Amidst The Vying Psyches

Від elluneily

601K 15.3K 9.2K

Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. Sh... Більше

cassette 381
Hiraya
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Wakas
Elluneily's Words
Playlist
steven & hiraya ༉‧₊˚✧ extra 01

Kabanata 5

13.2K 377 229
Від elluneily

Serenity Hiraya

"Ma'am, ang daya! Magkakasama mga honor student sa group nila Añasco! Paano naman po kami?" Reklamo ni Lester.

Sinundan iyon ng ilang pang reklamo kaya napilitan siya na isang walang bahala ang groupings na nagawa kanina at gumawa ulit ng bago. Bumalik tuloy sa alphabetically arranged na para walang reklamo.

Still works for me, kasama ko pa rin naman si Alvarez kaya walang problema.

It was already 4:30 PM when our last class was dismissed. Pagdating ko sa unit ay dumiretso ako sa kuwarto para magpahinga muna saglit. I changed into a comfy shirt and shorts before sitting on my bed.

I opened my Facebook Messenger to create a group chat for our activity. I added my members before sending the first message.

Hiraya Añasco: good evening, @everyone! I think we can start brainstorming na for our activity? so we can finish this one before weekends. thank uu!

I dropped my phone before deciding to cook dinner for myself. Nagluto ako ng isang fried chicken bago ako bumalik sa kwarto. I showered and did my skin care bago tinawagan si dada. The call lasted for an hour bago ko sinilip 'yung messenger ko.

And oh, boy. Para akong bumalik sa pagkabata dahil puro pogs ang nasa GC. They didn't even bother responding thank you or ask me questions.

Sa sobrang inis ko ay nag open ako ng laptop. I did the research and I made a sample. Halos abutin ako ng 11 PM bago ko natapos ang file at sinave sa flashdrive ko. Ipapa-print ko nalang siya bago ako pumasok bukas.

The next morning, I woke up at 5:30 to prepare and cook breakfast. After I took a bath, I blow dried my hair and put hair clips on my short hair. I applied light make-up before wearing my uniform.

Dumaan ako sa printing shop bago ako pumasok sa first subject. I waited until Politics subject before ko inilabas 'yung ginawa ko. Tamang-tama dahil wala naman si ma'am ngayon kaya wala kaming ibang gagawin kung hindi pag-usapan itong activity namin.

We formed a circle before I passed them the hard copy.

"Ganito 'yung sample ng gagawin natin."

Since pito kami sa grupo ay pinagkaguluhan nilang apat 'yung ginawa ko.

"Ikaw lang gumawa nito? Gagi, ang dami," Andrea commented before she laughed.

"Ganito ba gagawin natin?" Tanong ni Gina. "Huy sorry kung 'di ako naka reply kagabi ha? Nabusy kasi ako huhu."

Tumango lang ako sa sinabi ni Gina bago humarap sa iba naming ka grupo.

"Yes, parang ganyan 'yung gagawin natin pero mas maraming infos. Five pages palang 'yan e. Gumawa na rin ako ng sample since wala naman nag respond sa inyo kagabi," I said bitterly.

"Luh, 'te! Bakit ka kasi gumawa kaagad? May weekends pa naman," reklamo ni Tanya.

I scoffed sarcastically upon hearing what she said. Maghihintay pa talaga sila ng weekends bago umpisahan 'tong activity?

Tatlo silang tumawa. I stole a glance at Alvarez beside me. He was just looking at them seriously.

"Can you please be thankful na may na start na ako? If you want pwedeng ayan na 'yung gawan natin, dagdagan nalang ng info," sagot ko.

"Sure ka? Parang mali kasi 'to e," Jiro said while flipping the pages.

"Shut up. Kung ayaw niyo ng gawa ni Añasco edi makipag cooperate kayo," si Alvarez na ang sumagot.

"Bakit kasi nauna-una siya? 'Di naman leader si Añasco," sabi ng isang ka group ko bago tumawa. "HAHAHAHA joke! No offense ha."

"Ayokong mag cram."

"Ang pangit talaga ka-grupo ng mga matatalino, parang walang sense of humor."

Nagpintig ang tainga ko dahil sa sinabi niya? Anong connect ng sense of humor dito?

I was about to speak up when Alvarez rose from his seat. He looked at them with his emotionless face before he said something.

"Bakit niyo sinisisi si Añasco? Kasalanan niya bang tamad kayo? Huwag niyong isisi sa kanya kung tanga kayo at ayaw niyong pumasa." Inis na sagot niya bago umalis sa pwesto niya.

Tumayo rin ako at susundan na sana siya nang bumalik pero hindi na sa dati niyang pwesto. Lumipat siya sa tabi ko kaya napaupo na rin ulit ako.

"Don't worry, tama 'yung gawa mo. Thank you," he whispered.

⌗˚ , ᜊ₊˚ ໑

After the heated argument days ago, our groupmates did not even bother to apologize and communicate with us. Si Gina lang ang tanging lumapit. So, umalis kaming tatlo sa ginawa kong GC at gumawa ng bago. I don't want the other four members to drag me down. Kung ayaw nilang gumawa edi hindi namin sila pipilitin. We made another group nalang.

"Babayaran pa ba namin 'to?" Tanong ko kay Alvarez nang makaupo ako sa tabi niya. He passed me the papers na naka ring-bind. We have a total of 17 pages.

"No need. Sagot ko na 'yung print. Ikaw nalang mag explain kay ma'am kung bakit tatlo lang tayo sa group."

I chuckled at his remark. "Hindi naman natin kasalanan. And, mabilis akong mawalan ng pasensya. Ayaw pala nilang magkaroon ng ka-grupong matatalino, then don't. Wala namang pumipilit."

"There she goes again. Ayaw mo talagang magpatalo sa kanila 'no?" Natatawang tanong niya.

Nagseryoso ang mukha ko. "I don't. I hate losing, Alvarez. Especially not to you."

His eyebrows raised in a teasing manner. "Oh, am I a threat to you?"

I smiled sweetly. "No."

Tumalikod ako sa kanya bago lumapit sa teacher's table para ipasa ang activity namin at ipaliwanag kung anong nangyari. Good thing ay naintidihan niya ang point ko kaya maayos ang mood ko hanggang next subject.

MIL ang next subject namin at ang bungad ni Sir sa amin ay performance task kaagad.

"Guys, I want you to form a group of about eight members. You will be making a short advertisement or your social advocacy. Gusto ko i-aapply niyo 'yung lesson natin ha."

"Sir, by group?" Tanong ni Lester.

"Oo nga. Kasasabi lang e," he glared at Lester.

"Sir, kami na mamimili ng members?"

"Yes, tapos submit kayo ng 1/4 sa akin."

Hindi pa ako nakakapag process ng sinabi ni sir nang may kumalabit na sa akin.

"Uy, Raya! Ka grupo na namin kayo ni Vi, ha? Okay lang ba? Maayos naman kami ka-group." Itinuro ni Kenneth 'yung mga kaibigan niya na nasa likod.

I looked at Violet to ask for her permission. Tumango siya sa akin kaya tumango na rin ako kila Kenneth. "Sige lang, kayo na magsusulat?" He agreed at me

"'Yun oh!" Rinig kong sigaw ng isang classmate namin. "Thanks, Raya!"

Napakunot ako ng noo dahil sa reaction nila. Bakit parang nag-uunahan sila na maging ka-group ako? I don't even know how to act or how to hold a camera properly.

Then, I realized that Violet is a photographer. Oh, so si Vi ang pinag-aagawan nila? They know na hindi sasama sa ibang group si Vi kapag hindi ako kasama. Well, except kung mandatory or 'yung teacher mismo ang nag group sa amin.

Nag meeting kami for that and we decided to shoot our video on Friday. Mas maaga ng two hours ang uwian namin kapag Friday kaya siguro gusto na nila simulan nang maaga. Mas favorable siya for me since ayaw ko ngang mag cram.

May isa pang subject bago mag-uwian kaya pagkatapos no'n ay inaya ko agad sila Vi na mag unli lugaw. I need to relax after a stressful and irritating day.

"Shuta, feel ko last na kain after class na natin 'tong ngayong linggo," Cassandara commented as we were eating.

"Yup, nararamdaman ko na 'yung hell week mga sis. Ayoko na kaagad."

"How about me na unang linggo palang ng klase ay parang nasa impyerno na? May sumasapaw kasi e." I wiped my glasses as the fog of the lugaw covered my glasses.

"OMG ka beh. Paano kasi e iniistress mo 'yung sarili mo kay Steb. You two love pissing each other off. Tapos, minsan naman parang friends kayo," kontra ni Violet sa akin.

"Yiee, diyan nagsimula lolo't lola ko e," pang-aasar ni Marcus.

"Shut up, Richard. Ikaw rin, baka dalawin ka ng grandparents mo."

We laughed at my retort. It was satisfying. I love how I get a chance to laugh and spend time with my friends after a stressful day.

When I got home, I did not bother cooking dinner. Busog pa naman ako. I called my father to check up on him.

"Kumakain ka ba ng marami diyan? Hindi ka nagpapalipas ng gutom, Serenity?"

I giggled when I heard him. "Chill, dada. Hindi ako nagpapalipas ng gutom. Kagagaling ko nga lang po sa unli lugaw."

"Ah, buti naman. E, kumusta ka diyan? Okay ka lang ba kasama 'yung room mate mo diyan sa apartment? Hindi ka naman ba ginagawan ng masama?"

Natawa ako sa tanong ni dada. Kung tutuusin nga ay baka ako pa ang makagawa ng masama kay Alvarez. Baka kapag hindi ko mapigilan ang sarili ko ay masaksak ko na lang siya bigla.

"Okay lang naman, dada," I lied. Kahit gustong-gusto ko na sabihin kay dada na naiirita ako kay Alvarez ay ayokong mag-alala siya. OA pa naman ang tatay ko minsan. "Close na kami."

"Sure ka ha? Basta tawagan mo ako kapag may kailangan ka, anak. Oh siya, tatawag ulit ako mamaya kasi hinahanap na ako ni sir. Mag-ingat ka diyan."

"Ingat din po, dada. Love you."

"Love you too, anak. Ibababa ko na ang tawag ha."

Sa mga sumunod na araw ay parang nagdilang anghel si Cassandra. I remembered her saying na malapit na ang hell week, at nagkatotoo nga. Halos buong linggo ay tulog nalang talaga yata ang naging pahinga ko. Ayaw magpaawat ng mga teachers sa pagbibigay ng gawain.

Today is Saturday. Late na akong nagising dahil late na akong nakauwi kahapon at tinapos ko pa mga gawain ko. Kumukulo na rin ang sikmura ko dahil hindi pa ako kumakain ng kahit ano. Inuna ko ang morning routine ko bago ako lumabas ng kuwarto.

My mouth parted when I saw Alvarez watching the television the moment I opened my door.

"Hindi ka ba aalis ngayon?" Tanong ko. Lagi kasi siyang wala kapag weekends. Wala rin naman akong pakialam kung saan siya pumupunta.

"Nope, I'm staying here with you this weekend," he answered without tearing his eyes off the television.

"Whatever," I murmured. Nilagpasan ko siya para pumunta sa kitchen at magluto ng breakfast.

I noticed that there's an iced coffee from McDo on the table. May paper bag pa na halatang walang laman.

"Alvarez!" Tawag ko. "Hindi ka ba marunong magtapon ng basura sa tamang basurahan?"

Tamad siyang pumunta sa kusina. "Sino ba kasing nagsabi sa'yo na basura na 'yan?" Tanong niya bago sumipsip sa kape.

"E bakit kasi nasa mesa lang kung may laman pa pala? Hindi mo pa ubusin e."

Umupo siya sa isang dining chair. "Uubusin ko 'yan mamaya. Kalmahan mo."

"Bakit mamaya pa? Harang 'yan sa mesa e," reklamo ko habang naggagayat ng bawang.

I decided to cook fried rice and hotdogs. It's my favorite breakfast ever since. Ngayon ko nalang ulit ito nagawa dahil hindi ako nagmamadali. I usually eat bread for breakfast when hell week starts.

He was watching me as I served bacon, eggs, hotdogs, and the fried rice on the table.

"Oh, kumain ka na. Kawawa ka naman. Nakakarindi ka magparinig na ina-acid ka."

Pinaliit niya ang mata habang nakatingin sa akin. "Wala ka bang ibang nilagay rito? You're kind today."

"The fuck? Mukha ba akong naglalagay ng lason sa pagkain?" Inis na tanong ko.

"Lason? Hindi..." he chuckled. "Naglalagay ng gayuma? Oo."

The nerve?!

I almost hit him with a pan. "Ang kapal mo naman! As if! Never."

I rolled my eyes at him before started eating. Sabi na, wala kaming matinong pag-uusap kaya iniiwasan kong magkita kami kahit nasa iisang unit lang. Naaasar kasi ako sa kanya. Tipong makita ko lang ang mukha niya ay kumukulo na ang dugo ko.

Kahit nagreklamo siya ay mas nauna pa siyang matapos kumain. Siya ang naghugas ng pinagkainan niya. Syempre, sobrang kapal naman ng mukha niya kung ako pa.

"Thank you, for the food."

"Yeah, whatever."

Bumalik siya ulit sa couch na inuupuan niya at pinagpatuloy ang pinapanood. Pagkatapos kong kumain ay napansin kong magulo ang sapatusan ko. Malapit sa may pinto ang sapatos namin pero magkahiwalay pa rin ng stall. I decided to fix mine and clean my shoes after.

I was humming my favorite song when someone knocked on the door. Thinking it was the delivery guy, I stood up to open the door.

The moment I twisted the door knob and pulled the door, I closed them immediately. My eyes opened wide upon seeing my classmates' faces outside. It felt like my blood rushed up to my head and I started panicking.

"Shit, shit."

I locked the door and instantly went in his direction.

"Nandito sila Cortes. Bakit nandito sila Cortes?! What the fuck, Alvarez? I opened the door for them! What if nakilala nila ako?!" Natatarantang sabi ko.

"What? Sabi ko mamaya pang 11 kami magvivideo, ah?" He looked at his watch. "Fuck."

Mabilis siyang tumayo at lumapit sa pinto. Ako naman ay hindi alam ang gagawin dahil nag papanic na ako. My heart's beating erratically and it feels like I ran a marathon.

Sa sobrang taranta ko ay pumasok ako sa bathroom na malapit lang sa may pintuan. I calmed my breath as I heard Alvarez opening the door.

"Ano 'yon? Bakit nag tagal mong buksan?"

"H-huh?" Nauutal na sagot nung isa. "Hindi kasi ako naka damit kanina. I was surprised to see you here."

"Sinasabi mo? E balot na balot ka nga," sagot ni Cortez na siyang nasa pinakaharap kanina nang buksan ko ang pinto.

"What?" Disoriented na tanong ni Alvarez.

"Oo, naka suot ka nga ng pink na pj's 'di ba? Pink ba o iba? Ang bilis mo kasing sarahan 'yng pinto kaya hindi ko masyado nakita."

I looked down at what I am wearing and laughed quietly. Kahit papano ay naibsan ang kaba ko dahil hindi nila nakita ang mukha ko.

"Tange, baka hindi si Steb 'yon, par. May kasama ka ba diyan, pre?" I think that was MJ.

"Wala, wala akong kasama."

"Sure ka? Parang may buhok kasi 'yung nag bukas ng pinto sa amin kanina e. Parang babae," segundo ni Carl.

The fuck? Lahat nalang ba napapansin nila?

"N-no! That was me..." Alvarez paused. "N-naka wig ako kanina."

I covered my mouth to prevent myself from laughing. What kind of excuse is that, Alvarez?

"Sabihin mo nga, pre..." May pa suspense na tumigil si MJ. "Bading ka ba?"

"Pfft." I covered my mouth right away when I failed to prevent my laugh. This is so epic. I want to see his face covered with humiliation.

"Shut the fuck up, MJ. Hindi ako bading," inis na sabi niya. "Wait lang, hintayin niyo ako diyan, 'wag kayong papasok," utos niya bago ko narinig ang pagsara ng pinto.

"Ay pucha, may babae nga!" Jillian was laughing outside. "May tinatago e."

"Tangina mo, Ramos! Huwag kang magpapakita sa'kin. Gigilitan kita ng buhay!" He yelled. His voice descending as we walked away from the door.

"Pre, what if hindi pala babae? What if bading equipments pala ang tinatago ni Steb?" I heard Cortes commented from outside.

Lumayo ako sa pinto ng CR para tumawa. I can't just help it anymore. Gustong-gusto nang lumabas ng tawa ko.

Habang tumatawa ako sa loob ay umawang ng kaunti ang pinto ng CR. Sumilip si Alvarez na madilim ang mukha.

"Stop laughing, Añasco."

"Sorry," I whispered, laughing. I wiped my tears behind my glasses. "It was epic."

"Natatawa ka roon? Was it fun laughing as they accused me of being gay?" Inis pa rin ang boses niya.

"Yes."

"Ah, bakit? Mas gugustuhin mo bang aminin kong may babae nga? Gusto mo bang sabihin ko na ikaw ang babae ko rito, Añasco?"

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

elluneily 🌷🍰🎫

Продовжити читання

Вам також сподобається

Hey, Cohen (COMPLETED) Від beeyotch

Підліткова література

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
FEIGHT (Famous Eight) Від Mac

Підліткова література

633K 39.6K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
Miara's Mistakes Від jia

Романтика

9K 655 164
pov: it's 2020 and you went inside the wrong car and got stuck in a lock down with a stranger *** Miara met Primo because of a mistake. Will this cha...
50.8K 2.4K 30
Caught In The Temptation : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidde...