Unruly Hands

By DarinahV

195 19 3

Ximena Maya has been showered with love and material things by her parents but she still seeks love and accep... More

Mental Health Series
DISCLAIMER
Episode 1 - MENDEZ FAMILY
Episode 2 - SUPPLIES
Episode 3 - MEETINGS
Episode 4 - IPIT
Episode 5 - STARTER
Episode 6 - LIPSTICK
Episode 7 - PLAN
Episode 8 - BELT
Episode 9 - DADDY'S SURPRISE
Episode 11 - KAYLA'S IDENTITY
Episode 12 - MANSION
Episode 13 - PEN
Episode 14 - TIO PABLO
Episode 15 - THE LOST SON
Episode 16 - ACCEPTANCE
Episode 17 - COMING BACK HOME
Episode 18 - HOLD MY HAND
Episode 19 - Road

Episode 10 - NECKLACE

5 0 0
By DarinahV

"MY gulay! Nanalo ka Ximena! Reigning New Supermodel in Asia!" Nagbigay-galang pa si Kayla na yumuko sa harapan ni Ximena. Hindi nito maitago ang kasiyahan sa mukha. "At ito pa nga ang isa pa! Jusmeyo Marimar! Napapaligiran ako ng isang god at goddess!" Bulalas pa ni Kayla habang pinapanuod ang paglapit ni Jace sa kanila.

Hinawakan naman ni Jace ang dalawang kamay ni Ximena at binigyang ng tig-isang halik ang mga iyon. "I am so proud of you, Maya."

"Ikaw din naman, congrats."

Habang magkahawak-kamay ay pakiramdam ni Ximena na silang dalawa lang ni Jace ang naroroon sa mall. Hindi niya maiwasang ibalik ang ngiti na binibigay nito sa kaniya.

"Hoyyy! Ano 'to? Nakalimutan n'yo ng may kasama kayo? Haleer guys! Andito ako, oh!" Itinuro pa ni Kayla ang sarili na ikinatawa ng dalawa.

"Puro ka talaga biro, Kayla," ani Ximena

"Mauna na nga akong maglakad at nagiging ampalaya lang ako rito sa kakatingin sa inyo." Nagmartsa pa ito pagkatapos talikuran sila Jace at Ximena.

Pinaghugpong pa ni Jace nang mabuti ang kanilang mga kamay bago sinundan si Kayla. Bakas sa mukha nila ang contentment at kasiyahan.

Pinagtitinginan naman sila ng mga tao dahil kahit simple lang ang kanilang kasuotan ay kitang-kita ang kanilang kagandahan at kagwapuhan. Nakasuot sila ng puting t-shirt na may nakalagay na Supermodel Asia. Nakatuck-in iyon sa kanilang fitted jeans. Naka-nude look lang sila pareho at nakaayos ang kanilang mga buhok. Wala na ang baby bangs ni Ximena na tuluyan na niyang pinahaba. Those small things that they do to their appearances make a big difference to enhance their beautiful and unique features.

Nagulat na lang sila nang may bumunggo kay Ximena kaya muntikan na siyang matumba kung hindi lang siya naagapan ni Jace.

"Ang daming nakakairitang tanawin sa lugar na ito," sambit ni Cybelle na siyang intensiyonal na bumangga sa kaniya.

Lalapitan sana ni Ximena si Cybelle nang biglang may humarang na isang matangkad at mukhang bouncer na lalaki.

"Tara na, Baste. Wag mo na pansinin ang babaeng 'yan." Nakataas pa ang isang kilay nito bago umabrisyete sa lalaki at lumakad na.

"Bodyguard ni Belle 'yun, pero kaya naman kita ipagtanggol dun, Ximena."

Humakbang na si Jace para sundan ang dalawa nang hinatak niya ito at umiling siya.

"Sigurado ka, Ximena?"

Tumango na lang si Ximena at naglakad na. Mas masarap na i-enjoy ang kanilang pagkapanalo kesa sirain ang araw nila sa paghabol sa isang babaeng inggetera. Halata namang naiinis lang ito dahil pangalawa na naman ito sa kaniya.

Nagpaalam si Jace sa kaniya na may kakausaping tropa.

Sila naman ni Kayla ay parang mga maliliit na bata na nag-ikot sa kabuuan ng mall.

"Ximena, dun tayo oh! Ang gaganda ng mga necklace," kumikinang ang mga mata ni Kayla habang binabanggit iyon.

"Mahilig ka pala sa alahas, Kayla?"

"Oo naman! Mas gusto ko ang mga iyan kumpara sa mga damit at sapatos. Mga mumurs lang kasi ang kaya kong bilhin. 'Yung tipong 30 pesos may hikaw na ako. 'Yung mga nabibili sa tiangge. Pero, gusto ko rin naman ng mga ganyan."

Hinatak na ni Ximena ang kaibigan at pumasok na sa loob ng isang high-class jewelry shop.

Dalawang pares lang sila na nasa loob ng jewelry store. Ang isang pares ay nasa kabilang side, sa mga relo. Sila naman ni Kayla ay nasa may mga hikaw at kwintas.

"Shocks! Ang mahal siguro niyan noh? Itong isang 'to tignan mo." Itinuro ni Kayla ang isang kwintas na kapansin-pansin ang magandang pendant.

Lumapit sa kanila ang isang saleslady habang hindi magkamayaw si Kayla at Ximena sa pagtingin sa mga estante. Si Kayla nga ay halos dumikit na sa salamin ang mukha sa kagustuhang makita ang mga alahas.

"Do you like to see it, Ma'm?" tanong ng saleslady kay Kayla.

"Pupuwede po ba?"

Tumango ang saleslady.

"Patingin po kami nito," Itinuro ni Kayla ang isang rose gold necklace. "saka ito pa pong isa." Itinuro din nito ang isang pair of earrings na rainbow ang design.

Kinuha ng saleslady ang mga binanggit niya. May tumawag sa saleslady na sinagot naman nito. Isinukat ni Kayla ang diamond necklace maging ang earrings.

"Hala! Ang taray, sis! Bonggabels itey! Magkano kaya ito? Nakawin na lang natin, mukhang hindi natin afford, e," biro pa ni Kayla.

"Huuy! 'Wag ka magbiro nang ganyan. Baka maya may mawala rito, tayo pa sisihin," bulong ni Ximena.

"Ito naman. Wag ka na mag-worry. Joke lang naman 'yun. Joke!" Tatawa-tawa pa ito habang tinitingnan ang sarili sa isang salamin. "Ang ganda talaga, Ximena."

Nang bumalik na ang saleslady ay tinanong na ni Ximena ang presyo ng sinasabing alahas. "The necklace is around 1.1 million pesos while the earrings is exactly 700 thousand in price. We can give discount if you will buy both."

Hinawakan ni Ximena ang kaniyang tenga, pakiramdam niya ay nabingi siya. "One m-million po?"

"Yes, ma'am. Dahil po ang necklace ay gawa sa 18 karat rose gold at may mga diamonds lalo na sa pendant."

Buong pag-iingat na inalis ni Kayla ang mga alahas. Para pa siyang napapaso na ibinalik sa saleslady ang mga iyon. "Pambihira! Kamahal po pala. P-pero promise po, maganda ang design. Poorita po kasi ako. Di ko po 'yan afford."

Natawa naman ang saleslady. "Naiintindihan ko po, hindi lang naman po kayo ang first customer na nagsabi niyan."

"Oo girl, ang mahal talaga, can't afford. Alis na kami huh?"

Sa pagtalikod ni Kayla at Ximena ay nagulat sila na nasa likuran na nila ang dalawang couple. Muntikan pa nga nila mabunggo.

"S-sorry..."pagbibigay ng paumanhin ng babae ngunit kapansin-pansin ang pag-smirk nito.

"It's okay," wika naman ni Ximena kahit hindi nasisiyahan sa ikinilos ng babae.

Nagkukwentuhan pa sila nang pagdating sa may scanner sa may harapan ng store ay tumunog iyon. Nagulat silang dalawa. Bigla na lang nasa tabi na nila ang saleslady at ang guard ng jewelry shop.

"Puwede ko po bang tingnan ang mga bags ninyo?" ika ng gwardiya.

Napakunot ang noo nila pareho ni Kayla. Wala silang naiintindihan sa mga nangyayari.

"S-sure po." Sagot ni Ximena habang binubuksan ang kaniyang mini-bag. Si Kayla ay ganun din.

Sabay nila pinakita sa gwardiya ang mga bags nila. Ipinasok naman ng gwardiya ang maliit nitong stick sa kanilang bags. Natapos na ang kay Ximena. Pagdating kay Kayla ay tiningnan siya ng gwardiya na may pangungutya.

"B-bakit po?" tanong nito sa guard.

Sa halip na sumagot ay kinuha ng gwardiya ang isang diamond necklace na nasa bag ni Kayla! The same one na tinitingnan nila kanina.

"B-bakit and'yan 'yan? Nagkakamali po kayo, boss. Hindi ko po alam bakit nasa bag ko 'yan. Promise!" tulirong wika ni Kayla habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa gwardiya at kay Ximena.

Nagsimula na rin dumami ang mga nangungusisa.

"Sumama ka sa akin," utos ng gwardiya kay Kayla.

Kumapit naman ang nahihintakutang si Kayla kay Ximena. "Tulungan mo ako, Ximena. H-hindi ko kinuha 'yung sinasabi niyang alahas. Andun ka kanina at alam mo ang bawat aksyon ko. T-tulungan mo naman ako." Nagtago na si Kayla sa likuran ni Ximena.

"Nagkakamali po kayo, Sir. Hindi po namin alam paanong napunta ang kwintas na iyan sa bag ng kasama ko. Hindi po namin ninakaw 'yan!" pagtatanggol ni Ximena kay Kayla.

"Sa presinto na kayo magpaliwanag." Turan ng gwardiya habang hinahaklit si Kayla palayo kay Ximena.

Nagsimula nang humagulhol si Kayla habang hila-hila ng gwardiya. Si Ximena naman ay sumusunod lang sa mga ito.

"Ano'ng nangyayari, Ximena?" bigkas ni Jace na kararating lang.

Ipinaliwanag naman ni Ximena ang mga pangyayari kay Jace.

"Saang jewelry shop, Maya?" seryosong tanong nito.

"Doon, oh!" Itinuro ni Ximena ang jewelry shop na pinanggalingan nila.

Napayuko si Jace at bumuga ng hangin. "Ximena, kina Belle ang shop na 'yun."

"What?!"

Continue Reading

You'll Also Like

46.3M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
672K 44.2K 10
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...