South Boys #3: Serial Charmer

By JFstories

4.2M 245K 151K

She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
The Final Chapter
Epilogue
V.I.

Chapter 30

50.7K 2.9K 962
By JFstories

BUNTIS BA TALAGA AKO?


Hindi pa ako nagti-test o nagpapatingin sa doktor. Bukod sa wala akong pera ay natatakot din ako. Gabi-gabi akong binabangungot na sinusuntok daw ni Daddy ang tiyan ko. 


Nakauwi na sa amin si Mommy pero wala naman itong magagawa kung sakaling magalit sa akin si Daddy. Ang laki ng ipinayat ni Mommy at palaging nanghihina. Nagkasakit pala ito sa Laguna. Kaya siguro sumama na lang ito pauwi kay Daddy.


Pababa ako sa hagdan nang marinig na nag-uusap sila. Ang boses ni Daddy ay kababakasan ng saya. "Sa wakas, na-grant na ang working visa ko matapos ang isang taon mahigit na pagproseso at katakot-takot na gastos!"


Na-grant na ng immigration ang working visa ni Daddy papuntang Australia. Nakatulong na mayaman at business owner ang Australiano na napangasawa ni Tita Duday, dahil ito na mismo ang kumuha kay Daddy bilang employee.


"Kapag may tatlong buwang payslip na ako, puwede ko na rin sigurong ipaasikaso ang pagkuha sa inyo ni Vivi as tourists. Tapos doon ko na kayo ipapa-extend. Walang problema sa pera dahil makapal ang bulsa ng bayaw kong Australiano."


Hindi na ako nakatiis na hindi sumabat sa kanila. "Daddy, susunod kami ni Mommy sa 'yo?" Hindi ko inaasahan ang ganito, ang akala ko ay si Daddy lang ang aalis.


Napatingin si Daddy sa akin sa hagdan. "Oo. Kailangan nating makaalis dahil marami tayong utang. Hindi tayo mabubuhay rito sa Pilipinas. Bakit? 'Wag mong sabihing may ayaw kang iwan dito sa Pilipinas? Ano, nagkabalikan ba kayo ng tarantadong lalaking iyon?!"


Masama ang loob na napatakbo ako pabalik sa itaas.


Humabol pa sa akin ang malakas na sigaw ni Daddy. "Ang dami ng nangyari sa pamilya natin, Vivi! Ito na lang ang pag-asa natin na maging maayos ang buhay natin, 'wag mong sayangin! 'Wag kang maging dahilan para lalo tayong masira!"


Nagkulong ako sa kuwarto. Nagbi-beep ang phone ko dahil nagti-text si Isaiah. Ni hindi ko siya magawang i-reply. Ang daming kong iniisip. Dumagdag pa ang mga plano ni Daddy. Hindi ko na alam ang gagawin. Gulong-gulo na ako.



DINUGO AKO KINABUKASAN. Napatakbo agad ako sa bahay nina Eli. Kagigising pa lang ni Eli. Pupungas-pungas pa siya nang pagbuksan ako ng pinto.


"Eli, nagkaroon ako!" may hingal pa sa boses ko dahil sa pagmamadali na makarating dito.


Naglaho bigla ang antok niya. Nandilat agad siya. "Gaano karami? Puwedeng spotting lang iyan o pahabol lang. Dapat makasiguro tayo."


Sinabihan ako ni Eli na bantayan ang menstruation ko hanggang tatlong araw. Sinunod ko siya. Talagang binantayan ko kung magkakaroon ulit ako kahit spotting man lang.


Sa unang clearance week ay balisa ako kakaisip. Palagi pang masama ang pakiramdam ko at wala akong kagana-gana sa lahat. Hindi naman iyon nakaligtas kay Isaiah.


Noong lunchbreak ay tinabihan niya ako sa bench at inakbayan. Sinilip niya ang mukha ko. "May problema ka ba, boo?"


"Bumalik na si Daddy sa amin," sagot ko. Isa talaga si Daddy sa dahilan kung bakit ako nagkakaganito.


Hindi nakapagsalita agad si Isaiah. "Ah, puwede pa rin naman tayo na magkita, 'di ba?" nananantiyang tanong niya. Nandoon ang pag-aalala sa boses niya. "Nag-iingat naman tayo para hindi niya malaman—"


Umiling ako at mahinang bumuntong-hininga. "Puwede ba munang 'wag tayong magkitang dalawa?"


"Ha? Anong 'wag magkita? Iisang school lang tayo, panong 'di tayo magkikita?!"


"Ang ibig kong sabihin ay mag-cool off muna tayo." Narinig ko lang iyong kantang 'Cool Off' ni Yeng Constantino, kaya alam ko. Parang bagay iyon sa amin.


Bukod sa hindi ko pa sigurado ang aking kalagayan ay ayaw ko ring isugal na magalit na naman si Daddy. May mga problema pa ngayon ang pamilya ni Isaiah, hindi makakatulong kung guguluhin pa sila ni Daddy.


Napapadyak siya. "Vi, ano iyan? Bakit may cool off? Ayaw ko niyon!"


Tumayo ako habang nakanganga siya sa akin. "Gusto ko rin munang makapag-isip sana. Sorry, Isaiah..."


Iniwan ko na siyang mag-isa sa bench. Tiniis ko kahit sinundan niya ako sa room at nagpabalik-balik siya sa may bintana. Gulong-gulo na ako. Parang sasabog na ang utak at puso ko.


Para akong mababaliw lalo nang matapos ang tatlong araw. Hindi na nasundan ang isang beses na pagdudugo ko. Lagi akong takot na takot at kinakabahan dahil panay ang titig ni Daddy sa akin. May pagdududa na sa mga mata nito.


Nang gabi na magsauli ako kina Eli ng mangkok na nilagyan ng ulam, ay hinila ako nito papunta sa banyo. "B-bakit?" gulat na tanong ko.


Inabutan ako ni Eli ng brown na paper bag. "Pregnancy test kit ang nasa loob niyan, binili ko kanina sa botika," namumula ang pisngi na sabi niya.


Bantulot pa ako na abutin iyon, pero kailangan kong malaman kung totoo bang buntis ako. Ilang minuto ako sa banyo bago tulala na lumabas.


Inagaw ni Eli sa akin ang PT at pinanlakihan siya ng mata. Para siyang biglang nanghina na napaupo sa gilid ng pinto ng banyo.


Napaluhod naman ako sa harapan niya habang humihikbi. "Buntis ako, Eli. Buntis talaga ako. Paano kung biglang makaisip nang masama si Daddy dito sa dinadala ko?!"


"Hindi ako papayag," mariin na sambit niya.


Napatitig ako sa determinasyon na nasa mga mata ni Eli. "Iyon na lang ang paraan, Vi. Sabihin mo kay Ninong Robert na akin 'yan. Magagalit siya pero hindi niya makukuhang magalit nang sobra, dahil malaki ang utang niya kay Mama. Saka, kompara kay Isaiah, mas gugustuhin niya ako para sa 'yo."


Umiling ako. "Pero ang plano ni Daddy ay kunin kami papunta sa Australia. Wala sa plano niya na ipakasal ako, kahit pa sa 'yo!" Kaya nga ang ikinakatakot ko ay baka ipalaglag ni Daddy ang dinadala ko. Hindi malabo na mangyari iyon.


"Poprotektahan kita. Hindi ako papayag na isama ka niya. Pero para mapalagay ang loob ng daddy mo at para makasama mo pa rin sila, kapag nakapanganak ka na ay susunod tayo sa kanila sa Australia."


Napanganga ako. "P-paano?"


"Kakausapin ko si Mama. May lola ako sa Perth. Magpapakuha ako sa kanya. Sa gastos at requirements naman, ipapasanla ko kay Mama ang limang pinto ng apartment namin sa Ternate, Cavite. Magpapakasal tayo bago tayo umalis ng Pilipinas."


Napatanga ako sa mga plano niya. Kung makapagsalita siya ay parang napakadali lang ng lahat. At bakit siya magsasakripisyo nang ganoon? Sa mga sinasabi niya ay iisa lang ang nakikita ko, masisira ang pag-aaral niya.


"A-ayoko, Eli." Umiling ako. "Sorry, pero ayaw pala kitang idamay."


"Vivi!" tawag niya sa akin nang iwan ko na siya. Hindi ko na siya nilingon. Nagmamadali na akong umuwi.


Hindi na ako nakapasok sa sumunod na araw. Clearance na lang naman. Pero si Isaiah ang nasa isip ko dahil birthday niya ngayon. Kanina niya ako tini-text at tinatawagan.


Sa pang-sampung ring ng phone ko ay nag-ipon ako ng lakas ng loob na sagutin siya. "Isaiah, alam mo ba kung ano ang dahilan ko? Plano ni Daddy na pati ako ay pumunta sa Australia."


Hindi siya sumagot.


"Isaiah?" tawag ko.


Napatingin ako sa hawak na phone. Kaya pala hindi na siya sumasagot, pinatayan niya na ako. Tapos na ang tawag. Nag-text ako sa kanya pero hindi siya nagre-reply. Hindi rin siya online.


Isang oras na ang lumipas, kinakabahan na ako. Tinadtad ko siya ng text pero wala talagang sagot. Hindi ugali ni Isaiah na hindi mag-reply. Kahit galit siya, hanggang ten minutes max niya lang ako kayang tiisin. Nag-aalala na ako.


Habang naghihintay na mag-online si Isaiah, ay nadaanan ko sa newsfeed ang post ng tropa nilang si Nelly Rose Madlangbayan.


Yllen Esor Nayabgnaldam: OMG! Si Isaiah naaksidente sa motor! @Isaiah Gideon DV, okei ka lang ba?! U need @Carlyn Marie Tamayo rite now! OMG yarn?! #PrayForIsaiah #GetWellSoonIsaiah #CarSaiah #ViviWalangSilbi


Napabalikwas ako. Kaya pala kakaiba ang kabog ng dibdib ko. Nanginginig ang mga kamay na hinanap ko agad ang number na meron ako, number ni Asher.


Sumagot agad ang lalaki. [ Oo, lasing ang gago. Bigla na lang daw umalis nang naka-motor. Naaksidente papunta diyan sa 'yo sa Buenavista. OTW na kami ngayon sa ospital. Hindi pa namin alam ang lagay niya. ]


Tinext sa akin ni Asher ang pangalan ng ospital kung saan dinala si Isaiah. Hirap na hirap naman akong makatyempo kung paano aalis dahil madadaanan ko si Daddy sa sala.


Humingi ako ng tulong kay Eli. Mabuti at nakaisip ng paraan ang lalaki. Ipinaalam niya ako kay Daddy na may kailangang tapusing special project para sa clearance. Nakalabas ako dahil doon.


Iyak ako nang iyak sa jeep papunta sa ospital. Sinisisi ko ang sarili sa nangyari kay Isaiah. Kasalanan ko kung bakit naaksidente siya.


Hanggang sa makarating na kami sa ospital. Pinunasan ni Eli ng panyo ang mukha ko na basa sa luha. Tinulungan niya rin ako na ayusin ang aking sarili.


Sa lobby ay nakita namin ang mama ni Isaiah na si Tita Anya. Nang mapatingin sa akin ang ginang ay pumormal ang ekspresyon ng mukha nito.


"K-kumusta po si Isaiah?"


"Anong sinabi mo sa kanya?" Sa halip na sagutin ang aking tanong ay tanong din nito. "Pagkatawag mo sa kanya, bigla na lang siyang nagmamadaling nag-motor papunta sa 'yo!"


Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa lamig ng boses nito.


"Sorry po. Sinabi ko lang po na susunod ako kay Daddy sa pagpunta sa Australia. Hindi ko naman po alam na mangyayari ito kay Isaiah..."


"Sa awa ng Diyos, ayos lang naman siya. Hindi naman napuruhan. Pero kung napuruhan ang anak ko, baka hindi kita magawang kausapin, Vivi. Baka hindi kita matantiya."


Hindi na ako nakapagsalita at napayuko na lang. Tinanggap ko ang mga salita ni Tita Anya. Naiintindihan ko kung magalit man ito sa akin. Deserve ko iyon. Dahil sa akin kung bakit naaksidente si Isaiah.


Nang umalis na ang ginang ay hinawakan ako ni Eli sa balikat. "Vi, gusto mo bang makita si Isaiah? Sasamahan kita sa kuwarto niya. Hindi naman siguro tayo itataboy ng mga magulang niya kung—"


"H-hindi na," mahinang sabi ko.


"Pero baka gusto ka rin niyang makita..."


Malungkot akong tumingin sa kanya. "Hindi na. Umuwi na tayo, Eli..."



KINABUKASAN NG HAPON. Huling araw ng clearance at bukas na ang graduation. Hindi ko akalaing papasok si Isaiah ngayon. Buong gabi akong hindi nakatulog kakaisip sa kanya, kaya parang tumalon ang puso ko nang makita ko siya.


Naroon siya sa room nila sa tabi ng hagdan. Nagsusuklay siya ng buhok niya. Hirap na hirap siya dahil may benda pa siya sa braso. Nanalamin siya sa hawak na bilog na salamin at tinanggal ang band aid niya sa pisngi.


"Tangina, ang sakit," paungol na sabi niya pagkaalis ng band aid. Tiningnan niya muli ang mukha niya sa salamin.


Mag-isa lang siya sa room. Wala kahit ang mga tropa niya. Wala na ring katao-tao kahit sa corridor dahil papadilim na sa labas. Ang mga estudyante ay doon na nakatambay karamihan sa gate.


Aalis na sana ako nang gumewang si Isaiah. Muntik siyang masubsob sa upuan. Hindi ko siya natiis na hindi puntahan at tulungan. "Isaiah, okay ka lang ba?" Inalalayan ko siya.


Gulat siyang napatingala sa akin. "Vivi!"


Nang maayos na ulit siyang nakatayo ay saka ako napatitig sa kanya. Gusto kong maiyak ang cast niya sa braso, ang sa sugat pisngi, at putok na gilid ng mapula niyang mga labi. Lahat iyon dahil sa aksidente niya kahapon.


"Isaiah, b-bakit ka pumasok ngayon? Dapat nagpapahinga ka pa, di ba?" pigil ang hikbi sa boses ko.


"E ikaw?" Ang gulat sa mga mata niya ay napalitan ng hinanakit. "Bakit pupunta ka sa Australia? Bakit iiwan mo ako?!"


"K-kailangan dahil iyon ang desisyon ni Daddy..."


"What if umiyak ako?"


Dahil sa paglapit niya sa akin ay nalanghap ko ang mainit niyang paghinga, sumasaliw roon ang amoy ng Red Horse na natatandaan ko. Sukat ay pinangunutan ako ng noo. "Uminom ka?"


"Kaunti lang, bago ako pumunta rito," sabi niya pero namumula ang mga mata niya maging ang bridge ng matangos niyang ilong.


Hinawakan niya ako sa braso. Niyakap niya ako at sumubsob siya sa leeg ko. Itinukod ko ang aking mga palad sa matigas niyang balikat. "Isaiah, baka may makakita sa atin. Ano ba?"


Ayaw niya naman akong bitiwan. "Vi, 'wag mo akong iwan..." Lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Vi, 'pag ba may baby na tayo, hindi ka na aalis?"


Nanlaki ang mga mata ko at bigla ko siyang naitulak nang buong lakas.


Nabitiwan niya ako pero muli niya ring niyakap. Mukhang hindi lang kaunti ang ininom niya. Wala sa tama ang pag-iisip niya. "Isaiah, ano ba?! Ayaw kong makipagusap kapag lasing ka!"


Akma niya akong hahalikan nang itulak ko ulit siya. Mas malakas pa kaysa kanina, dahilan para mabuwal siya sa sahig. Nahila niya ang kwelyo ng blouse ko kaya natanggal tuloy ang ilang butones. Napaluhod ako sa harapan niya.


Umuungol siya habang nakahiga sa sahig. May luha sa gilid ng kanyang mga mata. "Vi, anong dapat gawin para hindi ka na umalis? Para hindi mo ako iwan..."


Napahikbi ako. Gusto ko siyang yakapin at sabihin sa kanya ang totoo, na may baby na kami. Pero natatakot ako sa puwedeng mangyari. Isa pa, lasing pa siya. Paano kung ano ang maisipan niyang gawin?


Mabigat ang loob na tumayo ako. Nanakbo ako paalis bago pa magbago ang isip ko. Nag-aalala ako kay Isaiah pero kailangan ko na talagang umalis dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, baka masabi ko na sa kanya ang totoo.


Sa daan ay nabangga ko pa ang parating na si Carlyn. Sana ay puntahan nito si Isaiah para tulungan.



GABI NG MISMONG GRADUATION.


Hindi ako naka-attend dahil pagbaba ko sa sala ay isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin. Nanlilisik ang mga mata ni Daddy nang ibato sa akin ang mga paper bag na pinaglalagyan ng mga hindi nagamit na sanitary pads.


"Hindi mo nagamit ni isa ang mga 'yan! Kaya ba nagkakaganyan ka? Kaya lahat ng iluto ng mommy mo ay nababahuan ka? At kaya tamad-tamad ka ay dahil buntis ka?!"


Nanginginig na napaatras ako dahil sa takot. Napayakap ako sa aking tiyan dahil baka kung ano ang gawin ni Daddy. Baka suntukin niya ako.


"R-Robert, 'wag mong saktan si Vivi," nanghihinang pakiusap ni Mommy. Halos hindi ito makatayo para makalapit sa amin dahil walang lakas ang payat na payat nitong mga binti. Hindi naman ito pinansin ng asawa.


Napahagulhol ako nang daklutin ni Daddy ang buhok ko at itingala ako sa kanya. "Sabihin mo sa aking malandi ka, iyong Isaiah ba na iyon ang nakabuntis sa 'yo?! Sumagot ka!"


Malalakas na katok ang pumukaw sa amin. Hindi na nakahintay ang nasa labas para pagbuksan, binuksan nito ng kusa ang pinto. Si Eli ang dumating. Kasunod ng lalaki ang humahangos na si Tita Hannah.


"Robert, 'wag mong saktan si Vivi!" namumutla na sigaw ni Tita Hannah. "Buntis ang anak mo! Sinabi na sa akin ni Eli, may nangyari sa kanila!"


Binitiwan ako ni Daddy. Namumula ang buong mukha sa galit. "Si Eli ang nakabuntis sa anak ko?!"


Si Eli ay kahit kakikitaan ng takot ang ekspresyon ay pinilit ang sarili na magpakatatag. "N-Ninong, sorry. Pananagutan ko po si Vivi..."


"Hannah, alam mo na aalis kaming lahat papunta sa Australia. Paano na ngayon?!"


"D-dito muna si Vivi," nauutal na sagot ni Tita Hannah. "Hindi namin siya pababayaan. Puwede naman siyang mag-tourist sa inyo roon. Gagawan ko ng paraan, pag-iipunan ko ang gastos sa ticket niya. Basta, maawa ka sa anak mo, 'wag mo siyang saktan."


Naging ngising demonyo si Daddy. "Hannah, ang lupa na ito na kinatitirikan ng bahay namin ang gusto kong kabayaran sa ginawang katarantaduhan ng anak mo sa anak ko!"


Napalunok si Tita Hannah. "S-sige, hindi na kita sisingilin pa. Aayusin ko ang titulo para tuluyan nang mapunta sa pangalan mo ito."


Alumpihit na lumapit si Tita Hannah sa kinaroroonan ko at hinablot ang aking pulso. Luhaang na nagtatanong ang mga mata ko sa kanya.


"Ibibigay ko sa 'yo ang gusto mo, Robert." Hinila ako ni Tita Hannah papunta sa pinto habang nakay Daddy ang kanyang alistong mga mata. "Pero sa amin si Vivi. Isasama na namin siya pauwi sa kabilang bahay ngayon, dahil hindi ako naniniwala na hindi mo na siya sasaktan."


Hindi na nakareklamo si Daddy dahil naabot na rin siya ni Mommy. Niyakap siya para pigilan na sumunod sa amin.


Nagmamadali naman ang mga hakbang namin nina Tita Hannah paalis. Si Eli ay look out sa likod namin. "Bilisan niyo, Ma! Baka sumunod si Ninong Robert!"


Pagkalabas namin ng gate ay nagulat ako nang abutan ako ni Tita Hannah ng pera. Nagtatanong ang mga mata na napatingin ako sa kanya.


"Kanina nang pumunta ang daddy mo sa bahay, alam kong bago niya makita ang mga unused sanitary napkins mo ay may alam na siya. Magulang siya at malakas ang pakiramdam ng mga magulang pagdating sa kalagayan ng anak nila. Alam niya ng buntis ka, Vivi."


"Nanigurado lang si Ninong Robert," ani Eli. "Pero alam niya na. Kanina ay nakita siya ni Mama sa tapat ng bahay niyo na kausap iyong kumadrona na taga Bacao. Kilala iyon dito na nagpapalaglag ng bata."


Nanlamig ang pakiramdam ko nang marinig iyon.


Tumingin sa akin si Tita Hannah at itinikom sa palad ko ang pera. "Umalis ka na, Vi. Umalis ka hangga't hindi pa nagbabago ang isip ng daddy mo. Bago niya pa malaman ang totoo at ano pa ang magawa niya sa 'yo."


Napahikbi ako nang mapagtanto ang sinasabi niya.


Maliit na ngumiti sa akin si Tita Hannah. "Para na kitang anak, Vivi. Gusto kong mapaayos ang buhay mo. 'Sabi naman ni Eli, mabait naman daw ang boyfriend mo. Nakahanda naman daw na ipaglaban ka. Sana lang ay totoo iyon. Sana hindi ka niya pabayaan."


Lumuluha akong tumango. "Salamat, Tita Hannah..."


Nilingon ko si Eli. Hindi siya sa akin nakatingin at pasimpleng nagpunas ng mga mata niya gamit ang laylayan ng suot na t-shirt.


Nilapitan ko siya at niyakap. "Eli, salamat..."


Nabigla siya sa pagyakap ko, subalit sandali lang ay gumanti siya sa akin nang magaan na yakap. "Mag-ingat ka, Vi. Siguraduhin lang sana ni Isaiah na aalagaan at poprotektahan ka niya. Dahil kukunin kita sa kanya kapag pinabayaan ka niya."


Nang may dumaan na tricycle ay pinara na iyon ni Tita Hannah. Pinasakay na nila ako. Niyakap ko pa ulit silang mag-ina bago ako umiiyak na sumakay sa loob.


Wala akong dalang cellphone kaya hindi ko ma-text man lang si Isaiah. Ni hindi ko alam kung nakauwi na ba siya ngayon sa kanila.


Pagkarating sa Pasong Kawayan Dos ay nilakad ko na ang papunta sa compound nila. Halos magsabay pa ang pagbaba ko sa tricycle at sa pagbaba nilang mag-anak mula sa sinasakyan nilang tricycle. Galing sila sa graduation.


Natigilan si Isaiah nang makita ako, lalo na ang ayos ko na luhaan, magulo ang buhok at punit ang kwelyo ng damit. Kahit sina Tita Anya at Tito Gideon ay nagtatakang nakatingin sa akin.


"Bakit ka nandito?" tanong niya na bagama't malamig ay hindi maiaalis ang pag-aalala sa tono.


Ang mama at papa niya ay naghihintay rin sa sagot ko. Ang pagtataka sa mga mata nila ay napalitan ng panlalaki, nang bumukas ang nanginginig kong mga labi at sabihin ang dahilan kung bakit ako nandito.


"Isaiah, buntis ako."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

13.6M 387K 41
Macario Karangalan Sandoval
6.9M 166K 56
X10 Series: Alexander De Silva Kilala bilang 'nice guy' ng gang na tinatawag na X10. Mabait pero masama kung magalit. Isang gentleman kung maituturin...
11M 274K 47
X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dustin of X10]] Who will fall inlove easily...
14.9M 758K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...