The Devil in a White Coat (GL)

By Hraefn

424K 17.5K 8.7K

Haoran Lauchengco thought she was invincible. Ilang riot, gang war, o gulo na ang nasangkutan niya, at ilang... More

The Devil in a White Coat
Disclaimer
TDIAWC Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 - Part 1
Chapter 40 - Part 2
The Devil in a White Coat II: Nirvana

Chapter 16

7.1K 402 205
By Hraefn

Chapter 16



Kahit hindi ako nakatingin ay ramdam ko ang paparating na atake mula sa likuran. Mabilis ko 'yong inilagan at sinabayan ng pagpihit sa ere saka malakas itong sinipa sa leeg. Sa lakas ng atake ko ay sumubsob ito sa sahig at halos mawalan ng ulirat.

Pinunasan ko ang tumulong pawis sa bandang ilalim ng baba ko gamit ang likod ng palad ko habang nakatingin sa sampu kong tauhan na pawang nakabulagta sa sahig at namimilipit.

Ang pakikipag-sparring sa mga ito ang naging daan para mailabas ko ang frustrations ko nitong mga nagdaang araw.

"You're improving, Ms. Hao," ani Theo at iniabot sa akin ang towel at tumbler.

"Thanks," sabi ko sa pagitan ng malalalim na paghinga. "Ilang minuto?" tanong ko habang pinupunasan ng towel ang pawis sa mukha ko.

"It took you 1 minute and 37 seconds."

"Tch." I got really weak.

Isinampay ko ang towel sa balikat ko saka tinungga ko ang tubig sa tumbler.

Three years ago, kaya kong patumbahin ang mga ito ng wala pang isang minuto. Pero ngayon ay hindi na. Hindi pa bumabalik ang kondisyon ng katawan ko nung bago pa ako magkasakit...at mukhang matatagalan pa.

Pumanhik ako sa taas at pagkatapos kong makapagpahinga saglit ay naglunoy ako sa jacuzzi para mag-relax. This has been my routine for the past few days after school.

At siyempre habang nag-re-relax, matatagpuan ko na naman ang sarili kong naglalakbay ang imahinasyon kay Doc Mav.

Hindi pa rin mawaglit sa isipan ko yung araw na hinalikan ko siya. Kahit sa gilid lang ng bibig niya dumampi ang mga labi ko, matindi pa rin ang epekto n'on sa 'kin. Masaya, oo, pero mayroon ding pagsisisi.

Pagsisisi na sana itinuloy ko na lang na sa mismong mga labi siya halikan.

Tch. 'Di bale, marami pa namang pagkakataon.

.

.

.

Nang makapagbihis ako at makapagpatuyo ng buhok, dumiretso ako sa office ko rito saka ni-review at pinirmahan ang mga dokumentong nakatambak na sa table ko. Inabot pa ako ng isang oras dahil may ilang kontrata na kailangang i-revise.

Pagkatapos ay sumandal ako sa swivel chair at itinaas ang mga paa ko sa table. Saglit akong nag-browse sa social media hanggang sa maisipan kong i-message si Doc.



Me

Doc. Hi. 🤗



Naghintay ako ng ilang minuto ngunit walang reply. Tumingin ako sa oras, alas diyes pa lang. Hindi pa naman siya siguro tulog. O kaya, baka naka-duty sa ospital.

Muli akong nag-message.

Me

Doc. Hi po. 🤗

Dokie 🙃

Doc Ma'am 👀



Aba, aba! Walang reply.



Me

Doc. Hi po. 🤗

Dokie 🙃

Doc Ma'am 👀

DOC MAV 🤭

DOKIEEEEEE!!! 🥺🥺🥺🥺

DOKIEEEEEEEEEEEEEE!!!! RAWRRR!!! 🦖🦖🦖



Natawa ako pero at the same time, napamura dahil sa trip ko kay Doc Mav. Shuta, makakatikim na naman ako ng katarayan nito.

Nag-type uli ako pero naudlot 'yon.

Incoming call...

Doc Ma'am Sungit

"OMG! Haha!" bulalas ko at napaayos ng upo.

Sinagot ko ang call. "Dokie—!"

"The heck, Lauchengco?! Anong trip 'to?!" may himig ng inis at pagtataray na bungad niya sa akin. Pero ewan ko ba sa 'kin, kinilig pa ako.

Tumawa ako. "Sorry about that, Doc. Naisip ko lang kasi na baka..." Ibinitin ko saglit ang sasabihin ko, "...namimiss mo na 'ko."

"Kapal mo."

"Yeah. I miss you too," pang-aasar ko pa.

Anyway, I changed the topic. Baka mahimatay siya sa sobrang kilig sa 'kin.

"Are you at the hospital now?" tanong ko.

"Yeah. In fact, kakatapos ko lang sa surgery ng patient."

"So, pauwi ka na?"

"Nah. Duty pa ako 'til 6am. I'm just taking a break."

Biglang may pumasok sa isip ko.

"Oh. I see. Anyway, mag-drop ako dyan later! Wait mo 'ko."

Agad akong tumayo at bumalik sa kwarto ko para kunin ang wallet at susi ng sasakyan.

"Ok— W-Wait—! What—?!"

"See yah, Dokie!"

"Lauchengco, you can't—"

I ended the call. I decided, pupuntahan ko siya ngayon.

Nakalabas na ako ng subdivision nang mapansin ko ang suot ko. Naka-pajama at nakapambahay na tsinelas. Sa sobrang excitement ko kanina, hindi na ako nakapagpalit.

Though ipinagkibit-balikat ko na lang ito. So what naman, 'di ba? Saka it's Hermes naman.

Dumaan muna ako sa coffee shop at bumili ng coffee at pastries bago pumunta sa ospital. Pagkarating ko naman doon ay dumiretso na kaagad ako sa office ni Doc. Hindi na ako hinarang ng guard dahil kilala na ako nito maging ng ibang staff.

"Hi, Ms. Hao!" bati sa 'kin ni Nurse Jia nang makasalubong ko. Ang lapad ng ngiti nito sa akin.

"Hi! Si Doc Mav?" nakangiti kong wika.

Kumunot ang noo nito. "Doc Mav?"

"Oh, sorry. I mean Doc Rikki."

She's known as Rikki talaga. Halos ito ang tawag sa kaniya ng lahat. Mav lang sa akin, para naman maiba.

"Nakita ko lang siya rito kanina. Wait lang," anito at kinausap ang isa pang nurse.

"Umakyat na sa office niya. Halos ngayon-ngayon lang," narinig kong sagot nung nurse na kinausap ni Nurse Jia.

"Sige, puntahan ko na lang. Thank you, ah!" sabi ko at nagpaalam sa mga 'to.

Bago ko marating ang office niya ay nakita ko na si Doc Mav...ngunit kausap 'yong mahaderang si Nurse Lesley.

Sumimangot ako dahil sa haliparot na 'to na halatang nagpapa-cute kay Doc.

Isa pa 'tong si Doc. Andaming babae. May Megan na nga sa MIC, may Nurse Lesley pa rito. Tch.

Natigil ang pag-uusap ng mga ito nang makita ako. Nagpaalam si Doc kay Nurse Lesley saka lumapit sa akin. Nakita ko naman ang pag-ismid ng haliparot bago ito umalis. Tch.

Halata sa mukha ni Doc Mav ang pagod. Of course, hindi biro ang ilang oras na surgery. Ngunit kahit gayunman, nangingibabaw pa rin ang ganda nito. She still even look fresh kahit may napansin akong mantsa mula sa talsik ng dugo sa scrub niya maging sa upper neck niya. Though it's not really visible kung hindi talaga papansinin.

Anyway, nahuli ko ang paghagod ng tingin sa akin ni Doc mula ulo hanggang paa.

"I know I'm still gorgeous even in pjs," nakangiti kong sabi at nag-pose pa sa harap niya.

"Itsura mo. At pumunta ka pa talaga rito, 'no?"

"Yup. Just to see my favorite doctor," sabi ko at iniabot sa kaniya ang coffee at box ng pastries.

Nakita ko kung paano kumislap ang mga mata niya nang makita ang dala ko especially 'yong hot coffee. Pero syempre, pakipot muna siya.

"Sige na. I really bought it for you," pilit ko. "Pero kung ayaw mo, okay lang. Idadaan ko na lang 'to kay Beatrice sa condo niy—"

Mabilis niyang hinablot sa akin ang dala ko dahilan para lumawak ang pagkakangiti ko.

"Dami mo pang sinasabi. Anyway, thanks," mahina niyang sabi.

"You're welcome."

Tahimik kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa office niya.

"To tell you frankly, Lauchengco, hindi ko gusto ang ginawa mo ngayon," pagalit niyang sabi sa akin. "Look, lumabas ka pa ngayong dis oras ng gabi. Naka-pajama ka pa. Pumunta ka pa sa ospital at wala ka pang suot na facemask!"

Lihim akong natatawa pero na-a-amaze sa kaniya habang tila nanay na nanenermon sa akin. May kinuha siya sa drawer saka ibinato sa akin—a surgical facemask.

"Isuot mo 'yan," utos niya.

"Later na. And don't worry, hindi naman ako magtatagal. Aalis din ako. I know how busy you are. Isa pa, para makapagpahinga ka rin. Alam kong hindi biro ang trabaho rito sa ospital," sabi kong nakangiti habang ini-enjoy umupo sa malambot na sofa.

Parang ang sarap tumambay sa office niya.

"Hmhmm..." tangi niyang tugon habang nakasandal sa gilid ng table. She sipped the hot coffee and I saw how the muscles in her face relaxed after.

Itinukod ko ang siko sa sandalan at ipinatong ang ulo sa kamay ko saka siya tahimik na pinagmasdan. She's really cute to watch while she's enjoying her coffee.

"Is it okay if I come here often?" tanong ko pagdaka nang maupo siya sa swivel chair niya.

"No."

"I'll bring you coffee."

"Why? Why are you doing this?"

She crossed her arms and looked at me deeply. Inaarok ako ng mga titig niya. Pakiramdam ko tuloy ay nasa operating room ako at masusing pinag-aaralan.

"I like you and I want to be your friend," sagot ko. "Kahit na hindi masyado naging maganda ang unang pagkikita natin. I just found you nice din naman and I want to get closer to you."

"Friend, huh..."

"Yeah. Friend. Masyado pa kasing maaga para maging asawa kita kaya okay na sa akin to be your friend for now."

She rolled her eyes at me, unimpressed with what I said. Ang hirap talagang hulihin ang kiliti ng babaeng 'to. Palibhasa kasi bato ang puso. Saka pa-trenta na rin kasi, mahirap nang pakiligin. Huehue.

"You're forgetting that I'm also your professor...and doctor..."

"And so if we have a professional relationship? I don't see it as a problem."

Pagiging friend na nga lang ang hinihingi ko sa babaeng 'to, pahirapan pa.

"I know where this is going, Lauchengco. And trust me, you'll just hurt yourself in the end if you insist on doing this," she said coldly.

Ouch. Basted.

Pinilit kong ngumiti kahit medyo masakit ang sinabi niya.

"Just let me. I just want to do this."

'Malay mo, ma-fall ka rin sa 'kin eventually,' gusto ko pa sanang idagdag kaso hindi ko na itinuloy. Natuto na ako.

"I told you—"

"Why are you being so hard, Doc?" seryoso kong sabi. Damn, why is she so suddenly cold and distant? Though there were times na okay naman siya sa akin. Medyo magulo na. I'm confused.

I let out a sigh and walked towards her.

I showed the other side of myself—the dominating one—as I sat down on her table in front of her.

"Gusto mo ba talagang dumistansiya ako sa 'yo? Like what we've used to? Hm?" I said huskily. Hindi ko intensiyon ang ganoong tono ng boses ko, nagiging kusa na lang 'yon kapag ganito ang parte ng sariling ipinapakita ko.

I almost smirked as I saw the faint surprise on her eyes.

I gently lifted her chin and looked directly into her eyes. Damn these amber eyes, hypnotizing and enchanting as always.

Hinawakan niya ang braso ko para pigilan ngunit hindi naging sapat 'yon. Lalo kong inilapit ang mukha ko sa kaniya.

"Answer me, Mavericke," I commanded. "Do you really want me to distance myself from you?" I said in almost a whisper as I inch closer towards her.

Hinintay kong tarayan niya ako at itulak ngunit nanatili siyang nakatitig sa akin. Napaisip tuloy ako kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon.

Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Bahagyang nakaawang 'yon at tila nag-aanyaya ng isang halik.

"Hao..." anas niya.

Kumibot pa ang kaniyang mga labi at pabulong na nagwika...

.

.

.

"I-I honestly don't want you to..." sa wakas ay sagot niya sa tanong ko.

Ngumiti ako. "See? It's not that hard to be true to yourself..."

Napalunok siya at sinundan ng malalalim na paghinga.

My hand moved to her cheek and caressed it.

"I really like you, Mavericke... I want to get closer to you...I want to know everything about you...even the smallest details of you..." I whispered as I looked intently to those amber eyes.

And in a snap, I found my own lips touching hers...

And damn, the feeling is divine.

Ramdam kong humigpit ang paghawak niya sa braso ko ngunit nanatiling magkalapat ang mga labi namin.

Lalong lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko pa'y mababaliw ako sa simpleng pagkakalapat ng mga labi namin.

Unti-unting gumalaw ang mga labi ko. This is my first time kissing someone like this and I don't know if I am doing it right.

I gently bit and nibbled her lower lip.

Damn...her lips are so soft...so addicting...

Lalo ko pang pinag-igihan ang ginagawa ko nang marinig ang mahinang ungol na kumawala sa lalamunan niya. Pagkatapos ay naramdaman ko na lang ang isang kamay niya sa batok ko na bahagya pang humaplos doon.

And now, she's kissing me back...

I uttered a groan.

Oh, God! Mavericke!

This kiss is making me insane!

.

.

.

"Rikki, I already got— Oh my God!"

Pareho kaming napabalikwas at nailayo ang sarili sa isa't isa nang marinig namin ang boses ng kinginang si Megan.

I swear, kung may baril lang akong hawak ngayon, binaril ko na 'tong shutang inang animal na putragis na de pota na 'to!

Sinulyapan ko si Doc Mav na saglit inayos ang sarili. Halata sa maputing kutis nito ang pamumula ng magkabilang-pisngi.

"Meg," seryosong wika ni Doc. Nang harapin nito si Megan ay parang walang nangyari.

"What the fuck was that?!" galit na singhal ni Megan. Tss. Akala mo naman may karapatan magalit. "And you, Haoran! Ano'ng ginagawa mo rito?! Nakapantulog ka pa!"

"Dito po ako matutulog, pake mo po?!"

"Aba't! How dare you answer me like that?! Nakakalimutan mo bang professor mo rin ako?!" singhal niya sa akin.

"Megan..." saway ni Doc Mav. Matalim ang boses at tingin nito kaya tiklop kaagad si Megan.

Then binalingan ako ni Doc. "You may go. Let's talk some other time."

Ba't ako ang aalis? Dapat si Megan! Tch.

Nakikiusap ang mga mata ni Doc sa akin kaya ako na lang ang nagpaubaya. Agad akong nagpaalam sa mga ito at lumabas. Ngunit hindi pa man ako masyadong nakakalayo ay bumalik ako nang mapansin kong wala akong dalang phone at wallet. Kahit ang susi ng sasakyan ay nakalimutan ko sa office ni Doc.

Hindi na ako kumatok at basta na lang binuksan ang pinto. Nadatnan ko pa silang seryosong nag-uusap at pareho pang nagulat nang makita ako.

"Forgot my phone, wallet, and keys," sabi ko. Hindi na ako nahirapang maghanap dahil nakita ko kaagad ang mga 'yon sa sofa.

Anyway, nahagip ng tingin ko ang dalawang puting envelope sa table ni Doc Mav. Wala pa ang mga ito kanina.

"May nakalimutan ka pa ba?" seryosong tanong ni Doc Mav at pasimpleng tinakpan ng folder ang mga envelope para hindi ko makita.

'Goodbye kiss ko sana...' wika ko sa isip.

Umiling ako at ngumiti. "Nothing. Gotta go."

"Bilis! Alis na! May importante pa kaming pinag-uusapan!" inis na wika ng imbyernang si Megan.

Nag-iba ang timplada ko sa sinabi niya. Seryoso akong lumapit at matalim siyang tinitigan.

I have this urge to snap her neck, pero nagpigil ako.

"Keep your distance away from her, Megan, and don't you dare kiss her. Mavericke is mine," I said in a low yet serious and cold tone, enough to send chills to her spine.

Hindi ko na hinintay ang tugon o reaksyon nito. Muli kong binalingan si Doc Mav at nagpaalam dito.

Nang makasakay ako sa Mustang ay saktong may pumasok na message from Doc.



Doc Ma'am Sungit

Drive carefully. Message me when you get home.

Agad akong nag-reply.



Me

Sure po, Dokie. 🥰😘





Nag-seen lang siya at hindi na nag-reply. Though it's fine.

Pag-uwi ko ay agad akong sinalubong ni Theo. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nito ngunit agad ding napalis 'yon nang makitang malapad ang pagkakangiti ko.

"Ilan ang pala lahat ng staff dito sa mansion?" tanong ko.

Saglit na nag-isip si Theo. "20 po, Ms. Hao. Kasama na ang shifting guards at personal bodyguards po ninyo."

"Kasama ka na?"

"Hindi pa ho."

Tumango-tango ako at pagkatapos ay pinasunod ko siya sa opisina. Pagkarating doon ay kinuha ko sa drawer ang check book at may isinulat. Then ibinigay ko ang cheke kay Theo.

"Para saan po ito?" tanong nito habang hawak ang cheke na nagkakahalaga ng 2.5 million.

"Give the staff 100k each. 500k sa 'yo. Early bonus ko sa inyo," nakangiti kong sabi.

Nanlaki ang mga mata nito at hindi makapaniwala. "P-Pero masyado po itong malaki, Ms. Hao."

"C'mon, you all deserve it. Lalo ka na," sabi ko sabay kindat. Pasipol-sipol pa akong lumabas ng office at tinungo ang kuwarto ko.

Nang mahiga ay nag-message ako kay Doc Mav.



Me

Got home safely. Good night po, Dokie! 🥰





Agad siyang nag-seen, then I saw her typing...

Ngunit ilang minuto na ay wala pa ring pumapasok na message.

10 minutes...

20 minutes...

Typing pa rin.

Ano na, Doc? Nobela ba 'yang tina-type mo?

Tsk! Initsa ko ang phone ko sa bedside table.

Pumikit at sinubukang matulog ngunit bumabalik lang ang isipan ko sa pinagsaluhan naming halik kanina ni Doc Mav. Napahawak pa ako sa mga labi ko.

Damn. Her lips are so soft and sweet... At ang sarap niyang humalik...

I really never expected that she'd kissed me back. Did it mean that she also has feelings for me?

Ilang sandali pa'y dinalaw na rin ako ng antok dahil na rin sa pag-iisip. Ngunit bago pa ako tuluyang makatulog, narinig ko ang message notification ng phone ko.

Kinuha ko ang phone at naglahong parang bula ang antok ko sa nabasang reply ni Doc Mav...

.

.

.

Doc Ma'am Sungit

Drop the po and Doc.

You can call me Mavericke.

Good night, Hao.

***





Sunday has arrived at umaga pa lang ay hinahanda ko na ang mga gagamitin ko, higit sa lahat, ang sarili ko para sa gaganaping pagtitipon mamaya. Ipinaalam ko na rin ito kay Lolo at siya pa ang nag-udyok sa 'kin na pumunta talaga ako lalo't alam niyang may pagdadalawang-isip ako.

"Mas mabuting dumalo ka para malaman ng lahat na nakabalik na ang aking tagapagmana. It's best for you to attend and show them you've reclaimed your power and authority in the Empire, Ives," sabi sa akin ni Lolo nang tumawag ito kanina.

"Tama ho si Sir Adolf, Ms. Hao," pagsang-ayon ni Theo nang sabihin ko rito ang mga napag-usapan namin ni Theo.

I see their point, lalo't alam kong may hesitasyon ang iba na tanggapin akong tagapagmana ng Empire dahil sa kondisyon ko.

They already see me as weak...and I need to prove them wrong.

***





Third Person's POV

Don Vasquez—'yan ang pangalan ng luxury super yacht kung saan idadaos ang natatanging pagtitipon ng mga piling maimpluwensiyang tao sa bansa lalo na sa underground society. At karamihan sa mga ito ay nasa larangan ng negosyo at pawang yaman at kapangyarihan lamang ang nasa isip.

At nang sumapit ang alas otso ng gabi, nag-umpisa nang maglayag ang yate sa karagatan at babalik lamang sa pier mamayang madaling-araw pagkatapos ng pagtitipon. Sa paraang ito, masisiguro ang seguridad ng mga bisita at maiiwasan ang anumang banta sa mga ito.

Samantala...

"You're nervous..." puna ni Mavericke kay Megan habang nasa CR sila at inaayos ang sarili. Sinuot niya ang mask at pagdaka'y umikot sa harap ng salamin.

"Who wouldn't be, Rikki? We're in a yacht full of criminals and infamous mafiosos!" mahina ngunit mariing sagot ni Megan. Medyo nanginginig pa ang mga kamay nito habang isinusuot ang mask.

"I know. Just don't forget all the training you had in the military," ani Mavericke. "Pero kung hindi mo talaga kaya, better stay here and wait for me 'til I finish the job."

"Are you out of your mind?!"

Bumuntong-hininga siya at hinarap si Megan. "Calm down, will you? And don't forget the plan. Ayokong matapos ang gabing ito nang hindi nakukuha si Tattiana," aniya at naunang lumabas.

"There you are!" wika ni Dennis na nakasalubong niya, isa ito sa miyembro ng live band na kinuha para mag-perform na event na ito. Ito ang naging daan nila ni Megan para makakuha ng imbitasyon at makadalo sa pagtitipong ito. "Kanina pa kayo hinahanap sa ballroom. The party will start anytime soon."

"Sure. Actually, papunta na kami," sagot niya.

.

.

.

Pagpasok ng ballroom, halos lahat ay napalingon kay Mavericke. Litaw ang kagandahan niya sa suot na eleganteng bareback burgundy dress na hapit sa makurba niyang katawan. Mahaba rin ang slit sa kaliwang hita kaya naman kita ang maputi at makinis niyang binti.

Her dress is too revealing yet she carried it with authority, style, and elegance. She even looks so expensive that everyone in this room looking at her in admiration would offer the golds of the world just to be under her feet.

Taas-noo siyang naglakad sa gitna at hindi pinagtuunan ng pansin ang mga malalagkit na tinging ipinupukol sa kaniya ng mga kalalakihang tingin niya'y miyembro ng Yakuza at Chinese Triad.

'I can't wait to slit your throats later,' aniya sa sarili.

"I love the way you present yourself, darling," wika ng manager ng band sa kaniya. "Halos lahat ng mga lalaki rito nahalina na sa 'yo at gusto ka nang iuwi. Just a bit of advice though, maging matalino ka sana kung sino ang sasamahan mo. Kung matalino kang pumili, sigurado akong bukas ay bilyonaryo ka na at nakahiga na sa pera."

Ngumiti siya at pinigil ang sariling gilitan ito. "Noted, Madame."

Kung may mas madali sanang paraan para makasakay sa yateng ito ay hindi niya ito papatusin.

"Oh, before I forgot. We'll perform later at the upper deck for the VIPs. Ready yourself, darling," anito sabay kindat sa kaniya.

After a while, Mavericke took the stage and started to fill the ballroom with her alluring voice as she sang a classic song.

At habang nag-pe-perform, pinag-aaralan niya ang bawat taong naroon, at higit sa lahat, hinahanap niya si Tattiana na napakailap sa paningin niya...

Hanggang sa pumasok ang isang prominenteng lalaki na sa tantiya niya ay nasa late forties kasama ang isang binata at dalagang nasa early twenties naman. Walang suot na mask ang mga ito kaya agad niyang nakilala.

'Tattiana...' anas niya sa isip nang makilala ang babae.

Nagkatinginan sila ni Megan na abala naman sa pag-e-entertain ng ibang guest.

Saglit siyang pinatigil ng manager para i-acknowledge ang presence ni Prisco Hendry Vasquez, ang may-ari ng yate at ang host ng pagtitipong ito. Kilala itong businessman sa construction industry, at sa underground business nito na iilan lang ang nakakaalam—which is drug and human trafficking, and in some cases—organ trade.

"Good evening, ladies and gentlemen, let's acknowledge the presence of Mr. Prisco Hendry Vasquez, the host of tonight's event..." kunwa'y magiliw niyang wika na sinundan ng magarbong palakpakan mula sa mga guest.

Ang kamay niya'y nanatiling nakahawak sa mic habang ang kabila ay matiim na nakakuyom. Hindi niya maatim na palakpakan ang ganitong klase ng tao na naging dahilan ng pagkasira ng buhay ng marami.

Kumaway-kaway naman si Hendry Vasquez at bumati sa mga naroon. Ipinakilala rin nito ang kasamang binata, si Wolfe, ngunit hindi si Tattiana na nananatiling tahimik at pamasid-masid lamang habang nasa tabi ng mga ito.

Matalim siyang tumitig dito.

Pagkatapos ay muli niyang sinulyapan si Megan at tinanguan ito. Alam na nito ang gagawin.

Siya nama'y nanatili sa entablado habang panaka-nakang nagmamasid sa mga galaw ng mga ito. Hindi rin niya nilulubayan ng tingin si Tattiana. Ang atensiyon niya ay narito.

Nakita niyang lumingon si Tattiana sa direksiyon niya at huli na para magbawi ng tingin.

Tumitig ito sa kaniya at sumilay ang isang makahulugang ngiti.

.

.

Mayamaya pa'y muling natigil ang kasiyahan nang makarinig sila ng tunog ng helicopter na papalapit sa yate.

Nakita niya ang pagbulong ni Wolfe dito dahilan para lumapad ang pagkakangiti nito.

"Oh! Finally! Anyway, if you'll excuse me. I need to welcome the most important guest of tonight's event," narinig nilang wika ni Hendry Vasquez saka nagpatiunang lumabas ng ballroom kasunod ang mga tauhan nito at tinungo ang helipad.

***



Samantala...

"The stage is all set. Mavericke Vergel De Dios is at the Don Vasquez with her little minion..." nakangising balita ni Clover kay Spade matapos nitong makatanggap ng report mula sa Don Vasquez. "Wala na siyang pupuntahan."

Kasalukuyan din silang sakay ng isang maliit na yate na 'di kalayuan sa Don Vasquez. Dito nila aabangan ang mga magaganap sa kabilang yate.

"Good. Just as we planned," wika ni Spade at itinaas ang hawak na kopita.

Sinadya nilang matunton ni Mavericke si Tattiana. They set it up.

Alam nilang gagawa at gagawa ito ng paraan, kahit pa ang dumalo sa ganito kadelikadong pagtitipon para lamang makapaghiganti kay Tattiana at sa kung sinumang pinaghihinalaan nitong may kinalaman sa pagkamatay ni Charlie Gozon.

At ngayon, nahulog nga sa patibong nila Mavericke. And the Don Vasquez is the perfect place to kill Vergel De Dios.

"Sigurado ba kayong hindi tayo makikisaya sa mga kaganapan sa Don Vasquez?" mula sa loob ay wika ni Heart. "I don't wanna miss some actions."

"Maybe when things get crucial," sabat ni Diamond na tahimik lang na nasa sulok at nagmamasid sa karagatan.

"Why don't you just enjoy your time here, Missy? We're not needed there. Kaya na ni Tattiana si Vergel De Dios," ani Clover at binigyan si Heart ng wine.

"What if biglang makialam si Wolfe?" biglang tanong ni Diamond.

"He won't," may katiyakang sagot ni Spade.

"Spade, can we request that Tattiana not to kill Vergel De Dios first?"

"What are you planning to do, hm?" tanong ni Spade ngunit sa paraan ng pagkakangisi ni Diamond, alam na niya ang balak nito.

"You know it already, Spade. Hindi ka ba nanghihinayang kung hindi man lang natin siya matitikman?"

"Tss. You and your horny ass. Get a hold of it, dickhead," sabat ni Clover.

Hindi na nakasagot pa si Diamond dahil pare-pareho silang natigagal nang dumaan ang isang helicopter sa taas nila at patungo sa Don Vasquez.

"Is that—?!" namumutlang anas ni Heart lalo na nang makilala ang insignia na nasa chopper.

"Ives Castellvi..." anas ni Diamond.

Biglang sumiklab ang galit ni Spade at sinugod si Clover at kinuwelyuhan.

"Ives Castellvi is not supposed to be there!" singhal ni Spade.

"I don't know, Spade!" sigaw ni Clover pabalik dito at binaklas ang pagkakahawak sa kaniya ni Spade. "Ako ang nag-asikaso sa guest list ni Vasquez at nagpagawa at nagpadala mismo ng invitations! Sinigurado kong wala si Ives Castellvi sa listahan at hindi mapapadalhan ng imbitasyon!"

"Then why is she here?!"

"Maybe Vasquez invited Castellvi personally?" ani Diamond.

"It's impossible! Markado ko ang mga galaw ni Vasquez. Oo, nabanggit niyang imbitahin si Castellvi ngunit hindi ko ginawa ang iniutos niya!"

"Then who sent that fucking invitation to Castellvi?!"

Nagkatinginan ang apat na may pagtataka sa mukha.

"Wala ng silbi kung pagtatalunan natin ang bagay na 'to. Ives Castellvi is already at the Don Vasquez, at wala na tayong magagawa r'on. Change of plans, perhaps?" ani Diamond.

"No. Stick to the plan..." maawtoridad na wika ni Spade. "Clover, just inform Tattiana. She'll know what to do."

***



Sa Don Vasquez...

"Do you know who this important guest is?" tanong ni Mavericke sa manager.

"I have no idea, darling. But based on Mr. Vasquez actions, that guest is the VIP's VIP... Hindi kita masisisi kung siya ang gagawin mong target ngayong gabi," anito at sumilay ang nakakalokong ngiti.

Pilit na ngumiti si Mavericke. "Sorry, to burst your bubble, Madame, but I don't plan on sleeping with anyone tonight."

"Bahala ka, sayang naman ang malalaking isdang narito kung wala kang mabibingwit."

'I'm not a social climber nor a bitch, and I don't need their fucking money,' komento niya sa isip. Kung hindi lang niya kailangan ay hindi niya titiyagain ang pakikipag-usap sa manager na 'to.

Anyway, napako ang tingin ng lahat sa labas ng ballroom. It has a glass wall kaya kita nila ang paglapag ng puting chopper sa helipad.

Unang napansin ni Mavericke ang insignia na nasa chopper—an intricately designed letter C wiith a crown. May mga alam siya sa underground society ngunit wala siyang ideya sa insignia'ng ito. Ngayon lang niya ito nakita kaya lalong lumalim ang kuryosidad niya.

.

.

.

Unang bumaba sa chopper ang ilang mga naka-tuxedo na bodyguards na agad humanay sa gilid. Hinarang pa ng mga ito ang ilang taong papalapit kahit pa si Hendry Vasquez at ang mga tauhan nito.

Inabot din ng ilang minuto bago bumaba ang prominenteng taong lulan ng chopper kaya naman tumaas ang tensiyon at excitement ng mga taong nag-aabang sa pagbaba nito.

Hanggang sa makita nila ang pagyukod at pag-alalay ng bodyguard sa bungad ng chopper.

Mula roon ay bumaba ang isang matangkad na babaeng naka-suit—which gave her a small touch of masculine aura. Though she's still a femme in any other way.

'A lady boss...' agad na pumasok sa isip ni Mavericke habang nakikita kung paano mataranta sina Vasquez at ang mga kasama nito para salubungin at batiin ang bagong dating.

Maganda ang tindig ng babae, malakas, maangas, at maawtoridad ang dating. 'Yong tipong luluhuran at yuyukuran ng sinumang makasalubong nito.

Kahit naka-suit ito, halata ang magandang kurba ng katawan nito, perpekto kahit saang anggulo tingnan. At kahit natatakpan ng mask ang buong mukha nito, hindi maitatatwang maganda ito.

Ngunit iba ang nasa isip at nakikita ni Mavericke habang papalapit ang babae. Habang tumatagal ay nakikita niya ang pagkakapareho ng bulto ng katawan nito sa isang taong kilala niya.

Nawala ang atensiyon ni Mavericke sa babae nang umakyat si Wolfe sa stage at hiramin ang mic sa kaniya.

"If you don't mind, gorgeous..." malapad ang pagkakangiting wika nito sabay kindat sa kaniya. Hindi man nito sabihin, halata sa hilatsa ng mukha ng tsinitong ito ang pagiging playboy.

Ibinigay ni Mavericke ang mic dito maging ang espasyo sa gitna.

"Thank you!" anito at pareho nilang naibaling ang atensiyon sa bagong dating.

"Everyone, let's give our warmest welcome to my beautiful fiancee, Ives Castellvi," pag-a-acknowledge ni Wolfe sa presence ng bagong dating.

Sinundan naman 'yon ng pagbati and at the same time, ng mga bulungan.

'Oh! She's 'the' Ives Castellvi!'

'She's back, the heiress of the Empire.'

'I thought she's gone. Ilang taon din siyang hindi nagpakita.'

'I heard she almost died from a terminal illness...'

.

.

.

"Wolfe, you're such a dick!" mahinang angil ni Ives Castellvi nang lapitan ito ni Wolfe. Hindi nito nagustuhan ang pagpapakilala nito sa kaniya.

Nagulat pa ang lahat nang biglang mapaigik at mapaluhod si Wolfe sa harap ni Ives habang sapo ang sikmura.

"Ah! I really missed your love punch, baby!" ani Wolfe na hindi malaman kung nakangiwi o nakangisi nang tumayo.

"Tch."

"Uhm, Ms. Ives, this way to the VIP deck," ani Vasquez at inilahad ang kamay sa direksiyon papunta roon.

Bahagya itong tumango at muling naglakad sa gitna. Halos hindi nito pansinin ang mga lumalapit dito. Hanggang sa...

"Castellvi!" wika ng isang Chinese national na miyembro ng Chinese Triad group. Mapupungay na ang mga mata nito, tanda na marami na itong nainom.

Mabilis nitong nahawakan si Ives sa braso ngunit mabilis din itong humagis at bumalandra sa lamesa ng mga pagkain nang walang anumang ibalibag ni Ives.

Dahil sa nangyari ay mabilis na naglabas at nagtutukan ng mga baril ang magkabilang grupo—ang mga tauhan ng Castellvi at ang ilang miyembro ng Chinese Triad. Agad na binalot ng tensiyon ang buong lugar dahil dito.

But Ives Castellvi seems unbothered.

"I don't want anyone touching me," she said in a low and cold manner. "And I won't hesitate to kill next time..."

Then binalingan nito si Hendry Vasquez. "I wanted them out of this yacht," tila batas na utos nito. "If they resist, kill them."

"But—"

Nagbabanta nitong tiningnan si Vasquez na napilitan ding sumunod at ipinadampot ang lalaking humawak dito kanina maging ang mga kasama nito.

Then napangisi si Ives Castellvi at naglakad papunta sa VIP deck ngunit biglang natigilan at napatingin sa stage.

And at that moment nagtama ang mga mata nila ni Mavericke...

.

.

.

...but she immediately walked away and acted as if she didn't recognize her.

***



To be continued...

© Hraefn

Thank you for reading! ☺️

___

May part 2 pa 'to. Andun na yung action scenes. Huhu. Sorry, 'di ko na nasama. Cut ko na. Masyadong mahaba pa pala ang Don Vasquez scene. Saka 'di pa ako confident sa na-type ko. Huhu. Ihahabol ko rin soon. Di ko na papaabutin ng next weekend ang Ch17. :)

Anyway po, happy 22k reads na sa TDIAWC!!! :)

Though ask ko kung saan galing ang readers ng TDIAWC dahil nagugulat ako minsan sa biglang taas ng reads nito.

Paano niyo nahanap/na-discover ang TDIAWC?

Na-search sa WP?

TAOS reader na dati?

Or reader/follower ko na since NWTD era?

Salamat!!!

Continue Reading

You'll Also Like

55.5K 2.1K 19
Anong kaya mong isakripisyo para sa pagmamahal? GXG STORY! SHORT STORY!
14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
59.2K 1K 27
As dark as the night without moon and stars. This is what his definition of his life when she left. He is alone but he has everything. His wealth, hi...