Laman ka nang panaginip ko
At sa bawat pag tibok ng puso ko
Pangalan mo ang naririnig ko
Sa iyo'y isinasamo
Tinggin ang bawat sigaw nito
Laman ka nang pag iisip ko
Kailan mo nga mapagtatanto
Na tanging nais ko lamang ay sa piling mo
Na tila sa panaginip ko lang matatamo
Laman ka nang puso ko
Pagkat ikaw ang nagmamay ari aking mundo
At sa bawat pag inog nito
Kasabay ang paglago ng damdamin ko