My CHATMATE, My SOULMATE (boy...

By JAYtheKing

34.3K 967 149

Paano kung ang trip ng isang straight boy ay nauwi sa seryosohan? Paano kung umibig siya sa isang discreet ga... More

Introduction
Chapter 1 - Names and Interest
Chapter 2 - Turmoil Building
Chapter 3 - Chat
Chapter 4 - Bench
Chapter 5 - Good News
Chapter 7 - Accident
Chapter 8 - Hi's
Chapter 9 - Heartbeat
Chapter 10 - First Day
Chapter 11 - Party
Chapter 12 - The Car Accident ^^
Chapter 13 - CarlTian: Part 1
Chapter 14 - CarlTian: Part 2
Chapter 15 - Considered: First Date
Chapter 16 - Their First Text Thread
Chapter 17 - Lipat Bahay
Chapter 18 - Ang Pagtatapat ^^
Chapter 19 - Undercover
Chapter 21 -Papatunayan Ko
Chapter 22 - The Other Admirer
Not An Update But An Announcement

Chapter 6 - The List and his OOTD

1.3K 42 6
By JAYtheKing

Mark POV

                Pagkalabas ko ng Office ni Niccolo ay pumunta ako kaagad sa Office para i-photocopy yung list ng names ng mga nag apply, hindi ko rin kasi pwedeng iuwi ito kelangang ibalik rin to mamaya maya kaya much better nalang na iphotocopy ko to para magkaroon ako ng sariling copy. Pagkatapos kong ma-photocopy ang list ay pumunta na ako sa office cubicle ko para tignan ito for the first time at siyempre para iinspect narin ang list. Babasahin ko palang ay unang pangalan ng biglang may nagsalita sa likod ko.

                "Mark, saan ka ba galling? Hindi mo ba alam na marami tayong gagawin ngayon?" tanong sa akin ni Bryan, workmate ko.

                Agad kong tinago ang photocopied list sa drawer ko at sumagot ako sa kanya.

                "May kinuha lang ako kay Sir Niccolo"

                "Kay Sir Niccolo? Ano naman yun? Yan bang nasa desk mong folder?" tanong niya sa akin.

                "Oo" maikli kong sagot sa kanya

                "Oh Sya Sya! Halika na nagagalit na Head doon"

                "Sige, ililigpit ko lang to"

                "Sige, dalian mo ha?"

                 "Oo naman"

                "Oh sya, una na ako" sabi niya sa akin.

                "Sige sige"

Pagkaalis niya ay inayos ko na ang desk ko at kinuha ang bag ko. At ngayon ay papunta na ako sa conference room. Pagkapasok ko sa conference room ay agad akong binati ni Sir Darwin.

"Uy! Nandito ka nap ala Sir Mark, nandito na ang VIP natin makakapag umpisa na tayo" pabirong bati sa akin ni Sir.

"Sir naman oh" nahihiya kong tugon sa kanya habang umu upo ako sa chair ko. Ngumiti lang sa akin si Sir.

"Okay, now that we are all here, we can start this meeting. This meeting's agenda are the following .............." at nag umpisa na ang meeting. Tinignan ko ang oras alas 10 nag umpisa ang meting

Natapos ang meeting eksaktong alas 2 na ng hapon, apat na oras din kaming nakaupo at nakikinig sa mga diskusyon sa conference room, buti nalang hindi kami nagutuman dahil may food na pinadala ang management. Pagkatapos na pagkatapos ng meeting ay pinagawa na kami kaagad ng mga plano para sa constructions ng mga bagong tower na gagawin para sa pagpapalawak ng area kung saan pwedeng pakinggan ang 104.1 LoveMore Radio. Dire-diretso ang trabaho kungbaga walang pahingahan. Eksaktong alas 5 na nang hapon nung natapos kami sa ginagawa namin, may mga minor adjustments pa kaming gagawin bukas para kunti nalang ang ipabago sa amin pagdating ng presentation sa Monday.

Sa sobrang pagod ay umuwi na ako agad para makapagpahinga at habang nakasakay ako sa jeep naramdaman kong parang hindi ako kompleto parang may nakalimutan ako at kahit na anong gawin kong pagalala ay hindi ko parin maalala kung ano yun. Pagkadating ko ng bahay ay iniisip ko parin kung ano yun pero wala parin, hinahap ko din si Mama sa buong bahay pero wala siya baka may pinuntahan  kaya nagpasya na muna akong kumain ng pang gabihan. Habang kumakain ako ay pumasok si Mama sa pinto. Tinanong ko kaagad siya,

"Ma, saan kayo pumunta?"

"Sa kapitbahay Nak, nangapit-bahay lang wala na kasi ako magawa dito sa bahay"

"Mabuti naman Nay at lumabas kayo para hindi kayo makulong dito at ng magkaroon kayo ng exercise"

"Oo Nak, ano masarap ba yang luto ko?" pangiting tanong ni Mama sa akin habang umupo sa upuan sa kabilang dulo ng mesa.

"Oo naman Ma! You're the best hehe"

"Mabuti naman Anak, at siya nga pala Nak, wala na tayong stock ng pagkain baka pwedeng maggrocery tayo sa Sabado"

"Ganun ba Ma? Sige ma, maghanda na kayo ng listahan ng mga bibilhin natin sa Sabado"

"Naihanda ko narin yan Nak nandun na sa ref nakadikit na"

"Good Mama, girl scout hahaha" biro ko Mama

"Naman! hehe" sabi ni Mama habang tumatayo. At inabot niya ang listahan ng mga pagkain na bibilhin namin sa Sabado.

"Ito ang listahan Nak, magdagdag ka lang dyan kung may kulang ha? Pupunta na muna ako sa sala manunuod"

"Oo Ma"

Habang tinitignan ko ang listahana ay bigla kong naalala yung listahan ng mga nag apply.

"Sh*t!" Napamura ako nung narealize ko na ang kanina ko pang inaalala ay ang listahan. Nakalimutan ko sa desk ko! Ang tanga-tanga mo Mark! Sabi ko sarili ko, sa dami ng pwede mong makalimutan ay yun pa! Naiinis ako sa sarili ko, ngayong gabi ko na sana mauumpisahan ang misyon ko e napurnada pa.

Nawalan na ako ng gana kaya inilagay ko na sa alabado ang hindi ko pa ubos na pagkain. At agad na umakyat sa kwarto baka kasi makita ako ni Mama na badtrip. Sumalampak ako sa kama, Ay nako! Napakatanga mo Mark!Ikaw na ang hari ng katangahan!  Sabi ko sa sarili ko habang inaalog ko ang ulo ko. Tama na nga to, wala na akong magagawa kahit na anong alog ko sa ulo ko ay hindi ko na makukuha yung listahan ngayong gabi bukas nalang!.

Habang nasa kama ay hindi ko maiwasang hindi maisip si "Angel" ko, ang napakanda niyang mata at mapupulang labi, ang sarap niya sigurong halikan. At hindi ko ring maiwasang isipin na sana ay kasama ko siya ngayon dito sa kama ko at kayakap ko siya, napapalibutan ng dalawa kong kamay ang maliit niyang katawan habang nakapaikot naman ang kanyang mga kamay sa leeg ko at nagtitinginan kaming dalawa na punong puno ng pagmamahal. Ang napakaganda niyang mukha ang nakita ko bago ako nakatulog.

***************

Sean POV

                "Good Morning Sean Vincent! Are you ready?"

Masigla kong tanong sa aking sarili dahil ngayong araw na to ay pupunta kami ni Carlo sa LoveMore Radio Station  para sa aming orientation bilang mga bagong DJs, akalain mo yun? Sa wakas! Wooh! DJ na ako! DJ na kaming dalawa ng bestfriend ko!

Sa sobrang excited ko ay alas 6 ng umaga palang kanina ay nagising na ako para makapaghanda na para pagsundo sa akin ni Carlo mamaya ay handa na ako. At siyempre dahil espesyal ang araw na to ay may OOTD ako ngayon, V-neck semi body fit black top, skinny khaki color jeans at black supra at hindi mawawala ang shades. (Author's Note: Sensiya sa OOTD ni Sean im not stylist pero I triny ko haha) 

Tuwang tuwa sa akin si Mama kasi sobrang excited daw ako at ngayon palang daw niya akong nakita punong puno ang happiness at energy ang katawan ko. Sino ba naman ang magiging excited diba? Na sa wakas ay matutupad na ang dream mo, talagang mapupuno ng excitement, happiness at energy ang katawan mo.

"Knock! Knock! Nasaan po ang bestfriend ko?!" sigaw ni Carlo sa labas ng gate ng bahay.

Agad agad akong nagpaalam kay Mama at binukas ang pinto ng bahay.

"Nandito ho!" sigaw ko sa kanya at naglakad papunta ng gate

"Halika na! Alas otso na haha" at binuksan ko  ang gate. Pagkalabas ko ng gate ay binati ako ni Carlo at niyakap ako

"Good morning best"

 "Good morning too best" pangiti kong tugon sa kanya

"Kumusta naman ang OOTD mo ngayon best?" pangiting tanong niya sa akin

"Okay naman hahaha ano? Tara na" sabi ko sa kanya.

"Tara na"

Habang naglalakad papuntang terminal ay huminto siya at tinignan niya ako mula ulo pababa hanggang sa paa

"Infairness best ah! Dalang dala mo yan, ang hot mong tignan rawr!" biro niya sa akin

"Wag ka ngang ganyan best, sige ka babalik ako sa bahay para magpalit!" banta ko sa kanya

"Wag ka ng magpalit best, babalik ka pa nandyan na yung terminal oh" sabay turo niya sa mga nakahilerang mga jeep.

"Wag mo nalang pansinin best"

"Panong hindi ko papansinin best, e isinuot mo yan, Im sure maraming maglalaway sayo dyan Best" sabi niya sa akin, sabay tawa.

"Nye! Nye! Nye! Wala akong naririnig!" pambabaliwala ko sa sinabi niya.

"Halika na kana best sakay ka na, dali!" sabi niya sa akin

"Ayan na"

At umakyat na nga ako sa jeep, iilan palang ang tao sa loob ng jeep kaya pumwesto kami ni Carlo sa pinakadulong part ng jeep para medaling bumaba mamaya pagkapara. Paunti unti na ngang napupuno ang jeep pero kahit na nasa nasa pinakabungad ako ng jeep ay hindi ko tinitignan ang mga umaakyat sa jeep. Puno na ang jeep kaya umandar na ito. Habang umaandar ang jeep,

"Best, best" bulong sa akin ni Carlo

"Ano?" sabi ko sa kanya, habang nakatingin ako sa labas

"Best, may tatlong lalaki na kanina pa nakatingin sayo parang gusto ka nilang kainin" nagulat ako sa sinabi ni Carlo kaya tumingin ako sa kanya.

"Ano? Nababaliw ka lang best, tigilan mo nga ako"

"Uy! Hindi ah! Tignan mo kaya!"

Kaya tumingin ako sa mga sakay ng jeep at may napansin nga akong tatlong lalaki na tingin ng tingin sa akin lahat sila ay nakaupo sa kabilang side ng jeep. Yung isa ay nakaupo sa bandang harap na nakablue shirt, cute siya matangos ang ilong at mukhang matalino. Yung pangalawa ay nakaupo sa bandang gitna na jeep na nakasando, pogi, mukhang nag ggym kasi malaki ang katawan at mestiso. Yung pangatlo naman ay nakablack din na tshirt tulad sa akin at nakaupo sa mismong harap ni Carlo at ang pinakamalapit sa akin, kombinasyon siya ng cute at pogi, chinito, maputi at palangiti. Tuwing natataon na nahuhuli ko silang nakatingin sa akin ay ngumingiti sila at tama nga si Carlo para nila akong kakainin sa mga tingin nila kaya iniiwas ko lang ang tingin ko at inituon ko nalang ang atensyon ko sa labas. Aaminin ko ang nakaka-attract sila pero hindi ako pwedeng makipaglandian haha nasa jeep kami at malay ko ba kung ano intensyon nila sa akin baka mamaya yung sa kama lang, ayoko naman yun, kasi first of all, ayoko yung idea na ang habol lang sayo is sex and second hello? VIRGIN pa ako, wala pang nakakagalaw sa akin and I made a vow na sa lalaking mahal ko lang ibibigay ito.

"Para! Pasuyo po yung bayad, dalawa po kami" sabi ni Carlo

                Tumingin ako sa paligid, nandito na pala kami sa LoveMore hindi ko namalayan nang dahil sa pag iisip kasalanan to ng mga mokong na to e at bago ako bumaba ay napatingin ako kanilang tatlo ay ngumiti sila kaya ngumiti na din ako sign na naglalandi ako hahaha joke lang! kayo naman haha ngumiti ako as a sign na nirerecognize ko sila.

                Pagkababa ng jeep ay pumunta na kami kaagad sa harap ng gate ng LoveMore Building at bago pumasok ay huminga ako ng malalim, Here we come LoveMore!! Cheer ko sa sarili ko habang pahakbang na kami sa loob ng building.

**********

End of Chapter 6

Wrapping this baby up!! Nakakaloka si Mark ano? Sa dami ba naman ng makakalimutan niya yung listahan pa! Sayang ang pagkakataon pero marami pang pagkakataon na darating ;) promise yan, Mark!! Haha

At ito namang si Sean, pinatunayan sa madlang people na yummy siya! Haha may tatlo pang kasakayan niya sa jeep ang naakit niya ng hindi niya namamalayan huh!!  May maaakit pa kaya siya sa buong maghapon? Abangan niyo yan sa susunod na chapter Haha

At sa susunod na chapter, abangan niyo ang orientation nila Sean at Carlo as Djs at may mga surpresa ako sa inyo ;) <3 abangan niyo yan Haha

And this chapter is wrapped up!!

Shoutout ko pala si @BOYTotot hehe the Best ka super! At syiempre, salamat po mga nagread, nagvote at comment sa previous chapters ng story na to :D sobrang natouch po ako :P :) mas gagalingan ko pang magsulat ang dahil sa inyo hihihi  

Vote, Comment and Follow me guys!

And this your Author saying "Napintas nga agmalmalem kanya yu amin" in tagalog "Magandang Araw sa inyong lahat " :D Xoxo

Continue Reading

You'll Also Like

174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
1.7M 72.6K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
53.7K 881 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...