Regalo (COMPLETED)

By MrAlien004

98.6K 2.4K 206

Isang Pagkakamali.. Isang Malaking Kasalanan Isang Paghihiganti... Hinding-Hindi mo ito matatakasan.. Pagbaba... More

Teaser
Author's Note
Chapter 1 - Isang Pangako
Chapter 2 - Tulong ni Edward
Chapter 3 - Paghahanap ng Regalo
Chapter 4 - Paglabas sa Ospital
Chapter 5 - Pamamaalam
Chapter 6 - Burol
Chapter 7 - Masamang Panaginip
Chapter 8 - Pagbibigti
Chapter 9 - Pagkatuklas
Extra Chapter
Author's Note
Announcement
Hiiiiii :)
PLEASE SUPPORT

Chapter 10 - Ang Pagtatapos

5.3K 118 3
By MrAlien004

Chapter 10 (FINALE)

Calling..
Margarette..

H-hello, sabi ni Gabriel.

"Oh Gabriel. Bukas na pala ang Anniversary natin. Meron ka na bang nabiling pangregalo saakin?, palambing na tanong ni Margarette."

"Oo naman, pagmamayabang na sagot ni Gabriel."

"Sige babe bye na see you bukas ha yung Regalo ko , sabi ni Margarette."

"Sige bye, sagot ni Gabriel."

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Agad dumiretso si Gabriel sa banyo upang magsipilyo.

Pagkatapos niyang magsipilyo ay napagisipan niyang magluto ng pagkain. Sa kadahilanang tulog pa ang nanay nito.

At isa pa ay pupunta pa siya sa burol ng kaibigan niyang si Vincent.

Sa oras ng alas otso ng umaga sinimulan ng magluto ni Gabriel.

Habang nagluluto sakto namang nagising ang nanay ni Gabriel.

Nang magising si Aling Elena agad ito lumapit sa anak.

"Oh anak mukang masarap yang niluluto mo ha, nakangiting sabi ni Aling Elena"

"Oo naman nay. Alam ko namang paborito niyo to eh, sagot ni Gabriel."

"Ito talagang anak ko. Alam na alam yung paborito ko. Sige pagkatapos mong lutuin yang adobo tawagin mo ako ha, bilin ni Aling Elena."

"Sige po nay, nakangiting sagot ni Gabriel."

Isang oras ang lumipas...

Natapos ng lutuin ni Gabriel ang masarap na adobo. At agad na siyang nagsandok ng kanin at ulam at tinawag niya na rin ang kanyang nanay.

"Nay kain na po, sabi ni Gabriel"

"Sige anak pupunta na ako jan, sagot ni Aling Elena."

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Ay agad ng umupo si Gabriel sa hapag kainan at ilang segundo lang ang lumipas ay agad umupo si Aling Elena sa hapag kainan.

"Nako anak mukang mapaparami ang kain ko dito, sabi ni Aling Elena."

"Sige lang nay. Kain lang po kayo ng kain, nakangiting sagot ni Gabriel."

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay agad na silang kumain.

"Ah nay oo nga pala. Pupunta lang po pala ako sa burol ni VIncent. Tapos po pupunta po ako sa mall may bibilhin lang po ako doon, pagpapaalam ni Gabriel."

"Sige anak basta mag-iingat ka lang ha, sagot ni Aling Elena."

"Salamat nay, sagot ni Gabriel."

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay nagpatuloy sila sa pagkain.

Ilang minuto ang lumipas...

Natapos na silang kumain. Pagkatapos nilang kumain ay agad ng inayos ni Aling Elena ang kanilang pinagkainan at si Gabriel naman ay agad ng naligo.

"Habang naliligo si Gabriel. Iniisip niya kung ano ang susuotin niya sa araw ng kanilang Anniversary ni Margarette."

Ilang minuto ang lumipas...

Agad ng natapos naligo si Gabriel. At agad siyang dumiretso sa kwarto upang magbihis.

Ganoon nalang ang kilabot na naramdaman ni Gabriel ng tumingin siya sa salamin.

NAKITA NIYA ANG KAPATID NIYANG SI EDWARD NA NAKANGITI AT NALILIGO ITO NG DUGO. AT SINASABING MAMATAY SIYA! MAMATAY SIYA!

Dahil doon agad sumigaw si Gabriel.

At ang pagsigaw na iyon. Iyon ang dahilan upang tumungo si Aling Elena sa kanilang kwarto.

"B-bakit anak bakit ka sumisigaw, nag-aalalang tanong ni Aling Elena."

"N-nay kasi po s-si Edward nakita ko po s-salamin, sagot ni Gabriel sabay turo sa salamin."

"At may sinasabi siya, dugtong ni Gabriel."

"A-anong yun anak, tanong ni Aling Elena. At nararamdaman ni Aling Elena ang pagtaas ng kanyang balahibo."

"Nay s-sinasabi niya na MAMATAY SIYA! MAMATAY SIYA!, sagot ni Gabriel."

"A-anak dapat kang maging handa sa mga mangyayari, natatarantang sabi ni Aling Elena."

"A-ano pong ibig niyong sabihin?, tanong ni Gabriel."

"A-anak maaring may mawala na mahal mo sa buhay, sabi ni Aling Elena."

"Nay naman pagod na pagod na po ako. Sawa na po akong mawalan ng mahal sa buhay, naiiyak na sabi ni Gabriel."

"Anak dapat magpakatatag ka, sabi ni Aling Elena."

"Nay ano po bang nagawa natin sa kanya? Ano po ba? Kulang pa ba?, tanong ni Gabriel."

"Anak naiintindihan kita. Yung namatay ang kapatid mo ganyan ang naramdaman ko. Pero sinasabi ko senyales na yan upang mag-ingat tayo sa mga ikinikilos natin, sabi ni Aling Elena."

"Opo nay. Mag-iingat po ako, sagot ni Gabriel."

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Agad ng nagpatuloy magbihis si Gabriel.

Nang matapos siyang magbihis ay agad ng dumiretso sa bahay nila Vincent upang makiramay.

Ilang minuto ang lumipas..

Agad ng nakarating si Gabriel sa bahay nila Vincent at ng pumunta siya doon nadatnan niya ang mga kamag-anak ni Vincent.

Sinubukan niyang tingnan ang mukha ni Vincent sa kabaong. Ngunit laking gulat niya dahil parang nagbago ang mukha nito. At hindi niya na ito makilala.

Ilang oras ang lumipas...

Agad na ring umalis si Gabriel sa bahay ni Vincent. Upang tumungo sa mall.

Naiisip niyang bumili doon ng isusuot niya sa araw ng Anniversary nila.

Nang pumunta siya doon. Agad siyang may nakitang napaka- gandang damit.

At dahil doon agad niyang itinanong ang presyo nito.

"Ah miss magkano ito?, tanong ni Gabriel."

"Yan sir 550 lang po iyan. Ano po kukunin po ba ninyo?, tanong ng babae."

"Ah sige kukunin ko, sagot ni Gabriel."

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay agad ng binayaran ni Gabriel ang damit.

Pagkatapos niyang bayaran ito ay agad na itong umuwi sa kanilang bahay upang magpahinga.

Nang makarating na ito sa bahay ay agad na itong natulog.

Kinabukasan
9:00AM

Agad ng nagising si Gabriel. At naghanda para sa Anniversary nila.

Napagplanuhan nila na magkita sa lugar kung saan sila laging nagkikita.

Agad ng naligo si Gabriel, Nagbihis at nagpapogi.

Paalis na sana ito. Nang bigla itong napaisip. Napaisip ito kung bakit nawawala ang kwintas na ipapangregalo niya kay Margarette.

Dahil doon agad niyang tinanong ang kanyang nanay.

"N-nay alam niyo po ba kung saan yung kwintas na ipapangregalo ko kay Margarette?, tanong ni Gabriel"

*************

Habang nag-aayos si Margarette. Upang sa Anniversary nila. Agad siyang nakatanggap ng isang sobre na ipinadala sa kanya.

Na sinabi ng kartero na ipinapadala daw iyon ni Gabriel.

****************

"Ah anak hindi ko alam, sagot ni Aling Elena."

"Nako nay saan na po iyon, sabi ni Gabriel at sa puntong iyon nakakaramdam na siya ng kaba"

***************

Nang buksan ni Margarette ang sobre nakita niya ang kwintas na galing kay Gabriel.

Dahil doon agad niya itong isinuot.



Ngunit sa kanyang pagsuot...

UNTI-UNTING HUMIGPIT ANG KWINTAS.. AT TULUYANG HINDI NA NAKAHINGA SI MARGARETTE...

AT IYON ANG DAHILAN NG KANYANG PAGKAMATAY..

************

Agad hinanap ni Gabriel ang kwintas at sa kalagitnaan ng kanyang paghahanap agad tumawag sa kanya si Margarette

Calling ..
Margarette....

"H-hello, sabi ni Gabriel."

"TULUNGAN MO AKO... PUMUNTA KA DITO SA BAHAY KO, NAAKATAKOT NA BOSES."

Agad naputol ang linya..

At dahil doon agad dumiretso si Gabriel sa bahay nila Margarette.

At nadatnan niya si Margarette na wala na itong buhay.

At dahil doon agad umiyak si Gabriel. At nakita niya ang kwintas na hawak ni Margarette.

Epilogue:

Makalipas ang 4 na araw tuluyan ng inihatid sa huling hantungan ang girlfriend ni Gabriel na si Margarette. Maraming dumalo na kamag-anak.

Pagkatapos ng libing. Naisipang pumunta ni Gabriel sa mall. At ang kanyang nanay naman ay dumiretso na ng kanilang bahay upang magpahinga sa kadahilanan pagod na ito.

Nang nakarating na si Gabriel sa mall. Agad siyang pumunta sa World of Fun upang kahit papaano makalimutan niya ang kanyang mga problema.

Pagkatapos niya namang maglaro ay agad siyang pumunta sa Jollibee upang kumain.

At doon nakita niya ang mga kaklase niya nung college pa siya.

Nagkamustahan....

Nagkulitan.....

Ilang oras ang lumipas...

Agad ng umuwi si Gabriel sa bahay nila dahil pagod na ito.

Nang makarating siya sa bahay nila. Laking gulat niya ng makita niya ang kwintas na hawak hawak ng nanay niya.

"ANAK NAPAKAGANDA NAMAN NITO. PWEDE SAAKIN NALANG? SIGE NA ANAK..."

AT BIGLANG NAGBAGO ANG ANYO NG NANAY NIYA AT NAGING KAMUKHA NITO ANG LAGI NIYANG NAKIKITANG DUGUANG BABAE.


Note: Please read the Extra Chapter.... Next Page..

***MrAlien004***

Continue Reading

You'll Also Like

75.7K 1.1K 104
Huwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events
75.1K 3.3K 47
Ito ay nobela tungkol sa sinaunang paniniwala na patuloy na ginagawa sa isang liblib na barrio sa Norte. Misteryoso, marahas at hindi maka-Tao - Ito...
58.4K 1.6K 25
|| Book 2 Completed || Akala nila tapos na. Akala nila matatahimik na sila. Pero bumalik sya. Bumalik sila! Para muling guluhin ang barkada. (Book 2...
47K 1K 15
Compilation of all my one-shot/short stories.