Golden Scenery

By itspenciles

272 0 0

All the people in this world has a meaning to lived. But the world is just too cruel for us, we would faced a... More

Prologue
01
02
03
05
06
07
08
09

04

5 0 0
By itspenciles

Ako lang at si Nanon ang naiwan sa table gusto ko ngang sumama sa kanila kaso hindi sila pumayag parang balisa daw kasi ako at sila nalang daw bahala mag-order sakin.

Sinong hindi mapakali eh nandito yung lalaking nambastos sakin!

Ramdam na ramdam ko yung titig niya sa'kin.

Hindi ba niya pansin na naiilang ako?!

"Huy okay ka lang?" Tanong ni Nanon na mapansing nagpapadyak ako ng paa. Napalakas ata.

"Oo naman." Sagot ko nalang at kinuha ang phone ko para maglaro nalang ng ML at hindi isipin yung napakalagkit na titig niya. Pero ganon nalang ang mura kong lowbat ako! nakalimutan ko palang icharge kagabi!

Lord, ano bang kasalanan ko sa inyo? bakit niyo ba ako pinarusahan ng ganito?

"Eto nalang gamitin mo, kawawa ka naman." Sabi ni Nanon nang mapansing lowbat ang phone ko at kinuha niya yung kanya.

Kinuha ko nalang din para mawala yung ilang ko habang hinihintay namin yung iba pa naming kaibigan, ano ba yan magmumukbang ba sila?

"Mythic kana pala?" Tanong ko habang pinindot yung classic.

Ako kasi hindi pa, madalang lang akong makapaglaro pagbored na talaga.

"Oo wag ka lang sa rank baka mabawasan yung stars ko isa nalang yan para Mythical Glory na ako." Natatawang sabi niya habang nakacross arms at sumandal sa upuan.

Umirap naman ko do'n, anong akala niya hindi ako marunong?

"Hindi ka masyadong marunong Javen." Putol niya sa pagiisip ko at tinignan ko naman siyang nanlilisik na tingin.

Tumawa namn siya.

"Joke lang, hindi ka mabiro e." Sabi niya pa habang tumingin sa kabilang mesa.

"Haha funny naman ng joke mo Nanon." Sarkastikong sabi ko.

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa paglalaro dahil may tinitingnan siya hindi ko naman nilingon baka kasi mahagip ko naman ang mga mata nong lalaking yun.

"Eto na order niyo." Biglang dumating ang mga kaibigan ko at nagpasalamat naman ako do'n.

"Kumain kana, mamaya na 'yan." Sabi ni Tay at kinuha ang phone ni Nanon at umupo siya sa tabi ko.

"Hoy! sayang maniac na sana!" Sabi ko pa at pilit inagaw ang phone sa kanya, tinaas naman niya ang kamay.

"Javen Kherl don't be hardheaded, eat." Sabi niya at binulsa ang phone ni Nanon, hindi ko naman makuha, sungit naman nito.

Bumuntong hininga nalang ako at kumain na.

"Jav, kanina ko pa napapansin." Biglang sabi ni First kaya umangat ang tingin ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo ko.

"Ano?" I asked in curiosity.

"Kanina kapa tinitignan ni Matt." Nagulat ako sa sinabi niya dahil kilala ko ang name! yun yung lalaki diba kanina? hindi ko makakalimutan ang ginawa niya!

"Namamalik-mata ka lang Uno." Sabi ko at binabalewala ang sinabi niya, I mean ramdam ko yung titig niya pero ayokong aminin!

"Anong namamalik-mata e hindi lang ako ang nakapansin." Tumigil ako sa pagsubo at tiningnan ko yung mga kaibigan ko, titig silang lahat sakin na para bang may ginawa akong issue.

"Grabe kayo makatitig ah." Sabi ko nalang at yumuko, baka kasi makita nilang hindi ako mapakali sa sinabi ni First.

Tumikhim si Tay.

"Stop the nonsense topic and continue eating, Javen is uncomfortable can't you see?" Striktong sabi ni Tay, putcha pansin niya pala.

There was a silence after that at pinagpatuloy nalang ang pagkain namin.

Nang patapos na kaming kumain ay tumayo na kami at babalik na sa room, dahil ilang minuto nalang magsisimula na ang klase.

Pasimple kong tinignan ang table nila Matt at nang mapansing wala sila doon ay sumunod na ako sa mga kaibigan ko palabas ng canteen.

"Uh guys." Tawag ko sa kanila at huminto naman silang lahat para tignan ako, naghihintay sila sa sasabihin ko.

Nakaramdam kasi ako ng ihi e, naiihi na ako dahil sa ininom kong juice!

"Una na kayo, mag-ccr lang." Sabi ko sa kanila.

"Samahan na kita?" Tanong ni Tay sakin at sunod-sunod naman ang iling ko. Hindi naman ako bata para sabayan pa.

"Wag na, iihi lang ako. You can go now, susunod ako." Sabi ko at umalis na papuntang cr. Bakit ngayon pa e ilang minuto nalang magsisimula na ang klase namin, baka malate ako.

Habang papunta ako ng cr ay wala na akong nakitang studyante sa hallway, putcha malalate na talaga ako nito e.

Dali-dali akong pumasok sa men's room, pero napatigil ako nang may marinig akong may nag-uusap na dalawang lalaki.

"I don't know but I felt guilty after I said that to him, should I be apologize? or I'd give something peace offering? what do you think?" Napahawak ako ng mahigpit sa door knob nang makilala ko ang boses nang nagsasalita.

Si Matt.

Narinig ko ang pagtawa ng kausap niya.

"Bro, ikaw ba 'yan? or I'm just daydreaming?" Tanong nang kausap niya.

"What the fuck are you saying? com'on man, help me to think or do you have any suggestions? I want to apologize to him." Hindi ko maintindihan ang sinabi niya, malayo namang ako 'yon diba?

No, Jav! yung maangas na 'yon? hihingi ng tawad? nagpapatawa ka lang sa sarili mo.

"Bro, listen. Ang dami mong nasaktan at nabastos, but you didn't give a fuck by apologizing to them and now? you want to do that to that guy? Bro, wake up, wala lang yun sa kanya dahil lalaki siya." Narinig kong sabi ng kausap niya.

Napakunot ang noo ko at parang may kumirot sa puso ko, tama ako. Ako yung tinutukoy nila, at ano daw? wala lang 'yon sakin dahil lalaki ako? bakit? porket lalaki hindi na pwedeng masaktan?

"Are you dumb? he was crying because of me! I know he was hurt, I badly want to apologize to him Khao." Humina ang boses niya.

Napapikit ako nang mariin, ano na naman 'to Lord?

"Look, that guilty you've felt It will disappear tomorrow. Dude, don't low your pride because of that guy, you're Matt Aeron Salvatore, a man don't give a shit in everything." The guy commented, I was hurt. I don't know but It hurts, bakit ganon nalang kadali sa kanila para saktan ako?

Isang salitang masakit, para na akong pinapatay.

"You can't be serious." Hindi makapaniwalang sagot ni Matt sa kaibigan.

"We're late in the third period, we should go now." Hindi niya pinansin ang sinabi ni Matt sa kanya.

Ganon nalang ang gulat kong napatingin sa relo, putcha! late na ako nang 10mins!

Dali-dali akong tumakbo palabas dahil natatakot din akong makita nila ako doon! Nawala bigla yung ihi ko na parang lalabas na kanina dahil sa narinig!

Mabuti nalang at hindi kami classmate ni Matt, dahil hindi ko kaya 'yon.

Matt Aeron Salvatore.

Napailing ako nang gustong sabihin ng utak ko ang salitang, his name suits on him.

Nang makarating ako sa pinto ng classroom ay huminga ako nang malalim, narinig kong nagleleksiyon yung subject teacher namin.

First time kong malate kaya ganon nalang ang kaba ko.

"By the way, where's Mr. Lopez?" Nagulat ako nang marinig ko ang surname ko. Putcha, papasok nalang kaya ako?

Binuksan ko ang pinto at nahiya nang lahat ng mata ay nakatutok sa'kin.

Yumuko ako. Nakakahiya putek.

"Good morning ma'am, s-sorry nalate po ako, may emergency kasi." Pagsisinungaling ko pa at mukha namang naniniwala siya dahil pinaupo niya ako pagkatapos no'n.

Nang makaupo ay narinig ko ang mahinang tawag ni First sa'kin. Lumingon naman ako.

"What?" I silently mouthed to him, baka kasi pagagalitan ako, late na nga hindi pa nakinig.

"Are you okay?" He asked in a low voice. I nodded as I was turning my gaze on Tay and he stared at me like he wants to ask if I was ok, I smiled at him and nodded, napansin ko naman ang buntong hininga niya.

Iniwas ko na ang tingin ko at nakinig na lang sa lecture, iniwaksi yung narinig ko kanina.

Nang matapos ang third period ay wala kaming teacher for fourth period kaya nagkakanyang libot ang mga kaklase ko ng upuan sa mga kaibigan para makipagkwentuhan, ako naman nakaupo lang at pinaglalaruan ang pen ko.

I sighed deeply, what now?

I played my lips and started thinking of what I've heard a while ago.

Is he really going to apologize to me?

No. Ayokong umasa at alam ko din namang hindi mangyayari 'yon.

Pero what if...?

So, I will accept his apology? No Javen, taasan mo pride mo.

"Lalim naman ng inisip mo, hindi ko masisid." Nagulat ako nang biglang may nagsalita. Si First lang pala.

"Hindi naman, inisip ko lang yung sketch ko na pinagawa sakin ni Janhae, baka hindi magustuhan ng teacher nila e." Pagsisinungaling ko pa at tiningnan ko naman si Tay na humila ng upuan at nakichismis sa sinabi ko.

"I'm sure magugustuhan 'yon ng teacher ni Jan, and I know you'll might get a compliment from her." Sabi niya at nagpepen spinning sa kamay. Tinry ko naman kaso lumipad lang, tawa naman nang tawa silang dalawa.

Sa third period hanggang fourth ay sila lang yung kaklase ko, yung iba pa naming kaibigan ay hindi, sa first at second period lang sa umaga tapos straight na sa hapon.

Parang college lang yung set up ng subjects.

"Busy na natin next week, last month nalang, gagraduate na tayo." Biglang sabi ni First.

Sabay-sabay kaming napabuntong hiningang tatlo.

Tama, next week sobrang busy na namin dahil para sa clearance at portfolios na ipapasa, tapos after no'n magpapractice na for graduation.

Inilibot ko ang tingin sa room, this room will be miss. Daming kalokohan nangyari dito e.

"Grabe parang kailan lang nagdasal ako na makagraduate na sa high school, pero ngayon na paparating na parang ayoko pa." Natatawang sabi ni First, at tumawa naman kami ni Tay.

He's right, ako din naman. Elementary palang ako sabi ko na sana pagkagising ko ng isang araw, college na ako at eto na nga kunting kembot na lang, magcocollege na ako.

"Sana walang mag-bago sa'tin." Sabi naman ni Tay, natahimik ako do'n.

Ganyan din yung ipinagdadasal ko gabi-gabi na sana walang mag-bago sa amin.

"Hindi 'yan, magka-jowa na tayong lahat, alam kong hindi magbabago ang pakikitungo natin sa isa't isa." Sagot naman ni First at napatango ako do'n.

Tay made a face, kaya natawa kami ni First. Bitter ampota.

Nagkwentuhan lang kami at maya-maya pa ay nagring na yung bell, senyas para maglunch break na.

Sa wakas!

Lumabas kaming apat at hinintay ang iba pa naming kaibigan sa isang mango tree, ganon yung daily routine namin paglunch dahil hindi kami magkakasama sa iisang room bago maglunch break kaya kung sino ang unang magdismiss, maghihintay at dahil wala kaming teacher kanina ay kami yung naghintay sa kanila, palabas nadin naman sila.

"Grabe talaga yung math! ayoko na mabuhay!" Reklamo ni Earth paglapit nila sa'min.

"Okay naman siya ah." Sabay na sabay na sagot ni Tay at Nanon.

"Wala akong paki, iba-iba tayo ng utak!" Sagot naman ni Earth pabalik.

Here we go again.

"Ayan na sila, tara gutom na ako!" Tumayo si First at naginat.

Nang makalapit sina Phuwin, Love at Milk ay pumunta na kami sa canteen.

Nagdadasal ako, sana wala yung Matt na 'yon! Lord kahit ngayon lang, wag niyo siyang ipakita sakin!

"Ano 'yan Phuwin? break na ah, itago mo na yan." Sabi ni Fisrt nang mapansing nagbabasa ng libro si Phuwin.

Tiningnan ko kung anong binabasa niya, pero ganon nalang ang gulat kong halos formula yon! ang daming numbers, gagi pa'no niya naiintindihan lahat nang 'yan?

"Kaya paba ng utak mo?" Tanong ko sa kanya at nilingon naman niya ako.

Tumango sya at nagpatuloy sa binabasa.

"Anong klaseng utak meron kayo? bakit kahit ilang ulit ng example ni sir Hans, hindi ko padin maintindihan? e halos mapuno ko na ang notes ko e." Sabi ni Earth habang kumakamot sa ulo niya.

Natawa ako do'n.

"Try mo magstart sa mga basic formula, tapos intindihin mo lang kung saan kinuha at nakuha ang sagot at numbers para hindi ka mahirapan." Sagot ko sa kanya. Umiling naman siya ng paulit-ulit.

"May basic formula pala? para kasi sakin parehas lang lahat ng formula ang hihirap intindihin, buti nalang wala akong jowa." Sabi niya pa at lumayo nalang kay Phuwin na seryoso ang mukha habang nakatingin parin ang mata sa libro.

Ako lang yung nahihilo para sa kanya.

"Anong gusto niyo?" Tanong bigla ni Milk sa'min.

Nagtaka ako kung bakit hindi niya tinanong si Love, at napansin kong hindi sila magkadikit ngayon, si Love nagseselpon lang habang nasa likod ni Phuwin, si Milk naman nasa likod nina Tay at First.

Nag-away. Ganyan nga, mag-away kayong lahat, joke lang.

Napatigil kami sa paglalakad nang biglang magsalita si Love.

"Hmm... hindi nalang muna ako sasabay sa inyo, nagtext si Daddy, nandon daw siya sa labas at sabay daw kaming maglunch." Sabi niya na hindi tinitingnan si Milk.

"Sure ka?" Tanong ni Earth.

"Nag-away ba kayo?" Tanong ni Tay na nakaakbay kay First.

"Hindi ah." Sabay na sabi ni Love at Milk, nagkatinginan naman kaming lahat. Something fishy talaga e.

"Kung hindi bakit hindi kayo magka-akbay at hindi mo din siya tinanong anong gusto niya Milk." Nangaasar na sabi ni First.

Inis naman na binalingan ni Milk si First.

"Hindi porket hindi magkasabay at hindi tinanong kung anong gusto niyang kainin ay nag-away na, can you please make it sense?" Nairitang sabi ni Milk.

"Bakit ka nagagalit? I was just asking." Sagot naman ni First sa kanya. Nainis sa tono ng pananalita ni Milk.

Milk tsked. Oh God, mag-aaway ba sila?

"Guys, guys, calm down. Love you go now, your Dad waiting for you. Milk, First gutom lang kayo, Phuwin let's go, tama na muna ang kakabasa." Sabi ko sa kanila, at nagpaalam naman si Love na aalis na siya.

"Milk, where are you going?" Tanong ko nang akma siyang aalis. Lumingon naman siya sa'min.

"I've lost my appetite. Excuse me." She uttered at walang pagaalinlangang umalis.

I sighed.

I looked at First na hindi maipinta ang mukha.

"Ikaw naman kasi e, alam mo namang wala sa mood yung dalawa, inasar mo pa." Mahinahong sabi ko, at binalingan naman niya ako ng tingin, naiinis parin.

"Pati ba naman ikaw Jav? wala naman akong ginawa ah, OA lang talaga nila." Sabi niya at nainis naman ako do'n.

"OA? baka ikaw? you know what, just better shut up, you're just adding fuel to the fire." Inis na sabi ko sa kanya.

Pumagitna naman si Phuwin sa'min.

"Umalis na si Milk at Love, baka kayo ang susunod? com'on people, stop being childish. Maliit na bagay, pinapalaki." Sabi niya at nilagpasan kami.

Tinawag naman siya ni Earth.

"Hoy Phuwin! walk out karin?!" Sigaw niya pero hindi na lumingon si Phuwin at nagpatuloy sa paglalakad.

I sighed sharply.

I thought our friendship was perfect, but I was wrong. Maybe, stress lang kami.

"Ano? tatayo nalang tayo dito?" Nilibot ko ang tingin dahil sa sinabi ni Nanon, lima nalang pala kami.

"Hayaan muna natin sila, alam kong gutom lang si Phuwin kaya umalis na, tapos si Milk at Love naman, alam kong sabay silang maglunch, hindi naman nila matiis ang isa't isa e." Mahinahong sabi ni Earth sa'min. He's right, hayaan nalang muna, ang init pa nang pahanon tapos ang init pa ng ulo namin, hindi bagay.

"I'm hungry." Sabi ni First at umunang lumakad, sumunod naman sina Earth at Nanon sa kanya.

Inakbayan ako ni Tay.

"Sumabay ka sa kanila." Sabi ko sa kanya.

"No, ayokong iwan ka dito. Kaya tara na, wag pagutom." Sabi niya at dahan-dahan akong tinulak.

This is the first time na may nagwalkout sa'min, oo aaminin ko may tampohan pero iba to ngayon dahil kung siguro wala ang iba kanina para awatin kami, siguro lalaki pa 'yon. Napikon lang naman ako sa sinabi ni First na oa ang dalawang magjowa, at isa pa hindi niya alam kung anong rason kung ba't nagkatampohan ang dalawa.

Sana mamaya o bukas magkaayos na kami, hindi ko kayang mapahaba yung tampohan namin, at hindi ako sanay do'n.

Nang makapasok kami sa canteen ay hindi ko makita si Phuwin, siguro nagtampo din 'yun dahil dumagdag pa kami ni First.

"Umupo kana, everything will be fine okay?" Sabi ni Tay sakin at tumayo na para mag-order, nilibot ko ang tingin para hanapin yung tatlo kaso hindi ko din sila makita.

Nakakalungkot naman, hindi talaga ako sanay na ganito kaming magkakaibigan e.

"Sadness doesn't suits your face." Nabigla ako sa nagsalita, at mas lalo akong nabigla kung sino 'yon!

"Matt." Bulong kong sabi.

Bakit siya nandito?

At bakit hindi ako makatakas sa problema?

Ganito ba talaga ako kasama, Lord? hindi na ako natutuwa.

"You're even more prettier when you smile."

Continue Reading

You'll Also Like

315K 7K 35
"That better not be a sticky fingers poster." "And if it is ." "I think I'm the luckiest bloke at Hartley." Heartbreak High season 1-2 Spider x oc
480K 17.3K 96
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! ๐Ÿ˜‚๐Ÿ’œ my first fanfic...
968K 36.6K 87
๐—Ÿ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐˜„๐—ฎ๐˜€ ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ, ๐—น๐˜‚๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—น๐˜† ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ, ๐—”๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—น๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๏ฟฝ...
1M 18.3K 43
What if Aaron Warner's sunshine daughter fell for Kenji Kishimoto's grumpy son? - This fanfic takes place almost 20 years after Believe me. Aaron and...