Slept with a Stranger #Wattys...

By Whroxie

31.5M 535K 37K

Have you ever had sex with a complete stranger? What if you did? What are you going to do if you had sex with... More

Slept with a Stranger
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
Chapter 20
CHAPTER 21
Chapter 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
Chapter 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40(Restricted)
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43(restricted)
CHAPTER 44
CHAPTER 46
CHAPTER 4 7
To my beloved readers
Chapter 48
CHAPTER 49
Chapter 50
The Finale
Author's note
#MyWattysChoice

Chapter 45

437K 7.3K 438
By Whroxie

Prettyelsa... Try to read and support her story guys... thanks

Sa surname ni Miguel sorry kung litong talingong... Dapat talaga Monticello yon, eh may mga past chapter na Montecillo ang nalagay ko... so Montecillo na lang... since mas popular surname naman ito kesa Monticello.... and I guess Montecillo din ata ang prounce niyo sa surname niya.

_________________________

"Sige na Andra Hong Kong na tayo. Ito naman ang kj talaga."

"Preyh, kailan ba ako sumama mag-shopping sa inyo abroad?"

"Before I understand. Pero ngayon, Andra naman kalokohan na wala kang pera. Ang lakas-lakas na ng interior office natin eh." Kanina pa siya nito kinukulit na mag Hong Kong sila para mag-shopping. Kaso ayaw naman ni Andra dahil gastos lang 'yon para sakanya. Lagi siyang sumama noong college day nila, pero simula ng magkaanak siya nawala na sa sistema niya ang mga ganoong bagay.

"Preyh naman, ang laki ng monthly amortization ko. Alam mo naman 'yon diba? House, car, Gelo's trust fund and his educational plan. " Hindi pa naman kasi niya bayad ng buo ang bahay at kotse niya. Sini-secure din niya ang future ni Gelo. At alam 'yon ng mga kaibigan niya na ang future ni Gelo ang priority niya.

Nito lang din naman lumakas ang office niya at hindi rin niya solo ang kita. Kahati niya si Preyh sa kita ng interior office. Hindi naman talaga 50/50 ang hatian, 70/30. 70 sa kanya at 30 kay Preyh. Si Preyh naman ang may gusto ng ganung hatian dahil mas kailangan ni Andra ang pera at isa pa si Andra rin naman talaga ang halos nag-ta-trabaho. Kung baga, si Preyh ay investor lang. Pero tumutulong din naman ito kapag free time nito. May negosyo din kasi ang pamilya nito at doon ito nakatuon.

"Andra naman, secured na ang future ni Gelo. Kaliwa't kanan ang mamanahin niya kapag na deado kayo ni Iñigo." Mabilis na kinuha ni Andra ang nakapatong sa table na makapal na magazine at ipinukpok ang kaibigan sa ulo.

"Andra naman! Makapamukmok ka naman eh." Sabi nito habang himas-himas ang sariling ulo.

"Siraulo ka eh! Sisiguraduhin ko sa 'yong ikaw ang mauunang mamamatay sa 'min."

"Hmp! Ang yaman yaman ng pamilya mo ang kuripot. Tara na nga umuwi na tayo." Tumayo na lang ito at pumunta sa desk niya.

Napangisi na lang si Andra. Ayaw naman niya kasing umasa na sa parents niya. Gusto niya ngayon, lahat pagsisikapan niya. Dahil alam na niya rin kung gaano kahirap kitain ang pera. Halos umiiyak siya gabi-gabi noon dahil sa hirap na dinanas niya para lang mag-survive sila ni Gelo. Kahit pa sabihing tinutulungan siya ng mga kaibigan niya. Isa pa hindi rin talaga siya pwedeng umalis dahil abala talaga sila ni Iñigo sa pag aasikaso sa kasal nila. Nakatakda ang kasal nila tatlong buwan mula ngayon.

"Hay naku Preyh!" Tumayo si Andra at inayos ang mga gamit niya.

"Susunduin ka ba ni Iñigo?"

"Hindi na siguro."

"Tara na" Sabay na silang lumabas ni Preyh at nagtungo sa kanya-kanyang sasakyan.


NASA daan na si Andra ng biglang nag-ring ang cellphone niya. Agad niyang kinuha ang cellphone at sinagot.

"Hello Miguel"

"Hello ma'am, kayo po ba si Cassy?" Bigla namang kinabahan si Andra ng ibang tao ang sumagot ng telepono ni Miguel.

"Y-Yes, I'm Cassy, Cassandra. What happened to Miguel? Where is he?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Lasing na lasing po siya ma'am. Pangalan niyo po ang tinatawag eh. Kaya kayo po ang tinawagan ko." Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ng kausap. Akala niya kung may nangyari ng masama dito.

"Ganun ba? Saang bar?" Pagkasabi ng lalaking kausap niya kung saang bar nasaan si Miguel ay agad niya itong pinuntahan. Narating naman agad niya ang naturang bar.

Pagpasok niya sa establisyemento agad naman niyang nakita si Miguel na nasa counter at nakasubsob ang mukha nito sa counter. Agad niya itong nilapitan.

"Miguel, Miguel!" Niyugyog niya ito sa balikat. Umangat naman ito ng ulo. Naniningkit itong tumingin sakanya.

"Cassy" Sambit nito at muling sinubsob ang mukha.

"Miguel halika na. Ihahatid na kita. " Pinilipit niya itong itinayo. Umakbay naman ito sakanya at tinulungan din siya ng isang waiter. Inalalayan nila ito hanggang sa marating nila ang sasakyan niya. Pinapasok niya si Miguel sa passenger seat at kinabit niya ang seat belt dito.

"Cassy" Tumingin si Andra kay Miguel habang nakayukod parin siya dito ng marinig niya ang mahinang tawag nito sakanya. Nakatitig naman si Miguel sakanya na namumungay ang mga mata.

"Ihahatid na kita. Pasaway ka!" Saka niya sinara ang pinto at agad ding sumakay ng kotse. Habang nasa daan sila may tumawag uli sakanya at agad niya itong tinignan. Agad niya itong sinagot ng makita ang pangalan ni Iñigo sa screen ng cellphone niya.

"Iñigo"

"Nasa office ka pa ba? Daanan kita."

"Pupunta ako sa place ni Miguel."

"What? Why?" palatak ni Iñigo. Pinaliwanag niya naman dito ang lahat.

"Puntahan mo nalang ako sa condo ni Miguel. Doon kita antayin." Nag-okay lang ito at pinatay na niya ang tawag. Naiintindihan na rin ni Iñigo ang pagiging malapit nila ni Miguel. Maswerte siya kay Iñigo dahil maunawain ito. Pero may mga time na nagseselos parin ito kay Miguel. But she assured him that there's nothing to be jealous.

Narating nila ang condo nito at halos nangangalay na ang balikat niya dahil sa bigat ni Miguel.

Agad niyang binuksan ang unit nito gamit ang key card na kinuha pa niya mula sa wallet nito. Kinapa niya ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto bago niya dinala si Miguel sa sofa.

"Pambihira ka Miguel ang bigat mo. Iinom-inom ka hindi mo naman kaya." Pinaupo niya ito sa sofa at pabagsak itong napahiga kaya kasabay siyang bumagsak sa ibabaw ni Miguel.

"Haist! Pambihira naman. Miguel bitaw nga." Sa halip na bitawan siya nito ay lalo pa siyang niyakap. Bahagyang dumilat si Miguel at marahang hinaplos ang pisngi ni Andra.

"I love you, Cassy." Paanas nitong sambit. Natigilan si Andra at napatitig kay Miguel. Parang may humaplos sa kanyang puso sa narinig mula dito. Pakiramdam niya ngayon nagkakaganito si Miguel dahil sa kanya.

Pero imposible rin naman dahil malinaw na dito ang lahat na impossible talaga sila. Lumuwag ang pagkakayakap sakanya ni Miguel. mukhang nakatulog na ito.

Tumayo siya at nagpunta ng kusina para kumuha ng maligamgam na tubig na ipamumunas niya kay Miguel. Pagkatapos I-prepare ang tubig ay nagtungo naman siya sa kwarto nito at kumuha ng face towel.

Lumabas siya ng kwarto at kinuha ang tubig tsaka umupo sa gilid ni Miguel. Sinimulan niya itong punasan. Natigil siya ginagawa niya ng may mag-door-bell.

"Si Iñigo na siguro yan." Anas niya at tumayo. Agad siyang nagtungo sa pinto at binuksan ito. Napangiti siya ng si Iñigo nga ang nabungaran niya.

"Pasok ka muna." Humalik ito sakanya saka pumasok. pinaupo niya muna ito.

"Ano bang nangyari diyan?" Tanong ni Iñigo at umupo.

"Nalasing masyado." Sagot ni Andra at muling pinunasan si Miguel.

"Buhusan ko kaya yan ng mainit na tubig ng mahimasmasan." Nilingon niya si Iñigo at binigyan ng warning look.

"Kasi naman, ang swerte niya ah. Ikaw talaga ang umaasikaso sakanya. Sa 'kin nga hindi mo pa yan nagawa eh." Napangiti nalang si Andra dahil sa mukhang inaatake na namam 'to ng selos. Pero hindi ito nakakatakot magselos, ang cute-cute nitong magselos para sakanya.

"Mamaya gagawin ko sa'yo. Mag-pretend kang lasing." Natatawa niyang sabi. Hindi naman kasi ito nalalasing talaga na tipong hindi na kaya ang sarili. Kaya pa nitong linisan ang sarili at kahit siya nagagawa pa nitong lambangin at nauuwi sa mainit ganap kahit lasing ito.

"Ayan tapos na. Buhatin mo na siya sa kwarto niya." Nangunot ang noo ni Iñigo sa tinuran ni Andra.

"Sige na, kawawa naman kung iiwan natin siya dito."

"Pambihira!" Tumayo nalang si Iñigo at pinilipit ngang itinayo si Miguel. Dinala nito sa sariling kwarto at inihiga doon. Natawa si Andra bigla ng bumagsak na magpakapatong ang dalawa.

"Andra tigilan mo ang pagtawa hindi ako natutuwa sa gagong 'to." Nagpigil naman si Andra ng tawa at nagtungo nalang sa closet. Kumuha siya ng pamalit ni Miguel.

"Palitan mo siya ng damit." Inabot niya kay Iñigo ang damit pero pinangunutan lang siya nito ng noo.

"Sige na. Basang-basa ang damit niya eh."

"No way!" Mabilis na sagot ni Iñigo.

"Okay fine, ako na lang." Biglang hinablot ni Iñigo ang damit na hawak ni Andra.

"Labas na." Napabungisngis siya saka lumabas ng kwarto.

Napabuntong hininga si Iñigo habang nakatingin kay Miguel na mahimbing na natutulog.

"Bwesit ka Montecillo." Wala na siyang nagawa kung 'di ang bihisan ito.

Pagkatapos niyang bihisan si Miguel, lumabas siya ng kwarto. Napatayo si Andra mula sa pagkakaupo sa sofa at sinalubong siya.

"Okay na?" Tanong nito sakanya.

"Next time kapag may tumawag sa 'yo, pwede bang pabayaan mo na lang siya." Niyakap siya ni Andra marahil pansin nito ang pagkairita sa boses niya.

"Kawawa naman kasi." Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at pinakatitigan.

"Parang lalo kang gumagwapo no." Sabay halik nito sa labi. Napangiti naman si Iñigo sa ginawa ni Andra.

"Lakas mong mang-uto." Niyakap niya ito ng mahigpit.

"Pasalamat ka mahal na mahal kita."

"I know" Natatawa nitong sabi.

Hindi niya talaga magawang magtampo dito ng matagal. Isang masuyong halik lang ang ibigay sakanya nito talagang nawawala lahat ng tampo niya.

***

KINABUKASAN nagdesisyon si Andra na puntahan si Miguel sa unit nito. Medyo nagaalala kasi siya dito dahil hindi niya ito makontak.

Nag-door-bell siya ng makailang ulit hanggang sa bumukas ito. Nagulat pa si Miguel ng makita siya.

"Hi Miguel" Masiglang bati niya sa binata.

"Andra, anong ginagawa mo dito?" Tanong nito sa namamaos na boses.

"Dinalhan kita ng food." Aniya at itinaas ang dalang paper bag. Napangiti naman ito at nilakihan ang bukas ng pinto. Tumuloy si Andra sa loob.

"Miguel are you okay? Bakit namumula ka?" Hinawakan niya ang noo nito.

"God Miguel! You're sick. Halika ka nga dito." Hinila niya ito at pinaupo sa sofa.

"Kumain ka na ba?" Umiling si Miguel.

"Tanghali na Miguel! Ano ka ba? Gamot, uminom ka na?" Umiling uli si Miguel kaya napabuntong hininga si Andra.

"Such an irresponsible Miguel. Go back to your room, isusunod ko na lang ang pagkain." Nakatitig lang si Miguel kay Andra na parang tuwang-tuwa pa na pinapagalitan siya nito.

"What!? Kilos na, hindi kita kayang buhatin para ipasok sa kwarto." Natawa ito ng mahina at sumunod nalang.

Pumasok si Miguel sa kwarto at umupo sa kama. Pinikit niya ang mata niya.

Cassy Cassy Cassy! Bakit ganito ang nararamdaman ko para sa 'yo? Bakit ayaw mawala?

Dahil din kay Andra kung bakit ito nagpakalango sa alak. Masyado siyang nasasaktan sa isipang wala na talaga siya pag-asa sa dalaga. Lalo na ng nasaksihan pa niya ang proposal.

Napadilat siya ng maramdaman niya ang pagbukas ng pinto. Si Andra ang nabungaran niyang nakangiti at may dalang tray ng pagkain. Kanina lang wala siyang kagana-gana, pero ngayon parang gumaan bigla ang pakiramdam niya. Nilapag ni Andra ang tray sa maliit na side table. Kinuha nito ang pagkain at umupo sa may gilid ni Miguel.

"Ako na ang magpapakain sa 'yo. Buti na lang pala at pumunta ako dito." Sinubuan nito si Miguel.

"Next time Miguel, wag kang iinom kung hindi mo kaya. Ang bigat-bigat mo kagabi diyos ko."

"Sorry, ikaw ba ang nagpalit sa 'kin." Ngumiti at umiling-iling si Andra. Nangunot naman ang noo ni Miguel.

"Si Iñigo"

"Si Iñigo! Nandito siya kagabi?" Bulalas nito. Tumango si Andra bilang sagot.

Habang pinapakain siya ni Andra, hindi naman niya maalis-alis ang mata kay Andra. Parang lalo niya itong minamahal at lalo niyang kinaiinggit si Iñigo dahil alam niyang si Iñigo ang mahal ni Andra. Kahit sinong lalaki mahuhulog dito. lalo't ganito pa siya nito asikasuhin.

Para kay Miguel, si Andra ang perpektong babae na dapat pinakasalan at minamahal ng todo. Beautiful, smart, sweet, kind at marami pang katangian na hindi madaling makita sa ibang babae. Lalo na ang pagiging family oriented nito. Ganitong babae ang gusto at pinapangarap niya.

Natapos itong pakainin ni Andra.

"May gamot ka dito?" Tinuro ni Miguel kung saan nakalagay ang gamot. Kinuha niya ito at pinainom kay Miguel.

"Kailangan mo ng mag-asawa, Miguel para may mag-aalaga na sa 'yo. Pinapabayaan mo ang sarili mo." Nilapag ni Andra ang baso ng tubig sa lamesa at umupo uli siya sa gilid ng kama.

"After four hours inom ka uli ng gamot ah. Ayan na ang tubig para hindi ka na lalabas. Kailangan ko na rin ka--" Natigil si Andra sa sinabi niya ng bigla siyang yakapin ni Miguel.

"Katulad mo ang gusto ko, Cassy. Ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mahal ko. Sana ako na lang. Bakit si Galvez pa?" Lalo nitong hinigpitang ang yakap sakanya.

"Miguel, sandali nga." Pinilit niyang makawala sa pagkakayak ni Miguel. Binitawan naman siya nito.

"I'm sorry, Cassy. I'm sorry." Hinawakan nito ang kamay niya.

"Miguel nag-usap na tayo diba? Kaya ka ba nagpakalasing dahil sa'kin?" Hindi ito nakasagot. Napatungo na lang ito ng ulo.

"Miguel naman, ano ba? I think, it will be better kung iiwasan na muna kita." Mabilis na napaangat ng mukha si Miguel.

"No, no. I'm sorry. I promise hindi na mauulit 'to. Wag mo lang akong iwasan." Napapikit si Andra at napasintido. Hindi niya rin alam kung ano ang mararamdaman niya. Naaawa din siya dito. Hindi niya rin alam na ganun pala talaga ang pagkagusto nito sakanya. knowing Miguel na hindi naman marunong magseryoso sa isang babae.

"Tigilan mo ang pagpapakalango sa alak ng dahil sa'kin, Miguel. Kapag inulit mo pa 'yon, I swear, iiwasan na talaga kita." Parang bata naman itong tatango-tango.

_____________________

Sorry kung medyo natatagalan ang update... Hindi na ako makapagsulat lagi dahil sa madrama kung asawa... hahaha! hindi daw niya ako maramdaman dahil sa wattpad... haha!

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
10.5M 10.3K 3
Mysterious. That's the most appropriate word that would describe the eldest among the Filan brothers.
39.4K 2K 30
Kamatayan, yan ang maaaring naghihintay sa kanila kapalit ng katotohanan.. Oo, hindi sila pangkaraniwan pero ano pa bang mysteryong bumabalot sa kani...
353K 18.5K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.