Stuck At The 9th Step

By Khira1112

2.8M 94.5K 45K

Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story. More

PROLOGUE
CHAPTER 1 : GEORGE
CHAPTER 2 : DELGADO
CHAPTER 3 : ARCHITECTURE STUDENT
CHAPTER 4 : DRILL
CHAPTER 5 : WALLPAPER
CHAPTER 6 : TOWER OF PRIDE
CHAPTER 7 : FIRST GAME
CHAPTER 8 : LOOK UP
CHAPTER 9 : FALL
CHAPTER 10 : JUDGE
CHAPTER 11 : CONCLUDE
CHAPTER 12 : FLIGHT
CHAPTER 13 : INVADE
CHAPTER 14 : CONFIRM
CHAPTER 15 : DEFENSE MECHANISM
CHAPTER 16 : DON'T TELL
CHAPTER 17 : WHITE LIE
CHAPTER 19 : MEET AGAIN
CHAPTER 20 : TAKE A CHANCE
CHAPTER 21 : RHEA
CHAPTER 22 : NOT A GOOD GIRL
CHAPTER 23 : DREAM TOGETHER
CHAPTER 24 : PLEADING
CHAPTER 25 : THREE YEARS
CHAPTER 26 : SET UP
CHAPTER 27 : ENDS
CHAPTER 28 : SERVICE
CHAPTER 29 : RUN
CHAPTER 30 : WITHOUT ME
CHAPTER 31 : LAST STRIKE
CHAPTER 32 : COPE UP
CHAPTER 33 : NONE
CHAPTER 34 : GRADUATION
CHAPTER 35 : OLD SELF
CHAPTER 36 : PUSSYCAT
CHAPTER 37 : SITE
CHAPTER 38 : BULLET
CHAPTER 39 : MASK
CHAPTER 40 : YOURS
CHAPTER 41 : COBY
CHAPTER 42 : MAN OF MY OWN
CHAPTER 43 : HATRED
CHAPTER 44 : GET HER BACK
CHAPTER 45 : FIGHT
CHAPTER 46 : REBOUND
CHAPTER 47 : AIRPORT
CHAPTER 48 : SCHEME
CHAPTER 49 : SUCKER
CHAPTER 50 : THROW IT
CHAPTER 51 : SHINN
CHAPTER 52 : MADNESS
CHAPTER 53 : FEISTY
CHAPTER 54 : CHILDHOOD MEMORIES
CHAPTER 55 : FAULT
CHAPTER 56 : STRANGER
CHAPTER 57 : COWARD
CHAPTER 58 : CAPS
CHAPTER 59 : PHOTOGRAPH
CHAPTER 60 : SO WRONG
CHAPTER 61 : REN
CHAPTER 62 : BLESSING
CHAPTER 63 : ADJUSTMENTS
CHAPTER 64 : POINT IT OUT
CHAPTER 65 : LAUGHINGSTOCK
CHAPTER 66 : COUSIN
CHAPTER 67 : THREE CHOICES
CHAPTER 68 : COLLIDE
CHAPTER 69 : ALONE
CHAPTER 70 : GO HOME
CHAPTER 71 : LET GO
CHAPTER 72 : SET OF CHOICES
CHAPTER 73 : SELL
CHAPTER 74 : USING YOU
CHAPTER 75 : YOUR EX
CHAPTER 76 : SICK
CHAPTER 77 : CHEATING
CHAPTER 78 : INSTEAD
CHAPTER 79 : BELLAROCCA
CHAPTER 80 : TAUGHT
LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE
LAST CHAPTER : RHEA LOUISSE MARVAL
LAST CHAPTER : COBY RAMIREZ
LAST CHAPTER : SHINN ACE ASLEJO
LAST CHAPTER : LAWREN HARRIS DELGADO
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 18 : DARE

29.9K 1.1K 722
By Khira1112

#SAT9S



DEDICATED TO : KYLA OBIAS




CHAPTER 18 : DARE


Nanghina ako. Yung klase ng panghihina na napasandal na lang ako sa upuan bigla at napaiwas ng tingin sa kanya. Nakapanghihina ang pagsabi niya na lalayo siya pero mas nakapanghihina ang huli niyang linya. Wala akong masabi pabalik. Hindi ko kayang magsalita. Para akong maiiyak pero tulad ng nakagawian, walang luhang gustong lumabas sa mata ko. Ang sakit sa dibdib. Tila ako tinutusok. Gusto ko sumigaw ngunit may nakabara sa aking lalamunan.


Ba't niya nararamdaman 'yon? Shit. Ayoko mag-conclude at pangunahan ang anumang dahilan kung ba't naiisip niya 'yon. It's either he's very loyal to Rhea and the guilt of lying to his girl finally sunk in to his mind or. . .


Napalunok ako. Hindi ko kayang i-imagine ang huli. Hindi ko ata mapapatawad ang sarili ko pag nakasira ako ng isang magandang relasyon.


Pero ano bang ginawa ko? Anong ginawa naming dalawa ni Ren? Tama marahil siya na may pagkakataong nagkakalapit kaming dalawa pero wala kaming ginagawang masama. So, ba't pakiramdam niya ay niloloko na niya si Rhea?


Nang magsalita siyang muli ay napatingin na lang ako sa aking pagkain. Tuluyan na akong nawalan ng gana.


"Napagpasyahan ko na i-open up to sayo kasi baka sakaling maintindihan mo. Hindi kita mabibigyan ng rason dahil maski ako ay naguguluhan pero sana huwag mo masamain na may tao akong dapat i-prioritize. We're friends, George. We still are. I. . .just have to distance myself. Ayoko ng naguguluhan ako."


"I. . .understand." Usal ko. Kahit hindi naman talaga. Kahit hindi pa tuluyang pumapasok sa isipan ko ang buong ideya ay mas magandang i-assure ko na sa kanya na naiintindihan ko ang sitwasyon. Wala naman kasing ibang choice kundi intindihin siya. "Lalayo na rin ako para hindi ka mahirapan."


Iyon naman talaga ang matagal ng plano, di ba? Hindi lang matuloy-tuloy dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang tapang ko para sabihin 'yon gayong hindi pa ako nakababawi sa pagkawindang.


"Sorry, George." Usal niya. "I just want to keep my feelings steady and untouched. I desperately want to keep her."


Tumango-tango ako. Bahagyang ngumiti kahit ang tabang ng aking pakiramdam. Gusto kong makita niya na sinusuportahan ko siya. "Mahal na mahal mo talaga."


Ngumiti lang si Ren at nagsimulang kainin ang malamig niyang pagkain. Pinanuod ko siya sandali bago pinagtuunan ng pansin ang akin.


Nagbeep ang cellphone niya at nagtext siya sandali. Nagpatuloy ako sa pagkain at nang lingunin ko siya ay tila siya problemado.


"O, ano na naman?"


"Wala." Mahina niyang sabi. "Bilisan mo na dyan. Hahatid kita sa dorm mo."


"Huwag na. Bigyan mo na lang ulit ako ng pamasahe."


Tinaasan niya ako ng kilay. "May kotse ako."


"Eh, ano? Magtataxi na lang ulit ako. Start na natin ngayong araw ang 'mission : 100 meters distance of George and Ren.'"


Natawa siya. "Yung saktong pamasahe lang, ah?"


Pinanlakihan ko siya ng mata. "Anong sakto? Gusto ko one thousand ulit tapos 'keep the change!'"


Hindi ko alam kung paano ko nakayang magbiro ng gano'n. Pinagpasalamat ko na lang na nakisakay siya at naging maluwag ang pag-uusap namin nang maghiwalay kaming umuwi. Pagsakay ko ng taxi, tila may pumasan sa aking likod. Ang bigat na naman ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung paano ko pa 'to mari-release.


"Shit." Hinagilap ko ang panyo ko sa backpack ngunit bago ko pa makita 'yon ay nag-uunahan na sa pagbagsak ang luha ko. Hindi ko kinaya yung sakit. Hindi ko pala 'to kayang mag-isa.


Siguro nga tama ang assumption ni Ren sa akin. Nagpapanggap lang akong malakas kahit sobrang hina ko. Natumbok niya ang pinakakahinaan ko. Itong nangyari sa akin ngayong araw, daig ko pa ang nakipagbugbugan sa kanto. Namamanhid ang buong sistema ko sa sakit. Hindi maintindihan kung bakit kailangan ko masaktan ng ganito.


Gano'n ko ba kagusto si Ren para iyakan ko siya ng todo? Akala ko ba kaya niya itulak ito palayo? Oo, siguro ay nagawa niyang ilayo kahit papaano pero sa tuwing babanggitin niya si Rhea, sa tuwing idi-describe niya ang mga kaya niyang gawin para sa girlfriend niya, kusang bumabalik yung nararamdaman ko.


Siguro dahil do'n ko siya nagawang i-admire. Siguro dahil nangangarap ako na may isang lalaking kayang gumawa no'n sa akin. Sino bang hindi aayaw sa isang lalaki na kasing lawak ng karagatan ang pagmamahal para sa isang babae at kayang i-risk ang lahat just to keep his feelings for that particular girl?


Nadatnan ako ni Liza na umiiyak sa dorm. Nakaupo ako at nakasandal sa headboard. Yakap ko ang unan ko at do'n nakasubsob ang aking mukha. Paniguradong basang-basa na 'yon ng luha. Nagtatanong siya kung ano ang nangyayari sa akin. Hindi ko siya sinasagot at patuloy lang ako sa pag-iyak. Nawalan ng pakialam sa kung ano ang sasabihin at iisipin niya. Kung mang-aasar man siya ay wala na rin akong pake.


Naramdaman ko ang paglundo ng kama sa aking tabi. Alam kong umupo ro'n si Liza. Hindi ko siya sinulyapan man lang. Marahan niyang hinaplos ang aking likod.


"Okay lang 'yan, girl. Mawawala rin 'yan." Marahan niyang sabi na mas nagpaiyak sa akin.


Alam ko naman na mawawala rin 'to. Sana ay madali lang ang proseso. Sana ay hindi kasing tagal nung kay Oliver. But I doubt it. Baka nga mas matagal pa 'to dahil naging kahit papaano ay naging mabuti si Ren sa akin. He never gave me any false hope. From the very start, kahit hindi ko pa siya lubos na nakikilala ay isa lang ang nakikita kong priority niya kaya wala akong ni isang rason para maging bitter sa kanya. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon ay nagsimula lang din sa akin.


Do'n ko lang na-realize na nahulog pala ako ng tuluyan. Nahulog ako kay Ren na wala sa aking kagustuhan at hindi ko man lang namalayan. Sana hindi na lang siya. Sana hindi na lang kasi hindi ko madescribe yung sakit.


Magang-maga ang mata ko kinabukasan. Pinag-iisipan ko kung papasok pa ba ako o hindi. Pinapahiram ako ni Liza ng sunglasses pero magmumukha lang akong tanga pag sinuot ko 'yon kaya tinanggihan ko na lang.


"Huwag ka na lang kaya pumasok ngayon, girl?"


Marahan akong umiling. "May Finals ako ngayon at may practice ang team mamayang hapon. Hindi pwedeng wala ako ro'n."


Napakamot sa kanyang ulo si Liza at bahagyang napangiwi. "Eh, magang-maga kasi 'yang mata mo."


"Mawawala rin 'to." Sagot ko.


 Pero tinamad ako ng sobra pumasok sa araw na 'to. Ang una at pangalawang subject ko lang ang pinasukan ko. Pagtapos ng exam sa pangalawa kong subject ay tinawagan ko si Celine. Dalawang ring palang ay sinagot na niya.


"Himala! Tinawagan mo ako. Uutang ka, 'no?"


Kung nasa mood lang ako ay bubulyawan ko siya pero dahil hindi pa rin ako nakarerecover sa nangyari kahapon, huminga ako ng malalim at binalewala ang mapanukso niyang bungad sa akin.


"Nasa'n ka?"


"Nasa school. Bakit?" Nagtataka niyang tanong. Bigla siyang nagseryoso. "May nangyari ba, Georgia?"


"Pupuntahan kita dyan. May vacant hours ka?"


"Ngayon vacant ko. May 2 hours pa ako."


"Kita tayo sa mall. Text na lang. Papunta na ako."


"Teka-" Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita pa at magtanong. Lulubusin ko na lang mamaya.


Sumakay ako ng train para mabilis ang byahe. As usual, siksikan. Matagal na nung huling sumakay ako rito. Inuntog ko ang noo ko sa hawakan. Pati ba naman dito ay maaalala ko siya? Muntik na ako mapamura.


Madali akong nakarating sa mall na malapit sa dati kong university. Hinanap ko ang KFC. Nang matunton ko 'yon ay nando'n na si Celine. Nagulat pa siya ng umupo ako sa harap niya. Tinitigan niya akong mabuti na tila ba sinusuri ang buo kong mukha.


"Ba't parang kinagat ng ipis 'yang mata mo?" Inirapan ko siya. Inagaw ko ang double down na order niya at binalatan 'yon. "Hay naku naman. Wala ka pa ring pinagbago. Basta pagkain talaga, 'no? Magpapalibre ka lang ata sa akin, eh."


Kinagatan ko ang burger. Hinayaan ko muna siya dumakdak ng dumakdak. Naghahanap pa ako ng bwelo para i-share ang problema ko. Ang corny nga nitong naiisip ko ngayon pero ito lang ang naiisip kong paraan para makaramdam ako ng ginhawa. Siya ang pinaka-safe na pwede kong pagsabihan ng problema. Hindi niya kilala si Ren at clueless siya kung ano ang nangyayari sa akin. Ngayon nalang ulit kami nagkita at magkakapag-usap.


"May nangyari ba?"


Tumikhim ako. "May problema ako."


"Lagi ka namang may problema." Naiiling niyang sabi, "Hindi ka nga ata nababakantehan, eh. Ewan ko ba sayo. Tungkol ba saan 'yan?"


Pumangalumbaba ako at tumingin sa labas. Nakasisilaw ang liwanag pero nanatili akong nakatingin ro'n. Pinagmamasdan ang mga taong pumapasok at lumalabas ng mall. Huminga ako ng malalim.


"Wala akong ibang maisip na pwedeng kausapin kundi ikaw."


"Tungkol nga saan 'yan?"


Napatakip ako ng mukha. "Nagkagusto ako sa lalaking may girlfriend na."


Wala akong ibang narinig sa kanya kundi pagsinghap. Napapikit ako ng mahigpit. Nanatiling nakatakip ang aking kamay sa mukha ko. Hindi ko kayang tignan ang reaksyon niya pero marahan niyang hinila ang aking kamay. Napadilat ako ng wala sa oras.


"In love ka?" Hindi makapaniwalang sambit ni Celine. Hiyang-hiya man ay marahan akong tumango. Inamin ko na sa aking sarili na nahulog na namdn ako sa patibong ni kupido. "Si Georgia Rante ay in love? Oh. . My. . .God."


"Hindi ba ako pwedeng makaramdam ng gano'n?" Naiirita kong sabi sa kanya. Binalewala naman niya ang tanong ko.


"Kailan pa 'yan?" Interesado niyang tanong.


Umiwas ulit ako ng tingin. "Hindi ko alam."


"OMG talaga! Hindi ko kailanman na-imagine!" Tumatawa-tawa pa ang bruha na parang hindi  concern sa nararamdaman ko. Agad na napawi nang may maalala. "Teka, nagkagusto ka sa. . .taong may girlfriend?"


"Kailangan ko pa bang ulitin?" Matabang kong tanong.


Napatakip siya ng bibig at sa nanlalaking mga mata ay tinitigan ako ng matiim. Hinawakan niya bigla ang kamay ko. "Anong nangyari?"


"Wala naman akong pag-asa ro'n."


"Talaga? Walang pag-asang maging kayo?"


Umiling ako. "Ewan ko ba. Gusto ko siya pero ayoko siyang mapunta sa akin."


Kumunot ang noo ni Celine. "Pinagloloko mo ba ako? Ikaw lang ata ang may ganyang pananaw. Baliw ka na ba? Bakit ka pa nagkagusto sa gano'ng lalaki kung ayaw mo namang maging kayo? Really, George?"


Mapait akong ngumiti. "Tinitingala ko kasi yung girlfriend no'n. Parang mas bagay sila. Kahit pa gusto ko yung lalaki, manghihinayang ako pag naghiwalay sila. Makokonsensya ako ng sobra kung dahil pa 'yon sa akin."


Pinalo ni Celine ang kamay ko. Pinanlakihan ko siya ng mata. Panira naman ng drama ang isang 'to. Sisigawan ko sana siya pero naunahan niya ako.


"Hoy, Georgia. Abnormal ka talaga. Yung mga babae nga dyan, umiiyak pag nagkakagirlfriend ang crush nila, 'yon pa kayang in-love na? Saka, ano ka ba naman? Ikaw pa talaga ang manghihinayang? Bakit may ginawa ka bang masama? May ginawa ka bang paraan para magbreak sila?" Nanlalaki ang kanyang mata at tila nag-aanticipate na magsabi ako ng 'oo.'


Umiling kaagad ako. "Ang sabi ko nga sayo. Hindi ko kaya."


"Letse naman, oh." Napailing siya. "Hanap ka na lang iba. Marami naman sigurong 'papabols' do'n sa university niyo. Alanganin ka naman pumili. Palyado. Do'n pa talaga sa may girlfriend." Naiiling na naman siya.


"Hindi ko naman 'to ginusto." Sambit ko. Sinong babae ang willing na makipagpalitan sa pwesto ko? I bet, wala.


May punto si Celine. Marami namang lalaki pero ang naiisip ko ay bihira ang tulad ni Ren. Bihirang bihira. Para kang namimili ng pinaka magandang butil ng bigas na nakalagay sa isang sako. Maraming lalaki na madaling makuha pero hindi gano'n si Ren. Kung ano ang gusto niya, iyon ang kanya at handa siyang panindigan 'yon. Napahawak ako sa aking noo.


Ba't gano'n? Na-share ko naman kay Celine ang nangyari pero hindi man lang nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Bakit?


"Anong balak mo?"


"Eh di lumayo."


"Tingin mo, effective?"


"Wala naman akong ibang choice na masmagaan pa ro'n." Sambit ko.


Tumango-tango si Celine. "Tama nga naman. Nakapag-usap ba kayo ng taong gusto mo?"


Napangisi ako ngunit puno 'yon ng tabang. "Maniniwala ka ba pag sinabi ko sayo na alam niyang gusto ko siya at siya pa mismo ang pumuna sa akin?"


"Talaga?" Nakangangang sambit ni Celine.


"I'm telling you, hindi siya basta-basta. Hindi halatang mayabang pero pag nalaman mo ang totoong ugali, baka kaya ka niyang paliparin."


Napangiwi ang kaibigan ko. "Hindi ka man lang na-turn off?"


Sandali akong natigagal. "Pag gusto mo talaga ang isang tao, wala kang pakialam kahit nakadidisappoint ang ugali niya."


"Nakakabilib ka rin naman ma-in love, George." Nakangusong sabi ni Celine. "Sayang nga lang at sa maling tao. Next time, sana sa tama na."


"Sana nga." Wala sa sarili kong sambit.


"Alam ba 'to ng girlfriend niya?"


Umiling ako. Kaya nga kahit wala naman akong ginagawa ay parang nakagiguilty rin. Nung nalaman kong hindi sinabi ni Ren kay Rhea ang tungkol sa aksidente, willing ako mag-take ng risk. Kakausapin ko siya at ipapaalam ang lagay ni Ren. Sabihan na nila ako ng pakialamera pero kung ako yung nasa kalagayan ni Rhea, hindi ko masisikmura ang pagsisinungaling ni Ren. Magiging big deal 'yon sa akin.


But the the thing is I would never fit in her place. Hinding-hindi ako mapupunta sa pwesto ni Rhea Marval. Hinding-hindi ko mararanasang mapunta sa kalagayan niya tila siya sinasamba ni Ren.


Infairness to Ren, kayang-kaya niya patunayan ang sarili niya sa kaninong tao. Maliban sa pagiging pakialamero niya pati ang kayabangan niyang halos paliparin niya na ang kanyang sarili at sa pagsisinungaling niya kay Rhea para hindi ito mag-alala ay wala na akong ibang maipipintas sa kanya.


"Pero malay mo, George, may pag-asang maging kayo."


"Huwag na akong sabihan ng ganyan dahil wala ring kwenta. Hindi 'yan pampalubag loob. Mas lalo lang nakabibigat."


"Dati, hindi ko talaga na-imagine na darating ka sa puntong 'to. Na maiinlove ka. Ang sungit mo kasi tapos sabi mo pa sa akin dati nung magkaklase pa tayo, man hater ka. Sementado tuloy ang pananaw ko na tatanda kang dalaga."


Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tinawanan ako ng gaga. Inirapan ko siya pagtapos. "Ewan ko sayo."


"Pero tao pa rin naman pala si Georgia Rante. Hindi naman pala bato 'yang puso mo."


"Sana nga bato na lang para hindi ako nasasaktan ng ganito. Para kahit saktan ako ng ibang tao, hindi sila magtatagumpay."


"Ang corny mo na nga, ang bobo mo pa." Tatawa-tawang sabi ni Celine. Muntik ko na hilahin ang buhok niya.


"Panira ka talaga ng drama!"


"Nakasusuya ka kasi makitang magdrama. George, tandaan mo na nadudurog rin ang bato." Makahulugan niyang sabi. Ngumuso ako at humalukipkip.


"Now, who's being corny?" Nagpakawala ako ng nakaiiritang paghinga. "Ilibre mo nga ako para mawala naman ang pagkabugnot ko."


"Sus! Kunwari ka pang nagdadrama. Siguro, gawa-gawa mo lang yung kwento para maawa ako sayo at ilibre kita. Aminin mo! Tactic lang 'to, 'no?"


"Ulol ka!"


Ang maganda lang sa pakikipag-usap kay Celine, hindi ako pressured magsabi ng detalye. Nakukuntento na siya sa kung ano ang nasabi ko sa kanya. Ni hindi niya nga tinanong kung ano ang pangalan ng lalaking gusto ko.


Mabigat pa rin ang pakiramdam ko pero hindi kasing bigat nung kanina. May mga bagay talagang kahit sabihin o ibahagi mo sa iba ay hindi nalulutas.


Habang nakasakay ako sa train ay napapaisip na naman ako. Effective na kaya ang paglayo? I've been running for almost four years. Naparami kong tinatakasang problema na kinatatakutan ko lutasin. Nakadadala kasi ang sakit. Pag naranasan mo sa pinakamalupit na paraan, ayaw mo na maranasan ulit.


Tinakbuhan ko lang ang problema ko sa pamilya. Tinakbuhan ako si Oliver. Ngayon ay may panibago akong tatakbuhan. Si Ren. Ang pinagkaiba nga lang ngayon ay planado ang isang 'to. Ang paglayo ay tila naging opisyal na solusyon para sa aming dalawa.


Nag-ring ang phone ko nang papalabas na ako ng train station. Tumatawag si Marco. Sinagot ko 'yon at huminto sa isang stall para makipag-usap ng maayos.


"Manager, nasaan ka na?"


Napatingin ako sa relo ko at muntik na mapamura nang makitang late na ako.


"Papunta na. May emergency lang." Pag-a-alibi ko.


"Anong emergency?"


"Wala 'yon. Nandyan na ba sina Coach?"


"Oo. Pinapahanap ka na nga, eh. Bilisan mo raw."


"Oo na. Sige na. Baba ko na 'to." 


Agad kong in-end ang call at mabilis na tinakbo pababa ang hagdan. Matulin kong tinakbo ang hallway. Nang marating ko ang PE department ay huminto ako sandali para maghabol ng hininga. Inayos ko ang pagkakasukbit ng aking backpack sa aking balikat at inayos ang magulo kong buhok. Napatingin muli ako sa aking wristwatch.


"Hay, ang malas." Usal ko.


Lakad takbo ang ginawa ko. Natatanaw ko na ang gymnasium. Ilang hakbang nalang ay makakapasok na ako pero natigilan ako nang may matanaw sa gilid no'n.


Si Ren. May kausap na babae. Likod lang ni Ren ang nakikita ko pero alam kong siya 'yon. Hindi ko nakikita ang mukha ng babae dahil natatakpan ito ng malaking katawan ng binata. Parang bigla akong kinabahan.


Hindi ko alam kung hahakbang ako. Wala akong ibang natatanaw na estudyante rito kundi sila. Si Ren ay naka-uniform pero ang kasama niya ay naka-civilian. Hindi naman wash day ngayon, ah? Mas lalo akong natatakot sa mga naiisip ko. Hindi ata estudyante ng university ang kausap ni Ren.


Humakbang ang babae at napatingin siya sa akin. Nagulat siya nung una. Ako naman ay parang natuka ng ahas. Hindi makagalaw.


Nagulat na lang ako nang dumire-diretso siya ng hakbang papunta sa akin. Napahakbang ako paatras nang malapit na siya. Hinabol siya ni Ren pero bago pa namin malaman kung ano ang gagawin niya ay malutong na sampal ang natamo ko. Nanakit ng sobra ang pisngi ko at napahawak ako ro'n. Gulat akong napatingin sa kanya. Hindi makapaniwala.


Galit na galit ang mukha ng babae. Hindi ko siya kilala. Ni hindi ko nga mamukhaan. Ano ang kasalanan ko sa kanya at nagawa niya akong sampalin ng malakas? Parang umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo at gusto ko siyang sabunutan.


"Shai, stop it!" Hinaklit ni Ren ang braso ng babaeng nagngangalang 'Shai.' Nilagay niya naman ako sa kanyang likod para harangan ang pagitan namin ng babae.


"How dare you, Ren! Ba't mo siya pinoprotektahan?" Galit na galit ito at punum-puno ng malisya ang pagkakatanong nito. Nanggigigil ako.


"Wala siyang ginagawang masama." Matalim na sagot nito.


"Talaga?" Nanunuya nitong sabi. "How could you say that when I witness it all? How could you do this to Rhea?"


"Wala nga kaming ginagawang masama." Halos maramdaman ko na ang panginginig ng braso ni Ren. He's tense. Lahat kami ay natetensyon.


"You lied to her!" Sabi pa nito. "She's here, Ren! Your girlfriend is here!" Galit nitong sigaw kay Ren.

Continue Reading

You'll Also Like

Perfect Two By Cali

Teen Fiction

140K 2.1K 27
After how many years, two old friends met again. Calliy decided to change her lifestyle and forget about the past. But Calliy knew that its impossibl...
1.6M 44.6K 23
Totoo nga ba ang Happily Ever After? Nagkakatuluyan ba talaga ang mga mag-soulmates? At mahal pa rin kaya ni Nathan at Alex ang isa't-isa pagkatapo...
154K 4.8K 16
Black Blade Series #2 "As you grow older, you will discover that you have two hands. One for helping yourself, the other for helping others" - Audre...
9.2K 257 28
Vernice Gayle dela Riva grew up prim and proper. Being the only child and bearing such a big name is also a big shoe she must fit in. From going to h...