Stuck At The 9th Step

Від Khira1112

2.8M 94.5K 45K

Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story. Більше

PROLOGUE
CHAPTER 1 : GEORGE
CHAPTER 2 : DELGADO
CHAPTER 3 : ARCHITECTURE STUDENT
CHAPTER 4 : DRILL
CHAPTER 5 : WALLPAPER
CHAPTER 6 : TOWER OF PRIDE
CHAPTER 7 : FIRST GAME
CHAPTER 8 : LOOK UP
CHAPTER 9 : FALL
CHAPTER 10 : JUDGE
CHAPTER 11 : CONCLUDE
CHAPTER 12 : FLIGHT
CHAPTER 13 : INVADE
CHAPTER 14 : CONFIRM
CHAPTER 16 : DON'T TELL
CHAPTER 17 : WHITE LIE
CHAPTER 18 : DARE
CHAPTER 19 : MEET AGAIN
CHAPTER 20 : TAKE A CHANCE
CHAPTER 21 : RHEA
CHAPTER 22 : NOT A GOOD GIRL
CHAPTER 23 : DREAM TOGETHER
CHAPTER 24 : PLEADING
CHAPTER 25 : THREE YEARS
CHAPTER 26 : SET UP
CHAPTER 27 : ENDS
CHAPTER 28 : SERVICE
CHAPTER 29 : RUN
CHAPTER 30 : WITHOUT ME
CHAPTER 31 : LAST STRIKE
CHAPTER 32 : COPE UP
CHAPTER 33 : NONE
CHAPTER 34 : GRADUATION
CHAPTER 35 : OLD SELF
CHAPTER 36 : PUSSYCAT
CHAPTER 37 : SITE
CHAPTER 38 : BULLET
CHAPTER 39 : MASK
CHAPTER 40 : YOURS
CHAPTER 41 : COBY
CHAPTER 42 : MAN OF MY OWN
CHAPTER 43 : HATRED
CHAPTER 44 : GET HER BACK
CHAPTER 45 : FIGHT
CHAPTER 46 : REBOUND
CHAPTER 47 : AIRPORT
CHAPTER 48 : SCHEME
CHAPTER 49 : SUCKER
CHAPTER 50 : THROW IT
CHAPTER 51 : SHINN
CHAPTER 52 : MADNESS
CHAPTER 53 : FEISTY
CHAPTER 54 : CHILDHOOD MEMORIES
CHAPTER 55 : FAULT
CHAPTER 56 : STRANGER
CHAPTER 57 : COWARD
CHAPTER 58 : CAPS
CHAPTER 59 : PHOTOGRAPH
CHAPTER 60 : SO WRONG
CHAPTER 61 : REN
CHAPTER 62 : BLESSING
CHAPTER 63 : ADJUSTMENTS
CHAPTER 64 : POINT IT OUT
CHAPTER 65 : LAUGHINGSTOCK
CHAPTER 66 : COUSIN
CHAPTER 67 : THREE CHOICES
CHAPTER 68 : COLLIDE
CHAPTER 69 : ALONE
CHAPTER 70 : GO HOME
CHAPTER 71 : LET GO
CHAPTER 72 : SET OF CHOICES
CHAPTER 73 : SELL
CHAPTER 74 : USING YOU
CHAPTER 75 : YOUR EX
CHAPTER 76 : SICK
CHAPTER 77 : CHEATING
CHAPTER 78 : INSTEAD
CHAPTER 79 : BELLAROCCA
CHAPTER 80 : TAUGHT
LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE
LAST CHAPTER : RHEA LOUISSE MARVAL
LAST CHAPTER : COBY RAMIREZ
LAST CHAPTER : SHINN ACE ASLEJO
LAST CHAPTER : LAWREN HARRIS DELGADO
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 15 : DEFENSE MECHANISM

28.4K 1K 745
Від Khira1112

#SAT9S



CHAPTER 15 : DEFENSE MECHANISM


Hindi ako nakapagsalita pabalik. Katulad nung una niyang tinanong 'yon sa akin, naghalo-halo na naman ang emosyon ko. Tila nagkaro'n ng riot sa loob ko ngunit hindi ko malaman kung ano ang sinisigaw no'n. Hindi ko na na-gwardyahan ang puso ko at parang tuluyan na itong bibigay. Maliit na sinulid na lang ang nagdudugtong sa pride at damdamin ko.


Umiwas ako ng tingin sa kanya.


"Huwag mo na lang akong pakialaman." Mahina kong tugon.


"Hindi mo talaga aaminin sa akin na nahihirapan ka na?"


"Ano naman sayo kung nahihirapan na ako?" Nilingon ko siya. "Masmabuting lumayo ka na lang din kasi kahit sabihin ko sa sarili ko na huwag ako umasa sayo. . .kahit pinipigilan ko, wala akong magawa. Napapaasa ako sa wala kahit alam nating pareho na wala naman akong maasahan sayo. Ang end game, hanggang asa lang ako."


Sumandal siya sa upuan at nagbuntong hininga. "Mas maganda na nailalabas mo ang nararamdaman mo."


"Kahit wala akong napapala?" Patuya akong tumawa. "Kalokohan."


"Oo, kahit wala kang napapala."


"Madaling sabihin 'yan para sayo dahil hindi ikaw ang nasa posisyon ko. Hindi mo naranasan yung naranasan ko kay Oliver. I bet hindi ka pa nafa-fall sa taong pagmamay-ari na ng iba. Ano pang magagawa ng payo mo? Wala rin 'yang kwenta." Napailing ako at walang buhay na tumawa. "Hah! Hindi nga nakikinig sa akin ang damdamin ko. Sayo pa kaya?"


"Eh, ano bang masmaganda? Pagpapakatanga o pagsi-self destruct?"


Kumunot ang noo ko. Naguluhan sa sinabi niya. "Anong kinalaman no'n sa nararamdaman ko?"


"Aminin mo, depress ka na. 'Yan ang napapala ng nasanay sa katatago at kakalayo. Nagsasarili ng problema pero hindi naman talaga kaya." Naiiling niyang sabi. "Hindi mo ba pa nari-realize 'yon? Napapabayaan mo na ang sarili mo dahil sa kagustuhan mong lumayo sa akin."


"Anong gusto mong gawin ko? Dumikit ako ng dumikit sayo? Ikaw ba ang mahuhusgahan? Hindi. Ako. Teka nga, sa mga sinasabi mong 'yan, parang gusto mo atang umasa ako sayo."


"'Yan ba ang tingin mo?" Sinulyapan niya ako sandali. Inirapan ko siya at umusog ako sa dulo ng bench. Ngayon ko kinakastigo ang sarili ko kung paano ako nagkagusto sa taong 'to. "Na papaasahin kita?"


"Hindi ba?" Matapang kong tanong na tila naghahamon. "Ganyan naman kayong mga lalaki. Naranasan ko na 'to noon. So, I know better."


Natawa siya. Inangkla niya ang kanyang braso sa likod ng bench at tumingin siya sa kalangitan. "You know what? Minsan naisip ko kung may katulad pa ba ako sa mundong 'to. Nahihirap na kasi akong makipag-usap sa illogical na tao."


Napasinghap ako. "Iniinsulto mo ba ako?"


"Ang mahirap lang makipag-usap sayo." Naiiling niyang sabi. "Ang mga taong denial na tulad mo, hindi tumatanggap ng payo. Ma-pride, matigas ang ulo, nagpapanggap na malakas kahit hinang-hina na, wala sa bukabularyo ang makinig, sobrang immature, madaling mainggit, maraming sinasabi pero hanggang do'n ka lang at darating yung araw na walang makakatagal sayo dahil sa ganyang ugali mo. Gusto mo ba 'yon?"


Natahimik muli ako. Sa nanlalaking mata ay napatulala ako sa kanya. Hindi makaisip ng kung anong maireresbak. Mukhang hindi ako makababawi.


"Hay, ang hirap palang maging henyo. Hindi ka na iintindihan ng mga ordinaryong tao." Pasaring niya  sa akin. Namula na ang mukha ko sa sobrang pagkapahiya. Hindi ko inakalang kaya niyang magyabang ng ganyan! So, hindi ko talaga siya kilala?


Hindi pa ako nakakabawi ay bumaling na muli siya sa akin.


"Yes, concern ako sayo at alam ko 'yang nararamdaman mo pero hindi ibig sabihin no'n ay paaasahin na kita dahil alam nating dalawa na wala kang maasahan sa akin." Ngumisi siya. "Pero kayang-kaya kitang tulungan. I can make you hate me, George. Hindi mo talaga ako kilala at lahat ng nakikita mo sa akin ay parte lang ng maskara."


Nanatili akong walang imik. Dahan-dahang kumunot ang aking noo. Totoo ba 'to? Nagsasabi ba talaga siya ng totoo? Hindi kaya nag-iimbento lang?


"Saka, please lang. . ." Tumingin siya sa kalangitan. "Hindi ako santo at aaminin kong may pagkagago ako pero hindi ako kasing gago nung Oliver mo. Huwag mo ako ilinya sa mga tulad niya dahil ibang-iba ako sa kanila."


Napailing muli ako. Hindi ko talaga matanggal ang titig ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwalang si Ren ang nagsasalita sa harap ko. Hindi ko akalaing may pagkahambog pala ang lalaking 'to.


"Ngayon, nagtataka na talaga ako kung paano ako nagkagusto sayo." Sambit ko na ikinatawa niya.


"Ikaw kasi, eh. Nag-inarte ka pa. Kung dati pa natin 'to pinag-usapan, di sana hindi ka nahirapan." Sumulyap siyang muli sa akin.


Pinanlakihan ko siya ng mata. Sa sobrang inis ko ay pinaghahampas ko ang braso niya. "Walang hiya ka! Pinagtitripan mo ata ako, eh!"


Tumawa siya. "Hindi kita pinagtitripan."


"T-totoo bang ganyan ka? I-I mean. . ."


"I know what you mean." Tinukod niya ang siko niya sa kanyang tuhod at pinagsalikop ang kanyang mga kamay. Tumitig siya sa kawalan bago nagsalita. "Walang lubos na nakakakilala sa akin maliban sa isang tao."


Napalunok ako. Hinuhulaan kung sino ang taong 'yon. Magulang niya? Si Rhea? Bumaling siya sa akin at ngumiti.


"Lahat ng tao may secret identity. Hindi lang tayong dalawa. Ang pinagkaiba ko nga lang sayo, pinagmumukha kong mahina ang sarili ko para walang makaisip na mas magaling ako sa kanila. Ikaw, nagmamagaling ka para walang makaisip na sobrang hina mo."


Halos umusok ang ilong ko sa sinabi niya. Nakanapang-insulto talaga ang walang hiya! Ako? Nagmamagaling? Mahina? Hah!


"Konti na lang at masusungalngal na kita." Nanggagalaiti kong sabi. "My God, hindi ko alam na ganyan ka!"


Humalakhak siya ng napakalakas. "At kung alam mo, I doubt kung magugustuhan mo ako."


"Hindi talaga! Hinding-hindi!" Bulyaw ko sa kanya.


Amuse siyang tumititig sa akin. Parang nag-iiba siya sa paningin ko. Tinititigan ko lang ang mukha niya ay kumukulo na ang dugo ko. Parang nagkaro'n siya ng instant sungay. Ito ang totoong Ren? Hindi talaga kapani-paniwala!


"I told you. I can make you hate me."


Bumuga ako ng naiiritang paghinga. Now, I feel stupid. Nag-inarte ako para sa ganitong klaseng lalaki? Shet, hindi ko masikmura.


"Bukod sa pagpapanggap, saan ka pa magaling?" Patuya kong tanong.


"Sa lahat ng bagay." Punung-puno ng kompiyansa sa sarili niyang sagot. Hindi ko napigilan ang paglalag ng aking panga. Ibang klase. Mas matindi pa pala siyang magyabang sa lahat ng players!


"Nakakairita." Inirapan ko siya. "Paano ka nagkagirlfriend ng lagay na 'yan?"


"Secret."


"Natitiis ng girlfriend mo ang ganyang ugali mo?"


"Hindi ako ordinaryong lalaki at hindi rin ordinaryong babae ang girlfriend ko. Isang bagay na hindi maiintindihan ng ordinaryong tulad mo." Nakangisi niyang sabi. Hindi ko na napigilan ang panggigil ko at tuluyang napasigaw sa sobrang frustration.


Naimagine ko ang pagkatuliro ko sa loob ng ilang buwan. Bumalik sa akin ang mga 'katangahan' moments ko habang tumatakbo palayo pag nakikita ko siya, ang hindi ko pagtingin sa kanya pag practice, ang pagsampal ko sa sarili ko pag gusto ko matauhan ,ang pakikipag-usap sa aking sarili at ang pinakamalupit, nakakaligtaan kong kumain kakaisip sa kanya. Tila ang lahat ng 'yon ay isang malaking 'joke.' Napahilamos ako ng mukha.


At ang kumag na 'to, tatawa-tawa lang at mukhang enjoy na enjoy sa pagkakafrustrate ko.


"'Yan kasi. Nag-inarte. Ano akala mo? Papaasahin kita? Hindi. Dudurugin ko nga pag-asa mo, eh."


Hindi ko napigil ang sarili ko at sinabunutan ko siya. Mula ulo hanggang talampakan ang inis ko. Ba't may nag-e-exist na ganitong lalaki sa mundo? Matutuyuan na ako ng dugo!


Hindi niya ako nilabanan. Dumadaing pero tumatawa-tawa. Seriously? Ganito ba talaga siya?


Nang bitawan ko ang buhok niya ay nakapikit ang isa niyang mata at nakangiwi sa akin. Gano'n pa man, hindi pa rin natatanggal ang ngisi niya. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.


Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero nawala yung bigat na nararamdaman ko. Napalitan ng sobrang pagkaasar sa lalaking 'to at inis sa sarili  ko. Nabiktima ako ng nagpapanggap na Ren Delgado. Letse!


"Okay ka na?" Ngumiti siya sa akin at nagmukha na naman siyang mabait. Napatakip ako ng mukha at bumulong sa lahat ng santo na sana ay bigyan nila ako ng powers para mabasa ang utak ng lalaking 'to.


"You'll fall, George. Darating ka rin do'n at ang sasalo sayo ay ang tamang tao. Hindi tulad ni Oliver kasi isa siyang gago. Mas lalong hindi tulad ko. Hindi tayo bagay. Isa akong henyo."


Pumikit ako ng mariin at naalibadbaran sa sobrang kayabangan niya. Hindi ko alam kung na-turn off ba ako o ano. Nabubwisit ako!


Tumawa muli si Ren. "Kanina, emote na emote ka. Anong nangyari?"


"Hayop. Kung alam ko lang talaga."


"Ikukwento ko 'to sa girlfriend ko. Matatawa 'yon panigurado." Napahalakhak na naman si Ren. Nakahawak na siya sa kanyang tiyan. Pulang-pula naman ang mukha ko sa pagkapahiya. Hindi ako maka-get over sa natuklasan ko ngayong araw.


"Letse!"


Naglahad siya ng kamay sa akin. Nandidiri kong tinignan 'yon. Ngumisi lang siya sa akin ng nakakaloko. Tumitig lang ako sa mukha niya, parang sasabog na ako sa inis. Ano bang ginawa niya sa akin? Ba't parang kaya niyang paglaruan ang emosyon ko? May black magic ba ang isang 'to?


"Friends?"


Mas nanlaki pa ang nanlalaki kong mga mata. "Friends mong mukha mo!" Kinuha ko ang bag ko sa gilid at nagmartsa ako palayo. Muling sumabog si Ren sa pagtawa. Ginawa akong laughingstock ng gunggong!


"George! Pwede mo pa rin naman ako magustuhan! Pwede ka rin manligaw pero hindi kita sasagutin!" Sigaw pa niya.


Tinakpan ko ang tainga ko at mas binilisan ang paglayo. Pinagpasalamat na wala na gabi na at wala ng masyadong tao. Hayop na Delgado. Pinahiya lang ako sa sarili ko! Pinahiya ako! I can't believe it!


Hindi 'to nangyari sa akin nung naghahabol ako kay Oliver pero mukhang masmasaklap ito dahil lubog na lubog ako sa kahihiyan. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi na ako nasasaktan. Himala! Paano niya nagawa 'yon?


Hanggang sa makarating ako ng bahay ay iyon ang iniisip ko. Sinadya ba ni Ren na maging ganito ang resulta? Ito ba ang gusto niyang mangyari dati pa? Planado ba 'to? Kung oo, aba! Napakatuso naman niya!


Napaisip ako ng malalim. Halos bumakat na ang mukha ko sa kutson dahil binaon ko ng mariin ang mukha ko ro'n. Totoo nga kaya yung sinabi niya? He can make me hate him? Tactic niya ba 'yon para hindi ako tuluyang mahulog sa kanya? Naisip niyang gawin 'yon? Tss. Tuso nga.


Ngunit may parte ko pa rin na hindi makapaniwala na may ugali siyang nakakadisappoint. Paano niya naitatago ang tunay na siya ng gano'n kadali? Sanay na siya sa pagpapanggap? Pag tinignan kasi ang isang 'yon at pag pinanuod mo siyang makisama sa iba, parang napaka-'ideal.' Pero yung Ren na kasama ko kanina, ideal rin naman. Ideal kong patayin.


Kung alam ko lang talaga. . .


"Argh! Walang kwenta! Hindi ko talaga inakala!" Sigaw ko habang nakasubsob ang mukha ko sa kama.


Biglang hinampas ni Liza ng unan ang likod ko, "Hoy! Ano bang nangyayari sayo? Nababaliw ka na ba?"


Hindi ko pinansin si Liza at nagpatuloy sa pagsigaw. Hindi ko kinaya ang kahihiyan!


Kaya naman kinabukasan ay mainit ang ulo ko. Puro puna ang ginawa ko sa mga players habang nagdidrill sila. Nagrereklamo na nga ang iba pero wala akong pakialam. Ngunit isa lang talaga ang pinakapinuntirya ko.


"Delgado, 30 push ups! 30 sit ups!"


"Ano 'to? ROTC?" Pasaring niya sa akin na tila nang-aasar pa. Pinanlakihan ko siya ng mata.


Ngumisi siya at mabilis na ginawa ang inutos ko. Napapailing na lang ang mga players. Umakbay sa akin si Marco at ginulo ang aking buhok.


"Ang init ng ulo mo kay Ren, ah? May ginawa ba sayo?"


"Wala!" Sigaw ko.


"Ba't ka sumisigaw?" Nakangiwi niyang tanong.


"Hindi!" Inis lang! Sa hindi ko makalimutan yung ginawa sa akin kahapon ng hinayupak na 'yan, eh.


"But I'm glad your back."


Naguguluhan kong tinitigan si Marco. "Nandito naman ako lagi pag practice, ah?"


"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Natatawa niyang tugon. "Nandito ka nga pero parang wala ka sa sarili mo. Ngayon, napansin kong focus ka na ulit. Saka. . ." Inangat niya ang braso ko. "Pumayat ka, oh? Ano bang ginawa mo sa sarili mo?"


Mas lalong nagngitngit ang kalooban ko. Sinikap kong hindi 'yon makita ni Marco. Mas natatangahan lang ako sa sa aking sarili. Kaysa lunurin ko sa inis ang sarili ko, si Ren ang pinagbuntunan ko ng sisi. Siya naman talaga ang may kasalanan nito, eh.


Bumawi ako sa kain. Do'n ko binuhos ang frustration ko. Sinama ko si Riezel na kaklase ko ulit ngayon sa Rizal. Iyon ang huling subject ko sa araw na 'to kaya agad kong nakaladkad si Riezel rito sa isang fastfood.


"Hinay naman, girl." Natatawa niyang sabi. Patuloy ako sa sunud-sunod na pagsubo. "Hindi naman kita aagawan."


Hindi ko siya pinansin. Ngayon na lang ulit ako nag-crave sa pagkain. Ilang buwan rin yung pagdadrama ko, ah! Hindi ko naman kasi napansing pumapayat na ako.


"May problema ka ba? Broken-hearted?" Tanong pa niya.


Umiling ako. Broken-hearted? Nah. Broken pride and full of shame. Iyon ang tamang description. Uminom ako ng coke at tumingin kay Riezel.


"Naka-encounter ka na ba ng tao na dalawa ang personality?"


Kumunot ang kanyang noo na tila ina-analyze ang sinabi ko. "You mean, bipolar?"


"Oo. Parang gano'n?"


"Eh di ba disorder 'yon?"


Ako naman ang napaisip. Parang hindi naman baliw si Ren pero pwede na ring bansagan.


"Eh, yung magagaling magpanggap? Yung akala mo mabait pero may tinatago rin palang ugali?"


"Hindi na bipolar ang tawag ro'n. Kaplastikan na 'yon." Sagot ni Riezel habang ngumunguya ng fries.


So, plastik si Ren? Parang hindi naman. Pero parang 'oo' rin. Naguguluhan ako. Anong benefit nung pagtatago niya ng gano'ng ugali? Hindi siya nagpapakatotoo sa sarili niya? Bakit?


"Tingin mo bakit nagiging plastik ang isang tao?" Wala sa loob na tanong ko kay Riezel.


"Parang defense mechanism na kasi 'yon sa panahon ngayon. Hindi nga lang gano'n kaganda ang epekto pag nalaman nilang plastik ka. Pag walang nakakaalam, you're safe."


"Kaya ba dumarami ang plastik ngayon dahil gusto nila maging safe?" Napairap ako. "Ang bababaw."


"Lahat naman ata ng tao, may pagkakataong play safe talaga pero hindi dapat inuugali dahil nakakairita yung gano'n."


"Oo nga. Kung kaya mo namang makipagsabunutan o suntukan, ba't ka pa makikipagplastikan? Mga duwag." Komento kong ikinatawa ni Riezel.


Pero duwag ba si Ren? Parang hindi naman. O baka nasa ugali niya lang talaga ang gano'n? Maglalabas lang siya ng tamang emosyon base sa sitwasyon? Saka, ang napansin ko sa practice, normal pa rin ang pakikitungo niya sa mga players. Pag nagtatama ang tingin namin, ngumingisi siya sa akin at agad akong maiinis sa kanya. Natural na epekto ba 'yon ni Ren sa mga babae o sa akin lang? Alam kaya ng girlfriend niya ang ugali niyang 'yan? Malamang.


Natapos ang first sem, pumasok ang second sem. Dalawang buwan na lang ang natitirang preparation namin para sa liga. Bumalik sa mabigat na training ang buong team at determinado ang lahat na panatilihin ang team sa tuktok.


Sa isang practice ay nagkausap ulit kami ni Ren.


"Kumusta, Manager?"


Iningusan ko siya. Ewan ko kung ano ng nangyari sa damdamin ko sa kanya. Weird pa rin pero nahaluan ng inis. Makita ko lang ang mukha niya, marinig ko lang ang boses niya, naiinis na agad ako.


Nag-uusap pa rin naman kami minsan. Pinapakiramdaman ko ang sarili ko pag nangyayari 'yon. Kadalasan ay inaasar niya ako ng palihim at hindi nakikita ng mga players 'yon kaya napipikon niya ako.


Hanggang sa nakumbinsi akong it was just a tactic to keep my feelings at bay. Para hindi ako tuluyang mahulog sa kanya. May awkward feeling pa rin pero hindi na tulad ng dati. Hindi ko na tuloy mapoint out kung ba't ko siya nagustuhan.


"Okay lang." Bumaling ako sa kanya. "Mang-aasar ka na naman?"


"Mapipikon ka na naman?" Ngumingisi na naman siya. Kung pwede ko lang i-zipper ang bibig niya para hindi siya makangisi, ginawa ko na.


Inirapan ko siya. "Bati na kasi tayo, Manager."


"Letse ka."


Tinawanan niya lang ako. Biglang tumunog ang phone niya at tumalikod siya sa akin para sagutin 'yon. Lumayo siya ng bahagya at tinuon ko naman ang aking pansin sa game plan ni Coach Dren ngunit hindi ko maiwasang makinig.


"Yes. Pagtapos ng sem. Malapit na yun, beh. Susunduin kita."


Huminga ako ng malalim. May kurot pa rin, but at least, I can manage. Hindi na 'yon kasing sakit nung dati. Mukhang nagtagumpay si  Ren na iurong ng konti ang nararamdaman ko para sa kanya. Magaling.


"I love you. . ."


Pinigilan ko mapapikit nang marinig ko 'yon. Pinigilan ko maglabas ng reaksyon. For the first time, narinig ko ang pagsambit niya sa mga salitang 'yon. Pinagdasal ko na lang na hindi na mabasa ni Ren ang nasa isip ko. Ngunit inamin ko na sa aking sarili na may sakit pa ring natitira.


Nang mapatingin muli ako sa kanya ay nagulat ako nang makitang nakatingin siya sa akin. Nakangiti siyang lumapit sa akin. Ginulo niya ang buhok ko at bumulong.


"You'll find yours, George. You'll find yours. . ."


Pag-uwi ko sa dorm nung gabing 'yon ay umiyak ako. Pinagpasalamat kong wala si Liza. Hindi ko alam kung ba't ako umiiyak. Kung nasasaktan ako kay Ren o nasasaktan ako dahil wala pa rin yung lalaking para sa akin? Ang unfair kasi. . .


Mabilis na lumipas ang mga araw, naghahanda na ang lahat ng university na kasali sa league. Tatlong linggo na lang ang nalalabi at magsisimula na ito. Maganda ang pinapakita ng Mavens sa practice pero sinabihan sila ni Coach na huwag maging kampante.


May check up na gagawin sa mga players ngayong araw. Isa-isa silang dumating. Tinatakot ko pa yung mga players at niloko silang ii-injection sila ng vaccine. Namumula si Orly dahil takot ito sa karayom at panay ang tawa namin sa kanya.


"Alam na kung paano makukuha ang girlfriend nyan! Magdala ka lang ng injection, bibigay na niya 'yon ng kusa!" Asar ni Jeoff sa kanya.


"Mga gago!" Ang namumulang mukha ni Orly ay nawalan bigla ng dugo. Mas lalo kaming natawa.


Sumilip sa amin si Coach Dren. "Kumpleto na ba?"


Umiling ako. "Wala pa po si Ren Delgado."


"Ayos talaga 'yon. Ngayon pa na-late." Naiiling na sabi ni Kenedic.


"Tawagan mo na nga, Manager." Sabi ni Nath.


Nag-dial ako. Hindi niya sinagot ang una at pangalawang tawag ko. Naiinip na ako sa pangatlong tawag at akmang i-e-end na ang call nang biglang magkaro'n ng linya at may sumagot no'n.


"Hello, Ren? Nasaan ka ba? Nandito na kaming lahat!" Sabi ko.


"Hello, Miss? Kaibigan niyo po ba ang may-ari ng phone?" Babae ang sumagot sa linya. Sino 'to? M-magkasama ba sila ng girlfriend niya?


"Ahh, opo. Nasa'n po si Ren?"


"Miss, this is Medical City. Naaksidente po ang kaibigan niyo."

Продовжити читання

Вам також сподобається

55K 1.6K 35
Welcome to my mind. My neverland. Contains poems, lines from my stories and random things that kept on running in my mind. WARNING: May contain dar...
4.4M 105K 35
***I wrote this story so many years ago, back in 2019, when I didn't care about errors and grammar, basta makapag-sulat lang. I'm really thankful bec...
466K 8K 81
↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko...
227K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...