𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚...

By seekss3nse

245K 9.2K 1.4K

Zyra Nixen Galvez - From her childhood, she was deprived of freedom and happiness as she is an illegitimate c... More

Author's Note
CHARACTERS
Prologue
Chapter 1: Girl in Black
Chapter 2: Lowkey
Chapter 3: White Car
Chapter 4: Hanger
Chapter 5: Glance of the Past
Chapter 6: Forgotten
Chapter 7: Auction Night
Chapter 9: Villagracia
Chapter 10: Nameplate
Chapter 11: Rage
Chapter 12: Unwanted Apology
Chapter 13: Wine
Chapter 14: Script
Chapter 15: She's Mine
Chapter 16: Thirdwheel
Chapter 17: Married
Chapter 18: Jealous
Chapter 19: You
Chapter 20: Nixen
Chapter 21: Honeybunchsugarplum
Chapter 22: Lied
Chapter 23: Sorry
Chapter 24: Phone Call
Chapter 25: Studio
Chapter 26: Fooled
Chapter 27: Daughter
Chapter 28: Blackmailed
Chapter 29: Spotlight
Chapter 30: Revenge
Chapter 31: Downfall
Chapter 32: Text
Chapter 33: Trigger
Chapter 34: Home
Epilogue
Special Chapter 1

Chapter 8: Friends

4.9K 230 21
By seekss3nse

Niks' POV

Almost 30 minutes ang naging byahe ko. Past 7PM na nga, baka kanina pa s'ya naghihintay sa'kin.

Pagpasok ko sa hotel ay natanaw ko agad s'ya sa lobby. When she saw me, she immediately stood up and walked, signaling me to follow her.

Sumunod naman ako sa kanya. She enter the elevator kaya pumasok din ako. S'ya na rin ang pumindot kung saang floor ba niya ako dadalhin.

Nasa magkabilang dulo kami ng elevator. Ayokong dumikit sa kanya, pakiramdam ko sasabog ako. I can see her through peripheral vision. She's wearing a tan colored dress and a light make up.

Napatingin tuloy ako sa suot ko. Oversized longsleeve and loose pants. Para akong sasayaw ng hiphop, habang s'ya sasayaw sa prom night n'ya.

May date ba kami? Nagsayang s'ya ng limang milyon para lang i-date ako? Tapos dito pa sa hotel? Gano'n na ba 'ko kapogi?

Nang bumukas ang elevator ay nauna s'yang lumabas. Para lang akong aso na sunod nang sunod sa kanya. Nang nasa tapat na kami ng isang pinto ay ginamit n'ya ang keycard n'ya to open it.

Pagpasok ay natanaw ko agad ang naka-set up na table sa veranda nito dahil glassdoor lang ang pagitan sa kwarto. May mga red candles sa table and red petals sa paligid nito. Ang romantic gago.

"I told them to set up a table for dinner meeting, not a dinner date," dismayadong sabi n'ya habang umiiling-iling pa. Ouch, meeting pala, akala ko date.

"Meeting, para saan?" tanong ko. Nang maglakad s'ya papunta sa veranda ay inunahan ko s'ya para i-slide ang glass door.

Hindi s'ya sumagot, bagkus ay naupo lang s'ya sa isang silya. Ang ganda rito, tanaw ang mga makukulay na gusali ng city.

"Have a seat, please." she formally said. Gaya ng sabi n'ya ay naupo ako sa tapat n'yang silya. Tinanggal n'ya ang stainless na takip ng mga pagkain, she also lit the candle on the table, scented candle, ang bango.

"What's this for?" tanong ko nanaman. Dinner meeting pa, hindi nalang diretsuhin kung gusto n'ya akong i-date, 'di naman ako aangal e.

"I want you to work as my assistant." she handed a paper, binasa ko, kontrata?

Sumulyap ako sa kanya.

"Kaya ba may cheke para 'di na ako makatanggi dito?" sarkastikong tanong ko. 'Di ko alam pero naiinis nanaman ako. "Ibabalik ko nalang yung cheke mo-"

"No, the check is for the auction, and this contract is for your job. Don't you want a decent job?" may halong pagtataray ang boses n'ya.

Nilapag ko sa mesa ang papel. Seryoso akong tumingin sa kanya. Gano'n din ang ginawa n'ya, we didn't break eye contact.

"My job is decent, ma'am." I said firmly, "look, I don't know what's your intention, kasi mukhang binibili mo na 'ko, pasensya na ha, 'di ko kailangan ng pera mo." matapang na sabi ko pa, taas noo.

"How dare you say that?" Her voice grew louder, pati ang kilay n'ya ay magkasalubong na. Hindi yata s'ya natuwa sa sinabi ko, well, hindi rin ako natutuwa sa ginagawa n'ya.

Natahimik ako, hindi dahil wala akong masabi sa tanong n'ya, kundi dahil ayokong sabihin ang gusto ko. It will just make the situation more confusing.

"So you prefer to work at that bar, selling yourself at some bullshit auction." her expression was now blank. Napatitig nalang ako sa kanya. What did she say? Bullshit auction?

"May nagsabi ba sa'yong mag-offer ka ng limang milyon sa auction na 'yon?" Tiim-bagang na tanong ko. Ano bang problema n'ya? Pagulo sya nang pagulo. "Ikaw itong namilit na tanggapin ko yung pera-"

"Why are you so stupid?!" She shouted that made me shut my mouth. "Are you blind? Or you're just numb? Gosh!" Maarteng anas pa niya. Bigla nalang s'yang tumayo sa silya n'ya.

Kahit naguguluhan ay tumayo ako para sundan s'ya. Pumunta s'ya sa kwarto, diretso sa isang pinto na sa tingin ko ay bathroom. She closed the door. Muntik pang tumama sa mukha ko, buti nalang umatras ako.

Kumatok ako sa pinto, "Soul?" Hindi s'ya sumagot. "Let's talk," mahinahong pakiusap ko. Ako na yung nasabihan ng stupid tapos ako pa itong parang nanunyo. Grabe na 'to.

"Leave." Malamig ang boses na aniya.

"Mag-usap muna tayo," pamimilit ko. Sumandal ako sa gilid ng pinto. Sinandal ko rin ang ulo ko sa pader. Ang ganda pala ng ceiling dito. Ang laki pa ng nirenta niyang kwarto.

"I won't come out until you leave." Mataray ang boses na wika n'ya. Napahinga ako ng malalim.

"Okay, aalis na ako." Sabi ko. Naglakad ako palayo pero huminto rin ako nang nasa gitna na ako ng kwarto. Hinihintay ko ang paglabas n'ya.

"Don't make me a fool. I know you're still there." Rinig kong sabi nito galing sa bathroom na sarado parin.

Hindi ba talaga s'ya lalabas hanggang hindi ako umaalis? She's really unpredictable. Pinapunta pa ako rito kung hindi rin ako kakausapin nang matino.

"Soul, talk to me, yung maayos. Nandito na rin tayo so let's settle this now." Kalmadong pakiusap ko. Bumalik ako malapit sa pinto.

Kumakalam na ang sikmura ko. I pouted while looking at the veranda kung saan nakalagay ang mga pagkain. Mukha pa namang masasarap, sayang naman, tinotopak itong ka-date ko.

"I don't wanna talk to you na. Just leave!" Parang batang maktol n'ya. Kahit hindi ko nakikita ang expression n'ya ngayon, naiimagine kong nakakunot ang noo n'ya odikaya ay nakapout. Ang cute lang.

I stopped when I remember something. This feels like our first time meeting each other. Ganito rin ang senaryo noon, ayaw n'yang lumabas ng cubicle kaya tinakot ko nalang s'ya. Kaso mukhang hindi na 'yon uubra ngayon.

"What should I do?" I asked myself. Tumingin pa ako sa pinto ng bathroom, mukhang wala talaga itong planong lumabas.

Naglakad ako papunta sa veranda. Nakita ko ulit yung contract sa lamesa n'ya. It's really weird, as far as I know hindi naman kailangan ng contract kung pagiging assistant ang magiging trabaho.

Parang nagkaroon ng lightbulb sa tuktok ng ulo ko nang may maisip akong ideya. I hope this works. Naghanap ako ng ballpen and I saw one on the drawer or the bedside table. Pinirmahan ko na agad ang kontrata.

Naglakad ako palapit sa bathroom. In-slide ko yung papel sa maliit na butas sa baba ng pinto. Nakita ko mula sa reflection sa ibaba na kinuha n'ya yung papel.

"Now, will you come out there? Usap na tayo, oh," masuyong wika ko. Wala paring ingay na nangyari sa loob ng bathroom. Hanep. This is stressing me out already.

Pagod ako galing sa paggawa ng group project, dumiretso agad ako dito kahit wala akong kain at ligo tapos gaganituhin lang ako? Nabuhayan ako ng loob nang bumukas ang pinto. Okay lang pala kahit ganituhin ako hehe.

"Is this really your signature?" she asked while holding the paper. Aba, nagduda pa.

Tumango ako, "Yes, pirma ko 'yan," sagot ko saka tipid na ngumiti. I'm waiting for her reaction but her face was just blank.

"Submit a resume on Monday." She just firmly said. Naglakad na ito palayo, dinaanan lang ako. Laglag naman ang panga kong nakatingin sa kanya. Nauna yung kontrata bago yung resume?

It's getting weirder and weirder pero ewan ko, parang wala na akong pakialam sa mga gusto n'yang gawin ko. Para akong handang magpaalipin sa kanya e.

"Where? Saan ako magsusubmit?" Tanong ko nanaman. Naglakad s'ya papunta sa table, she opened her purse. Bumalik s'ya sa pwesto ko at may inabot na maliit na piraso ng papel.

"Here's my calling card." Kinuha ko yung card sa kanya. Binasa ko ang nakalagay doon. May telephone number, address, at ang pangalan ng kumpanya.

Maria Soulistine Cuesta
02-8123-6969
Cuesta Real Estate Company Inc.

Jojowain-ay mali.

Binaling kong muli ang tingin sa kanya. She's raising her brow while watching my reaction. Gara naman niya. Real Estate siya nagtatrabaho. Kaya pala waldas lang nang waldas kasi mapera. Dati pa naman alam kong mayaman na siya, may driver s'yang naghahatid sundo sa kanya e.

"Uh yeah, Monday," tumango-tango ako. Binulsa ko nalang ang calling card na binigay n'ya. "Aalis na ako," paalam ko pa.

"No." Pigil n'ya naman sa'kin. "Let's have our dinner." She said in monotone at nauna nang pumunta sa veranda. Sumunod nalang din ako. "Take your seat."

I'm biting my inner cheek. Habang tumatagal, nagiging awkward na. May nagbago talaga sa kanya. Hindi naman s'ya ganito ka-bossy dati. She's very humble and shy before.

Tahimik kaming kumain. Tunog lang ng kubyertos ang maririnig. Sa city lights lang ako nakatingin habang kumakain kami. Ang ganda sana, kaso 'di ko na maappreciate.

"I'm done." I said after finishing my plate. Uminom ako ng tubig pagkatapos. Meanwhile, Soul is still eating elegantly, parang nakaslowmo ang bawat galaw niya sa sobrang hinhin.

She's really beautiful. Bumabagay sa kanya ang kulay ng suot niyang dress dahil mas tumitingkad ang pagiging morena niya. And the light make up she put on her face highlighted all her features. Maalon din ang brown na buhok niya.

"Wine?" Alok n'ya pagkatapos.

"Sure," I said. S'ya na ang nagsalin ng wine sa wine glass ko. She poured an average amount, naglagay din s'ya sa baso n'ya.

Kinuha ko ang wine glass ko. I stand from the chair, and walk to the railings. Sinandal ko ang siko ko habang nakatanaw sa malayo.

Change is constant talaga. Parang sa'kin lang hindi. Ako parin 'to e, yung Nixen na nakilala niya three years ago. Wala namang nagbago sa'kin. Hindi ko nga alam kung nagmatured ako sa mga taong nakalipas. But it doesn't really matter to me. Ang mahalaga buhay pa 'ko, kahit sawang-sawa na 'ko mabuhay.

After minutes, I can feel her presence on my side. She's also holding her glass of wine but she's just standing and looking straight at the city lights.

"I'm sorry." She whispered, just enough for me to hear and understand.

"For what?" Tanong ko nang hindi lumilingon sa kanya. Pinapakiramdaman ko s'ya, her voice were soft, her presence makes me feel warm even though it's kinda cold outside.

"Four years ago.." she mumbles. Bigla akong napatingin sa kanya. Diretso parin ang tingin niya sa mga nagtataasang gusali. She takes a sip of her wine. "I treasured the friendship, so much, I'm sorry for leaving without proper explanation."

I melted at the sight of her, apologizing. Hindi man s'ya nakatingin sa'kin nang diretso, I can still feel her sincerity. Huminga ako nang malalim para mag-isip ng sasabihin pero hindi ko mahanap ang mga tamang salita. I think it doesn't really matter now. She remembers me, hindi talaga niya ako nakalimutan. That's all that matters now.

"It's fine," I said and turned my gaze back at the city lights. "I hope it won't be a big deal for you to be friends with me, now that I'm 21." I said and chuckled.

"Not really," saad n'ya. Napatingin ako sa kamay n'yang nakalahad sa harapan ko. "Friends?"

Ilang segundo pang nakatitig lang ako sa kamay n'ya bago ko hawakan 'yon para makipagkamay. It's still the same warm and soft hands I held four years ago.

Mali ako, she didn't changed, she's just like me. Nahihirapan lang din s'yang sabihin kung ano talaga nararamdaman n'ya. Just like a normal human being.

"Friends.." I said while smiling genuinely. She smiled back that made my heartbeat fast. She can still make my heart race, nothing really changed. I still see her as someone really special.

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
24.9K 1.4K 7
RHIANN KHALEESI ZAPANTA VARGAZ
1.3M 40.8K 56
ProfxStudent (GxG) (COMPLETED) Started : March 25, 2022 Completed : May 31, 2022
662K 25.3K 53
To be wrong... is to be yours.