Stuck At The 9th Step

By Khira1112

2.8M 94.5K 45K

Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story. More

PROLOGUE
CHAPTER 1 : GEORGE
CHAPTER 2 : DELGADO
CHAPTER 3 : ARCHITECTURE STUDENT
CHAPTER 4 : DRILL
CHAPTER 5 : WALLPAPER
CHAPTER 6 : TOWER OF PRIDE
CHAPTER 7 : FIRST GAME
CHAPTER 8 : LOOK UP
CHAPTER 9 : FALL
CHAPTER 10 : JUDGE
CHAPTER 11 : CONCLUDE
CHAPTER 12 : FLIGHT
CHAPTER 13 : INVADE
CHAPTER 14 : CONFIRM
CHAPTER 15 : DEFENSE MECHANISM
CHAPTER 17 : WHITE LIE
CHAPTER 18 : DARE
CHAPTER 19 : MEET AGAIN
CHAPTER 20 : TAKE A CHANCE
CHAPTER 21 : RHEA
CHAPTER 22 : NOT A GOOD GIRL
CHAPTER 23 : DREAM TOGETHER
CHAPTER 24 : PLEADING
CHAPTER 25 : THREE YEARS
CHAPTER 26 : SET UP
CHAPTER 27 : ENDS
CHAPTER 28 : SERVICE
CHAPTER 29 : RUN
CHAPTER 30 : WITHOUT ME
CHAPTER 31 : LAST STRIKE
CHAPTER 32 : COPE UP
CHAPTER 33 : NONE
CHAPTER 34 : GRADUATION
CHAPTER 35 : OLD SELF
CHAPTER 36 : PUSSYCAT
CHAPTER 37 : SITE
CHAPTER 38 : BULLET
CHAPTER 39 : MASK
CHAPTER 40 : YOURS
CHAPTER 41 : COBY
CHAPTER 42 : MAN OF MY OWN
CHAPTER 43 : HATRED
CHAPTER 44 : GET HER BACK
CHAPTER 45 : FIGHT
CHAPTER 46 : REBOUND
CHAPTER 47 : AIRPORT
CHAPTER 48 : SCHEME
CHAPTER 49 : SUCKER
CHAPTER 50 : THROW IT
CHAPTER 51 : SHINN
CHAPTER 52 : MADNESS
CHAPTER 53 : FEISTY
CHAPTER 54 : CHILDHOOD MEMORIES
CHAPTER 55 : FAULT
CHAPTER 56 : STRANGER
CHAPTER 57 : COWARD
CHAPTER 58 : CAPS
CHAPTER 59 : PHOTOGRAPH
CHAPTER 60 : SO WRONG
CHAPTER 61 : REN
CHAPTER 62 : BLESSING
CHAPTER 63 : ADJUSTMENTS
CHAPTER 64 : POINT IT OUT
CHAPTER 65 : LAUGHINGSTOCK
CHAPTER 66 : COUSIN
CHAPTER 67 : THREE CHOICES
CHAPTER 68 : COLLIDE
CHAPTER 69 : ALONE
CHAPTER 70 : GO HOME
CHAPTER 71 : LET GO
CHAPTER 72 : SET OF CHOICES
CHAPTER 73 : SELL
CHAPTER 74 : USING YOU
CHAPTER 75 : YOUR EX
CHAPTER 76 : SICK
CHAPTER 77 : CHEATING
CHAPTER 78 : INSTEAD
CHAPTER 79 : BELLAROCCA
CHAPTER 80 : TAUGHT
LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE
LAST CHAPTER : RHEA LOUISSE MARVAL
LAST CHAPTER : COBY RAMIREZ
LAST CHAPTER : SHINN ACE ASLEJO
LAST CHAPTER : LAWREN HARRIS DELGADO
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 16 : DON'T TELL

25.9K 1K 369
By Khira1112

#SAT9S



CHAPTER 16 : DON'T TELL


Sumugod ang buong team sa ospital. Kabado kaming lahat. Kanina pa nakatiim ang bagang ko sa pagpipigil na maiyak.


"Anong klaseng aksidente?" Tanong sa akin ni Marco na halatang nag-aalala rin.


"Nabangga raw yung kotse ni Ren sa isang van," Iyon ang sabi sa akin nung babaeng kausap ko kanina.


Napamura si Marco. Naririnig kong may komosyon sa backseat pero tila nabibingi na ako. Nakasunod sa amin ang van nina Coach. Hindi ko na maintindihan ang kanilang sinasabi at nilalamon ako ng sarili kong kaba.


"Ano raw ang lagay ni Ren?" Tanong ulit ni Marco. Napailing ako dahil hindi ko rin alam ang sagot sa tanong na 'yan.


"Hindi sinabi. Ang sabi lang nasa ER siya at pumunta tayo as soon as possible. Yun lang."


"Shit. Ba't ngayon pang malapit na ang league?" Sabi ni Nathaniel na sa likod nakaupo.


Gusto ko siyang singhalan. Hindi ko na nga maisip ang league. Hindi 'yon ang dapat isipin sa oras na 'to. Ilang beses akong napalunok. Tahimik na nagdadasal na sanay okay lang si Ren.


Pagdating namin sa ospital ay tatlo lang kaming pinapasok sa ER. Ang ibang players ay naiwan sa waiting area. Ako, si Coach Dren at Trav lang ang pinayagang makapasok.


Napahinto ako nang makita ang duguang si Ren na pinagkakaguluhan ng mga doktor, Kahit may kalayuan pa ay natigilan na ako. Nahuli ako kina Coach Dren at Trav hanggang sa tuluyan na akong hindi makalakad papalapit. Tila ako itinulos sa aking kinatatayuan. Pinagpawisan ako ng malamig at tila huminto ang puso ko sa pagtibok. Hindi ko kayang lumapit.


Nakalapit na ang dalawa pero nanatili ako sa malayo. Nang nilingon ako ni Trav ay agad siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at marahan akong hinila.


"Tara, George."


Gusto ko umiling ngunit natuliro na ako. Napakagat ako sa aking labi. Nang nasa tapat na kami ni Ren ay saka ko lang nakita ang lagay niya.


Wala siyang malay. Ang puti niyang t-shirt ay halos hindi na mahalata ang kulay dahil sa dami ng mantsang dugo ro'n. May natuyong dugo sa kanyang ulo na umagos baba sa kanyang mukha hanggang sa kanyang damit. Tila malaking sugat ang nando'n. Maputla na ang kanyang mukha dahil siguro sa dami ng dugong nawala sa kanya. May mga maliliit na gasgas siya sa kanyang pisngi at putok ang kanyang kilay. May dugo rin ang kanyang braso at may pasa akong nakikita sa bandang balikat niya.


Nanghina ang tuhod ko kaya wala sa loob na napahawak ako kay Trav. Nag-iinit ang mata ko pero hindi ako tuluyang naiyak. Iniwas ko agad ang aking tingin kay Ren. Hindi. . .ko siya kayang makitang ganyan. Kinakapos ako sa paghinga at parang gusto ko na lumabas ng ER.


Naulinigan ko si Coach Dren na nakikipag-usap sa doktor at pulis. May van raw na nag-take over at nabangga nito ang driver's seat kaya napuruhan si Ren. Iyon raw ang tinutukoy na dahilan kung bakit nawalan ng kontrol si Ren sa sasakyan at nagtuloy-tuloy ang kotse hanggang sa mabangga ito sa barricade ng ginagawang building.


"May malay siya nung dinala rito." Sabi ng pulis.


"May fracture ang braso niya sanhi ng pagkabanga. Na-dislocate rin ang kanyang balikat. May sugat siya sa ulo at hindi pa namin masasabi ang epekto no'n. Maraming nawalang dugo sa kanya. Kailangan naming makausap ang magulang o kapamilya ng pasyente sa lalong madaling panahon. . ." Paliwanag ng doktor.


Narinig ako ang pabulong na pagmumura ni Trav sa aking tabi. Hindi ko siya nilingon. Nanatili ang mata ko sa doktor. May ipinapaliwanag pa ito pero hindi na 'yon pumapasok sa isipan ko. Barado ang aking lalamunan. Masakit ito dahil sa pagpipigil ng emosyon. Hindi man lang ako makapagbigkas ng isang salita. Ngunit isang tanong lang ang nasa isipan ko. Bakit siya pa?


Ilang minuto lang ang lumipas ay may isang lalaki na dumating. Nasa-late forties siguro ang edad. Isang tingin ko palang sa kanya ay nasiguro ko na siya ang ama ni Ren.


Nakatiim ang kanyang bagang at puno ng pag-aalala ang mukha. Nang makita nito ang anak ay napahinga ito ng malalim at mahigpit na humawak sa kamay ng binata. Nakita ko ang pagbabago ng kanyang ekspresyon. Mula sa matigas na aura ay parang bigla itong nanghina. Tila bibigay anumang sandali.


"I'm his father." Sabi nito. Kinausap ito ng pulis. May isa pang doktor na dumating at dalawang nurses. Wala akong magawa kundi ang manuod dahil nanghihina rin ako.


Nang mapatingin muli ako sa mukha ni Ren ay umawang ang aking labi nang makitang bahagya siyang nakamulat.


"Ren. . ." Usal ko.


Naramdaman marahil ni Mr.Delgado na bumalik ang malay ng anak. Mabilis itong yumuko at bumulong.


Napakagat muli ako sa aking labi bago mapapikit. This is too much. I can't take it. I couldn't take it.


Narinig ko ang mahina at hirap na pagsasalita ni Ren.


"Don't. . .tell Rhea. She might. . ." Hindi pa nito natatapos ang pagsasalita ay may tinurok na sa braso niya ang mga doktor. Napaungol siya na tila nasaktan. Mahigpit niyang ipinikit ang kanyang mga mata at hindi niya na 'yon idinilat pa. Tuluyan na siyang nakatulog.


Agad kong pinahid ang luhang kumawala sa aking mata. Naaksidente na siya't lahat pero iisang pangalan pa rin ang isinasambit niya. Mas inaalala niya pa 'yon kaysa sa sarili niyang kalagayan. Why are you so devoted to her Ren? Even at your worst and your life is on stake, you still think about her. Why? How?


Meron silang nilagay na kurtinang green at pinalibot nila kay Ren. Nang isara nila 'yon ay naiwan kaming lahat sa labas. Ang mga doktor at nurses lang ang nando'n. Ang ama ni Ren ay kausap ni Coach. Napaigtad pa ako nang hawakan ni Trav ang aking braso.


"George." Marahang tawag sa akin ni Trav. "Do'n muna tayo sa labas. Namumutla ka na rin."


Tumango na lang ako. Hindi ko rin ata kayang maghintay rito. Huminga ako ng malalim. Kinakabahan pa rin ako. Nang sumulyap kami kina Coach ay nakatingin sa aming dalawa ni Trav ang ama ni Ren. Ngayon ko lang napansin na naka-corporate attire pa ito.


"Coach, sa labas lang muna kami." Paalam ni Trav. Tumango si Coach sa amin. Tinanguan rin kami nung ama ni Ren bago kami umalis ni Trav.


"Sana okay lang siya. Magdasal tayo na sana hindi malala ang natamo niya." Sabi ni Trav. Huminto kami sa isang vendo machine. Naghulog siya ng coins ro'n para makabili ng bottled water. Binigay niya sa akin 'yon pagtapos.


"Salamat." Usal ko.


Nang marating namin ang waiting area ay napatayo ang ilan sa mga players. "Anong balita?" Nauna na si Nathaniel magtanong.


In-explain ni Trav ang nangyaring aksidente. Napapailing at napapamura na lang ang mga players.


"Na-dislocate ang balikat niya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Marco.


"Yes, may fracture rin daw ang braso. I guess, hindi siya makakalaro sa darating na league." Sabi ni Trav. "Pero huwag muna nating isipin 'yon. Let's hope na maayos siya at mabilis na maka-recover."


Napayuko ako. Inikot-ikot ko ang bote sa aking kamay. Hindi ko pa binubuksan 'yon. Wala ro'n ang aking isipan. Lutang ang aking pakiramdam. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong huminga ng malalim.


Isang oras ang lumipas at lumabas  na rin si Coach sa ER. Tinatadtad agad siya ng tanong ng mga players.


"Coach, maayos na po ba si Ren?"


"Ooperahan raw mamayang gabi ang balikat niya." Nanlulumong sagot ni Coach. "Mukhang malabo na makalaro pa si Ren pero ipagdasal na lang natin na mag-stable ang lagay niya."


"Hindi po ba siya stable?" Sa wakas ay nahanap ko na ang aking boses.


Umiling si Coach. "Wala pang sinasabi ang mga doktor."


Lumipas ang ilang oras at unti-unti kaming nabawasan. Nagsiuwi na ang ibang players dahil may kanya-kanyang lakad pa ito. Ang iba ay may klase pa ng gabi. Si Coach Dren naman ay may meeting pa kaya kahit gusto pa niyang manatili ay hindi maaari. Kami nila Marco, Nathaniel, Kenedic at Trav na lang ang naiwan rito.


Nang sumapit ang alas otso ng gabi ay sabay na dumating si Ervis at Leo. Katatawag lang kasi ni Marco sa kanila para ibalita ang nangyari kay Ren.


"Par, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Leo. Kabisado ko na ang detalye ng aksidente ni Ren dahil paulit-ulit nilang napag-uusapan. 


Ang sabi ni Coach Dren kanina ay nahuli ang driver ngunit hindi pa raw alam kung magsasampa ng kaso ang mga Delgado. Malamang raw ay 'oo' dahil abogado pala ang ama ni Ren.


"Manager, okay ka lang?" Tanong sa akin ni Ervis. Tumango na lang ako at hindi na umimik.


Maya-maya pa ay nagpaalam na si Marco at Nathaniel. Babalik na lang daw bukas. Kaming dalawa na lang ni Kenedic ang matibay.


"Kumain na ba kayo?" Tanong nila sa aming dalawa. Umiling kaming pareho.


Napabuntong hininga si Ervis. "Ang mabuti pa, kumain muna kayo."


"Ano bang iniisip mo dyan?" Nawiwirdohang tanong ni Leo sa dating team captain. "Baka mag-away lang ang dalawang 'yan."


Ngali-ngaling binatukan ni Ervis si Leo. Sinamaan naman namin siya ng tingin ni Kenedic. Napanguso na lang ito. "Sorry naman."


"Sige na. Kumain muna kayo. Kami muna magbabantay rito."


Tumayo na si Kenedic. Hinila naman ako ni Ervis para tumayo na rin. "Sige na. Namumutla ka na. Kumain ka kahit konti."


Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Katabi ko lang si Kenedic pero hindi ko siya ramdam. Lumabas kami ng ospital at napagdesisyunang sa fastfood na malapit na lang kami kakain.


Siya ang nag-order. Hindi niya ako siningil kaya kumain na lang ako nang ilapag niya ang pagkain sa harap ko. Walang umiimik sa aming dalawa. Isa siya sa mga players na sarap na sarap sa pang-aasar sa akin. Mabuti naman at nakararamdam rin ang isang 'to na wala ako sa mood para makipagbarahan sa kanya.


Nabusog naman ako kahit papaano pero hindi ko mahanap ang huwisyo ko. Parang nakalutang pa rin ang aking pakiramdam. Nakabalik kami ng ospital at huminto si Kenedic sa map ng Medical City.


"Anong trip mo?" Walang kabuhay-buhay kong tanong.


Hindi niya ako pinansin. Matapos niya tumingin ro'n ay naglakad siya ulit at iniwan ako. Bastos.


"Saan ka pupunta? Dito ang waiting area."


"Sa chapel." Maikli niyang sagot. Natigilan ako. Ilang segundo lang at natauhan muli. Namalayan ko na lang, sumusunod na ako sa kanya.


Nagsabi siya ng totoo dahil nang makita namin ang chapel ay agad siyang nagbow sa tapat ng altar bago pumasok. Gano'n din ang ginawa ko.


Umupo kami sa pangalawang row sa likod. May iilang tao ro'n na tahimik na nagdarasal. Tumabi ako sa kanya ngunit mayro'ng distansya sa pagitan namin. Nang lingunin ko siya ay nakayuko na siya at nakapikit. Huminga ako ng malalim at tahimik ring nagdasal.


Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas pero papatapos na ako sa aking dasal nang magsalita si Kenedic.


"You like the guy?"


I can't be sure if it's a statement or a question. Napadilat ako at wala sa loob na napalingon kay Kenedic. Nakatingin siya sa altar ngunit alam kong aware siya sa akin. Hindi ko alam kung sasagot ba ako o ano. Kung sasagutin ko man siya, ano ang sasabihin ko?


Siguro ay tama si Ervis at Trav. Madali akong basahin. Hindi siguro ako magaling magtago ng damdamin. O pwede ring masyado lang talaga silang observant pero hindi sila kasing pulido ni Ren. Nakakaya ni Ren basahin ang utak ko. Hindi ko alam kung paano niya ginagawa 'yon.


"Hindi mo ba kayang aminin ang nararamdaman mo?"


Ang weird. Ren asked me the same thing. Bakit nga ba hindi madali para sa akin na umamin sa nararamdaman ko?


"Ba't pa ako aamin kung alam ko naman ang kalalagyan ko?" Mahina kong sagot sa kanya. Yumuko ako at nilaro ang aking daliri. "Isa pa, hindi ko alam kung anong ng pagkakagusto ko sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung ano ang nagustuhan ko sa isang tulad niya."


si Kenedic naman ang napalingon sa akin.


"Hindi mo kayang agawin?"


Hindi ko inaasahan ang tanong na 'yon kaya kunot-noo akong napalingon sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"


"Hindi na uso ngayon ang nagpapaubaya. Kung gusto mo, kukunin mo sa anumang paraan na kaya mo."


Patuya akong tumayo. "Tingin mo ganyan akong babae? Tingin mo kaya kong mang-agaw?"


Hindi siya nakaimik. Kung wala lang kami sa chapel ay baka nabulyawan ko na siya. Tumiim ang aking bagang at mariing napapikit.


"I'm sorry. I didn't mean that."


"Napaka-wrong timing mo naman magpayo. Dito pa talaga sa chapel. Hindi mo ba alam ang 10 commandments? Ang sabi ro'n, huwag kang mangkuha ng hindi iyo."


"I know." Pabuntong hininga niyang sabi. "Hindi ko lang mapigilang. . .nevermind." Naging blanko ang ekspresyon niya. Napailing na lang ako sa kanyang sinabi.


Nang bumalik kami sa waiting area ay kausap na nina Ervis at Leo ang ama ni Ren. Nang makita kami ni Ervis ay agad niya kaming tinawag at ipinakilala sa may edad na lalaki.


"Sir, kaibigan rin po sila ni Ren. Si George po, assistant namin. Si Kenedic, teammate rin po ni Ren." Bumaling sa amin si Ervis. "George, Kenedic, si Atty. Loren. Daddy ni Ren."


"Hello po." Bati namin.


Bahagayang ngumiti ang lalaki at tinanguan kami.


"Okay na si Ren. He's stable now. Nasa recovery room na siya ngayon. Katatapos lang ng operation sa balikat niya. Ililipit na siya sa kwarto mamayang madaling araw."


Napausal kami nang marinig namin 'yon. Medyo nabawasan ang kaba at bigat ng nararamdaman ko.


"Pasensya na pero hindi nagpapapasok ang mga nurse sa OR ng hindi kamag-anak kaya hindi niyo pa siya makikita ngayong gabi. Pero pwede na kayo dumalaw bukas. Pakisabihan na lang ang Coach niyo na kailangan ko siyang makausap."


Tumango kaming apat. Ilang sandali pa ay nagpaalam na kami kay Sir Loren at nilisan ang ospital. Sa wakas ay na-replyan na namin ang ibang players na nakikisagap ng balita. Tinext na namin ang ilan pati si Coach.


"Paniguradong masakit ang ulo ni Coach ngayon. Malaking kawalan sa team si Ren." Nanghihinayang na komento ni Leo.


"Yeah. Ilang linggo na lang at liga na." Sabi ni Ervis. Nilingon niya ako. "Manager, ano sa tingin mo ang gagawin nila Coach?"


Nagkibit balikat ako dahil hindi ko rin masasagot 'yon ngayon. Tama si Leo. Ang laking kawalan ni Ren team. Hindi ko masasabi kung ano ang magiging action ng staff.


Gabing-gabi na ako nakauwi. Mag-a-alas onse na no'n. Pagdating ko sa dorm ay si Liza ang sumalubong sa akin. Himala at hindi pa siya tulog? Nakapagtataka dahil ganitong oras ay humihilik na ang babaeng 'to.


"George!" Gulat na gulat siya. Napatayo pa siya sa kama at agad akong pinaulanan ng tanong.


"Anong nangyari kay Ren Delgado?"


"Wow." Umupo ako sa kama at tinanggal ang sintas ng sapatos ko. "Ang bilis naman ng balita."


"Hello?" Humalukipkip siya sa harap ko. "Kalat na kalat na kaya. Ano ba kasing nangyari? Anong klaseng aksidente? Okay lang daw ba? Makakalaro pa ba ng basketball? Ano?"


Tinapunan ko siya ng nakatatamad na tingin. "Liza, masakit na ang ulo ko. Huwag mo na dagdagan pa ng mga tanong mo?"


"Sige na kasi!" Pamimilit nito. Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Naiirita siyang huminga. "Sige, heto na lang. Tingin mo ba makapaglalaro pa siya sa liga?"


Kinuha ko ang aking tuwalya sa drawer. Tinungo ko ang banyo. Sinagot ko lang siya nung pumasok na ako sa loob para magshower.


"Hindi na."


"What?" Rinig na rinig ko ang pagsigaw ni Liza at marami pa siyang binatong tanong pero wala na akong pinagkaabalahang sagutin.


Naghubad ako at binabad ang sarili sa malamig na tubig mula sa shower. Pinipilit na alisin sa isip ang nangyari ngayong araw. Nang matapos ako ay binagsak ko ang sarili ko sa kama. Ngunit hindi ako agad nakatulog. Punung-puno ang isipan ko. Napuyat ako at na-late ng gising kinabukasan.


Hapon nang dumalaw ulit ako sa ospital kasama si Trav. Parehas kasi kami ng vacant hours kaya sumaglit kami ng hospital. Katulong ang nagbabantay kay Ren. Si Manang Luz na halatang umiyak dahil namamaga ang mga mata.


Mas maayos na ang itsura niya. Nakabend ang kanyang ulo at may plaster ang ilang gasgas niya sa mukha. Payapa siyang natutulog.


"Katutulog lang niya. Kanina kausap niya ang coach ninyo. Binisita na rin siya ng ilang teammates niya kaninang umaga." Sabi ni Manang Luz.


Napatitig ako sa balikat niya. Naka-benda 'yon at naka-cast. Marahan akong napailing. Nakapanghihinayang talaga. Sayang. Parang nakababawas ng kumpyansa sa team pag naiisip naming walang Ren Delgado sa susunod na liga. Isang beses lang siyang naglaro sa amin pero nagawa niya kaming tulungan na tumuntong sa pinakatuktok.


"Kumusta naman po siya?" Si Trav ang naglakas loob na magtanong.


Bahagyang ngumiti ang matanda sa amin. "Okay na. Pinagtatawanan pa nga ang lagay niya. Parang wala lang sa kanya ang aksidente."


Natawa si Trav at napangiti ako sa kawalan. Nagawa pa talagang magyabang. Masamang damo talaga.


"Pero syempre, alam ko namang ginagawa niya lang 'yon para walang mag-alala sa kanya. Kilala ko 'yang batang 'yan. Ayaw niya ng kinakaawaan siya."


Tama si Manang Luz. I've seen Ren being so proud of himself. Kulang na lang ay mag-evolve siya bilang super typhoon. May pride na tinutungtungan. Alam kong hindi pa kami gano'n  ka-close pero sa maikling panahon na pagkakakilala ko sa kanya, masasabi kong siya ang lalaking sobra magyabang pero marami talagang maipagmamayabang. Hindi ordinaryo at basta-basta.


Teka, masyado ko na ata siyang pinupuri. Baka hindi na 'to magising.


Hindi na mamin nahintay ni Trav na magising siya. Naging busy naman ang buong team sa pag-a-adjust ngayong nakumpirma na naming hindi talaga makapaglalaro si Ren ngayong season. Sa loob ng dalawang araw ay naging okupado ang oras ko at pag uwi ko sa dorm ay bagsak na agad ako sa kama.


Nagkaro'n lang ulit ako ng pagkakataong makadalaw sa kanya apat araw matapos siyang maaksidente. This time, naabutan ko siyang gising at kumakain ng saging.


Tumaas ang kilay niya nang makita ako. Tinaasan ko rin siya ng kilay. Pumasok ako sa silid at nilapag ang dala kong prutas. Napatingin ako sa side table na punung-puno ng pagkain at prutas.


"Dapat pala hindi na ako bumili." Umupo ako sa tapat niya.


"Nice to see you again, Manager." Ngumisi siya sa akin sabay kagat sa saging.


"Bagay sayo, unggoy." Napailing ako. "Parang hindi naaksidente, ah?"


"At least, hindi ako tulad mong nagdadrama." Pasaring niya.


Pinaningkitan ko siya ng mata. Kailangan ko pa ipaalala sa sarili kong kagagaling lang niya sa aksidente para hindi ko mabali ang kabila niyang braso.


"Hindi mo ba ako kakamustahin?"


"Hindi na. Mukhang okay ka naman." Pairap kong tugon.


"Ako pa." Sumandal siya sa headboard. Magsasalita sana ako nang mag-ring ang phone na nakalapag sa side table. Nagkatinginan kami ni Ren. "Manager, pwede paabot?"


Kinuha ko 'yon at nakita ko sa caller id ang pangalan niyang girlfriend niya. Inabot ko 'yon agad at umiwas ako ng tingin. Mukhang wrong timing ang pagdalaw ko.


"Labas muna ako." Sinukbit ko sa aking balikat ang bag ko kasabay ng pagsagot niya ng tawag.


Papalabas na ako ng marinig ko ang sinabi niya at natigilan ako.


"Nandito ako sa bahay."


Hindi ko napigilang lingunin si Ren habang nakikipag-usap siya sa girlfriend.


"I'm okay. Magpapractice ako mamaya."


Nagkatinginan kaming dalawa at may nakikita akong emosyon sa kanyang mata. Takot? Guilt? Hindi ba alam ng girlfriend niya ang nangyari sa kanya? Kung gano'n nga, ba't hindi sabihin? Ba't niya kailangang itago? Ba't kailangan niya magsinungaling? Naguguluhan ako.

Continue Reading

You'll Also Like

55K 1.6K 35
Welcome to my mind. My neverland. Contains poems, lines from my stories and random things that kept on running in my mind. WARNING: May contain dar...
9.3M 166K 88
Language: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Mia...
11.7M 232K 94
First Installment of Steps Series Si Rhea Louisse Marval ay isang babaeng hindi marunong magpakababae. Boyish, siga, sadista at mala-amasona. Nangara...
2.3M 40.8K 59
(Informally written and not yet edited) This is a Playboy's Baby Spin-off. โ€ข ๐—–๐—ข๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐—ง๐—˜๐—— โ”Š๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—˜๐——: ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿญ๐Ÿฎ - ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿญ๐Ÿฏ โ€ข โ€ข ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ...