H A U N T E D (NGS #11)

By Ineryss

2.5M 76.2K 32.8K

Cassandra Emerald Fortalejo is the "sassiest" and social butterfly of her cousins. She's crowned the 'it girl... More

H A U N T ED
P R O L O G U E
1st Haunted
2nd Haunted
3rd Haunted
4th Haunted
5th Haunted
6th Haunted
7th Haunted
8th Haunted
9th Haunted
10th Haunted
11th Haunted
12th Haunted
13th Haunted
14th Haunted
15th Haunted
16th Haunted
17th Haunted
18th Haunted
19th Haunted
20th Haunted
21st Haunted
22nd Haunted
23rd Haunted
24th Haunted
25th Haunted
26th Haunted
27th Haunted
28th Haunted
29th Haunted
30th Haunted
31st Haunted
32nd Haunted
33rd Haunted
34th Haunted
35th Haunted
36th Haunted
37th Haunted
38th Haunted
39th Haunted
40th Haunted
41st Haunted
42nd Haunted
43rd Haunted
44th Haunted
45th Haunted
46th Haunted
47th Haunted
49th Haunted
50th Haunted
Epilogue

48th Haunted

55.2K 1.7K 590
By Ineryss

Bridge

"This is the last shoot in Paris! Good job everyone! Especially you, Cassey!" the director finally announced.

Ngumiti ako habang nagpapalakpakan ang iba. Nagtungo ako sa cameraman para makita ang iilang nakuhang shoot.

"Let me see," rinig ko ang tinig ni Roche sa aking likuran at pasimple pang hinaplos ang aking baywang.

Tumikhim ako at ipinatili ang tingin sa camera. Roche crouched a bit until the side of his face leveled my peripheral vision.

Nasa camera ang tingin niya nang lumipat iyon at tumingin sa aking gilid nang hindi gumagalaw ang kanyang ulo. Ngumuso ako at nagpigil na mapangiti.

"I'm still mad I want a kiss," rinig ko ang bulong niya.

Kunot-noong napabaling ang cameraman sa kanyang likuran at tiningnan kaming dalawa.

"Sir? Kiss, Sir?" ang gulat at nagtatakang tingin ng cameraman sa amin ni Roche.

Mahirap magpanggap na walang namamagitan sa amin ni Roche sa set lalo na't mukhang wala siyang pakialam minsan kung mahuli man kami o makita ng iba na ang bulgaran niyang pakikitungo sa akin.

Umupo na ako habang abala ang lahat sa pagmemeryenda.

"What do you want to eat?" tanong niya sa malamig na boses, tila ba masama pa rin ang loob sa pag-alis ko ngunit hindi ganoon ka galit para hayaan akong magutom.

"Pizza nalang, Engineer," I said without looking at him.

I tried my best. It was one of those moments that I'm so confident Mommy won't caught me hiding some suspicious activities behind her back.

Kaso bawat minuto, mahirap talagang magpanggap lalo na't si Roche, laging lumalapit at parang nakalimutan ang usapan namin!

"Water," bigay niya sa mineral water sa aking gilid habang kalalapag lamang ng team sa aking harapan ang aking snack.

"Thanks," kuha ko roon at hindi na tumingin sa kanya.

Mommy's eyes were like a cctv. Bawat galaw ay lumalaki ang mga mata niya, kuryosong titingin at parang ilang sigundo pang inaalayze sa isip niya ang nangyayari.

It was hard to keep a secret to her. Kahit noong papabalik na sa hotel at tahimik siya, tila ba may malalim na iniisip, kabado na ako at gusto nalang mapaamin.

"Parang may mali," she said while she's thinking thoroughly.

"Ano ang next sched ko, Pauline?" I tried not to pay attention and pretended I'm busy with other things.

"Pansin mo ang kinikilos ng Engineer, Jaia. Parang... may mali," si Mommy.

"Paanong mali, Madam?" ang Manager ko naman na talagang tsismosa.

Lumapit si Pauline sa akin at nagsimulang i-recite ang aking schedule habang abala ako sa aking gamit sa kama. Bukas ang pinto kaya naririnig ko sila sa sala.

"Hindi umiinit ang ulo pag inaasar ko."

"Ay good mood siguro, Madam?" si Lara na isa na ring sumali.

Pauline's eyes lingered at me expressively. Halos mabasa ko sa titig niya ang mga sagot sa pinoproblema ni Mommy.

"May babae kasi kaya siguro wala nang pakialam sa mga hirit niyo tungkol kay Cassandra, Madam," si Lia.

Tumunog ang nakadapa kong phone sa kama. Naunang tumingin si Pauline doon. Mabilis ang pag-aayos ko sa gamit at pinulot ang phone.

Nakita ko agad ang pagsulyap ni Mommy sa akin. I looked at the phone and answered Roche call while walking towards the balcony.

"Yes Naia, napatawag ka? Oh..." I said enthusiastically while closing the door of the balcony.

At kahit sarado na, parang multong tumatagos pa ang titig ni Mommy na hindi man lang kumurap at may pagdududa.

Roche somehow calmed down after I told him I'll visit him tonight. Kaya sa gabing iyon, noong hinintay na makatulog na ang lahat at binantayan si Mommy na mukhang tulog na rin sa aking tabi, dahan dahan akong lumabas.

Kung kailan late twenties na, parang ngayon pa ako naging ganito! I felt like a teenager sneaking out to see my boyfriend because my parents are just too strict!

Sunod sunod ata na gabi iyon habang nagpapalipas kami ng isang linggo sa Paris bago ang trip patungong Madrid. At tuwing nakakatulog din si Roche sa pagod, saka ako lalabas at babalik sa kuwarto.

Sabi ko low-key kami. But it was hard because we're both desperate for each other's attention! Ilang beses nang nahuli ni Pauline sa aking screen ang tawag ni Roche para yayain akong lumabas. Palagi kong tinatanggihan at dinadahilan si Mommy kaya si Roche, ganadong idistract ang aking ina sa pamamagitan ng pagpaparty!

The teams gathered for a small celebration in an exclusive Club. May malaking buffet at mga alak. Napansin ko rin ang sunod sunod na pag-approach ng waiter kay Mommy para bigyan ito ng maiinom.

And Mommy as an alcoholic back in her times felt like she was in heaven each time they bride her with luxurious and classic drinks!

"Oh my gosh! This is my favorite wine! Natikman ko 'to sa US! I can't believe they're letting me have it for free!" aniya at ipinakita sa akin ang hawak na shot glass habang nasa kanyang gilid ang waiter na may tray at isang bote noon.

It wasn't free at all. For sure Roche purposely bought it to distract Mom and snatch me to her! Lalo na't kanina, ayaw umalis ni Mommy sa tabi ko. Ngunit ngayon, gumagala na siya at nakikihalubili sa parte ng shoot para kausapin sila. She's so giddy about the free drinks she's getting and she can't help not to share it to everyone.

"Damn you!" natatawa at halos sapakin ko si Roche nang magkita kami ng palihim sa likuran.

"Paano mo nalaman ang mga hilig niyang drinks?" I asked while he's smirking and pulling my waist.

"She told me about it. Kung ano-ano ang kinukwento niya sa nagdaang araw para lang asarin ako. She talks about wines and hmm... your favorite badminton cabinet?"

My eyes widened. Ganoon na ba ka desperada ang aking ina na kung ano-ano nalang ang kinukwento?!

"So you're gonna marry someone if they buy you a badminton cabinet huh?" parang nanghahamon ang tinig niya nang sumandal sa pader kung nasaan kami.

Nabangga ako sa kanyang dibdib lalo na't hindi niya pinakawalan ang baywang ko. Hawak ko pa ang sarili kong drink at binalanse iyon nang maigi sa kamay para lang hindi matapon ang laman.

"Pangarap ko 'yon noon."

"Hmm... now I understand why you're fond of cabinets..." ngisi niya at tila ba may naalala.

Namula ang buo kong mukha at napahalakhak sa kahihiyan. Sinapak ko ang kanyang dibdib ngunit nangingiting sinalo ni Roche ang aking kamay, yumuko pa at sinabayan ng pag-atake sa aking labi.

"Bibilhin ko para may mapagtaguan ka minsan..." he said between our kisses.

"The fuck, Roche!" halos hindi ko siya mahalikan ng maayos dahil sa tawa ko.

His kisses went down to my jaw. Humawak ako sa kanyang balikat at halos pipikit habang napapangiti. He chuckled and scraped his teeth on the skin of my neck while pushing my ass towards him.

"Damn... I can't wait to marry you," he whispered.

"I can't wait too..." halos bulong ko pabalik lalo na't masyado akong nadidistract sa mapangahas niyang labi.

"Oh!" ang madramang reaksyon ng pamilyar na tinig ni Mommy ang pumaibabaw.

Mabilis ang aking paglayo kay Roche at natapon pa ang hawak kong alak. Nakaparte pa ang labi ni Roche nang iwan ko at nilingon si Mommy na nalalaglag ang panga, gulat na gulat.

"I knew it! He's your fuck buddy?!" para bang unti-unti siyang naliliwanagan sa haka haka niya sa mga nagdaang araw.

"Mom..." nilapitan ko siya, lito ba kung tatango o itatanggi.

"Oh my gosh! "I caught you twice sneaking during the night, Cassey. And the marks on your neck. You know those aren't mosquito bites. Lagi na ngang namumula ang tainga mo pag nagsisinungaling, halatang halata pa sa kilos mo," tuloy tuloy agad ang sabi niya.

I was about to explain myself but I felt Roche's presence behind me. Ipinalupot niya ang kamay sa aking baywang at hinila ako ng kaonti para mapasandal sa kanyang dibdib. He rested his chin on my shoulder and looked at my Mom proudly.

My Mom's jaw dropped. Mariin akong napapikit at hindi na naitago ang ngiti sa labi. I felt like a criminal infront of my mother and she finally caught my illegal activities on the spot. At sa reaksyon niya, para niya akong nahuhuling nagdodroga dahil masyado siyang gulat na ang kanyang anak, adik pala.

Well... I'm really addicted to him. And I won't even deny it.

"Tell her," marahang sabi ni Roche.

I have no choice but to really tell her. Itatanggi ko pa ba 'to?

"Mom, I'm uh..." ngumuso ako.

She leered at me. Kung wala lang si Roche ay baka kinurot niya na ako sa gigil ng tingin niya sa akin.

"We're engaged," ngisi ko at ipinakita ang aking kamay.

The shock on her face tripled. Natatawa akong sumimsim sa hawak kong inumin na kahit si Roche ay natatawa ring ibinaon ang mukha sa aking leeg.

"Nagdududa talaga ako eh. May ideya na talaga ako! Hindi nagagalit si Roche pag inaasar ko! Tuwang tuwa pa minsan!"

Roche chuckled again. Noong nilingon ko siya sa aking balikat lalo na't nakabaon pa rin ang mukha niya sa aking leeg, tumakas na ang ngisi sa kanyang labi at litaw na litaw ang mapuputi niyang ngipin.

"I told you to get mad sometimes!" pangaral ko.

"Ilang buwan na akong galit, Cassandra. All thanks to you and your partner in crime..."

"Oh Engineer," si Mommy na parang guilty agad. "It's not what you think..." at ayan na nga, parang tatakas pa kahit nahuli na!

I giggled and sipped on my drink again. Roche looked at her playfully.

"Let me clean my name, hijo!" si Mommy na taranta.

"Mommy kasi! Sinasaway kita lagi! Ayaw mong magpaawat!" panggagatong ko.

Her eyes narrowed at me. Madrama niyang nahawakan ang kanyang dibdib at parang hindi inaasahang mababaliktad ng sariling anak.

"Really, Cassandra? I felt betrayed by you and now you're throwing me under the bus infront of the Engineer?"

Humalakhak ako. Roche laughed too. She glared at us.

"He caught me first, Mom! Eh nakakahiya! Kaya... pinasa ko lahat sa'yo para mabawasan 'yung kahihiyan ko!"

"Oh my gosh you dirty player!" si Mommy na talagang nanliliit ang mga mata ngunit natatawa.

"Eh nagsumbong ka sa akin na taken si Roche! Of course I need to save your ass!" at ako naman ang naisipan niyang ilaglag.

"Tsss..." si Roche ngunit ngiting ngiti.

"Oh I won't forgive you two for making a fool out of me! My gosh... ang dami dami kong pinagsasabi kay Engineer, Cassandra! Hindi mo ba 'yon naisip! Pinapahiya mo ang sarili mong ina!" she whined dramatically.

"It's alright, Ma'am..." si Roche na parang pinagaan agad ang loob niya.

"Narinig niya sa phone call natin 'yung script mo, Mommy!"

Her jaw dropped. Umiling siya at sumenyas na parang suko na kaya gusto nalang umalis sa aming harapan.

"I will tell this to your father! Isusumbong kita! You'll see!"

Tumikhim si Roche. "About that..."

Dala ko pa ang ngiti nang lingunin ko si Mommy. Mommy looked at him curiously too. Ang amba niyang pag-alis ay bumitin pa.

"I already told him about the engagement..." ani Roche.

My jaw and Mom's jaw dropped in sync. Ngumuso si Roche.

"What?!" ako naman ang may madramang reaksyon at umalis sa pagkakayakap niya.

"Oh my god! What is this betrayal? My daughter and now my husband..." si Mommy na natampal ang noo.

"You... what?!" halos matawa ako.

"Nagpaalam ako noong nasa condo mo. We talked after having breakfast."

Naalala ko agad ang oras na 'yon. Kapwa kami nasa kuwarto ni Mommy at naiwan silang dalawa.

"At pumayag si Daddy?" nagdududa kong tanong.

"Ah! I knew it! Your father, hija! May dumating sa bahay na bagong sports car! And he even told me galing sa kanyang new investor! Oh... Oh my gosh! Dapat pala nagduda na ako noon lalo na't Porsche pa! Binenta ka ng ama mo!" si Mommy na parang unti-unting naliwanagan.

"I personally give him the new car design of Porsche since he mentioned he's fond of... cars."

I shut my eyes while Mom's dramatic reaction echoed in my ear.

"I can't believe Vlad is so easy to get! Hindi na nahiya kay Cassandra—"

"Mom... kay Roche din galing 'yung yate na pinagmamayabang mo sa kanya," putol ko sa mahinang tinig.

Kitang kita ko kung paano siya natigilan at wala na atang pahinga ang pagkakalaglag ng kanyang panga. Roche licked his lip and smiled.

"Which means... even the engagement ring..." she gasped, her reaction seems like all the embarrassment flashed on her mind like a powerpoint.

Roche chuckled and nodded. Mommy's face heated. She glared at me. At ano naman kaya ang sinabi niya kay Roche tungkol doon?!

"Mom... nakakahiya ka..." pikit ko at parang kasama niya akong nilalamon sa kahihiyan.

Nailing siya at talagang suko na.

"Bahala kana! Uuwi na ako sa Pilipinas kaya bahala kana!" and she walked out promptly.

Buong gabi ko atang sinuyo si Mommy kahit noong makauwi kami sa hotel room. At buong gabi niya ring kinwento sa akin kung ano ano ang mga pinagsasabi niya kay Roche. Iyon ang usapan namin bago matulog at kahit noong gumising at nag-oorder na ang team ng breakfast para sa amin, bukambibig niya na agad iyon.

"Ang anak ko, engaged kay Roche!" si Mommy na tinuro ako.

Isa isang nalaglag ang panga ng team maliban kay Pauline na kalmado lamang habang kumakain. This is the reason why I don't want her to know about it yet! Ipagkakalat niya kasi agad!

Instead of denying it, I smirked and waved my fingers para ipakita sa kanila ang suot na singsing.

"Sabi na! Sabi ko sa'yo Lia! Tama 'yung pag-ooverthink natin sa nakitang pulang marka sa dibdib ni Engineer!" si Lara na parang nakahula ng numero sa lotto dahil sa reaksyong ibinigay kay Lia at napatayo pa sa kanyang upuan.

"Nakita ko nga rin 'yon... pero akala ko lang sa girlfriend ni Engineer. 'Yung ka dinner niya," ang aking Manager na isa ring gulat.

"Nahuli ko sila, naghahalikan sa sulok at madilim na parte ng Club kagabi! Ang mga malalandi!" si Mommy na gigil na gigil.

Tumawa ako at sumubo ng pagkain.

"Ilang beses din namin nahuli ang tingin ni Engineer kay Cassandra sa set, Ma'am. Meron pala talaga 'yung laman lalo na't malalagkit..." si Lara.

"And even my husband knows about the engagement! Ako lang... ako lang ang walang alam!"

"Ma'am, wala rin po kaming alam," si Lia na pinantayan ang madramang boses ni Mommy.

And they looked at Pauline who's eating silently.

"Oh Pauline? Tahimik natin ah?" si Mommy na nangingiting tanong pero may pinapahiwatig na.

"I told you to report everything to me! Sinabi ko pa sa'yo na bantayan si Cassey!"

Ngumuso si Pauline at tahimik akong tiningnan. Which means hindi niya pala talaga nirereport kay Mommy ang mga nakikita niya?

"Naku... 'yan si Pauline ang mukhang maraming may alam pero hindi nagkukwento, Ma'am!" turo ni Lara sa kanya.

"Ayoko po kasing pangunahan si Miss Cassey, Ma'am..." maingat na paliwanag ni Pauline.

"Oh, Pauline! You're the best assistant!" saka ko siya inabot at niyakap. "Tataasan ko ang sahod mo."

Sa halip na mainis si Mommy, nang makitang niyayakap ko si Pauline ay natawa nalang at nailing. She calmed down and smiled.

"Kaya pala sa akin lagi nakikibalita si Madam..." tawa ng aking manager.

"Yes Jaia. Tahimik si Pauline. 'Yun pala pinagtatakpan si Cassey. These two..." iling niya at sumubo.

I rested my chin on Pauline's shoulder and laughed. Ang doorbell lamang ang nagdistract sa aming topic kaya umayos ako ng upo. Si Mommy naman na parang may ideya agad nang tingnan ang pinto na binubuksan na ng bodyguard na kanina pa nakatayo roon.

Ilang sandali lang ay pumasok si Roche. He's fresh from the bath. Naka simpleng plain black t-shirt at denim pants. Ang kanyang katangkaran at kagwapuhan ay talagang nangibabaw. Kahit hindi pa nakakapalit, amoy na amoy agad namin ang kanyang pabango.

"Good mornin'," he greeted with an accent.

Ngumiti agad ang aking team at sabay sabay pang bumati. Namumula pa ang mga pisngi ni Lia at Lara, tila ba masyadong namamangha sa kanya.

"Join us, Engineer... come here," si Mommy.

Lumapit si Roche sa amin. Tumayo si Pauline para maibakante ang aking gilid at lumapit sa tabi ni Mommy.

"Good morning," si Roche na yumuko at hinalikan ang gilid ng aking noo nang tuluyang makalapit.

I noticed my team's reaction. Nagpipigil ng kilig si Lia at Lara, ang aking manager na ngumingiti at nakikipagtinginan kay Mommy na umaangat ang kilay, tila ba sinasabi na tama ang bintang niya sa amin ni Roche na malandi kaming dalawa.

"Good morning..." ngiti ko.

As soon as Roche took the seat beside me, inulan na agad siya ng sunod sunod na tanong ng aking team. Mommy didn't join. Pangiti-ngiti lang pero minsan masyadong sobra ang ngiti na parang nakikita ko na sa utak niya ang mga bumabalik na kahihiyang pinaggagawa naming dalawa.

"Ilang araw ba kayo sa Madrid?" biglang tanong ni Mommy sa susunod na shoot.

"Depends with the shoot," ani Roche.

Umirap si Mommy. "Now I'm starting to doubt that this whole campaign is just an excuse so you can purposely flirt my daughter and get back to her!"

Ngumuso ang aking team. Roche looked guilty but he's willing to answer her.

"I didn't expect Cassey would audition," ani Roche.

"I wasn't expecting her to audition. The aim of the campaign is to promote the new car design," aniya.

"So... if my daughter didn't audition, wala kang balak na balikan sana siya ganoon ba?"

"I didn't expect she's also single after all the rumors I heard. And knowing she's very beautiful, it's hard to assume that she's still available..." si Roche nang lingunin ako.

I smirked.m confidently.

"Hmm. So if Cassey didn't audition, hindi mo malalaman na single pala siya. My daughter is really..." nailing siya na para bang ako pa itong lumapit mismo sa apoy na ipinagbabawal niya.

I leered at Mommy. "At sino ang pumilit sa akin na mag-audition sa Porsche?"

Mabilis na natanggal ang ambang bintang ni Mommy sa akin. Now she looked guilty again. Idagdag pa ang pagtawa ng team at nakisali sa pang-aasar kay Mommy kaya mas naging triple ang madrama niyang reaksyon.

"Ikaw naman pala ang naging tulay, Madam," halakhak ng aking Manager.

"Autumn the bridge," tukso ko na sinundan ulit ng tawanan ng team.

"Ano 'to? Kasalanan ko lahat? Na ako ang naghatid sa inyo sa isa't isa? Na kaya kayo ulit nagkabalikan dahil sa akin?" she grimaced.

Tumawa lalo ang team. Nagpatuloy naman si Mommy na pabalik balik ang tingin sa amin ni Roche at kapwa na nakangisi.

"Nakakahiya sa inyong dalawa! Pinilit ko ba kayong maglandian? Kahit ata walang maging tulay sa inyong dalawa handa niyong languyin ang isa't isa dahil parehas kayong marupok!"

Hindi na humupa ang tawanan ng team. Roche shook his head while wearing his smile too. Kinagat ko nalang ang nakangising labi at nahulog ang tingin sa kamay namin ni Roche na ipinagsalikop niya na sa isa't isa.

Continue Reading

You'll Also Like

6.2M 156K 60
Zera Damonisse Delafuente, "the bratty girl" of the Delafuente clan who has an alluring and goddess beauty will do anything just to lure her crush to...
4.9M 140K 60
Cana Aleyna Delafuente, "the ignorant girl" of the Delafuente clan who has a childlike and sweet personality hooked herself from someone she doesn't...
800K 9K 19
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
3.5M 94.7K 61
Chey Venice Fortalejo is the "friendliest" and most approachable amongst the Fortalejo cousins. Since they were young, she had been very vocal about...