Golden Amora [COMPLETED]

By binibining_bisaya

833 198 2

Golden is a twenty-three-year-old woman who's dealing with a neurological disorder called prosopagnosia, whic... More

Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI

Kabanata VI

40 10 0
By binibining_bisaya

Sino ba naman ang hindi mabibighani sa lugar na ito? Puno nang kulay at buhay. Preskong hangin at magandang tanawin. Tirik na ang araw ngunit mas nananaig ang malamig na simoy ng hangin kaya hindi ito masakit sa balat.

Unti-unti nang nagsialisan ang mga trabahador at nagtungo sa isang napakalaking pook kung saan panigurado sila namamahinga. Second floor ito at simple lamang.

Habang naglalakad ako sa bandang mga bulaklak ay may tumawag sa akin.

"Golden?" Boses iyon ni uncle Rodulfo kaya mabilis ko siyang nilingon. "Bakit naparito ka?" takhang tanong nito.

"Gusto ko lang pong mamasyal, uncle."

"Si Don Diego? Tapos ka na ba sa mga gawain mo sa loob? Hindi ka maaaring pumarito. Istriktong pinagbabawal iyon ng Don Tadeo."

Nagtataka naman akong tiningnan siya. "Istriktong pinagbabawal? Bakit naman po? 'Yong ibang sirvientas ay pwedeng pumarito tapos ako ay pinagbabawalan? Ang unfair, saka nakausap ko pa lang siya kanina, ang bait niya nga eh." Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumunod naman siya. Haisst, ang ganda talaga rito.

"Hindi mo naiintindihan ang sistema rito, Golden. Bumalik ka na bago ka pa makita ng hacendado," may banta ang kaniyang boses ngunit hindi ko siya pinakinggan.

"Alam kong nagtungo siya rito at alam kong nandito lang si Don Tadeo. Uncle Rodulfo, pwede naman kayong magkuwento tungkol sa lugar na ito eh. Kung paanong naging ganito kayaman ang hacienda." Balak ko talagang malaman ang kasaysayan nito at malalaman ko lang iyon kapag may nagkukwento.

"Isa sa pinakamahigpit na pinagbabawal ang pag-ukit sa kasaysayan nito, Golden. Maaari namin iyong ikamatay kaya hangga't maaari, huwag kang magpapaniwala sa kung ano lang ang nakikita mo," makahulugan niyang sabi dahilan upang medyo kilabutan ako. "Always remember that what you see have an untold story you wouldn't like to discover."

"Gusto ko pa ring malaman." Huminto ako at hinarap si uncle. "Mas gugustuhin ko pa ring mabuhay sa mapait na reyalidad kumpara sa matamis na kasinungalingan. Mas natututo kang magpakatatag at hindi sa pagiging marupok."

"Kung gusto mong maging ligtas ang lola Lolita mo, huwag mo nang susubukan pa." Paano naman naisali ang kaligtasan ng lola ko rito? Gaano ba kabigat ang tinatago ng hacienda na 'to?

"Uncle Rodulfo, hindi na ako natutuwa sa mga pinagsasabi mo. Hindi ko alam kung bakit pa ako napadpad sa lugar na ito. Ano ba ang papel ko rito? Hindi ko pa rin kasi maintindihan hanggang ngayon eh, bakit kailangan ko pang pumunta rito para pagsilbihan ang alien na iyon at iwanan ang lola ko dahil lang sa pesteng pangyayaring hindi ko naman sinasadya? Dahil ba mas makapangyarihan ang taong iyon kaya ang dali niyong sabihin na dalhin ako rito at pagbantaan ang buhay ng lola ko para lang mapapayag niyo ako?" Tinuro ko ang sarili ko. Hindi ko na mapigilang hindi magtaas ng boses sa kaniya. Hindi ko rin namalayang naiyak na pala ako.

"Hindi ko kayang sagutin iyan. Ang mas mabuti pa ay bumalik ka na sa mansion. Hindi ka pwedeng makita ni Don Tadeo rito, pakiusap."

"Bakit? Ano ba ang mangyayari sa akin? Papatayin ba ako—"

"Golden, makinig ka na lang. Bawal ka rito." Madiin niyang hinawakan ang magkabilang braso ko at bahagyang niyugyog. Saka pa lamang ako nakaramdam ng takot kaya dali-dali na akong tumakbo sa loob ng mansion habang umiiyak. Kasalanan ko bang soft hearted ako?

"Hermosa, you are crying again?" Bumungad kaagad sa akin si Señorito Joaquin. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng 'hermosa', ni hindi ko nga maintindihan kung ano ang kahulugan nun. "Anyway, wear this, Hermosa." Pinasuot niya sa akin ang pares ng sapatos kong binato ko kanina kay Don Diego.

"No te atrevas a llamarla 'hermosa'." (Don't you dare call her 'beautiful'.) Pareho kaming napalingon kay alien na nakasandal sa hawakan ng hagdan nang bigla itong magsalita.

Mabilis ko namang pinahiran ang mga luha ko. May iilang sirvientas ang nakatingin sa amin ngunit agad ding binalik ang atensiyon sa trabaho nang biglang sumulpot si M. Madel mula sa hindi kalayuan sapat upang hindi nito marinig ang pag-uusap ng dalawa.

"Por qué no? Ella es realmente hermosa." (Why not? She is really beautiful.) Nagpalipat-lipat ang tingin ni Señorito Joaquin sa akin at Don Diego. Mukhang nanunukso ang kaniyang boses. Wala man lang akong naiintindihan at baka magdurugo na naman itong ilong ko kaya napagpasyahan kong aalis na lang ngunit ilang hakbang lamang ang aking nagawa nang magtaas ng boses si Don Diego at tinuro ako.

"Simplemente no lo hagas! Soy dueño de esa mujer!" (Just don't do it! I own that woman!)

"Celoso ya?" (Jealous already?) "You own no woman on Earth even if you and her are married. Woman is not a thing to be owned but a human being to be respected."

Bakit ba ganiyan ang nasasabi ni Señorito Joaquin? Ano ba ang pinag-uusapan nila?

"I understand nothing. Wala akong balak na panoorin kayong dalawa habang nagsasagutan kaya aalis na ako."

"Wait, it's almost 2 o'clock. Let's have a lunch together, is that okay for you?" pag-aya sa akin ng señorito.

"Cállate, hermano mayor Joaquín!" (Shut up, kuya Joaquin!) Lumapit sa akin si Don Diego at hinawakan ng mahigpit ang bandang pulso ko saka hinila patungong kuwarto nito. Sinubukan kong magpumiglas ngunit mas malakas siya. "Stay in here!" Bahagya niya akong tinulak sa sofa kaya napaupo ako.

"Ano ba'ng problema mo?!" I was about to stood up when he suddenly hit the vase in front of the sofa where I am currently sitting.

"Cállate!"

"Baliw ka ba? Bakit mo binasag?! Kung sinusumpong ka ng saltik, huwag ka namang magbasag!" Tumayo ako at akmang liligpitin ito.

"Don't you dare come near to my hermano!" sigaw niya kaya napalingon ako sa kaniya.

"Puro ka na lang sigaw! Hindi ka ba napapaos sa pinaggagawa mo? Isa pa, bakit hindi ako pwedeng lumapit sa kapatid mo? Eh mas mabait iyon kumpara sa isang alien na katulad mo." Psh.

"Why can't I understand the language you used? But when you speak, my heart beats…" Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin kaya napapaatras ako. "With annoyance," dagdag nito. Ay, peste. "So speak in English starting today, either you want to or not, or else…" Binulong niya sa aking kung ano ang sinabi niya kanina dahilan kung bakit ako napapasunod dito.

I pushed him away while he just laughing. "I quit! Uuwi na ako sa amin!"

"You can't go home." Biglang pumasok si Señorito Joaquin sa kuwarto ni Don Diego. "You will stay here not only for a month but for months. You will not leaving here unless you have permission to go."

"Nagpapatawa ba kayo? Isang buwan lang ang sinabi ng alien na ito! Paanong mananatili ako rito nang higit pa sa isang buwan?" Pagak akong napatawa sa sinabi niya. Mababaliw na ata ako sa takbo ng mga utak nila. Binabawi ko na rin ang sinasabi kong nagugustuhan ko na ang lugar na ito. Hindi ito paraiso… isa itong impyerno.

"This is not the right time to tackle about it. Let us just enjoy, hermosa. Shall we eat?" Alam kong napangiti ito at inabot ang kaniyang kamay ngunit tiningnan ko lamang ito.

"Kung wala kayong balak sabihin sa akin ang totoo, mabuting huwag niyo na lang din akong kakausapin at pabayaan na lamang akong magtrabaho rito." Nawawalan na ako ng pag-asa kaya mas mabuti ngang ganito na lang ang gagawin ko.

"Deal," tipid na tugon ng señorito at tinago ang mga kamay nito sa kaniyang likuran.

Gutom na ako. Ibig sabihin ay oras na upang mananghalian ngunit ang sabi niya ay hindi na ako nabibilang sa quarter. Kung ganoon, saan naman na ako kakain o matutulog?

Kakaiba pa naman ang oras nila kapag tanghalian. Alas dos na.

"Ngunit sa amin ka sasabay tuwing oras na ng pagkain." Nabasa niya ata ang nasa utak ko pero kung iisipin, naiiba ang trato nila sa akin. Ang Xavier ay Xavier, ang katulong ay katulong lamang. "You and you, follow on me."

"Kailangan ko pang linisin itong kalat." Nakatalikod na silang pareho ngunit napahinto rin nang magsalita ako. Kailangan kong ligpitin itong mga bubog.

"You will not going to clean that mess. Let's go, hermosa." Siya na mismo ang humila sa akin. Napatingin ako sa kamay niya ngunit pareho kaming napatigil nang hinawakan din ni Diego ang isang kamay ko bandang pulso.

"Ano ito?" tanong ko ngunit hindi sila sumagot. Pareho lang itong nagtinginan. Hindi ko pa rin talaga alam kung ano ang kanilang mga itsura pero may teorya ako. Itong señorito ay mukhang nakangiti samantalang itong alien, mukhang kakain ng buhay. Ewan, iyon talaga ang naiisip kong ekspresyon ng mga pagmumukha nila. "Bitawan niyo nga ako! Marunong naman akong maglakad nang hindi hinahawakan." Binawi ko ang aking mga kamay ngunit ayaw talaga nilang bitawan.

"Fine." Naunang lumabas ng kuwarto si Señorito Joaquin matapos akong bitawan at sumunod naman itong si Don Diego na ngayon ay nakabitaw na rin sa akin. Naiwan akong mag-isa ngunit sumunod na lang din sa kanilang pareho patungong Xavier dining area. Pagdating namin doon ay mayroon nang nakaupo, si Don Tadeo. May katatapos lang din na naglapag ng pagkain sa mesa.

"Casi llegas tarde.Siéntate." (You're almost late. Sit down.) Sumenyas itong maupo kami kaya hindi ko na siya pinaulit pa kahit nahihiya na ako. Hindi ako bagay rito. "Buen provecho, hijos y Golden," sabi niya bago kumain.

Ang pagkakaalam ko ay hindi sisimulan ang pagkain ng mga Spaniard kapag hindi kumpleto ang mga taong uupo kaharap ng hapag. At hindi rin kakain ang sinuman kapag hindi ito inunahan ng Don.

"He said, 'enjoy your meal'," ani señorito at ngiti lamang ang naging tugon ko. "Buen provecho."

"Buen provecho," ani Don Diego.

"B-Buen provecho." Utal kong paggaya sa salita nila.

Spaniards always say that words at their breakfast, lunch, and dinner, wether with family or have their guest. The host must say it before having meal but since Señorito Joaquin and Don Diego also says it, gumaya na rin ako. It is a dining etiquette.

Nagsimula na silang kumain kaya sumubo na rin ako ngunit hindi ko maiwasang hindi magtaka.

Ang sabi ni M. Madel ay babalik lamang ang mga señoritos kapag nahanap na nila ang babaeng pakakasalan nila. Nakahanap na kaya itong si Señorito Joaquin? Mukhang hindi niya pa dinadala rito ang babae dahil wala naman akong nakikitang babaeng kasa-kasama nito.

Isa pa, hindi pa rin nakabalik itong si Señorito Inigo. Hindi bale na nga.

May mga pag-uusap ng mag-ama na hindi ko maintindihan. Alien talk este Spanish language kasi ang ginagamit ng mga ito. Masyado nang nakaka-out of place at ang awkward ng nararamdaman ko kaya nagmadali na ako sa pagkain.

Ilang minuto lang ay naubos ko na ito kaya tumayo na ako.

"Leave it here." Akmang dadalhin ko na sana ang pinagkainan ko sa kitchen nang suwayin ako ni Don Tadeo dahilan upang mapalingon sa akin ang dalawang anak nito. "Let's have a toss of wine first." Ito rin ang nakaugalian ng mga taong katulad nila. Matapos kumain ay mag-iinom pa sila, alak man o wine lamang.

"Hindi po ako umiinom ng kahit na ano maliban sa soft drinks at tubig," paliwanag ko at bahagya naman siyang natawa.

"Wala pang tumatanggi sa akin pagdating dito. It's just a wine, iha. Tikman mo." Inabot nito sa akin ang isang wine glass na may kulay damong likido.

"It's delicious, hermosa," pagkumbinsi ng señorito.

"Tsk." Kahit kailan talaga may saltik itong isa.

Ininom ko na ito. Ang inaasahan kong lasa ay matamis ngunit ito ay hindi. It is almost complete lack of sweetness. The wine also has a pronounced acidity, making it a very crisp and dry but refreshing, very fruity wine with dominant flavors of lime and a grassy herbal flavor.

"Masarap."

"I told you! Cheers!"

Matapos ang sandaling iyon ay ako na ang nagpresentang magligpit. Umalis na si Don Tadeo patungong hacienda at nagpaalam na rin si Señorito Joaquin na aalis siya at mangangabayo muna. Gusto ko sanang sumama pero alam kong malabo iyon kaya hindi na ako nananahimik na lamang ako. Samantalang itong alien? Heto nakatayo sa likuran ko at kanina pa ako pinagmamasdan habang nagpupunas ng mesa.

"Bakit hindi ka pa umaali—"

"English!" Ayan na naman ang pagtaas niya ng boses. Hindi naman ako bingi.

"Can't you just leave?" I really hate my accent, tsk.

"I'm waiting for you. I know you also want to ride horses so I'll take you with me." Napansin niya pala na gustung-gusto ko talagang mangabayo nang nagpaalam ang señorito. Kahit papaano ay may kabaitan din pala itong alien na 'to.

Hinarap ko siya. "Talaga?!" Halos mayakap ko na siya dahil sa tuwa kaya umatras ito ng kaunti na para bang nandidiri. Bahala siya basta masaya lang ako. "Teka, tatapusin ko lang ito." Para na akong nakikipagkarera sa bilis ng paglilinis ko.

"It's not obvious that you are excited," sarkastikong anito ngunit hindi ko siya pinansin.

Nang matapos na akong maglinis ay nauna na akong nagtatakbo pauntang labas ng mansion. Grabe, may mga kabayo na agad na nag-aabang.

"Hi, Golden!" Mukhang ito ang lalaking nakasabay ko noon papunta sa hacienda.

"Hello!" Ngumiti ako. "Hi, puti! Kumusta?" Nagagalak kong bati kay puting kabayo, ito 'yong kabayo na kapag nasisipa ay nagtatakbo nang mabilis na siyang sinasakyan ko noon.

"Hindi si puti iyan, his name is Terry." Taray, may pangalan pala talaga ito.

"Terry, ang cute."

"Are we going to leave or are you just going to talk to here?" Hindi ko namalayang nakasakay na pala itong si Don Diego at naka-cowboy hat at cowboy boots na rin. Naks, ang pogi ng kaniyang dating. "Woman, faster!" Napasakay ako kaagad kay Terry matapos kong isuot ang cowgirl boots at cowgirl hat. I think, I am looking cute with this attire.

"It's nice to ride with you again, Terry." Hinaplos ko ang bandang batok ng kabayo saka nagsimulang ibuwelo ang kaniyang tali dahilan upang magsimula na siyang maglakad.

"Ew. Stop that, woman. It seems like you are riding a guy instead of a horse."

O_O

"Bastos!"

"Pikon." He chuckled and ride his horse fastly.

Wait, nagta-Tagalog siya? First time ko siyang marinig na magsalita ng Tagalog.

Sinipa ko ang tagiliran ni Terry gaya ng ginagawa ko sa kaniya upang mas mabilis itong tumakbo. Well, ganoon nga ang ginawa niya.

Nauuna si Don Diego sa akin ngunit pareho na kaming nakalampas ng fountain at maya-maya pa'y nasa damuhan na kami o ang entrance ng hacienda.

Nagtaka man sa biglaang paglihis ng daan ni Don Diego ay sinundan ko siya. Pakaliwa ang direksiyon namin at mas mabundok ang damuhang tinatahak. Psh.

Nagpalinga-linga ako at natanaw ko mula sa malayo ang isang nangangabayong lalaki, si Señorito Joaquin. Magkaiba ang direksiyong tinatahak namin kaya malabong makita niya kami ni Don Diego.

"Wow…" tanging bulong ko.

Isang talon ang tumambad sa akin. Hindi ko alam na may talon pala sa likuran ng mabundok na damuhan. Sobrang linaw ng tubig at kitang-kita ang mga bato sa ilalim nito. Rumaragasa ang tubig na magkasing-taas lamang ng isang matayog na coconut tree kung ikukumpara ngunit walang mga puno ng niyog dito at purong damo lang din.

Hindi siya ganoon kalaki ngunit hindi rin ganoon kaliit. Ang ganda. Gusto ko tuloy magbabad o maligo man lamang.

"Do you like it?" Tumango ako at bumaba kay Terry gaya ng ginawa niya sa kabayo nito. Umupo ito sa kaharap ng talon at ganoon din ang ginawa ko. "I love to be here." Hindi ako nagsalita, gusto ko lang makinig sa kaniya. Mukhang nasasanay na rin siya sa Ingles. "Whenever I am sad, hurt, jealous, and down, nature is my favorite stress reliever." His sad voice makes my heart feel unfamiliar beating.

He's here because he is probably not okay.

"You can express it, I'll lend my ears."

"I am fine, thank you."

Hindi ako naniniwala. Alam kong malungkot siya. Bakit ganito itong puso ko? Parang nagwawala at alam kong hindi normal ang tibok nito.

Hindi ko maipaliwanag pero komportable ako habang katabi siya kaharap ng napakagandang tanawin.

END OF CHAPTER SIX

Continue Reading

You'll Also Like

4K 74 10
This ship is underrated and needs for Fanfics of it
2.1K 311 24
COMPLETE/UNEDITED!! Ever since they were kids, they're parents already engaged them. They always fought when they were young not until they see each...
616K 32.7K 20
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
12.5K 574 35
Have you ever left someone you love without saying any proper goodbyes because of your life goals? And then one day, the both of you met each other a...