Her Asset

By Unnie_Corn0

2K 704 43

Amery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academ... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 11

39 19 0
By Unnie_Corn0

Kasalukuyang nag p-practice kami ngayon. Bukas na ang intrams namin, kaya naman todo practice na kami ngayon.

Maaga kaming matatapos ngayon sa pagpapractice, kailangan daw naming makapag pahinga para magkaroon kami ng sapat na lakas para lumaban bukas.

"Good job, everyone! You're all doing great!" sabi ni Coach Kenj pagkatapos naming mag practice.

"Lunch break na, kumain na muna ang lahat." sabi ni Coach Kenj. "Last practice natin after mag lunch break." dugtong nya.

Buti na lang, gutom na rin ako.

"Yes, Coach Kenj!" sagot namin sa kanya.

Pupunta na sana ako sa cafeteria para kumain pero nakita ko ang mga kaibigan ko na papunta sa akin.

"Akala ko nasa cafeteria na kayo." sabi ko sa kanila.

"Sa labas na lang tayo kumain, mahaba-haba naman ang break natin." sabi sa akin ni Julianna.

Sabagay, nagsasawa na rin ako sa cafeteria.

"Tara! Mahaba pa naman ang oras natin." sabi ko. "Teka, saan nga pala tayo kakain?" tanong ko.

"Mag Mcdo na lang tayo, mas malapit 'yon sa campus." sabi ni Kent.

Umoo naman kami sa kanya at pumunta na sa Mcdo, gutom na rin ako. Nagutom siguro ako dahil sa practice.

Pagkarating namin ay humanap agad kami ng upuan, baka maunahan pa kami.

Sakto ay meron pang pwesto, sakto rin na 8 chairs ito, sakto sa amin. Si Migs at Keith ang nag-order, nagbantay naman kami ng upuan.

"Hindi na ba sumakit ang likod mo, Ivan?" tanong ko sa taong nasa harapan ko.

Isang araw na ang nakalipas magmula noong nangyari ang senaryong 'yon.
Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala.

"Fortunately, hindi na, ayaw na nga akong payagan ni Mama na maglaro sa intrams. Mabuti at napilit ko rin sya na maayos na ako." sagot nya, buti na lang at okay na talaga sya.

"Buti at maayos na ang lagay mo. Bukas na ang laro, kinakabahan na nga ako, eh." sabi ko.

"Kaya nyo yan! Sana ay manalo kayo, kung hindi ay ayos lang, at least nag try kayo." rinig kong sabat ni Fatima.

Tama sya, ang importante ay sumubok kami.

"Gagalingan namin, Fatima. May next time pa naman kung hindi kami pinalad." sagot ko.

Nginitian ako nito at tinanguan.

"Ivan." tawag ko.

"Yes, Amery?" sagot nya.

"Binigay na ba ang mga jersey nyo?" tanong ko rito.

Mamaya pa kasi ibibigay ang amin.

"Mamaya pa lang daw ibibigay ang sa amin? Ang sainyo ba, binigay na?"

"Mamaya rin ibibigay." sagot ko.

Maya-maya ay nakita ko na sila na may dala-dalang tray.

"Mayroon pa doon, paki kuha na lang." sabi ni Migs, pumunta naman agad si Laurence at Kent.

Noong makumpleto ang order ay nag-simula na kaming kumain.

Gutom na gutom na talaga ako, napagod sa practice.

Sana maging worth it ang pagod namin. Sana ay manalo kami, pero ang importante ay mag-enjoy kami.

"What time practice nyo?" tanong ni Migs

"Ang sa amin ay after lunch, kaunting practice na lang mamaya para makapag pahinga raw kami."

"Tapos na ang practice namin, kukunin na lang ang mga jersey mamaya. Manonood kami ng practice nyo, Amery." sabi ni Laurence.

"Oo sige, punta na lang kayo after nyong kunin mga jersey nyo." sang-ayon ko.

Pagkatapos kumain ay pumunta na ako sa court, magpapahinga muna ako bago mag practice. Wala pa naman ang iba, sumama na sa akin sina Fatima. Hihintayin na lang namin sina Ivan.

Kukunin lang naman nila ang mga jersey.

"Ang babaeng 'yon ang nang-away sa akin sa cr." sabi ko sa kanila at tinuro si Claire.

"Ang tapang naman masyado nang babaeng 'yon." sabi ni Julianna.

"Inaaway ka pa ba nya?" tanong saakin ni Migs

Umiling ako..."Noong unang practice namin, pinatid nya ako. Pero ngayon wala na syang ginagawa sa akin, focus din kasi sya sa practice." sagot ko.

"Sinumbong mo ba sya sa Coach nyo?" kunot-noong tanong ni Fatima.

"Hindi na..." bumuntong hininga ako. "Pinabayaan ko na lang." dugtong ko.

"Hindi pwede 'yon, Amery Paano kung may gawin na naman syang masama sa'yo?!" sabi ni Fatima.

"Wala ma siguro, hindi na nga nya ako pinapansin." sagot ko.

Bago pa sila makapag salita ay dumating na ang mga hinihintay namin.

"Upo muna kayo, maya-maya pa ang practice. Hinihintay pa namin ang iba." sabi ko sa kanila.

Nakita ko na napatingin si Claire sa banda namin. Kitang-kita ko ang kinang sa mata nya nang makita si Ivan.

"Ivan!" dinig kong sigaw nya. Lumapit sya sa pwesto namin

Kunot-noong lumingon naman si Ivan sa kanya. Tinanguan naman sya ni Ivan.

"Nandito ka ba para panoorin ako?" nang-aasar na tanong nito.

"I'm here for Amery, Claire." sagot ni Ivan.

Natahimik naman si Claire at binigyan sya ng isang pekeng ngiti.

"Uh, alis na ako, Ivan. Practice na kasi kami." paalam nya kay Ivan. Tumango si Ivan sa kanya.

"Punta na ako roon, hintayin nyo na lang ako rito." paalam ko na rin sa kanila.

"Good luck!" sabi nila sa akin.

Pagpunta ko roon ay nakita ko ang matalim na tingin ni Claire.

Hindi ko sya pinansin, baka magkagulo pa. Ayaw ko na rin syang patulan.

"Let's start our practice, this is the last time na mag p-practice tayo." sabi ni Coach Kenj

Nagsimula na ang practice, ramdam ko rin ang galit ni Claire sa bawat paghampas nya ng shuttlecock.

Nagpatuloy lang kami sa practice hanggang sa sumapit ang 3pm.

"Alright, guys! Good job everyone! Napasaya nyo ako dahil ang huhusay nyo. Manalo o matalo ang importante ay nag-enjoy kayo. Good luck bukas!" pagbati sa amin ni Coach.

"Before tayo magkahiwa-hiwalay ay ibibigay ko na ang mga jersey nyo." sabi ni Coach Kenj

Napangiti ako nang makita ko ang jersey ko, number 3 ang number na kinuha ko.

Pagkatapos noon ay pinuntahan ko ang mga kaibigan ko.

"Ang galing naman!" napangiti ako sa sinabi nila, nagpasalamat naman ako sa kanila.

"Uuwi na ba kayo nyan?" tanong ko sa kanila.

"Uuwi na tayo para makapag pahinga na."

Nagpaalam na ako sa kanila.

Nang makauwi sa bahay ay kumain ako pagkatapos ay naligo ako ng katawan dahil pinagpawisan ako sa practice kanina. Malagkit sa pakiramdam at ayaw ko naman nang ganoon.

Pagkatapos noon ay natulog na ako, kailangan kong maghanda para sa intrams.

~

Ngayon na ang intrams namin, dala-dala ko ang mga gamit namin.

Ang mag-lalaro ngayon ay mga badminton at basketball player.
Sakto para bukas ay chill na lang kami.

Una kaming mag-lalaro, nandito na kami ngayon sa gym.

Marami na rin ang tao, hinanap agad ng mga mata ko ang mga kaibigan ko. Mabuti at nasa unahan sila.

"Hello, guys!" bati ko sa kanila.

"Good luck, Amery!" sabi nila sa akin.

"Lagay ko lang ang gamit ko sa may locker. Magpapalit na rin ako." sabi ko sa kanila.

May locker kasi rito kung saan may cr na rin. Para talaga ito sa mga player.

"Samahan na kita, Amery." sabi ni Ivan.

Nagulat naman ako pero tumango rin kalaunan.

Pagkarating doon ay nilagay ko na ang gamit ko.

Nakita ko ron si Claire pero hindi ko sya pinansin.

Nagpalit na ako ng damit, kapag nanalo ako sa laban namin ni Nathalie (HUMSS student) ay lalaban ulit ako, pero papalitan ko ang jersey na suot ko. Dalawa ang jersey namin, sana ay magamit ko ang isa.

Pagkalabas ko ay inaya ko na si Ivan na bumalik na kami. Habang nag-lalakad kami ay nagsalita si Ivan.

"Good luck sa laro nyo, Amery. I know you can do it." sabi ni Ivan nang nakangiti.

Napangiti rin ako nang makita ko ang ngiti sa kanyang mga mata.

"Thank you, Ivan. Good luck din sa laro nyo. Kaya nyo yan!" pag c-cheer ko sa kanya.

Pagkarating doon ay saktong mag-uumpisa na.

"Good morning, everyone! Are you ready?!" dinig kong sabi ng MC. Rinig naman ang hiyawan ng lahat.

Unang mag-lalaban si Jane at Claire.

Parehong magaling ang dalawa.

Minsan ay pantay ang puntos nila, minsan ay mataas si Claire, minsan ay mataas si Jane.

Ang unang maka score ng 20 ay ang panalo.

Sunod-sunod ang pagkapanalo ni Claire kaya natambakan si Jane. Isang puntos na lang ay panalo na si Claire.

Jane-15
Claire- 19

Nang mag smash si Claire ay hindi 'yon natira ni Jane.

Jane-15
Claire- 20

Panalo si Claire. Palakpakan ang dinig sa buong gym, ang galing nya.

Kinakabahan na ako dahil ako na ang sunod. Pumunta na ako sa gitna. Tahimik na nanalangin.

Si Nathalie ang makakalaban ko ngayon. Nagsimula na kaming mag-laban.

Habang naglalaro ay dinig ko ang pag-suporta ng mga kaibigan ko.

Mas lalo akong ginanahang mag-laro.

Nathalie- 11
Amery- 17

Tatlo nalang ay panalo na ako.

Kaya naman pinagbutihan ko pa ang laro ko. Mas nadagdagan ang kumpyansa ko dahil dinig na dinig ko ang mga suporta nila.

Nathalie- 13
Amery- 19

Isa nalang...

Ako ang nag-serve ng shuttlecock, tumira pabalik si Nathalie.
Nang titirahin ko na ang shuttlecock ay nakarinig ako ng isang sigaw.

"Go, Amery. You can do it!"

Sa dami ng mga sumisigaw ay nangibabaw ang boses nya...Ivan.

Pagkasigaw nya ay saktong pagtira ko. Hindi iyon natira ni Nathalie.

Nathalie-13
Amery- 20

Dinig ko ang mga sigawan ng tao at mga palakpakan nila.

I won!I won!

Continue Reading

You'll Also Like

989K 22.3K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
25.3K 1.2K 18
❝ oh, simple thing where have you gone ❞ ...
9.8K 82 36
| This story is dedicated to those who can't move on and and still longing for their past. | Reign Andrea Bernabe Alcazar is still in grief after lo...
1.1M 61.2K 39
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...