Suddenly, It's Love [Unedited...

By nikkidelrosariophr

165K 2.5K 61

Minsan sa buhay ni Celine ay nagmahal siya ng isang Ethan Agoncillo. Guwapo, matalino, mayaman at higit sa la... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten

Chapter Eight

11.3K 212 1
By nikkidelrosariophr

CELINE went to her brother's condo unit that day to spend the whole day with his one and only baby brother. Nami-miss na niya ito dahil bihira na silang magkita simula nang muling bumalik sa buhay niya si Ethan. Mas madalas pa niyang kasama ang binata kaysa sa kapatid niya. Ni hindi na nga niya natatawagan o nate-text ito.

     "Baka naman sunugin mo ang kusina ko ha." biro nito. Nakaupo ito sa dining table habang pinapapak ang chocolate cake na dala niya.

     Hinarap niya ito at dinuro gamit ang sandok na gamit niya. "Hoy, lalaking hindi marunong magluto, hindi ka puwedeng manlait ng babaeng marunong magluto, okay? Ni hindi ka nga marunong mag-prito eh." pambubuska niya dito. Bata pa lang sila ay hindi na ito lumalapit sa kusina dahil katulad niya, takot din ito sa mantika. Ang pinagkaiba nga lang nila, nag-aral siya kahit papa'no samantalang ito ay umaasa pa sa luto ng ibang tao.

     "If I know, konti lang ang alam mong lutuin at nagre-rely ka lang sa cook books." Hindi papatalong banat nito.

     Sumimangot siya bago muling bumaling sa niluluto niya. "Atleast marunong magluto hindi katulad mo, pagpapainit lang ng tubig ang alam. Kawawa naman ang mapapangasawa mo kapag nagkataon."

     "Ano namang gusto mong sabihin? Na suwerte sa'yo iyong Ethan na iyon dahil marunong kang magluto? Ang corny mo, Celine."

     Pumalatak siya. Magkasundo na naman ito at si Ethan pero kung minsan, iniisip niyang hindi pa rin tanggap ng kapatid niya na may nobyo na siya. Hindi naman kasi ito sanay na may kahati sa atensiyon niya. Noon kasi, palagi niya itong inaasikaso. Silang dalawa na nga lang ang magtutulungan, iiwan pa ba nila ang isa't-isa? Kaya siguro naga-adjust pa din ito.

     Tinapos muna niya ang pagluluto bago sinaluhan ang kapatid niya sa mesa. Umupo siya sa harap nito at nangalumbaba. "Bakit parang ang bitter mo pa din kay Ethan?" nagdududang tiningnan niya ito ng mataman. "Siguro nagseselos ka 'no? Umamin ka Liam, may crush ka kay Ethan 'no?" kunwari ay naghihilakbot na bulalas niya.

     Naaasar na binato siya ito ng nadampot nitong kutsara. Tatawa-tawa lang na inilagan niya iyon. Like sister, like brother talaga sila kahit kailan. Bihira nilang gawin ang mag-bonding ng ganoon dahil madalas ay abala sila sa kanya-kanyang trabaho. Minsan lang din silang magkasundo dahil madalas ay para silang aso't-pusa. Natatawa nga sa kanila ang ibang mga kamag-anak nila dahil sila lang daw ang magkapatid na kapag hindi nagkikita ay naghahanapan pero kapag nagkita naman ay palaging nag-aaway at nagpi-pikunan.

     "Talaga bang seryoso ka diyan sa boyfriend mo?" tanong nito nang sa wakas ay tumigil sila sa pag-aasaran.

     Iniikot niya ang mga mata. "Ano bang problema sa kanya? Ayaw mo ba talaga sa kanya?"

     Huminga ito ng malalim at humalukipkip. "Alam kong alam mo na hindi ako vocal na tao at hindi ako nakikialam sa mga ginagawa mo. Isa pa, mas matanda ka sa'kin kaya alam kong alam mo ang ginagawa mo pero nag-aalala lang ako sa'yo. Akala mo siguro hindi ko alam pero hindi ba't siya iyong lalaking iniiyakan mo noon?"

     Nagulat siya hindi dahil masyado nang seryoso ang pinag-uusapan nila at hindi nila iyon nagagawa, ngayon lang kundi dahil sa sinabi nito. Kilala nito si Ethan? Alam nito ang nangyari sa kanila ng binata noon?

     "Nagulat ka 'no? Sa daldal mo ba namang iyan, nagugulat ka pa na alam ko iyon?"

     Napasimangot siya. Ang akala niya ay wala itong pakialam sa mga nangyayari sa kanya dahil hindi naman nito pinapansin iyon noon. Kaya hindi niya inaasahan na sasabihin nito iyon sa kanya ngayon. "Marami akong alam tungkol sa'yo at alam ko na hindi lang natin nagagawa iyong mga bagay na nagagawa natin ngayon dati dahil kina Lola pero hindi ibig sabihin na binabale-wala na kita, okay? Kilala ko si Ethan Agoncillo. Alam kong naging kaibigan mo siya dati. Alam kong mahal mo siya at alam ko din na iniyakan mo siya noon. Kaya hindi mo maaalis sa'kin na mag-duda sa pagmamahal na pinapakita niya sa'yo ngayon."

     Nakagat niya ang ibabang labi. May kamay na humaplos sa puso niya dahil sa sinabi nito. Kahit na pala hindi ito expressive ay may pakialam ito sa kanya at alam nito ang lahat ng ginagawa niya. Ngayon lang niya napagtantong mahal siya ng kapatid niya.

     Nangingilid na ang luha sa mga mata niya. "Ngayon ko lang na-realize na may pagka-stalker ka din katulad ko. Akala ko tsismoso ka lang." pagbibiro niya upang pagtakpan ang nagbabantang mga luha na anumang oras ay tutulo na.

     Tumayo ito at lumapit sa kanya. Tinapik siya nito sa ulo. "I care for you, sister and I love you. Kahit na corny ang salitang iyon, iyon ang totoo at hinding-hindi magbabago, okay? Kaya kahit alam kong mature ka nang mag-isip ngayon hindi katulad noon, mag-iingat ka pa din."

     "I know, baby brother."

     "At kung talagang mahal mo iyang Ethan na iyan, pipilitin kong alisin iyong doubt na nararamdaman ko at pagkakatiwala kita sa kanya pero 'wag ko lang mababalitaan na sinaktan ka niya kundi ipapa-kidnap ko siya at dadalhin sa pinakamataas na building ng Royalty Land at ihuhulog ko siya para siguradong lasog-lasog ang buto niya."

     Bigla siyang natawa sa pagbabanta nito. Alam naman niyang hindi magagawa ng kapatid niya ang gano'n ka-brutal na bagay. Hindi nga nito kayang pumatay ng hayop, tao pa kaya? "Ang morbid mo, Liam. Hindi bagay."

     "Kumain na lang tayo tapos punta tayo kay papa." anito.

     Bigla siyang na-excite sa suhestiyon nito. Matagal na siyang hindi nakakapunta sa puntod ng papa niya at marami siyang gustong i-kuwento dito. "Sure."

I really miss him!

     Bumuntong hininga si Celine sa hindi na niya mabilang na pagkakataon. Ang buong maghapon na hindi nila pagkikita ni Ethan ay parang isang taon na para sa kanya.

     Ang corny mo, Celine!

     Lihim siyang natawa sa sarili niya. Sa loob ng limang taon, naging bitter siya pagdating sa pag-ibig hanggang sa hindi na niya pinapansin iyon pero simula nang magbalik si Ethan ay unti-unti ring bumalik ang pagiging corny niya. Ang akala nga niya ay ang mga librong ginagawa na lang niya ang makikinabang ng pagiging romantic niya at habang buhay na lang siyang magiging bitter pagdating sa usaping pang-puso. Mabuti na lang talaga at bumalik sa buhay niya si Ethan at iniligtas siya sa pag-iisa niya.

     Naramdaman niya ang tumamang piraso ng mani sa pisngi niya. Nagising tuloy siya sa pagmo-moment niya.

     Nang lingunin niya iyon ay naitirik niya ang mga mata. Nakatingin ang lahat ng mga kasama niya sa kanya. Pagkatapos kasi nilang mag-date ng kapatid niya maghapon ay sumama siya sa mga college friends niya na magpunta sa bar para daw makasama naman siya ng mga ito.

     "Anong problema n'yo?" tanong niya sa mga ito. Nilakasan niya ang boses niya dahil maingay sa buong paligid.

     "Kanina ka pa kaya namin kinakausap pero mukhang may sariling mundo ka na naman." ani Ate Gaby. Kapatid ito ni Therese.

     "May iniisip lang ako eh." palusot niya.

     "Anong iniisip mo? Or rather sino?" makahulugang tanong ni Ron. Katulad niya ay nagta-trabaho din ito sa Tito niya bilang isang part-time photographer.

     "Kailangan pa bang i-memorize iyan? Sino pa ba ang iisipin niyang baliw na babaeng iyan?" segunda ni Marinel. Abot tainga ang ngiti nito habang kumikislap ang mga mata. Ito ang pinaka-hopeless romantic sa kanilang magkakaibigan na kahit noon ay kinikilig na ito kapag kinukuwento niya dito ang nangyari sa kanila ni Ethan.

     "Ganyan pala ma-in love ang kaibigan n'yo 'no? Wala nang ibang iniisip kundi iyong mahal niya. Nakakakilabot." ani naman ni Therese. Nilalantakan nito ang sisig na nasa harap nito. Kataka-takang hindi ito tumataba sa dami ng kinakain nito sa isang araw. Hindi niya alam kung saan nito inilalagay ang lahat ng kinakain nito.

     "Hello! Nandito kaya ako sana lang sinasali n'yo ko sa usapan n'yo." sarkastikong singit niya. Bakit ba wala siyang kaibigang matinong kausap?

     Kasi hindi ka rin naman matinong kausap. Idagdag pang napaka-topakin mo.

     Lagi naman eh.

     "Ano ba kasi ang pinakain sa'yo ng Ethan na iyon at patay na patay ka pa din do'n? Masokista na naman ba ang peg mo?"

     Tiningnan niya ng matalim si Ron. "Sarili mo na naman ang sinasabihan mo 'no? Huwag mo kasing pinapasa sa'kin iyang pagiging masokista mo. Hindi mo ako katulad." Kung akala nito ay magpapatalo siya dito, nagkakamali ito.

     Ngumisi lamang ito. "Yeah, right. Masyado ka na namang affected at sa'kin mo na naman nililipat ang usapan. Tapos na ko sa ganyan at hinding-hindi na mauulit iyon."

     It's her time to grin. Alam niya ang kahinaan nito at kung akala nito ay maloloko siya nito sa pagsasabi na wala lang dito ang pang-aasar niya, nagkakamali ito. "Okay. Sabi mo eh." sabi na lang niya. Isa sa mga araw na 'to, kakausapin niya ito tungkol sa estado ng puso nito. Masyado naman kasi itong dibdiban kung magmahal at kahit durog-durog na ang puso nito ay sumisige pa rin ito.

     Mayamaya ay nagkayayaan nang sumayaw ang mga ito. At dahil isa siyang dakilang killjoy ay nanatili na lang siya sa mesa nila kasama ni Ate Gaby. Wala kasi itong hilig sa pagsasayaw kaya kapag nagkikita-kita sila at pumupunta sa mga ganoong lugar ay palagi itong naiiwan sa lamesa nila upang kumain at uminom lang.

     "At dahil wala na ang mga kumag mong kaibigan, tayong dalawa na lang ang mag-uusap ng maayos ngayon." wika nito. Lumipat pa ito sa tabi niya.

     Nangalumbaba siya sa mesa paharap dito. "Ano naman ang pag-uusapan natin, Ate?" painosenteng tanong niya. Alam naman niya kung ano ang gusto nitong pag-usapan nila. Kahit naman papa'no ay may sense kausap ito kumpara sa mga kaibigan niyang once in a blue moon kung seryosohin ang mga sinasabi niya.

     Inirapan siya nito. "'Wag ka na ngang painosente diyan, Celine Bartolome. Alam mo kung ano ang sinasabi ko."

     "Eh ano ba kasi ang gusto mong malaman, Ate?"

     "Seryosohan na ba iyang tungkol sa inyo ng Ethan na iyan? Don't get me wrong, Celine. Hindi sa ayaw ko sa kanya para sa'yo. Nag-aalala lang ako sa'yo at alam mong ayokong nasasaktan ka." puno ng pag-aalalang sabi nito.

     Parang may kamay na humaplos sa puso niya. Sa loob ng mahabang panahon ng pagiging magkaibigan nila ay naging parang kapatid na din ang tingin niya sa mga kaibigan niya. Totoong ate na ang turing niya kay Ate Gaby dahil isa ito sa mga taong hindi nang-iwan sa kanya noong mga panahong napaka-bitter niya sa buong mundo.

     Hinawakan niya ang kamay nito at tinitigan ito sa mga mata. "Ate Gaby, thank you for always being there for me. Isa ka sa mga taong hindi nang-iwan sa'kin no'ng mga panahong kailangang-kailangan ko ng kaibigan at masasandalan. Tungkol sa'min ni Ethan, hindi naman natin masasabi kung hanggang kailan ang itatagal ng kung anumang nararamdaman namin para sa isa't-isa. Oo nga't nasaktan ako noon pero sa tingin ko kasalanan ko din kasi nag-assume ako eh. Masyado akong umasa na pareho kami ng nararamdaman. Wala naman sigurong masama kung susubukan namin ngayon 'di ba? Basta masaya kami sa kung anong mayroon kami ngayon kaya doon na lang muna tayo mag-focus." madamdaming pahayag niya.

     Pinisil nito ang kamay niya. "Basta alam mong nandito lang kaming lahat para sa'yo. Huwag mo na uling iisipin na nag-iisa ka katulad noon. Kahit naman sinto-sinto ang mga kaibigan mo, maaasahan naman sila kapag kailangan mo sila. Gusto lang talaga naming maging masaya ka at kung kay Ethan ka sasaya, hahayaan ka na lang namin. Huwag ka lang niyang sasaktan kundi malilintikan talaga siya sa'min."

     Natawa siya. Alam niya ang kapasidad ng mga kaibigan niya pagdating sa kaaway ng mga ito. At sinasabi na niyang hindi magugustuhan ng kahit na sinong nakakakilala sa mga ito ang maging kaaway ng mga ito. Isa pa iyon sa mga pinagpapasalamat niya sa mga ito dahil ang mga nagiging kaaway niya o ang mga taong umaapi sa kanya ay nananagot sa mga ito.

     "Alam ko iyon, Ate Gaby. Takot lang siguro niyang saktan ako kung maririnig niya ang pagbabanta mo 'di ba?"

     Nagkatawanan sila. Hanggang sa bumalik ang mga kasama nila ay nagtatawanan lang silang dalawa. Kung ano-anong bagay na ang napag-usapan nila na umabot pa sa debate at sangkatutak na asaran. Hinding-hindi talaga siya magsasawang makasama ang mga ito dahil palagi siyang napapasaya ng mga ito.

     Pero iba pa rin ang saya mo kapag si Ethan ang kasama mo. Speaking of the handsome angel, namataan niya itong naglalakad papunta sa bar counter kasama ang mga kaibigan nitong lalaki. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa presensya nito. Kakaibang saya ang naramdaman niya dahil pagkatapos ng maghapong pagka-miss dito ay nakita na niya uli ito.

     Ang OA mo talaga!

     Kinalabit niya ang katabi niyang si Marinel. Nang tumingin ito sa kanya ay inginuso niya ang kinaroroonan ng binata.

     Kinuha nito ang atensiyon ng mga kasama nila. "Hey guys, look who's here."

     Sabay-sabay na nagtanong ang mga ito. Itinuro ni Marinel ang kinaroroonan ni Ethan at ng mga kaibigan nito. Agad na napuno ng kantiyawan sa mesa nila. "Lapitan mo na. O gusto mo bang tawagin ko pa?" ungot ni Therese sa kanya.

     "Hintayin na lang natin siyang makita tayo. Nahihiya akong lumapit do'n eh." tanggi niya.

     "Nakakaloka ka naman! Ngayon ka pa ba naman mahihiyang lapitan ang boyfriend mo? Anong laro iyan, Ate Celine?" maarteng wika ni Marinel. Pinaikot pa nito ang mga mata.

     "Basta. Hayaan na lang muna natin siya. Ayoko talagang lumapit do'n."

     "Kung ayaw mong lapitan, ako ang lalapit." ani Ron. At bago pa niya ito napigilan ay tumayo na ito at nagsimulang maglakad palapit sa grupo ng binata.

     Agad siyang tumayo upang sundan ito ngunit pinigilan siya ni Marinel. Tiningnan niya ito ng matalim ngunit hindi nito binitiwan ang kamay niya. Kagat ang ibabang labi na bumalik na lang siya sa pagkakaupo at tinungga ang isang bote ng Tanduay Ice na nasa harap niya. Kung puwede lang balatan ng buhay ang mga kaibigan niya ay ginawa na niya.

     Naghintay na lang siya doon ng kung ano ang gagawin ni Ron. Hindi naman nagtagal ay kausap na nito si Ethan at lalo siyang nanigas sa kinauupuan niya nang lingunin siya nito at magtama ang mga mata nila. Lalong nagrigodon ang puso niya nang matitigan ang mga mata nito. Kahit na malayo ang distansya nila ay matindi pa rin ang epekto ng tingin nito sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

220K 5K 11
"I have this special feeling for you, Marco. Noon pa. Probably, I have loved you from afar." Tricia had a great crush on him. High school pa lam...
15.9K 477 10
* Published under PHR, August 2010 * Unedited. Copied straight from Manuscript Pagkaraan ng anim na taon ay nagpasya si Heleina na bumalik sa Miasong...
52.6K 1K 10
"Paano kung sabihin ko sa 'yong may nararamdaman pa rin ako para sa 'yo? Would that give me the right to kiss you?" Inabutan si Candice ng kamalasan...
803K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...