Kabanata VII

37 9 0
                                    

"Saan kayo nanggaling?" Uncle Rodulfo asked. Nagbalik na kami ng mansion at naunang pumasok si Don Diego at bumungad naman itong si uncle pagkababa ko mismo sa kabayo.

"Sa talon po—"

"Bakit ka sumama? Bawal ka ngang lumabas, Golden." Maingat ito sa kaniyang mga salita dahil nang may taong kinuha ang mga kabayo ay napapatahimik ito. "Paano kapag nakita ka ng hacendado? Makinig ka naman, pakiusap."

"Anak ng hacendado ang nag-aya sa akin, uncle Rodulfo, kaya wala po kayong dapat ipag-alala. Pwede ko namang sabihin na si Don Diego ang kasama ko at paniguradong hindi siya magagalit," kumbinsi ko sa kaniya.

He held my right elbow and we partly walked. "Kailan mo pa ba balak sundin ako? Hindi ka maaaring lumabas ng mansion. Manatili ka sa mansion ng Xavier at huwag na huwag magtutungo sa lugar naming mga trabahador."

Iniwakli ko ang kaniyang kamay at bahagyang lumayo sa kaniya. "Mawalang-galang na po, uncle Rodulfo. Isinama niyo ako rito at sinabing sa hacienda ako mismo magtatrabaho tapos ngayon, biglang bawal na akong lumabas? I expect to be in hacienda whenever I want and never thought you'll stop me. Kung may tinatago po kayo sa akin tungkol sa lugar na ito at kung wala ka namang balak na ikukwento iyon, pwes, ako mismo ang tutuklas sa sistema, kasaysayan, at sekreto ng paraisong ito." I glared at him. "Isa pa, paano ko pa kayo paniniwalaan kung nagsinungaling na kayo sa akin?"

"What do you mean?"

"You told me once that Don Diego can't speak English fluently, pero nagsasalita siya. Simpleng pagsisinungaling mo pa lang, naniwala na agad ako. Sinabi mo ring mas tapat ka sa mga Xavier, bakit ngayon pilit mo akong kinukumbinsing huwag pumarito at baka makita ako ng hacendado gayung wala naman siyang sinasabi sa akin na bawal akong lumabas? Saang banda ba dapat ako maniniwala? Ano ba ang dapat kong paniwalaan? Uncle Rodulfo, hindi kita maintindihan." Nanatiling mahinahon ang boses ko. Para ko na siya ama kaya mas nangingibabaw ang pagrespeto ko sa kaniya.

"Kalimutan mo na lang lahat ng mga sinabi ko," may bahid ng lungkot ang kaniyang mga salita at huminga naman siya nang malalim. "Huwag mo lang kakalimutan na mag-ingat palagi. Pumasok ka na, paniguradong hinihintay ka na ni Don Diego." Bigla akong nakaramdam ng takot at kaba dahil sa bilin nito. Gugustuhin ko mang magsalita ngunit hindi ko na nagawa kaya tumuloy na ako sa loob.

"Hermosa!" Every time I heard his voice, it makes my heart flattered especially when he calls me like that, though I still don't know what is the meaning of it. "Don Diego is waiting for you in his room." He whispered.

Napansin kong napatigil ang iilang sirvientas sa paglilinis ng sala at napatingin sa direksiyon namin ni Señorito Joaquin ngunit agad din namang bumalik sa kanilang pinaggagawa. Nakakahiya tuloy.

"I have to go, Señorito," paalam ko at umakyat na sa pangalawang palapag ng mansion. Nasa harapan na ako ng pintuan ng kwarto ni alien. I knocked the door twice.

"Come in!" Pumasok na ako sa loob nang magsalita siya. Nakita ko itong nagbabasa ng libro na kinuha ko pa sa library. Mukhang inaaral niya ang Ingles. Napansin kong napakalinis ng kuwarto niya, wala na rin ang vase na binasag nito. Siguro ay pinapalinisan ng señorito. "Hermano mayor Inigo will be here later on." Tumingin ito sa gawi ko matapos isarado ang libro. "You should wear a presentable dress. Come here."

Hindi ako nakinig sa kaniya at iginawi ang tingin sa sofa kung nasaan ang bayong ko ngunit wala na ito doon. "Where's my bag?"

"Here." Pinakita niya sa akin ang bag na nasa baba ng study table nito kung saan siya umupo. "But, you are going to wear this one." Tumayo siya at binuksan ang closet niya.

May isang modernang klase ng gown ang naka-hanger doon. Sobrang classy, kumikinang ang tela nito at kulay puti ito. Off shoulder siya ngunit hanggang buku-buko ang damit. Ang ganda. But why do I need to wear it? "I didn't dressed up like that when Señorito Joaquin came. I think it's not necessary."

Golden Amora [COMPLETED]Where stories live. Discover now