Her Asset

By Unnie_Corn0

2K 704 43

Amery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academ... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 10

46 23 0
By Unnie_Corn0

Nang makapagpahinga na ako ay muli akong sumali sa practice. Nilapitan ako ni Claire at ngumisi ito sa akin.

"I told you, hindi pa ako tapos sa'yo." nakangisi nitong sabi sa akin.

Hindi ko ito pinansin ata tinalikuran nalang. Ayokong masira ang araw ko dahil sa kanya.

"Coach Kenj, okay na po ako." nakangiti na sabi ko rito.

Tinanguan ako nito.."Magpatuloy ka na, mag-ingat ka."

Buong hapon ay nag practice lang ako, tinigilan din ako ni Claire.

Buti na lang at naging abala rin ito sa pagpapractice.

Pagkatapos mag practice, nakita ko sina Ivan sa court. Hindi pa sila tapos.

Nakita ko kung paano nya hawakan ang bola, pati ang pag shoot nya rito.
Lalo syang gumwapo sa bawat galaw nya. Sayang lang at may ibang gusto na ito.

"Amery!" tinignan ko kung sino ang tumawag sa akin.

Si Fatima pala.

Nanonood din pala sila sa practice. Naka focus lang kasi ako kay Ivan kaya hindi ko sila nakita.

Pinuntahan ko sila para manood na rin. Pagkapunta ko roon ay may humawak sa balikat ko.

Si Darrell pala.

"Bakit ka nandito? Pinapanood mo ba ako?" nakangiti na tanong nya sa akin.

Assuming din pala ito.

Bago pa ako makasagot ay may sumagot na para sa akin.

"Nandito sya para suportahan kami."

Ivan...

Nangunot ang noo ni Darrell dahil sa sinabi ni Ivan.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko." seryosong sabi ni Darrell.

"Totoo naman ang sinabi ko." mahinahong sabi ni Ivan.

"Panonoorin ko kayong lahat. Tinawag na ako nila Fatima. Good luck." sabi ko at umalis na.

Noong makapunta ako sa pwesto nila Fatima ay nakita ko ang nang-aasar na tingin nila.

"Ano 'yon? Para kang pinag-aagawan ng dalawang 'yon." tukso sa akin ni Fatima.

Lahat na lang ng mga nakikita nila, ginagawan nila ng issue.

"Ano ka ba, hindi noh!" saway ko sa kanya.

Imposible naman na pag-agawan ako.
Dahil una sa lahat, wala namang gusto sa akin si Ivan.

Pinanood ko silang mag basketball.

Ang galing nila!

Naka focus ang mga mata ko kay Ivan.
Is-shoot na sana ni Ivan ang bola pero hinarangan ito ni Darrell.

Sa pagharang ni Darrell kay Ivan ay bumagsak silang dalawa. Si Ivan ang nasa ilalim at nadaganan ito ni Darrell.

Napatayo ako sa upuan ko.

Nakita ko ang pag-ngiwi ni Ivan. Alam kong nasaktan ito. Dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko, nilapitan ko sila.

"Ivan, kaya mo bang tumayo?" nag-aalalang tanong ko rito.

Lumapit na rin ang ibang tao sa amin.
Nahihirapang tumango ito sa akin.

"Tulungan ka na namin, Ivan." dinig kong sabi ni Laurence.

Nilapitan nila ito at itinayo. Inupo nila sa bench. Inabutan ko ito ng tubig, tinanggap nya ito nagpasalamat.

Lumapit si Darrell sa amin.

"Sorry, Ivan." pag hihingi nito ng pasensya.

Tinanguan sya ni Ivan, nakikita ko pa rin sa mukha nito ang sakit na kanyang nararamdaman.

"Gusto mo bang pumunta sa clinic? Punta na tayong clinic." sabi ko rito, para na rin makapag pahinga ito.

Tumango sya sa akin.

Tinulungan naman ni Laurence at Kent si Ivan. Pagkapunta namin sa clinic ay pinaupo ito sa may bed.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ng Nurse.

Sinabi nila ang lahat sa Nurse.

Pinainom ito ng pain reliever.

"Kailangan nya munang mag-pahinga. Kapag maayos na sya, doon lang sya pwedeng mag practice." habilin sa amin ng Nurse.

"Amery, pwede bang maiwan ka muna? Kailangan naming ituloy ang practice. Alagaan mo muna ito." sabi ni Laurence.

"Ako na ang bahala kay Ivan, Laurence." sagot ko rito.

Tumango ito sa akin at umalis na. Nilapitan ko si Ivan at pinanood ko sya habang natutulog.

"Magpagaling ka na, nag-aalala ako sa'yo." bulong ko sa kanya.

Kampante naman ako dahil alam kong tulog ito. Umupo ako sa upuan at pinagmasdan ko ang mukha nya.

Napangiti ako, parang kailan lang sa zoom ko ito nakita, ngayon ay nakikita ko na sya sa personal, nahahawakan ko pa.

Nang makaramdam ako ng antok ay inihiga ko ang ulo ko sa kama. Dala na rin siguro ng pagod sa practice kaya ako inaantok. Hindi ko alam ang mga nangyari dahil tuluyan na akong nakatulog.

Nagising ako nang may naramdaman akong parang may nakatingin sa akin.

Hindi nga ako nagkamali dahil pagkabukas ng aking mga mata ay nakita ko si Ivan na nakatingin sa akin.

Nahiya naman ako bigla kaya agad akong bumangon at inayos ko ang aking sarili. Pasimple ko ring kinapa kung may laway sa gilid ng labi ko. Buti nalang, wala akong ganoon.

"Sorry, nakatulog ako. Kumusta ang pakiramdam mo?" hindi ako makatingin nang deretso sa mata nya.

"It's okay. Ayos na ako ngayon. Thank you, Amery." seryosong sabi nya sa akin.

"'Yong sakit sa likod mo?" tanong ko ulit.

Hindi ako mapalagay dahil nag-aalala talaga ako.

"Yes, wala na talaga." sabi nya sa akin at nginitian ako.

"Buti na lang at nawala na ang sakit sa likod mo. Hindi kasi maganda ang pagkabagsak mo kanina." nag-aalalang sabi ko sa kanya.

"Nakita mo?" tanong nya.

"Oo nakita ko lahat, pinapanood kasi kit-" huli na nung ma realize ko ang sinabi ko.

Nanlaki ang mata ko at ramdam ko ang init sa mukha ko. Nakita ko naman ang pagkagat nya sa labi nya, tila nagpipigil ito ng isang ngiting gustong kumawala sa kanyang labi.

"I-Imean, nasa'yo kasi ang bola kaya nakatingin ako sa'yo." ang lame ng palusot ko.

"Dapat pala nasa akin palagi ang bola para lagi mo akong pinapanood." sabi nito sa akin.

Sandali lang, Ivan. Sobrang pula na ng mukha ko. Ngumuso naman ako sa sinabi nito.

"Tumigil ka nga, baka mamaya sa clinic na naman ang bagsak mo." saway ko rito.

"Hindi na mauulit, mas mag-iingat na ako." sabi nito sa akin at nginitian ako.

"Dapat lang dahil pinag-alala mo ako!" patay!

Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat, Amery!

Pagtingin ko kay Ivan ay nakita kong namumula rin sya kagaya ko.

"N-nag-alala kaming lahat sa'yo, kaya mag-pagaling ka na." dugtong ko"

"Pero nag-alala ka rin?" tanong ni Ivan sa akin.

"Oo naman."

"I'm sorry kung pinag-alala kita, promise hindi na mauulit."

"Dahil sa susunod, ako naman ang gagamot sa kanila." dugtong ni Ivan.

Napatitig naman ako sakanya.

"Someday, you're going to be a great doctor." nakangiti na sabi ko sa kanya.

"And you're going to be a great accountant." nakangiti na sabi nya pabalik.

Someday...

"Nagugutom ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Yes, kain muna tayo, Amery." sabi nito sa akin, sakto at nagugutom na rin ako.

"Chat ko si Fatima. Pabili na lang akong pagkain." sabi ko sa kanya at tinanguan nya naman ako.

"Ano palang gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya.

"Fries and frappe." sagot nya.

Amery:
Fatima, pasuyo naman ako, pa-order akong 2 large fries, 1 sour and cream, 1 cheese, and 2 chocalate frappe.

Fatima:
Noted! Hatid na lang namin sa clinic. Tapos na ring mag practice ng basketball.

Amery:
Thank you so much!

Madilim na rin pala sa labas. 5 pm na pala, usually uwian namin 6 pm.

Maya-maya pa ay dumating na sila. Kinumusta agad nila si, Ivan. Sinabi naman ni Ivan na maayos na sya.

"Kumain na kayo, tapos na kami." sabi ni Fatima.

"Kaya mo na bang mag-lakad, Ivan?" tanong ni Kent.

"Kaya ko na, mauna ka kayong umuwi." sagot ni Ivan.

Umuwi na sila, maghahanda pa raw sina Fatima na gagamitin para may maibenta sa intrams.

"Kaya mo na ba talaga?" paninigurado ko sa kanya habang kumakain kami.

"Yup, I'm really really really sure." sabi nya, napanatag naman ang loob ko.

"Ivan!" nagulat kami ni Ivan nang may isang babaeng pumasok sa clinic.

"Mama!" gulat na sabi ni Ivan.

Nagulat ako sa sinabi ni Ivan. Mama nya ba talaga 'yon? Bakit mukhang bata lang?

"Ayos ka na ba, Anak? May masakit pa ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ng Mama nya.

"I'm okay, Ma." sabi ni Ivan.

Nakita ko namang napatingin ito sa akin. Lumapit naman ako rito at nagmano sa kanya.

"Anong pangalan mo, iha? Girlfriend ka ba nitong anak ko?" tanong ng Mama nya.

"A-ah, Amery po pangalan ko. Hindi po ako girlfriend ni Ivan. Magkaibigan po kaming dalawa." sagot ko rito.

"Binantayan ko lang po si Ivan" dugtong ko pa.

"Oh! Thank you, iha. Ang swerte naman ng anak ko sa'yo!" masayang sabi ni sa akin.

Ang cute naman ng Mama nya.

"Walang anuman po." sabi ko sa Mama nya.

Sakto ay dumating ang Nurse at sinabing pwede na raw umuwi si Ivan.

"Thank you sa pag-aalaga rito, Amery." sabi ulit ng Mama nya.

"You're welcome po, Ma'am."magalang na sabi ko.

"Tita na lang, Amery." nakangiting sabi nya.

"Sige po, Tita." sagot ko rito, napangiti naman ang Mama nya.

"Mauna na rin po ako, Tita...Ivan, pagaling ka!" paalam ko sa kanila.

"Thank you so much, Amery." sabi ni Ivan.

Kumaway ako sa kanila at umalis na.
Ang daming nangyari sa araw na ito.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 88.9K 39
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
9.2M 216K 60
[#1 in Fiction][complete] Kaitlyn MacDonald. Your typical nerd. Shy, smart, and more than a little bit awkward. Tutors for extra credit, even though...