Unruly Hands

By DarinahV

195 19 3

Ximena Maya has been showered with love and material things by her parents but she still seeks love and accep... More

Mental Health Series
DISCLAIMER
Episode 1 - MENDEZ FAMILY
Episode 2 - SUPPLIES
Episode 3 - MEETINGS
Episode 4 - IPIT
Episode 5 - STARTER
Episode 6 - LIPSTICK
Episode 7 - PLAN
Episode 8 - BELT
Episode 10 - NECKLACE
Episode 11 - KAYLA'S IDENTITY
Episode 12 - MANSION
Episode 13 - PEN
Episode 14 - TIO PABLO
Episode 15 - THE LOST SON
Episode 16 - ACCEPTANCE
Episode 17 - COMING BACK HOME
Episode 18 - HOLD MY HAND
Episode 19 - Road

Episode 9 - DADDY'S SURPRISE

3 0 0
By DarinahV

PAGKATAPOS maisabit ni Ximena ang belt ay muli siyang lumakad nang patingkayad.

"Ximena?"

Napatda si Ximena sa kaniyang kinatatayuan at kinakabahang napalingon sa pinanggalingan ng boses ng ama. "K-kanina pa po ba kayo riyan?"

"Ngayon-ngayon lang naman. Bakit mo naitanong?"

"S-sigurado po kayo?"

"Oo nga. Bakit ba?"

"W-wala naman po. Buti po natapos na kayo maligo."

"Oo."

"Babalik na po ako sa kwarto."

Tumango lamang ang ama.

Nagmamadaling bumalik si Ximena sa kaniyang silid. Kinakabahan pa rin siya kahit mukhang okay lang ang sagot ng ama.

Papaano kung makita nito na nabalik na ang belt nito? Pagsususpetsahan kaya siya?

Nasa likod pa rin ng pintuan si Ximena nang biglang bumukas iyon at nabangga siya. Iniluwa niyon ang nakangising si Kayla.

"S-sorry."

Tumango si Ximena kay Kayla para sabihin dito na wala naman iyon.

Hinatak ni Kayla ang mga kamay ni Ximena at hinila ang kaibigan para makaupo sila sa kama. Excited na excited ang mukha nito na pati si Ximena ay nahawa na.

"Para kang sira d'yan. Bakit ka ba ganyan kung makangiti?"

"Narinig kong usapan sa may tindahan na mayr'ong modeling contest na gaganapin sa mall sa kabilang bayan. Ang laki ng prize money, sis! Magkakaroon pa ng exclusive contract sa isang modelling firm sa Spain."

"T-talaga?" mahinang wika ni Ximena.

Hinampas naman ni Kayla ang binti ni Ximena. "Oo nga. As if naman magbibiro pa ako sa'yo."

Yumuko si Ximena. "P-pero hindi naman ako papayagan ni Daddy. Alam mo naman iyon. Gusto ata akong buruhin dito sa bayan natin."

"Sabagay nga. Pero malay mo naman mapagbigyan ka ulit. Tignan mo nga at tuwang-tuwa nung nanalo ka sa beauty contest."

"Kayla, tulungan mo naman ako." Lumapit pa si Ximena sa kaibigan at hinawakan ang mga kamay nito.

"P-paano?"

Ibinulong niya rito ang gusto niya mangyari.

"Puwede ba 'yun?" nag-aalangang wika ni Kayla.

"Oo naman. Sige na, please," pangungumbinsi ni Ximena.

Tumango na lang si Kayla at sabay silang nagpunta kay Dario.

"T-tito Dario?"

Lumingon naman si Dario na nasa sala nila at may tina-type sa computer nito.

"Pwede po bang magpasama kay Ximena sa kabilang bayan? M-may aasikasuhin lang po sana ako sa mga b-birth certificate ko t-tsaka po kakausapin ko lang po 'yung pinanggalingan kong ampunan."

Nangunot si Dario. "Hindi mo nabanggit sa amin na galing ka palang ampunan, Kayla."

Tumungo naman si Kayla. "T-tumakas po kasi ako dun."

"T-tumakas? Bakit mo naman ginawa iyon?"

"Hinahanap ko po kasi ang tatay ko k-kaso naman po hindi ko rin naman nagawa d-dahil kulang din ako sa impormasyon. Simula po kasi nang namatay ang nanay ko, iniwan na po ako ng lola ko sa ampunan. Kakilala niya po kasi ang madre na nagpapatakbo dun. Sabi po niya sa akin, babalikan niya ako. P-pero hindi na niya ginawa. P-pakiramdam ko po walang nagmamahal sa akin. Babalik lang po ako sa ampunan para makapagpasalamat naman sa kanila. Inalagaan po nila ako nang maayos. K-kailangan ko po gawin iyon para naman wala na pong gumulo sa isip ko."

Pinakatitigan ni Dario si Kayla. Hindi niya alam kung pagtitiwalaan niya ang bata. Bago lang ito sa kanila at hindi niya alam kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi. Pero naging mabuti naman itong bata habang nasa kanila. Tumutulong palagi sa mga gawaing-bahay. Kitang-kita niya rin ang saya ni Ximena tuwing kasama ito.

"Sige, pero sa pagbalik ko na lang dahil sa makalawa ay aalis muna ako pa-Spain. May dadaluhan akong business conference roon. Sasamahan ko kayo sa kabilang-bayan." Ibinalik na nito ang paningin sa laptop.

Nagkatinginan naman ang dalawang babae. Nangusap ang mga mata nila sa isa't isa.

"Please, Kayla..." bulong ni Ximena.

Nagpatuloy naman magsalita ang isa pagkatapos tumikhim. "T-tito, baka naman po pwedeng kami na lang dalawa ni Ximena. Pangako ko po na hindi naman kami magtatagal. Pagkatapos po ng mga gagawin namin ay babalik na kami. Sabi po kasi ni Ximena, h-hindi pa siya nakakapunta roon. Baka naman po pwedeng mapagbigyan n'yo po kami. B-bonding na rin po sana namin."

Pinagmasdan ni Dario ang dalawa. Matagal. Nakalimutan niyang lumalaki na si Ximena. Hindi naman niya ito mapagbabawalan talaga na hindi umalis sa lugar nila. Minsan lang naman, e. "Sige."

Masayang-masaya na nag-apir ang magkaibigan.

TUWANG-TUWA na ibinalita ni Ximena kay Jace ang pagpayag ni Dario na makapunta sila sa kabilang baryo. Binanggit na rin niya rito ang tungkol sa modelling show na sasalihan niya.

"Sasali ka rin doon?" gulat na tanong ni Jace.

"Bakit gulat na gulat ka? May kilala kang sumali dun?"

"Ako. Sasali rin kasi ako."

"Ikaw!"

"O, kita mo na, nagulat ka rin."

Ximena heard Jace' chuckles. Nagaya na rin siya.

Mayamaya ay nagseryoso na ito. "Sumali rin si Cybelle."

Hindi naman ipinagtataka ni Ximena iyon, pero ayaw na niyang makabangga na naman si Belle. Iyon ang ikinalulungkot niya. Kung hindi lang iyon malaking opportunity para sa kaniya ay hindi na sana siya sasali. Pero iba pa rin dahil ang usapan ay modelling contract sa isa sa pinakasikat na modeling agency. Lalaban siya dahil matagal na niyang pangarap iyon. Nagising si Ximena sa pagmumuni-muni dahil sa ama.

"Andito na kami!" sigaw ni Dario na kasama ni Amihan. Galing ang dalawa sa kanilang grocery store. Kumatok ito bago pumasok sa kwarto nila Ximena. May dala itong dalawang maliit na paperbag.

"May surprise ako sa inyong dalawa," excited na turan ni Dario.

"Ano naman po iyan, Dad?"

"Dahil surpresa ito, dapat hulaan ninyo."

Nagkatinginan sila Ximena at Kayla. Bakas na rin ang excitement sa mukha ng dalawang dalaga.

"Popcorns?" hula ni Ximena dahil paborito nila iyon ni Kayla.

Umiling ang ama. Tumingin naman ito kay Kayla. "Make a guess, Kayla."

Nangunot nang bahagya ang mukha ni Kayla. Madalas mag-uwi ng pagkain si Dario kaya inisip niya na baka ibang bagay naman. Alam naman nito na mahilig ang anak sa mga fashionable clothes kaya 'yun ang naisip niya. "Statement tees po, Tito?"

Natawa naman si Dario. "Malapit-lapit na."

"Sapatos, Dad?"

"Nope."

"Pagkain po ba, Tito?"

"Hindi."

"Gamit sa school, Dad?"

"Ang tagal naman manghula ng dalawang ito. Pero, hindi."

"Damit po ba, Tito? Shorts ganun?"

"Malapit na, Kayla. Malapit na."

Nangunot ang noo ng dalawa.

"Sirit na po, Daddy. Ano po ba talaga iyan?"

"Ayaw n'yo na ba talagang manghula?"

"Sirit na po, Tito."

Masayang inabot ni Dario ang paperbag sa dalawa. Sinilip iyon ng dalawa at hindi pa rin maisip kung ano ang nasa loob ng mga kahon.

Si Kayla ang unang nagbukas niyon. Tuwang-tuwa ito pagkakita roon.

Dahan-dahan na binuksan ni Ximena ang kahon. Nasa loob niyon ay nasa lima atang sinturon na pangbabae. Iyon ang pinakahuli sa iniisip niya. Hindi naman siya mahilig sa sinturon o kahit na anong accessories. Siguro kung hair accessories pa o kaya naman ay earrings, pero belt?

Aanhin ko naman ang sangkaterbang sinturon?

Tiningnan ni Ximena ang sabitan sa likuran ng kanilang pinto. May mga belt pa roon na hindi pa niya nagagamit dahil isa o dalawa lang talaga ang madalas niyang gamitin. Mauuwi na naman sa display ang mga belt na ibinili ng ama sa kaniya.

Ngunit sa halip na kwestyunin ang ama ay ngumiti na lang siya rito. Ayaw naman niyang sumama ang loob nito dahil mukhang masaya ito sa nabili para sa kanila.

"Salamat, Daddy."

Lumapit ito sa kaniya. "Walang anuman, anak." Hinalikan pa niya ang buhok nito. "Mabuti na rin iyan at hindi mo na kailangan pang itakas ang belt ko para gamitin mo."

Continue Reading

You'll Also Like

421K 12.4K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
21.7M 705K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
29.4M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
93.5K 1.3K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...