Giovanni Clark: Gone Crazy (G...

By frosenn

121K 5K 12.1K

Giovanni Clark A. Smith is a student model, a top student, a rich kid, a charismatic good-looking man. He def... More

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue (1 of 2)

Chapter 28

1.5K 99 190
By frosenn

Chapter 28

Sweetheart


Natahimik kami sa byahe. Hindi ko na rin pinagpatuloy ang iba kong tanong. After that, I don't think I have enough bandwidth to discuss them and go through the same flow of discourse.

Nangamba ako na kahit anong tanong ang ibato ko sa kanya, makakahanap siya ng paraan para ibalik ang usapan... sa nararamdamang... sa planong...

Fuck. This is wrong in so many ways.

Napapikit ako, iniwasang gumalaw nang kahit konti dahil hindi na ako magugulat kung pati ang paghinga ko, kalkulado na rin niya.

Nakatulong din ang lamig sa loob ng sasakyan. Effective iyon. Naninigas na ako.

As if he could read my internal laments, an item of heavy fabric fell into my lap.

Pagkamulat, natagpuan ko roon ang pamilyar na official jacket, iyong suot niya kanina. May tatak at logo ng CBI at Mackenzie... kasama ang apelyido niya sa likod at kaliwang bahagi.

Smith.

"Put that on. You're cold," Gio said quietly as he adjusted the temperature.

Hindi na ako nagsalita. Sinilid ko na lang ang mga kamay sa loob ng jacket habang nakapatong iyon sa akin.

Hindi ko kayang suotin pa ang jacket niya. Pakiramdam ko, ibang usapan na iyon. Na kapag nagtuloy-tuloy na, mahirap nang pigilan. Masyado nang... komportable.

And also... Elia?

Tama ba ang pagkakarinig ko kanina? Hindi ko sigurado kung pinaglalaruan lang ako ng sarili kong pandinig, pero hindi matatawaran ang kabang naramdaman ko pagkabitaw niya ng salitang iyon.

Is that nickname common... or easy to make up? I'm not sure. I don't even want to think about it...

"Dyan na lang ako sa tabi."

Hinanda ko na ang mga gamit pati ang sarili ko. Sinuri niya ang paligid at kahit may bahid ng pagdududa sa mukha, sinunod niya ako.

Sa ngayon, sigurado akong mare-realize niyang dito pa rin ako magpapababa sa kaparehong bakanteng lote. It wasn't the first time he offered sending me home. At tulad noon, hanggang dito lang dapat siya.

"Is your residence around here? I seem to recall saying I'll drop you off at your place."

Mataman niya akong pinanuod habang kinakalas ko ang seatbelt.

"Hindi na. Makitid ang daanan sa amin. Baka mapano pa ang sasakyan mo? Isa pa, maraming chismosa na kapitbahay. Pag-uusapan pa tayo."

I heard him scoff as he busied himself with his phone to check if there were any important updates or reports, as if it was a habit of his whenever he has free time.

Madalas ko iyong napapansin sa kanya. Hindi sa social media o ibang entertainment apps. Kung hindi titingin sa files, diretso lagi sa email at sa kung anong statistic dashboards.

"I don't think it's your loss though," I heard him whisper rigidly to himself.

Tignan mo ang antipatikong 'to.

It's not that I want to lie to him. Bukod sa nahihiya ako sa hitsura ng bahay namin, baka maabutan pa kami ni Mama sa daan o harap ng bahay. That's the last thing I want to happen. Ayokong dagdagan ang mga bagay na ikasisira ko rito.

Gio is not the issue, alright. He is every mother's dream son-in-law. Kung mayroon man, iyon ay ang kapiranggot na tiwala sa akin ni Mama. Imbes na mag-aral, inaatupag ang...

I squeezed my eyes shut, hearing my mother's usual litanies in my head.

"Malapit na lang sa amin. Sige na..."

Walang tingin-tingin, umamba akong bubuksan ang pinto nang natantong naka-lock pa iyon. Bigo akong humarap sa kanya pero agad din iyong napalitan ng pagkabigla.

Natagpuan ko siyang tahimik na nakapikit sa kinauupuan, nakahalukipkip at payapa, ngunit may bakas ng pagod sa hitsura.

Unable to look away, I found myself fondling my ring with shaky fingers.

"Elia..." I uttered under my breath, recalling what he addressed me earlier.

Unti-unti siyang dumilat. Nanatili lamang siya sa ganoong pwesto bago lumingon sa akin kalaunan.

Mapait akong ngumiti sa kanya nang natagpuan ko ang mga mata niya sa akin.

"Don't... ever call me again like that."

"And if I do?" he fired with a more challenging tone, unfazed by my sudden emotional remark, but eyes languid.

Marahan akong umiling para ibsan ang panginginig ng lalamunan.

"I don't deserve that..."

It's been... four fucking years, Riz. Haven't you been miserable enough to torture yourself like this?

Nanatiling tahimik si Gio. Hindi siya nagsalita kaya napagpasyahan kong dugtungan iyon para padaliin 'to sa kanya. Of course, if I only put it that way, he won't understand.

"That name belongs to someone else."

It wasn't mine. Simula nang nawala si Tobie, hinayaan kong baunin niya ang pangalang iyon kasama niya. I don't deserve that name he bestowed upon me.

Umayos na ng upo si Gio ngunit nanatili ang mapanuring mata sa akin.

"That's a name gave you, so that's yours."

Dinaan ko na lang iyon sa pagak na tawa. "Hindi bale na. Hindi mo rin naman maiintindihan."

"Hm," he then covered his mouth with his fingers as he fixed his piercing gaze on me. "I wonder..."

See? He won't get it. Matamlay na lang akong ngumiti sa kanya.

Hindi ko siya masisisi. For him, it's just another name to call me. Wala siyang ideya tungkol sa unang pinagmulan no'n, kaya hindi na dapat pagtalunan.

His intelligence also has its limits when it comes to things like this. But for sure, he's smart enough to notice that I'm uncomfortable.

Hindi rin nagtagal ay hinayaan na niya akong umalis. Nagpasalamat ako sa imbitasyon at paghatid niya. Muntik ko na ring makalimutan pero buti na lang, nakabalik pa ako para i-congrats siya. Nawala sa isipan ko!

Naabutan ko si Kuya sa sala habang si Mama naman ay abala sa kusina. Since hindi naman ganon kalayo ang pagitan ng mga parte sa bahay, rinig ko ang munting pagtatalo nila.

"Matutulog na rin po ako. Hindi na kailangan niyan."

Bumagal ang kilos ko papasok ng bahay. Mukha kasing seryoso ang usapan nila. Tinabi ko ang katatanggal lang na sapatos at sumulyap kay Kuya.

Tumayo ito nang nakita ang pagdating ko para daluhan sana ako sa pagpasok. Iyon nga lang, sa kalagitnaan ng pagsasalita ni Mama, natigilan ang kapatid at tila napigtal na ang iniingatang pasensiya.

"Hindi kailangan? Naririnig mo ba ang sarili mo, 'nak? Paano ko ito palalagpasin? Humakot ng pagkaraming award ang anak-"

"Ma, please! Enough of this!"

I flinched.

Imbes na bumaling si Kuya kay Mama na bagong labas sa kusina, ako agad ang hinanap ng mga mata niya. Hindi matatawaran ang pag-aalala roon pero tumatak sa akin ang mga sinabi ni Mama.

Naagapan man ng kapatid, pero halatang puno ng kagalakan at pananabik ang boses nito. Gamit ang tonong... kailanman ay hindi ko narinig para sa akin. Ni hindi pamilyar ang ganoong tinig niya sa pandinig ko. Ni hindi ko alam... na posible pala niyang magawa 'yon...

Natanaw ko itong may hawak na kaldero, laman ang paboritong ulam ni Kuya Orpheus. Nilapag niya iyon sa hapag-kainan katabi ng malaking cake... na tiyak kong personal niya pang ginawa para sa okasyon.

Kita ko ang unti-unting pagkabura ng ngiti sa mga labi ni Mama nang natagpuan ako sa tabi ni Kuya.

As if the misery from my observation wasn't painful enough, my heart eventually faltered when I spotted two well-prepared dinner set-ups on the table.

And... you know what's funny?

There are three of us here.

"Akin na 'yan. Kumain ka na..." buntong-hininga ni Kuya sabay abot sa bag ko.

Mapait akong ngumiti. Iniwas ko ang gamit sa kanya.

"Naku! P-Pinaghandaan ka ni Mama, Kuya, oh? Kakakain ko lang kanina, kaya busog pa ako. Pagbigyan mo na si Mama..."

Halata sa hitsura ni Kuya na ayaw niya sa sinabi ko. Umigting ang kanyang panga bago umiling.

"Sabay-sabay tayong kakain. Magbihis ka na muna. Hihintayin ka namin dito," he declared like nothing's gonna change his mind.

Agad lumukot ang mukha ni Mama.

"Ano ka ba naman, Orpheus? Pumirmi ka na rito! Lalamig ang pagkain kung hihintayin pang-"

"Kakain din si Rizette, Ma. Kasabay natin," mariing kataga ni Kuya sabay baling sa direksiyon niya.

Umiwas ako ng tingin. Ramdam ko ang pagdiin ng hawak ko sa mga gamit bago ko napagpasyahang umakyat na. Pero bago pa man ako tuluyang makaabot sa hagdan, muling sumabat si Mama. At sa pagkakataong 'yon... parang nagimbal ang buong pagkatao ko.

"Bakit pa hihintayin kung pwede namang mauna na tayo? Hindi naman para sa kanya ang mga hinanda ko kaya hayaan mo siyang mag-inarte. Ikaw ang pinarangalan ngayon, 'nak. Ni hindi nga 'yan nakasali, 'di ba? Paano, iba ata ang inaatupag?"

Pumikit ako nang mariin... kasing diin ng pagkuyom ko sa mga palad ko.

I knew it. I fucking knew it! Paano na lang kung talagang hinatid ako rito ni Gio? Paano kung nahuli ako ni Mama na kasama siya?

Oo at desenteng lalaki 'yung tao. Higit pa nga! Pero iba ang opinyon ni Mama sa ibang tao, sa opinyon niya sa akin. She even sees the best in people, in strangers, even more than her own daughter!

That poor little child! Deprived of her mother's love! Oh, wait... That's so fucking me!

Kahit nagngingitngit ako sa hindi ko mapangalanang emosyon, nanatiling tikom ang bibig ko. Akala ko'y mauugatan pa ako sa pwesto nang biglang pumagitna si Kuya... tulad ng lagi niyang ginagawa.

I felt his huge palm on my shoulder as he hushed me... as if what happened will make me cry. Bahagya iyong bumigat at gumalaw nang tingin ko'y bumaling muli siya sa gawi ni Mama.

He scoffed. "Stop acting like our team won the first place, Ma. Pangalawa lang kami."

"Pero iyon ay dahil kailangan mo pang makisama sa mga 'yon! Kung wala kang ibang binubuhat, panalo kayo, Orpheus. Sigurado ako! Tignan mo nga? Lahat ng sinalihan mo, naipanalo? Hindi ikaw ang proble-"

"You don't know what you're talking about," may halong sarkasmo sa mababang halakhak ni Kuya, tila nakarinig ng isang malaking kahibangan.

"Alam ko! Kaya nga kahit hindi naman nanalo ang team niyo, marami kang nahakot, 'di ba?"

"It doesn't matter. We still lost. I failed to...lead my team to victory."

Tuluyan nang bumaba ang mga kamay ni Kuya. Hindi man lang ako gumalaw sa pwesto. Para akong nawalan ng kaluluwa sa mga naririnig. Lalo na nang unahan muli ni Kuya ang akmang pagsasalita ng ina.

"But last year, Rizette's team did... My sister did a good job, Ma. Nakita mo sana 'yon..." His voice croaked softly.

Namilog ang mga mata ko at napaharap na ako kay Kuya. Kita ko ang paglandas ng pinagsamang kalituhan at iritasyon sa mukha ni Mama, pero namayani sa akin ang gulat mula sa sinabi ng kapatid.

"You should have been so proud of her... just how much I've been. At ngayong taon, nanalo ulit sila. Mas humigpit ang laban kaysa noon, pero kung nandon ang kapatid ko? Kung nandon si Rizette, Ma? Makikipag-agawan ng medalya at tropeyo sa akin 'yan."

Nag-init ang gilid ng mga mata ko. Ang kaninang kamao na namimilipit sa... kung anong emosyon... ay unti-unting nanghina.

Bahangyang humarap si Kuya para ipatong ang kamay sa aking ulo. Magaan iyon nang haplusin ang buhok ko.

My mind went hazy and lightheaded, probably confused at the sudden change of my emotions. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at napaiwas ng tingin.

Kuya Orpheus was just flattering me. He was just trying to defend me, saving me from my imminent breakdown.

I don't deserve it. I don't deserve my brother's kindness. He's always been the most perfect... the brightest, and purest of all. I couldn't take it. He deserves the best things in the world. If anything, he doesn't deserve this kind of family...

Padabog na hinila ni Mama ang upuan, ilang sandali, at pabagsak na umupo roon. Tuluyan nang nasira ang matingkad niyang araw kanina.

"Ganon ba? Parang iba ata ang narinig ko."

Nagpantig ang tenga ko at tulalang napatitig kay Mama. Pati si Kuya ay hindi nakaimik dahil pareho kaming walang ideya sa kung ano raw ang narinig niya.

What did she mean by that?

Walang tingin-tingin na nagsandok si Mama ng ulam sa kanyang plato, para bang hindi narinig ang kwento ni Kuya o sadyang wala siyang pake roon, dahil nga iba ang narinig niya.

"Muntik na raw silang matalo dahil sa pinagmamalaki mong kapatid? Malamang, kaya hindi na kinuha at pinilit ng school 'yan, na-realize nilang palpak. Delikado sila-"

"Ma..." May pagbabanta sa boses ni Kuya na mabilis namang inilingan ni Mama.

"Totoo naman, Orpheus! Hiyang-hiya ako habang pinag-uusapan ng iba 'yan. Nakita pa sa TV! Topnotcher? Vice President? Santisimo, tigilan! Nahihiya lang ako, lagi na lang palpak! Puro na lang ilusyon. Nakakarin-"

The next thing I knew, I was running away from the house the moment my limbs weakened and my things loosened up from my hold. At the same exact time, my sanity slipped away from my fingers.

Is she a bad mother? No. Am I a bad daughter? Yes!

For her, I killed my own father—no, I killed her husband! My luck has long perished and everything fucked up from then on. In short, palpak! Kaya nga laging takot na takot ako, hindi ba? Praning? Ayan, inamin ko na kasi totoo naman!

She still believes I was the cause of his death, I was to blame forever, so there's nothing worse than that. Not even the disrespectful way she treated me as a mother!

Doon naman nagsimula ang lahat ng 'to, hindi ba? O baka... araw pa lang na isilang ako, kasuklam-suklam na talaga? I don't know. I couldn't recall any touch of warmth from my mother at all... Not in the slightest.

But damn. Was it so hard to tell me why? What did I do so wrong in the past? Way past... that? She should've told me so I could do it right! So I could know how to be acceptable! How to be qualified! Because God knows how I wanted... to be called her daughter... her own blood and glory.

At baka nga nakalimutan niya, na anak din ako ni Papa. Gusto ko rin mangulila rito. Gusto ko ring magluksa! Tulad nila ni Kuya! Pero parang... parang wala akong karapatan. Kasi ako raw ang dahilan...

Tinawanan ko ang sarili, halos masiraan na ng bait.

Unting-unting bumagal ang takbo ko. Hindi ko namalayang medyo nakalayo na rin ako sa amin. Nakalabas na pala ako ng gate ng subdivision kaya dama ko ang pintig ng puso sa pagod. Hinihingal pa akong tumabi sa kalsada para lang habulin ang hininga ko.

I brushed my hair off my face as I put my other hand on my knees, trembling. Sinilip ko ang pinanggalingan. I saw no one following me.

"Ha," I chuckled as I caught my breath.

Kuya kept calling my name earlier when I ran but then, he must've realized that in times like this, I prefer to be alone. O baka, pinigilan siya ni Mama para ipagpatuloy ang salusalo nilang mag-ina.

Pumikit ako at dinama ang sariwang hangin ng dapit-hapon. Then, just like that, a stubborn flashback of earlier crawled into my memory like a nightmare.

Mali bang kahit minsan, ipanalangin ko na ituring din akong anak ng sarili kong ina? Mali ba iyon? Hindi ba nila alam na tuwing naaalala ko ang pagpanaw ni Papa, mas nangingibabaw ang konsensiya't pagsisisi ko, kesa sa pangungulila? Para akong kriminal.

Wala ba akong karapatan, tulad nila, na magluksa rin sa pagkawala ni Papa? Wala ba talaga? Hindi ba talaga pwede 'yon? Hanggang kailan ako dapat magdusa at mabalot sa kadilimang 'to para mapatawad niya? Mapakla akong natawa dahil una sa lahat, sino ba ang nagsabing matatapos ito?

Riz, you're trapped. There's no way out. The moment you failed to see your father's pain and suffering, you're bound... to fucking pay for that...

So, no. You have no right to be sad, mourn... or even cry. Not even a drop, Riz. Be fucking ashamed.

Matamlay akong ngumiti sa kawalan. Then a thought suddenly came to my mind.

What if... the reason why they deprived me of mourning thoroughly... like a normal bereaved child... is to prevent me from getting into the grieving process? So there's no acceptance phase nor closure... So I can't be able to progress and move on...

Napasinghap ako at napatakip ng bibig.

Kung sa bagay, baka nga... mas mabuti na rin ito. Dahil tama si Mama. Wala akong karapatang makawala sa konsensiya at pananagutan ng kasalanan... ng pagiging makasarili ko noon. But at the same time, how are they so sure that I'd be able to move on if I start grieving? If I can't even get pass through...

Bumagsak ang tingin ko sa singsing na inosenteng nakapulupot sa daliri.

Through this one...

Hindi ko namalayan kung gaano nako katagal na nakahilig sa dingding. Kung hindi ko pa maririnig ang paghinto ng isang sasakyan sa harap ko, at ang pagbagsak ng pinto noon, hindi pa ako matatauhan.

Pagkamulat, agad natagpuan ng mga mata ko ang matamang titig sa akin ng lalaking bagong labas ng kotse, na papalapit sa akin ngayon.

Napaayos ako ng tayo. Gumapang ang kahihiyan sa sistema ko.

"What are you doing here?" aksidente naming tanong nang sabay.

My lips formed into a thin line as I stared at Giovanni Smith.

Lalong nadepina ang iritasyon sa kanyang hitsura nang tumigil siya sa harap ko, ilang dangkal lamang ang layo sa akin.

Nang natantong hindi ako sasagot basta-basta, inangat niya ang kanyang kamay.

"You left your phone in my car."

I gaped. Hindi ko napansing naiwan ko 'yon.

On impulse, I tried to reach for my phone in his hand when he suddenly stepped back and put it down with a swift spin.

"Ikaw? What are you still doing here?" he probed in a critical and negotiating manner, as if he won't surrender the phone unless I answer.

Matamlay akong napailing. "Dapat bukas mo na lang inabot. Sa school. Bumalik ka pa tuloy rito..."

Saglit siyang napaisip doon. Ikiniling niya ang ulo at may halong duda nang inangat ang kilay sa akin.

"Imagine me telling those exact words in front of many people. Who knows what they'd think?" He smirked languidly at me. "You left your phone in my car, Ophelia... last night."

Natigilan ako pero agad ding naisip na hindi naman kailangan na ganoon. He's just being nonsense right now. I sighed.

"Thank you for bringing back my phone..." Wala na talaga ako sa sarili.

Pansamantala siyang nanahimik, mapanimbang pa rin ang titig. Umigting ang kanyang panga pagkatapos ng ilang saglit.

"What's the problem?" he asked, this time, with authority and softness combined. "Answer me, Ophelia, so I can help."

Saglit ko siyang pinagmasdan. For some reason, I found it ridiculous that he seemed more troubled than me now. Tipid akong napailing at tinabunan na lang ng pagak na tawa ang kung ano mang iniisip.

"Nagpapahangin lang ako. 'Yun lang, kaya akin na ang phone at-"

"Did something happen at home?" Nanatili ang seryoso niyang mukha.

My lips parted upon hearing him deduced everything just like that. Pero bago ko pa man siya mabigyan ng isa pang pagkakataon para makumpirma niyang tama siya, tinapatan ko na ng talim ang titig niya.

"Wala. Nagpapalamig lang ako sabi!" Maging ako ay nagulat sa bigla kong pagsigaw. I swallowed hard to calm my nerves before glaring at him. "Akin na ang phone, Gio. Stop playing with me."

He stepped closer with futile animosity in his air.

"Who said I was playing?"

Mahiwaga ko siyang tinignan, hindi magawang makatugon doon.

Naalala ko ang kasunduan namin. Kung bakit nag-aaksaya siya ng oras sa akin ngayon. He said he wants to prove himself to me and earn my trust. Kaso paano 'yan? Hanggang ngayon, misteryo pa rin sa akin ang mga dahilan niya. But at some point, I discovered myself letting him... as long as he's not doing something funny.

Giovanni worked his jaw before licking his lips as if he was putting himself under control.

"What's the matter? I can help..." sa namamaos niyang tinig habang hinuhuli ang tingin ko. "At least tell me how I can help. Is that okay?"

Inalala ko ang nangyari sa bahay. Ang mga sagutan nila Kuya. Ang pang-iinsulto sa akin ni Mama nang harap-harapan.

Sa puntong ito, hindi ko alam kung kaya ko pang bumalik doon. Bukod sa nagpupuyos kong damdamin at... tampo, hindi ko rin alam kung anong mukha ang maihaharap ko pagkatapos kong lumayas. Ang lakas ng loob ko, pero ano ito ngayon...

Just the mere thought of going back to that hellhole made my stomach hollow... and my blood ran cold.

Binalik ko ang tingin kay Gio na tahimik at matiyagang naghihintay sa tugon ko. Umiwas ako ng tingin at napabuntong-hininga. I don't know if it's alright, but...

"U-Umalis ako ng bahay. Hindi ko pa kayang bumalik. Ayokong... bumalik."

Iyon lang ang nasabi ko. Pero sa rahan ng tango at lalim ng iniisip niya, akala mo'y sapat na iyon para mapagtagpi-tagpi ang nasa hinala.

"I can book you a hotel if you want." First sentence pa lang, parang gusto ko nang magprotesta sa nailatag niyang plano sa utak. "Then you'll rest first, before we resolve this-"

"Hindi! Hindi ko sinabing gumastos ka! I can find a nearest motel by myself. Kaya ko na!" Umiling ako para may patunayan. "And we? No, Gio. Ako na ang baha-"

"I thought we already established that I'd help." His jaw hardened.

Napahilamos ako ng mukha sa sobrang frustrated. Nasabi ko lang 'yon kasi gusto kong ilabas ang sama ng loob... kahit konti. Mabawasan man lang bago ko gawan ng paraan 'to. Hindi ang...

"Fine," labas sa ilong kong sagot. "Pero sa ibang paraan. Hindi na kailangang gumastos ka para sa akin."

That was the last thing I wanted to happen. Kilala niya ako pagdating sa larangang ito. Alam niya iyon.

Labag man sa loob, mabagal siyang tumango sa akin.

"Then, do you have a problem staying at my place?" He cocked his head as he waited for a reaction from me. "It will cost you nothing... Both of us."

The light on the post beside us finally came to life. I sneered to myself when I imagined it a paid actor to add emphasis on Giovanni's aristocratic features under the moonlight, making his damn offer... more tempting.

Funny how the situation escalated to this. I couldn't even believe myself dwelling on the tiniest details. Like how I was still wearing the same uniform and he was still sporting his formal attire... on our way to his condo.

Unlike earlier, we took the express way. Hindi ko alam na pwede pala iyon, kaya bakit hindi niya ginawa pagkahatid sa bahay kanina?

Apollo did pick me up for school before. But I didn't remember our travel this fast.

Pagkarating sa tower, tahimik kami habang kinukuha ng valet ang susi kay Gio. Propesyunal iyon hindi tulad ng ibang empleyado pagkapasok namin sa gusali.

Some of them shamelessly stretched their necks just to take a glimpse of our way. Hindi ko sigurado kung ganito lagi tuwing nadaan ang kasama, o dahil naninibagong may kasama ito ngayon.

Either way, Gio didn't seem to bother. Tipid itong ngumiti at tumango sa mga nabati, wala pa ring imik habang nasa exclusive elevator patungo sa kanyang penthouse.

"That's fine. Thank you for arranging it for me."

Kinausap niya saglit ang receptionist ng kanyang lobby. Nanatili ako sa hamba ng pinto ng penthouse. Pagkaharap niya sa akin, dahan-dahan siyang lumapit.

"When they heard I'm going home with someone, the establishment is kind enough to serve us dinner. Didn't cost me a penny," he emphasized as a disclaimer before putting his thumb on the entrance for a scan.

"Hmm," hindi na pumalag kahit medyo duda roon.

When the door widened, it revealed the familiar interior of Gio's penthouse. Huge, bachelor, and straightforward.

Pinilig ko ang ulo ko nang tumigil kami sa dining table.

Hindi ko pa nagustuhan ang kaisipang pamilyar nga ito sa akin. At mas magiging pamilyar pa pagkatapos ng gabing ito.

"You want to shower or dine first?" aniya sa kabilang side ng table habang tinatanggal ang cufflinks ng kanyang dress shirt, mas magaan na ang titig sa akin ngayon.

"Dinner first. Saka na magsho-shower bago matulog..." because that's my routine.

"Alright. Dinner first," he remarked as if taking note of something.

Hinila na niya ang upuan sa gilid niya pagkatapos tupiin ang manggas ng dress shirt hanggang siko. Tumango ako at ginaya siya.

Gio removed the two dome-shaped coverings to open the dishes. I wasn't familiar with the specific names of the fancy foods before us, but I saw a balsamic-drizzled grilled chicken at the center of his plate with vegetable salad around it for a balanced meal.

As per my plate, it contained salmon with steamed asparagus and chargrilled mixed vegetables, then a plain baked potato as a side.

I arched my brow. No rice.

Humugot ako ng malalim na hininga bago simulan ang pagkaing nasa harap ko.

It felt like I was eating at a fine-dining. Is this how he usually eats? Hindi ako makapaniwala kahit halos maubos ko na ang malinamnam na pagkain.

Payapa naming natapos ang hapunan. Walang nangahas na bumali ng katahimikan. Gio was as refined and graceful as ever. Napilitan tuloy akong kumain nang mahinhin.

After that breathtaking dinner, he introduced me to one of his guest rooms. Kumpleto ang gamit doon kaya hindi ko matawag na guest room.

Kahit hanggang pagligo, tulad dati, may nakahanda na ring rack kung saan nakasabit ang ilang sleepwears na pwede kong pagpilian. May tags pa lahat!

Ngumuso ako. Ilang babae ba ang nadadala ng isang 'yon dito at parang laging handa?

As the water from the shower trickled on my head, down to my shoulders, torso, and feet against the cold floor, I prayed that all my worries will be washed away, too. Just for this night. It may appear like I was escaping from my problems, but maybe I really am. It has always been like this.

Kahit anong gawin kong pagpapasikat kay Mama, kung hindi mababago ang opinyon niya sa akin, walang silbi ang lahat. The least I can do is to swallow my pride, leave it behind, and act like nothing happened. For years, that was how I lived.

Pinikit ko ang mga mata para salubungin ang pagtusok ng mga tubig sa aking mukha.

Kahit ang pag-amin na pagod na ako... at ubos na ubos na, wala iyong silbi sa sitwasyong ito. Ako lang ang kawawa. Escape is the only privilege life has given me.

Endure it a little bit more, Riz. Those are just words, you shouldn't take it to heart. You might lose some of your sanity, but you must understand that she already lost her life.

That's the sad and painful truth. After my father died, I lost my mother, too.

Pinihit ko ang shower at unti-unting humina ang tubig na bumabagsak sa katawan ko.

Pagkatapos maligo at magbihis, pinapatuyo ko ang buhok nang nadatnan ang isang baso ng gatas sa nightstand ng guest room. I then instantly imagined Gio sneaking into the room to bring this glass like a feline black cat. All of it while I was busy in the shower.

Mainit pa rin iyon kahit halos inabot na ako ng isang oras sa bathroom, mukhang bagong timpla.

I sat on the bed as I finished the milk. After agreeing that I'd stay the night at his place, he didn't dare ask any more questions about my situation which I preferred.

He was silent and considerate–malayong-malayo sa inaasahan ko. Sa kotse pa lang, inakala kong pauulanan niya ako ng tanong tulad kanina, pero hindi. He was so unpredictable and mysterious.

Nilibot ko tingin sa buong silid. How did I end up here anyway? It wasn't the first time I ran away from home. There were times I'd call Apollo to seek temporary shelter. Ngayon lang nagkaganito. Of all people, fate gave me Giovanni tonight...

Tapos ko na ring patuyuin ang buhok nang maubos ko ang gatas.

It was quarter to nine when I went out of the room to put the glass back on the sink and fetch myself a glass of water. Hindi kasi ako makakatulog nang hindi nainom kahit konting tubig. Nanunuyo ang lalamunan ko.

Sinulyapan ko ang master's bedroom kung saan matutulog si Gio. Sarado iyon at tahimik kaya naisip kong baka tulog na.

Kaya naman pagkadaan sa living area at natagpuan ko ito sa kabilang dulo ng malawak na palapag, nakatayo sa tabi ng coffee table at nakaharap sa tanawin ng syudad, pansamantala akong napatigil.

Turned out I wasn't the only one who found it hard to sleep tonight. O baka may inaasikaso pa dahil napansin ko ang nakabukas na laptop sa coffee table.

I sighed. Dahan-dahan akong lumapit sa lababo para ilapag ang tasa. Mukhang hindi niya napansin ang kaluskos na nagawa ko. Saka lang siya humarap nang magtanong ako.

"Kukuha ako ng tubig. Okay lang ba?"

Our eyes met, making his appearance more visualized.

Wearing a plain white shirt, Gio was holding a cup using his right hand and his left was inside the pocket of his black cotton pants.

"Suit yourself," he nodded lightly before sipping on his cup.

Binuksan ko ang ref at nagsalin ng tubig sa kinuha kong baso. Pagkatapos noon, sumandal ako sa sink at sinabayan siya sa pag-inom, tahimik pa rin ito at walang balak na pahabain ang usapan.

Pinanuod ko siyang ilapag ang tasa sa mesa at yumuko para mag-type sa laptop. He even used the mouse to scroll a bit, giving me no attention at all.

For unknown reason, it confused and pissed me to bits. Maingat kong nilapag ang pangalawang baso sa sink bago napagpasyahang lumapit doon.

As I neared his post, the city lights that night came into view on the other side of the glass wall. Nakahawi ang floor to ceiling na kurtina sa gilid kaya malaya kong na-appreciate ang tanawing pinagmamasdan niya kanina.

Come to think of it, I spotted him here last time, too. Baka favorite area of the house niya? I couldn't blame him though. The overlooking view was just so magnificent, admiring, and refreshing.

"What are you doing here? You should go to your room," puna niya sa paglapit ko bago umayos ng tayo.

Umiling ako. Pinasadahan ko ng haplos ang sandalan ng silya. His cold gaze went there before shifting it back to my face with a roll of his eyes.

"Can't sleep yet. Magpapaantok pa ako."

Humalukipkip siya sa akin. Nadepina tuloy ang pagsikip ng manggas sa kanyang braso.

"Do you have homework? Gawin mo sa kwarto mo."

"Bakit mo ba ako pinipilit umalis? Kanina lang, kinukulit mo akong sumama sayo. Bakit, busy ka na ba?"

Suplado niyang inangat ang kilay sa akin, tila hinuhusgahan ang biglang paghihimutok ko, bago tapunan ng tingin ang laptop sa mesa.

"As you can see," he retorted and scoffed. "...but nothing urgent."

"Good. Because we need to talk."

He nodded before taking care of his laptop sluggishly. May saglit siyang tinipa roon bago tuluyang i-off ang device.

Another sip on his cup and then he beckoned me to sit, and so I did. Umupo siya sa katabing silya sabay krus ng parehong braso at binti.

"Whenever you're ready," he spoke using his deep baritone.

"Hindi tungkol sa... nangyari sa bahay kanina. I actually want to clear things up with you, dahil marami akong tanong."

"Uh-huh," Giovanni then leaned forward to level his face with me. "What is it about us that you want clarification with?"

About us. Muntik na akong masamid doon. Pero bago pa maghuramentado ang sistema, bahagya akong umatras sa pagkakaupo.

"You said you want to make it up to me. Then, can you be more specific about that?" Panipis nang panipis ang boses ko. "What made you suddenly do all this? Why are so... kind... all of a sudden?"

Unang tanong pa lang pero halatang hindi na niya nagustuhan.

"You think I'm doing this on purpose? Because I have a plan?" Bakas ang pagdududa sa reaksiyon habang umaayos ng upo.

Mabilis akong umiling. That's not my point!

Not that I wasn't really doubtful of his intentions. Siguro sa loob-loob ko, may parte pa rin sa akin na nag-iingat, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nagtatanong.

At isa pa, hindi ko maiwasang manibago. Hindi ko mapigilang hindi ikumpara ang karanasan noon kay Yves.

Tuwing tinatangka kong magtanong ng mga bagay na tulad nito, he would turn it down; he wouldn't entertain me at all. Kaya naman sa pagkakataong ito, gagawin ko ang lahat para itanong ang mga gumugulo sa isipan ko.

I realized that in order for me to get the result I want, I should also give my cooperation by answering his questions honestly, transparently, and without reservations.

After a while, I put up a serious face to convince him.

"I'm not suspicious of your intentions, I'm just curious about the sudden changes... in how you treat me..."

Seryoso ngunit naninimbang pa rin ang kanyang titig sa akin. Tinanggal niya ang pagkakahalukipkip ng mga braso pero nanatiling nakadekwatro ang mga hita.

Sa ganoon posisyon, tinuon niya ang siko sa mesa at hinilig ang sentido sa kamao, diretso ang mga mata sa akin.

"Then, what do you think of how I treated you before?"

"Differently. From other people."

"Hmm," he then licked his lips, pondering. "How about now?"

"Still... different," I answered hesitantly when I realized it didn't almost make sense.

He gave a lopsided grin and laughed heartily. Mabilis din siyang naka-recover ngunit may multo na ng ngiti sa mga labi. Napasimangot tuloy ako.

"Would you rather receive the same treatment as everyone else?" he meaningfully eyed me.

"Bakit hindi? Lalo na noon. You were discriminating-"

"That's not true," he cut me off using a voice barely above a whisper. "I let you see parts of myself, sweetheart... even the parts I'm afraid to show anyone else."

My lips parted a bit, especially when in that same position, Gio extended his right hand to tuck some strands of my hair.

"If only you could get into my head, you wouldn't want to be anyone else," he then played with the tip of my hair before permitting himself a sweet delicate smile.

My breathing hitched. I was no longer aware of my surrounding as I fixed my attention only on his face which, in the first place, felt illegal to look at.

"Then I remember... the real problem is that you're living rent-free in my head, sweetheart. But I'm not mad..."



January 26, 2023
#GCSeries1

Continue Reading

You'll Also Like

29.7M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
26.8M 930K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
13.1M 496K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
3.5M 114K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...