You're My Missing String [GYT...

By gytearah

7.9K 90 37

"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 18

111 2 0
By gytearah

CHAPTER 18 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Saan po ba p'wedeng maligo dito Tito?" 

"Ginagamit pa 'yong tubig sa kuwadra e. Alam ko na, may ilog dito, doon din naglalaba at naliligo sila Aleng Letty mo, marunong ka bang lumangoy?"

Ilog? Na-excite ako bigla. Opo Tito, saan po ba ang daan?" 

"Nakikita mo ba yung gate na kawayan sa dulo ng rancho? May daan doon pababa."

"Sige po Tito, pupunta na po ako."

"Bumalik ka agad, hindi ka pa raw nag-aalmusal."

Sino ba naman ang makaka-kain pagkatapos ng mabigat sa dibdib na pag-uusap namin ni Aleng Adela? Parang nawalan kami ng gana pareho.

Naglakad ako patungo sa tinurong daan ni Tito, malinis naman ang daan, mukhang araw araw ay may dumadaan dito.

"Tyra?"

"Ely! Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ko, nakasalubong ko siya sa daan, mukhang naligo din yata sa ilog.

"Naligo, sa ilog ba ang punta mo?"

"Oo."

"Ahh, mabuti na lang at hindi mo ako naabutan doon." Kumakamot sa ulo niyang sambit.

"Bakit?" Baka iniisip nito sinusundan ko siya, aba! Wala akong balak bosohan siya 'no! "Itinuro kasi ni Tito 'yang ilog."

"Naligo kasi ako na walang– ah, wala naman pong ibang taong nagpupunta d'yan." Sabi niya at naglakad na pabalik sa farm.

Naglakad pa ako ng ilang minuto bago ko narating ang ilog at namangha ako, grabi! Ang linis linis ng tubig, kitang-kita ang mga bato sa ilalim, kung may maliligo siguro ditong walang saplot, naku! May makikita..

Hindi na ako nagdalawang isip na lumusong sa tubig, sobrang lamig ng tubig pero masarap sa balat.

"Napakamalas ng araw na 'to!"

Narinig kong sambit ng isang lalake buhat sa kabilang gilid ng ilog, agad akong nagkubli sa isang malaking bato.

"Umalis na tayo dito, wala tayong mapapala."

Sinilip ko ang mga taong nagsasalita, pamilyar, parang sila 'yong bumaril kay Mang Jun.

"Bakit ba kasi pinapahanap ni Boss 'yong kwintas na 'yon, na susi raw ng kayamanan at isang libro na wala namang sulat, sino'ng maniniwala nun? May gano'n pa ba sa panahon ngayon? Ano'ng taon na? Minsan tuloy iniisip ko kung nasa tamang pag-iisip pa ba ang Boss natin."

Sila nga 'yon.

"Kalokohan na 'to! Umalis na tayo sa lugar na 'to, wala tayong mapapala dito."

"May ilog, maligo muna tayo."

Bigla akong kinabahan.

"Hinihintay na tayo ng helicopter sa North, kapag hindi tayo nakarating agad, maiiwan tayo. Gusto mo bang maligo sa sarili mong dugo?"

"Ito na nga't lalakad na. Init agad ng ulo!"

Nakahinga ako ng maluwag nang wala na akong naririnig na boses. Lumabas ako sa pinagtataguan ko, umahon sa tubig at nagmamadaling bumalik sa farm.

"Tyra, bakit bumalik ka agad? Hindi mo ba nagustuhang maligo sa ilog?"

"Po? Ah, Aleng Adela kasi po ano eh, ah... nakalimutan ko pong magdala ng shampoo, maliligo na lang po ako kasabay ng mga kabayo."  Palusot ko, sana naman lumusot.

"Malapit na matapos sila Mang Jerry mo sa pagpapaligo kay Pega at sa iba pang kabayo, p'wede mo na magamit ang tubig. O s'ya maiwan na muna kita at may niluluto pa ako."

"S-Sige po."

Babalik na muna ako sa kubo.

"Miss Tyra! Nag-enjoy ba kayo sa ilog? Malinaw po ang tubig doon, sabi ni Ely e nakita niya kayo na papunta sa ilog. Teka, nilalamig po ba kayo o namumutla?"

Napalunok ako, si Mang Jun nga pala! "Nakita ko yung mga bumaril kay Mang Jun!" Bulong ko

"Saan? Nandito ba sila? Saan nagpunta?"

"Hindi ko alam kung saan sila pupunta pero ang narinig ko e aalis na sila dito sa lugar na 'to. Hindi na nga ako natapos maligo dahil baka bumalik sila, sana umalis na sila."

"Sana nga, baka makita pa nila ang kubong tinutuluyan ni Mang Jun, pa'no na?"

"Kaya sila ni Mang Jun, alam kong this time e pipiliin na niyang lumaban para sa sarili niya, pero s'yempre sana hindi pa rin nila madaanan ang kubo na pinagdalhan natin kay Mang Jun, hindi pa kasi gaanong magaling ang mga sugat niya."

"Mamayang break time ay sasaglit ako doon Miss Tyra."

"Sige, bumalik ka agad ha, kapag hinanap ka ni Tito, ako na ang bahala."

Naligo na ako para makapag-agahan na. Hindi pa rin maalis-alis sa isip ko ang sinabi ni Mang Jun kagabi, hahanapin ang pumatay kay Papa? Hindi naman mali ang pagkakarinig ko e, sino kaya ang p'wede kong lapitan para tanungin?

"Tyra, hindi mo ginagalaw ang pagkain mo."

Nagpunas ako ng luha bago tumingin kay Tito. "Nakagat ko po kasi ang labi ko." Pagsisinungaling ko.

Naalala ka siguro ni Gwy, okay lang naman siya sa bahay, nagba-bonding sila ni Kaley, natutuwa nga akong makita na sobrang close na nila, mabait naman pala si Gwy, mukha lang talagang masungit."

Natahimik ako. Akala ko this time mapipili na ako, si Gwy pa rin pala.. hindi naman na masyadong masakit dahil nasanay na e, sa aming dalawa, siya palagi ang pinipili.

"Ah, eh o-opo, ma-mabait po 'yon, mabuti po at close na sila ni K-Kaley." Pilit akong ngumiti.

"Kainin mo na 'yan at lalamig na 'yan. Pagkatapos mong kumain ay puntahan mo ako sa Rancho, may pinadalang pantalon at jacket ang Tita Alpa mo, suotin mo dahil patatakbuhin mo si Pega ng mabilis dito sa buong farm, kaya mo ba?"

Tumango ako na parang wala sa sarili.

"Okay lang 'yan."  Sabi ni Aleng Adela ng mapadaan siya sa may inuupuan ko sabay tapik sa balikat ko. Napangiti ako, hindi ako dapat malungkot, hindi lang naman ako ang nakakaramdam ng ganito, dapat think positive para hindi masira ang araw ko.

"Ready ka na ba?"

"Opo Tito, ilang ikot po ba?" Tanong ko, mukhang training ni Pega 'to ah.

"Kahit lima kung kaya mo."

"Para saan po ito Tito? Ilalaban niyo po ba si Pega?" 

"Hindi, kailangan lang talaga patakbuhin, parang exercise." Napakunot noo ako, may gano'n ba? 

Wala namang choice kun'di sumunod dahil baka mapalayas o 'di kaya'y hindi bigyan ng sweldo e para sa gamot ni Gwy 'yon. 

Ilang beses akong humingang malalim bago ako sumakay kay Pega. "H'wag mo akong ihuhulog ha." Bulong ko at bigla siyang humalinghing na tila naiintindihan ang sinabi ko.

Mahina lang ang pagtakbo ni Pega hanggang bumilis ng bumilis, nakaka-tatlong ikot pa lang kami sa buong Rancho. "Bilisan mo pa." Sabi ko sabay hila sa tali, para na kaming si the flash sa sobrang bilis.

"Good job Pega." Sambit ko paghinto namin sa tapat nila Tito.

"Hindi ka ba nahilo?" Tanong ni Tito, umiling ako bago bumaba.

"Mabuti na lang at ikaw ang nandito sa farm, kaya mong pasunurin ang mga tauhan natin at pati na rin ang mga alagang hayop natin. Good job Tyra."

Ngumiti ako, parang first time kong narinig 'yon ah, sarap pala sa feeling.

"Tito, may ipapagawa pa po ba kayo?" 

"Wala na, sinabihan ko nga ang mga tauhan natin na magpahinga muna, wala pa namang masyadong gagawin, sa anihan ng mga Mangga, doon tayo magiging busy ng sobra. Uuwi ka na ba?"

"Opo sana pero babalik din po ako mamaya kung may iuutos kayo."

"Wala na, sige na, mauna ka na umuwi."

Mabuti naman at makakauwi na ako, kailangan ko pang maglaba ng maruruming damit namin. Nakisakay ako sa tricycle na sinakyan nila Aleng Adela, bumaba na lang ako nang paliko na sila papunta sa bahay nila, ibang way kasi ang daanan papunta sa amin.

Pagkarating ko ng bahay ay si Clarry ang naabutan ko sa sala, naglalaro.

"Hi Clarry."

"Hi." Sabi ng bata at nakipag-high five pa.

"Where's your Mama?"

Tinuro niya ang kusina. "Tita? Tita Alpa.."

"Tyra, nandito ka na pala. Wala na bang gagawin sa farm? Nagugutom ka ba? Nagluluto pa lang ako."

"Hindi po Tita, kumain na po ako bago umalis sa farm, magkakape na lang po ako, nagpaalam na rin po ako kay Tito na uuwi muna, wala pa naman pong gagawin e. Si Gwy nga po pala?"

"Ha?" Napakunot noo si Tita Alpa, "Hind ba siya nagpaalam sa iyo? Umalis siya."

"Po? Saan raw po pupunta?" Nag-aalala kong tanong, umalis na naman ng walang paalam, tsk.

"Kasama ni Kaley, doon daw muna siya, gusto niya  raw maka-bonding sila Kaley at Lyra, pati na rin ang Tito Vash at TitaLola Rica niyo, hindi ba siya nagsabi sa iyo? Ang sabi niya sa akin ay magte-text na lang daw siya sa iyo."

"Ah, baka po nakalimutan lang o 'di kaya'y walang load." Hays! I'm sure sinadya niyang hindi magpaalam, hobby niya 'yon e, ang pag-alalahanin ako tapos uuwing parang walang nangyari.

"Magkape ka na, tatapusin ko lang 'tong niluluto ko."

"Mamaya na lang po Tita, pupunta po muna ako sa palengke, may bibilhin lang po ako pero babalik din po ako agad kasi maglalaba pa ako."

"Tamang-tama ibili mo muna ako ng bangus, 'yong boneless, ipi-prito ko para pang-ulam natin mamayang hapon."

"Sige po." Tiningnan ko ang cellphone ko, wala namang text galing ay Gwy. Sana lang hindi siya atakihin ng Alzheimer niya.

Bumili muna ako ng mga gamot ni Gwy bago ako bumili ng sabong panlaba. "Ibili mo na rin ako ng gulay na pang-pakbet." Text ni Tita Alpa, nagtungo ako sa palengke para bilhin ang mga pinabibili ni Tita, bumili na rin ako ng isang kilong karneng manok at isang tray na itlog.

"Prutas, bili na kayo! Pakwan, pinya! Fresh na fresh bagong pitas."

Napalingon ako sa babaeng nagtitinda, kahit kasi maingay sa lugar ay rinig na rinig ang boses niya.

"Si Aleng Adela 'yon ah, bibili pala ako ng pakwan para kay Clarry." Sambit ko habang papalapit sa kanya.

"Isang buong pakwan po." Nakangiti kong sambit.

"Buena mano, salamat iha."

"Salamat din po. Hindi niyo po nabanggit sa akin na nagtitinda pala kayo dito, nasaan po si Eya? Sino pong nagbabantay sa kanya?"

"Eya?" Napakunot noo siya.

"Yung pamangkin niyo po, si Dahlia. Naiwan po sa farm si Mang Jerry at Ely ah, kayo naman Aleng Adela, magkasama lang tayo kanina e." Sabi ko, nakakunot-noo pa rin ang Ale.

"Heto na ang sukli mo iha, pasensya ka na pero wala akong kilalang Eya at saka hindi Adela ang pangalan ko."

Ako naman ang napakunot noo, ka-mukha niya talaga si Aleng Adela. "Pasensya na ho, nagkamali lang po siguro ako." Sabi ko at naglakad na papunta sa sakayan ng tricycle.

"Ano 'yon ka-mukha lang ni Aleng Adela? Imposible naman yata 'yon." Bulong ko habang pasakay ng tricycle.

"Aleng Adelyn, tirhan mo ako ng tatlong pinya at dalawang pakwan ha, dadaanan ko d'yan mamaya kapag pauwi na ako."

Napalingon ako ulit sa pwesto ng tindera. Adelyn?

Hindi ba– tama! Kakambal siya ni Aleng Adela!

* End of Chapter 17 *

A/N : Chubbabies 💜 thank you so much! God bless everyone, don't forget to vote and comment, keep rockin'!

  @gytearah 🎸

Continue Reading

You'll Also Like

103K 4.6K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
1.7M 72.2K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
46.4K 799 89
Sabina Maliari is a woman with an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smar...