Her Asset

By Unnie_Corn0

2K 704 43

Amery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academ... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 6

54 25 1
By Unnie_Corn0

Pagkauwi sa bahay ay nangumusta si Mama at Papa sa pag-punt sa mall kanina.

"Oh, kumusta ang lakad, Nak? Nag-enjoy ka ba?" bungad sa akin ni Mama.

"Ayos lang po, Mama. May nakilala po kaming mga bagong kaibigan kanina, same school po kami. Sobrang enjoy po ako." masayang sabi ko kay Mama.

Syempre kasama ko si crush, mainggit kayo please.

"Mabuti at may bago kang kaibigan" ngiti sa akin ni Mama.

"Opo, sobrang saya rin po nila kasama at mababait din po sila." nakangiti na sabi ko.

"Nasaan po pala si Papa?" tanong ko, hindi ko kasi nakita si Papa kanina.

"Andoon sa kusina, nagluluto." sagot ni Mama.

"Sakto at gutom na rin ako." sabi ko.

"Hindi ba kayo kumain?" tanong ni Mama.

"Nagmiryenda kami, Ma. Pero gutom pa rin po ako." sabi ko kay Mama. "Lagi naman po akong gutom." biro ko kay Mama.

Tinawanan ako nito at inaya na sa kusina para puntahan si Papa.

"Hi, Papa." bati ko sa kanya.

Binati ako nito at kinumusta.

"Hali na at kumain na tayo." yaya nito sa amin.

Masaya kaming kumain noong gabing iyon. Pero agad din akong nagpa-alam dahil maaga pa ang gising ko, may pasok na ulit bukas at face-to-face kami.

"Una na po ako, maaga pa po ako bukas." paalam ko sa kanila.

Tumango sila at sinabing mag pahinga na ako.

Naghilamos na ako at nahiga dahil tapos naman na akong magpahinga.

Nagalarm ako para magising bukas.

Pagkaopen ko ng wifi ay nakita kong may gc pala na ginawa si Fatima.

'24/7' ang name ng gc, natawa naman ako rito.

Fatima:
Hi guys! Thank you sa time kanina. qKita-kita tayo sa school bukas sa may cafeteria tayo. Lunch time, see yah!

Unang-una kong nakita ang chat ni Fatima. At sinundan namam ito ng iba.

Julianna:
Bye, goodnight!

Laurence:
See you bukas, thank you guys!

Keith:
Maraming salamat sainyong lahat!

Kent:
See you bukas! Goodnight!

Migs:
See you guys! Nag-enjoy ako kanina!

Ivan:
Good night. God bless you all.

Kinilig ako sa chat ni, Ivan. Crush ko eh, malamang kikiligin ako. Nakalimutan ko maka Diyos nga pala toh, sa 'God Bless You' nalang ako kinikilig hindi sa 'I Love You'.

Amery:
Thank you sa time nyo kanina. See you tomorrow, goodnight!

Pagka gising ko ay agad kong ginawa ang routine ko.

Pagkatapos maligo ay kakain, pagkatapos kumain ay mag-aayos tapos b-byahe na.

Sa totoo lang, sobrang hirap din at nakakapagod kapag face-to-face. Madilim kapag aalis ka sa bahay, madilim na rin kapag uuwi ka.

Pagkapasok sa room ay hinanap ko agad ang mga kaibigan ko.

"Good morning, guys!" masayang bungad ko sa kanila.

"Good morning, Amery!" sabi nila sa akin.

Gen Math agad ang first subject namin, sunod ay Business Math. Kaya sa umaga palang ay sobrang nakakapagod na.

"Grabe, ang sakit ng ulo ko." sabi ni Migs.

"Grabe rin kasi yung mga subject." sagot naman ni Keith.

Totoo naman ang sinabi nya. Kahit ako ay pagod na, pero may dalawa pa kaming subject mamayang hapon.

"Pupunta na ba tayo sa cafeteria?" tanong ko sa kanila.

"Wait lang, aayusin ko lang ang gamit ko." sabi  ni Julianna.

Hinintay naman ito, nang matapos sya ay sabay-sabay kaming pumunta sa cafeteria.

Pagkarating doon ay nakita namin sina Laurence at nakaupo na sila.

Buti at kumuha na silang pwesto, nauubos din kasi ang mga upuan dahil marami ang mga students na kumakain dito.

"Buti at maaga kayo." bungad ni Fatima sa kanila.

"Maaga kasi ang dismissal namin ngayon kaya deretso cafeteria na kami." sabi ni Kent habang umuupo kami.

Tumabi si Migs sa kanilang tatlo, kaming apat ay magkatabi. Kaharap ko si, Ivan. As usual tahimik pa rin ito.

"Anong sainyo? Kami na oorder." sabi nila Laurence.

"Isang rice, buttered shirmp, and isang milkshake. Thank you!" sabi ko sa order ko.

Ang iba ang sinabi rin ang order. Mukhang gutom na ang lahat,
nakakagutom din kasi ang mga lessons. Magka-sunod ba naman na math.

Maya-maya pa ay nakita kong papalapit na sila Laurence. Nakita ko pang pinagtitinginan sila, gwapo rin kasi ang mga ito.

"Heto, oh. Kunin nyo na sainyo." sabi ni Kent sa amin.

"Thank you!" ngiti ko sa kanila.

Nagpasalamat din ang iba kong mga kasama.

"Balita ko start na ng tryouts for senior high." panimula ni Laurence.

"Wala pang sinasabi sa amin." sagot ni Fatima. Tumango naman kami sa sinabi nya, wala pang announcement ang Prof.

"Baka mamaya pa ia-announce sa amin. After lunch kasi yung homeroom namin." sabi ko.

Tumango naman sila.

"Mag t-tryouts kayo?" tanong ni Migs sa kanilang tatlo.

"Oo, basketball. Pumayag na si Ivan. Himala nga at umoo ito." sabi ni Laurence.

Buti at pumayag na sya, gusto ko talaga syang makitang mag-laro.

"Support namin kayo kung sakaling mapili kayo." sabi ni Fatima.

"Kayo ba? Sasali ba kayo?" tanong ni Kent.

"Hindi eh, magtitinda kami sa intrams. Alam nyo na ABM thingy." sabi ko sa kanila.

Ang totoo ay gusto ko talagang sumali sa badminton.

"Bili kayo, ah." dugtong ni Julianna sa sinabi ko.

"Oo naman, sasabihin ko rin sa iba naming classmate na bumili sainyo." sabi ni Laurence.

"Anong ibebenta nyo?" tanong sa amin ni Kent.

"Graham and brownies." sagot ni Keith.

Ayon ang napili namin dahil alam naming maraming may gusto ng mga iyon.

"For sure mabenta iyan." sabi ni Kent.

"May s-share akong chismis sainyo." sabi ni Laurence.

"Abm-Gold kayo diba?" paninigurado nya.

Tumango naman kami at nakinig sa sasabihin nya.

"May umamin kasi kay pareng Ivan, section gold din tapos Abm yung strand." sabi ni Laurence.

Kinabahan ako, pero paano nya nalaman?

"Nakita ko iyon Ivan." dugtong pa ni Laurence.

"Talaga ba?" curious na tanong ni Fatima.

Wala namang kibo si Ivan. Pinagpapawisan ang kamay ko. Bakit ba iyon binanggit ni Laurence?

"Oo, inaasar nga namin sya noong nalaman namin." sagot ni Kent at tumawa pa.

Tumawa pa nga.

"Ano raw ang name?" tanong ni Fatima.

Buti at hindi ko sinabi ang pangalan ko.

"Nahihiya raw 'yong girl, kaya hindi nya sinabi ang pangalan niya." sabi ni Laurence.

Hindi na ako makatingin sa kanila at kumain na lang ako, nawawalan na rin ako ng gana sa pagkain dahil sa kaba na nararamdaman ko.

"Anong sabi mo, Ivan?" tanong ni Migs. Hindi pa talaga sila tapos? Mukha na akong matatae rito sa pwesto mo, hindi pa rin sila tumitigil.

"I said, hindi pa ako ready sa commitment." sagot ni Ivan. Tumango naman silang lahat.

"Kailan ka magiging ready?" tanong ni Laurence. "Kapag naging Doctor ka na?" dugtong na tanong nya.

"Maybe?" hindi siguradong sagot ni Ivan.

"Wala ka bang nagugustuhan ngayon? Like sa mga classmates natin?" tanong ni Kent. Tama na kayo. Hindi na ako makahinga rito.

Natigilan si Ivan sa pagnguya ng kanyang kinakain, ang tahimik ng lahat, parang nag-aabang talaga sa isasagot nya.

"Mayroon anong nagugustuhan ngayon." sabi nya.

Humigpit ang hawak ko sa aking kutsara, ang sakit na malamang may ibang gusto ang gusto mo.

"Pero hindi ko sya classmate." dugtong ni Ivan.

Napaangat ang tingin ko sa kanya. Sino kaya yung babae? Ang swerte nya naman.

"Sino 'yon?" agad na tanong ni Laurence.

"Secret." sagot ni Ivan, marunong pala syang magsecret.

"Liligawan mo, pre?" tanong no Migs.

Bakit ba ang dami nilang tanong?

"No, maybe when the right time comes. And I hope that when the right time comes, she's still available." sagot nya.

Ang swerte naman nang babaeng iyon.

Paano ko pa sya hihintayin kung may ibang gusto rin pala sya?

"Same strand ba?" curious na tanong ni Kent sakanya.

"No, she's ABM student." nagulat ang lahat sa sinabi nya.

"A-ah, punta lang ako sa cr. Tapos na rin naman akong kumain." paalam ko sa kanila.

Tumango naman sila at sinabing hihintayin nila ako.

Pagkapasok ko sa cr ay nakita ko ang isang babae na nag-aayos.

"So, sino ang nilalandi mo sa kanila?" mataray na tanong nito.

Hindi ko alam sino-sino ang tinutukoy nito. Ang random naman ng kanyang tanong.

"Huh?" naguguluhang tanong ko.

"Sina Ivan." sagot nito at nagtaas ng isang kilay.

"Wala akong nilalandi sa kanila, Miss." mahinahong sabi ko.

"As if naman maniniwala ako." sabi nito, ano bang problema nito? Kulang ba sya sa aruga?

"Layuan mo si Ivan. Akin sya." madiing sabi nito.

Kaya naman pala, gusto nya rin si Ivan. May ibang gusto iyon, masasaktan ka lang.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya iyon pero huwag na lang, baka maging war freak sya bigla.

"Hindi ko sya inaagaw sa'yo, Miss. Magkaibigan kaming dalawa." sabi ko sakanya. Bahala sya kung maniwala sya sa akin.

"For sure naman ay magugustuhan ako ni Ivan." nakangiti na sabi nito.

Magising ka sana sa panaginip mo.

"Sige, good luck sa'yo." sarkastiko na sabi ko rito.

Pagkalabas ko ay pinuntahan ko na agad sila.

"Bakit ang tagal mo?" bungad saakin ni Fatima.

"May isang babae lang na mataray, parang gusto pa akong sabunutan." sabi ko sa kanila.

"Who?" kunot-noong tanong ni Ivan.

"Hindi ko kilala, pero may gusto sya sa'yo. Akala niya ay inaagaw kita." sabi ko kay Ivan.

"Lakas mo naman, pre!" mapag-birong sabi ni Laurence. Hindi sya pinansin ni, Ivan, nakatingin lang ito sa akin.

"Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nya?" tanong ni Ivan. Nagulat naman ako sa tanong nya. Umiling ako sa kanya.

"Ayos lang ako, Ivan." sabi ko at ngumiti.

"Mauna na kami, may homeroom pa kami nyan." sabi ko sakanila.

"Oo nga pala, muntik ko na makalimutan." agad na sabi ni Julianna.

Nagpaalam na kami sa kanila. Pero bago pa kami makaalis ay marahang hinila ni Ivan ang pulsuhan ko.

Gulat akong tumingin sa kanya.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi ka ba talaga nya sinaktan?" ulit na tanong nya sa akin.

"Hindi, ayos lang talaga ko." sagot ko at ngumiti sa kanya para ipakita na ayos lang ako.

"I'm sorry." sabi nya. Hindi nya naman kasalanan.

"Wala kang kasalanan. Okay lang ako, promise." sabi ko sa kanya.

Tumango sya sa akin at marahang binitawan ang pulsuhan ko.

"Take care." huling sabi nya bago tumalikod.

Continue Reading

You'll Also Like

21.4K 134 10
Lyla Mitchell is just your typical hockey player, except that she is a child prodigy playing for one of the best teams in Minnesota, the hawks. She i...
7.3M 573 1
A tragic car wreck brings Alexis Carter to live with her aunt and cousin. When she goes to live with them she finds herself not only reminiscing old...
207K 10K 56
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...