The Assassin Servant (Under I...

By Chomipinky

1M 19.9K 6.7K

Obsession series #1 The story revolves around Venezio, a skilled assassin driven by a desire for vengeance. A... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanaba 16
Kabanata 17
Kabanata 18🔺Warning🔺
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28 🔺Warning🔺
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Huling kabanata
Main Characters

Kabanata 45

15.8K 370 102
By Chomipinky

"Mom, what happened?,"tumakbo ako papalapit kay Mom. Patuloy ang pagbuhos ng luha sa mata nya.

Niyakap nya ako at umiyak sa bisig ko, gumamti ako ng yakap.

Sobrang gulo ng buhok nya.

Titingnan ko sana ang kamay nya ng bigla syang lumayo sa'kin.

"Close your eyes, Blare"sigaw nya sa'kin.

Nalilito ako sa inaasta nya.

"Mom, anong problema?"malakas na sigaw ko, gulong gulo na rin ako.

Napatingin sya sa likod ko.

"Takpan mo ang mata ng anak ko, ayokong makita nya ang dugo sa kamay ko"ani nya.

Wala na akong nakita ng takpan ni Venezio ang mata ko, pinili ko na lang wag gumalaw, ayoko ng dumagdag sa pagod nya.

Ilan sandali pa, inalis na rin si Venezio ang kamay sa mata ko.

"Hihintayin na lang natin ang paglabas ng Doctor"ani nya.

Umupo ako pinakalma ang sarili ko, daddy ko pa rin sya pero si Venezio, kaya nya ba talagang harapin si Dad matapos lahat ng ginawa ni'to sa kanya? Alam kong mahirap para sa kanya lahat ng to.

Lumapit sa'kin si Mom matapos linisin ang dugo sa kamay nya.

Agad kaming napatayo ng lumabas ang Doctor.

"Mrs. Villarreal, right?"tumingin sya kay Mom.

"Yes, Kumusta ang kalagayan ng asawa ko?"kinakabahan na rin tanong ni Mom.

"The operation is succesful, ililipat na lang namin sya"simple nitong ani.

Nakahingan naman ako ng maluwag, sa sobrang laki ng kasalanan nya sa'min, ayoko pa rin syang mamatay.

Bumagsak si Mom sa bisig ko.

-

Nang matapos ang operation, pumasok na rin kami matapos ilipat ng kwarto si Dad, maliban kay Venezio na nagpaiwan lamang sa labas.

Ang sabi ng Doctor maraming nawalan dugo sa kanya, kaya hihintayin namin ng ilaw araw bago sya magising.

"Mahal ka ng Daddy mo, iniisip nya lamang ang mga makakabuti para sayo,"mag-iiba sana ang tingin ko ng bigla nyang dugtungan"nasilaw ang daddy mo sa kapangyarihan, kung ano man meron sya ngayon. Akala nya lahat ng ginagawa nya laging tama. Kitang kita ko araw araw kung paano sya magsisi sa lahat ng ginagawa nya"

"Mom!"hinawakan ko ang kamay nya.

"Hindi kita pipilitin patawarin ang daddy mo, nandito lang ako para sa inyong dalawa, ayoko lang masira ang pamilyang pinaglaban ng daddy mo noon sa pamilya nya"nginitian nya ako.

Sa sobrang pagod nya nakatulog na rin sya sa sofa. Umupo ako sa tabi ni Dad.

"Kahit gaano ka pa kasama, ikaw pa rin ang daddy ko. Galit na galit ako sayo pero ano ba magagawa ko, dumadaloy pa rin ang dugo mo sa katawan ko,"natatawa na ako sa sarili ko.

"Wake up, yun pangako mo sa anak ko. Napatayo muna ba? Akala ko ba excited kang makita ang anak ko? Dad please"tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Marami akong kasalanan sa kanya, ang pagsusuway ko, tumatakas araw araw para makipag club.

Nakatulog na rin ako sa tabi ni Dad.

Nang magising ako, agad kong tiningan si Dad, ang himbing pa rin ng tulog nya.

Naalala ko dati na natulog sa labas si Dad dahil lang nagselos si Mom, noon kabataan daw nila maraming babaeng nagkakandarapa kay Dad dahil ubod sya ng gwapo, but he still choose Mom.

Patay na patay daw si Dad kay Mom, nanghuli pa daw sya ng isda para pumayag si Mom na ligawan sya ni Dad.

Tuwing naalala ko ang love story nilang dalawa, iniisip ko naman ang kung paano kami nagsimula ni Venezio.

Venezio is just like my dad, hanggan gawin ang lahat para sa babaeng gusto nila, kahit ang kapalit ni'to ay masaktan silang dalawa.

Tinaboy na rin si Dad ng sarili nyang mga magulang, Si lola at ang mga kapatid nya lang pumupunta dito para lang dalawin kami.

Umuwi ako ng condo para kumuha ng mga gamit, babantayan ko lang si Dad.

Habang nagliligpit ako ng mga gamit ko may batang lumapit sa'kin at kinakalabit ang tuhod ko.

Umupo ako at pinagpantay ang tingin namin ng anak ko.

"Gusto mong sumama kay Mommy?"tanong ko.

Tatlong beses syang tumango, tumayo na rin ako at ginulo ang buhok nya.

I don't know kung nakita na rin ng pamilya ko ang sarili kong anak.

Paglabas ko ng kwarto naabutan kong umiinom si Venezio.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang alak sa kamay nya.

"Blare"Liningon nya ako.

Linayo ko ang mga alak, baka makita pa ni Stella.

"A-ang sama ko ba dahil gusto kong mawala na lang ang d-daddy mo?"bumagsak ang mga kamay ko.

Dahan dahan ko syang liningon.

Pumikit ako at pinipigilan umiyak.

"Pero hindi ko kaya Blare, sa tuwing nakikita ko ang daddy mo. Ikaw lang palagi ang sumasagi sa isip ko"

Kukunin nya sana ang alak sa kamay ko ng ilayo ko.

"Baby!"mahina nyang bulong at mukhang may tama na rin ng alak.

Tumayo ako at ginulo ang tutok ng buhok nya. Bahagya nya akong tiningala.

"Patawad kung dahil sa'kin naghihirap ka"pinagpantay ko ang tingin namin at hinalikan ang labi nya ng mabilis.

Ngumiti sya ng magbitaw ang labi namin.

"Isang halik mo lang, tinamaan na naman ako"bigla syang nakatulog.

Kung may hindi ako pinagsisihan, 'yun ang makilala ang isang katulad nya.

Tulog naman si Venezio at wala rin magbabantay kay Stella, pinasama ko na rin sya.

"Do you want to see your lolo?" I asked.

"Yes"excited nyang sigaw.

Binuhay ko na rin ang makina ng sasakyan, mabagal lang ang takbo ko dahil kasama ko ang anak ko.

Bumili na rin ako ng prutas sa labas.

Pagdating namin ng hospital, dumiretso na kami kung saan naka confine si Dad.

Una akong pumasok at linapag ang prutas sa tabi nya.

"Sinong kasama mo?"tanong ni Mom at lumapit sa'kin.

Sabay kaming napalingon ng lumabas ang cute na bata.

"Mommy"tumakbo sya papalapit sa'kin.

Nanginginig akong liningon ni Mom at tinuro ang bata na nakayakap sa tuhod ko.

"Blare-"

"Yes, she's my daughter, Mom"nakangiti kong sabi.

Tumulo agad ang luha ni Mom.

Lumuhod sya at tiningnan mabuti ang anak ko.

"Stella ang pangalan nya"ani ko.

"Stella, come here"ngumiti sya.

Nahulog pa ang ribbon sa buhok ng bata.

Pinulot 'yun ni Mom.

Dahan dahan bumitaw sa'kin di Stella at lumapit sa lola nya.

"Mama"tawag nya dito.

Napangiti si Mom dahil sa narinig.

Sa sobrang tuwa nya hindi nya napigilan yakapin ang anak ko.

_

Nakaupo lamang ako sa tabi at hinayaan si Mom at Stella na magkasama.

Gusto ko ng magising si Dad.

Sa ilan araw na pagbabantay ko nalilimutan ko na rin umuwi ng bahay, mas gusto kong bantayan sya dahil baka meron pumasok na mga taong masasama.

Antok kong sinagot ang tawag sa cellphone ko.

Tinapat ko ang cellphone sa tainga ko.

"Nahuli ko na rin ang mga taong bumaril sa daddy mo"rinig kong boses sa kabilan linya.

Tumayo ako at kinuha ang slim bag na dala ko.

Mas mabuting makita ko sila mismo.

Nagtext lang ako kay Mom na may pupuntahan pa ako. Galit ako kay Dad pero hindi ko na kayang makitang nahihirapan na sya.

Huminto ang sasakyan sa harap ko. tumingin ako sa paligid, nang walang tao pumasok na rin ako.

"Kumusta ka na naman ngayon, young lady?"inalis ni kuya part ang mask nya sabay ngisi sa'kin.

Kumuyom ang kamao ko.

Hindi ko pinansin ang sinabi nya.

"Dalhin mo ako, kung saan mo dinala ang mga taong bumaril sa kanya"sabi ko.

Tumango sya.

Hindi pa rin talaga nagbabago si Kuya part, kumunot ang nuo ko ng mapansin ko ang titig nya sa'kin pero agad umiwas ng mahuli ko.

"May dumi ba sa mukha ko?"tanong ko. Tiningnan ko pa ang sarili sa salamin.

"Marami lang talaga nagbago sa'yo, Young lady"

"Ano naman?"tanong ko.

Kasi kung ugali ko lang, walang nagbago, kasing sama pa rin ako ng dati.

"Wala"sagot nya lang.

Ilan oras pa bago kami nakarating, pinagbuksan nya ako ng pinto.

Pagbaba ko, bumungad sa'kin at malaking bahay. Mukhang luma na rin dahil sirang sira na ang mga pintura at marami na rin butas ang bahay.

Sinamahan nya ako papasok.

Binuksan ng isang tauhan ang pintuan ng makitang papasok na ako.

"Pakawalan nyo ako"rinig kong sigaw ng lalaki, mukhang nagwawala pa.

Huminto ako ng makita ang dalawang lalaking nakatali sa upuan.

"Mag-iingat ka, Young lady"sabi ni Cyrus.

Nasa gilid ko lang ang dalawa.

Binalingan ko ng tingin si Cyrus, nagtaka ako ng umatras sya.

"Kayo pa rin ba ni Alora?"tanong ko.

Bahagya syang napalunok at hindi makatingin ng mabuti sa'kin.

"P-paano mo nalaman, Young lady?"

"Nahuli ko kayo"ani ko.

Naglakad ako papalapit sa dalawang lalaki, ang isa tulog pa rin, ang isa naman nagwawala.

"Pakawalan nyo ako.... Sino ba kayo?"malakas na sigaw nya.

Senensyahan kong alisin nila ang mga tela na nakatakip sa mata ng dalawa.

Mukhang gulat na gulat ang isa ng makita ako.

"Tsk!! Anak lang pala ng tarantado"ngumisi sya.

"Patumbahin ko na ba?"linabas ni kuya Part ang baril nya pero agad kong pinigilan.

"Ako na ang bahala sa kanya"nginitian ko sya.

Tinali ko ang buhok ko at lumapit sa lalaking natutulog.

Sinipa ko ang upuan nya, natawa lamang ako ng makitang natumba ang upuan, sya naman dahilan ng pagkagising nya.

"Asan ako?"linibot nya ang tingin.

"Nasa poder ko"sagot ko, tinulungan ko syang bumalik sa pagkakaupo.

Bigla sumingit sa usapan ang lalaki.

"Sa tingin mo ba natatakot ako sa'yo? Babae ka lang-"hindi nya natuloy ang sasabihin ng mabilis kong inagaw ang baril na hawak ni Cyrus at sinampal mismo sa pisngi ng lalaki.

"Young lady"kinuha ni Cyrus ang baril sa kamay ko.

Napangiti ako ng makitang dumaloy ang dugo sa labi nya.

Pinaglapit ko ang mukha namin dalawa, kita ko ang takot sa mga mata nya na pilit tinatago.

"Ito ang tandaan mo,"bumulong ako"mas masahol pa ang ugali ko sa hayop"tinapik ko ang balikat nya at lumayo ng kaunti.

"Hayop ka, tandaan mo. Kapag nakawala ako dito, ikaw mismo ang uunahin ko"sigaw nya at pilit kumakawala.

Pagtingin ko sa kasama nya wala na rin malay, puno ng pasa ang mukha.

"Kung makakatakas ka pa, mamatay ka dito Mr. Cruz, pwede naman ang pamilya mo-"

"Wag mong idadamay ang pamilya ko dito, wala silang kasalanan"kita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata nya.

Isa isa kong nilalagyan ng bala ang baril na hawak ko.

"College na diba ang panganay mo?"tanong ko.

Napalunok sya.

"Please, wag mong idadamay ang pamilya ko"

Kinasa ko ang baril at tinutok sa ulo nya.

"Sana pinag-isipan mo yan, bago mo binaril si Dad"ipuputok ko na sana ang baril ng may biglang umagaw sa kamay ko.

"Wha the f*ck- Venezio"gulat kong tawag ng makita kong inalis nya ang bala ng baril ko.

P-paano nya ako nahanap?

Lalapit sana ang mga tauhan ng sensyahan ko sila.

"Umuwi na tayo"mahina nyang sabi.

Nag-init ang dugo ko, i want to kill him.

"You should leave, papatayin ko ang lalaking yan"lalapit sana ako kay Kuya Part ng pigilan nya ako.

"Blare-"

"Ano bang problema mo Venezio? gusto kong patayin sya dahil sa ginawa nya kay Dad"

"Sa tingin mo ba kapag napatay mo ang lalaking yan magbabago ang lahat? Magiging katulad ka lang ng daddy mo kapag patayin mo ang lalaking yan"pilit syang kumakalma.

I bite my lower lips.

Kapag napatay ko sya, magiging katulad na rin ako kay Dad, o kung mas masahol pa ako sa kanya.

Si Stella ano na lang ang sasabihin nya kapag nalaman nyang pumapatay ang mommy nya?

Niyakap nya ako ng makitang tumulo ang luha sa mata ko.

"Shhh! you're still a good girl, baby"hinalikan nya ang tutok ng buhok ko.

Siniksik ko ang sarili.

Tumawag na lamang ng pulis si Venezio para ipahuli ang dalawa.

Nasa sasakyan kami, umuwi na rin sila Cyrus.

"Paano mo ako nahanap?"liningon ko sya.

"Tumawag sa'kin si Cyrus"ani nya lang.

Pumikit ako at sinandal ang sarili.

Muntik ko ng makalimutan kontrolin ang sarili ko.

Naramdaman ko ang kamay ni Venezio na pumatong sa kamay ko, nagmulat ako ng mata.

"Nasa tabi mo lang ako palagi"

Continue Reading

You'll Also Like

162K 3K 24
Marriage is a sacred testament that two people in love are blessed from above. Who wouldn't want to get married? Especially if you're marrying the pe...
675K 19K 53
Charles Sandoval is the long-time crush of Clarisse Villanueva. She didn't go to States with her family just to be with Charles Sandoval. She decided...
25.9K 957 25
What if mapunta ka sa kakaibang mundo kung saan may mga bampira? Josephine - a human shy girl. Like the story of Cinderella, ginawa syang katulong ng...
149K 3.6K 29
An accident caused her to lose her virginity to him. After six months of hiding, pregnant Amelié sees her baby's father again and reappeared back int...