LADY MASQUERADE

By CeCeLib

14.8M 347K 40.2K

WARNING: SPG/R-18 "Love has a powerful way of removing the mask we all insist on wearing." - geckoandfly More

SYNOPSIS
CHAPTER 1 - The Boss
CHAPTER 2 - Amber Eyes
CHAPTER 3 - The Hand Job
CHAPTER 4 - Frustration
CHAPTER 5 - The Host
CHAPTER 6 - He likes her
CHAPTER 7 - Chivalry
CHAPTER 8 - It Hurts
CHAPTER 9 - Stoic Secretary
CHAPTER 10 - Unknown Emotion
CHAPTER 11 - Her Mask Fell
CHAPTER 12 - Going Home
CHAPTER 14 - Not Easy to Forget
CHAPTER 15 - Confession and Kiss
CHAPTER 16 - Tonight, Love me
CHAPTER 17 - Genie in the Bottle
CHAPTER 18 - I love you
CHAPTER 19 - You're mine now
CHAPTER 20 - The Masquerade Ball

CHAPTER 13 - A Loveless Offer

589K 15.5K 2.6K
By CeCeLib

CHAPTER 13 - A Loveless Offer

HALOS isang buwan na rin ang nakakaraan mula nang umuwi si Gemini sa Cebu. Ngayon, nakangiti siya habang nakatingin sa kabuonan ng Lady Masquerade's Cafe na naipatayo niya gamit ang perang naipon niya habang nagta-trabaho sa Kompanya ni Aidan.

Speaking of which... nasasaktan pa rin siya sa tuwing naaalala niya ang binata. Hindi naman yata mawawala ang sakit kasi palagi itong laman ng puso at isip niya. Ayaw niyang umasa na makikita niyang muli si Aidan, pero ang hangal niyang puso patuloy na umaasa na kahit man lang silip ay makita niya ito.

"Hello there, my gem." Anang boses ng lalaki na kilalang-kilala niya.

Bumuntong-hininga siya at tumingin kay Reigo Vasquez, ang kaniyang kababata na ubod ng landi. Pati siya na kababata nito at kaibigan ay nilalandi.

Well, Reigo is one of the most sought after Bachelor in the country, even in Asia. Talaga naman kasing napakaguwapo nito. Reigo has these deep liquid brown lazy eyes that beacons women. He has this kind of smile that can melt a stone hearted woman. And not to mention his hot body and those ripped abs... madali itong magustuhan ng mga kababaehan.

Unfortunately, hindi siya kasali sa mga babaeng nahuhumaling dito.

"Hi." Aniya.

Napasimangot ito. "Bakit ka malungkot?"

She shrugged. "Wala. May iniisip lang ako."

"Asus." Hinawakan nito ang kamay niya. "Gusto mo mamasyal tayo?"

Mula nang dumating siya sa Cebu at nakita nito ang malungkot na bukas ng mga mata niya ay palagi itong nag-aaya na mamasyal na palagi naman niyang tinatanggihan.

Umiling siya. "Busy ako."

"Come on." Pamimilit nito sa kaniya. "I could take you to Paris if you want."

Inirapan niya ito. "Reigo, alam kung ikaw ang nagmamay-ari ng Vasquez International Construction Company. At alam ko rin kung gaano ka kayaman kasi sayo ko isinangla halos lahat ng ari-arian namin. Alam kong kaya mo akong dalhin sa kahit saang lugar pero ayoko. Okay?"

Nawala ang masayang kislap ng mga mata nito at mataman siyang tinitigan. "I'm just trying to cheer you up, Gemini. Masayahin ka ng umalis ka nang Cebu pero ngayon, bumalik ka nga, pero malungkot ka naman. Hindi ikaw ang Gemini na kababata ko na palaging nakangiti."

Malungkot siyang ngumiti. "That was me before my mom's death."

Umiling si Reigo. "No. That was you before you left."

Nag-iwas siya ng tingin baka makita nito ang tinatago niyang kislap ng kalungkutan sa mga mata. "Please, Reigo, huwag mo akong guluhin."

"Why?"

"Because I'm broken hearted and i want to mend it on my own." Aniya sa malungkot na boses.

Reigo sighed and went inside the counter. Niyakap siya nito mula sa likuran at hinalikan siya sa ulo. His kiss feels soothing.

"Ano bang nangyari sa'yo sa Maynila?" May pag-aalala ang boses nito.

"Basta. Masakit."

Reigo sighed again. "You can tell me."

Bumuntong-hininga siya at nilingon si Reigo na nasa likuran niya.

Nginitian niya ito, "it's a long story."

"I have time."

"Maybe some other time." Aniya ng makitang may papalapit na costumer.

"Okay." Ani Reigo at umalis sa counter. "Pupunta ako mamaya sa bahay niyo."

"Sige."

Nginitian muna siya ni Reigo bago umalis sa cafe niya. Huminga siya ng malalim at inasikaso ang costumer na lumapit sa kaniya. Naka-cap ang lalaki at natatakpan ang mukha nito.

"One Mocha Frappe, miss." Ani ng boses na kilala niya.

She frowned at the man in front of her. "'Yon lang po, sir?"

Nag-angat ng tingin sa kaniya ang lalaki at ngumiti. "That's all, Gemini."

Nanlaki ang mga mata niya. "Mack?"

Mack grinned. "Hey. Kumusta ka na?"

She was still frowning. "What the hell? Paano mo nalaman na—"

"I didn't." Anito. "May nag-utos lang sa'kin na pumasok dito at kausapin ka. I never thought that this is yours and i never know that you are not Aidan's secretary anymore."

She smiled. "Well, things happened."

"Yeah." He smiled at her. "Wanna go out with me and talk? May sasabihin kasi ako sa'yo."

Nahulog yata ang panga niya sa tanong nito. "A-Ano?"

He smiled again. "Wanna go out with me?"

Sa halip na tarayan ito, napangiti siya. "Sige. Okay lang."

"Great." Masayang ani ni Mack. "Ngayon na o mamayang gabi pa?"

"Hmmm..." umakto siyang nag-iisip at nang makita si Jessica, ang pinsan niya na isa sa nga pinagkakatiwalaan niyang tao sa Cafe kapag wala siya, bumaling siya kay Mack. "Ngayon na."

Lumabas siya sa counter at nilapitan si Jessica. "Puwede bang ikaw muna ang bahala rito?"

Jessica nodded. "Sige."

Nginitian niya ito at bumalik kay Mack. "Halika na. Date na tayo."

Ngumiti si Mack. "Okay."

Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya palabas ng Cafe. Nakangiti siya habang naglalakad palapit sa sasakyan nito. It feels heartwarming to be with Mack. At saka may mapagtatanong din siya kung ano na ang nangyari kay Aidan simula nang umalis siya.

Binuksan ni Mack ang passenger side door at pinapasok siya roon.

When she entered the car, she gasped when she saw Aidan on the Driver's seat. Nakatutok ang mata nito sa labas. Mabilis na hinanap niya si Mack. Nasa unahan ang binata at kumakaway sa kaniya habang may munting ngiti sa mga labi.

Mack mouthed 'sorry'. Pinukol lang niya ito ng masamang tingin at inirapan.

Akmang bubuksan niya ang pinto ng sasakyan dahil nahihiya siya kay Aidan nang biglang humarurot ang sasakyang paalis.

Mahigpit siyang napakapit sa seatbelt na nasa gilid niya at mabilis na isinuot iyon.

"Aidan! Stop the car!" Hiyaw niya rito.

"No!" Balik sigaw nito sa kaniya.

Napatitig siya sa mukha ng binata at handa na niya itong singhalan ng makita niya ang mukha nito. He looks messy and hell, he looks really bad. Worse, actually. Really worse.

"Anong nangyari sayo?" Nagtatakang tanong niya sa binata na halos paliparin na ang sasakyan na kinalululanan nila.

Nagtagis ang bagang nito. "Kasalan mo 'tong lahat. Kasalanan mo!"

Napaigtad siya sa paglakas ng boses nito. "B-Bakit ka ba naninigaw? At ano ang kasalanan ko?"

Itinigil ni Aidan ang sasakyan sa gilid ng isang Pier saka lumabas. Pagkatapos ay umikot ito patungo sa passenger side door at pinabuksan siya ng pinto.

"Lumabas ka." Anito sa matigas na boses.

Kaagad siyang lumabas at hinayaan niyang hinalain siya ni Aidan patungo sa nakadaong na Yacht na may pangalang Navarro's Gem.

Walang imik si Gemini habang hinihila siya ng binata patungo sa Yacht. Hindi niya alam kung ano ang kailangan nito at 'yon ang aalamin niya.

Nang makapasok sila ni Aidan sa loob, biglang gumalaw ang Yacht at nag-umpisa iyong lumayo sa Pier. Nuong nasa top deck na sila, nilingon niya ang Pier na pinanggalingan nila. Bigla siyang inatake ng kaba.

"T-Teka, bakit mo ako dinala rito?" Nagtatakang tanong niya. "Bakit umaandar itong Yacht na 'to?"

"Para hindi ka makatakas habang nag-uusap tayo." Sagot ni Aidan.

Pinaupo siya ni Aidan sa sofa na nasa top deck at matiim ang mga mata na tinitigan siya nito.

"Tell me, Gemini." Humugot ito ng isang malalim na hininga. "Is there a time in these past few weeks that you think of me and what you did to me?"

Para siyang tinakasan ng lakas sa tanong nito. Nagbaba siya ng tingin—

"Fuck it, Gemini! Look at me!"

Mabilis siyang nagtaas ng tingin at napakurap-kurap. "D-Don't shout at me."

Hindi siya nakikipaglaban ng sigawan dito dahil alam niyang siya ang nagkamali. Sa kaniwalang dalawa, siya ang karapat-dapat na sigawan.

His face softened. "Sorry. I didn't mean to shout at you." Tumabi ito ng upo sa kanya sa sofa at hinawakan ang kamay niya. "Gemini, bumalik ka na."

Her heart hammered inside her chest. "B-Bumalik saan?" Sa buhay mo?

"Bumalik ka na sa pagiging sekretarya ko." Bumuga ito ng marahas na hangin. "Wala akong mahanap na mas magaling sayo. Lahat sila, wala sa kalingkingan mo. Masyado kang magaling magtrabaho kaya please, bumalik ka na sa kompanya ko."

Inagaw niya ang kamay na hawak nito. "Aidan, masaya na ako sa buhay ko rito. I have a café, i can personally take care of my dad now and—"

"I need you." Sansala nito sa iba pa niyang sasabihin at humarap sa kanya. "Kailangan ka ng kompanya ko. Please. Bumalik ka na. I'm sorry sa mga nasabi ko. Naguguluhan lang ako noon at nagulat. Kakalimutan kong niloko mo ako at pinaglaruan, bumalik ka lang."

Humugot siya ng isang malalim na hininga. "Ayoko na."

"Bakit?"

"Kasi nakakailang na maging boss ka. Pagkatapos ng mga nangyari sating dalawa, hindi na natin maibabalik ang dating trato natin noon sa isat-isa."

Tumayo si Aidan tumingin sa malawak na karagatan na nasa harapan nila. Tumigil na ang Yacht sa pagusad. Mula sa kinauupuan niya, nakikita niya ang Pier pero maliit na.

"Sige, kung iyan ang desisyon mo." Anito na nakahawak ang mga kamay sa beywang nito. "Pero hindi ko idadaong ang Yacht na ito hangga't hindi ka pumapayag sa gusto ko."

Napailing-iling siya. "Bakit ba ang kulit mo? Hindi ko naman kinuwestiyon dati ang desisyon mo na tanggalin ako sa trabaho, so please lang, huwag mong kuwestiyonin ang desisyon ko na hindi bumalik sa kompanya mo."

"No!" His face darkened. "Hangga't hindi ka pumapayag, hindi ka makakaalis sa Yacht na 'to."

Napailing-iling siya at bumuga ng hangin pagkatapos ay tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Naglakad siya palapit sa railing at tumingin sa kulay asul na karagatan.

"Gemini, come back here!"

She rolled her eyes. "So bossy."

Hindi masyadong mainit ang araw kaya parang napakasarap maligo.

And then a thought came into her mind making her smile. It's been a long time since she swam in the sea. Nakakamiss ang pakiramdam na lumangoy at magtampisaw sa dagat tulad nuong bata pa siya.

Nilingon niya ang sofa kung nasaan si Aidan para i-check kung galit pa rin ito. Natigilan siya ng magtama ang mga mata nila ni Aidan. Matiim ang titig nito sa kanya na para bang may gustong ipahiwatig ang mga mata nito. Mabilis niyang iniiwas ang tingin saka mabilis na hinubad ang Plunging Neck Printed Dress niyang suot, pagkatapos ay mabilis siyang tumalon sa asul na dagat.

"Gemini!"

Iyon ang huli niyang narinig bago lumubog sa dagat ang katawan niya. Talagang sinadya niyang magtagal sa ilalim ng dagat. Lumutang lang siya ng maramdaman niyang nawawalan na siya ng oxygen.

Hindi pa siya tuluyang nakakalutang ng may humawak sa kamay niya saka siya hinila pataas. The moment her face resurfaced, Aidan's mad voice filled her ear.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, ha?!" Halata ang galit sa mukha nito. "Magpapakamatay ka ba o nababaliw ka na?! Magsabi ka lang kung gusto mo nang magpakamatay dahil ako mismo ang maglulunod sayo!"

Sa halip na mainis, bumungisngis siya.

"Nag-alala ka, no?"

"Malamang!" Sigaw ni Aidan kahit nasa harapan lang naman siya nito. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patungo sa ngayon ay papabukas ng Yacht hanger.

"Bitiwan mo ako, Aidan." Aniya sa matigas na boses.

Aidan looked back at her. "Bakit na naman?"

Hinablot niya ang kamay na hawak nito at mabilis na lumangoy palayo sa binata.

"Gemini! Come back here!" Mariing sigaw ni Aidan.

Gemini just laughed. "Ayoko. Gusto ko pang lumangoy."

"Gemini! Here! This instant!"

She stuck out her tongue at her. "Ayoko nga e!"

Mabilis siyang lumangoy palayo ng makitang papalapit sa kaniya si Aidan.

"Gemini!"

Tawa lang ang isinagot niya sa binata habang patuloy na lumalangoy.

Hindi niya alam kung mabagal siya lumangoy o mabilis lang talaga lumangoy si Aidan dahil madali siya nitong naabutan at niyakap siya mula sa likuran.

Gemini stilled.

"Please, Gemini." Anito malapit sa tainga niya. "Please, bumalik ka na."

Umiling siya. "Ayoko na, Aidan. Yes, i miss my job but..." humarap siya rito. "I'm okay now. Saka katulad ng sinabi ko kanina, it would be very awkward working with you again. We will never be the same like before."

Umiling ito. "Kaya pa nating ibalik ang dati. Basta ba hindi ka na magsisinungaling sakin."

She shook her head. "Aidan, hindi na tayo babalik sa dati. It's not possible."

"It is." Anito habang nakatingin sa mga mata niya. "Maibabalik pa natin ang dati kasi wala ka namang gusto sa'kin diba? Wala rin akong—" tumikhim ito at nag-iwas ng tingin"—g-gusto sayo. Kaya maibabalik 'yon. As long as we continue our employee and employer relationship and nothing more, we can work it out. Don't you think so?"

Parang kinurot ang puso niya sa sakit dahil sa narinig na sinabi nito. Wala itong gusto sa kanya. Gusto niyang suntukin ang binata para maramdaman nito kung gaano siya nasasaktan ngayon. Pero hindi niya ginawa. Wala naman siyang mapapala kahit karatehin pa niya ito.

His offer is tempting. Marami pa siyang babayarang utang. It would be smart to accept his offer.

Gemini just nods her head and spoke. "Fine. Babalik na ako. We can work it out. Marami pa akong babayaran na utang kaya sige, papayag na ako."

Continue Reading

You'll Also Like

5.3M 133K 17
Clover Cinnamon Perez is a Matchmaker. Because of what she does for a living, she knew a Playboy when she sees one. At malayong-malayo pa si Alexus E...
42.1M 746K 27
"You are invited to Temptation Island."
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
1.6M 45.9K 13
Umuwi sa Pilipinas dahil si Heelan dahil sa kasal ng pinsan niya at dahil na rin sa fashion line na balak niyang e-lauch dito sa bansa. Okay na sana...