Chances are Low, So Gamble It

By LadymadeStar

1.2K 116 4

Hindi gwapo, walang ka-appeal-appeal, at mahangin, iyan ang unang impression ni Nikki sa Boss niyang si Jeric... More

Disclaimer
1. State of Grace
2.Death by A Thousand Cuts
3. Forever And Always
4. False God
5. Sparks Fly
6. White Horse
7. Gorgeous
8. Miss Americana and The Heartbreak Prince
9. Red
10. Delicate
11. Permanent Marker
12. Nevermind
13. Long Story Short
14. Wonderland
15. Everything Has Changed
17. Willow
18. I Think He Knows
19. Fearless
20. Don't Blame Me
21. Invisible String
22. Dancing With Our Hands Tied
23. Peace
24. I Know Places
25. Ours
26. Lover
27. Our Song
Epilogue: Mastermind

16. A Place in This World

29 4 0
By LadymadeStar

16. A Place in This World

Sumapit ang araw ng lunes, kaharap ko ang magulang ko, sinama din nila ang isa ko pang nakababatang kapatid na si Charlie. Umaga sila nakarating mula sa Cavite papunta dito sa Taguig.

"Sigurado ka ba sa desisyon mo, anak?" nag-aalalang tanong ni Papa.

"Mayamang pamilya sila." banat naman ni Mama.

Hindi ako makapagsalita. Tahimik lang ako na tiinitignan ang mga itsura nilang alalang-alala sa'kin.

"Pinipilit na magpakasal sila, Mama, Papa," sagot ni Ate Jiezl, siya naman ang kumausap kay Jeric.

"Hindi naman kailangan ipilit ang kasal kung may nangyari lang sa inyo. Mabuti ng huwag kayong masakal sa isa't isa at pagsisihan niyo pa iyan balang araw." sabi ulit ni Papa, maswerte na lang ako at may magulang akong open-minded.

"May nararamdaman ka ba para sa kanya?" tanong naman ni Mama.

Sasagot sana ako kaso naunahan ako ni Jeon. "Naku, Tita Nalyn at Tito Renan, gusto na ni Nikki iyong Boss niya. Sigurado din naman akong may gusto iyon kay Nikki. Ipipilit ba naman ang kasal kung wala."

"Bhestie!" suway ko sa kanya.

"Kaso halos kakikilala niyo pa lang sa isa't isa, hindi naman siguro na dapat na madaliin agad ang mga bagay-bagay." Sabi ni Mama.

"That's what I really wanted, Ma, kaso mapilit ang tatay ni Jeric, mapilit din siya, at si Ate Jiezl pumayag na din." Natuon kay Ate Jiezl ang tingin nila Mama at Papa.

"Kailan pa nawala ang salita 'boss' pag tinatawag mo siya?" biglang bulong sa'kin ni Jeon.

Nanlaki na lang ang mata ko sa kanya, kahit mga maliliit na bagay ay madali na niyang napupuna. Tumawa na lang siya sa reaksyon ko.

"Kailan ba nila planong mamanhikan, Jiezl?" tanong ni Mama.

"Mamaya na agad, pananghalian, ipapasundo daw ho tayo ni Jeric dito." sagot naman agad ni Ate.

Wala akong kamalay-malay talaga sa naging usapan nila ng ate ko, akalain mo iyon may pagsundo pa mamaya. Nae-stress ako. Pasimple kong kinuha ang cellphone ko para i-message sa Messenger si Jeric.

Nickola Alison Dulce: Ipapasundo mo daw kami?

Jeric Joaquin Anvitan: Oo Lods. Mamanhikan eh haha

Nickola Alison Dulce: At saan naman ang setting?

Jeric Joaquin Anvitan: Sa resto natin

Nickola Alison Dulce: luuuh, parang tanga, ayoko ngang may ibang makaalam

Jeric Joaquin Anvitan: relax ka lang lods haha

Hindi ko na siya nireplayan pa, hindi ko alam kung ano ang natakbo sa isip niya. Una sinabihan niya akong mag-Half day kuno, tapos ang gaganapan naman pala ng "pamamanhikan" sa Restaurant niya. Nakakafrustrate, paano naman kami makakapasok ng isa sa mga private room na walang makakapansin.

Nagulat na lang ako na nag-aya na si Ate Jiezl na bumaba, mabuti na lang at nakapag-ayos na ako bago pa man dumating sila mama.

Isang 2020 Hummer H2 na black at tinted window ang sumundo sa'min, nagpaiwan naman ang bunso kong kapatid na si Charlie. Sa likod ng Visiem Cuisine kami dumaan. Si Jeric lang ang sumundo sa'min. A secret passage from the backdoor, nakarating kami sa office niya. Walangjo, iyong malaking shelf sa likod ng pwesto ko isa palang secret passage.

Malamang naka-lock ang pinto ng office niya. It was Miss Ehvie, his father and Diane who joins us in our lunch. Naihanda na ang lamesa kaya malamang wala ng papasok na magsisilbi sa'min. Mabuti naman!

"Magandang araw sa iyon." bati ng tatay ni Jeric sa'min ng makaupo na kami sa pina-set na table dito sa office. Magkatapatan sila Papa at tatay ni Jeric, habang si mama naman ang nasa kaliwa ni papa, si Ate Jiezl sa kanan. Kasunod ako ni Ate Jiezl, katabi ko si Jeric na siyang katapat ng ate niya, kaya si Diane ang katapat ko.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy. Kailangan ba na maikasal na agad ang anak natin dahil lang sa nangyari?" tanong agad ng Papa ko.

"In my opinion it's a yes. Before we fully discuss the whole wedding, kumain na muna tayo." nakangiting sagot ni Mr. Anvitan.

Tahimik kaming kumakain, pero maya't maya kong nararamdaman ang pagdanggil ni Jeric sa tuhod ko kaya namam sa ikaanim na beses niyang danggilin ang tuhod ko ay gumanti ako ng mas malakas na danggil.

"Aww!" sigaw niya, ininda niya ng husto ang pagdanggil ko.

Patay malisya lang ako habang nakain. Pero deep inside, tawang tawa na ako, isa pang pang-aasar, humanda siya sa'kin, ngayon pa langbipaparamdam ko ng magsisi kang aasawahin mo ako.

Nang makatapos na kaming kumain, nagsimula na ulit magdiskusyon ang mga elders. Hindi masyadong maabsorb ng utak ko ang pinaglalaban ni Papa na pre-nuptial agreement, kung saan parang sinasabi niya na wala kaming habol sa kayamanan nila Jeric.

Tinignan ko lang ang mahaba kong kuko sa kamay, at walang ka-interes-interes na makinig sa diskusyon. Alam ko namang for formalities lang ang kasal na magaganap sa'min, and eventually kung manghihingi siya ng annulment, push lang.

"Lods," napalingon ako kay Jeric na siyang tumawag sa'kin.

"Bakit?" tanong ko.

"Baka may gusto kang idagdag o ikontra sa diskusyon nila." suhestiyon sakin ni Jeric.

"I don't know what I want, so don't ask me, 'cause I'm still tryin' to figure this whole things out." binalik ko ang atensyon ko sa kuko ko, at iniisip kung ano na kaya ang susunod na eksena ang magaganap sa pinapanood kong Korean Drama.

"Next week, Mrs. Anvitan ka na." hindi ko mawari kung nalulungkot ba siya o natutuuwa.

"Hindi ka ba magsisisi na masasakal ka sa'kin?" tanong ko ng hindi nalingon sa kanya.

"Hindi. I know thing will turns out fine." sagot niya.

I'm alone on my own world, and that's all I know. I'll be strong, I'll be wrong but life goes on. I'm a girl tryin' to find a place in this world.

Natapos ang usapan nila nang hindi ako naimik, hindi din tuloy matiyak ng magulang ko kung good mood ba ako o badtrip na. Umuwi na sila Mama, at Papa, ganoon na din sila Miss Ehvie at Mr. Anvitan. Bumalik naman sila Diane at Jeric sa mga trabaho nila, ako naman gagawan ng grand entrance na kapapasok lang ng ala-una.

Pagpunta ko pa lang sa entrance, sinaluduhan na ako ni Chief. "Half day ka lang pala, Ma'am."

"Opo, eh, may inasikaso po kasi ako." ngumiti ako kay Chief at nadire-diretso na ng pasok sa opisina.

Pero natigil ako ng bahagya ng marinig ko ang usapan ng mga tao sa isang table. Nang lingunin ko, iyon pala iyong mga kaibigan ni Jeric.

"Wala na, Jane. Wala na kayong pag-asa pa na magkabalikan. In-announce na ni Jeric sa public na ikakasal na siya sa mystery girlfriend niya next week." sabi nung isa. Punyeta, andun din pala si Jane.

Tuluyan na akong pumasok sa opisina ni Jeric, pero hindi pa ako nakapasok agad, dahil isa isang nilalabas nila Mang Jun at Kuya Miyong ang mesa at silya.

"Luh? Anong meron?" I said bluntly.

Narinig ko iyong biglang pagtayo ni Diane dahil nasa may pinto siya. "May special na ka-meeting si Tito kanina." explain niya sa'kin kunwari. Sumakay din ito sa trip ko eh.

Pagpasok ko pa lang ng opisina, nagulat na lang ako sa biglang yumakap sa'kin. Konti na lang talaga iisipin ko ng mahal dina ko ng lalaking ito eh.

"Kala ko uuwi ka na din, eh." Sabi ni Jeric sa'kin habang nakayakap siya sa'kin.

"Sayang iyong ipapasahod mo sa'kin ngayong araw na ito, 'no?" bumitaw na ako ng yakap sa kanya at bahagya ko na din naman siyang itinulak.

Kinurot naman niya ang pisngi ko. "Ang cute cute mo!!!"

"Peste!!!" nakurot ko tuloy siya sa may bewang niya.

"Ah aray!" reklamo niya pero tawa naman siya nang tawa. Hinila niya ako papunta sa table niya, kaya naman napakandong ako sa kanya.

"Baka may makakita sa'tin." Nagpapanic ako, gusto ko mang tumayo pero pinipigilan niya ako ng husto.

"Wala yan, Lods. Ikaw naman masyado kang ninenerbyos." Nakakaloko talaga iyong tawa niya. Kaya naman napansin ko ang mamula-mula niyang labi.

"Ang ganda ng lips mo, no? anong sikreto?" para kaming natural na magkasintahan sa mga oras na ito.

"Lips candy." Normal na sagot niya sa'kin.

"Lips candy?" nagtataka ako sa sagot niya.

"Oo, diba nakulay iyon sa dila, ang ginagawa binababad ko sa labi ko."

"Ang galing, no." nakangiti kong sagot habang patuloy na pinagmamasdan ang labi niya.

Napatayo akong bigla dahil tumunog ang company phone, buti na lang at hindi din mahigpit na ang pagkakakapit niya sa'kin.

I just felt like I want to pee, kaya naman nagpunta muna ako sa comfort room. Common comfort room ng empleyado at customer, at dahil diyan, pagpasok ko nakita ko si Jane na nag-re-retouch ng lipstick niya.

"Nikki," tawag niya sa'kin bago ako makapasok ng cubicle.

"Bakit?" tanogn ko na lang, hindi naman niya ako inaaway ngayon, kakausapin namna siguro ako nito ng maayos.

"Look, I'm really sorry about last time, inaway din naman ako ni Jeric after." Tumawa siya, pero may pumatak na ilang luha sa mata niya. "I just love him, at late ko nang na-realize lahat, I thought I could have him back, pero sabi nga ng mga kaibigan at pinsan niya, his getting married to someone else next week. I hoope it should be you." Nakangiting sabi niya sa'kin halata namang sincere siya this time.

"Saan ka na niyan?" tanong ko sa kanya.

"I'll be heading to Australia, may modeling job offer sa'kin. Mukhang ikaw nga ang papakasalan ni Jeric, hindi ka kumontra."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Huwag kang mag-alala. I will not use my influence just to ruin your privacy. Alam ko din namang ayaw ni Jeric na nakakalkal ang buhay niya, kaya hindi na ako masyadong nagsalita about sa issue na nangyari nung nakaraan." Nagulat ako ng niyakap niya ako. "Make Jeric extremely happy."

Umalis na lang siya pagkatapos ng lahat ng sinabi niya sa'kin. Gumaan ng husto ang pakiramdam ko. I'm glad that now she supports us.

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1.4M 33.7K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
20.9M 514K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]