Pag-ibig

10 2 0
                                    


Pag-ibig sasama ba ang yung loob?
Kung sayong pagkatok ika'y hindi ko pinapasok
Ayoko lang ako'y maging mapusok
At sa liyab mo ako'y muling matupok

Pag-ibig anu bang mali kong nagawa saiyo
Upang ako'y paulit -ulit mong pinaso
At paghati -hatiin ang durog ko nang puso
Ganyan ka ba sa akin  sumuyo?

Pag-ibig sa pagkatok mo aking pinto
Dumadami ang takot sa dibdib pumupuno
Nasa iyong pagbalik mawasak ulit ang puso
At tuluyan nang hindi na muli pang mabuo

Pag -ibig kong ako'y muli mo lang saksaktan
Maari bang ako'y tuluyan mo na lang iwanan
Baka sa muli ako'y masasaktan
Ito ay hindi ko makakayanan

Pag -ibig dinggin mo ang paki usap ng puso
Sadyang ako'y pagod na sa akong pagka bigo
Sa iba ay ayoko nang muli pang isuko
Ang aking namamanhid nang puso

J POEMS COLLECTION by : kioshi akiOn viuen les histories. Descobreix ara