That Nerd Is A Gangster

By Acrania

275K 5.4K 278

Si Kathryn ay babae, malamang. Kaya nga Kathryn 'di ba? But, here's the deal, she's a nerd, but at the same t... More

That Nerd is a Gangster
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Special Chapter 1.1
Special Chapter 1.2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Author's Note
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Epilogue
Afterwords

Chapter 22

4.1K 82 0
By Acrania

Chappter 22



Sue's POV



"Oh, Khalil! Long time no see!"


Nandito siya.


"Julia! Long time no see rin!" Lumingon siya sa akin. "Hi, Sue! It's good to see you again!" Ang hyper niya ata?


"H-hi. Same h-here." Geez. Why so sudden, Khalil?


Nilingon naman ako ni Juls. Tipid na ngumiti lang ako sa kanya.


"Saan kayo pupunta?" tanong niya sa amin


"Ah, bibili lang kami ng pagkain. Teka, bakit ka nandito? 'Di ba nasa Camiguin ka?" sagot ni Juls


"Ah, pwedeng sa labas na tayong mag-usap? Baka nakaka-distorbo na tayo dito sa may pintuan eh," singit ko sa kanilang dalawa.


Umatras naman nang kaunti si Khalil habang kami naman ni Juls ay lumabas na at isinara ang pinto ng kwarto.


"As soon as I heard about Ryn, agad na akong dumiretso rito. Is she alright?"


"Oh. And yes, she is. Sama ka sa amin?" Si Kathryn pa rin talaga ano?

Ano ba, Sue?! 'Wag ka ngang ganyan! Kaibigan mo si Kath.


"Sure. Saan kayo bibili ng pagkain?"


"Sa McDo na nasa tapat ng ospital. Tara na." At umalis na kami with me na nasa likod nilang dalawa.


Masaya lang silang nagkwekwentuhan habang ako rito sa likod nila ay tahimik lang na sumusunod sa kanila. Bakit ba ako nag-volunteer na bumili ng pagkain? Minsan talaga, hindi ko naiintindihan ang sarili ko. Hayy.


I liked Khalil since then. At kapag sinabi kong since then, noon pa talaga, 'yung time na nagkakilala kaming lahat.



-Flashback-



(4 years old)



"Kilala mo ba sila?" tanong ng batang si Miles kay Julia


Umiling ang batang tinanong ni Miles. "Hindi. Sinundan lang nila ako rito."

Kumunot naman ang mga noo ni Miles, Sue, at Kathryn. "Sinundan?" sabay-sabay na tanong nila


"Saan ka galing?" tanong ng batang si Sue


Nandito kasi sila sa harapan ng bahay nina Sue para maglaro. Nasa iisang subdivision lang kasi silang apat.


"Sa playground sa kanto," sagot ni Julia.


"Eh bakit ka nila sinundan?" nakakunot pa rin ang noong tinanong si Julia

Julia just shrugged. "Tanungin niyo sila."


Humarap naman silang apat sa dalawang batang lalaki na nasa likod nila.


"Hi!" panimula ni Miles at kumaway


Ganoon din ang ginawa ng iba. 'Yung dalawang batang lalaki naman ay bumati at kumaway rin sa kanila.


"Bakit niyo ako sinundan?" puno ng kuryosidad na tanong ni Julia


Nagkatinginan naman ang dalawang batang lalaki bago sumagot. "Gusto lang naming makipagkaibigan," nakangiting sagot nung nasa kaliwa. Tumango naman 'yung nasa kanan.


Sila lang kasing dalawang magpinsan ang naglalaro palagi kaya napag-isipan nila na maghanap ng ibang mga kaibigan.


"'Yun lang tapos sinundan niyo pa ako rito?" Tumango naman 'yung dalawa at napatawa nalang 'yung apat na batang babae.


"Sige. Ako nga pala si Julia."


"Ako si Miles! Hi sa inyo!"


"Bago lang ba kayo rito? Ay, ako pala si Kathryn."


"Hi! I'm Sue!"


Tumango naman ang dalawang batang lalaki. "Oo, bago lang kami rito," sagot nung nasa kanan. "Ako nga pala si Diego. Ito namang katabi ko ay si Khalil. Nice to meet you all!"



-End of Flashback-



'Yun 'yun. Simula't sapul, gusto ko na siya. Ewan, hindi ko rin alam kung paano. Maybe, the way he smiled when he answered Julia's question. I don't know.


Oo, alam kong bata pa ako noon pero crush lang naman 'yun eh. At hanggang ngayon nandito pa rin. Pero nalaman kong crush niya pala si Kathryn noong 7 years old na kami kaya itinago ko nalang sa sarili ko.


As much as I wanted to tell everything to him, I just can't. Alam ko namang iba ang gusto niya eh. Iba - meaning, hindi ako. But, why does it have to be Kathryn? Matatanggap ko pa sana kung ibang tao eh, pero si Kathy talaga? Hindi sa ayaw ko kay Kath pero talaga bang hindi ako? Bakit ba hindi nalang ako? Bakit nga ba? May mali ba sa akin? Naman! Walang taong perpekto eh.

Maybe, I should just really accept that he still likes Kath. Na hindi talaga ako ang gusto niya. Na si Kathy talaga. Pero, alam naman nating lahat na mahirap gawin 'di ba? Lalo na at matagal ko na siyang gusto. Hindi ko lang talaga kaya. Ganoon naman talaga 'di ba?



****



"Bakit ang dami naman ata nating pinamiling pagkain?" tanong ni Khalil habang naglalakad kami pabalik sa kwarto ni Kath


"Hindi ba obvious na maraming taong kakain?" pangbabara ni Juls


"Marami?"


Tumango kaming dalawa ni Juls.


"Sino ba kasi ang nasa loob ng kwarto niya?"


"Mga kaibigan niya."


"Okay. Teka, nasa loob ba si ate Jamilla?"


Tumango ulit kami ni Juls.


"Ano?!"


"Hahahaha!"


Na-trauma kay ate Jamilla eh. Paano ba naman kasi noon, nung nakita ni ate Jamilla si Khalil ay pinisil niya nang pagkalakas-lakas ang mga pisngi ni Khalil dahil ang cute niya raw. Hahaha! We were, I think, 6 years old that time. Ewan ko lang ngayon.


Natatawa talaga kami kapag nababanggit namin ang pangalan ni ate Jamilla tapos kasama namin siya. He's epic! Takot na takot kasi siya sa kanya. Hahahaha!


"Oh come on, Khalil. Hindi na niya 'yun gagawin sa'yo 'no!" natatawang sabi ni Juls


"Right," sabi niya with full of sarcasm.


"Sabihin mo lang kung gusto mong mag-back-out muna sa pagbibisita kay Kath dahil nandoon si ate Jamilla," sabi ko. And I swear, I regret na sinabi ko 'yun.


"Nah. I'll still visit her kahit na nandiyan si ate Jamilla. 'Wag niya lang sana pisilin ulit ang mga pisngi ko. Ang sakit pa naman nun!"


Tumawa naman si Julia sa sinabi ni Khalil. Tinignan niya ako saglit. Ngumiti lang ako sa kanya.


He'll still visit her, huh? Hindi ko nalang sana sinabi 'yun. Ang masokista ko ata. Hahaha.



****



Julia's POV



"Nandito na ang pagkain!" sigaw ko pagkapasok na pagkapasok  namin sa loob


Agad naman silang lumingon sa akin at sinenyasan na tumahimik except kay ate Jamilla at Kats na seryoso na seryoso. Luh? Anyare sa kanila?


"Huy! Anong nangyayari sa inyo?" Masyado kasi silang seryoso eh.


Sinenyasan naman ulit nila ako na tumahimik. Itinuro ni Miles si Kath pagkatapos ay 'yung nasa gitna nila. Gets ko 'yung kay Kath pero 'yung sa gitna nila, hindi. Ano ba 'yun?


Dahil nalilito ako ay lumapit ako sa kanila. Pagkalapit na pagkalapit ko sa kanila ay tumambad sa akin ang isang chess board. Saan 'yan nanggaling?

Inilapag ko ang dala kong mga pagkain sa isang mesa. Nakita ko naman na ganoon din ang ginawa nung dalawa. Lumapit ako kay Miles at kinalabit siya. "Bakit ang seryoso niyo ata?"


Lumingon siya sa akin. "Naglalaro kasi sila ng chess."


Kumunot naman ang noo ko doon. Kapag naglaro ng chess, kailangan ganyan ka-seryoso? International competition na ba ito?


"Eh bakit ganyan ka-seryoso? International competition ba 'yan? At, saan ba galing 'yang board?" Hinila naman ako ni Miles papalayo sa iba.


"Ganito kasi 'yan. Nagkaasaran kasi kanina sina ate Jamilla at Kats. Dahil sa hindi naman sila matapos-tapos, nag-suggest si Seth na maglaro nalang sila ng chess but with a twist."


"Chess with a twist? Ano namang twist 'yun?"


Tumango naman si Miles. "Oo. Kapag si ate Jamilla ang mananalo, gagawin ni Kats lahat ng gustong ipagawa niya kahit na aalis na siya bukas. Kapag si Kats naman ang nanalo, ganoon din ang gagawin ni ate Jamilla, suaundin niya lahat ng ipapagawa ni Kats sa kanya."


What? Aalis na si ate Jamilla bukas ah?


"'Di ba aalis na si ate Jam bukas?"


Tumango si Miles.


"Kung mananalo si Kats, paano siya makakasigurado na gagawin nga ni ate Jamilla 'yung gusto niyang ipagawa? Kilala mo naman si ate Jamilla 'di ba? Topakin. Tapos ganoon din kay ate Jamilla. Paano niya malalaman na gagawin nga ni Kats?"


Napaisip naman siya dun. "Ewan. Teka nga, 'wag mo na nga silang problemahin. Problema na nila 'yun 'no! Tara na." At hinila niya ako pabalik sa iba.


Makalipas ang ilan pang minuto ng paglalaro nina ate Jamilla at Kats ng chess ay may nanalo na rin.


"'Yan tatanga-tanga kasi," sabi ni ate Jamilla at tumawa na parang demonyo.


"Ano? Nandaya ka!" sigaw naman ni Kats


"Hindi ah," nakangising sagot ni ate Jam.


"Hindi! Nandaya ka nga!" pagpupumilit ni Kats


"Hindi nga sabi eh."


"Nandaya!"


"Hindi."


"Nandaya!"


"Hindi."


"Nandaya!"


"Hindi nga sabi eh!"


"Nandaya ka nga!"


"Hindi nga!"


"Nan - "


"Titigil naman pala eh," sabi ni Daniel kay Kats. Paanong hindi titigil si Kats kung nilagyan nila ng pandesal ang bibig niya? Hahaha!


Napatawa naman kaming lahat na nasa loob.


"Alam niyo, 'wag niyo nang ituloy 'yang kasunduan niyo," suggestion ko sa kanila.


"At bakit naman, Juls?" tanong ni ate Jam


"Aalis ka na bukas 'di ba? Paano mo malalaman kung gagawin nga ni Kats an ipagagawa mo?" Tumango naman 'yung iba tapos siya naman ay nag-isip.


"Aalis ka na bukas?" tanong ni Khalil na nasa tabi ni Sue


Hay, Sue.


Napalingon naman agad si ate Jamilla sa direksyon ni Khalil. "Khalil?"


"Oh no. Wrong move." Pfft.


"Bro!" sabi naman ni Diego


"Oh my gosh! Ikaw nga, Khalil!" sabi ni ate Jamilla at tumakbo papunta sa direksyon ni Khalil.


Nanlaki naman ang mga mata ni Khalil. Tumakbo siya sa may pinto at bago siya tuluyang umalis ay nagpaalam muna siya sa amin at kay Kath. Pagkatapos nun ay kumaripas na siya ng takbo palabas ng kwarto.


"Khalil!" Habang sinusundan siya ni ate Jamilla. Hayy.


Hahahahaha!


"Now, what was that? Hahahaha!"


"Hahaha! Kumain na nga lang tayo! Pfft. Hahaha!"



****



Daniel's POV



"Sino 'yung tumakbo palabas kanina?" tanong ko kay Julia


Tapos na kaming kumain pero nandito pa rin kami at tumatambay sa hospital room ni Kathryn kahit gabi na.


Tumawa naman ulit si Julia. "'Yun ba? Si Khalil 'yun, kaibigan namin siya noon pa at pinsan ni Diego."


"Ahh."


"Teka, hindi pa ba babalik si ate Jamilla?" tanong bigla ni Seth


"Hayaan mo na 'yun. Matanda na 'yun eh," sabi naman ni Miles.



*tok* *tok* *tok*



"Ako na magbubukas," offer ni Sue bago tumayo para pagbuksan ang tao na nasa likod ng pinto.


"How's the patient doing?" rinig kong tanong ng isang lalaki kaya lumingon ako


Err, Gary?


"She's doing well, doc Gary," sabi ni—whoah—ate Jamilla na sumulpot out of nowhere.


Magpinsan ba talaga silang dalawa ni Kath? I highly doubt it. It's impossible. Pero teka, doc Gary raw?


Tinignan ko ulit 'yung doktor. That's him!


"Hey, Gary!" bati ko sa kanya


Lumingon siya sa akin at tinignan ako. Nalilito ata kung sino ako.


"Daniel!" sabi niya after a couple of seconds


"It's good to see you again."


"You've grown!"


"Yeah. I should. It's been years."


"Magkakilala kayo?" tanong ni ate Jamilla kaya napalingon kami sa kanya

Nakita ko naman na nanlaki ang mga mata niya. "D-Dynn."


"Dynn? Nagkakamali ka ata, doc. I'm Jamilla. Jamilla Perez," nalilitong sabi ni ate Jamilla.


"N-no. You're, Dynn."


Napahawak naman si ate Jamilla sa ulo niya. Lumapit naman sina Julia kay ate Jamilla at inalalayan siya. "Okay ka lang, ate Jamilla?" Tumango naman sa kanya si ate Jamilla.


Lumingon si Julia kay Gary. "Uhh, doc. Nagkakamali ka po ata. Siya po si Jamilla, pinsan ni Kathryn, your patient."


Nagkaroon ng katahimikan sa loob ng kwarto. Err, awkward.


Tumikhim si Miles. "Uhm, doc. Kailan po ba gigising si Kath?"


Napaayos naman ng tayo si Gary at tumikhim bago humarap kay Miles. "'Yan ang hindi ako sigurado pero ang pinakamatagal ay 2 weeks."


"From now, doc?"


"You can say that."


Tumango naman kaming lahat. Bakit ang tagal?


"I'll just check the patient." At lumapit na siya kay Kathryn.



****



"Anong nangyari sa kanya?"


"Hindi ko alam, Gary."


"She's dead, right?"


"Yes, she is."


"Then, ano 'yun? Replica ni Dynn?"


"Hindi ko alam, Gary. Nagulat nga rin ako nung nakita ko siya rito noong isang araw. Pati sina mama at papa."


He sighed.


Nandito kami ni Gary sa labas ng hospital room ng pasyente niya na si Kathryn. Mag-usap daw kami eh.


"May kambal ba siya?"


"Wala."


"Then, how come?"


"Hindi ko nga alam 'di ba? Paulit-ulit?"


Napa-buntong-hininga nanaman siya at tinignan ang relo niya.


"Gustuhin ko pa mang makipag-usap sa'yo nang mas matagal, Jay, aalis na muna ako. May iba pa kasi akong pasyente. Usap nalang tayo sa susunod. Hindi naman to ang huli mong pagbisita sa pasyente ko, tama?" sabi ni and wiggled his brows in his last sentence


Binatukan ko naman siya. "Malisyoso."


"Yeah, yeah. Just send my regards to tita and tito, okay? Sige, una na ako," sabi niya and patted my shoulders before leaving.


Grabe, nakilala ko pa siya kahit ilang taon na ang lumipas. At hindi ko inaakala na makikilala niya pa rin ako.


Gary Javier. Siya ang boyfriend ni ate bago siya namatay. Alam kong mahal na mahal niya si ate at ganoon din si ate sa kanya kaya nga lang, that happened. She died.


Hindi pa rin siguro 'yun nawawala hanggang ngayon kaya ganoon nalang ang naging reaksyon niya nang makita niya si ate Jamilla na kamukhang-kamukha ni ate Dannica Ynna.



****



"Mauna na kami, Julia," pagpapaalam ni Seth.


"Sige, mag-ingat kayo. Bisita ulit kayo ah?"


"Pakisabi na rin kay ate Jamilla na nauna na kami."


"Noted."


"Bye, girls," sabay-sabay na sabi naming lima at lumabas na ng kwarto.


"This day sure is long," sabi ni Seth at nag-unat.


"Sinabi mo pa," sabi naman ni Lester.


"Mabuti nalang at hindi na itinuloy ni ate Jamilla 'yung naging kasunduan namin!"


"Hahaha! Kats, talo ka ng babae!" tumatawang sabi ni JC


Binatukan naman ni Kats si JC. "U***!"


"Alam niyo ba kung nasaan si Ms. Santiago?" out of nowhere na tanong ko sa kanila


Napalingon naman agad sina JC, Kats, at Lester sa akin. Napatingin ako kay sa na nanigas sa pwesto niya.


"Okay ka lang, Seth?"


"O-okay lang ako. Tara na." At nauna na siyang maglakad.


Anong nangyari dun?


"Uyyy! Hinahanap niya si Ms. Santiago! Love na ba ito?" pang-aasar ni Kats na sinabayan pa niya ng sundot sa tagiliran ko


Binatukan ko naman siya. "Baliw," sabi ko at umiling.


"Pag-ibig agad? 'Di ba pwedeng may dare pa akong tatapusin?" Ngumisi lang si Kats.


"Speaking of, bakit hindi ko na siya nakikita sa school?" tanong naman ni Lester


"Hindi niyo ba napansin kanina?" biglang tanong ni JC


"Ang alin?"


"Si Kathryn."


"Anong meron sa kanya?" tanong naman ni Lester


"Parang may kamukha siya..." He trailed off.


"At sino naman 'yan, JC?"


"Sandali."


Napahinto kami sa paglalakad nang huminto si JC. Teka, asan na si Seth?


"Ah! Ang Ms. Santiago mo."


Ha?


Continue Reading

You'll Also Like

103K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
108K 2.2K 7
This story is about Shiori and Kylie's friend who disappeared 2 years ago. But it was reported that their friend was found dead. They feel anger and...
63.6K 1.9K 33
"A gate straight to hell" Mysterious motto from a school right Four girls who decided to just have fun Four girls who just followed the...
258K 6K 79
Mary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have ev...