Amidst The Vying Psyches

Galing kay elluneily

602K 15.3K 9.2K

Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. Sh... Higit pa

cassette 381
Hiraya
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Wakas
Elluneily's Words
Playlist
steven & hiraya ༉‧₊˚✧ extra 01

Simula

33.1K 503 171
Galing kay elluneily

"Hiraya, dito!"

Mula sa phone ko ay napaangat ako ng tingin sa taong tumawag sa pangalan ko. Napansin ko agad si Violet dahil kumakaway siya sa akin nang sobrang laki. Ang laki pa ng ngiti sa labi niya habang hinihitay akong makalapit sa kanya.

Katabi niya sila Marcus at Cassandra na unlike sa kanya ay nakaupo lang sa bench.

"Hirayaaa! AAAAA OMG, na-miss kita!" Siya na ang sumalubong sa akin bago ako bigyan ng malaking yakap.

"Pwede 'wag sumigaw? Ang lapit ko lang sa'yo, oh." Natatawang sagot ko sa kanya.

"Shuta, Raya! Hindi ka pa nasanay diyan kay Vi! Alam mo namang parang laging nakalunok 'yan ng microphone," singit ni Cassandra sa amin. Tumayo siya bago inayos ang bag at tumabi sa akin.

"Hala, bumoboses si ante," pang-aasar ni Violet. "Bawal bumoses kapag pinagpalit ah."

Nagkatinginan kami ni Marcus na nasa likod na pala ni Vi. Parehas kaming natatawa dahil nag-aaway na naman sila.

"Luh, nagsalita! Bawal bumoses dito kapag hindi primary colors, ah."

Hindi ko na napigilan 'yung tawa ko. I laughed loudly before I pulled them both. "Tama na nga 'yan! Feel ko late na tayo."

Pare-pareho kaming HUMSS ang kukunin na strand sa Grade 11. Mabuti nga at nasa iisang strand pa rin kami at hindi kami magkakahiwa-hiwalay.

"Beh, bilisan natin! Posted na raw 'yung overall rankings sa labas ng Mathay Building!" Sigaw ni Violet kaya napatakbo ako nang wala sa oras.

Bukod sa enrollment, kuhaan din ng card ngayon. At, ngayon ko lang din nalaman na ngayon na rin pala i-a-announce 'yung overall ranking. Excited akong makita 'yung list dahil pinaghirapan ko 'yon buong grade 10.

"Excuse me, padaan kami!" Kulang nalang itulak ni Violet 'yung mga estudyante sa harap namin.

May mahabang list na naka post sa malaking bulletin board sa labas ng building namin. Sa gitna ay ang overall rankings ng grade 10.

When I got near, my heart wouldn't stop beating fast. I was nervous all of the sudden. Whatever the results are, I know for a fact that I did my best.

"AAAAA, CONGRAAATS!" Halos mabingi ako nang sumigaw si Violet sa tabi ko.

"Oh my..." That's all the words I've muttered while staring at the board.

OVERALL RANKING - GR. 10

Rank 1 - Añasco, Serenity Hiraya Trinidad With Highest Honors (98.34%)

Pakiramdam ko ay matatanggal na ang braso ko dahil sa pagyugyog sa akin ng katabi ko.

I failed to contain my happiness that spread on my face. I have a big smile posted on my lips as my chest bloomed in excitement.

Alam kong with highest honor ako dahil 'yon ang nakakabit sa pangalan ko nung moving up pero hindi ko naman akalain na ako ang rank 1 sa overall.

Ah, finally. Nagbunga ang lahat ng paghihirap ko. Two more year in high school and I hope to graduate with the same rank.

"Congrats, beh. I'm so happy for you. I'm a proud mama," naiiyak na sabi ni Violet habang niyayakap ako.

Pinagtitinginan kami ng ibang estudyante dahil sa lakas ng boses niya pero pareho kaming walang pakialam.

"Thank you, Vi. Huhu, I'm so happy also." I can feel my eyes watering.

Nakipag-agawan naman sa kanya si Marcus at Cassandra para yakapin at i-congratulate ako. May mga ibang student din sa kabilang section na bumabati sa akin.

"Kunin nalang muna natin 'yung card tapos let's celebrate? Tara, libre ko kayo!" She held my hand and pulled me inside our classroom to meet our teacher who will distribute our card.

Buti nalang ay magkaklase kami ni Violet kaya kahit papaano ay may gumagabay sa akin. Pakiramdam ko kasi ay babagsak ako anytime dahil nanghihina ako.

Nawawala 'yung angas ko.

All of my classmates congratulated me when I entered our classroom. Even our class adviser was smiling proudly upon seeing me. Kahit pa nakalabas na ako ay binabati pa rin ako ng mga kaibigan ko sa ibang section. I'm so happy that all of them are proud of me.

Pagkatapos ng kuhaan ng card ay lumabas muna kami. Babalik na lang ulit kami mamaya for enrollment. Masyado pa kasing marami ang tao ngayon at ayaw naming makipagsiksikan. Hanggang 4 PM naman open at 11:30 AM pa lang.

"Galing-galing talaga ng kaibigan ko!"

Kahit nasa bus station na kami ay ang ingay-ingay pa rin ng bunganga ni Cassandra. Nag team up pa sila ni Violet kaya halos nakakarindi na. Kanina pa nila ako binabati and at first it was fine, not until they were announcing it to everyone. Sa lahat ng makakasalubong namin ay sinasabi nila na rank one ako.

"Kuya, bayad po. Apat na SM, tatlong with high honors tapos isang with highest honor," sabi ni Violet sa konduktor ng bus bago inabot ang bayad.

Kasama ako sa mga tumawa dahil sa kagagawan ni Violet. Tinatago ko na ang mukha ko sa likod niya dahil hindi ko kinakaya ang kahihiyan.

"Hindi ba kayo nahihiya? Pinagtitinginan na tayo, oh," saway ko sa kanila.

"Ay bawal po makisali 'yung mga na-ghost." Pabiro pang nag eye roll si Cassandra sa akin.

I cringed. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako tinitigilan kay Jay. Anim na buwan na akong ghinost pero mukhang bibig pa rin ng mga kaibigan ko.

"Talaga? At least hindi ako pinagpalit sa ka-duo sa ML."

"Oh, puta. Foul!" Si Violet.

"Kung ako 'yan, 'di kita gaganyanin!" Sumunod na rin mang-asar si Marcus.

"Gege, pagbigyan. Pasalamat ka rank one ka, sis." Tila ba napipikon na si Cassandra. Ganyan naman 'yan e, ang lakas mang-asar pero asar talo.

They didn't stop bickering until we reached the mall. We were having fun looking for a place to eat, not until I received a call. I almost rolled my eyes when I saw the caller's ID. It was my grandmother.

"Hello po, 'La?" I asked, moving an inch away from my friends.

"Hello. Where are you? I'm in the Philippines and I want to meet you," she answered in a cold voice and straight to the point.

I closed my eyes tightly. "Nasa Mall po ako, 'La. Where do you want to meet po?"

"I am in a hotel with my amigas." Binanggit niya ang pangalan ng hotel na gusto niyang puntahan ko.

Napalunok ako. Fuck, ang layo no'n.

"'L–La, medyo malayo po ako sa location niyo," I informed her calmly.

"I don't care. We need to talk, Hiraya. I'm here until 12:30. Don't be late."

I almost shiver upon hearing her voice. Nakahinga ako nang maluwag nang patayin niya ang tawag.

Lumingon ako sa mga kaibigan ko at napansing kong hinihintay lang nila akong matapos ang tawag.

"Lola mo?"

I nodded. "Guys, sorry... You can celebrate without me."

"Naknampucha, ikaw nga ang celebrant tapos mag cecelebrate kami ng wala ka?"

I smiled when I heard Cassandra's statement. Despite her harsh words, I know she's also sad with my news.

"Sorry, urgent. Meet ko na lang ulit kayo sa school? Tsaka, mag-cecelebrate naman tayo kasi pare-pareho tayo nasa honors."

"Fine..." Violet crossed her arms. "Mag t-take out na lang kami for you."

Niyakap ko sila isa-isa bago kami mag group hug. "Thank you, girls. Love you."

"Please take care," bulong ni Marcus.

"I will, ingat din kayo, ah? Sorry talaga."

After I bid my goodbye, I immediately rode another bus to my grandmother's location. Since restaurant and hotel 'yon ay expected kong kumakain siya ng lunch kasama ang mga kaibigan niya.

And I was right. She was with her three luxurious friends who wore different diamonds and golds as their accessories. They were laughing and eating exquisite dishes served on their table. I am sure as hell that it cost more than my one year allowance combined. When my grandma met my eyes, the smile was washed off her lips before she wiped the corners of her lips with a table napkin.

I walked slowly as I felt her amiga's eyes piercing my soul. It felt like they were judging me with every step I took. And when I reached their table, they gestured to me to occupy the vacant seat.

"I told you not to be late," she said in a cold voice. She's holding a cup of tea while looking at me sophisticatedly. She glanced at the enormous elegant clock plastered on the restaurant's wall. "It's already 12:20, young lady. I value time so much."

I almost rolled my eyes. May ten minutes pa nga, e.

"I'm sorry po. It was traffic."

She took a sip from her cup before eyeing me. "What do you expect? It's the Philippines, one of the reason why I don't want to come back here..." Inalis niya ang tingin sa akin bago pinagpatuloy ang sasabihin. "Aside from you and your father, of course."

I cleared my throat to calm myself. I need my composure right now.

"Anyway, you're probably wondering why I called you here. I want to catch up with my amigas. But, aside from that, I received some news."

"Anong balita po?"

"I heard that you were ranked one, hija. My amigas told me that Trinidad's name was posted on the top rank. Right, Elizabeth?" Tumingin siya doon sa babae katabi ko.

"Your grandma is right. Amiga ko rin ang principal ng school niyo, hija. And the moment I saw your name right beside Trinidad, I immediately called to confirm if you're Helena's granddaughter. Alam mo naman ang lola mo, valedictorian sa school mo dati. Parang siya ang pinakamagaling sa batch namin nung high school."

Malaki ang ngiti ng lola ko nang marinig niya ito. My surname's not even Trinidad. Middle name ko lang naman siya pero parang nanalo sa lotto ang lola ko.

So this is how it goes? Kikilalanin niya lang ako kapag may ambag ako sa apelyido niya?

"I'm glad that Trinidad's blood still run on you, young lady. Too bad you didn't reach a general average of 99. What can we do, Añasco ka na? And wala talagang ginawa ang apelyido na 'yan kung hindi manira ng buhay." Kahit mahina ay narinig ko ang sinabi niya dahil sa accent niya kapag nagtatagalog.

I clenched my fist. If she called me here to insult my father, then I'm leaving. I was about to stand up when she said something.

"Do you want to see your mother, Hiraya?" Nakuha nito ang atensyon ko.

Napaayos ako sa upuan bago siya tinitigan. What's her deal?

"Yes," matapang na sagot ko.

She hummed. "Well, I have a preposition to make."

"A–Ano po 'yon?" Even with the disrespect my father and I received from her, I still made my voice calm.

"I want you to graduate as the class valedictorian in senior high school. Not only that, I want you to pass and top the Melbourne's entrance exam. Then, I'll find a way for you to see your mom again, darling."

She's talking about the number one university in Australia.

Inabot niya sa akin ang kanyang tablet kung saan nasa screen ang isang article tungkol sa mga pinsan ko na nasa Australia. Nagkaroon pala ng kaguluhan sa store at nadawit ang mga pinsan kong dala ang apelyido niya. Hindi lang iyon, mayroon pang isang article na isinulat para sa artista kong kapatid na nasa mother's side.

Kung titingnan, lahat nga ng iyon ay dawit ang pamilya niya. At, tingin ko ang dahilan kung bakit ako ang pinili niya ay ako na lang ang apo niyang walang malaking issue.

"And if I don't?"

"Well, I guess you really don't want to see your mom and you're lying like your fa—"

"I'm not lying. Gusto ko makita ulit si mommy." Napatayo ako mula sa upuan.

She smirked. "Then do my deal, Hiraya. I need someone to bring me pride and make another trademark when people here my surname. They failed to do it for me so you need to do it. Para naman hindi puro kahihiyan ang dala niyo sa pamilya ko..."

I wanted to protest. Mukha ba akong utusan? What? She wants me to do all the work while she just sits down, watching me suffer, yet still gain recognition?

Gustong-gusto kong umayaw pero hindi ko mapakawalan ang kapalit nito. I could see my mom again. That's my goal after I finish college, mas mapapaaga lang.

Balisa akong bumalik sa school. Ang kaninang kasiyahan ay napalitan na ng sama ng loob dahil sa lola ko at pag-aalala para sa magiging desisyon ko.

"Hiraya!" Boses agad ni Violet ang narinig ko pagpasok ko sa gate. "AAAA OMG! Halika na, nandito na sila Iñigo."

Wala sa sarili akong sumunod sa kanya at binigyan siya ng maliit na ngiti. Hindi niya siguro napapansin ang mood ko dahil sa sobrang excited niya na makita ang crush niya.

Napansin ko ring hindi niya kasama 'yung dalawa kaya palagay ko ay nag e-enroll na ang mga iyon.

I was still preoccupied with my thoughts. A lot of questions, as well as self doubt were running through my mind.

"Hello, sino kasama niyo?" Hindi ko napansing nakalapit na pala kami ni Violet doon sa Iñigo 'yung pangalan. May kasama siyang tatlong lalaki na hindi ko na pinansin.

I'm anxious whether I should accept her deal or not. What if I did and I failed to graduate as valedictorian?

"Tropa, tapos pinsan ko ni Josiah. Transferee."

"OMG, Really? What's his name?"

I sighed. I can do this, right? I've done it before and I am certain that I can do this again. Madali nalang naman siguro 'di ba?

"Steven. Steven Alvarez," rinig kong sagot ni Iñigo pero isinawalang bahala ko ito.

But fuck, if I only knew that that person will serve as my rival the whole year, I should've remembered his name.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

elluneily 🌷🍰🎫

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

51.4K 2.4K 30
Caught In The Temptation : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidde...
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
27.4K 2.2K 35
Victoria Maxenne Villanueva, a 'go-with-the-flow' woman who was contented with what life threw at her, but there was this man named Zack William Hiso...
18.8K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...