Waiting for your Landing My S...

By geralovesu

12.5K 1.2K 126

Plea Kite Serenio, the humss student who comes from a poor family and becomes aware of the chaotic world. and... More

Prologue.
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 - I'm still the winner.
Chapter 25- Please comeback.
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue.
Authors note

Chapter 17

194 26 0
By geralovesu

Nagising ako dahil sa alarm, alas singko na ng umaga. Kailangan ko ng mag asikaso at dadaanan ko pa si Aida sa hospital

Wala pa rin si mama, nilinis ko muna ang buong bahay dahil pauwi na ang kapatid ko, marami-rami rin akong lilinisin.

Nakausap ko ang hospital na pupunan ko ang kabayaran ng bill sa susunod na buwan at pumayag naman ito dahil nag bigay ng kasunduan.

Inabot na rin ako ng alas syete sa kakalinis, nag luto na rin ako para kakain nalang pag-uwi namin, gusto ko sana maghanda ng salo-salo ngayon para ipag diwang ang birthday ni Aida ngunit may pasok ako. Nangako Rin ako sa prof. ko na ngayon ako papasok

Ang pinoproblema ko ay sino ang maiiwan para kay Aida? kahit ngayong araw lang?

Naligo na ako at nag suot lang ng black fitted jeans at v-neck white shirt, mag papara na sana ako ng tricycle ng makita ko ang pamilyar na lalaki.

"Ms, sasakay ka po ba?" tanong ng driver na kanina pa siguro huminto sa tapat ko, natulala ako sa lalaking iyon kaya hindi ko napansin

"Ay, hindi po, pasensya na po."

napakamot nalang sa ulo ang driver at nag drive paalis, tumawid ako upang puntahan ang lalaking iyon na para bang may hinahanap

"Bulaga!" pag gulat ko sa lalaking ito mula sa likuran niya

ramdam ko ang pagkagulat niya kaya tumawa ako ng malakas

"Ganda mo ngayon, ha, susunduin mo na ba ang kapatid mo?" tanong ni Denver

"Ah, oo eh, paalis na nga ako kaso nakita kita. Anong ginagawa mo rito?"tanong ko pabalik

"Actually ikaw talaga ang pinunta ko rito, nasabi mo kagabi na ngayon ang labas ng kapatid mo. Gusto ko sanang sumama sayo sa pag punta sa hospital, kung puwede lang." nahihiya pa nitong paliwanag

"Oo naman, Tara?" pag aaya ko

Nakita kong huminto Ito sa isang magandang sasakyan, parehas ito ng sasakyan ni Caelus ngunit itim Ito at ang kay Caelus ay Pula, wala akong alam sa iba't ibang uri ng sasakyan jeep at tricycle lang ang alam ko, hehe

Inaya niya akong sumakay dun at pumasok na rin ako,

"Saang hospital nga 'yon?" tanong niya saakin

"Medical Asia" masaya kong sagot

Nakita ko ang pag ngiti nito ng kakaiba kaya ma curious ako

"Bakit?" tanong ko nang mapansin ang pagbabago ng reaction niya

"Wala, that's my mom hospital."

halos malaglag ang panga ko sa sobrang gulat, mayaman pala talaga ang pamilya niya? ang kwento niya nung nakaraan ay isang pure pilipina ang mama niya at ang papa niya naman ay may lahi hindi ko natanong kung saang bansa, pero sa pilipinas siya isinilang at lumaki. Isang business man daw ang daddy niya.

"G-grabe naman," tanging nasabi ko "Sobrang yaman niyo nga"

Umiling siya at ngumiti, "Not me, my parents."

Parang ganun na rin 'yon! pero sabagay sinabi niya palang iba ang sakanya at iba rin ang sa magulang niya.

" 'Di ba may class ka mamaya?"

"Ah, oo nga eh."

"Paano ang kapatid mo?" sumulyap Ito saakin at ibinalik ulit sa kalsada ang tingin

"Yun nga lang, hindi ko alam kung kanino ko ipapabantay," yumuko ako saglit nang maalala na walang mag babantay kay Aida

"Ako, ako nalang, hindi ako busy,"masaya niyang pag presenta

"Ha? sigurado kaba?" hindi ko makapaniwalang tanong

"Oo, kung ayos lang sayo, gusto ko rin makilala ang kapatid mo, eh"

Hindi pa man siya kilalang lubusan ay pumayag na ako, hindi ko alam kung ano ang nagtulak saaking mag tiwala sakanya, basta sobrang gaan ng pakiramdam ko kay Denver at alam kong mababantayan niya ngayon si Aida.

nakarating na kami sa hospital, hindi pa man tuluyang nakakapasok ay marami nang bumabati at nag tatanong sakanya, para siyang isang anal ng mayor. Sabagay anak siya ng may ari ng hospital na 'to, hindi ko lubos maisip, kumikita sila ng milyon milyon sa loob ng isang araw.

Nagmumukha lang akong alalay ng lalaking ito ngunit siya ang nasa likod ko at sinusundan nalang ako.

Pag karating ko sa ward ni Aida ay binuksan ko na ito, nagulat ako ng maabutan ko si Caelus na nakikipag usap kay Aida habang ang mga gamit ay ayos na

"Ito kainin mo na itong apple para uuwi na tayo-"

"Ateeee," sigaw ng kapatid ko, napatingin nalang din saakin si Caelus habang hawak hawak ang mansanas na hiniwa niya

Pumunta ako sa kapatid ko at hindi ko na naintindi si Denver, nakita kong napatayo si Caelus at tumingin kay Denver

"Kuya mo, Kite?" tanong ni Denver ng tumingin kay Caelus lumapit pa ito at inilapat ang kamay sa harapan "Nice to meet you." dugtong niya pa ng isang ngiti

"What?" gulat na tanong ni Caelus

binitawan ko muna saglit si plea at ibinigay ang bukas na tablet sakanya at ipinasak ang earphone na nakakabit dun sabay punta sa dalawa

"No, Denver, Denver si Caelus nga pala, Boyfriend ko." pag papakilala ko

Nakita kong tumingin saakin si Denver at bakas ang pag ka gulat, para bang nag tatanong ang mga mata niya

"Akala ko man..manliligaw mo palang, Kite." tanong nito na halos ibulong nalang

"Nice to meet you, Bro." si Caelus naman ang naglapat ng kamay niya para makipag shake hands

Nakita ko pa ang mapanlokong ngisi ni Caelus na parang nang aasar, nakita ko rin ang pag iba ng hitsura ni Denver

"Babe, Denver my friend." ani ko

Kinuha naman ni Denver ang kamay ni Caelus, nasa gitna lang nila ako at binaba balik balik ang tingin sakanilang dalawa, seryoso ang titig nila sa isa't isa at nananatili parin na magkahawak ang kamay sa gitna

"Hep, Hep!" pag puna ko, sobrang intense na

"Mabuti pa mag asikaso na tayo, may pasok pa ako at gusto na ni Aida umuwi, hehe." pag hawak ko parehas sa kamay nila upang ipag hiwalay ito

Nakita ko ang pamumula ng parehas nilang kamay na para bang nag ipitan

"Yes, You're right, Kite. Ayan pala si Aida? she's cute like you" papuri ni Denver  ng pumunta sa kapatid ko

Nakita kong tumaas ang kilay ni Caelus kaya kinapitan ko Ito sa, tinignan niya naman ako at bumalik sa pagiging maamo ang mukha binigyan niya muna ako ng isang halik sa noo at nag asikaso na kami pareho

Nakita ko ang closeness nila Denver at Aida kahit ngayon palang sila nagkikita, para bang matagal na silang mag kakilala.

"Babe, Ngayon ko lang nalamang may kaibigan ka palang ganyang creature,"bulong saakin ni Caelus habang inaayos ang mga utensils na ginamit malayo kami kina Aida

"Anong ibig mong sabihin?"

"I mean, hindi ko alam na may iba ka pa palang kaibigan,"

"Ah, oo, noong nakaraang araw ko lang din siya nakilala, nakalimutan ko nang ikwento sa 'yo, nakilala ko sa trabaho-" bigla akong napahawak sa bibig ko ng marinig ang sarili, nadulas na patay!

"Trabaho? you're working?" tanong nito saakin.

Naglakad ako papunta sa cr ng kwartong ito para kunin ang toothbrush at mga natirang sabon, paano ko iiwasan ang tanong niya.

Nakita kon sumunod ito saakin "Plea, I'm asking, you're working?" paulit niya

Huminto ako at tinignan siya, marahang tumango "Oo," kinakabahan kong sagot

"Bakit hindi mo sinabi?" tanong niya ulit

"Dahil baka pigilan mo ako, kaya ko naman, Caelus eh, huwag mo akong alalahanin." Pag hawak ko sa kamay niya

"Anong trabaho?"

Patay na, hindi ko na alam ang isasagot ko. Ano? na nag tatrabaho ako sa beerhouse?

"Sales lady," mabilisan kong pag sisinungaling, tama naman sales lady kaso sarili ko ang binebenta ko.

"You don't need to work, Babe. I can help you." bakas ang pag aalala sa mukha niya

"Hindi na, kaya ayokong sabihin sayo eh dahil pipigilan mo lang ako."Tumalikod ako sa kanya at tinuloy ang pag aayos

"Because you need to study -"

"Shh, I can do both, don't worry. Hihinto ako pag nahirapan na ako, hayaan mo lang ako sa ngayon." I cut him off

"Hays," napabuntong hininga nalang ang pogi konh boyfriend

"Hayaan mo na muna akong mag trabaho, ha." malambing na boses kong ani rito

tinalikuran niya lang ako at akmang lalabas na sa cr

"Babe," I called him

Lumingon naman ito kaagad, bakas parin ang pagka lungkot sa mukha niya "Why?" laglag balikat nitong tanong

"Kiss," ngumuso pa ako sakanya

Nakapikit ako at hinihintay ang labi niyang dumampi sa labi ko, pero napadilat ako bigla ng daliri niya ang naka patong sa labi ko at naramdaman ko ang pag balik niya sa noo ko.

"I loveyou, I have trust on you, Babe. You can do that!" bulong niya pa

Napangiti nalang ako at niyakap siya, pinapangako kong tatapusin kolang ang dalawang buwan ko roon at aalis na ako.

Nang matapos kami sa pag liligpit ay alas dyis na, alas dose ang pasok ko kaya kailangan ng magmadali, nakabihis na rin ang kapatid ko at lahat ay ready na,

"Wala na bang naiwan?" tanong ko ng pumunta na ako sa pintuan

"Wala na," si Caelus ang sumagot

"Mauna na kayo sa labas, dadaan lang muna ako sa baba para tignan ang bills." Ani ko habang nasa elevator kaming apat, buhat buhat ni Denver si Aida habang si Caelus naman ang may dala ng dalawang bag

"Hindi pa ba kayo kompleto sa bill, Kite? You don't need to pay, Ako nalang ang mag sasabi kina Mom-"

"No, I already paid the bills." Nagulat ako ng sumagot si Caelus, malamig ang boses nito

"Ha?" gulat kong tanong, 200,000+ pa ang natira at paano niya nalamang hindi pa paid?

"I know na hindi ka magsasabi saakin, Babe, so I'm the one who was asked the hospital. Don't worry, that's money was came from my own pocket, not on my parents." Malamig pa rin ang boses nito at para bang wala sa mood

"Pero hindi mo parin dapat-"

"It's okay,"

Nag paalam na kami sa mga doctors at ganun din sa ibang parents na nakilala ko rito sa hospital

"Ilapag mo na si Aida, Denver, baka nangangalay kana." pag uutos ko ng makalabas kami sa hospital

"No, I'm comfortable doing this, don't worry, Kite!" kumindat ito saakin "Ayun ang sasakyan ko," pag turo niya

"No, we will use my Car." kontra ni Caelus

"Much better if sasakyan ko ang gagamitin, hindi masyadong malakas ang aircon nun, para na rin kay Aida."Si Denver,

"No, Hindi rin malakas ang aircon ng sasakyan ko and your Car is too small for those bags at mga gamit nila Aida, It's not allowed to put on compartment." pag papaliwanag ni Caelus, sasagot pa sana si Denver pero baka mas lalo pang humaba ito, naiinitan na ang kapatid ko.

"Hep, Hep, since puwede mo namang maiwan ang sasakyan mo rito, Ver, kay Caelus na ang gamitin natin, para hindi na humaba."

Ako na ang unang pumasok sa loob sa tabi ng Driver seat, naiwan ang tatlo na nagkatinginan nanaman sa gitna, sinenyasan ko na silang pumasok dahil naiinitan na ang kapatid ko

Bakit hindi sila magkasundo?

Nasa likod sina Denver at Aida samantalang nasa tabi ako ni Caelus, tahimik na nag mamaneho si Caelus at nilalaro naman no Denver si Aida

"Dami mo namang crush, ate," nagulat ako sa sinabi ni Aida

Nilingon ko si Caelus at napasilip siya sa salamin sa taas na siyang nakikita ang nasa likuran o kinalalagyan nila Denver

"No, Aida, I only have one crush,"Pag ngiti ko sa bata.

Hinawakan ko ang kamay ni Caelus na nakahawak sa gilid, nakita kong tumingin ito saakin at nginitian ako.

Buong byahe ay nakahawak lang ang kamay ko sakanya.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 861 18
Blaire Samantha is a simple girl. Na ang tanging gusto lamang niya ay ang mahalin rin ng isang Min Vladimir. Pero paano mangyayari yun kung may iba n...
6.2M 207K 40
#1st in werewolf #1st in confessions and fighter #1st in humor #5th in romance Hayley Hood is a 17 year old girl who has gone through so many things...
61K 2.5K 32
The grown-ups are all gone and children rule the new world. Harry lives in a strange utopia: resources are plentiful, the climate has stabilised, the...
463K 48.3K 36
ဝမ်ရိပေါ်ရဲ့ ကလေးကို ကိုယ်ဝန်ဆောင်ထားရပြီ/ ဝမ္ရိေပၚရဲ႕ ကေလးကို ကိုယ္ဝန္ေဆာင္ထားရၿပီ Associated Name 一不小心揣了对家的崽儿 Author(s) 美丽子是真的美丽 Translator(s) idun...