H A U N T E D (NGS #11)

By Ineryss

2.5M 76.2K 32.8K

Cassandra Emerald Fortalejo is the "sassiest" and social butterfly of her cousins. She's crowned the 'it girl... More

H A U N T ED
P R O L O G U E
1st Haunted
2nd Haunted
3rd Haunted
4th Haunted
5th Haunted
6th Haunted
7th Haunted
8th Haunted
9th Haunted
10th Haunted
11th Haunted
12th Haunted
13th Haunted
14th Haunted
15th Haunted
16th Haunted
17th Haunted
18th Haunted
19th Haunted
20th Haunted
21st Haunted
22nd Haunted
23rd Haunted
24th Haunted
25th Haunted
26th Haunted
27th Haunted
28th Haunted
29th Haunted
30th Haunted
31st Haunted
32nd Haunted
33rd Haunted
34th Haunted
35th Haunted
36th Haunted
37th Haunted
38th Haunted
39th Haunted
40th Haunted
41st Haunted
42nd Haunted
43rd Haunted
44th Haunted
46th Haunted
47th Haunted
48th Haunted
49th Haunted
50th Haunted
Epilogue

45th Haunted

57.4K 1.9K 789
By Ineryss

Haunted

Marry

Hindi na maalis si Roche sa isip ko kahit sa aking trip. I can't believe he really bought a yacht for me! Ipinangalan pa agad sa akin!

Bakit nga ba hindi ko naisip na totohanin niya ang mga pinagsasabi niya ngayong may kakahayan siyang bilhin lahat ang naisin niya?

Kahit noong nasa warehouse pa lamang, nahahanapan niya nga ng solusyon ang luho ko, ngayon pa kaya na isa siya sa pinaka kinikilalang car designer sa iba't ibang bansa?

"Buti hindi sumama si Engineer..." rinig ko ang usapan nila habang nasa labas ng bintana ang aking tingin.

"Kasama ang babae niya kasi—"

"Ssh, Lia," iritang sitsit ng aking manager kaya natigil ang bulungan.

Mas gusto ko pa atang may pinagdududahan sila nang matigil tigil ang kakaasar nila sa akin kay Roche. Bukod sa nakumpirma ko naman na... kapatid niya iyon... panatag naman ako.

"Grabe. Trending pa rin si Miss Cassey hanggang ngayon sa twitter," si Lia na lumakas na ang tinig.

Pinagpasa-pasahan nila ang cellphone ni Lia para tingnan ang screen.

"May kumalat kasi na pictures ni Engineer doon sa building ng condo unit ni Miss Cassey. May mga nagkumpirma na buhaghag daw ang buhok, may marka pa ng kuko ng babae sa dibdib, at nakita rin si Miss Cassey na may dalang bulaklak habang magkasama ang dalawa."

"Pero may mga nagsasabi naman na hindi si Engineer ang tinutukoy ni Cassey sa story niya sa instagram dahil si Naia daw madalas ang tinutukoy ni Cassey sa mga bulaklak. Hinihintay lang ng fans na si Naia mismo ang magsalita kaso malabo. Tahimik pa sa tahimik ang social media no'n..." si Lara.

"Kahit ano-anong theories nalang 'yang ginagawa nila at binibigyan ng kahulugan! Ito talagang mga fans," iling ng aking Manager.

"Itanggi mo nalang lahat, Ate Jaia..."

"Ayaw ni Madam na magrelease ako ng statement. Gusto niyang manatiling walang ideya ang fans sa love life ni Cassey."

"Baka naman si Engineer ang tinutukoy ni Madam na fans..." tawa ni Lia na agarang naputol ang galak sa tinig, marahil ay nasaway ulit ng aking Manager.

Hindi ko na kaya pang ipagkasya sa aking utak ang pinag-uusapan nila lalo na't umiikot na ang aking isip sa Burberry.

Dumeritso na kami sa hotel accomodation ng Burberry para sa akin. May bumungad agad na gift na una kong binuksan habang nakikiusyoso ang aking team, si Pauline at Manager na abala pang ipasok ang mga bagahe.

"Woah... ang ganda ng heel!" si Lara nang makita ang binuksan kong gift.

Kinuha ko ang nakatuping letter at nangingiti iyong binuksan.

"Welcome to London, Cassandra! You are personally invited by Burberry to participate in this week's fashion show by joining the models on the runway—Wait... Oh my gosh!" tumili ako at ginawang pamaypay ang letter.

Kumunot ang noo ng Manager at natigil sa ginagawa, si Lara at Lia na nanlalaki ang mga mata, at si Pauline na kuryoso pa ang tingin habang hinihila ang aking bagahe sa sala.

"Oh my gosh! Wait!" halos pakalmahin ko ang sarili at muling binasa ang letter. "It literally says on the runway! On the runway!"

Ang tili ko ay sinundan ng tili ni Lara at Lia. Nagtatalon na ang dalawa habang nalaglag ang panga ng Manager, si Pauline ay natulala.

"Congrats, Miss Cassey!"

Halos maiyak ako sa tuwa habang niyayakap nila. Tumawa ang aking Manager at nakisali sa kaguluhan. Hinila ko pa si Pauline at niyakap habang tumatawa.

I can't believe it! Magiging parte ako ng isa sa pinaka malaking fashion show ng Burberry! It's big! Hindi basta basta ang mga international models na rarampa! Oh I will not forget this lifetime experience! Kinakabahan ako!

"Kaya pala pinalakad ka noong nagkita kayo sa Paris, Miss Cassey!" si Lia nang humiwalay.

"And I thought it was just a joke! Lumakad naman ako s'yempre. Sa Restaurant pa 'yon!"

"Ang daming pumalakpak no'n..." si Lara.

The CEO bought one of my painting. Saktong nasa Paris kaming pareho noon kaya nakipagkita siya personally. He complimented my fashion style and joked about being part of the runway kaya pinatulan ko rin at sabi ko ay marunong naman kahit papaano.

But I never think of it seriously! Ang kalabog ng aking dibdib ay nadala ko hanggang sa harap niya!

"Cassey..." Jonathan smiled expressively.

"Is this for real?! I am part of the runway?!" natatawa akong yumakap sa kanya pabalik.

"Well... we already talked about it. And I heard about the Porsche. Congrats," kindat niya na ikinahalakhak ko.

"Thanks. And oh! I received the gift! The heel is so..."

"You will use that on the runway..." ngiti niya.

Everything was perfect. Hindi nabura bura ang ngiti ko habang binibigyan ng instructions ng coach at pinasali sa final rehearsal para sa malaking event mamaya.

"Grabe Miss Cassey. Parang hindi kayo naimbitahan. Sumasabay ang steps niyo sa mga international models," bulong ni Lia pagkatapos.

Laging nacocompliment ang posture ko noon pa man. It was the fruit of my trainings being a ballerina. Bukod sa pinangarap ko rin ang pagmomodelo noon kaya sumabak pa sa mga rehearsals dahil nga sa kagustuhan kong mapabilang sa Calvin Klein. Hindi ko inaasahang magagamit ko ang lahat ng iyon ngayon para sa oportunidad na dumating sa akin!

My team were busy approaching some of the international models for a picture. I socialize with them and everyone cheered me up for my first runway.

We showered after the rehearsal. Naging aligaga agad na ayusan ang bawat models. Umupo ako sa harap ng salamin at panay ngiti habang inaayusan na ng Burberry team para magmatch ang aking look sa ibang models.

Nasulyapan ko ang sarili sa malaking salamin. I am wearing a beige coat while my long straight hair cascaded at the back beautifully.

Ibinlangko ko ang isip nang magsisimula na. The classical instrument played by the pianist echoed all over the Kensington Olympia.

May naunang lumabas. Ikatlo ako. The Victorian architecture of the venue mirrored in the outlines of corsets in evening wear dresses and short-hand jackets showing how the designer wants to showcase its luxury and sexiness.

I started my steps on the mirrored catwalk without glancing at the audience while wearing a straight yet fierce face. Tumatalon ang aking buhok sa bawat lakad at nakikisabay ang pintig ng aking dibdib sa piano.

Magarbo at malaki ang platform ng runway kaya kahit sa pag-ikot, sinisigurado kong hindi ako papalpak.

My eyes caught a glimpse of a familiar man infront of the crowd. Hindi ko muna inisip iyon at iwinalang bahala ang daplis ng mukha ni Roche na nasa first row pa!

Ang sunod kong lakad ay kasama na ang iba habang nakapila kaming rumarampa. Kaya noong matapos at lumabas na ang mismong designer, doon lang ata ako nakahinga nang maluwag.

I screamed together with the models and they started hugging me. Ric, the designer started his speech while we gathered around him.

"And for our special guest... Cassandra!" the designer pointed me and the crowd clapped.

Malaki ang ngiti ko nang maglakad patungo kanya. He kissed me on the cheek while murmuring things, ang isang kamay ay pumulupot sa aking baywang at ang isang kamay ay hawak ang binigay sa kanya na bouquet.

"You are such a wonderful woman! Thank you for wearing one of my collections..."

"It's such a pleasure wearing your designs, Ric... Thank you for having me!"

Nangingiti akong humiwalay at muling tumingin sa crowd. This time I caught Roche arching his brow while clapping, his expression didn't match the energy of his hands.

Dinumog pa ng mga models at nakipagtawanan sa akin habang nagyayakapan kaya nawala siya sa mga mata ko.

"Sign the contract and join us! We love having you!" sunod sunod na sabi ng mga babae.

Idinaan ko sa tawa ang aking sagot. Kumaway kami sa crowd habang tinatapos ang show sa huling rampa pabalik sa back stage.

"Nandito si Engineer, Miss Cassey..." bulong ni Pauline nang nauna siyang makapasok sa backstage.

Nakita ko agad si Roche na pumapasok sa backstage kasama ang staff na mukhang iginiya pa siya. Napunta ang tingin ko sa hawak niyang malaking bouquet. Iginala niya ang tingin at noong makita ako, nagpatuloy ang lakad niya patungo sa akin.

"Ayan na nga, Miss Cassey," si Pauline na bumulong ulit.

Tumikhim ako at pinatili ang ngiti kanina sa excitement na hindi na nabura. Some of the international models approach and greeted him like they know him.

Naudlot pa ang lakad niya dahil kinausap ng dalawang model. Mukhang kilala siya personally. Bumibitin lagi ang tingin ko sa kanila at nahuhuli naman iyon ni Roche.

May kung ano siyang sinabi at umalis din kaya kuryosong sumunod ang tingin sa kanya. He continued walking like he has no business with them.

I pretended I didn't notice him of me and continued talking to Pauline. He caressed my forearm to get my attention.

"At baka tumuloy ako sa Coachella..." saka ko nilingon si Roche habang tinitingala siya ng kaonti.

I saw how he crouched and planted a peck on my lips. Nagkasalubong ang aking kilay at naramdaman agad ang pamumula ng aking mukha.

"Congrats," me murmured on my lips proudly.

Tumikhim ako at ngumiti ng kaonti, halos hindi makatingin kay Pauline na nasa aming harapan.

Inilahad niya sa akin ang hawak niyang bulaklak. Some of the models saw us but they only smiled. May iba pang parang kuryoso at medyo nagulat ngunit nagpatuloy din sa pakikipag-usap sa iba.

I won't worry since... this is an exclusive event. Sila lang ang nakakita at... si Pauline? This is the second time she caught Roche getting clingy!

"We'll fly to California tomorrow?" he asked.

Natanaw ko na ang paglapit ng team. Sumulyap agad sila kay Roche ngunit deri-deritso ang ngiti sa akin.

"Ang ganda ganda niyo kanina, Miss Cassey!"

"Halos hindi ka namin makilala ni Lia! Para ka talagang international model! Ang ganda ng pagkakalakad niyo! Hindi halatang first time!"

Sumulpot din ang manager at pinuri ang aking lakad. Makahulugan lang lagi ang tingin ko kay Roche, ayaw na siyang lapitan ngayong nandito na ang team.

At kahit makauwi, ang kanilang bukambibig ay ang runway at si Roche. Tiningnan ko ang screen ng aking phone at nakita ang unknown number.

We'll fly to California tomorrow if you like.

Nagtipa agad ako ng mensahe. I know it's him. He probably got it from his bodyguards.

Ako:

Okay. Hindi ko dadalhin ang team.

Nakiupo ako sa kanila habang nagpatuloy ang kanilang topic at pinag-uusapan ang mga nakitang sikat na mga international models kanina.

Unknown:

I already shouldered their trip to Paris. They will stay there and wait for you.

Ako:

Okay

"Ano, Cassey? Tuloy ba ang Coachella mo bukas?" the manager asked after their topic.

"Mananatili pa ako rito bukas para kausapin 'yung kliyente tapos lilipad din siguro patungong California..."

"Meron ka bang event doon, Miss Cassey? O Coachella lang talaga ang sadya mo at babalik din sa Paris?"

"Coachella lang, Lia. Kaya baka ako nalang mag-isa," I suggested.

Hindi naman dapat ako kabado na sinasabi ko sa kanilang ako lamang lalo na't sanay naman sila na ganoon pag walang event. Ako nalang ang umaalis o di kaya ay kasama si Pauline.

"Tatanggapin mo ba 'yung alok ni Engineer? Sinagot din noon ang travel mo patungong California."

Pauline's eyes looked at me suspiciously.

"Nagtitipid ako ngayon para sa penthouse. Tatanggapin ko para less gastos," and cleared my throat.

"Edi... kayo lang dalawa ni Engineer?" si Lia na iyon pa talaga ang naisip!

"Nagtanong kasi 'yon si Engineer kasi pupunta din daw siya sa California para sa isang meeting. Baka gusto ka nalang din niyang isabay," ang aking Manager.

Kumalma agad ang ekspresyon ni Lia at Lara, nawawala na ang binuong pagdududa sa kanilang isipan.

Katext ko si Roche sa gabing iyon ngunit dahil sa pagod, nakatulugan ko pa. Maaga akong gumising kinabukasan para sa aking lakad.

His text greeted me while I'm on my way to meet one of my buyer.

Roche:

Good morning

Roche:

What time are we leaving today?

Nagtipa ako ng reply.

Ako:

I need to meet one of my client first.

Hindi na ako nagreply pa kay Roche simula noong makapasok sa Restaurant. Iginiya ako ng waiter sa reservation ni Mr. Matthews. He's the son of the CEO of a luxurious clothing brand.

Napansin ko kung paano may sinasagot na tawag ang aking bodyguard at sumusulyap sa table. Maybe it's one of the protocols kaya hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin.

We just talked about the payment and took pictures together. Ideniretso ko na iyon sa story ng aking instagram at muling nakipag-usap kay Mr. Matthews.

Hindi naman iyon nagtagal at nakipagkita na rin kay Roche. Alam ko na kami lang naman sa trip but I didn't think of it awkwardly. Lalo na't pansin kong kanina pa siya tahimik simula noong makaupo kami.

Hindi ko nga alam kung ano ang problema niya. Maybe because I ignored him at the event? Pero tinanggap ko naman ang bulaklak at... nagreply naman ako sa text niya?

Tahimik ang buong paligid dahil nasa labas ng bintana ang kanyang tingin. His side profile made him looked manlier because of his pointed nose and thin lips. His thick brows knitted like something is bugging and making him mad.

Kinuha ko ang tsansang iyon na gamitin ang aking phone. It's been a long time since I use my social medias. At gusto ko ring tingnan kung ano ang pinaglalagay ni Pauline sa instagram account ko lalo na't siya ang madalas kong pinapagawa pag sobrang busy ako.

My eyes widened with the first picture. Ito iyong sa Paris! Nakita doon ang susi na Porsche at laptop katabi ng pagkain ko. Pero hindi naman kita si Roche kaya siguro ayos lang?

The next photos are my fashion show in London. Ang daming views noon at ayoko nang bisitahin pa ang twitter para makita ang trending lalo na't amoy ko agad na isa iyon.

The last photo is with Mr. Matthews. Muli kong nilingon si Roche, tahimik pa rin.

I swiped from left to use the camera on instagram for another story. I smiled at the camera and put a caption 'see you Coachella' at the side of the picture.

Noong wala nang ginawa, naalala ko bigla ang yate na binili ni Roche.

"You bought a yacht? Nakita ni Mommy na nakapangalan sa akin. I am not taking it..."

Nakuha ko ang atensyon niya. He's still wearing his snob face. Kaya noong tumingin sa akin, ramdam ko ang lamig. Parang dumagdag pa iyon sa iniisip niya ngayon.

"Why? You don't like it?"

"Uh... it's too... I mean... wala akong maibibigay na rason kay Mommy since I can't afford that. Unless I'm a billionaire..." I chuckled to lessen the tension.

"Then tell her about us," may panghahamon sa kalmado niyang tinig kahit masyadong malamig.

"What?" natawa ako kaso halos may pagtutol.

"Anong us? I said there's no us."

"Then why are you keeping us if there's no us? Pinagbabawalan mo akong lumapit sa'yo pag nandiyan ang team. Hindi mo ako pinapansin pag nandiyan ang Manager mo. And you're not... including me on your instagram story. Even the flowers I gave you..." parang nakalista lahat ang mga dinibdib niya kaya wala akong takas.

"Puro parte ng trabaho ko ang nasa instagram story ko," marahan kong sabi lalo na't naaaliw na sa kanya. "At si Pauline ang naglagay noong iba. Ako lang 'yung huli dahil iniisip ko trabaho naman 'yon," kahit hindi naman kailangan talagang magpaliwanag!

"And I am not part of your work? I am part of the ongoing campaign of Porsche. Kung trabaho lang din, you should post pictures while you're with me," his jealousy is just too obvious.

Idinaan ko sa tawa ang hinaing niya.

"Tsss." At muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana.

Oh... so this is the reason why he's so cold?

"We don't have recent photos kaya wala akong sinama. And the fans are suspecting we have a thing so..." tikhim ko.

"I don't care about the opinion on the internet. I want my face on your instagram story too," he murmured.

"At makikita nga ni Mommy! Susugod 'yon dito!"

Hindi siya umimik ngunit mas nagkasalubong lamang ang kanyang kilay at para bang may nagawang malaking kasalanan ang mga ulap para tingnan niya nang ganoon kasama.

"Fine..."

Kita ko ang pagkalma ng mukha niya ngunit ayaw pang lumingon.

"Fine what?" namamaos ang tinig sa kumpirmasyon.

"I don't... like having a relationship with you yet. Pero... uh... fu..." I gasped with my thoughts.

Agarang bumalik ang naburang iritasyon sa kanyang mukha. This time his face darkened, his brows knitted intensely, and his jaw clenched.

"Since I kissed back and... I gave you signals... and I'm so busy to consider having a boyfriend right now. At ayokong makipagbalikan sa'yo. Pumapayag ako na... fu..." tumikhim ako at parang hindi kayang banggitin ng buo iyon.

Lumingon si Roche, dala dala ang sama ng loob ngunit parang may ideya sa gusto ko.

"Fuck buddy? Are you fucking kidding me, Cassandra?" his face darkened more.

"I'm busy, Roche! At total naghalikan na tayo, kinokonsidera na kitang fuck buddy ko!" I declared shamelessly.

Roche scoffed and smirked insultingly.

"Fuck buddy don't wear engagement rings..." he said.

"Exactly! That's why I'm not wearing your ring! Sinabi ko bang susuotin ko 'yan?"

His eyes sharped at me. Kinagat ko ang labi para pigilan ang paghagalpak lalo na't inis na inis siya.

"God... damn..." he exhaled and brushed his hair frustratingly, ang tingin ay muling dinala sa labas ng bintana.

"Fuck buddy? What the fuck am I? A teenager? I'm over that phase. I want to settle down now. Marry you. Have kids. And grow old with you," deri-deritso niyang sinabi iyon.

"I'm not yet in my thirties to consider it. I'm busy with work. Ayos 'yung minsan may ka fuck buddy ako tuwing stress... at walang inaalalang boyfriend na nagseselos..." at palibhasa, nasa thirties na kasi ang isang 'to. Ayoko nang isaboses dahil baka dumagdag pa sa iritasyon niya.

I saw him rolling his eyes.

"I am not even jealous. I just want my face on your instagram story. But if you don't like it then it's fine," parang napitilan pa ang tinig para lang isiksik ang sarili sa huli kong sinabi.

God! He's so... Nailing ako at tumayo. Nagtungo ako patungo sa comfort room. Hinugasan ko ang aking kamay habang tinitingnan ang sarili sa salamin.

Noon, hindi ko na iisip pang babalik siya sa akin. At kahit ako, hindi na rin dumapo sa aking isipan iyon. But now that he's back, almost begging for a relationship with me, made me wonder if I deserved him again.

Wala pa ngang isang minuto sa loob ng magarbong comfort room, ganoon nalang ang gulat ko nang makita si Roche sa likuran. His eyes were blazing with fire like a beast wanting to devour his prey when he looked at me.

Tumikhim ako at hindi nagpatinag kahit lumalapit siya. Huminto siya sa aking likuran at ipinalupot ang kamay sa aking baywang. He rested his chin on my shoulder and looked at me piercingly in the mirror. Angry like a beast yet tamed like a dog.

"Marry me please..." he whispered hoarsely.

I know from the sound of his voice that I will never leave this place without his ring. At sa tibok ng puso ko... alam kong papayag ako ngayon sa lahat ng kanyang hiling.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 99.4K 53
Brandish Eireen Varquez is one of the wealthiest clans of the Delafuentes, the "alpha" female of her generation who strikes a superior and powerful a...
3.5M 94.7K 61
Chey Venice Fortalejo is the "friendliest" and most approachable amongst the Fortalejo cousins. Since they were young, she had been very vocal about...
798K 9K 19
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
115K 2.8K 52
What will you do if you end up in someone else body?