Meet Me in España

By arianna_sognatore12

191 0 0

[Thomasian Series # 1] She believes that distance makes the heart forget... He believes that love can withsta... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 3

18 0 0
By arianna_sognatore12

Distance. Some people love it, others don't.

I am one of those people who will hide and try my best not to encounter it. I feared being distant, it is one thing I cannot withstand.

Kaya nga binubuno ko ngayon ang traffic dito sa España galing Cavite. Lagi na lang nila akong tinatanong kung ayaw ko ba mag-dorm lalo na hindi naman within NCR ang bahay ko. Syempre ay gusto ko, sino ba namang gustong mahirapan sa araw-araw na commute, pero mas nanaig sa akin 'yong kagustuhan na umuwi pa rin kay Papa araw-araw. Tawagin na akong parang batang may sepanx pero ayokong mapalayo kay Papa.

"Matagal pa ba?" bulong ko sa sarili habang nakatingin sa harapan ko. Morning rush hour kasi kaya grabe na naman ang traffic. Nakita ko namang malapit na ako sa gate 6 kaya naisipan ko nang bumaba. Ihing-ihi na kasi ako at sasabog na ang pantog ko kung hihintayin ko pang umabot ng gate 1 ang sinasakyan ko.

Suot-suot ko na ang ID ko kaya hindi na ako hinarang ng guard. Patakbo na dapat ako papunta sa CR sa gilid ng simbahan nang may makita akong pamilyar na mukha sa isa sa mga gazebo.

"Oh, Zoreed," sabi ni Kye nang makita ako. Tumayo na siya at kinuha ang mga gamit niya. Napakarami na naman niyang dala.

"Wala na akong time makipagbatian," sabi ko sa kanya. "Pwede bang maki-CR sa building niyo? Hindi ko na talaga kaya."

He suppressed a laugh.

"Huwag mo akong tawanan at ihing-ihi na ako," naiiritang saad ko.

"Tara," sabi niya kaya sinundan ko siya. Tinanong niya ang guard kung pwede ba raw ako pumasok at pumayag naman ito. Matapos ay itinuro sa akin ni Kye ang female restroom na nasa gilid ng elevator.

Dali-dali naman akong tumakbo papasok. Nagulat pa sa akin 'yong mga taga-CFAD na nag-aayos sa harapan ng salamin nang malakas kong isinara ang cubicle door.

Matapos maka-ihi ay naghugas lang ako ng kamay at lumabas na ng restroom. Si Kye ay nasa gilid ng stairs hinihintay ako.

"Okay ka na?" tanong niya.

"Yes, thank you," sagot ko.

"Okay, una na ako," paalam nito bago ako tinalikuran para makaakyat na siya ng stairs.

"You need help?" tanong ko nang makita siyang hirap na hirap buhatin ang mga dala niya.

"Okay lang ba?" tanong nito at tumango ako bilang sagot.

Lumapit ako sa kaniya at hiningi ang iba sa mga dala-dalahan niya. Siya ang nag-abot sa akin. Nagulat ako nang magagaan lang ang ibinigay niya.

"Parang hirap ka pa rin diyan, 'e," sabi ko.

"Kaya ko na 'to," aniya.

"Saang floor?" tanong ko.

"7th," sagot nito.

Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ba uso elevator sa inyo?"

Napakamot siya sa batok niya. "Sira." Tinutukoy niya ang mga elevator.

"Seryoso?" tanong ko at tumango siya bilang sagot. Mahal ng tuition, hindi mapaayos 'yong elevator.

Sinundan ko na siya paakyat. Hindi ko pa inda ang pagod habang umaakyat noong una pero hapong-hapo na agad ako nang makarating kami sa 5th floor. Lima lang kasi ang floors sa Ruaño kaya nakakayanan ko ang ganoong height.

"Kaya pa?" tanong ni Kye nang makita niya akong parang konti na lang ay gagapang na sa stairs.

"Kaya," sabi ko bago umakyat ulit.

Nang makarating kami sa 7th floor ay halos bumagsak na ako sa pagod. Ano ba namang building 'to?

Buti naman ay hindi na malayo ang nilakad namin para matunton ang classroom nila.

"Salamat sa tulong," sabi ni Kye.

"Wala 'yon," sagot ko.

Kinuha na niya sa akin ang mga gamit niya. "Hindi na kita aayain pumasok, ah. Mga malisyoso at malisyosa mga kablock ko, 'e," aniya.

"Okay lang," saad ko. "Sige na, una na 'ko at malayo-layo rin ang lalakarin ko pa-Ruaño. See you around," paalam ko bago siya tinalikuran.

Nagulat naman ako nang paglingon ko sa likod ay muntik ko nang mabunggo 'yong isang lalaki na naglalakad palapit. Architecture student din siya based sa uniform niya.

"Sorry," paumanhin ko bago umiwas at nilagpasan siya.

"Kita ko 'yon, ah," narinig kong sabi nung lalaking muntik ko nang mabangga. "Kaya pala ayaw mo ng archi kasi engineering pala ang nais," sabi nito kay Kye.

Nilingon ko sila. Nakita ko kung paanong dinedma ni Kye ang kablock niya at nagtuloy-tuloy lang sa pagpasok sa classroom nila.

"Guys, may girlfriend na si Top 1!" sigaw nung kablock niya na sumunod sa kaniya sa pagpasok. Narinig ko naman ang kantyawan nila sa loob.

Napailing-iling ako. Malisyoso nga sila.

☼ • ☼ • ☼

"Mali! May kulang ka rito, oh," sabi ni Macky nang ipinakita ko sa kaniya ang solution sa practice problem set na ibinigay niya.

Nandito kami ngayon sa gazebo malapit sa UST Open Field. Inirereview niya ako para sa quiz namin ni Ava mamaya. Dapat ay nagrereview din kasama namin si Ava kaso naiwan niya raw ang calculator niya sa dorm kaya tumawid siya para kuhanin.

Ipinakita na ni Macky sa'kin kung paano i-solve. Nakita ko rin naman agad 'yong mga mali ko.

"Gago, oo nga pala!" sabi ko nang maintindihan na kung papaano.

"Oo, nagmura ka pa," sagot ni Mac habang nagsusulat ulit ng mga problems na nakabase sa textbook ko.

Namamangha talaga ako sa math skills ni Mackinley. Kahit anong may computation ay madali niyang nakukuha. Bagay na bagay talaga siya sa engineering.

Naiinggit na nga ako kasi hindi naman ako magaling sa math. Kinuha ko lang naman ang Industrial Engineering dahil ayokong malayo kay Papa. Hindi ko rin talaga alam kung ano bang course ang gusto ko. Pinanindigan ko lang ang IE dahil sobrang natuwa si Papa noong nalaman niya na pinag-iisipan ko kuhanin.

Akala nga raw ng mga relatives namin magmemed-related course ako kasi magaling ako sa biology pero hindi ko kasi makita ang sarili ko na nagtatrabaho sa ospital o kaya sa lab kaya hindi ko talaga naisip na kumuha ng ganoong kurso.

"Ayan, try mo ulit." Inabot na sa'kin ni Macky 'yong yellow pad na may problems. Kinuha ko ang pencil at calculator ko bago nagsolve.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsasagot nang may marinig kaming sumigaw ni Macky. Parehas kaming napatingin sa gilid namin.

Nakita namin ang isang babae na nakaupo sa bench malapit sa gazebo na tinatambayan namin ni Mac. May kausap yata siya sa phone. Nalaman ko agad na taga-College of Tourism and Hospitality Management siya dahil sa uniform niya. Nagagandahan talaga ako sa uniform ng CTHM. Mukha na kasi talaga silang ganap na flight attendant.

"Tangina! Gusto mo ba pumunta pa akong Clark para lang magsabi ka ng totoo?!" sabi nung babae sa kausap niya.

Natahimik naman siya para pakinggan ang nasa kabilang linya. Hindi na ako makafocus sa ginagawa ko dahil inaabangan ko pa ang mga sasabihin niya.

"Ah, kaibigan mo... Kaibigan mo? Gago, kahalikan mo kaibigan mo?!" sigaw niya kaya napahawak si Macky sa bibig niya dahil sa gulat.

Siniko ko naman siya dahil baka maobvious nung babae na nakikinig kami.

"Huwag ka nang magpapakita sa'kin ulit. Nagsisisi akong sinama kita sa mga pangarap ko. Tatalon na lang ako sa eroplano kaysa ikaw ang maging piloto," sabi nito bago ibinaba ang linya. Nakita pa namin siyang nagpunas ng luha bago tumayo at naglakad palayo.

"Sakit," sabi ni Macky.

Napailing-iling ako. "Sabi ko nga sa inyo, 'di ba? Long distance relationships never work. Kita mo 'yon? Manila-Pampanga lang pero hindi pa rin nagtagumpay," saad ko.

"Hindi naman sa lahat ng kaso. Iba-iba naman kasi ang tao. Sadya lang sigurong hindi para doon sa pilot-FA na 'yon ang long distance kaya 'yon, naghiwalay," depensa ni Macky.

"Wala pa akong nakitang couple na nagsucceed sa LDR," balik ko. "Love can never survive distance. Kaya nga nauso yung kasabihan na, 'ipinagpalit sa malapit' kasi nga mas madali 'yon. Parang bluetooth ang puso, may certain distance range lang," paliwanag ko.

"Taray ng puso mo, Catrina, may signal," pagbibiro ni Macky.

Natawa naman ako. "Basta! Ganoon kasi 'yon. Never talaga ako mag-eengage sa long distance relationship. Maghiwalay na lang kami kung ganoon lang din."

"Nagsalita naman agad 'to ng tapos," sabi ni Mac. "Paano kung nakakilala ka ng tao na sobra-sobra yung pagmamahal niya sa'yo na kahit gaano pa kalapit o kalayo, ikaw at ikaw lang ang pipiliin, magbabago ba isip mo?" tanong niya.

"Hindi, kasi imposibleng mangyari 'yon," sagot ko bago ibinalik ang tingin sa papel ko at itinuloy ang pagsosolve.

☼ • ☼ • ☼

Alas-sais na nang makauwi ako galing Manila. Naabutan na rin kasi ako ng rush hour kaya mas lalong naging matagal ang biyahe ko.

Sinalubong ako ng helper namin na si Ate Elsa sa pintuan. Gusto niya pa akong tulungan sa pagbitbit ng mga gamit ko pero sinabi ko sa kaniyang kaya ko na at asikasuhin na lang si Papa kapag nakauwi na ito.

Nang mapadaan ako sa may pintuan papuntang veranda ay nagulat ako nang makita kung sino ang naroroon.

"Oh, Pa, nandito ka na?" pagkuha ko ng atensyon niya. Nakaupo lang siya roon sa garden set at may tinitignang mga papeles.

"Nakikita mo ako, 'di ba?" sagot niya kaya napairap ako. Natawa naman siya nang makita iyon.

Inilapag ko muna ang mga gamit ko sa may pintuan bago lumapit sa kaniya at umupo sa tapat niya.

"Kamusta ang UST?" tanong niya.

"UST pa rin," sagot ko kaya napailing siya.

"Kailangan mo ba ng tulong?" tanong niya.

"Kaya ko na 'to, Pa. 'Di ko naman hinahayaan 'yong sarili kong bumagsak, 'e," sagot ko.

"Basta huwag mo masyadong i-pressure ang sarili mo, Anak," paalala nito.

Tumango naman ako. "Noted, Engineer."

Ngumiti siya bago ibinalik ang tingin sa mga binabasa niya. "Kamusta ka naman sa school? May boyfriend ka na ba?" tanong nito habang nakatingin pa rin sa mga papel niya.

"Pa!" sigaw ko kaya natawa siya.

Hindi strikto si Papa pagdating sa pakikipagrelasyon. Sabi niya ay pwede raw basta sisiguruhin kong hindi ko mapapabayaan ang pag-aaral ko at hindi ako magpapabuntis. Ang akala niya magkakaroon agad ako ng boyfriend matapos niya sabihin 'yon pero laking pagtataka niya kung bakit hanggang ngayon na third year na ako ay wala pa rin.

"Bakit? Bawal ko na ba tanungin 'yon?" aniya.

"Sabi ko sa'yo, 'di ba? Ayoko muna pag-usapan ang tungkol sa lovelife ko," saad ko.

"Lovelife? So, meron?" pang-aasar niya.

"Wala!" sagot ko. "Magbibihis na nga ako at baka magreto ka na ng anak ng kumpare mo diyan."

Natawa siya. "Si Macky ba hindi ka pa rin nililigawan?" tanong niya.

Agad na nalukot ang mukha ko. "Kadiri, Pa! Parang kuya ko na 'yon si Macky ta's gusto mo ligawan niya ako?"

"Bakit naman hindi? Okay naman siya. Gusto ko ang batang 'yon," sabi nito.

"Aalis na nga ako rito bago mo pa ako ipagkasundo kay Macky," saad ko bago tumayo. Natawa lang si Papa.

"Tumawag pala ang mama mo," sabi niya bago ako makapasok sa loob. Natigilan ako at nilingon siya ulit. "Gusto ka raw makausap."

Napailing-iling naman ako. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kinakausap pa niya ang babaeng 'yon.

"Nagpadala rin siya ng allowance. Inilipat ko na sa bank account mo," dagdag ni Papa.

I sighed. Akala naman niya ay madadaan niya ako sa pera niya.

"Ibibigay ko na lang kay Ate Elsa. Pandagdag sa groceries," sabi ko bago kinuha ang mga gamit ko sa sahig.

Bago ako tuluyang pumasok sa loob ay nilingon ko si Papa na nilingon din ako. Seryoso akong tumingin kay Papa, gustong ipaintindi ang mga sasabihin ko. "Pasabi rin po kay Mama na huwag na niyang sayangin 'yong oras niya kakatawag sa'kin kasi hindi ko rin naman sasagutin. Pasabi rin na huwag na siyang magpanggap na parang may pakialam siya. Magbibihis na po ako."

Continue Reading

You'll Also Like

44.4K 3K 9
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
2M 78.5K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1.8M 37K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.