Golden Scenery

By itspenciles

272 0 0

All the people in this world has a meaning to lived. But the world is just too cruel for us, we would faced a... More

Prologue
01
02
04
05
06
07
08
09

03

9 0 0
By itspenciles

Sa huli ay hindi ko sinabi kay Pond ang totoo, I don't want to ruin his relationship between my Dad. At saka sabi ko nga kaya ko pa naman ihandle ang sakit ng pananalita ni Daddy sakin e.

I'm used to it, anyway.

Habang inuubos namin yung cookies at juice ay tinawag na si Pond ni Tita para umuwi na, at gaya ng nasa isip ko pinipilit niyang dito muna matulog at sasamahan niya ako. Pero hindi ako pumayag, walang kasama si Tita e.

Sa huli sumama narin siya sa Mommy niya pauwi, hinabilin niya sakin na kung may mangyari tatawag lang ako at pupuntahan na niya ako sa isang tawag o text lang.

Pond is caring and loving person, ganito siya sa lahat nang mahal niya. Minsan iniisip ko na pano kaya kung may girlfriend na ito? ganito din ba siya kasweet at caring? o sobra pa? Aba malamang Javen!

Natulog na ako pagkatapos ng pagpapaalam kila Tita. I'm mentally and physically exhausted. I want to rest.

Dahil narin siguro sa pagod ay nakatulog agad ako.

"You're smiling like an idiot." Nawala ang ngiti ko sa narinig.

Lord, bakit ba sulpot nang sulpot to?! nakakasawa na kaya pagmumukha niya! nakakainis pa!

Umirap akong napatingin sa lalaking nakangisi, at gusto ko nalang tawagin ang lahat ng santo para pigilan ang inis ko sa kanya.

"Fuck off." Sabi ko habang tinignan parin siya, napatawa naman siya doon at mas lalo lang uminit ang ulo ko!

"Words darling. You know what you're so cute when you pissed off." Tumabi siya sakin, at umirap nalang ako para pigilan ang ngiti sa sinabi niya. Cute daw ako?

Natahimik kami pagkatapos niyang sinabi yon, pinapakiramdaman ang isa't isa. Putcha nman hindi ako sanay na ganito kami kaingay, we used throwing jokes each other until someone gave up at para narin pikunin ang isa't isa, and yeah that's always me.

Pero eto?! hindi ko kaya to!

Mas lalo akong kinabahan nang bigla siyang lumingon sakin at titig na titig sa mukha ko na para bang ako yung pinakamamahaling bagay na nakita sa tanang buhay niya. O mali ako?

"You're beautiful." Nanginig ako nang bigla nalang niyang nilapit ang mukha niya!

Mura ako nang mura nang bigla siyang pumikit at mas lalo akong nainis dahil bakit din ako pumikit?!

I can smell his manly scent and that's driving me crazy!

Fuck.

Naghihintay ako na lumapat ang labi niya sakin, hanggang sa paghihintay ko. . .

"Javen Kherl!"

Punyeta ang sakit ng pwet ko! gago nahulog ako sa kama! inis kong tinignan yung tumawag sakin.

"Ano ba! natutulog yung tao e!" Inis na sigaw ko sa kapatid ko.

Umirap naman siya.

"Para ka kasing tanga, ano bang ibinubulong mo habang natutulog ka?" Tanong niya at sumandal sa pintuan ng kwarto ko.

Naginit ang pisngi kong naalala ang panaginip ko. That wasn't the first time I dreamt about that. . . that man. . . that man always appeared in my dream. I suddenly touched my lips, what the fuck was that? that was too close!

Narinig ko ang pagsinghap ni Janhae.

"Oh My God! may kahalikan ka sa panaginip mo?!" Nagulat siyang lumapit sakin. Bwisit na babaeng to ang ingay!

"Can you please low down your voice? you might disturbing them." Sabi ko sa kanya at tinanaw ang pinto, kinakabahan baka may makarinig.

"You're not answering my question" Sabi niya habang humina na yung boses. Pano ko ba sasabihin?

"Ano nga pala yon?" I pursed my lips after asking that. Narinig ko ang sinabi niya ang lakas e, pero hindi ko alam ang isasagot, ano sasabihin ko? may gustong humalik sakin sa panaginip? e baka pagtawanan lang ako nito e.

"Are you kissing someone in your dream? kaya ba may sinasabi ka kanina nang hindi ko maintindihan." She grinned. Tumingin ako sa taas.

"Wala ok? wala akong kahalikan, pinagsasabi mo diyan? kadiri." Sabi ko habang tumingin na sa kanya. Totoo yon, kadiri talaga yung ginawa ko na pinikit din ang mata at hinihintay mahalikan ako!

Tinignan niya pa akong mabuti na para bang hindi kapani-paniwala sa sinabi ko.

"Quit staring Jan." Sabi ko sa kanya at umupo sa kama ko.

"Ginising kita dahil magpapatulong ako." She gave me her sweet smile. Sabi ko na nga ba.

Lumalapit lang kung may kailangan. Nice.

Kinuha ko ang phone kong nakapatong sa side table ko at ganon nalang ang gulat kong 2am palang!

Inis ko siyang binalingan. Ginising niya talaga ako para magpatulong lang? hindi ba pwedeng mamaya?

"Really at this hour? you ruined my sleep then you just want me to help you? can't you wait at 6am?" Puta naman oh, alam kong hindi na ulit ako makakabalik nang tulog nito.

I have a class!

"Sorry okay? It's really... necessary." Napansin ko ang pagyuko niya kaya naguilty naman ako sa sinabi.

Javen Kherl you really have a kindness heart.

"What can I help?" Tanong ko at nilapitan siya at hinila papalapit sakin.

Nagangat naman siya nang tingin.

"Really? you want to help me?" Tanong niya na parang bata.

Pero hindi parin nawala ang inis kong ginising niya ako at nasira yung panaginip ko.

"Sinira mo tulog ko, ano pa bang magagawa ko diba?" Nagkunwaring sungit ko pa. Alam kong hindi ko matitiis ang mga kapatid ko.

Mahal ko sila, katulad ni Mommy.

"Loveyou!" Sabi niya at hinalikan yung pisngi ko. Inexplain naman niya sakin ang gagawin ko. It's their group report, at nakabase yon sa isang proyekto. Dahil hindi daw sila marunong magdrawing, sakin niya pinagawa at ginising daw niya ako dahil mamaya na yung group report nila at sila na daw bahala kung paano iexplain, alam na nila yon. Alam niyang may klase ako kaya ngayon niya pinagawa, nakalimutan niya daw sabihin kahapon dahil nadin sa nangyari.

Natapos ako nang 4am, sketch lang naman yon pero hindi ako nakampante sa nakitang gawa kaya sinapawan ko nadin nang black ballpen, ang sabi ni Janhae na pencil nalang ang gamitin pero parang kulang kasi sa paningin ko e.

Natutulog siya habang naghihintay sakin, I smiled. Kahit na minsan ang sungit niya sakin, hindi ko parin maitatangging mahal na mahal ko siya, at si Mix.

I sighed. Hindi ko pa naranasang magkabonding kaming tatlo, si Mix ang layo nang loob niya samin, minsan hindi siya umuuwi dito sa bahay at kung nandito man siya hindi din siya lumalabas sa kwarto niya. I don't know but to feel sad for him, siya mismo ang lumayo samin dahil sa una pa lang hindi na siya tanggap ni Daddy at Janhae bilang pamilya.

Anak ni Mommy si Mix sa ibang lalaki, noong una hindi ako naniwala kay Daddy na may kapatid kami sa labas. At nang dalhin ni Mommy dito si Mix sa bahay ay parang may kung anong humaplos sa puso nang tingnan ko siya, he was 2 that time and I was 3 at wala pa si Janhae noon.

Galit na galit si Daddy kay Mommy noon, pero hindi niya inalis sa buhay niya ito, siguro nga ganon niya kamahal si Mommy. Pero nang sabihin ni Daddy na hindi niya kayang tanggapin si Mix bilang anak at naiintindihan naman ito ni Mommy. I felt sad for him. Sa tuwing aalis si Mommy, minsan sinasaktan niya si Mix kahit wala naman itong ginagawa kaya kahit na bata pa ako, pinagtatanggol ko si Mix kay Daddy, kaya siya naging ganito sakin ngayon dahil mas kinampihan ko pa daw ang anak sa labas.

Nang matapos na ako sa aking ginagawa ay bumaba na ako, it's 5am in the morning.
Sabi ko na nga ba hindi na talaga ko nakabalik sa pagtulog, but that's fine.

"Good morning sir." Bati sakin ni Manang Lyneth. I smiled and greeted her too.

"Maaga ka ata nagising?" She asked while preparing some ingredients for our breakfast.

Napakamot ako sa batok ko.

"Maaga akong nakatulog kagabi e." Sabi ko nalang at kumuha ng tasa para magtimpla ng kape.

It was a bright morning, another day for me. I sighed when I looked at the sky, I hope this day will be kind to me.

"Akyat na po muna ako manang." Sabi ko habang inubos na ang kape, papasok ako nang maaga para hindi ko makasabay si Dad magbreakfast ayokong makita siya, nageecho parin yung sinabi niya kagabi.

Nakita ko padin na tulog si Janhae pagdating ko sa kwarto , pero hindi ko muna ginising mamaya pa ang klase nito e.

Naligo ako at nagbihis na handang handa na pumasok, nagiging excited naman ako dahil makikita ko narin yung mga kaibigan ko. Sila lang yung bumubuo ng araw ko e. Hindi mawawala ang napakacorning jokes at asaran.

I looked at myself at the full length mirror. I smiled, so this is how you looked like in the others' sight, cute Javen.

Nang matapos kong magpacute sa harap nang salamin ay bumaba na ako. It's already 6am at mga 6:30 ang baba ni Daddy kaya dapat aalis na ako ngayon.

Pero laking gulat ko nang makita siya sa sala at may binabasa sa brown folder at ang isang kamay ay may hawak na maliit na tasa. I gulped so hard, I was trembling again.

Napalunok ako ulit nang bigla siyang nagtaas nang tingin sakin. Come on Jav greet him!

"Good morning." Nakayuko kong sabi sa kanya. Shit, kailangan ko na talagang umalis.

"Aga mo ata?" Nakakatakot yung boses niya, pero ganito naman na yon! eto na talaga yung boses niya. Focus Jav para kang tanga e ama mo lang 'yan!

"I have something to do pa, 7 yung start ng class e." I'm so proud to myself na hindi ako nauutal, wow improvement.

"I know you'll not going to disappoint me Javen Kherl." Hindi ko alam kung anong pinupunto niya.

Tumango nalang ako. Lagi naman e.

"We'll talk if you get home tonight, you should go now." Kinakabahan ako mamaya, anong paguusapan namin? putcha kakadasal ko lang kanina na sana maging mabait ang araw na'to sakin pero parang nagkamali ako.

Nagpaalam na ako sa kanya at nagpahatid na kay Kuya Ron, our family driver.

Habang nakatingin ako sa bintana hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Daddy, dahil ba kagabi? o baka yung sinabi niya na Business Management ang dapat kong kunin sa kolehiyo? o baka sasaktan niya naman ako? at ipagmukha na wala akong kwenta?

Putcha mababaliw na ata ako kakaisip. Bahala na mamaya, kung may plano man siyang sirain ang pangarap ko bilang Architect, baka hindi ko na talaga siya kilalanin bilang ama.

"Sir nandito na po tayo." Hindi ko man lang napansin na nandito na pala kami sa harap ng gate ng school.

Napatingin ako kay Kuya at ngumiti.

"Thanks po, ingat kayo!" Sabi ko habang kumakaway pababa ng sasakyan.

I sighed deeply. So what you gonna do now Javen?

May mangilan-ngilan na estudyante sa school, maaga pa kasi. Pumasok na ako sa gate at pinakita ang ID sa guard. Sigurado akong wala pa yung mga kaibigan ko, nagchat ako sa gc namin at walang ni isang nagreply.

Kinuha ko nalang yung libro sa bag ko at umupo sa may maliit na garden, tanging tunog lang nang ibon ang naririnig ko ro'n.

Nagcheck ako sa notes ko kung ano ang nakaschedule na subject ko ngayon, napangiti naman akong minor subject lang.

Habang nagbabasa ako sa libro ay biglang may lumapit na dalawang lalaki sa gilid ko. Pero hindi ako lumingon dahil tutok na tutok ang mata ko sa binabasa, baka kasi biglang magquiz si maam Chini e, cute sana kaso palaging may baon na quiz.

"You know what bro hindi ko maintindihan 'tong si Matt." Narinig ko pang sabi ng isang lalaki.

Hindi ko planong mageavesdrop, malakas lang talaga yung boses nila.

"Hindi kana nasanay? e ganyan na siya dati pa ah." Sabi naman nong isa. Ano ba yan! pwede bang magminimize sila ng voice? hindi ba nila pansin na may nagaaral dito?!

"I know but this is different now, palagi siyang wala sa sarili at aayain nalang tayong uminom." Sabi naman nong isa.

"Something's wrong with him, we can see that. But we know Matt very well, we can't ask him what's happening until he will open it to us himself." Sabi naman nong isa at sabay silang napabuntong hininga.

Matt? the name sounds familiar to me, narinig ko na 'to before at hindi ko lang alam saan, aba tanga e malamang dito sa school kasi baka kaibigan niya itong dalawa!

"He's here." Ganon nalang ang pagkasabi at hindi ko alam bakit ako kinakabahan!

"Matt!" Sabay sabay na tawag ng dalawang lalaki. Napalingon ako kung saan sila tumingin at ganon nalang ang gulat kong mapansin kung sino yung lalaking papalapit sa pwesto namin!

Fuck ang hottie naman kahit nakabusangot ang mukha.

What the hell Javen Kherl?! erase erase erase!

Napaubo ako nang bigla niya akong binalingan ng tingin, umiwas naman ako don at nagpatuloy nalang sa pagbabasa kahit wala naman akong naiintindihan!

Siya yon e! siya yung nagkasala sakin sa coffee shop, kahapon diba yon? oo kahapon.

"Next time, If you find a place for a sit make sure that can keep yourself safe."

Putcha. Naalala ko yung sinabi niya kahapon. What happened Javen?! what happened to you?! potangina bakit biglang naglalaro sa isip mo ang boses niya?! nagbabasa ka! focus!

Napapikit ako at hinahampas-hampas ko ang libro sa ulo ko nang mahina.

"Why are you hurting yourself?" Napahinto ako sa ginawa ko at tiningnan kong sino yung nagtanong.

Putcha naman ba't nagsalita pa 'to? akala ko hindi siya, hindi ko na naisip na boses nya pala 'yon.

"Wala kang pakialam." Sagot ko at narinig kong napasinghap yung dalawa niyang kaibigan.

Ayan inisin pa kita. Bagay sayo e.

"I'm just asking. . .?" Walang emosyong tanong niya. Sungit naman pala nito, ekis.

"Bingi kaba? sabi ko wala kang pakialam kaya wag ka nang magsalita, pangit ng boses mo e." Nasinghap ulit yung mga kaibigan niya sa sinabi ko.

Ngayon nakita ko na kung pano nagbago ang hitsura niya, kanina walang emosyon ngayon pikon na.

"Really? of all the people ikaw pa talaga ang nagsabi sakin niyan?" He chuckled sarcastically. That feels me a bit nervous. "You don't have the rights to say that to me." Lumapit siya sakin ng kaunti. Napalunok ako nang bigla siyang ngumisi and he's freakin' hot on that! "Wait, what did you say again?"

Fuck. He was so hot! punyeta ano ba'tong nasa isip ko!

"What did you say again?" Lumapit pa siya ng kunti. Ano ba! itulak mo Javen!

Ganon nalang ang mura kong marinig ko ang tawa ng mga kaibigan niya sa likod at hindi siya nagpatinag doon! mas lalo lang siyang ngumisi! punyeta ba siya?! akala niya bagay sa kanya yan?! pwes oo!

"P-pangit ng b-boses mo." Potangina bakit ako nauutal?! tapos sa harap ni Daddy kanina hindi?!

"Really? why don't you try it?" Nakita ko kung pano siya napikon sa sinabi ko kanina. Babawiin ko na lumayo ka lang baka hindi ko na kaya!

"Ha?" I didn't get what his point dahil nalutang ako sa titig niya!

He chuckled softly.

"Try to pleasure me. . ." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos binalik niya ang tingin sa mukha ko at bumaba sa labi ko. I gulped hard! "I probably scream your name, let's just see if you can still say those words to me." Pinoproseso ko ang sinabi niya sakin dahil hindi ko nagets!

Napakunot ang noo ko habang tumingin sa kanya, pero habang tinitingnan ko siya ay dahan-dahang nagsink in sa'kin ang mga sinabi niya at agad na nag-init ang pisngi ko do'n!

Putcha.

Lumayo siya at gusto ko nalang siyang murahin nang paulit-ulit nang lumawak ang ngisi niya at naaasar ako lalo doon!

"He's blushing." Natatawang sabi ng isa niyang kaibigan at napahawak nalang ako sa mukha ko. Ang init ng pisngi ko! gusto kong tumakbo pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko! hiyang-hiya ako.

"Stop it Khao. Let's go Matt." Sabi nang isa niyang kaibigan at nagseryoso na ang mukha, mukang hindi niya gusto ang sinabi ng kaibigan.

Pero do'n ko napagtanto na hindi niya ako kilala at hindi ko rin siya kilala. Sinabi niya 'yon na parang wala lang sa kanya.

Javen, binastos ka niya. At sa harap pa ng mga kaibigan niya.

Hindi ko alam pero ang kaninang mainit kong pisngi ay napalitan ng kirot sa dibdib.

Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko at ganon nalang ang gulat nilang tatlo, dali-dali kong kinuha ang gamit at umalis na roon.

"Bobo ba't ka umiyak, nagmukha kang tanga tuloy." Bulong ko sa sarili habang papasok sa room ko. Hindi ko alam kung bakit tumulo nalang ang luha ko. Aaminin ko medjo nasaktan ako sa sinabi niya dahil parang binastos niya nadin ako pero potangina bakit ako nagblush?! ano yon?!

"Lutang ka na naman." Narinig kong sabi ni First. Nandito na pala ako sa room.

Nandito na lahat ng classmates ko at alam kong maya-maya papasok na yung subject teacher namin.

"Hindi ah."

"Sus. Ilan 'to?" Tanong niya at tinaas ang dalawang kamay niya malapit sa mukha ko.

Pinaggagawa nito?

"10?" Sagot ko at tumawa naman siya ng malakas, kumain ba 'to? tama naman sagot ko ah.

"Hindi nga lutang." Natatawa paring sabi niya at hindi ko nalang pinansin 'yon dahil hindi ko siya gets.

"Good morning class!" Bati ng teacher namin at pagkatapos ng attendance niya ay nagdiscuss na siya, ni parang wala akong narinig dahil ewan ko iniisip ko padin yung kanina.

Mabuti nalang talaga at walang surprise quiz kung meron pa siguradong wala akong masagot kahit na nagreview ako kanina pero hindi naman natapos!

Natapos ang discussions niya na kahit isa ay wala akong naiintindihan.

Lumipas ang ilang oras ay break na namin. Pero hindi parin ako tumayo at nakatulala lang sa bintana.

"Tulala lang sa'king kwarto at nagmumuni-muni~" Nagulat ako sa biglaang pagkanta ng mga kaibigan ko sakin.

"Problema?" Tanong ni Milk sakin habang nakaakbay kay Love, napangiwi naman ako do'n.

"Okay lang ako. Tara gutom na ako." Tumayo ako at naguunang lumabas sa room, sumunod naman sila.

"Ano sayo Love?" Narinig kong tanong ni Milk kay Love.

"Milktea at burger." Sabi naman niya.

"Ano sayo baby?" Tarantadong tanong ni Nanon kay First.

"Spag at coke baby." Sagot naman ni First, natawa ako para silang tanga.

"Lalove anong sayo?" Biglang tanong naman ni Earth kay Tay.

"Juice lang." Nakangising sagot naman ni Tay.

"Ewan ko sa inyo." Sabi ko nalang at binilisan yung lakad ko narinig ko naman ang tawa nila.

I smiled. Mabuti nalang andiyan sila palagi, kahit napakacorning jokes ang ibabato nila sa isa't isa, masaya na ako don.

Binuksan ko ang glass door sa canteen at inilibot ang tingin para maghanap ng upuan, pero ganon nalang ang mura kong nahagip ng tingin ko ang tatlong lalaki kanina, yung isa ang nakatingin sakin na walang emosyon ang mukha.

"Sira na ulit araw ko." Bulong ko sa sarili at aalis na sana nang itulak nila ako papasok, hindi na ako makapalag.

Napapikit nalang ako ng mariin nang mapansing katabi lang ng table namin yung table nila! Gusto kong umalis pero pinaupo na ako ng mga kaibigan ko.

You can't escape now Javen.

Continue Reading

You'll Also Like

205K 2.5K 32
"You ain't leaving until you suck my cock Y/n." he said with deep voice holding her hair tightly... ~𝒔𝒆𝒙 𝒔𝒄𝒆𝒏𝒆𝒔 ~π’”π’Žπ’–π’• π’˜π’‚π’“π’π’Šπ’π’ˆ ~𝒆...
145K 5.3K 88
Ahsoka Velaryon. Unlike her brothers Jacaerys, Lucaerys, and Joffery. Ahsoka was born with stark white hair that was incredibly thick and coarse, eye...
Fake Love By :)

Fanfiction

121K 2.8K 43
When your PR team tells you that we have to date a girl on the UCONN women basketball team and you can't say no to it... At first you don't think too...
267K 8.6K 56
When he denied his own baby calling her a cheater. "This baby is not mine." But why god planned them to meet again? "I would like you to transfer in...