29

9.4K 489 50
                                    


This story has advanced chapters in Patreon and Ko-fi.

Be a patron and supporter for only 50 pesos per month.

Visit my Patreon and Ko-fi account, @vampiremims.

Leave a comment if you like the story! I would really appreciate it.

☀️☀️☀️


Halos hindi rin ako nakatulog kagabi dahil sa pag-iisip tungkol sa resulta ng DNA test nila Theon. Inaasahan namin na lalabas ngayon ang resulta at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Takot.

Pangamba.

Lungkot.

Pero sa kabila ng lahat ng iyon, may munting pag-asa sa loob ko. Umaasa na sa resultang makukuha namin, malalaman namin kung ano nga ba ang totoo... That could be the light in the end of the tunnel for me and Theon.

Maaaring okay kaming dalawa sa ngayon... nagkakaroon ng progress ang kung anuman na relasyon ang mayroon kami ngayon, pero hanggang hindi nareresolba ang tungkol sa nangyari noon, sa palagay ko ay hindi kami tuluyang magiging masaya ulit.

I stared at the ceiling of my room and tried to calm myself. Hindi na rin muna ako nagbukas ng cellphone para mas maging bukas ang isipan ko sa ngayon.

Huminga ako ng malalim at pilit na ikinalma ang isip ko.

Whatever the result will be, I know there's a reason behind it. Kung masasaktan ako dahil doon, it's meant to happen...

Ganoon naman lagi.

Ilang sandali pa akong nanatiling nakahiga sa kama ko nang magdesisyon na akong tumayo para na rin maayos ko ang kama ko at makaligo na rin. Hindi naman din ako nagtagal at nagbihis na ako at lumabas ng kwarto ko.

Nakasalubong ko naman si Karl sa may hallway.

"Good morning," nakangiting bati nito sa akin. I smiled at him, too. "Good morning. Have you eaten?" I asked him and he shook his head. Nag-jogging ito kaya naman nagsabi na maliligo na muna bago ito kakain. Sinabihan ko na lang ito na magpunta na lang sa dining room pagtapos.

Pagpunta ko sa may dining room ay naabutan ko naman si Tita Becky at ang mga magulang ko. Napakunot ang noo ko nang tila tumigil ang mga ito sa pinag-uusapan nang dumating ako.

"Hmm? What are you talking about?" I asked him as I took my seat.

"Just your projects, Lean," si Tita Becky ang sumagot kaya tinitigan ko ito. Hindi naman siguro nito sinasabi ang bagay na hindi nito dapat sabihin sa mga magulang ko.

It's part of our agreement.

"Yes, Becky mentioned that you have shows lined up for the whole year next year," Mommy smiled at me. "I'm really happy that you're doing what you love," she added and I gave her a small smile.

"Mom, hindi lang naman ako ang kasama sa show. Marami kaming models. Isa lang ako sa mga models," sabi ko naman habang naglalagay ng pagkain sa plato ko. "Where's Enzo?" I asked her after.

"He went out early," si Daddy ang nagsalita. "How's your sleep?" he asked me before drinking his coffee.

"It's fine," I simply replied before eating. Nakapaglagay naman ako ng concealer kaya alam kong hindi naman napapansin ang pangingitim ng ilalim ng mga mata ko.

"Thunder called and–"

"Hon, later. We will talk about that later," pigil naman ni Mommy sa sasabihin ni Daddy. I saw her glanced at Tita Becky. Marahil ay dahil walang alam pa sina Tita Becky sa nangyayari.

Tempted to Touch 2Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz