LADY MASQUERADE

By CeCeLib

14.9M 348K 40.3K

WARNING: SPG/R-18 "Love has a powerful way of removing the mask we all insist on wearing." - geckoandfly More

SYNOPSIS
CHAPTER 1 - The Boss
CHAPTER 2 - Amber Eyes
CHAPTER 3 - The Hand Job
CHAPTER 4 - Frustration
CHAPTER 5 - The Host
CHAPTER 6 - He likes her
CHAPTER 7 - Chivalry
CHAPTER 8 - It Hurts
CHAPTER 9 - Stoic Secretary
CHAPTER 10 - Unknown Emotion
CHAPTER 11 - Her Mask Fell
CHAPTER 12 - Going Home
CHAPTER 13 - A Loveless Offer
CHAPTER 15 - Confession and Kiss
CHAPTER 16 - Tonight, Love me
CHAPTER 17 - Genie in the Bottle
CHAPTER 18 - I love you
CHAPTER 19 - You're mine now
CHAPTER 20 - The Masquerade Ball

CHAPTER 14 - Not Easy to Forget

635K 14.8K 2.5K
By CeCeLib

CHAPTER 14 - Not Easy to Forget

DAHIL pumayag si Gemini na bumalik sa kompanya ni Aidan, ibinalik na ng binata ang Yacht sa pier at hinatid siya sa kaniyang bahay. Panay ang pigil sa kaniya ng kaniyang ama pero hindi siya nagpapigil. Marami pa siyang babayaran dahil sa mga utang nila kay Reigo nuong nagkasakit ang ina niya. Hindi naman siya sinisingil ni Reigo pero nahihiya siya. Wala na ngang porsyento, matagal pa niyang mabayaran.

Ang café naman niya ay iniwan niya sa pinsan niyang si Jessica. Alam niyang aasikasuhin nito ng mabuti ang Café niya.

Gemini blew a breath when she entered her old apartment. Nakakatawa. Hindi pa napapaupahan sa iba ng may-ari ang apartment niya. Para talagang hinihintay siyang bumalik.

Naglalakad siya patungo sa maliit na teresa nang apartment ng tumunog ang cell phone niya. Nang tingnan niya kung sino iyon, napakunot ang nuo niya ng makitang si Reigo ang tumatawag.

Reigo often called. Kapag tumatawag ito, para iyon ipaalam ang mga pagbabago sa isinangla nilang Rancho. Kaya nga nagpapasalamat siya rito e. He is a good guy for doing that.

Sinagot niya ang tawag. "Hey, Reigo."

"Hey. Bumalik ka na raw sa Manila?" Tanong nito.

She nodded. "Oo. Babalik na ako sa trabaho ko. Sorry pala, hindi tayo nakapag-usap. Impromptu kasi yung pag-alis ko e."

"That's okay. Hindi rin naman ako nakapunta kagabi sa bahay niyo dahil na-busy ako, e." Ani Reigo. "Anyway, i have time. Nasa Manila ako ngayon. Wanna talk?"

That made her smile. "Yeah. Nasaan ka?"

"Bachelor's Village." Sagot nito. "Alam mo kung nasaan 'yon?"

Hmm. Village ng mga mayayaman. Hindi na siya nagulat.

"Oo." Naglakad siya palabas ng apartment niya. "Papunta na ako riyan."

"Okay. Hihintayin kita."

Namatay ang tawag at dali-dali siyang labas ng apartment at pumara ng taxi saka nagpahatid sa Bachelor's Village.

Nang makarating doon, hiningan siya ng I.D. ng Security Guard at tinawagan pa si Reigo para i-confirm kung kilala siya nito at kung pinapapunta siya ng lalaki rito. At ang nakakaloka, kailangan pa siyang sunduin ni Reigo para makapasok sa loob ng Village.

What the hell?

"Grabe naman ang higpit ng security dito sa Village niyo." Sabi niya habang nakasakay sa kotse ni Reigo.

Reigo smiled. "Pasensiya na. Ganoon talaga 'yon."

"Ang yayaman niyo kasi e."

"No comment."

She rolled her eyes at Reigo. "Ewan ko sa'yo."

Reigo just chuckled and stop his car in front of a very cozy Park. May fountain sa gitna ng Park at maraming pamilya na naroon at nagpi-picnic.

"Dito nalang tayo mag-usap." Anito saka lumabas ng sasakyan.

Gemini steps out from the car and then went after Reigo who sat on the vacant bench.

Humarap sa kaniya ang binata. "So, what happened?"

Nagbaba siya ng tingin saka binuksan ang bibig para mag-kuwento. Wala siyang inilihim sa kababata. Lahat nang nangyari mula ng magpanggap siyang si Lady Masquerade hanggang sa nagkasakit siya dahil nagkaroon siya ng multiple laceration. Pati ang nararamdaman niya kay Aidan ay ikinuwento niya kay Reigo. She didn't stop talking until there's nothing to tell.

Gemini took a very deep breath. "'Yon ang nangyari. So, any advice?"

Napakurap-kurap si Reigo na parang hindi makapaniwala sa mga ikinuwento niya. Itinikom nito ang bibig na nakabuka sa sobrang gulat at humugot ito ng isang malalim na buntong hininga.

"Ahm, I ahm, stunned." He blew a breath. "Mahal mo pa rin siya hanggang ngayon. Tama ba?"

Tumango siya. "Hindi ko alam na mahal ko na pala siya. Tama nga ang sabi nila na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag wala na ito sa'yo. Nalaman ko lang na mahal ko pala siya nuong nalaman niyang niloloko ko siya." Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Masakit kasi dahil sa ginawa ko, wala akong karapatang mag-demand sa kanya na mahalin din ako. And he made it clear yesterday that he doesn't feel anything special for me. And it hurts. Kasi ako napamahal siya sa'kin sa mga panahong niloloko ko siya, pero sa kanya, wala lang pala."

Bumuntong-hininga si Reigo at tinuyo ang luha na nalaglag mula sa mga mata niya. "Don't cry. Kahit mahal mo siya, wala pa rin siyang karapatan na paiyakin ka. At hindi ako naniniwala na wala man lang siyang ni katiting na nararamdaman sa'yo. Imposible 'yon. Dahil hindi siya magagalit sa'yo kung wala siyang nararamdamang espesyal para sa'yo, my gem."

Malungkot siyang ngumiti. "Thanks for trying to cheer me up. Pero alam kong wala siyang nararamdaman sa'kin. He told me himself."

Napailing-iling si Reigo, "Gem, people, men in particular, often wear a mask to hide their true feelings."

She frowned. "Anong ibig mong sabihin?"

Ginulo ni Reigo ang buhok niya. "I'll help you."

Mas kumunot lalo ang nuo niya. "Ano?"

Reigo grinned slyly. "Tutulungan kita."

"Anong tulong?"

Kinindatan siya nito. "Sa akin nalang 'yon." May kinuha itong lollipop sa bulsa at binigyan siya ng isa. "Oh, panpatanggal ng stress."

Natatawang binuksan niya ang lollipop at inilagay iyon sa bibig niya. Hanggang ngayon pala, paborito pa rin nito ang Lollipop. Walang kupas.

Walang imik silang dalawa ni Reigo habang nakaupo sa bench at may lamang lollipop ang bibig nila.

They were like that when a baritone voice spoke behind her and Reigo.

"Gemini?"

Mabilis siyang lumingon at umakto siyang hindi bumilas ang tibok ng mabilis ang puso niya ng magtama ang mga mata nila ni Aidan. He is wearing a dark khaki pants and he paired it with white tee-shirt. Magkasalubong ang kilay nito habang nakatingin sa Lollipop na nasa bibig niya.

"Aidan..." Mabilis siyang tumayo at humarap sa binata. Tinanggal niya ang lollipop sa bibig. "A-Anong ginagawa mo r-rito?"

Namulsa ang binata. "Visiting a friend."

"Ah." Tumango-tango siya.

"Ikaw, anong ginagawa mo rito?"

Tumayo si Reigo sa kinauupuan at inakbayan siya saka tumingin kay Aidan. "Who's he, my gem?"

Napatingin siya kay Reigo na walang emosyon ang mukha na nakatingin kay Aidan. The two men are having a man to man staring contest.

"Ahm," hinawakan niya ang kamay ni Reigo na nasa balikat niya kasi ang higpit ng pagkakahawak sa kaniya ng binata. "Reigo, this is Aidan, my boss." Tumingin siya kay Aidan. "And Boss, this is Reigo my-"

"Boyfriend." Pagtatapos ni Reigo sa sasabihin niya.

She looked at Reigo, shock. Nginitian lang siya ng kababata at tumingin kay Aidan. "It nice meeting you but my gem and I have somewhere else to go."

Iginiya siya ni Reigo patungo sa sasakyan nito.

"Don't look back, Gem." Pabulong na sabi ni Reigo. "Kapag lumingon ka, malalaman niya ang nararamdaman mo para sa kanya."

Pinilit niya ang sarili na hindi lumingon habang naglalakad patungo sa sasakyan ni Reigo. Kahit nang nakasakay na siya sa kotse ng binata, hindi niya nilingon si Aidan. Masakit ang puso niya pero wala siyang pakialam. She would not entertain her feeling for Aidan. Mas lalo lang siyang masasaktan.

Sinabi na nitong ayaw nito sa kanya, na wala itong gusto sa kaniya at hindi naman siya tanga para hindi maintindihan ang gusto nitong ipahiwatig. Hindi siya magiging tanga sa pag-ibig.

Alam niyang pagdating sa pag-ibig, nagiging tanga ang pinaka-matalinong tao at iyon ang iniiwasan niyang mangyari sa kaniya. Ayaw niyang maging tanga dahil alam naman niyang walang patutunguhang maganda ang nararamdaman niya.

WALANG emosyon ang mukha ni Aidan habang nakatingin sa likod ni Gemini. Naka-akbay pa rin ang lalaki sa balikat ng dalaga. He wanted to move. He wanted to rip that guys arms. He wanted too many things that he couldn't have.

"Sino 'yong kasama ni Gemini?" Anang boses ni Mack sa tabi niya. Saan na naman kaya ito nanggaling?

He shrugged and turned around. "Her boyfriend."

"What?" Hinabol siya ni Mack at pinakatitigan ang mukha niya. "That's it? Wala kang gagawin?"

"Ano naman ang gagawin ko?"

Napalatak ito. "Damn you, Aidan. Akala ko pa naman may gusto ka kay Gemini kaya nga pinigilan ko ang atraksiyon na nararamdaman ko para sa kaniya kasi sa'yo siya. Sana nagsabi ka."

Napatitig siya sa kapatid niya. "Ano? May gusto ka kay Gemini?"

"Yeah." Pag-amin nito. "Can't you see how beautiful she is in the inside and out? Siya ang tipo ng babae na ipagmamalaki ng isang lalaki. Akala ko nakita mo 'yon kaya kung makabakod ka, wagas. Wala ka naman palang gusto. Sana nagsabi ka."

Naiinis na iniwan siya ni Mack. Nakamaang lang siya sa papalayong likod ng kapatid niya.

Napailing-iling siya kapagkuwan. "Ang dami ko palang kaagaw kung ganoon."

Umalis siya sa park at tinungo ang nakaparada niyang sasakyan sa labas ng bahay ni Knight. Inimbitahan siya nitong mag-chess kaya narito siya sa Bachelor's Village. Isinama na rin niya si Mack dahil wala naman itong pupuntahang iba.

Pasakay na siya sa kaniyang Lamborghini ng mahagip ng mata niya ang sasakyan ng boyfriend ni Gemini na nakaparada sa labas ng isang bahay na malapit lang sa bahay ni Knight. Annoying! Isang buwan lang ito sa Cebu, nagkaroon kaagad ito ng boyfriend! Nakakairita talaga.

Nakita ng dalawa niyang mga mata kung paano maglambingan ang dalawa habang may mga lollipop sa bibig nito.

Childish!

Binubuksan ng lalaki ang gate ng isang bahay ng bumaling sa gawi niya si Gemini. Their eyes met and she quickly looked away.

Reigo-actually, he knew the guy. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa may-ari ng Vasquez International Construction Company?- open the gate and let Gemini in.

Habang naglalakad ito papasok, pipi siyang humihiling sa panginoon na sana bumaling sa dereksiyon niya si Gemini. Pero hanggang sa mawala ito sa paningin niya, hindi narinig ang panalangin niya.

Crap!

Naiinis na sumakay siya sa Lamborghini niya at mabilis na pinaharurot iyon palayo sa Bachelor's Village.

Gemini is taken and Aidan knew it. Alam din niya ang kasabihang ang kay Juan ay kay Juan, pero wala naman siyang pakialam sa kasabihan na iyon o sa kaalamang may kasinatahan na ang sekretarya niya. Tuloy pa rin ang plano niya.

EATING lunch and dinner with Reigo is fun. No dull moments. Marami silang napag-usapan at kasama na roon ang update sa Rancho nila na ito ang may hawak.

Ihinatid siya ni Reigo sa apartment niya kinagabihan at kaagad siyang nahiga sa kaniyang kama. Ipipikit na sana niya ang kaniyang mga mata ng marinig niyang tumunog ang message alert tone cell phone niya.

Mabilis niyang kinuha iyon sa purse niya na dala-dala niya kanina at tiningnan kung sino ang nag-text.

It came from Aidan.

'If only you knew how much I think about you.'

Paulit-ulit niyang binasa ang mensahe ng binata bago ito ni-reply-yan.

'Wrong send ka boss.' Then she press send.

Hindi lumipas ang isang minuto, nag-reply si Aidan.

'I acted like it wasn't a big deal, when the truth is; it's breaking my already broken heart.'

Naguguluhan siyang binasa ng paulit-ulit ang mensahe ni Aidan.

'Okay ka lang ba, boss?'

Sa pagkakataong iyon, hindi na text ang dumating sa kaniya kundi tumawag na ito.

Sinagot niya ang tawag.

"Hey, boss?"

Mahinang tumawa ang nasa kabilang linya. "What happen to my first name, Gemini? Nagka-boyfriend ka lang, balik na naman tayo sa boss?"

She frowned. "Ayos ka lang ba, boss."

His voice sounds slurred.

"Why do you care?" Tumawa na naman ito ng mahina. "Anyway, you're my secretary right?"

"Yes." Pormal niyang sagot.

"Well, I-I'm in Bachelor's B-Bar and I'm f-freaking d-drunk." His voice is now really slurred. Halatang lasing ito. "Come and get me, Miss Secretary."

Gemini sighed. "Okay, boss."

"And Gemini?"

"Yes?"

"I think I'm in love," he paused. "And I hate it."

She felt like someone is gripping her heart. Napaka-suwerte naman ng babae na mahal nito. Aidan is a good man. Kaya nga na-in love siya sa binata dahil nakita niya ang side nito na hindi niya akalaing mayroon pala ito.

Sa halip na sagutin, pinatayan niya ng tawag si Aidan at mabilis na lumabas ng apartment niya. Nakalimutan niya ang pagod na nararamdaman kanina. She needs to fetch Aidan. Baka mas malasing pa ito lalo kapag hindi niya sinundo sa Bachelor's Bar.

Nang makarating ang Taxi na sinasakyan niya sa Bachelor's Bar, binayaran niya ang driver at mabilis na pumasok sa Bar. Kaagad na nakita niya si Aidan na nakatungo sa bar at may kaharap na isang mini-bottle ng tequila.

"Boss."

Mabilis na lumingon sa gawi niya si Aidan at nang makita siya, ngumiti ito ng matamis.

"Hey, my beautiful secretary." Tumayo ito at gumigiwang na naglakad palapit sa kaniya.

Mabilis niyang inalalayan ang binata na ngayon ay nakayakap na sa kaniya.

"Boss, umayos ka nga!" Naiinis na sabi niya. Ang bigat-bigat kasi nito.

Matuwid na tumayo si Aidan at tumingin sa kaniya. Pagkatapos ay dahan-dahan na bumaba ang mukha nito sa mukha niya. Bago pa siya maka-iwas, magkalapat na ang mga labi nilang dalawa. At bago pa siya makapag-react sa halik na iginawad nito sa kaniya, sinapo ni Aidan ang mukha niya at madamdamin itong nagsalita.

"Gemini," hinaplos nito ang pisngi niya, "You're not very easy to forget, you know that?"

Hindi siya umimik. She knew that it's the liquor talking. Ang hilig kasing maglasing, hindi naman kaya ang sarili.

Naiinis na iginiya niya ang binata palabas ng café. Panay pa rin ang salita nito pero hindi naman niya maintindihan. Buwesit! Oo nga at mahal niya ito pero ayaw naman niyang maging personal assistant ng lalaking 'to!


A/n: lAST UPDATE for this week.

Continue Reading

You'll Also Like

35.7K 2.5K 43
Asher june san jose,Isang basag ulo at pasaway na babae,kaya sa ugali niya nailipat siya sa isang eskwelahan na makakapagbago ng kanyang buhay at pat...
671K 15K 45
Sarah is the ambitious model chasing for her future. Dee-lan is the hopeless romantic troubled with his present. Shawn is the runaway bride searching...
5.9M 155K 66
Cute and chubby, Cara Isabelle Mendez has liked Lucas Eion Jimenez since she was young. But he makes her feel unwanted and insecure, and Cara finds h...
56.8M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...