Golden Scenery

Von itspenciles

272 0 0

All the people in this world has a meaning to lived. But the world is just too cruel for us, we would faced a... Mehr

01
02
03
04
05
06
07
08
09

Prologue

144 0 0
Von itspenciles

"Sino yan ha?" Nagulat ako ng biglang lumapit sakin si Tay, bestfriend ko simula kinder.

Potangina namn.

"A-ano? w-wla uy" Sabi ko habang tinago yung selpon ko, ayan na sya manghihinala na nmn tapos di ako titigilan hanggang diko masabi sa kanya.

"Wag ako ha, I know you Jav." Seryosong sabi nya.

"Kung sure na ako sa-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla syang pumalakpak.

"I knew it! may hindi ka talaga sinasabi sakin e! alam mo, you can tell me I'm your bestfriend! para nmn matulungan kita diba?" Dere-deretsong sabi nya.

"Sinasabi mo? ang ibig kong sabihin-" Hindi ko ulit matuloy yung sinasabi ko dahil bigla nya akong niyakap.

"Bro, Im here for you always, alam ko namn na you're just shy to say it and I understand ganyan din ako noong una hindi ba?" Emotional na sabi nya, kumunot namn noo ko, ano bang sinasabi nito?

"I don't get you." Sabi ko at kumalas sa yakap nya.

"Wag ka ngang umakto na parang tanga jan, dahil tanga ka nmn talaga at alam ko yon." Sabi nya habang umiiling.

"What? I hate you." Sabay irap ko pa, habang tumayo at kumuha ng juice sa ref.

"The more you hate the more you love! HAHA!" Natatawang sambit niya pa, ibabato ko na sana sa mukha niya yung water bottle na nakita ko sa mesa nang biglang may nagdoor bell.

"Buksan mo." Sabay naming sabi sa isa't isa.

"Ikaw na." Sabay ulit naming sabi.

"Fine! ako na." Suko nyang sabi.

Hindi ko muna sasabihin kay Tay yung plano kong pupunta ng America, may nakita akong magandang oportunidad doon e, tapos malaki din daw ang sahod sabi ng katext ko kanina, employee sya roon nagulat nalng ako na bigla syang nagtext matapos kong ilike tung post sa isang page ng malaking company sa America.

And maybe, this is the best for me. Gusto ko nadin umalis dito sa Pinas, I want new environment. Masyado ng masakit dito, minsan pupunta nalng ako sa probinsya namin, bahay ng lola at lolo ko, patay na sila noong 10 years old pa ako, sabi nila mama may sakit daw si lola kaya ayon tapos si lolo namn naaksidente sa trabaho nya, ayaw nya daw kasing umasa sa mga anak nya hanggang sa kahuli-hulihan ng hininga nya, hanggang kaya nya pa bubuhayin nya talaga ng sariling sikap si lola.

Ang bahay nila lola ang pahinga ko, si Tay lang yung nakakaalam pag wala ako dito nandoon ako, minsan pinupuntahan nya ako don dahil ayaw nyang mag-isa ako, pero pinapaalis ko din sya, ayaw kong matigil yung mundo nya kakabantay sakin, hindi namn ako mamamatay, at sanay na akong mapag-isa, feeling ko kasi ang peaceful ng buhay ko kung ako lng mag-isa, malayo sa sakit, gulo, at pagod.

"What the fuck are you doing here?!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si Tay, kaya tumakbo ako papunta sa pintuan kung sino yung dumating.

My heart suddenly skipped when I saw a man standing in front of us. Agad na nanubig ang mata ko pero bigla kong pinahid yon, ayoko kong makita nya ulit akong mahina, at iiyak nalng pag andyan na sya sa harap ko.

Agad akong napakapit sa doorknob ng biglang humina yung lakas ko, bakit bumalik pa sya? bakit nandito siya ulit sa harap ko?

"Get the hell out of here!" Tay shouted at him. Wala akong boses na mailabas dahil parang nanuyo ang lalamunan ko, I don't know what to say, sisigawan ko din ba siya? paaalisin? sasampalin?, dahil ang lakas ng loob niyang magpakita pa dito.

"Can I talk to you?" He said while looking at me in the eye, pero umiwas ako.

Ayokong maging dahilan yon na sa isang tingin niya lang sakin, na parang nangungulila ay papatawarin ko na sya, hahalikan at yayakapin at sasabihing okay na ang lahat, okay na ako. Pero hindi ko ulit hayaan ang sarili kong masaktan ulit, dahil nakakapagod na.

"Wow. You really have the guts to talk to him like nothing happened?! like you didn't hurt him?! you didn't feel ashamed? huh?! Now. Get the fuck out of here! kung ayaw mong tatawag ako ng security." Galit na galit na sabi ni Tay. I understand why he's acting like this, nakita niya kasi kung pano ako nabreakdown, at kung pano ako nasaktan, siya lang yung andyan nong wala ako sa sarili ko.

"Tay. . . please just. . .just 10 minutes? or maybe 5? that's ok with me." Nagmamakaawang sabi niya, tumingin ako sa taas nang biglang nanubig ulit yung mga mata ko, punyeta namn.

"Ako hindi ok sakin yon. Please just. . .just let him go? he's tired to all of you! mga potangina kayo! palagi niyo nalng pinapaiyak si Jav, palagi niyo nalng sinasaktan! hindi siya nabuhay para saktan niyo lang. Kaya hanggang nandito ako sa tabi nya, yung mga taong nananakit sa kanya ay hinding hindi ko papalapitin ulit sa kanya. Wala kayong kwenta, you didn't deserve him anyway, you didn't deserve his love." Nagulat ako nang biglang nanginig ang boses ni Tay, iiyak na siya.

Potangina Javen. Ano na?! magsalita ka nmn diyan oh, potangina duwag mo namn. Hindi ko alam bakit naduduwag ulit ako sa kanya, I hate myself so much, ang laki ng epekto niya sakin e, bakit pa kasi dumating siya sa buhay ko?

"Umalis kana." Sa wakas, nasabi ko narin.

I heard his gasp.

"Jav. . . I can explain to you, I'm sorry f-for hurting you, just please talk to me? please. . .?" He begging. Natawa ako ng sarkastiko, sorry? ano ako tanga para tanggapin yon?

"Sorry? sige nga, mawawala ba nang potanginang sorry mo na'yan ang sakit na binigay mo sakin? tapos ano? explain? you can explain? the fuck, sayo na yang explain mo dahil hindi ko na kailangan yan. Tapos na e, sinaktan mo na ako." My voice broked, fuck. Ayoko nito.

"I'm sorry, pero hindi ako aalis dito hanggang hindi mo'ko kakausapin." Sabi nya habang nilalaro niya ang kamay nya.

Nainis ako lalo, hindi ba makaintindi itong lalaking 'to?

"What the hell is wrong with you? you didn't understand what I'm saying? you didn't understand the word 'alis' ?" Inis na sabi ko, ngayon hindi na ako naduduwag, galit at inis na ang nararamdaman ko.

"No. . . hindi ako aalis." Sabi niya na parang bata.

I sighed loudly.

"Edi bahala ka." Sabi ko at sinara ang pinto, narinig ko pa ang katok niya.

"Jav. . . I know nasaktan kita ng sobra, pero believe me, hindi ko yon sinadya. Please? talk to me?" Sinipa ko ang pinto para matigil na siya, nakakarindi e.

Hindi sinadya? ano ako tanga? tanga ako minsan pero yon? hindi, dahil nakita ko mismo ang ginawa niyang paghalik sa kapatid ko at hindi ako tanga para maniwala sa kanya. Daming alibi e.

I looked at Tay, nanahimik sya.

"Tay, are you okay?" Tanong ko at lumapit sa kanya. Umiiling siya.

"Are you okay?" Hindi niya sinagot yung tanong ko, he looked at me with lot of emotions, I sighed.

"I'm okay. Thank you pala" I smiled bitterly to him.

He nodded.

"Kukuha lang ako ng tubig." Aalis na sana ako, pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

Hinintay ko yung sasabihin niya, parang nagdadalawa pa siya, hinawakan ko pabalik yung kamay niya para sabihing, sabihin niya ang gusto niyang sabihin sa akin. Naiintindihan namn niya, I gave him a smile.

"Jav, I know you've been through a lot, from your family, pagkamatay ng aso mo, pagalis ni Mix sa bansa, at kay Matt" Huminga siya ng malalim." Pero sana, sana palagi mong tatandaan na nandito lang ako sayo, I can be your parent, I can be your dog, I can take you to Canada para bisitahin natin si Mix, and I can be your boyfriend if you want to." Iniwas niya ang tingin niya sa sinabi niyang 'I can be your boyfriend' natawa ako.

"Ano ba yan! I'm dead serious here?" Umirap pa siya at namula, nahihiya sa sinabing 'I can be your boyfriend'

"Hoy, sa maniwala ka, para na kitang boyfriend minsan, daming paalala tas lambing-lambing mo pa sakin, and Tay thank you for being with me, i mean through the years you've been here with me, you're a type of person called 'one call a way', I really appreciate it so much." I gave him a genuine smile and he smiled at me back.

Tay is really a boyfriend material, palagi siyang andiyan pag hindi mo na kaya, nananahimik lang siya pag nagrrants kana about problems either life or love, tapos minsan naiiyak din siya pag nakikita niya akong umiiyak mas grabe pa siyang umiyak e, tapos grabe magalaga talagang mapapasabi ko nalng na siguro ang swerte ng mapapangasawa nito, sayang bestfriend ko siya, joke.

Kaya noong dumating si Matt sa buhay ko, grabe siya magtanong at maghabilin sa akin na dapat kilalanin ko muna kung mahal ba talaga ako o hindi, kung mabuting intensyon ba yung pinaramdam niya sakin o hindi, hanggang sa sinaktan niya ako grabe yung galit ni Tay, handa niyang sugurin si Matt non e, pero I stopped him, baka mapatay pa niya.

"No, don't thanked me, it is my responsibility to take care of you." Umiwas yung tingin niya." I'm your bestfriend, hanggang nandito pa ako sayo, I'll protect you from those bad persons." Nagulat ako nang bigla niya akong hinatak para yakapin ako.

Pero nagulat ako sa sinabi niya.

"Just promise me don't go back to that guy, baka hindi ko na kakayanin yung nararamdaman ko." He tightened his hug on me, I didn't understand what he's saying, niyakap ko lang siya pabalik.

Matapos yung paguusap namin ni Tay, nagluto siya para sa lunch namin. Hindi ko alam pero mas lalo siyang nanahimik ngayon, siguro pagod siya pwede namn niyang sabihin e, ako na magluto.

"Jav, anong flavor ang gusto mo sa juice?" Tawag niya sakin habang nagchecheck ng flavor sa ref.

"Edi yung favorite ko!" Nagulat siya nang bigla akong sumulpot sa harap niya.

"Ah okay" Sabi niya at binalik ulit yung atensyon sa luto niyang ulam.

Bigla ko ng makalimutan nandon pala si Matt sa labas, nandon pa kaya siya? hindi ba siya nagugutom? at anong paki ko don? wala akong paki kong mamatay siya sa gutom!

Pero parang may sariling buhay nalng ang paa ko at lumapit sa pintuan, nagtalo pa kami sa sarili ko kung bubuksan ko ba o hindi.

"Bakit ko namn bubuksan?" bulong ko pa sa sarili.

Baka gutom na siya?

"Wala akong paki no!" Bigla kong tinakpan yung bibig ko dahil napalakas ata yung sabi ko, napapikit ako ng mariin ng biglang lumabas sa kusina si Tay, nagaalala.

"Are you okay? what happened?" Tanong niya pa, habang hinubad yung gloves niya.

"Ah ano wala, okay lang ako may binasa kasi ako tapos ayon, hehe napalakas ata yung ano ko. . ." Dali-dali kong hinawakan yung libro ko sa gilid ng upuan, buti nalng hindi ko pa naibalik kahapon sa book shelves.

"Akala ko ano ng nangyari sayo." Sabi niya habang lumipat sa pintuan ang mata niya.

"Binuksan mo?" Biglang tanong niya.

"Ha?! hindi no, sino siya para pagbuksan ko at saka wala na akong paki sa kanya, wala as in wala na." Sabi ko pa, napatango namn siya.

"Hmm, that's good to hear, balik na ako don malapit ng maluto yon, kakain na tayo." He said while tapping my head.

I chuckled, para kaming magasawa ni Tay, kung hindi lang talaga kami bestfriend nako. Magwaone week na siya dito sa condo ko umuuwi, minsan dito na niya tapusin ang trabaho, ayaw niya kasing magisa ako simula nong tinawagan ko siya dahil hindi ko na kaya, patong patong na yung problema ko, kaya heto siya ngayon.

Tay is an engineer, maraming nagkakagusto sa kanya, may boyfriend siya nong ika4th year namin sa college akala ko nga sila na talaga dahil sino ba namang hihiwalay pa sa isang Tay Tawan, gwapo, matalino, mabait, boyfriend material pa at isang engineer. Kaso naghiwalay sila, sinabi lang ni Tay sakin nagcheat daw yung guy. Kaya binuhos niya nalng yung oras niya sa sarili niya, motivation na rin daw niya yung paghihiwalay nila ng ex niya kaya naging isang successful na engineer na siya ngayon.

Ako namn ay isang Architect, actually teacher talaga yung plano ko e kaso biglang nagbago yung ihip ng hangin kaya naging architect na. Marunong naman ako magdrawing at lalo na magpaint, kaya hindi narin ako nanghinayang na ganitong career ang kinuha ko.

"Let's eat na" Natinag ako sa pagsulpot niya sa harap ko.

"Yey!" Namangha ako dahil ang galing ng pagkaarrange niya sa pagkain, may cute pa na carrots na hugis bunny at itlog na hugis puso, wow.

"Take your sit" Natatawang sambit niya, at hinila ako paupo.

"No no no, wait kuhanin muna natin ng pic para namn may buhay ig ko." Sabi ko habang dali-daling kinuha yung phone ko.

Nagtake lang ako ng limang pics, ikalima si Tay na nagcross arms habang tumingin sa bintana, hindi niya alam na kinuhanan ko siya. shems gwapo namn.

"Okay done!" Agaw pansin ko sa kanya.

Sinalinan ni Tay ang baso ko sa favorite kong juice, strawberry.

Pakshet sarap namn magluto talaga nito e, pwede na magasawa talaga. Pero bakit kaya ayaw niya pa? may hinihintay kaya siya? sino namn?

"Uhm Tay, bakit wala ka pang asawa?" Tanong ko habang naghiwa ng hotdog.

Bigla namn siyang napatawa kaya nagangat ako ng tingin.

"Asawa? wala sa plano ko ang magasawa Jav, siguro tama nayung naexperience ko nong college." Sabi niya habang uminom ng tubig.

"Hala tagal na non woi, saka bagay kaya sayo ang magasawa no, galing mo pa magluto hindi gaya sa ex kong wlang kwenta." Sabi ko habang lumamon ng hotdog.

Natawa namn siya don.

"You know what tama talagang naghiwalay lang kayo, hindi sa ano pero hindi mo talaga deserve ang gagong yon e, pinaiyak kapa e hindi ko nagawa yon sayo at hinding hindi ko gagawin yon." Napailing siya habang tinuloy ang kain.

"Tama, pero alam mo ako din parang wala na akong plano magasawa simula palang ng sitwasyon sa pamilya ko tapos yung nangyari samin ni Matt, hays talagang ayoko na sumubok pa." Sabi ko habang tinapos ang kain, busog na ako e.

"You're done?" Bigla niyang tanong nang tumayo ako.

Tumango ako.

"Oo, ako na maghuhugas ng pinggan, alam kong may gagawin kapa e." Sabi ko pa habang inilagay sa lababo ang pinagkainan ko.

"Sige." Aniya habang tinapos niya ang lunch.

"Sure kang ikaw na maghuhugas? baka pagod ka, ako na lang kaya?" Tanong niya habang pumunta sa lababo, nakatayo na ako don handa ng maghugas.

Umiling ako.

"No, kaya ko na kaya pleaseee go na, may tatapusin ka pa 'diba?" Sabi ko habang kumuha ng sabon at sponge.

"Okay sige, nagpplease kana e." Nakangusong sabi niya pa.

"Go na, kaya ko 'to gagi hugas lang? kaya ko ngang hugasan lahat ng plato ko ket 'dipa nagagamit e." Biro ko pang sabi habang nagsisimula ng maghugas. Natawa namn siya.

"Sus biro mo, pagkatapos mo diyan tulungan mo'ko gumawa ng trabaho ha?" Natatawang sabi niya, bigla namn akong lumingon sa kanya habang nakakunot ang noo.

"Pinili mo yan e kaya magdusa ka" Sabi ko pa habang siya tawa ng tawa, may nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Paint mo na lang ano ko." Ngumuso siya pababa.

Nanlaki namn ang mata ko sa sinabi niya, baboy talaga nito.

"Hoy! gago to ah, baboy mo gago!" Akmang tatapunan ko siya ng tubig nang bigla siyang tumakbo palabas ng kusina habang tawa parin ng tawa.

"May one hundred thousand ka pag ginawa mo yon!" Rinig kong sigaw niya.

Napapikit ako sa inis. Bwisit alam na alam pano talaga ako pikonin e.

"Gago! sayo na yan! hindi ko kailangan ng pera mong hayop ka!" Sigaw ko pa habang tinapos ang pagsasabon sa mga pinggan.

"Choosy namn nito!" Sigaw niya namn pabalik.

"Shut up!!" Sigaw ko pabalik, kaya tumawa siya akala ko sisigaw ulit e.

Habang patapos na ako sa hugasin, bigla kong naisip si Matt sa labas. Nandon pa kaya yon? minsan tanga rin nitong lalaking to e, papatayin ba namn ang sarili sa gutom. At bakit ka namn nangingialam sa buhay ng iba Javen Kherl?

Lumabas na ako sa kusina matapos magpunas sa lamesa. Nakita ko si Tay na sobrang seryoso habang tumingin sa laptop niya, nakaeye glass pa siya at may airpod sa magkabilang tenga.

Hindi ko nalang ginulo at kinuha ko ang phone ko, bumungad yung wallpaper ko na kaming dalawa ni Mix habang hawak hawak ko si Machi, aso ko.

Bigla akong naluha, I missed my two babies. Napansin ata ni Tay yon at dali daling lumapit sakin habang hawak niya parin laptop niya.

"Hey what's wrong?" Umupo siya sa tabi ko at nilagay sa side table ang laptop at airpod niya.

"Nothing, I just missed them." Tiningnan niya yung phone ko kung ano yon.

"At alam kong miss ka narin nila, lalo na si Mix." He smiled at me, while wiping my tears.

"Tapusin mo na ang ginagawa mo, alam kong importante yan seryosong seryoso mukha mo kanina e." Sabi ko habang natatawa.

Natigilan siya at pilit na ngumiti.

"Ah right, okay ka lang ha?" Nagaalalang tanong niya pa, kaya tumango ako habang nakangiti.

"Oo okay lang ako, saka pasok muna ako sa kwarto, may gagawin din pa pala ako." Sabi ko habang tumayo na, tumango namn siya habang pinapanood akong pumasok sa kwarto ko.

Wala namn talaga akong gagawin, tiningnan ko lang yung laptop ko at saka email baka may update na yung secretary ng isang kompanyang kinuha ako kasi kailangan daw ng boss nila ang bagong design sa office niya, at kilala ko din namn yung secretary kablockmate ko dati sa college.

I sighed dahil tama ako wala pa talagang update, ano kukunin ba talaga ako nito? baka diyan lang sila magupdate pagnasa America na ako.

Tiningnan ko yung ipapakita kong design sa kanila, hindi light hindi rin masyadong dark yung color niya, parang aesthetic na hindi masyadong corny yung dating saka plano ko hindi ko lagyan masyado ng drawings baka kasi hindi nila magustuhan, minsan sobrang oa ko pa namn pagdating dito gusto ko kasi yung ibubuhos ko yung idea ko.

"Ano kaya idedesign ko sa future house ko?" Biglang tanong ko pa sa sarili. Nagiisip ako ng maganda, hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

*

"Hey Jav, wake up. It's dinner time" Nagising ako sa isang tinig, putcha ilang oras ba tulog ko?

Bigla akong bumangon kaya ang ending nagkatampukan kami ni Tay sa ulo.

"Aw!" Sabay naming sabi, bigla namn siyang lumayo habang hawak noo niya.

"Putcha anong oras na?" Tanong ko habang nakapikit sa sakit ng noo.

"It's 7:03pm" Sabi niya pa habang nakacross arms na ngayon.

"What?! e 1pm ako natulog e or sobra pa baka nga malapit na 2, gagi ganon ba kahaba yung tulog ko?" Tanong ko pa habang inabot yung phone ko, at tama nga siya 7:05pm na.

"Oo kaya get up na, kain na tayo." Huh?! he waited?! hindi ba siya gutom kakahintay sakin?

"Bakit mo'ko hinintay e alasyete na baka gutom kana." Sabi ko pa habang tumingin sa kanya.

"Kanina hindi pero ngayon oo, kaya halika na gutom na ako." Sabi niya habang nakanguso, natawa ako, parang bata lang.

"Eto na nga oh." Sabi ko habang hinila na siya palabas.

"Anong ulam?" Tanong ko habang papasok sa kusina.

"Tingnan mo na lang" Sabi niya pa, napanguso namn ako, ganyan yan pag gutom ang sunget!

"Wow!" Kumuha ako ng plato nang makita ko ang ulam, grabe fav! adobong manok na may design na hugis star na itlog sa ibabaw non, kanina nya pa ata niluto 'to medyo hindi na mainit e.

"Hey, eat slowly." Sabi niya habang nakatingin sa akin na sunod sunod ang subo.

"Sarap e, you're the best chef for me!" I gave him a thumbs up and that's made him chuckle.

"My pleasure." Biro niya habang nagbbow down ng head.

Tunog lang ng kubyertos ang narinig ko pagkatapos non. Hanggang sa tumikhim siya kaya napaangat ang tingin ko sa kanya, nagtaka ako kung bakit seryoso na yung mukha niya ngayon.

"Lumabas pala ako kanina." Sabi niya habang tutok ang tingin sa kinakain.

"And. . ?" umuwi na siya? gusto kong itanong yun, pero ayoko baka masira pa yung dinner namin.

"Wala na siya sa labas, napagod ata kakahintay sayo." Umiiling niyang sabi.

I just nodded.

Tinapos lang namin ang kain at ngayon siya namn yung naghugas ng pinggan kahit pinipilit kong ako nalng dahil alam kong may gagawin pa siya, pero ayaw magpatalo si gago.

"Sige ka malalate ka niyan sa pagtulog pag ikaw talaga ang maghuhugas ng pinggan." Pananakot ko pa, pero parang wala lang sa kanya.

"Okay" Sabi niya lang, hay nako minsan hirap talunin din nitong si Tay e.

"Okay ka diyan!" Sabi ko at umalis na lang don, patapos narin namn siya e.

Pumasok ulit ako sa kwarto para maligo, pagkatapos non nagsisimula na akong gawin yung skin routine ko at habang nakaharap ako sa salamin biglang pumasok sa utak ko ang sinabi ni Tay kanina, umalis na talaga siya.

Mabuti.

Matapos ang lahat kong gawain sa katawan ko, dumungaw ako sa bintana para tignan ang kay kislap na buwan, healing. Sana matapos na talaga ang sakit na dinarasan ko, nakakapagod din e.

Ilang minuto ko pa pinagmasdan ang buwan at nagkuha narin ako ng litrato para ipost sa ig ko.

Healing. Caption ko pa.

Inoff ko na yung phone at lumabas sa kwarto ko, ang tahimik namn.

Pupunta na sana ako sa kusina dahil magtitimpla ako ng gatas dahil alam kong hindi ako makatulog dahil 7:00pm na ako nagising, nakita ko si Tay na natutulog habang open yung laptop niya, dahan dahan akong lumapit sa kanya at kinuha yung eyeglasses niya. He must really tired.

Matapos kong inoff yung laptop ay nagkuha nadin ako ng kumot para sa kanya, himbing na himbing talaga yung tulog niya dahil hindi namn siya gumalaw habang kikukumotan ko siya.

I tapped his head. Thank you Tay, for everything. I hope you'll find someone that really deserves your love.

Bigla akong tumingin sa pintuan, alam kong umalis na talaga siya pero gusto ko padin buksan, ewan ko ba.

Nang nahawakan ko na ang doorknob, dahan dahan kong inikot yon para buksan ang pinto, at bumungad sakin ang tahimik na hallway. Walang bakas ni Matt.

Lumabas pa talaga ako at sinilip ang magkabilang hallway, hindi ako nagaasang andoon siya, sinisiguro ko lang talagang umalis na siya at tatantanan na niya ako.

Pero biglang napako ang tingin ko sa isang puting papel gilid sa door ko, hindi ata nakita ni Tay dahil nasa gilid lang talaga siya.

Kinuha ko 'yon at napasinghap ako dahil sulat kamay yon ni Matt!

Napatingin ulit ako sa hallway, pinadala ba ito? o may dala lang siyang papel at ballpen, wow boy scout lang?

Pumasok na ako at dahan dahang sinara ang pinto baka kasi magising si Tay, hindi ko namn kayang buhatin siya papasok sa guest room e ang laki laki niya.

Pumasok nalng ako sa kwarto ko at handang basahin yung nakasulat doon.

Hi,

I know I'm bothering you, those things I've done to you and if you'll slap me many times I can't feel the way you feel when I'm hurting you. I know the word 'sorry' not enough to all the things I've done to you, but I hope you will give me a chance to explain it to you kung ano ang totoong nangyari that night.

Meet me at the park tomorrow night , you know where it is right? if you'll come I will explain it all, but if you don't, I will stop chasing you for your peace of mind.

8:00pm.

Matt.

Napasabunot ako sa buhok ko. Peace of mind? eh mas lalo lang dumagdag to sa pagiisip ko e! ano?! pupunta ba ako? para ano? para umiyak ulit? at para maniwala sa kagagohang ginawa niya? tapos ano? okay na?, buhay nga namn oh!

Umiyak ako, parang bumabalik lahat ng sakit. Kung paano niya ako pagtataksilan at mismong sa harap ko pa.

May mga katanungan din akong gustong malaman ang totoong sagot, pero hindi ko kayang tanungin siya baka. . . baka kasi hindi niya sasabihin ang totoo, hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa kanya matapos niya akong saktan.

Anong ibig niyang sabihin yung sasabihin nya ang totoong nangyari? hindi paba sapat yung nakita ko? may iba pa bang nangyari? potangina namn oh.

I wiped my tears at tinapon sa basurahan yung sulat niya, wala siyang kwenta! kapal talaga ng mukha! ayan binigyan niya ulit ako ng sakit sa ulo!

Hindi ko kayang makita siya pero gusto ko din malaman ang totoong nangyari pero baka iibahin niya ang kwento. Putcha.

Pero bahala na.

I will come and meet him, I'll take the risk. But I will promise this will be the last that I'm going to talk to him.

I want to make this end.

Im tired.

Maybe this is also for my peace of mind, after this I will focus on myself more, I will prioritize myself more, because it should be myself first right? Nothing more.

I want to end all these bullshit with him.

I can live without him, I can live by myself anyway, I don't need the people who'll just hurt me in the end, they don't deserve someone like me, they don't deserve my love at all.

Tomorrow night, at 8:00pm will be the end of us, and that's good.

Because without him, it's better.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

2.2M 116K 64
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader β”• 𝐈𝐧 𝐰𝐑𝐒𝐜𝐑, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
158K 7.4K 52
Four siblings, two elder brothers and two younger sisters living with their rich parents!! Get ready to enter the life of these siblings and their fa...
652K 39.8K 104
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
133K 3.6K 74
Stray Kids is on tour! Ella wins a prize at the concert that ends up turning her entire life upside down. She uncovers the dark secrets to K-Pop and...