Pagkatapos kumain ay pumunta kami sa arcade. Mainit pa sa labas kaya sa arcade muna kami.
"Sinong may palit sa 500?" tanong ko sa kanila.
"Here, tag-100. Gusto mo?" sabi ni Ivan.
Oo gusto ko...ikaw. Charot!
"Ah, oo sige." sagot ko sakanya.
Nagpalit na ako ng token para makapaglaro na. Para akong bata na excited maglaro.
"Anong lalaruin mo, Ivan?" tanong ko sa kanya. Syempre gusto ko syang maka-usap kaya gumagawa ako ng paraan.
"Basketball, mahilig kasi akong maglaro ng basketball." sabi ni Ivan at nagpakita ng isang napakatamis na ngiti.
Alam ko naman na mahilig sya sa basketball. Stalker ako nyan, ehh, pero syempre hindi ko sasabihin. Ano ako, tanga? Kaunti lang, hehe.
"Wow! Ang galing mo naman." puri ko sa kanya kahit hindi ko pa sya nakitang maglaro, basta alam ko na magaling sya. "Maglalaro ka ba nyan sa darating na intrams?" dugtong ko, gusto ko kasi syang makitang maglaro.
"Thanks for the compliment." sabi nya at ngumiti, ang gwapo nya kapag ngumingiti. Gwapo rin naman sya kapag hindi, basta gwapo sya kahit anong ginagawa nya.
"But I'm not sure if sasali ako sa intrams." sagot nya.
"Sayang naman if hindi ka sasali." Sagot ko, kung ayaw nya ipilit natin.
"Why? Gusto mong sumali ako?" tanong nya. Halata ba ako masyado?
"A-ah oo, pero nasa'yo pa rin naman ang desisyon, hehe." sabi ko, masyado ka kasi desisyon, Amery.
"Fine." nagtaka ako sa sinabi nya. "Huh?" tanong ko sa kanya. "Sasali na ako." nanlaki ang mata ko at natuwa.
"Talaga?" excited kong tanong sa kanya. "Yup." sagot nya at ngumiti.
"Hindi pa naman sure if makasasali ako, try out pa lang ang gagawin." sabi nya.
"Sure na yan, ang galing mo kaya." sabi ko at ngumiti sa kanya.
Wow, Amery! Puring puri na sya sa'yo.
"Sige, I'll try my best na makasali." sabi ni Ivan. Ang lakas ko naman sa kanya. Bawal akong umasa dahil may iba siyang gusto.
Pinanood ko syang maglaro ng basketball sa arcade. Grabe! Ang smooth kapag nag s-shoot sya ng bola.
Natamaan tuloy ako...sa kanya.
"Galing naman!" puri ko sa kanya.
Tumingin sya sa akin at nginitian ako. "Thank you." sabi nya.
Napatingin naman ako kina Fatima, nakita ko syang nakatingin sa amin, hindi lang sya kundi ang iba naming mga kasama. Base sa mga mukha nila ay nang-aasar sila.
"Mukhang nage-enjoy ka diyan, Ivan." asar ni Kent, isa sa mga kaibigan ni Ivan.
"Hindi nakikipagusap sa amin, pero g na g kapag si Amery na." biro rin ni Fatima. Mahinang tumawa si Julianna.
Kaibigan ko ba talaga mga 'to? Bakit nila ako inaasar?!
"Tumigil nga kayo, nakakahiya kay Ivan na inaasar nyo kami. Baka magalit ang tao, oh." saway ko sa kanila.
"Ano ka ba? Okay lang kay Ivan, hindi ba, pre?" sabi ni Laurence.
"Ayos lang sa akin." tipid na sagot ni Ivan.
"Try na lang natin mag videoke roon, oh." suhestiyon ni Julianna. Magaling din itong kumanta.
Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Julianna. Gusto ko rin namang masubukan iyon. Soundproof naman ang room kaya goods lang.
Pagkapasok namin ay pumili agad sila ng kanilang kakantahin. Umaandar kasi ang oras kaya kailangang bilisan.
"California King Bed ang akin." sabi ni Fatima. Mataas iyon kaya goodluck na lang sa kanya.
Nagsimulang kumanta si Fatima, at tuwang-tuwa naman kami kapag may hindi sya naaabot na nota. Hindi ko sya masisisi dahil mataas talaga iyon.
"Ako naman next." sabi ni Julianna.
'Mahika' ang napiling kanta ni Julianna, mabuti pa ito, chill lang.
Pumalakpak ako pagkatapos nyang kumanta. Maganda talaga ang boses nya. Sana all na lang ako.
"Kami naman, kami naman! Duo kami ni Kent." sabi ni Laurence, sana all may ka-duo.
"Anong kakantahin nyo?" tanong ko sakanila.
"Say you won't let go." sagot ni Laurence.
Nagsimula na silang magkanta. Nagulat ako at maganda pala ang boses nila. Pinakinggan ko lang sila hanggang sa matapos. Gusto ko rin kasi ang kantang napili nila.
Napansin ko namang tahimik lang si Ivan sa gilid. Minsan ay ngumingiti sya, pero madalas ay nakikinig lang sya.
"Okay sige dahil nag duo sila, duo rin kami ni Migs." sabi ni Keith, wow nainggit ata sila kina Laurence at Kent kanina.
"Oh, ano naman kakantahin nyo?" tanong ko.
"Secrets." sabi ni Keith. Maganda rin ito! By OneRepublic.
Wow! Akala ko ay puro kalokohan lang ang alam ng dalawang Ito. Magaling din pala silang kumanta. Sana all may hidden talent. Nagtago kasi nang todo ang akin, eh.
Nakapagkanta na ang lahat maliban sa amin ni Ivan. Nahihiya akong kumanta, sabi ko kanina ay gusto kong i-try, pero nagback out na ako ngayon. Ayoko na pala.
"Kayong dalawa hindi ba kayo kakanta? Marami pa ang oras natin, sayang naman kung aalis na tayo." sabi ni Fatima.
"Kumanta ka na, Amery." sabi ni Julianna. "Kaya mo 'yan!" dugtong nya.
"Ikaw, Ivan, hindi ka ba kakanta?" tanong ni Kent sakanya.
Umiling lang si Ivan, sayang. Gusto ko pa naman syang marinig kumanta.
"Ikaw Amery kanta ka na!" alam kong hindi nila ako titigilan kaya umoo na ako.
"Oo na, sige na!" pilit kong sabi.
'Like my Father' ang kakantahin ko, lately kasi na LSS ako sa kantang ito.
I wanna come home to roses
And dirty little notes on Post-its
And when my hair starts turning gray
He'll say I'm like a fine wine, better with age
I guess I learned it from my parents
That true love starts with friendship
A kiss on the forehead, a date night
Fake an apology after a fight
I need a man who's patient and kind
Gets out of the car and holds the door
I wanna slow dance in the living room like
We're 18 at senior prom and grow
Old with someone who makes me feel young
I need a man who loves me like
My father loves my mom
I want a road trip in the summers
I wanna make fun of each other
I wanna rock out to Billy Joel
And flip our kids off when they call us old
He'll accidentally burn our dinner
And let me be the scrabble winner
And when my body changes shapes
He'll say, "Oh my God, you look hot today"
I need a man who's patient and kind
Gets out of the car and holds the door
I wanna slow dance in the living room like
We're 18 at senior prom and grow
Old with someone who makes me feel young
I need a man who loves me like
My father loves my mom
And if he lives up to my father
Maybe he could teach our daughter
What it takes to love a queen
She should know she's royalty
I need a man who's patient and kind
Gets out of the car and holds the door
I wanna slow dance in the living room like
We're 18 at senior prom and grow
Old with someone who makes me feel young
I need a man who loves me like
My father loves my mom
I need a man who loves me like
My father loves my mom
Pagkatapos kong kumanta ay nahihiya akong umupo sa gilid. Paano ba naman kasi ay pumalakpak pa sila, mga siraulo talaga!
Humarap ako kay Ivan at nakita kong nakatingin din pala sya sa akin. Ang awkward!
"Ah, hindi ka ba kakanta?" panimula ko, parang ang weird kasi if hindi ako mag o-open ng topic.
"Why? You want me to sing? tanong nya. Magsisinungaling ba ako sa crush ko? Syempre...hindi.
"Sayang naman if hindi ka kakanta. Gusto rin kasi nila na kumanta ka." ang layo ng sagot ko.
"Hindi sila ang tinatanong ko, ikaw, gusto mo bang kumanta ako?" sabi ni Ivan. Wait lang, ang puso ko sasabog!
"O-oo syempre gusto ko, rin." sabi ko.
Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago kinuha ang songbook.
Nagulat ako sa ginawa nya, pero hindi lang ako ang nagulat dahil kaming lahat ay nagulat.
"Kakanta ka?!" pasigaw na tanong ni Laurence, hindi talaga makapaniwala. Hindi sya pinansin ni Ivan at nagtipa ng kanyang kakantahin. 'Babalik Sa'yo' ang kakantahin nya.
Hindi naman inaakalang
Ikaw pala ang makakasama
Ang hanap ko noon
Ibang iba sa ngayon
Ika'y dumating, sa tamang panahon
Ikaw na ba yung dinalangin ko
Yung boses nya, ang ganda! Mas lalo tuloy akong nahuhulog!
Handa kong gawin ang lahat
Makapiling ka lang
Walang hihigit Sa iyo
Ikutin pa ang mundo
Ako'y babalik babalik sayo
Tanging ikaw ang sigaw
Ng puso araw araw
Aminin ko na sayo,
Ngayon lang nagka gan'to
Ako'y babalik babalik babalik parin sayo
Ang swerte naman ng magiging girlfriend nito.
Sino ba ang magaakalang
Mabibigyan ako ng pag-asa
Labas sa liga ko
Isang katulad mo
Ngunit nang dumating, napatanong ako
Ikaw na ba yung pinangarap ko
Handa kong gawin ang lahat
Makapiling ka lang
Walang hihigit sa iyo
Ikutin pa ang mundo
Ako'y babalik babalik sayo
Tanging ikaw ang sigaw
Ng puso araw araw
Aminin ko na sayo,
Ngayon lang nagka gan'to
Ako'y babalik babalik babalik parin sayo
Oh, oh, oh
Oh, oh, oh
Ba ba da ba da ba ba...
Nakita ko ang pagtingin nya sa akin, pero sya rin ang unang nag-iwas ng tingin.
Handa kong gawin ang lahat
Makapiling ka lang
Walang hihigit sa iyo
Ikutin pa ang mundo
Ako'y babalik babalik sayo
Tanging ikaw ang sigaw
Ng puso araw araw
Aminin ko na sayo,
Ngayon lang nagka gan'to
Ako'y babalik babalik babalik parin sayo
Oh, oh, oh
Oh, oh, oh
Ba ba da ba da ba ba...
Nahulog na talaga ako.
Pagkatapos nya ay pumalakpak kaming lahat.
"Ang galing mo palang kumanta!" bungad ko sakanya.
"Thank you." nginitian ako nito.
Pagkatapos namin magkantahan ay nagpasya na kaming pumunta sa SkyFall para sa aming rides all you can. Pagkarating namin doon ay pumila kami. Nang matatakan na kami ay pinicturan namin ang aming mga kamay na may tatak.
"By partner tayo sa pag rides, ah." sabi ni Fatima. Sumang-ayon kami dahil kailangan talaga ng dalawang tao sa isang rides. Nakakatakot kasi kapag wala kang kasama, eh.
"Partner ko si, Julianna." sabi ni Fatima
"Partner ko si ,Keith." sabi ni Migs
"Partner ko si, Kent." sabi ni Laurence.
S-so ibig sabihin partner ko si, Ivan?!
"Partner ko si, Amery." sabi ni Ivan
Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng isang ngiti.
"Partner tayo, ah."