You're My Missing String [GYT...

By gytearah

7.9K 90 37

"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 17

125 2 0
By gytearah

CHAPTER 17 : TYRA's POINT OF VIEW ★

Mukhang natutulog na silang lahat, mag aalas dose na, medyo malayo-layo ang lalakarin ko. Dumaan muna ako sa isang kubo para tingnan kung may natira pang pagkain, mabuti na lang at may nakita akong cup noodles, dali-dali kong nilagyan ng mainit na tubig at nagmamadaling umalis sa farm.

"Sana nandoon pa siya."  Bulong ko habang naglalakad. Medyo malayo na ang nilakad ko ng maramdaman kong may sumusunod sa akin, may flashlight siya at nakatutok sa akin para siguro makita niya kung sino ako, mabuti na lang at naka-hoodie ako,  mas binilisan ko pa ang paglalakad pero naramdaman kong katabi ko na siya.

"Miss Tyra?"

Napahinto ako, boses 'yon ni Joepette, humarap ako sa kanya, "Joepette? Joepette! Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Pupuntahan ko sana siya para dalhan ng makakain, biscuit at tubig lang 'to, hinintay ko pang makatulog sila Nanay."

Nakahinga ako ng maluwag. "Pareho tayo, cup noodles lang 'tong nakuha ko, nakalimutan ko lang kumuha ng kutsara." 

"Gawan na lang natin ng paraan pagkarating natin doon, kung hindi lang sana nila maririnig ang andar ng motor e 'di sana ginamit ko yung motor ni Kuya para hindi na tayo mahirapan sa paglalakad."

Si Joepette na ang nagdala ng dala kong cup noodles, dahil kasi sa pagmamadali namin e natatapon ang sabaw at napapaso ako, baka pagdating namin sa pinagdalhan namin nung tao e puro noodles na lang.

"Malapit na tayo, ano'ng oras na?"

"Mag aala-una na, bilisan natin para makabalik tayo agad." Sabi ko, napaisip tuloy ako, sino'ng magbibigay ng pagkain sa taong 'yon kapag wala ako dito sa farm? Hindi naman p'wedeng gabi-gabing tatakas si Joepette.

"Dito ka muna, ako muna ang sisilip sa loob." Sabi ni Joepette, hinawakan ko muna ang mga pagkain naming dala, dahan dahan siyang sumilip sa butas ng kubo.

"Nandito pa siya." Bulong ni Joepette, dahan-dahan kaming naglakad papalapit sa bahay.

"Tao po, tao po?"  Tawag ko, walang lumalabas, bigla tuloy akong kinabahan, buhay pa kaya siya?

"Ako na muna ang mauuna Miss Tyra, gigisingin ko siya."

Sinundan ko pa rin si Joepette, hinawakan niya sa balikat ang lalake at tinapik-tapik. "Kuya, gising ho." Yugyog ni Joepette sa balikat, nagulat ako ng biglang bumangon ang lalake at hinawakan ng mahigpit sa braso si Joepette.

"Kami po ito!" Sigaw ko, pagtingin niya sa akin ay binitawan niya si Joepette.

"Pasensya na, pasensya na! Akala ko'y kayo yung mga lalakeng humahabol sa akin, pasensya ka na iho." Sabi ng lalake

"Ayos lang ho 'yon, kanina pa po kasi kami nagtatawag e, nag-aalala po kami na baka kung napa'no na kayo."

"May dala po kaming pagkain, pasensya na po kayo at ito lang ang nakayanan namin."

"Maraming salamat, napakabuti ng inyong puso, kapag magaling na ako ay aalis na ako para wala na kayong iisipin." 

"Saan po kayo pupunta?" Tanong ko, "Baka po makita kayo ng mga taong humahabol sa inyo, sabihan niyo lang po ako, tutulungan ko kayo." Hindi pa siya p'wedeng umalis, kailangan ko siya, kailangan ko ang mga impormasyong nalalaman niya.

"Kumain na po muna kayo." Sabi ni Joepette, "Labas muna ako Miss Tyra, baka may nakasunod sa atin e magtitingin-tingin muna ako."

"Sige, uuwi na rin tayo maya-maya at baka makahalata na sila sa farm." 

Pagkakataon ko na 'to para magpakilala sa taong 'to pero kailangan ko pa ring mag-ingat.

"P'wede ko po bang malaman kung ano ang pangalan ninyo?"

Tumingin muna siya sa akin, naistorbo ko pa yata sa pagkain. "Jun." Mahina niyang sambit at nagpatuloy sa pagkain, gutom na gutom siya.

"Mang Jun, hindi ko po sinasadyang marinig pero sino po 'yong pinapahanap sa inyo? Bakit po kailangan nila kayong patayin dahil sa libro?"

"Alam mo iha, matagal na akong nagsisilbi sa kanila kahit hindi ko gusto dahil nga papatayin nila ako, may pinapahanap sila sa akin, libro at kwintas, may pinapahanap rin sila sa aking tao, magkapatid, kambal–" Napalunok ako. "Pero kahit alam ko kung nasaan sila, hindi ko sasabihin, ayokong makasira ng buhay na tahimik na." 

Nakahinga ako ng maluwag. "Nahanap niyo na po ba?"

"Hindi pa pero–" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, "Mag-iingat ka."

Napakunot noo ako. "Pinagkakatiwalaan ko po kayo, nararamdaman ko pong mabuti rin ang inyong puso. Mang Jun, ako po si Tyra, Tyra Musico." Parang hindi na siya nagulat, parang alam na niya ma isa akong Musico.

"Maraming salamat sa tulong mo, hindi nga ako nagkamali, isa ka nga'ng Musico. Ikaw ba yung anak ni Arah? H'wag kang mag-alala, tutulungan kitang hanapin ang pumatay sa Papa." Sabi niya bago uminom ng tubig.

Napamaang ako, pumatay sa Papa ko? Ang alam ko binangungot si Papa kaya siya namatay, bakit? Huh!!

Biglang pasok ni Joepette sa kubo. "Miss Tyra, kailangan na po nating umuwi." Marami pa akong gustong itanong e.

"Maraming salamat sa pagkain at sa pagtulong sa akin, kung sa susunod na pagpunta ninyo dito ay wala na ako, tandaan ninyo na nasa paligid niyo lang ako, handang tumulong anumang oras." Nakangiting sambit ni Mang Jun, ibinigay ko na lang sa kanya ang suot kong jacket dahil mukhang giniginaw siya.

Mag-aalas dos y media na kami nakabalik sa farm ni Joepette.

-

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa kabilang kubo. "Ayoko n'yan Dada! Ayaw ko!" Umiiyak na sambit ni Eya, bumangon ako para puntahan sila, mukhang kanina pa sila nagkakagulo. 

"Good morning." Bati ko, nadatnan kong nakasimangot si Eya.

"Nagising ka ba dahil sa kapatid ko? Pasensya na."

"Okay lang. Bakit nga pala umiiyak si Eya?"

"Ah, ano kasi eh, nagmamaktol, hinahanap 'yong cup noodles niya."

Hala..

"Ah, ako na lang ang kakausap kay Eya." Sabi ko at nilapitan ang bata.

"Good morning Eya."

"Good morning Ate." Bati rin niya pero nakasimangot pa rin.

"Hinahanap mo raw 'yong cup noodles mo?" Tumango siya, "h'wag ka na magtampo, ako ang kumain nun . . . kagabi, sorry." Napatingin siya sa akin. "Ang lamig lamig kasi kagabi, magkakape sana ako kaso wala na palang asukal dito kaya 'yong cup noodles na lang ang kinain ko, bibilhan na lang kita mamaya."

Lumapit siya sa akin at yumakap. "Okay lang po Ateng sleeping beauty, kapag binilhan niyo po ako, sea food flavor po ha."

Tumango ako. "Oo, bibilhan kita ng dalawa."

"Opo, salamat po." Nakangiti niyang sambit, "May asukal na pong binili si Dada, magkape ka na po Ate."

"Sige, susunod na lang ako, inumin mo na 'yong gatas mo doon."

Pag-alis ni Eya ay tinawagan ko agad si Tito Drammy.

"Nasaan ka na po?"

"Paalis pa lang ng bahay, bakit?"

"P'wede niyo po ba akong bilhan ng dalawang cup noodles? Sea food flavor po Tito."

"Sige, dadaan ako sa tindahan. Wala ka na bang ibang ipapadala?"

"Charger po ng phone ko atsaka damit na pamalit sana."

"Mayro'n ka na ditong damit, ipapakuha ko na lang kay Gwy ang charger mo."

"Sige po Tito, salamat po, mag-iingat po kayo sa pagmamaneho."

Bumalik muna ako sa higaan ko para tupiin ang ginamit kong kumot.

"Ihq, ipinagtimpla na kita ng kape."

"Salamat po Aleng Adela."

"Kumusta nga pala ang kakambal mo? Parang hindi ko na yata siya nakikitang nagpupunta dito."

"Busy po sa bahay e, katulong po siya ni Tita Alpa sa pag-aalaga kay Clarry."

"Hindi madaling magkaroon ng kakambal ano?" Malungkot ang boses ni Aleng Adela, mukhang may pinagdadaanan din siyang hugot sa buhay.

"May kakambal din po ba kayo?" Tanong ko at bahagya siyang tumango.

"Hindi ko nga alam kung nasaan na siya ngayon e, ilang dekada na kaming hindi nagkikita at wala akong balita sa kanya. Lumayas kasi ako sa amin noong ika-labing walong kaarawan namin, naramdaman ko kasing–"

Napatungo si Aleng Adela, mukhang may mabigat nga siyang pinagdaanan dati.

"Palagi po ba kayong kinu-kumpara sa kanya?" Biglang tanong ko na hindi ko alam kung saan galing, bigla na lang lumabas sa bibig ko.

"Oo, at ramdam ko namang hindi ako ang paborito ng magulang at mga kapatid namin. Naalala ko pa nga na yung mga regalo sa kanya ay mamahalin tapos 'yong sa akin ay sa bangketa lang nabibili. Iyong gown niya pinasadya pa para sa kanya tapos 'yong sa akin ay renta lang, 'yong cake niya pinasadya rin at paborito niya pang flavor tapos 'yong sa akin ay cup cake lang na nabibili sa sari-sari store, hindi naman sa nagrereklamo ako pero ang unfair hindi ba?"

Bigla akong nalungkot, ang dami kong naalala.

"Kaya hindi ko na tinapos ang party, habang nagsasaya sila ay umalis ako, parang anino lang naman ako ni Adelyn noon kaya sumama na lang ako kay Jerry at nagtanan kami."

Hinawakan ko sa kamay si Aleng Adela. "Kapag kambal po talaga hindi maiwasang mai-kumpara." Pilit akong ngumiti pero may kirot na naramdaman.

I hate comparing and favoritism. You wanna know why?

Because I never win.

* End of Chapter 17 *

A/N : Chubbabies 💜 thank you so much! God bless everyone, don't forget to vote and comment, keep rockin' 🤘

>🎸

Continue Reading

You'll Also Like

75.2K 1.9K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found baby. And no...
374K 11.5K 34
Date Started: April 30 2023 What if the two red flags met? A secret millionaire fell in love with an single mom actress. Her daughter met Yuki unexp...
130K 2.8K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
352K 12.9K 44
Rival Series 1 -Completed-