Her Asset

By Unnie_Corn0

2.2K 707 43

Amery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academ... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 14

38 14 0
By Unnie_Corn0

Nandito ako ngayon sa school. Hinintay ko pa ang mga kaibigan ko.

Ang usapan namin ay maaga kaming papasok, filipino time nga naman.

May umupo sa tabi ko. Nang lumingon ako ay si Ivan pala.

"Ivan, nandito ka na pala." sabi ko.

Tumingin ito saakin. "Yup, malapit na sina Laurence na traffic lang daw." tumango naman ako sa sinabi nila.

"Are you hungry? Gusto mong pumunta sa food booth?" tanong nito sa akin.

At dahil wala pa naman ang mga kasama namin ay tumango ako sa kanya. Gutom na rin ako.

Pumunta kami sa nagtitinda ng burger and fries.

"Isang burger po and isang fries na sour and cream." sabi ko.

"Ikaw yung nanalo sa badminton kahapon diba?" tanong nya..."Tapos kasali ito sa mga nanalo sa basketball kahapon." turo nya kay Ivan.

"Ah, yes, kami nga yon." sagot ko sa tanong nya.

"Ang dinig ko ay mag jowa kayo." sabi nya at binigyan kami ng isang nang-aasar na ngiti.

Nagulat kami sa sinabi nya.

"H-hindi, hindi ko sya boyfriend." utal na sabi ko.

"Bagay kayo ate!" sabi nya.

Bago pa ako makasagot ay binigay nya na ang burger at fries na binili ko.

Binigay ko ang bayad at nag-paalam na sa kanya.

"Hindi ka ba bibili, Ivan?" tanong ko.

Umiling ito..."I'm good, busog pa ako." sagot nya at binigyan ako ng isang maliit na ngiti.

Habang kumakain ako ay nakita ko na ang mga kaibigan ko na papalapit saamin.

"Ang aga nyo." bungad ko sa kanila.

Tinawanan nila ako.

"Sorry, ang sarap kasi ng tulog ko tapos traffic pa." sabi ni Fatima.

Nag alok ako sa kanila ng kinakain ko. Pero busog pa raw sila.

Ang daming tao ngayon kumpara kahapon. Ang dami kasing magagandang booth ang hinanda nila ngayon.

"Gusto ko na pumunta sa horror booth." dinig kong sabi ni Julianna.

"Ako rin!" dinig kong sang-ayon ni Laurence.

"Pumunta na tayo!" excited naman na yaya ko.

Nagpila na kami sa horror booth. Parang nakakatakot ata sa loob.

"Walang hihiwalay, ah." kinakabahan kong sabi.

"Kanina lang excited ka, Amery." tumawa si Migs tila nang-aasar.

"Huwag kayong mang-iiwan, sama-sama dapat tayong papasok at sama-sama ring lalabas." habilin ko, natatakot kasi ako na baka iwanan nila ako.

"Haha, mga tao lang naman ang nasa loob." sabi ni Laurence.

Alam ko namang mga tao lang ang mga yon, pero kahit na.

Pagkapasok namin ay kumapit agad ako kay Fatima.

Ang dilim sa loob halos wala na akong makita.

Pinagpqpawisan na rin ako.

"Mauna na kayo." takot na sabi ko.

Hindi kasi kami kasya, kaya dapat mauna ang ilan.

"Unahan na namin." rinig kong sabi ni Laurence.

Nakakapit pa rin ako kay Fatima.

"Huwag mo akong bibitawan." bilin ko kay Fatima.

Natawa naman ito..."Chill ka lang, Amery."

Habang nag lalakad kami ay biglang may sumulpot na duguang babae.

Napasigaw kami sa takot, ang mga lalaking kasama naman namin ay tumawa lang.

Nagpatuloy kami sa paglalakad, pawis na pawis na ako.

Ang init kasi rito.

Sa palagay ko ay malapit na kaming makalabas.

Sa pagpapatuloy ng aming paglalakad ay may lalaking may dala ng chainsaw at hinabol kami.

Sa taranta ay nabitawan ko si Fatima. Pero dahil sa takot ay kumapit ako sa taong katabi ko.

"Amery, are you okay?" nagulat ako sa nagsalita, si Ivan pala.

"Y-yes, natakot lang ako, sorry." sagot ko.

Aalisin ko na sana ang hawak ko sa kanya nang bigla nyang hawakan ang kamay ko.

Gulat ko syang tinignan.

"Let's go." sabi nya sa akin.

Tila nawala ang takot ko at tanging mga paro-paro lang sa tiyan ko ang ramdam ko.

Naglakad kami hanggang sa makalabas kami, nakita ko ron ang mga kasama namin na pawis na pawis din kagaya ko.

Nang makita nila kami ay bumaba ang tingin nila sa magka hawak naming kamay ni Ivan.

Nakita ko naman ang nanunukso nilang tingin.

"Dapat pala may ka holding hands sa horror booth para hindi ka matakot." asar ni Fatima.

Taranta ko namang tinanggal ang kamay ko sa hawak ni Ivan.

Yumuko naman ako sa hiya.

"Bakit ba kayo nang-iiwan?" pag-iiba ko.

"Kasama mo naman si Ivan, Amery, ayos lang yan." isa pa itong Laurence.

Pabiro ko naman silang inirapan.

"Kain na tayo, nagugutom na ako." buti at nagsalita si Julianna.

"Sa food booth nalang tayo kumain." sabi ni Kent.

Kaya naman pumunta kami ron. Masaya kaming kumain.

Pagkatapos kumain ay naglakad-lakad kami sa campus.

Habang naglalakad kami ay may mga student na pumunta sa gawi namin.

"Ikaw si Ivan diba?" tanong nung isa kay Ivan.

Tumango si Ivan. "Why?" tanong nya.

"Marriage booth po, nag bayad si Claire sa amin." sabi nung isa, nagulat naman ako sa sinabi nya.

Claire...

"I'm sorry, pero ayaw ko." sagot ni Ivan.

Para akong nakahinga nang maluwag sa sinabi ni Ivan.

Akala ko papayag sya.

"P-pero Ivan nagbayad na kasi si Claire sa amin." namomroblemang sabi nito.

"Ibalik nyo nalang ang pera. Bayaran ko nalang." sabi ni Ivan.

"S-sure ba?" gulat na tanong nung bakla.

Tumango si Ivan sa kanila.

"Parang sayang naman ang pera na ibabayad mo sa amin. Wala ka bang gustong pakasalan? Marriage booth lang naman." hirit pa ng isa.

"Ikasal nyo sya kay, Amery!" sabat ni Laurence.

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig.

"Oo! Oo! Go na Ivan!" isa pa itong Fatima.

"Balita namin ay girlfriend mo sya, Ivan." sabi nung bakla.

"A-ah hindi, hindi nya ako girlfriend." sumagot ako.

"Ano Ivan? Game ka ba? Sige na!" dugtong nung bakla.

Relax Amery... Hinga...

Inhale...

Exhale...

"Okay lang ba sa'yo, Amery?" nagulat ako nang tanungin ako ni Ivan.

Sino bang aayaw na maikasal sa crush nila? Syempre wala.

"O-okay lang sa akin kung okay lang sa'yo." nahihiya na sagot ko.

"Yon!" sigaw nila.

Ano ba itong pinasok ko.

Go with the flow nalang.

Pagkarating namin doon ay nakita kong andoon si Claire tila nag-hihintay.

"Wait, kausapin ko lang si Claire, Ivan." sabi ng isang babae.

Nilapitan nya si Claire at nakita kong binulungan nya ito. Nakita ko naman ang pagkairita at pagkainis sa mga mata ni Claire.

Sabi ko na't magagalit sya.

"Okay, let's start!" sigaw ng bakla.

Oh my God...

Parang gusto kong umurong sa kaba. Sinuotan pa nila ako ng isang white dress at belo sa ulo.

Huminga ako nang malalim, kaya ko ito.

Ikakasal lang naman ako sa crush ko. Marriage booth lang ito. Tama.

"Kinikilig ako, Amery!" may gigil na sabi ni Fatima.

Tinignan ko ito nang masama para hinaan nya ang boses nya dahil dinig na dinig ito.

Nagsimula na ang kasal-kasalan.

Ang nagkukunwaring pari ay may binasa pang script.

"Ivan, do you take Amery as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"

"I do." seryosong sagot ni Ivan.

Na feel ko ang mukha ko na uminit, for sure nag namumula ako.

"Amery, do you take Ivan as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"

"I do." sagot ko.

Pagkatapos kong sumagot ay may ibinigay itong mga singsing sa amin.

Grabe may pa singsing pa sila. Pero alam kong hindi naman ito totoong diamond.

Kinuha namin ang singsing at isinuot sa isa't isa.

Ako ang unang nag suot ng singsing kay Ivan, nangingig pa ang mga kamay ko habang sinusuot ko ito.

Narinig ko tuloy ang mahinang tawa nya.

Pagkatapos kong isuot ang singsing sa kanya ay kinuha nya ang kamay ko.

Isinuot nya ang singsing sa akin.

Ang lakas ng tibok ng aking puso.

Lord...pinagpapala naman ako masyado.

Pagkasuot ng singsing ay tumingin sya sa akin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.

Sinuklian ko rin ito ng isang matamis na ngiti.

Narinig ko ang palakpakan ng mga taong nanonood, rinig ko rin ang sigaw ng mga kaibigan ko.

"Sana all!"

"Kiss mo na yung bride Ivan!"

"Nilalanggam na ako rito!"

"I now pronounce you husband and wife."

"You may update your facebook status."

Natawa naman kami sa sinabi ng pari kuno.

Ang daming nangyari sa araw na ito, pero sobrang nag enjoy ako. Ikasal ka ba naman sa crush mo.

Continue Reading

You'll Also Like

489 213 103
a short story in which each chapter is eight words long.
151K 1.8K 45
This book is filled with accounting lessons specially crafted for accounting students and aspiring accountants. Dive into the world of numbers and fi...
25.6K 248 10
This is a notes of Fundamentals of Accountancy, Business and Management 1 subject for ABM students.