Love Me in Brooklyn

By NerdyIrel

154K 5.7K 1.4K

A cheerful and optimistic girl who deeply admires an unapproachable popular guy. She chases him but he never... More

Start
Love Me in Brooklyn
Prologue
Chapter 1 - Her Life
Chapter 2 - Failed Attempts
Chapter 3 - Journey
Chapter 4 - OSR
Chapter 5 - Russell Riders
Chapter 6 - New Member
Chapter 7 - Triple R
Chapter 8 - Everywhere
Chapter 9 - Secret
Chapter 10 - Welcome Party
Chapter 11 - Threat
Chapter 12 - Childhood Friend
Chapter 13 - Contract
Chapter 14 - Revenge
Chapter 15 - Patience
Chapter 16 - First Date
Chapter 17 - Competition
Chapter 18 - Invite
Chapter 19 - Falling
Chapter 20 - Feelings
Chapter 21 - Selfie
Chapter 22 - Territorial
Chapter 23 - Worried
Chapter 25 - Bruise
Chapter 26 - Love
Chapter 27 - Suitors
Chapter 28 - Keep
Chapter 29 - Promise
Chapter 30 - Shoes
Chapter 31 - Proud
Chapter 32 - Cheer
Chapter 33 - Guilt
Chapter 34 - Caught
Chapter 35 - Rumors
Chapter 36 - Agreed
Chapter 37 - Truth
Chapter 38 - Questions
Chapter 39 - Protect
Chapter 40 - Settled
Chapter 41 - Nervous
Chapter 42 - Fetch
Chapter 43 - Promises
Chapter 44 - Going Home
Chapter 45 - Happiness
Epilogue
Author's Note

Chapter 24 - Confession

2.1K 84 17
By NerdyIrel

CHAPTER 24

CONFESSION


Sab's POV


I woke up extra excited the next day. Halos ikulot ko pa nga ang buhok ko kaso ayoko namang mahalata ni Marina na makikipag-meet kasi ako kay Russell today kaya todo ako kung makapagpaganda. Nag-braid na lang ako para naman kahit papaano ay may kakaiba sa itsura ko ngayon.


"Ano ba kasi 'yung librong tinutukoy mo at kailangan pa nating daanan pagkatapos mag-breakfast? What if ma-late tayo diyan, S?" iritableng tanong ni Marina.

"Hindi 'yan. Bilisan na lang natin kumain, okay?" I smiled sweetly at her, grabbing my bag. "Tara na!" Halata yata sa tono ng boses ko na sabik na sabik akong umalis kaya pinanliitan niya ako ng mga mata.

She eventually sighed and followed me. You'll thank me after this, Marina!


My cousin's quiet as we walked towards the cafeteria. Nag-text na rin ako kay Ron na malapit na kami.

"Hey, good morning!" bati niya nang lumapit kami sa table niya. Naka-order na siya ng umagahan niya ngunit hindi niya pa iyon ginagalaw.

"Hi. Bili lang kami ng food." Ngumiti ako bago kami naglakad ni Marina palayo. I got myself waffles while Marina only bought hot milk.

"Hindi ka kakain?"

"Wala pa akong gana." Gusto kong isiping kaya wala siyang binili ngayon ay dahil sanay lang talaga siyang kumain ng light meals kada umaga, but who am I kidding? I know the truth. She doesn't have the appetite this morning because of Lucas.

Tumikhim na lang ako at hinayaan siya. I grabbed an apple and placed it on my bag, just in case she gets hungry later.


Nang makabalik sa table ni Ron ay kumain na rin kaagad kami. Nagmamadali ako dahil makikipagkita pa kami kila Russell at alam kong kakailanganin ng pinsan ko ang oras para makapagusap sila ni Lucas ng matagal.


"In a hurry?"

I looked up at my childhood friend and shook my head. Ayokong magsinungaling sa kanya pero hindi ko naman pwedeng ikwento ang plano ko. Marina's eyeing me too. "Hindi naman... Gutom lang talaga, hehe."


Maganda ang aura ni Ron. Mukhang nakatulog siya ng maayos kaya ang good mood niya. Kanina pa siya pangiti-ngiti.

"Uhh... Sab? Pwede bang magusap tayo saglit sa labas?" Napatingin si Marina kay Ron nang magsalita ito. She raised an eyebrow.

"I can just go. Doon na kita hintayin sa library, S." Tumayo na siya at kinuha ang bag niya. My eyes slightly widened but then, I think this will be a good thing.


Pagkaalis niya ay agad akong nag-send ng text kay Russell para ma-inform ko sila.


To: Hubby 💕

7:14 am

Good morning, hubby!

Marina's on the way to the library.

Susunod na lang ako 😁


He'll pass along the message to Lucas, I'm sure.


"Busy?" Ron asked.

Nagangat ako ng tingin sa kanya at ibinalik na ang phone ko sa bag. "Hindi naman gaano. Ano nga ulit 'yung gusto mong pagusapan at ayaw mong marinig pa ni M?"


He ran a hand through his hair and let out a nervous laugh. "Well... uh..."

Humigop lang ako sa hot chocolate ko at tinitigan siya.


"This isn't exactly how I thought I'll say this but uhmm..." Tumawa ulit siya kaya tumaas na ang kilay ko.

"Ano bang meron?" I'm already curious as hell.

"I just want to tell you..." Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako doon at nablanko ang utak. "That from now on, I'll be courting you."


Napaawang ang bibig ko sa gulat. Ron held my hand tighter as he stared at me.

"Una pa lang kitang nakita, napukaw mo na ang atensyon ko. I thought I just found you cute but then when we met again here at school, I always find myself smiling when you're around."


Gusto kong alisin ang puso ko sa dibdib ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis ng tibok noon. Habang pinakikinggan si Ron, mas lalong nagwawala ang puso ko. Am I just nervous or does this mean something else? Sabi nila kapag ganito nararamdaman mo, in love ka? Pero ganito rin nafi-feel ko kapag kasama ko si Russell!


"Attracted na ako sa'yo una pa lang pero pinigilan ko ang sarili ko dahil labis mong pinapakita sa buong mundo na ang step brother ko ang gusto ko."

I frowned. "Step brother? Teka, kapatid mo si Russell?"

"You didn't know?" Tumawa siya. "Sabagay, hindi naman talaga namin pinapaalam sa lahat. Only those who are close to us knew."

Sobrang naguluhan ako. "You're kidding, right? Wala ka sa family pictures noong nagpunta ako sa bahay nila Russell."

He gave me a tight smile. May halong puot ang ngiti niya. "That's because his Mom never actually accepted me as her own. She never liked me and I'm not sure why. Bata pa kami nang magpakasal ang tatay ko at ang nanay niya, kaya nga naging magkaibigan kami ni Russell kahit na sobrang sungit niya... He had no choice but to stick with me because I am part of his family."


This was huge news for me. Hindi ko na alam kung saan tuloy ako mas labis nagulat. Sa pagsasabi niyang liligawan niya ako o sa pagiging magkapatid pala nila.


"I know my brother, Sab. He's not capable of loving someone. He has a stone heart and you're only going to end up hurt."



Naalala ko bigla ang mga sinabi sa akin ni Agatha. Parehas silang dalawa ng sinabi, that Russell will only cause me pain.


"Ako Sab, hindi kita sasaktan. Totoo ang nararamdaman ko sa'yo. Gusto kita."

Napasinghap ako at tila tumigil sa paghinga ng ilang segundo. Gusto kong bawiin ang kamay ko sa kanya pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay wala akong lakas gawin iyon.


"Gusto na kita noong mga bata pa tayo at mas lalo lang kitang nagustuhan ngayon."


I closed my eyes and remembered that little kid I had a crush on. RJ will always hold a special place in my heart. Kahit na ilang taon kaming hindi nagkita, hindi ko pa rin talaga siya nakalimutan.


"Ron..." Minulat ko ang mga mata ko at kinagat ko ang labi ko.

I didn't know how to react. First time na may umamin sa akin na lalake. For years, I've been chasing men and now that I have someone confessing his feelings for me, I am utterly dumbfounded.


"I want you to think this through. Think about us, Sab. Mas magiging masaya ka kung itutuon mo ang pansin mo sa akin. You can always count on me to keep you as happy as you were when we were young."


Hindi ko talaga malaman kung anong dapat kong gawin o maramdaman ngayon.

"Isipin mo si RJ mo. Isipin ang masasayang mga memorya mo nung mga bata pa tayo... We can continue our story now, Sab. Pinagtagpo ulit tayo ng tadhana para magkasama tayo."


At dahil sa mga sinabi niya, napaisip nga tuloy ako. Wala ako sa sarili habang naglalakad papunta sa library.

I came here in Brooklyn to win over my childhood crush's heart but now that I've learned he already likes me, I am suddenly confused. Kung tutuusin tapos na ang misyon ko. I can accept RJ's feelings for me and go home to Laudervale to tell my Dad I won the deal.

But then there's Russell.... looking so great with his green hoodie on, standing at the entrance of the library, smiling at me. Pakiramdam ko hinintay niya ako.


I slowly walked towards him and noticed we're wearing the same shade of green.

"Hi," pagbati niya. Ito ang unang beses na nakita kong ganito ang ngiti niya, tila sobrang saya niya ngayon.

"Hey..." Gustuhin ko mang maging masigla ay hindi ko magawa.

Ron's confession bothered me a lot. Ganito pala pakiramdam nang may umamin sa'yong gusto ka niya? Ang weird. Parang nahihiya ako na ewan.


"You okay?" Hinawakan niya ang palapulsuhan ko para hilahin ako papasok. He was so gentle as he pulled me inside. Akala niya siguro ay nilalamig ako dahil sa panahon kaya medyo tahimik ako.

"H-ha? Oo naman," I faked a laugh. Hay nako, Sab. Wag ka ngang lutang. Baka kung anong isipin niya. "Sila Marina?"

"Upstairs. They're already talking."

"Sana naman maging maayos ang usapan nila..."

"Doon muna tayo." Hinila ako ni Russell papunta sa mga bookshelves sa dulo.

Maaga pa kaya wala pang masyadong tao rito sa library ngunit may iilang nilingon talaga kami nang makitang hawak ni Russell ang kamay ko.



Pagdating doon ay pinaupo niya ako sa carpet. We just sat there while he's still holding my hand. Napatingin tuloy ako doon. His touch is making my heart go wild. Kanina pa naghuhurumintado ang puso ko, magkakasakit na ako onti na lang.

Inalis ko na lang ang hawak niya at inayos ang buhok kong medyo hinagin sa labas kanina.


"How was your sleep?" Tumindig ang balahibo sa batok ko sa lambing ng boses niya. Ang weird, hindi ako sanay na ganito si Russell.

"Okay lang. Ikaw?"

"It was the best sleep I had in years." He chuckled and rested his head on the books behind him. Magkaharapan kami ngayon, parehong naka-indian seat.


Ngumiti lang ako at pinagmasdan ang mukha niya.

Ang gwapo talaga nito...


I suddenly felt guilty that I have this huge crush on Russell when I'm supposed to be liking RJ. Ah shems! Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit nagkakaganito ako?


"Sab..." Russ suddenly reached for my cheek. Hinawakan niya lang iyon habang nakatitig sa akin. My heart jumped when his thumb touched my lower lip. "What are you thinking right now? I can almost hear your loud thoughts even when you're not saying anything..."


Nagiwas ako ng tingin. Parang matutunaw kasi ako sa tindi nang pagkakatitig niya sa akin.

"Nagaalala lang ako kila Marina..." pagsisinungaling ko. I grabbed his hand and removed it from my face. Ibinaba ko lang iyon ngunit nanatili akong nakahawak sa kamay niya.

I don't know... It just felt right to hold him...


"Don't be. Lucas will do anything to change her mind. He'll convince her they can get through this."

I nodded and bit my lower lip. Hindi ganito ang inaasahan ko ngayong umaga. I woke up excited to spend time with him. Kung ano ano pa nga ang na-imagine ko kagabi bago matulog dahil tuwang tuwa ako na makakasama ko si Russell.

Pero ngayon, ewan ko ba. Naiilang ako na natatakot mapalapit sa kanya. I suddenly had this feeling that RJ is watching me and that being close to Russell means I'm betraying my childhood love.


Tumayo ako at huminga ng malalim. Naguguluhan talaga ako.

"Hey, what's wrong?" Tumayo rin siya at lumapit pa. I took a step back but I hit the bookshelf behind me. Hinawakan tuloy niya ang bewang ko at hinila ako palapit sa kanya.

"Savannah..."

Napatingin ako sa labi niya nang banggitin niya ang first name ko. It reminds me of something... Hindi ko lang maisip kung ano.


"Baby, you're worrying me." Halos ibulong niya iyon ngunit dahil sa magkalapit ang mga katawan namin ay rinig na rinig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya.


Hindi magawang mag-function ng utak ko kapag ganito ang pwesto namin. I frowned and took a deep breath. Then I removed his hands on my waist.

"S-sorry, Russ. Male-late na kasi ako sa klase ko. I need to go now. I'll see you later?"

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "You're not going to wait for your cousin?"

"Hindi na. Bad shot na kasi ako sa mga prof ko kaya kapag na-late pa ako, baka mapagalitan na ako. Sige ah!"


Bago pa man siya makapagsalita ulit ay tumakbo na ako palayo doon. I ran as fast as I could. Nang makarating sa building ay doon lang ako bumagal.

Gusto kong bumalik at makasama pa si Russell. Pagkakataon ko na 'yon para magkaroon ng alone time sa kanya. I should go back but then... si RJ...


Tumigil ako at tumitig sa kawalan. Ngayon lang ako na-confuse ng ganito. I had never questioned my feelings for Russell before. Pero nagbago lahat nang umamin si Ron. I can't just set aside RJ's love for me. Si RJ 'yon, e!


"Have you seen the pictures?"

"I can't believe they're living together."

"Does that mean they're official now?"

"I'm sure they are. I heard Agatha's parents also stayed at Russell's house the entire time they're here in Brooklyn."

"Damn, she's so lucky."


Napatingin ako sa isang grupo ng mga babaeng naguusap usap sa 'di kalayuan. Gusto kong tingnan ang mga litratong sinasabi nila pero natatakot ako.

I'll get hurt if I confirmed that Russell and Agatha are indeed live-in partners. Pero ang sabi ni hubby, hindi sila ah? Sabi niya hindi niya fiancee or girlfriend ang babaeng 'yon? Was he only lying to me?


Mas lalo lang sumakit ang ulo ko sa kakaisip. Nang makarating na sa classroom ay sumalampak ako sa upuan ko at doon lang bumuga ng hininga.

I groaned and crossed my arms on the table, just to I can rest my face on it. Maaga pa at nagsisidatingan pa lang ang mga kaklase ko.


I hate myself for acting strange in front of Russell! Dapat ay kinikilig ako sa mga sinasabi at ginagawa niya! Dapat nga ay hindi ako umalis doon!

Pero kung hindi ako umalis, hindi ko malalaman na nakatira na sila sa iisang bahay ni Agatha! Until when will he keep this secret from me? Tingin ba talaga niya ay hindi ko malalaman?


Biglang gumalaw ang upuan sa tabi ko kaya napatingin ako doon. Laking gulat ko nang makitang nandoon si Russell.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita. He just looked in front, ignoring me like he always does.


My classmates started screaming. Hindi man lang nila tinago ang kilig nila. Nagkagulo sila at mukhang nagtawag pa nang mga kaibigan mula sa kabilang section.


"Russ..." I whispered again. Is he here because of me? Did he follow me? Why?

"Hindi mo kinuha ang yakap mo."

Napanganga ako sa sinambit niya. "Huh?"

Inirapan niya ako na tila ba ang laki ng kasalanan ko sa kanya. "You forgot?"

"Ah. 'Yun ba..." I struggled to find the words. "Ano kasi... uh... mamaya na lang siguro? I-I'm trying to save it... for later." Tumawa ako kahit na ang totoo, kulang na lang ay manginig ang mga labi ko.


Russell exhaled loudly. "I don't know why you're being like this but I'm not going to let you run away from me any longer. Not this time."

Napalunok ako. "What do you mean?" pagmamaang maangan ko.

"You've always been mine, Sab. Noon pa man, akin ka na. I'm just here to remind you that."

Nananaginip ba ako? There is no way Russell Jay Valiente will ever say those words to me. Not in this lifetime!


Sinampal ko ng malakas ang sarili ko at napapikit nang maramdamang masakit iyon.

"Oww!" I complained.

"What the f*ck?!" Hinawakan niya ang kamay ko, tila takot na gawin ko ulit ang pagsampal sa sarili. "Para saan 'yon?"

Natawa ako at binawi ulit ang kamay ko upang mahilot ang pisngi ko. Sure akong namumula na iyon ngayon. "Sinigurado ko lang na gising nga ako, hehe."

He started laughing too and for a moment, I forgot about Ron.


"You're crazy." He chuckled until his smile faded. Sumeryoso ang tingin niya sa akin pagkatapos ng ilang segundo. "I can feel that something's wrong. What is it?"

Nanuyot ang lalamunan ko. Ganoon ba kahalata?

"Please tell me..." He begged.


Saan ko ba sisimulan? Should I talk about the rumor that I've just heard a while ago?


Dumating na ang prof namin kaya naman nakahinga ako kahit papaano. I was saved by the bell!

Inilabas ko na ang laptop ko mula sa bag ko at hinintay na sabihin ng prof ang topic namin pero imbis magturo ay inikot nito ang mga mata sa buong klase. Nagtaas ito ng kilay nang makita si Russell.


"Mr. Valiente, our star player! To what do we owe this pleasure?"

"Sir, can I sit in for today? I promised to behave. I just want to spend more time with Sab."

Naghiyawan ang mga lalakeng kaklase ko habang kita ko naman ang sabay sabay na pagbuka ng bibig ng mga babae. I would have burst out laughing at the sight of those girls but I was too shocked to mind them.


Tinaasan ko ng kilay si Russell at ngumiti lamang siya.

Is he making fun of me? Is this one of his new ways to make me suffer? Kasi hindi ko talaga magawang maisip kung bakit niya sasabihin iyon sa harapan ng napakaraming tao!

The room's full of students! May hindi ko nga alam kung sino sino ang mga nandito ngayon! I'm sure most of them are only here for Russell!


Tumawa ang prof namin at napailing. "I'm afraid I'd have to decline your request, Mr. Valiente. You can be with your girl later. Although I'm quite happy to see new faces today, still you're disturbing the class. Please leave the room immediately."

Ngumuso si Russell ngunit tumayo na rin. He knew he can't stay anymore.


Akala ko aalis na siya agad nang bigla siyang yumuko at hinalikan ang pisngi ko.

"You still have to claim that hug later. I'll be waiting for it."


Kumindat pa siya sa akin bago lumabas ng classroom.

Umingay ang buong klase habang ang puso ko naman ay naghaharumintado na. Para akong nakalutang sa ere habang ginugulo ako ng mga kaibigan ko at tinatanong ako kung kami na ba daw ni Russell.


"Are you guys dating?"

"He kissed your cheek! WTF Sab!"

"And you're both wearing matchy outfits! How cute!"

"I'm freaking heartbroken right now!"

"I thought he's with Agatha?"


"Okay class, settle down!"

Nagsiupuan na rin sila sa wakas at lumabas na ang mga tao na hindi naman talaga namin kaklase. Sakto naman ay dumating na si Marina na namamaga ang mga mata at namumula ang ilong.


She sat beside me, bewildered at the commotion. "Who are those students and why are they leaving our room? Was it because of Russell? I just saw him in the hallway. And why is everyone looking at you? Bakit sinasabi nilang hinalikan ka raw ni Russ sa pisngi? Totoo ba 'yon?"


Tinitigan ko lang siya dahil maski ako, wala akong masagot sa lahat ng mga tanong niya.

What the hell just happened?!



*End of Chapter 24*

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 195 5
Reposting from Patreon. MULTIPLE POVs ♥ Sabrina Dardenne-Mendoza ♥ Jaesie Rosenthal-Dardenne ♥ Kyline Chua-Scott ♥ Melanie Vizcarra-Lauchengco 10/11...
297K 9.7K 29
Serendipity Series #2: Serenity /sɪˈrɛnɪti/ noun the state of being calm, peaceful, and untroubled. Miguel Lucas Monteclaro has it all. Being the fro...
8.4M 225K 49
Cute and innocent, Desa Franco musters up her courage to confess her feelings for bad boy tattoo artist Baron Medel. When he unexpectedly gives their...
2.6M 30.8K 51
C O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect the plot, it actually made the story bet...