Kabanata 29

21.8K 396 106
                                    

Hinihintay kong lumabas si Venezio sa kwarto nya pero isang oras na itong nagkukulong.

Na sa living ako ng makita si manang na may dalang gamot.

"Manang, asan ka pupunta?" Lumapit ako sa kanya. Agad nyang tinago ang gamot sa likod nya.

Hindi nya ako matingnan ng mabuti, pakiramdam ko may tinatago sila sa 'kin.

"Maglilinis lang ako sa taas, Blare. Wag ka ng pumunta ulit sa kusina, ako na ang magluluto palagi." Bilin nya.

Mabilis syang pumunta sa taas.

May problema ba sa niluto ko kanina? Dalawang beses ko ng narinig na sila nalang ang magluluto. Ganoon na ba talaga kasama ang luto ko?

Pero ang sabi ni Venezio, kunting tamis lang daw.

Umupo ulit ako sa sofa at nagmuni muni. Ang tagal nila sa taas, pabalik balik pa si manang.

May nangyari ba kay Venezio? Simula ng kainin nya ang luto ko hindi na sya nagpaparamdam sa 'kin.

Biglang pumasok sa isip ko... What if?

Tumayo ako agad pumunta sa kusina. Hinahanap ko ang platong pinaglagyan ko ng linuto ko.

Buti nalang hindi pa nahuhugasan. nag-alinlangan pa ako, kung titikman ko.

Naglagay ako ng kaunti sa sinturo ko at tinikman.

"What the hell!" Para akong naduduwal sa lasa. Mabilis akong kumuha ng tubig para mawala.

Hindi ko maexplain kung ano ba talaga ang lasa, matamis na sobrang asim, tyaka naalala kong, linagyan ko pala ng tuyo kanina

Naubos lahat ng iyon ni Venezio ng hindi man lang nagrereklamo, tikim palang hindi ko na kaya pero sya kinain lahat.

Nilalabanan nya ang kamatayan ako ang dahilan.

Pumasok si manang kaya agad kong binalik ang plato sa lababo.

"Natutulog na rin si Zio, awawala na rin ang sakit ng tyan nya."

Yumuko ako. Kasalanan ko kung bakit sumakit ang tyan ni Venezio. Hindi naman ako magagalit kung hindi nya kainin ang linuto ko.

"Hija, wala naman masama, kung gusto mo talagang matuto magluto pero ang paghaluin ang tuyo, ketchup, asim at suka, ang lala na." Lumapit sya sa 'kin at tinapik ang balikat ko.

"Sorry po talaga, hindi ko na uulitin." Nagandahan lang ako sa kulay kaya ko pinagsama ang mga ingredients.

"Puntahan mo na sya."

Tumango ako.

-

Kumatok ako pero walang sumasagot.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto nya. Naabutan ko syang natutulog.

He's peacefully sleeping matapos makain ang nakakamatay na pagkain.

Umupo ako sa gilid ng kama at kinapa ang nuo nya, nakahinga ako ng maluwag ng hindi naman sya linagnat.

Unti unti syang nagmulat ng mata ng maramdaman ang presensya ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla nya akong yakapin. Nakahiga na ako sa dibdib nya.

"V-Venezio!" rinig na rinig ko ang bilis ng tibok ng puso nya.

"I'm still alive, baby." He chukled.

Lalayo ako ng mas lalo nyang higpitan ang pagyakap sa 'kin. Sakop nya lahat ng katawan ko.

Pinagpantay nya ang tingin namin.

"Dapat hindi mo nalang kinain, Venezio. Napahamak ka pa." Sinapak ko sya sa dibdib.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now