IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HI...

ImaginationNiAte tarafından

886K 33.4K 9.3K

IDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalaw... Daha Fazla

DISCLAIMER
INTRODUCTION
PROLOGUE
1
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
Epilogue
PLEASE TAKE TIME TO READ

KABANATA 2

20.2K 660 205
ImaginationNiAte tarafından

KABANATA 2:

Ilaria POV

          HININTAY ko lang si Kuya Samael dito sa kotse niya na matapos na makipag-usap sa aming School Dean. Ang mga kasama niyang mga bodyguards ay nasa labas lang at tila nagbabantay sa akin para makasiguro silang ligtas ako o hindi ako pumunta sa kung saan-saan. Habang naghihintay ako ay pasimple akong kumuha ng pagkakataon para mai-text ang boyfriend ko habang wala pa si Kuya Samael.

And yes, tinatago ko sa kanya na may boyfriend na ako. Natatakot kasi ako na malaman niya ang totoo at baka magalit siya sa akin pero may balak naman akong sabihin sa kanya ang tungkol doon. Plano ko rin naman na ipakilala kay Kuya kung sino ang boyfriend ko.

May usapan rin naman kaming dalawa ni Kuya Samael na pu-pwede na akong mag-boyfriend kapag tumungtong na ako sa edad na dalawampu't taon. Papayagan na niya akong makipag-relasyon dahil iyon ang pangako niya sa akin noong nag-disi otso ako ng edad. Ngunit ako naman itong hindi sumunod sa usapan dahil kahit wala pa ako sa napag-usapan naming edad ay may boyfriend na ako.

     Si Rosales Marcello.

Nakilala ko siya nung second year college ako. Two years ang agwat naming dalawa at nung nakilala ko siya ay nasa fourth year college na siya. Gwapo siya at sobrang bait. Katulad namin ay half-Filipino rin siya at half-Italian.

Alam rin niya ang tungkol sa akin pati na rin ang pagkakaroon ko ng kapatid na isang Mafia. Sa katunayan nga niyan ay alam na alam niya ang buong pagkatao ko sa kadahilanang nagku-kwento ako sa kanya patungkol sa buhay ko.

Before he became my suitor, I told him everything about me, especially the criminal organization that our family has. Para sa ganun ay aware siya kung anong meron sa pamilya ko at kung sino ba talaga ako.

Sinabi ko sa kanya na napapabilang ako sa isang Mafia family subalit hindi iyon naging hadlang sa kanya para tumigil sa panliligaw sa akin. He doesn't care if I have a brother who is a Mafia Boss. He doesn't even care if my family has a criminal organization.

He doesn't care if my family is leading in dealing with drugs and doing illegal things. Rosales doesn't care if my family transacts with rich businessmen and criminals. Hindi iyon naging hadlang sa kanya para pumasok sa buhay ko at ipinakita naman ni Rosales sa akin na totoo ang nararamdaman niya para sa akin.

May mabuting puso ang boyfriend ko at seryoso rin siya sa akin. Dahil doon kaya mabilis na nahulog ang puso ko sa kanya. Mabilis ring napalagay ang loob ko sa kanya at willing siyang maghintay na maipakilala ko siya kay Kuya Samael. He's not even afraid to face my brother and he's ready if I introduce him to my whole family. Naghihintay na lang talaga siya kung kailan ko siya ipapakilala kila Kuya.

May kaya rin naman ang pamilya ni Rosales at nakilala ko na ang buo niyang pamilya. May-ari sila ng mga flower shop dito sa Sicily at may napatayo rin ang magulang niya ng restaurant. At sobrang saya ko dahil tanggap ako ng pamilya niya at ang babait pa nila sa akin. Iyon nga lang, walang kaalam-alam ang magulang ni Rosales na ang pamilya ko ay mayroong ilegal na organisasyon at isa pang delikadong Mafia Boss ang aking nakatatandang kapatid.

Huminga ako ng malalim habang nagtitipa ako ng text message kay Rosales. I just ask him where he is and what he is doing now. Wala pa sa isang minuto ay nakapag-reply na siya agad sa text ko. Sinabi lang niyang nasa flower shop siya ngayon at kakatapos lang daw siyang kausapin ng kanyang magulang patungkol sa bago nilang ipapatayong family business.

Oo nga pala, parehas kami ng kinuhang kurso ni Rosales subalit mas nauna siyang naka-graduate kaysa sa akin. Matalino ang boyfriend ko. Sa katunayan nga niyan ay marami na siyang nahakot na mga awards sa mga pinasukan niyang school. Mula elementarya hanggang college. At siya rin ang nanguna sa mga nakapasa sa exam sa school nila.

He also graduated summa cum laude. He also loves sports so he is one of the popular varsity players in their school. Captain rin siya ng dati nilang school basketball team nung college kaya talagang nakaka-proud na naging boyfriend ko ang katulad niya. My ghad! Almost perfect na kaya siya! Nasa kanya na ang lahat na hinahanap ko.

Bigla naman akong nataranta nang biglang mag-ring ang cellphone ko at nakita ko sa caller I.D na si Rosales ang tumatawag. Tumingin naman ako sa labas ng bintana, wala pa si Kuya Samael kaya dali-dali kong sinagot ang tawag.

"Hey, there's something wrong? Bakit mo tinatanong kung nasaan ako? May nangyari bang masama sayo?" bungad na katanungan ni Rosales sa akin at bakas sa boses niya ang pag-aalala.

Yeah, marunong siyang magsalita ng Tagalog dahil ang Mommy niya ay isang pinay. Nakapag-aral pa siya sa Pilipinas at nanirahan ng ilang taon doon bago sila nag-migrate dito sa Sicily para dito na manirahan. Kaya hindi na kataka-taka kung bakit marunong siyang magsalita ng Tagalog.

Isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya dahil pinangarap ko noon na kung magkakaroon man ako ng first boyfriend ay gusto ko ay isang Pilipino o kahit na may lahi man lang na Pilipino. At heto, dumating si Rosales sa buhay ko.

I sighed, "Plano ulit ni Kuya Samael na mag-homeschool na lang ako," malungkot kong pagbabalita sa kanya.

"Wait, why? Ano bang nangyari at magho-homeschooling ka na naman? Hindi ba't first day mo ngayon sa school?" halata ko sa boses niya ang labis na pagtataka.

Syempre, kinuwento ko naman sa kanya ang mga nangyari kung bakit naisipan na naman ng aking poging Kuya na sa bahay na lang ulit ako mag-aaral. Binanggit ko kay Rosales ang nangyaring pananakit sa akin nung babaeng estudyante at talagang natawa pa itong boyfriend ko nang sabihin ko sa kanyang first day ko palang sa school ay nadiretso na ako agad sa Guidance Office.

"Come on, don't laugh at me. Ako na nga itong nasabunutan, nasampal at nakalmot eh tapos tatawanan mo pa ako." tila parang bata kong pagmamaktol kaya tumigil na ang boyfriend ko sa pagtawa.

"Sorry, my princess. You are so cute while you are telling me what happened to you." aniya habang kapansin-pansin ko na nagpipigil siya ng tawa kaya lalo akong nakasimangot kahit hindi naman niya ako nakikita. Pasalamat siya, mahal ko siya.

"Pero okay ka lang ba? Hindi ka naman ba masyadong nasaktan at napuruhan nung babaeng iyon?" dugtong niya pa sa nag-aalalang boses kaya nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga.

"Well, okay naman ako kahit papaano. At least buhay pa ako," biro ko na ikinahalakhak niya kaya napangiti ako.

Ghad! Namimiss ko na ang lalaking 'to. Gusto ko na talaga siyang makita pero dahil patago ang aming relasyon kaya hindi namin magawang magkita. Minsan kasi kapag nakakahanap ako ng tiyempo na makalabas ay tumatawag ako sa kanya para makipagkita. Nakakapag-date naman kami ng patago pero nagagawa ko namang magsinungaling sa Kuya Samael ko kaya nakakaramdam na ako ng konsensya.

"So, balak ng Kuya mo na mag-homeschool ka ulit?" he asked.

"Mhm, yes. He is planning to hire a private tutor again para sa bahay na lang ulit ako mag-aaral. Actually, kausap niya ngayon ang School Dean at hinihintay ko lang siya dito sa kotse," sagot ko sa kanya.

"Paano ba yan? Mukhang malabo na magkita tayong dalawa.." puno ng kalungkutan niyang turan kaya muli akong napabuntong-hininga.

Tama siya, mukhang malabo na magkita kami dahil may dahilan kung bakit pinilit ko si Kuya Samael na makapag-aral ako dito sa school. Noong nakaraang buwan kasi ay nagplano si Rosales na pumasok bilang Teacher dito sa unibersidad. Tulad nga ng sabi ko, matalino ang boyfriend ko at dahil sa talino niya at maganda ang record niya kaya nagawa niyang makapasa na maging guro dito sa school.

At dahil gusto ko na araw-araw ko siyang makita at makasama kaya naisip kong mag-aral dito sa school para sa ganun ay magkaroon kami ng quality time ng boyfriend ko kahit patago lang pero heto naman ang inabot ko! Ngayon pa talaga ako minalas.

"Hindi mo na ba mapipilit ang Kuya mo na huwag ka na lang mag-homeschooling?" tanong ni Rosales.

"Pasensya na, alam mo naman ang ugali ni Kuya Samael diba? Siya ang masusunod at kung ano ang gusto niya ay dapat masunod.." malungkot kong sagot sa kanya.

Narinig ko naman sa kabilang linya ang malalim niyang buntong-hininga. Kahit hindi niya sabihin sa akin ay alam ko na pati siya ay malungkot at naghihinayang. Ito na lang kasi ang naisip naming paraan para magkita at magkasama kaming dalawa.

Sa tuwing umaalis pa naman ako sa Mansyon ay palaging may nakabuntot sa akin na tauhan ni Kuya kaya naman palagi na lang rin patago ang pagkikita namin ni Rosales. Gumagawa na lang ako ng alibi at nagsisinungaling na lang rin ako kay Kuya Samael kahit na naka-konsensya.

     Ngunit desidido na ako.

"Maghanda ka pala. Malapit na ang birthday ko," sambit ko.

"I'm always ready, my princess." aniya kaya matamis akong napangiti.

Sinabi ko na sa kanya nung nakaraang nakapag-usap kami na balak ko na siyang ipakilala kila Kuya Samael. I am already planning to introduce him to my whole family on my birthday. Nalalapit na rin ang birthday ko kaya mas dumudoble ang kaba dito sa dibdib ko. Kinakabahan ako sa kung ano ang magiging reaksyon ni Kuya Samael kapag ipinakilala ko na sa kanya si Rosales.

Agad ko namang napansin si Kuya na mukhang kakatapos lang na kausapin ang School Dean namin at naglalakad na siya ngayon palapit dito sa kanyang kotse.

"Kailangan ko palang ibaba itong tawag, tapos na kasi si Kuya na makipag-usap sa School Dean namin," paalam ko sa boyfriend ko.

"Okay, okay. Take care, I love you always, my Ilaria." malambing niyang sagot na nagpakilig naman sa akin.

He never forgot to say that. Siguro kapag nasa harapan ko siya ay tiyak na hahalik pa iyon sa aking noo at yayakap ng mahigpit. Nakasanayan ko na rin kasi na ganun ang ginagawa niya sa tuwing nagkikita kaming dalawa. Kapag magpapaalam na akong aalis na ay hindi niya talaga kinakalimutang sabihin ang magic words kasabay ang pagbibigay ng halik sa aking noo at pagyakap.

Hanggang holding hands, yakap at halik sa noo lang ang ginagawa namin kapag nagkikita kaming dalawa. Gentleman si Rosales at malaki ang binibigay niyang respeto sa akin kaya lalo akong nai-inlove sa kanya.

"I love you too. Mag-iingat ka rin." nakangiti kong sagot bago ko pinatay ang tawag at ibinalik na ang cellphone ko sa aking bag.

Sakto namang nakalapit na si Kuya Samael dito sa sasakyan niya at agad siyang sumakay sa driver seat. Nang makasakay na siya ay saka naman nagsisakayan ang mga bodyguards niya sa dalawang itim na Van.

"Kamusta pala ang pag-uusap niyo ni Dean?" bungad kong tanong kay Kuya Samael habang sinisimulan na niyang paandarin ang makina ng kanyang kotse. Maya-maya lang ay umalis na rin kami sa school kasunod ang dalawang Van para magsilbi naming escort pauwi sa Mansyon.

"Pumayag naman siya na mag-homeschooling ka na lang ulit at handa rin siyang tumulong na maghanap ng magiging private tutor mo. Siguro isa na lang sa mga Teacher nila ang ipapadala niya sa Mansyon para mag-tutor sayo. But I still need to check the background of your private tutor for your own safety. At saka para makasiguro ako kung sino ang qualified na maging tutor mo. Alam mo rin naman kung gaano ako kahigpit pagdating sa kaligtasan mo," mahaba niyang sagot.

Napasandal naman ako sa headrest habang malungkot akong nakatingin kay Kuya Samael. Tama siya, masyadong mahigpit itong Kuya ko pagdating sa kaligtasan ko dahil sa takot siyang may masamang mangyari sa akin. Sa sobrang higpit niya ay ang dami-dami niyang mga tauhan na 24/7 na nagbabantay sa Mansyon.

"Final na ba talaga yan, Kuya? Gusto ko pa naman na mag-aral sa school dahil sawa na ako sa pagho-homeschooling. Gusto ko rin naman maranasan na magkaroon ng mga kaibigan sa school," parang bata kong sabi sa kanya.

Baka maawa siya sa akin at pagbigyan ulit niya ako sa kagustuhan ko na makapag-aral sa school at hindi na lang ako magho-homeschooling ulit. But he laughed softly and took my hand before kissing it.

"Ikaw ang kayamanan na iniingatan ko ng sobra, amore mio. You give me strength and you are my only weakness. You know that what I fear the most is losing you. But I will protect you at all costs. I'm willing to sacrifice everything for you. As long as you are safe and happy," aniya na nagpalambot dito sa puso ko.

Noon pa man ay paulit-ulit na niyang sinasabi sa akin ang mga katagang iyan. Na takot siyang mawala ako at talagang willing siya na mag-sakripisyo para sa akin. May ilang bagay rin siyang kinakatakutan, iyon ay baka ako ang gamitin ng mga kaaway niya laban sa kanya dahil ako ang kaisa-isang kahinaan ni Kuya Samael. But I know Kuya Samael won't let me get hurt. Hindi siya papayag na mapahamak ako.

Jusko po! Kung hindi ko lang siya kapatid ay baka kinilig na ako sa mga binibitawan niyang mga matatamis na salita. At kung ibang babae lang ang nasa pwesto ko ay baka naglumpasay na siya sa kilig. Sa akin lang talaga ganito si Kuya Samael. He only shows his soft, good and sweet side to me.

"At saka bakit mo pa kailangan ng maraming kaibigan, eh nandito naman ako? Am I not good enough to be your friend? Ayaw mo nun? May gwapo kang Kuya, may instant best friend ka pa." dagdag niya pa habang nakataas ang isa niyang kilay kaya natawa ako ng mahina.

"Ang sabihin mo, instant bodyguard! Palagi ka na lang kayang nakabantay sa akin!" wika ko na ikinatawa naming dalawa. Totoo naman kasi eh, nagiging instant bodyguard ko siya palagi. Kapag busy siya ay inuutos naman siya sa pinagkatiwalaan niyang tauhan na bantayan ako kahit saan man ako magpunta.

"Alam mo, Kuya? Bakit hindi ka na kaya mag-asawa o magkaroon man lang ng girlfriend? Sabagay ay nasa tamang edad ka naman na." bigla kong nasabi.

Naisip ko lang rin kasi bigla na pu-pwede na siyang mag-asawa at magkaroon ng pamilya dahil nasa tamang edad na siya. Five years ang age gap namin. Twenty five years old na siya ngayon pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ipinapakilala sa akin na girlfriend niya.

And damn! He has never had a girlfriend! No girlfriend since birth itong Kuya Samael ko and he has not yet entered into a relationship. 'O baka naman sadyang masyado lang siyang ma-sekreto at hindi lang niya sinasabi sa akin na baka may girlfriend na siya?

May pagka-mysterious type rin kasi itong Kuya ko. Masyado rin siyang ma-sekreto. Ako nga na kapatid niya ay ayaw na ayaw niyang ipinapakilala sa publiko dahil natatakot siya para sa kaligtasan ko lalo na't maraming nakakaaway ang pamilya namin. Iilan lang rin ang nakakaalam na magkapatid kaming dalawa.

"Don't worry, soon ay magkaka-girlfriend na rin ako. Naghihintay lang ako ng tiyempo para ligawan siya," nakangiti niyang sambit kaya napangiti rin ako.

"Wait, may nagugustuhan ka na bang babae?! For real?!" masaya kong tanong sa kanya na ikinatango-tango lang niya.

"Woah! I'm happy for you, Kuya! Finally, may bumihag na rin sa puso mo! Maganda ba siya? Mabait? Makakasundo ko ba siya?" sunod-sunod kong katanungan dahil sa matinding saya na sa wakas may nagugustuhan na palang babae ang aking nakatatandang kapatid.

"Yes, she's beautiful. She's insanely gorgeous, amore mio. Maganda siya at mabait kagaya mo," nakangiti niyang sambit habang malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa akin kaya lalong lumapad ang pagkakangiti ko.

Gosh, I can't wait to meet her! Ang swerte niya dahil nagustuhan siya ng Kuya Samael ko. Aba'y ang gwapo kaya nitong Kuya ko! Kahit na seryoso siya palagi at delikadong tao dahil sa isa siyang Mafia Boss ay may tinatago namang kabaitan itong si Kuya. Sweet kaya siya at maalaga pa. Hindi na lugi yung babaeng nagugustuhan niya ngayon!

"By the way, we will have a grand party for your upcoming birthday.." aniya na nagpakunot sa noo ko.

"Grand party? Bakit may pa-party pa kung pwede namang simpleng handaan lang ang gawin natin?" tanong ko sa kanya.

"Because I want you to celebrate your birthday happily so I want you to have a grand party and besides, ipapakilala na kita sa iba kong mga kasosyo sa negosyo," wika niya kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba lalo na sa huli niyang sinabi.

"Mapagkakatiwalaan ba kaya yung mga business partner mo, Kuya?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Of course, amore mio. At saka maghihigpit rin tayo sa birthday party mo. Iilan lang ang makakadalo at mga malalapit at mapagkakatiwalaan lang ng pamilya natin ang invited sa birthday mo," sagot niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

Pero isa lang ang iniisip kong problema. Iyon ay kung papaano ko ba sisimulan na ipaliwanag kay Kuya Samael na may boyfriend na ako.

Kinakabahan tuloy ako sa pwedeng kahinatnan naming dalawa ni Rosales pero handa naman ang boyfriend ko sa kung ano man ang mangyari. At saka panahon na rin naman na para aminin ko kay Kuya Samael yung totoo. Nakapag-desisyon na akong ipakilala si Rosales sa kanya sa araw ng birthday ko.

#

Author's Note: Hanggang dito lang po muna dahil mabagal po talaga ang UD dito sa kadahilanang tinatapos ko pa po ang isa kong story. Makakapag-focus lang po akong mag update dito kapag tapos ko na po yung story ni Leighton.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

672K 19K 49
He is your brother but he's also crazy to fall in love with you.
999K 27.1K 49
Darwin Rafhael Sin Khazariah is an Assassin in MAFIA'S ORGANIZATION. He known to be the most mysterious demon of all time. The silent type but a mons...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
570K 23.3K 37
HELLION 3: CHASE LAURENT SOON TO BE PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP She was born rich, he was not. They met when they were 10 and they became...