kaya, hindi kasi masiyadong marinig." Muli siyang tinawanan ni Stef at napapakagat labi nalang dahil nag eenjoy siya sa pang aasar ngayon.





"Hoy teka teka teka!" Pigil ni Maris nang mapansin niyang kay Stef na iniaabot ng receptionist ang susi ng cottage room.




"So paano ako? Paano yung room ko?" Turo nito sa sarili. Antok na antok na talaga siya.





"Hahanapan nalang kita ng bagong room, ma'am after five hours pag check out nung ibang gues——"




"Ano?" Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ng receptionist.




"Uhm, based po sa system namin, yung room po ay under sa name ni Ms. Catrice. Yung friend po ni ma——"





"Bakit? Sigurado ka bang kaibigan niya yun?" Pagputol muli nito sa sasabihin ng receptionist.





"Ito nga oh, hindi mo ba nakikita? Naka print na dito yung number ng room ko!" Pinanlakihan niya ng mata ang receptionist habang inginungudngod sa mukha ng dalawa ang brochure.




Nakita niya ang biglang pananahimik ng kanina lang ay putak ng putak na kausap niya at pati na rin ang receptionist ay napalunok sa iniasta ni Maris.





"If you don't mind ma'am, you can stay on Room 135. Pupuntahan ko nalang po kayo kapag may vacant room na po." Mahinahong sagot ng receptionist sa kaniya kahit pa pinagtaasan niya ito ng boses.





"Kasama 'to?" Tinuro niya si Stef at saka inirapan.





"Wala namang problema sa akin." Nginisian siya ni Stef na mas ikinaasar nito.





"Don't worry good for two naman po yung na-ireserved na room, for sure wala po kayong magiging problema."





"Thank you, Clara." Binasa lamang nito ang pangalan na naka imprenta sa name plate nito. At kinuha na nga ni Stef ang susi mula sa receptionist at saka magaang dinampian ng halik ang likod ng kamay nito. Namula kaagad ang mukha nito sa ginawa ni Stef at tumawa na may kasamang harot.




Wala namang sabi sabing nilagpasan na lamang ni Stef si Maris na masamang nakatingin na pala sa kanilang dalawa.





"Huwag kang mag alala, wala akong gagawing masama sa'yo sa loob ng cottage room na 'yun." Awtomatiko naman ang pagtaas ng kilay ni Maris.






"As if naman na papatulan kita 'no!" Sinuri niya si Stef mula ulo hanggang paa. Maputi at makinis ang balat nito na halatang anak mayaman. Naka white plain t-shirt ito kaya mas lalong lumitaw ang pagiging mestisa niya.





"As if naman na type kita, 'no!" Stef showed her signature smirked at saka tinalikuran na si Maris para mauna na sa cottage room.

















"Ang galing, good for two pero iisa lang ang kama!" Kumento ni Maris nang matunton nila ni Stef ang cottage na tutuluyan nila. Ibinaba na rin nila parehas ang mga gamit nila.





"First time mo?" Muli siyang pinagtawanan ni Stef.





"Sa kama ako matutulog, dun ka sa sofa!" Itinuro niya ang sofa gamit ang nguso niya at mabilis na tinalon ang kama upang makapag pahinga na siya.





"Wow, baka nakakalimutan mong nakikikwarto ka lang!" Stef crossed her arms as she saw Maris comfortable lying on the bed. Bakas sa mga mata nito ang puyat at pagod mula sa ilang oras na biyahe papunta sa beach resort na iyon.






"Just give me five hours of sleep, at sigurado akong tatawagin naman ako ng receptionist to transfer sa ibang room. Remember may mga mag ccheck out na guest pagtapos ng limang oras." Stef mimicked what she says while doing make face. Maris rolled her eyes. Wala na siyang enerhiya para makipag asaran pa rito.







"AHHHHHHH!" Mabilis na tinakpan ni Maris ang magkabila niyang mata nang bigla na lamang hubarin ni Stef ang white t-shirt niya at lumantad ang katawan nito sa harap ng dalaga. Tanging ang binder na lamang ang naiwang suot niya pang itaas.







"O.A mo naman! Ngayon ka lang ba nakakita ng nakahubad sa harap mo?" Inihagis nito sa dalaga ang kanina lang hawak niyang white tshirt at tumama ito sa mukha niya.







"Pwede ba, takpan mo nga 'yang katawan mo!" Sumilip ng kaunti si Maris sa pagitan ng mga daliri niya. Stef has a broad shoulder, maganda ang pangangatawan nito at may six pack abs pa ito. Mapagkakamalan din talaga siyang tunay na lalaki dahil sa postura nito.







"Mainit, huwag mo na akong pakialaman!" Pasalampak itong naupo sa sofa at isinandal ang likod nito. Ngayon lang din niya naramdaman ang pagod mula sa biyahe.







Hindi na muling sumagot si Maris dahil alam naman niyang hahaba lang ang diskusyon nilang dalawa.







Ano yung amoy na 'yun






Inalis na niya ang pagkakatakip ng kamay niya sa kaniyang mukha at tumambad sa kaniyang dibidb ang t-shirt na inihagis sa kaniya kanina lang. Humahalimuyak ang amoy nito na animo'y binuhusan ng isang litrong pabango.







Sinilip muna ni Maris ang kasama niya, at nakahiga na nga ito sa sofa habang mahimbing na natutulog.







"Hmm. ." Sininghot niya ang tshirt na iyon. Hindi masakit sa ilong ang pabango nito. Iyong amoy na para bang hahabol habulin ng ilong sa sobrang bango nito.







"Hmmm. ." Sininghot niya muli ito. Para bang gusto niya na lamang itong itabi sa kaniya at paulit ulit na amuyin.






"Mabango ba? Galing pang London yung pabango na 'yan." Stef smirked as she heard the sniffing sound of Maris.





"H-Ha? H-Hindi no!" Maris stuttered. Stef silently laughed at bigla niyang kinainis ito.






"Oh, sa'yo na nga 'yan!" Sabay hagis rin nito ng white t-shirt pabalik kay Stef.






"I will just give you five hours of sleep tapos humanap ka na ng room mo."








"Alam ko, huwag mo ng paulit ulitin!" Kung natatanggal lang ang mata kapag umiirap ay baka nalaglag na ang eyeballs ni Maris dahil kanina niya pa iyon ginagawa.






Tinalikuran niya na ito at saka pumikit para makakuha ng maayos na tulog.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...