Love Me in Brooklyn

By NerdyIrel

157K 5.7K 1.4K

A cheerful and optimistic girl who deeply admires an unapproachable popular guy. She chases him but he never... More

Start
Love Me in Brooklyn
Prologue
Chapter 1 - Her Life
Chapter 2 - Failed Attempts
Chapter 3 - Journey
Chapter 4 - OSR
Chapter 5 - Russell Riders
Chapter 6 - New Member
Chapter 7 - Triple R
Chapter 8 - Everywhere
Chapter 9 - Secret
Chapter 10 - Welcome Party
Chapter 11 - Threat
Chapter 12 - Childhood Friend
Chapter 13 - Contract
Chapter 14 - Revenge
Chapter 15 - Patience
Chapter 16 - First Date
Chapter 17 - Competition
Chapter 18 - Invite
Chapter 20 - Feelings
Chapter 21 - Selfie
Chapter 22 - Territorial
Chapter 23 - Worried
Chapter 24 - Confession
Chapter 25 - Bruise
Chapter 26 - Love
Chapter 27 - Suitors
Chapter 28 - Keep
Chapter 29 - Promise
Chapter 30 - Shoes
Chapter 31 - Proud
Chapter 32 - Cheer
Chapter 33 - Guilt
Chapter 34 - Caught
Chapter 35 - Rumors
Chapter 36 - Agreed
Chapter 37 - Truth
Chapter 38 - Questions
Chapter 39 - Protect
Chapter 40 - Settled
Chapter 41 - Nervous
Chapter 42 - Fetch
Chapter 43 - Promises
Chapter 44 - Going Home
Chapter 45 - Happiness
Epilogue
Author's Note

Chapter 19 - Falling

2K 112 8
By NerdyIrel

CHAPTER 19

FALLING


Sab's POV


"Oh bakit ang lungkot mo? Hindi ba masarap?" nagaalalang tanong ni Ron habang nakatingin sa vanilla ice cream na hawak ko. Pinanliitan ko siya ng mata kaya tumawa siya.

"Gusto mo lang tikman noh? Bahala ka diyan. Akin lahat 'to!" Hindi kasi siya bumili ng kanya dahil malamig na daw tapos maiinggit. Parang timang hahaha!

Ron playfully tried to lick my ice cream. Inilayo ko nga sa kanya dahil baka totohanin niya pa. "Heh! Bumili ka ng iyo!" Mabilisan kong inubos iyon para wala na siyang makuha pa. Tawa siya ng tawa lalo na't nadumihan ang bibig ko.

"Para ka pa ring bata hanggang ngayon. Ang dugyot!"


Lumapit siya at pinunasan ang bibig ko gamit ang tissue na hawak niya. I froze as I noticed how near his face is to me. Titig na titig siya sa labi ko at maingat na nilinis iyon. I felt shy so I immediately took a step back and faked a laugh.

"Wow ha. Akala mo siya sobrang linis," I joked around to ease the tension. Natawa siya at pinisil ang pisngi ko kaya naman tinabig ko ang kamay niya. "Alam mo, late na. Umuwi na tayo."

He threw the tissue in the trash bin like he was playing basketball. "Aren't you going to Agatha's party?"

Pupunta sana ako kung invited ako kaso ayaw naman ni Russell na maistorbo ko silang dalawa...


"I'm tired, Ron. It's been a long day. You should go, hinihintay ka na yata nila." Ayokong sabihin sa kanyang wala akong natanggap na invitation dahil feeling ko, kakausapin niya si Agatha tungkol doon.

Mahilig man akong mamilit ng gusto ko, minsan alam ko rin kung kailan iyon ilulugar. Si Russ na yung may ayaw na sumama ako kaya bakit ko pa ipagpipilitan ang sarili ko? He seemed serious about it. Ayaw niyang nandoon ako.


"Ganun? Sayang naman." Ngumuso siya. "Oh sige, hatid muna kita sa inyo."

"Ano ka ba, ang lapit na natin sa campus oh. Kaya ko na."

"No, I insist. Delikadong mapagisa ng ganitong oras. Tara." Hindi na ako nakipagtalo pa dahil mukhang desidido si Ron na maihatid ako.


Nagkwentuhan kami pabalik habang sinisipa sipa niya ang isang lata ng softdrinks. "Thanks for cheering earlier, Sab. I really appreciated it."

"Wala 'yun. Pero akala ko ba hindi ka part ng swimming team? How come you joined the competition this afternoon?" kuryosong tanong ko sa kanya.

"Injured yung kasamahan ni Russ tapos kabado naman yung dapat na mga papalit sa kanya. It happens all the time to newbies. Coach was scolding all of them when I came in to visit Russell and Lucas. I wasn't doing anything so I volunteered. I figured it would be fun to do it. Ayaw ni coach nung una pero pumayag rin pagkatapos siyang kausapin ni Russell. He trusts his decisions."

"Ahhh kaya pala. So sasali ka na until finals?"

"I'm not sure, hindi ko natanong kay Manager Lee pero dahil nag-sign up ako at nanalo ako kanina, mukhang isasali na nga rin nila ako sa team this year. Okay lang din, pangdagdag sa credentials."

I smiled and remembered how good he is at both sports, parang si Russell lang. Grabe silang magkakaibigan, mga athletic talaga. "Ang galing niyo, noh? Sana ako rin kahit isang sport lang may matutunan."

"I can teach you how to swim."

"Talaga?" excited na tanong ko. "Kailan?"

"Gusto mo bukas na bukas turuan kita. Magkita tayo sa pool ng---"

"She's not allowed there."

Natigil si Ron nang may biglang magsalita. Doon lang namin napagtantong nasa may tapat ng dormitory building na pala kami at nakatayo roon sa labas si Russell. Biglang nabuhay ang dugo sa katawan ko ngunit nagtaka ako dahil nakakunot ang noo niya at ang simpla ng timpla ng mukha.

Is he not happy to see me? Parang dismayado pa siya...


"Why not?" Ron asked.

"She's not part of the team. School rules."

May kirot iyon sa puso ko. Parang pinamumukha niya talagang hindi ako belong sa kanila.

I pouted and looked away. Hay nako, onti na lang idi-divorce ko na ito! Nasasaktan na ako!


"Why are you here? Are you waiting for Sab?" Napatingin ako kay Ron dahil sa tanong niya kay Russell. Agad naman akong bumaling sa crush ko para marinig ang sagot niya.

Oo nga. Bakit siya nakatayo dito? I thought he's with Agatha?


Nagtagpo ang mga mata naming dalawa bago siya umiwas ng tingin. "Bakit ko naman siya hihintayin?" Mahina ang boses niya pero narinig ko pa rin iyon. "Ikaw pinunta ko rito. Lucas said I have to make sure you'll go."

Nalungkot ako sa sagot niya. Akala ko naman na-miss niya ako kaya siya nandito.


"Ah sige Ron, akyat na ako. Salamat sa paghatid."

"Sige Sab. Goodnight." Lumapit na siya kay Russell at sinuntok ng palaro ang braso nito. "Miss niyo ko, bro? Hahaha!"


Naglakad na palayo si Ron kaya ganun na rin ako. Lalagpasan ko na sana si Russell nang bigla siyang may hinarang na plastic bag sa harapan ko. I raised an eyebrow at him but he just gave the bag to me, then he ran after Ron without saying a word.


Nagtaka ako at tiningnan ang loob no'n. I was puzzled to see a milk drink and a bar of chocolate.

Then there's a blue sticky note attached to the milk.


Wag kang magtampo.

Lahat ng assistants hindi invited.

Smile ka na.

- Hubby mo.


Nilingon ko agad si Russ at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. He immediately turned his back at me.


Gusto kong tumili sa kilig pero pinigilan ko ang sarili ko pero ayokong mageskandalo dito. Kinagat ko na lang ang labi ko.

Payag na siyang hubby ko siya!!! OMG!

GRABE RUSSELL BUWISET KA! Sinong magagalit sa'yo kapag ganyan ka?! Hay nako!!!


"Oh S, bakit parang namimilipit ka diyan?" tanong ni Marina na kakarating lang.

Agad akong tumakbo at niyakap siya. "Ang saya saya ko, M! Best night ever!"

"Talaga? Ako rin!" She smirked. "Lucas finally confessed his feelings for me. Nagkausap kami ng masinsinan at pakiramdam ko, kaunting araw na lang ay sasagutin ko na siya."

"Taray mo naman! Magkaka-lovelife na talaga!"

"Naman!" She laughed. "Ikaw? Anong good news mo?"

For some reason, I wanted to keep the note a secret even to my cousin. Sinarado ko ang plastic bag at inilagay iyon sa likuran ko. "W-wala naman, nakasama ko lang kasi si hubby for dinner he he he."

"Akala ko naman kung ano. Kung makatili ka diyan, parang nanalo ka sa lotto!"

Tumawa na lang ako at hinila na siya upang umakyat na kami sa kwarto namin.


Russell's POV


Sab was happy.

She smiled, I'm positive.



"Ah Cap---" Natigil si Ron nang lingunin ako. Agad kong inalis ang ngiti sa labi ko at kumuha ng alak. "What's so funny?" He asked.

Hindi ako umimik, inabutan ko na lang sila ni Lucas ng mga bote. Then I sat between them so girls won't flock me. Ayoko kasing may lumalapit para kausapin ako o 'di kaya para magpa-picture. Kapag nasa gitna ako ng mga kaibigan ko, mahihirapan silang gawin iyon.


"I'm so in love, dude." Parang lasing na sambit ni Lucas kahit na wala pa siyang naiinom.

"Yeah, we know. You can shut up now." Ron laughed.


Napailing na lang ako at tinuon ang pansin sa cellphone ko nang maka-receive ako ng text.


From: Kulit

8:50 pm

Thank you hubby for your gift!

Labyuuuuu!


I cleared my throat to stop myself from laughing. Tumayo na lang muna ako at nagpunta sa balcony.

"May labyu pa talaga," bulong ko. Kala mo hindi umiwas kanina...


To: Kulit

8:51 pm

Aren't you mad at me?

I thought you don't want me anymore?


From: Kulit

8:51 pm

HALA! Pwede ba yun?

E number one ka sa puso ko!

Ang sabi ng heart ko ganito: "Tugtug Russell Tugtug"!!!


I chuckled as I imagined her saying those words.

Baliw talaga walanjo.


Dahil tinatamad na akong mag-text, tinawagan ko na lang siya. Agad niyang sinagot ang tawag pagkatapos lang ng two rings.


"Isn't it 'tugtug Ron tugtug' a while ago?" asar ko.

"Can you say that again, hubby? Ang cute mo!"

I rolled my eyes. "You're avoiding the question. Siguro totoo ngang si Ron na ang nagpapatibok ng puso mo."

"Ikaw pa rin naman, wag kang magalala. Ikaw palagi, Russell."

Ang lambing ng boses niya kahit na may halo iyong tawa.

I closed my eyes and enjoyed the cold breeze of Brooklyn. Nakaka-relax marinig ang boses ni Sab habang ganito kalamig ang panahon.


"Nasa party ka na, hubby?" I opened my eyes and sighed. Ayoko naman magpunta dito pero dahil ayos na si Sab, tinuloy ko na lang din. I didn't want my teammates to think I'm a killjoy.

"Yup." It would be more fun if you're here. Nakikita ko na ang pagsasayaw mo sa dance floor na parang batang nasa kid's party. "What are you doing right now?"

"Ito, nilalantakan 'yung bigay mo. Thank you nga pala. Sayang, hindi ako nakapagpasalamat sa personal. Umalis ka kasi bigla."

I smiled as I pictured her with chocolate stains on her teeth. "Masarap ba?"

"Sobra! Fave ko kaya ito tapos regalo mo pa kaya kahit si Marina hindi ko binibigyan hehe." Bumulong siya para siguro hindi marinig ng pinsan niya. "Nanghihinayang nga ako ubusin. Parang gusto ko na lang itago at gawing display."

Natawa na naman ako. "I'll buy you more, don't worry."

"Hala weh?! Huy Hubby ah, wag mo 'kong pinapaasa!"


Magsasalita pa sana ako nang tawagin ako ni Agatha. "Russ! Picture!"

I shook my head. Wala ako sa mood magpakuha ng litrato. I'm too tired to do it.


"Uhh... busy ka yata? Sige na, you can end the call," Sab mumbled. Nahagilap naman ng mga mata ko si Ron na may kinakalikot sa phone niya.

Does she want to cut the line so she can answer Ron's messages? Mukhang maguusap pa sila buong gabi ah.


"Sab..." pag-agap ko. Agatha was gesturing for me to go back inside but I remained at my spot. Tumalikod ako upang matuon ko ang focus ko kay Sab.

Ayokong sabihing sweet dreams, masyadong cheesy.


Ngumisi ako nang sa wakas ay may pumasok sa isip ko. Something that could distract her from entertaining Ron.

"Dream of me. Ako lang ha, baka mamaya kung sino-sino isama mo sa panaginip mo, magagalit talaga ako."


In-end call ko na bago ako bumalik sa loob.

That should keep me on her mind all night.





Sab's POV


"Hoy, bakit ganyan ang itsura mo? Literal na mukha ka ng panda!" Humalakhak si Marina habang nagaayos sa tapat ng vanity mirror niya. She ordered one last week. Kahit hindi ako kasing arte ng pinsan ko ay natututo na rin tuloy akong magayos dahil palaging naka-display dito ang mga gamit niya.


Paano naman hindi mangingitim ang mga eyebags ko e hindi ako nakatulog kakaisip sa sinabi ni Russell kagabi? Natakot akong baka managinip nga ako ng iba, magkaroon pa ako ng kasalanan sa kanya.

Hays! Hirap magkaroon ng asawa! Naii-stress ako ng bongga!


"Palagyan naman ng concealer oh." I sat beside her and pouted.

She laughed again. "Ano ba kasing ginawa mo at napuyat ka?"

"Nagisip isip lang."

Habang nagpapalagay ng light make-up ay tumunog ang phone ko. I looked at it and frowned to see my father's name. Why is he awake at this hour?


I answered the video call. "Hello Pa!" Ipinatong ko ang phone sa table at pumikit ulit nang sinabi ni Marina na lalagyan niya ako ng manipis na eyeliner.

"Hello anak, mabuti naman at sumagot ka na rin sa tawag ko."

"Ay sorry Papa, nalimutan kong mag-reply kahapon. Busy lang po sa school." Exams ko kasi nung nag-call siya kaya hindi ko napagtuunan ng pansin.

"Kumusta naman kayo diyang dalawa?"


"Ayos lang po kami Tito!" Marina answered for me. "Si Mama po, tulog na?"

"Oo, kanina pa." Tumikhim si Papa kaya napamulat ako upang tingnan siya.


"Bakit po kayo napatawag?" Hindi kami madalas magusap dahil na rin sa time zone difference. Usually nagme-message lang kami sa isa't-isa kaya ang rare na nag-call pa siya.

"Bawal ba ma-miss ang nagiisang anak ko? Kailan ka ba uuwi dito? Ang tagal mo na diyan ah. Ilang buwan na 'yan."

"I miss you too, Papa. Pero babalik lang po ako kapag naging kami na ng crush ko," pagtawa ko.


"Ay Tito, naikwento po ba sa inyo ni S na nag-meet na ulit sila ni RJ?" singit ni Marina. Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit hindi pa rin siya tumigil. "They were together last night! Nag-date!"

Pesteng 'to! Nabanggit ko pa kagabi na nilibre ako ni Ron ng ice cream! Kung alam ko lang ichi-chika niya agad kay Papa, hindi ko na pala sana sinabi sa kanya!


"Your childhood friend? The one you were looking for?" gulat na tanong ni Papa.

"Uh...opo Pa. Ka-schoolmate ko po pala siya. What a small world!"

"Small world nga..." Sa tono pa lang pananalita niya ay halata nang hindi siya natuwa. "Talaga bang ayaw mo kay Simeon? Mabait ang batang iyon. Kahapon lang ay tinulungan niya ako sa trabaho."

Ito na naman ba? Aawitan na naman ba ako ng tatay ko na magkagusto sa anak ng kumpare niya? Ayaw nga sabi!


"Ay Pa, magaayos na po kami. May club meeting pa po. We're going to be late," I lied. Sobrang aga pa at ilang oras pa bago namin puntahan sila Lily. Gusto niya kasing i-discuss ang upcoming events ni Russell kaya siya nagpatawag ng pagpupulong. Syempre game ako lalo na't importante ang presensya ko doon. Nasa akin ang schedule ni hubby, hehehe.


"Okay anak, ingat kayo diyan. Mag-chat ka lang kung kailangan mo ng dagdag sa allowance."

"Love you Pa! Bye!"


In-end call na niya kaya naman hinampas ko kaagad si Marina. "Ikaw ah! Ang daldal mo!"

"Bakit ba?" paghalakhak niya. "Dapat lang i-update mo si Tito tungkol sa lovelife mo para naman hindi siya mabigla kapag naging kayo na ni Ron."

I rolled my eyes. "Wag ka nga! Loyal ako sa crush ko!"

"Loyal ba siya sa'yo? Balita ko nagpa-party si Agatha para sa kanya kagabi ah."

"Can we not talk about that witch? Aga aga, nasisira araw ko."

"Whatever. Oh mamili ka na ng shade ng lipstick para matapos na tayo dito."

Sumimangot na lang ako ngunit sinunod rin ang gusto niya.





Marina's POV


I blushed as I read Lucas' good morning messages. Umagang-umaga ay maganda na agad ang araw ko. Sino ba naman kasing hindi kikiligin sa pagiging sweet nito?


"Ayoko talaga kapag weekend, hindi ko nakikita si Russell unless may practice game siya," reklamo ng pinsan ko.


Pababa kami ngayon ni Sab ng dormitory building at ang sabi ni Lucas ay naghihintay na siya sa labas. I didn't tell my cousin about it because I know she'll be annoyed. Ayaw niya maging third wheel pero kapag binigla ko siya, wala na siyang magagawa. Hehehe.

"Magkikita naman kayo sa Monday," I tried to cheer her up.

"Ang tagal pa! Two days pa---hubby!" Namilog ang mga mata niya kaya agad kong nilingon kung sino ang tiningnan niya.


My eyes also widened when I saw her crush standing beside Lucas. Naka-hoodie silang dalawa, puti sa manliligaw ko habang itim naman kay Russell. Naka-cap na itim rin ang hubby ni Sab, mukhang nagtatago sa mga babaeng humahabol sa kanya.


"What is he here?" Hindi ko mapigilang ituro pa siya.

Lucas smirked and immediately approached me. "He's coming with us for breakfast. Is that alright?"

"OF COURSE!" masiglang sagot ni Sab kahit na ako naman ang tinanong. "Tara hubby! Saan mo gustong kumain?"

Poker face na nagkibit balikat si Russell. Lucas then smiled at me. "Let's go?"

"O-okay..."


Naglakad na kaming apat palabas ng campus. Ang kulit kulit ng pinsan ko, halatang sobrang saya niya. Napailing na lang ako dahil kahit gusto ko siyang batukan at sabihang maghunos dili siya ay hindi ko naman magawa.

We went to a famous pancake house just a few blocks from our school. Sa taas kami umupo para na rin walang masyadong tao.


"I'll go with you," I told Lucas when he said he'll order for us.

Iniabot bigla sa kanya ni Russell ang credit card niya ngunit umiling ang katabi ko. "It's fine, dude."


"What's yours, Sab?" tanong ko.

"Uhmmm." Sobrang focus na nagbasa ng menu si Sab. Halatang hindi makapili sa dami ng mga options. Tumingin na rin ako ng akin ngunit napansin ko si Russell na hindi gumagalaw sa upuan niya.

At first I thought he was looking at the menu but then I noticed his eyes are directed to Sab. Titig na titig siya dito habang ang pinsan ko naman ay walang kamuang muang na kumukunot pa ang noo.


"I'll have two pancakes with...mangoes? Ay hindi banana na lang. Teka teka, banana with strawberries na lang. Pero maasim ba 'yon, M? Ang hirap naman!" Napakamot sa ulo si Sab.

Russell's lips rose as he watches Sab struggling.

Teka, tama ba ako ng nakikita? Ngumingiti talaga siya? I thought he's a robot? Hindi ba't wala siyang emosyon palagi at kung meron man, inis at pagkaburido lang ang nararamdaman niya?


"Ito promise, final. Banana and chocolate na lang ang flavor, hehe. Ikaw hubby?" Pag lingon niya kay Russell ay inialis kaagad nito ang ngiti.

"Same," walang emosyong sagot niya.


"I thought you hate bananas?" Lucas asked.

Hindi umimik si Russell.


"Ayun, M. Kuha mo naman 'di ba? Thank you!"

Tumayo na ako ngunit tiningnan ko ulit si Mr. Robot. He's looking at Sab again with a smile on his face. It's like he's amazed at her or something...

Nang maramdaman niya ang titig ko ay yumuko siya bigla at nag-cellphone. Bumaling na ako kay Lucas at naglakad na kami pababa.


"Do you think your friend likes my cousin?" I couldn't help but ask.

"You noticed that too, huh?" He laughed. "I've never seen Russell act like that before."

Nag-order na kami ng food habang ako naman ay inisip mabuti kung talaga bang may kahulugan ang mga tingin ni Russ sa pinsan ko.


"Whose idea is it for him to join us?" tanong ko nang paakyat na kami.

"Captain's." He smirked. "He was going to do some jogging but he dropped it as soon as he heard Sab's coming too."

Anong trip no'n? Baka naman wala lang siyang magawa? Maybe he's bored and he finds Savannah entertaining that's why he's here too.


Umakyat na kami dala ang mga tray ng pagkain namin. Agad lumapit sa akin si Russell at kinuha ang hawak ko. He placed it in front of Sab and gave her the bigger one. Hindi kasi magka-size yung pancakes, siguro ay dahil mano mano ang pagluluto ng cook.


I sat down and smiled at Lucas as we started eating. Napansin ko namang inaasikaso ni Russell si Sab nang pasimple. He handed her the syrup and some tissue.

I do that to my friends sometimes. No big deal.


I did my best not to look at his way but when Sab finished her food, I saw how he automatically stopped too. Tumigil siya sa pagnguya at ibinaba sa plato ang fork at knife niya. Isang pancake pa lang ang nakakain niya kaya sigurado akong hindi pa siya busog.


"Tapos ka na?" mahinang tanong ng pinsan ko na parang natatakam sa tira ni Russell.

He didn't answer but he pushed his plate toward Sab.

"Akin na lang?"

Tumango lang si Russell at uminom ng kape. My cousin giggled and thanked him. Kumembot pa ito nang kaunti, halatang sarap na sarap sa breakfast namin.

Nahuli kong napangiti na naman si Russell habang pinagmamasdan si Sab. He tried so hard not to stifle a laugh.


Holy cow. He likes her!!!!


*End of Chapter 19*

Continue Reading

You'll Also Like

4M 72.5K 28
Dear Baby, how can I forgive him? And how can I forgive... myself? Do you forgive... us? Can you forgive... me? Written ©️ 2013-2014 (Republished 2...
2.7K 227 34
Let's travel Palawan in Douglas' eyes. Douglas Alejandria, a son of Cuyo's Vice Mayor, decided to leave their hometown and live alone and work his as...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
45.9K 1.4K 32
May abs? ✔️ Gwapo? ✔️ Matalino? ✔️ Mayaman? ✔️ Lahat nasa kaniya! Lahat ng hinahanap ng babae nasa kanya na, kaya lang ang may isang bagay di...