Tempted to Touch 2

By vampiremims

592K 24.5K 2.2K

They had everything set already, their parents agreed on their relationship, their families are supportive of... More

Tempted To Touch Book 2
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50

29

9.5K 490 50
By vampiremims


This story has advanced chapters in Patreon and Ko-fi.

Be a patron and supporter for only 50 pesos per month.

Visit my Patreon and Ko-fi account, @vampiremims.

Leave a comment if you like the story! I would really appreciate it.

☀️☀️☀️


Halos hindi rin ako nakatulog kagabi dahil sa pag-iisip tungkol sa resulta ng DNA test nila Theon. Inaasahan namin na lalabas ngayon ang resulta at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Takot.

Pangamba.

Lungkot.

Pero sa kabila ng lahat ng iyon, may munting pag-asa sa loob ko. Umaasa na sa resultang makukuha namin, malalaman namin kung ano nga ba ang totoo... That could be the light in the end of the tunnel for me and Theon.

Maaaring okay kaming dalawa sa ngayon... nagkakaroon ng progress ang kung anuman na relasyon ang mayroon kami ngayon, pero hanggang hindi nareresolba ang tungkol sa nangyari noon, sa palagay ko ay hindi kami tuluyang magiging masaya ulit.

I stared at the ceiling of my room and tried to calm myself. Hindi na rin muna ako nagbukas ng cellphone para mas maging bukas ang isipan ko sa ngayon.

Huminga ako ng malalim at pilit na ikinalma ang isip ko.

Whatever the result will be, I know there's a reason behind it. Kung masasaktan ako dahil doon, it's meant to happen...

Ganoon naman lagi.

Ilang sandali pa akong nanatiling nakahiga sa kama ko nang magdesisyon na akong tumayo para na rin maayos ko ang kama ko at makaligo na rin. Hindi naman din ako nagtagal at nagbihis na ako at lumabas ng kwarto ko.

Nakasalubong ko naman si Karl sa may hallway.

"Good morning," nakangiting bati nito sa akin. I smiled at him, too. "Good morning. Have you eaten?" I asked him and he shook his head. Nag-jogging ito kaya naman nagsabi na maliligo na muna bago ito kakain. Sinabihan ko na lang ito na magpunta na lang sa dining room pagtapos.

Pagpunta ko sa may dining room ay naabutan ko naman si Tita Becky at ang mga magulang ko. Napakunot ang noo ko nang tila tumigil ang mga ito sa pinag-uusapan nang dumating ako.

"Hmm? What are you talking about?" I asked him as I took my seat.

"Just your projects, Lean," si Tita Becky ang sumagot kaya tinitigan ko ito. Hindi naman siguro nito sinasabi ang bagay na hindi nito dapat sabihin sa mga magulang ko.

It's part of our agreement.

"Yes, Becky mentioned that you have shows lined up for the whole year next year," Mommy smiled at me. "I'm really happy that you're doing what you love," she added and I gave her a small smile.

"Mom, hindi lang naman ako ang kasama sa show. Marami kaming models. Isa lang ako sa mga models," sabi ko naman habang naglalagay ng pagkain sa plato ko. "Where's Enzo?" I asked her after.

"He went out early," si Daddy ang nagsalita. "How's your sleep?" he asked me before drinking his coffee.

"It's fine," I simply replied before eating. Nakapaglagay naman ako ng concealer kaya alam kong hindi naman napapansin ang pangingitim ng ilalim ng mga mata ko.

"Thunder called and–"

"Hon, later. We will talk about that later," pigil naman ni Mommy sa sasabihin ni Daddy. I saw her glanced at Tita Becky. Marahil ay dahil walang alam pa sina Tita Becky sa nangyayari.

Plano ko naman ding sabihin dito pero hindi ko pa alam kung ano ba ang sasabihin ko. I mean, why would she care?

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain at ang mga kasama ko na ang nag-uusap. Hindi na ako nakisali at tinatapos ko na lang ang pagkain ko.

"I already booked our tickets actually. Lean will fly with us back to New York."

Natigilan ako sa sinabi ni Tita Becky.

"What?" I asked her. "I haven't given you my decision yet," sabi ko rito na nakakunot ang noo.

"And you know that we need to go back, Lean," sabi naman nito sa akin.

"What's going on?" my mom asked her. Napailing na lang ako habang ipinapaliwanag nito ang sitwasyon sa mga magulang ko. Alam ko naman ang obligasyon ko pero alam ko rin naman ang karapatan ko.

"Why don't you just let Lean decide on her own?" my dad asked Tita Becky. "She knows her obligations and responsibilities, I think you should let her do her things," he added.

"Mr. De Guzman–"

"Lean will decide for herself. You may be her manager but I am her dad. Are there any fines that need to be paid if she will go home a week later than you? Send me the invoice and I will send you the money immediately."

"Blue..." hinawakan ni Mommy ang kamay ni Daddy.

"Dad..." I heaved a sigh and looked at Tita Becky who was I think surprised with what my dad said. "It's fine. Don't worry about it," sabi ko pa rito.

Hindi naman na kumibo pa si Tita Becky at tumango na lang ito sa akin.

Matapos kaming makapag-almusal ay bumalik na ako sa kwarto. Narinig ko ang phone ko na nagriring kaya naman kinuha ko na rin agad iyon para sagutin.

It was Theon who's calling me.

Agad na pumasok sa isipan ko na marahil ay tungkol iyon sa resulta ng DNA test na ginawa sa kanila ng batang kasama ni Lucy.

Alam na kaya niya?

Muli akong huminga ng malalim bago sinagot ang tawag nito.

"Hello?"

"Hello, Lean. Good morning," he greeted me.

"G-good morning..." humigpit ang hawak ko sa phone ko. "Why did you call?" I asked him and I heard him yawn. Mukhang kagigising lang nito.

"Dad called and he's asking us to meet them," sagot naman nito sa akin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil isa lang naman sa palagay ko ang posibleng dahilan kung bakit kami kikitain ni Tito Thunder ngayon.

"Is it about the... the... result?" lakas-loob kong tanong kay Theon. Parang pigil din ang hininga ko habang hinihintay ko ang sasabihin nito.

"Yes, actually. They sent him the result already and we will meet him to know what it was," sagot ni Theon sa akin. "I'll pick you up in 30 minutes," dagdag nito.

"Okay..." halos walang boses ko namang sagot dito. Tanging ang resulta lang ang naiisip ko. Hindi ako mapakali na hindi ko alam kung ano ba ang resulta.

"Lean..." I heard Theon's voice.

"Yes?"

"I know that you're worried about the result, but... whatever it is... always remember that I have never loved anyone as much as I love you. I loved you then, I still love you now. Walang nagbago."

I nodded my head.

"I... I'll just prepare. See you in 30 minutes..." paalam ko na lang dito dahil hindi ko magawang sumagot sa mga sinabi nito. Wala namang naging reklamo si Theon at ibinaba na rin nito ang tawag.

Mabuti na lang din at nakapag-ayos na ako kaya naman wala na akong masyadong ginawa bukod sa hinintay si Theon na dumating.

Ako na ang nagsabi kina Mommy at Daddy na huwag ng sumama sa akin dahil hindi naman kailangan. Alam ko naman na gusto nila akong samahan dahil na rin kung sakaling hindi ayon sa gusto ko ang magiging resulta, naroon sila para sa akin... pero sa tingin ko ay kailangan ko ring harapin iyon nang ako lang...

Also, I am not alone. Theon will also be there...

Magkasama kaming dalawa.

Gaya naman din ng sinabi ni Theon, hustong treinta minutos ang lumipas nang dumating ito. Hindi na rin ito pumasok sa loob ng bahay dahil lumabas na ako.

"Hindi mo man lang ako pinapasok sa bahay niyo," reklamo nito habang nagmamaneho. Kumunot naman ang noo ko rito. "Bakit ka papasok?"

"To greet your parents?" he looked at me, still frowning. "Tito Blue might think I am disrespecting him."

Napailing na lang ako at sumandal. "Dad's not like that. Alam naman niya na may pupuntahan tayo, e," sagot ko na lang dito.

"Kahit pa."

I glared at Theon and rolled my eyes. "Hindi bagay sa'yo na pa-good boy ka."

Nagpanggap naman itong nabigla sa sinabi ko. "Hindi talaga, kasi ikaw ang bagay sa akin."

Kumunot ang noo ko at muling napatingin dito. "Ang corny mo."

He chuckled and continued driving.

I know this is just his way of making me feel good... para mabawasan ang kaba ko o ang nararamdaman kong tensyon sa malalaman namin ngayon.

"Can I ask?" tanong ko kay Theon habang nagmamaneho ito. Halos 20 minutes pa ang layo namin sa office ni Tito Thunder dahil medyo traffic ang daan.

"Hmm?"

"If... if it's positive–"

"It's not," he cut me off.

"Theon!" ako naman ang napasimangot dito. Lumingon siya sa akin at tumaas ang isang kilay. "What? It's negative. I am sure."

I sighed and looked at him again. "If it's positive, what are you going to do?" diretsong tanong ko rito.

He looked at me. Hindi ito nagsalita.

"What....?" tanong ko naman sa kanya. "I... I just want to know..." nag-iwas ako ng tingin dito.

"If it's positive, what are you going to do?" he asked me back. "Because I am pretty sure that if it turns out positive, I will lose you forever, Lean."

Hindi ako kaagad nakapagsalita.

"If the result is positive, it will be the end of us because I know you don't want that kid to grow up without a father. I know that if the result is positive, you will leave and you will remove me from your life."

I stared at Theon. "What am I going to do?" he timidly smiled. "I will man up with my actions... I will continue to love you, but I will also make sure I am far from you so I won't hurt you again and again..."

Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

Alam ko ang ibig sabihin ni Theon. As much as he wanted to be with me, hindi nito hahayaan na kasama niya ako pero may batang mangungulila sa kanya dahil hindi niya kasama iyon. It will be unfair both for me and the kid.

"But if it's negative..."

Muli akong napalingon kay Theon. "Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako sinasagot ulit. Maghihintay ako sa'yo." He smiled at me.

I just gave him a soft smile.

Nang makarating kami sa office ni Tito Thunder ay agad na rin kaming naupo ni Theon. Naroon na rin si Lucy. Nakita ko ang kapatid nito sa labas ng conference room, kalong ang batang si Theo.

Wala si Tita Rain doon. Tanging kami lang lima ang nasa loob ng conference room na iyon.

"They sent me the result this morning," panimula ni Tito Thunder. Nakatingin ako sa envelope na nananatiling sealed pa. Ibig sabihin ay hindi pa rin alam ni Tito Thunder ang resulta.

Nakikita ko naman ang pagkabalisa sa mukha ni Lucy habang nakaupo at hawak ang bata.

"I haven't opened it yet, because I know that you should be the one opening this one, Lean," he said as he gave me the envelope. "Instead of talking to a Chinese investor, here I am, facilitating a DNA test reveal," he chuckled and shook his head.

Napayuko naman ako dahil alam ko naman na sobrang precious ng time ni Tito Thunder. I looked at the envelope in front of me.

Nasa loob nito ang mga sagot sa tanong ko...

Ang maaaring maging factors sa mga desisyon ko...

"Lean..." si Theon ang nagsalita. Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya at tumango.

Lakas-loob kong kinuha iyon at binuksan. Kinuha ko na rin ang papel sa loob at hindi ko na binasa pa ang ibang detalye roon.

I focused on the result.

NEGATIVE.

Mabilis akong napatigin kay Theon.

"Negative... Negative!" sabi ko rito at nakita ko rin ang tuwa sa mga mata ni Theon. He smiled at me and hugged me tight.

"No! Mali 'yan! Dinaya niyo 'yan!" sigaw ni Lucy sa amin. "Dinaya niyo ang resulta! Anak ni Theon ang anak ko!" galit na galit na sigaw nito sa amin.

"Lucy, stop being delusional." Ipinakita ni Theon ang resulta sa babae. "Negative. Hindi ko anak ang bata!" dagdag pa nito.

"No! May nangyari sa atin! Anak mo si Theo!" hindi pa rin nagpapaawat na sigaw nito.

Tito Thunder already asked his secretary to call the security dahil na rin sa pagwawala ni Lucy. Inaya naman na ako nitong lumabas para makaiwas na rin sa babae.

"Lucy, stop! We both know that nothing happened to us! Hindi kita papatulan!" malakas na sabi ni Theon dito. Natigilan naman ako nang malakas na sampalin ni Lucy si Theon.

Hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla nang maramdaman ko ang paghila sa buhok ko dahilan para mabuwal ako at bumagsak sa sahig.

"What... stop! Stop!" I covered my face but I felt her nails on my skin. Nararamdaman ko ang pagkalmot nito sa akin at ang paghila ni Theon sa babae papalayo sa akin.

"Lucy!" sigaw ni Theon sa babae at malakas na itinulak ito dahilan para mapaupo ito.

"Pinahanap mo ako dahil gusto mo kaming makita ng anak mo at–" natigilan ito nang may humawak sa magkabilang kamay nito at puwersahan itong inilabas sa conference room.

"Baby, are you okay?" tanong ni Theon sa akin.

I looked at her and I could feel my eyes clouding up. Napalingon ako sa mga braso ko na puno ng kalmot ni Lucy.

"Putangina." Ramdam ko ang inis sa boses ni Theon at nagpakuha ito ng first aid kit. Sinabihan naman din kami ni Tito Thunder na may clinic sa building at dalhin ako ni Theon doon.

Hindi namin inaasahan ang reaksyon ni Lucy.

Marahil ay ang inasahan namin ay ang galit, sigaw... pero ang pananakit...? Hindi namin inakala.

"I'm sorry..." hawak ni Theon ang kamay ko habang ginagamot ng nurse ang isang braso ko. I looked at him and shook my head. "This is not your fault..." sabi ko rito.

Pinisil naman nito ang kamay ko at ramdam ko ang guilt ni Theon habang nakatingin sa mga kalmot sa akin. I am pretty sure my parents will be so mad about this... and Tita Becky.

Nang matapos ang nurse na gamutin ang mga iyon ay nilagyan na rin nito ng benda ang mga sugat ko.

"Fuck. She will pay for this..." nakakuyom ang mga kamay na sabi ni Theon. I looked at him and smiled a little.

"It was negative..." sabi ko na dahilan upang umangat ang tingin nito sa akin. I smiled a little. "It was negative..." ulit ko.

He nodded his head and reached for my hands. "It is, Lean..."

"You said that if the result is negative... you will not stop until I say yes again..." I smiled a little.

"I will wait for you, too..." he added and kissed my hand.

I smiled at him and squeezed his hand.

"I was waiting for the result to make a decision..." sabi ko rito. Napatingin naman sa akin si Theon, tila ba inaabangan nito ang sunod kong sasabihin.

"For the past days, maybe weeks... I have been thinking about what happened to us.." panimula ko. Maybe it's about time to tell him what I feel...

"Iniisip ko kung mali ba 'yung desisyon ko noon... but I think there was a reason why that thing happened... and I am doing what I want to do, too..." he nodded at me. "Yes..."

"When I came back here, I thought it would be easy to leave because I thought... I thought I stopped loving you already..."

"Lean..."

Umiling. "But... I didn't..."

"Baby..." hinawakan ni Theon ang pisngi ko.

I met his gaze and smiled a little. "I think you don't have to wait any longer... because I never stopped loving you, Theon..."

Pinagmasdan ako ni Theon bago hinila upang halikan ang mga labi ko. I wrapped my wounded arms around his neck and responded to his kisses.

This is the light at the end of the tunnel...

In Theon's arms...

Continue Reading

You'll Also Like

358K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
6.1M 82K 23
If something got stolen, will you do everything just to take it back? Consunji Legacy # 07
1.7M 33.1K 20
Hanna has always been smitten by Kerky's charms. One night on their Senior Prom, Kerky danced with her and said the things that she'd been wanting to...
36.5K 880 12
Stories I get from the songs I listen to. Could be based on the title, lyrics, or the message of the song. Mosts are from my own interpretation of th...