Unruly Hands

By DarinahV

195 19 3

Ximena Maya has been showered with love and material things by her parents but she still seeks love and accep... More

Mental Health Series
DISCLAIMER
Episode 1 - MENDEZ FAMILY
Episode 2 - SUPPLIES
Episode 3 - MEETINGS
Episode 4 - IPIT
Episode 5 - STARTER
Episode 7 - PLAN
Episode 8 - BELT
Episode 9 - DADDY'S SURPRISE
Episode 10 - NECKLACE
Episode 11 - KAYLA'S IDENTITY
Episode 12 - MANSION
Episode 13 - PEN
Episode 14 - TIO PABLO
Episode 15 - THE LOST SON
Episode 16 - ACCEPTANCE
Episode 17 - COMING BACK HOME
Episode 18 - HOLD MY HAND
Episode 19 - Road

Episode 6 - LIPSTICK

2 0 0
By DarinahV

MABILIS na lumipas ang limang buwan. Hindi na namalayan ni Ximena na nag-eenjoy na siya sa pagpasok sa paaralan.

"Ximena, dali!" Hinatak pa siya ni Kayla at nangunyapit na sa kaniyang braso. Hindi pa ito nakontento doon at inilapit pa nang mabuti ang mukha kay Ximena.

"Oh, bakit ba? Para kang tuko d'yan kung makakapit!" bulong na lang din niya kay Kayla.

"Kasi nga may itsi-tsismis na naman ako sa'yo. Galing nga kasi ako sa CR at narinig ko ang usap-usapan nila roon."

"Ano naman 'yang tsismis na iyan?" naengganyong tanong na rin ni Ximena.

"Confirmed na!"

"Yung ano naman?"

"Na may maligno talaga na gumagala-gala rito sa school. Kakatakot, sis!" Hinimas pa ni Kayla ang braso habang nakakapit pa rin kay Ximena.

"Naniniwala ka sa maligno?"

"Di ba nabalitaan mo na may mga nawawalang gamit sa classroom natin? Tapos kinabukasan o sa susunod na mga araw bigla na lang lumilitaw sa table ng mga nawalan?"

Tumango naman si Ximena.

"Aba! Pati sa kabilang mga classroom nangyayari na siya. Tapos ang latest eh, yung vase sa may CR sa Filipino Department, bigla na lang daw nawala. Ilang beses na hinanap ni Aling Irma. Kawawa nga, eh. Inilagay lang daw niya saglit sa CR dun dahil pinapalitan ni Ma'm Garcia ng tubig at may kinuha lang siya sa labas, aba e, bigla na lang daw naglaho. Pinapapalitan ora-orada ni Ma'm Garcia kay Aling Irma. Matanda na 'yun, di na marunong mamili sa online shop kung sa'n nabili ni Ma'm Garcia. Nagulat na lang daw si Aling Irma kasi pagbukas niya ng CR kinabukasan eh, andun daw sa pinag-iwanan niya."

"T-talaga ba?"

"Oo naman! Kasi kahit ako nga e, nawalan din 'di ba? Yung ibinigay mong bagong lip gloss, nawala. Iyak pa nga ako nang iyak kinagabihan nun 'di ba? Kamukat-mukat mo, andun sa table ko kinabukasan! Kakatakot, sis!"

"Kaya nga, e." Pinagdikit pa ni Ximena ang kanyang mga labi.

"Para namang hindi ka affected. Ano nga ulit 'yung nawala sa'yo?"

"Yung ballpen ko. Nakita ko rin sa upuan ko kinabukasan."

"Oo nga. Nakwento mo rin iyon. Ang creepy, 'no?"

"Oo."

"Hi, Ximena! Hi Kayla," bati ni Jace sa magkaibigan. "Ready ka na ba, Ximena?"

"Ay, oo nga pala! S-sorry, Jace. Napahaba ang chismis ko kay Ximena. Nakalimutan kong magpe-prepare pa nga pala siya sa coronation mam'ya," ika ni Kayla.

"No problem, ate Kayla."

"Hindi kaya lalo na namang mainis si Cybelle sa'yo, Ximena? Ikaw kaya ang nangunguna sa popularity award," baling ni Kayla kay Ximena.

"Hindi naman. Bakit naman siya maiinis?"

"Gaga! S'yempre dahil bukod sa ikaw ang mas nangunguna e, nabingwit mo pa itong si papi Jace!" may panunuksong wika ni Kayla.

Bigla namang kinilig si Ximena.

Simula kasi nang may nangyaring alitan sa kanila ni Cybelle sa library ay nabalitaan niyang nagkaroon na ng lamat ang relasyon ng dalawa. Nagkataon namang nagkalapit sila ni Jace at ngayon nga ay dalawang linggo na itong nanliligaw sa kaniya.

"Don't worry, Ximena. Everything will be fine. Tutulungan kita sa pagpromote ng picture mo sa social media accounts ko. Saka kahit naman wala 'yun, mananalo ka bilang muse sa batch natin," pagpapalakas ng loob ni Jace.

May ongoing beauty contest sa school nila at kahit sino ay pwedeng sumali. Sila Kayla at Jace ang pumilit sa kaniya. Hiyang-hiya nga siya, e. Pero araw-araw ay naging mood booster niya ang dalawa dahil palaging nire-remind ng mga itong maganda siya, na hindi naman niya lubos pang nakikita.

Paano naman nangyari iyon? Ni wala ngang pumapansin sa kaniya sa dating paaralan. Tapos napansin lang naman siya ngayon dahil kay Jace, the school heartthrob.

"Kumpleto na ba ang isusuot mo?" tanong ni Kayla kay Ximena.

"Hindi pa. Dadalhin nila Daddy dito sa school before sa call time. Mga around 4pm siguro."

"Ang swerte-swerte mo naman, Ximena. Ambait nila tito at tita tapos may'ron ka pang papi. Shanaol!"

Isang makahulugan at matamis na ngiti ang pinakawalan ni Ximena habang tinitingnan ang dalawa.

Dati, naghahanap lang siya nang makakasama sa buhay. Ngayon, may instant kapatid na siya sa katauhan ni Kayla. May bagong kaibigan at manliligaw pa siya, si Jace.

Nangangarap lang din siya dati na may makapansin sa kaniyang ganda, hindi ang tangkad lang niya. Pero ngayon, maaari pa niyang maiuwi ang isang korona.

Malayo pa, pero malapit na rin. Ang pangarap niya na maging modelo pagkatapos ng kompetisyon na ito ay maaari rin niyang maisakatuparan.

Wala nang makakahahadlang sa kaniya. Kahit pa si Cybelle na selos na selos na sa kaniya.

"And'yan na sila Tito, Ximena," untag ni Jace sa papalapit na magulang niya.

Paglapit ng mga ito ay hinagkan nila si Ximena. Nagmano naman si Kayla at Jace.

"Mauna na po ako sa loob ng dressing room sa may gym," paalam ni Ximena.

"Okay lang, anak. 'Wag mo kami problemahin. Sige na," ani Amihan.

"We are so proud of you, our beautiful princess," ika naman ni Dario.

"Salamat, Dad."

Tumango muna si Ximena bago dumiretso sa dressing area.

May daanan sa likod ng gym papunta sa kwarto na tinatahak ni Ximena.

Pagdating niya roon ay wala ni isang tao na nasa paligid. Pinagtakhan niya dahil wala naman nabanggit sa kaniya na may ibang announcement. Andoon na rin ang mga gamit ng iba pang contestant. Mukhang nag-start na ang mga iyon na mag-ayos ng sarili dahil nakalabas na at nasa mga table nang nakakalat ang mga makeup kits ng mga iyon.

Ibinaba niya ang kaniyang mga gamit at doon lang niya napagtantong dala pa rin pala niya ang bag ni Kayla. Ipinahawak kasi sa kaniya iyon ng kaibigan nung pumunta ito ng banyo.

Dahil wala pang tao ay naupo siya sa isang tabi at mag-uumpisa na sanang magmake-up ng may mapansin siya sa bandang kaliwa niya.

Hawak-hawak na niya sa kaniyang kamay ang lipstick na kabibili lang niya nung isang linggo. Ika pa nga niya ay ngayon nya iyon bibinyagan.

Ang ganda ng kulay niyon. Pula. Paborito niyang kulay.

Binuksan niya ang bag ni Kayla. Ipinapatago niya rito ang kaniyang cellphone dahil kinakabahan siya na magbukas ng kaniyang social media accounts. Baka kasi may mang-bash sa kaniya. Ganun pa rin kababa ang tingin niya sa sarili. Itetext niya lang kasi kay Kayla na kuhanin ang bag nito sa dressing room. Pero hindi niya nakita ang hinahanap na cellphone.

Hindi niya naiwasang ilibot ang paningin sa silid dahil nga nababagot na rin siya.

Nilapitan niya ang isang table at mabilis na hinablot ang lipstick. Kapareho lang iyon ng brand na hawak niya.

Bumalik siya sa kaniyang pwesto at nakatalikod sa pinto nang bigla iyong bumukas at pumasok mula roon si Kayla. Nabitiwan niya tuloy ang kinuhang lipstick.

"Ximena, bakit mo naman itinakas ang bag ko?" nangingising wika ni Kayla habang papalapit sa kaniya.

Hawak-hawak na ni Kayla ang bag nito nang muli ay bumukas ang pinto at pumasok ang mga contestant.

"Ximena! Andito ka lang pala. Hinahanap ka ni Ma'm Azon. Hindi mo ba nabasa sa GC na nasa music room kami?" wika ni Myrna. Isa ito sa mga representative sa grade 9.

Umiling naman si Ximena.

"Why are you here?" mataray na tanong ni Cybelle kay Kayla na hindi pa rin nakalalabas.

Dumiretso naman si Cybelle sa area nito at halos maikalat na ang lahat ng andun.

"Belle, anong hinahanap mo?" tanong naman ni Queenie na isa sa mga nasa grade 7. Kasama ito ni Cybelle sa table.

"N-nakita ninyo 'yung lipstick ko? Inilagay ko lang 'yun dito kanina. 'Di ko na makita ngayon." Patuloy pa rin ito sa paghahalungkat ng mga gamit nito.

"Baka naman kinuha ng maligno. Bukas makikita mo rin iyon sa table mo. Pahiramin na lang kita ng iba muna. Sayang kasi ang oras kung maghahanap pa tayo," si Queenie.

Sa halip na sumang-ayon ay nanlilisik ang mata nito na tumingin na may pang-uuyam kay Ximena at Kayla.

"Kinuha mo, no?" patutsada nito kay Ximena.

Humarang naman si Kayla. "Teka lang, Cybelle. Naninisi ka na naman. Kadarating lang namin dito. Hindi namin alam ang binabanggit mo."

"That's it! Kadarating n'yo lang. Wala kami rito kanina tapos nadatnan namin kayong dalawa rito. Kayong dalawa lang," patuloy pa ring hirit nito.

"Aba't ito na naman tayo sa mga paratang mo. Nakakarindi ka na ha!" inis na balik ni Kayla.

"Belle, tigilan mo na 'yan. Kung gusto mo hanapin na lang natin. Tulungan kita," paggitna na rin ni Queenie.

"Salamat, Queenie," si Ximena.

"Anong salamat? Kung totoo ngang wala kang kinuha, iladlad mo rito ang mga gamit ninyo!" turo ni Cybelle sa sahig.

"Pigilan mo ako, Ximena. Nanggigigil ako sa maarteng 'to," bulong ni Kayla

"Hayaan mo lang. Sige na at labas ka na. Baka naiinip na sila Mommy sa audience."

Inirapan ni Kayla si Cybelle at humakbang na papuntang pintuan.

Nagulat na lang ang lahat nang malakas na hinatak ni Cybelle ang bag ni Kayla. Dahil doon ay tuluyang bumukas iyon. Nahulog ang mga gamit ni Kayla.

Pati ang isang lipstick.

"See? Ito ang lipstick ko. Kinuha mo!" Dinuro pa ni Cybelle si Kayla.

"Tssk, nakakatawa ka, Cybelle," napapalatak na wika ni Kayla.

"Ikaw ang mas nakakatawa. Kitang-kita na ang pagnanakaw mo, nagmamalaki ka pa."

Sasagot pa sana si Kayla ngunit kinabig na siya ni Ximena. Ibinigay nito sa kaniya ang bag at mga gamit na pinulot nito sa sahig. Inagaw pa ni Ximena sa kamay ni Cybelle ang lipstick at ibinigay kay Kayla. "Sige, na."

"Aba't talaga nga naman!" Hinablot ni Cybelle ang buhok ni Ximena.

Nasa ganoon silang eksena nang binuksan ni Dario ang pintuan ng dressing room. Kumatok naman ito ngunit dahil masyadong tutok ang mga estudyante sa kaguluhan ay walang nakapansin dito. Tinakbo ni Dario ang anak at pilit na pumagitna sa mga iyon. "Bakit mo sinasabunutan si Ximena?!"

Mayamaya ay dumating na rin ang mga teachers na humahawak sa event.

"Anong meron?" tanong ni Ma'm Azon na siyang head ng event.

Pinalabas muna nito ang ibang estudyante at pinaiwan sila Ximena, Cybelle, Kayla, at Queenie.

"Mister, can you please leave us for a moment too?" utos ni Ma'm Azon kay Dario.

"No! I will stay here hangga't hindi ko nalalaman bakit sinasabunutan ang anak ko," mariing paliwanag ni Dario.

Tinimbang muna ni Ma'm Azon ang sasabihin kay Dario. Mukhang hindi makikinig ang isang 'to. Bahala na. "S-sige po. Pero pakiusap, dun po sana kayo sa medyo malayo," utos ni Ma'm Azon.

Mahirap kapag isang magulang lang kasi ang present kapag may nag-aaway. Dapat parehong naroroon. So that both parties can hear each other out. Less confusion, less hassle.

Sinunod naman ni Dario ang guro.

"Sino ang gustong unang magsalita?" tanong ni Ma'm Azon sa apat na bata.

Pare-pareho lang nakayuko ang mga ito.

"Pakibilisan at magsisipag-ayos pa kayo. You'll speak o hindi kayo makakatuntong sa stage ngayon," seryosong babala ng guro.

"Ninakaw po nila ang lipstick ko," sumbong ni Cybelle habang tinuturo si Ximena at Kayla.

"Anong sinasabi mo?!" Susugod sana si Dario ngunit natakot nang nilingon ito ng guro. Umupo na lang ulit ito.

"Totoo ba iyon, Ximena, Kayla?" Humarap si Ma'm Azon sa dalawa. Walang diskriminasyon at puno ng pang-unawang tiningnan ang mga ito.

Umiling naman ang dalawa.

"Kabibili lang po namin ng lipstick ni Ximena noong nakaraang linggo. H-hindi ko po, n-namin kayang magnakaw ni Ximena, Ma'm," paliwanag ni Kayla.

"Ano namang katunayan mo na sa'yo iyang lipstick na 'yan?" Inginuso ni Ma'm Azon ang lipstick na nasa kamay pa rin ni Kayla.

Hindi makasagot si Kayla. Paano nga ba?

Inilabas naman ni Ximena ang isang resibo na galing sa isang cosmetics shop. Iniabot niya iyon sa guro.

Kinuha iyon ni Ma'm Azon at pagkatapos ay inilahad ang kamay kay Kayla. Ipinasa naman ni Kayla ang lipstick sa guro na masuyong sinipat ang tatak ng lipstick pati na rin kung anong shade niyon sa ilalim.

"Pareho nga ito." Bumaling naman si Ma'm Azon kay Cybelle. "Cybelle, ikaw naman. Ano'ng pruweba mo?"

Ibinuka-sara lang nito ang bibig dahil wala s'yang maisip na dahilan. Tinapik n'ya si Quennie.

"B-bakit? A-anong s-sasabihin ko?" naguguluhan ding tanong ni Quennie kay Cybelle.

"Nakita mo 'yung lipstick ko kanina 'di ba?"

"Oo. P-pareho nga po niyan, Ma'm."

Napapikit na napahawak sa noo si Ma'm Azon. "Tapusin na natin ang usap na ito. Wala tayong kapupuntahan pare-pareho. Hanapin na lang natin pagkatapos ng event. P'wede ba 'yun? Late na kasi tayo," panghingi rin ng pang-unawa ni Ma'm Azon.

Tumango naman si Ximena at Kayla. Si Cybelle at Queenie naman ay napipilitan na ring tumango.

"So, we're good now? Tawagin ko na 'yung iba rito sa loob?" Ma'm Azon inquired.

"Ganoon lang po iyon, Ma'm?! P-pagkatapos na pagbintangan ang anak ko at saktan ng isa pang estudyante?" Napatayo na si Dario.

Bumuntong hininga naman si Ma'm Azon. That's why I hate having this conversation with the adult ones. Walang magpapatalo.

"D-dad? T-tama na, please?" Lumapit na si Ximena sa tatay niya at pilit itong pinapakalma.

"Anak, hindi p'wedeng..."

"Dad, please. A-ayaw ko na ng gulo tsaka, m-marami pa kaming aayusin. Marami nang naghihintay na bisita sa labas."

"Basta, okay ka lang?" ika ni Dario.

Tumango naman si Ximena.

May paghingi nang paumanhin na lumabas na si Dario kahit ayaw niya pa sana. Sumabay na rin si Kayla.

'Ximenaaa! I'm sorrry!" Lumapit si Cybelle kay Ximena habang isa-isang pumapasok ang iba pang kalahok na halos napapakunot ang noo sa ikinikilos nila. "Alam kong ikaw ang nanguha ng lipstick ko. Sigurado ako roon," bulong niya rito habang nakayakap kay Ximena.

Pumalag naman si Ximena.

Tinapik-tapik pa ni Cybelle ang kanang balikat ni Ximena nang bumitiw na siya sa pagkakayakap dito. Nginitian pa niya ito. "I know what you did the first time we had a fight. You stole the vase in the library. Hindi ko papalampasin ang pagbabait-baitan mo. Sa susunod, hindi ka na makakaligtas. Sisiguraduhin ko 'yan," pabulong na banta ni Cybelle. Sapat lang para silang dalawa lang ni Ximena ang makarinig.

Napaawang ang bibig ni Ximena habang sinusundan ang pagbalik ni Cybelle sa pwesto nila ni Quennie.

"Sa susunod, hindi ka na makakaligtas. Sisiguraduhin ko 'yan," paulit-ulit sa isipan ni Ximena habang nag-aayos siya.

Continue Reading

You'll Also Like

15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
21.7M 705K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
421K 12.4K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
29.4M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...