He's a Loner

Por _aamethyst

486 22 2

He chose to be alone. He's having difficulties in trusting a person. It is easy for him to judge all the peop... Más

He's a Loner
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 7

15 0 0
Por _aamethyst

KYLIE'S POV


Andito na kami sa likod ng bahay namin. Tinitingnan ko lang siya na parang inaassess ba, yung ganun. Psh. Ano ba kasing problema netong lalakeng to? Hindi pa ba siya uuwi? Psh. 



"Hoy ikaw! Ano ba talagang balak mo sa buhay ha?! Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa dito ah! Umuwi ka na nga at baka hinahanap ka na ng lolo mo dun eh!" sabi ko.


"I can't." sinabi niya. Ano?! 


"Ha?! Anong you can't? Eh bahay mo yun ah?!" jusko. Nasstress lalo ako dito sa lalaking 'to eh.


"Hindi ako pwedeng umuwi dun sa bahay namin na hindi ka kasama! Kukunin ni Lolo yun kotse ko!" what?! Dahil lang sa kotse hindi siya aalis dito?! Seryoso ba tong taong to?!


"Dahil sa kotse mo?! Ang yaman mo naman! Kung tutuusin anytime pede ka naman bumili ng bagong kotse eh! Tsaka hindi na ko babalik dun sa inyo. Hindi na kita kayang pakisamahan. Parang ngayon, nang dahil lang sa kotse mo eh guguluhin mo na ko! Sige na! Umuwi ka na!" sigaw ko pa sa kanya.


"It's not just a car! Special yun sa akin! Kaya kung gusto mong umalis ako dito, sumama ka na sa akin!" sigaw niya.


"Pare-parehas lang ang kotse! And hindi na ko sasama sayo! Pakisabi na lang sa lolo mo na salamat na lang and sorry. Pero hindi na ko babalik dun." sabi ko.


"Fine! Dito muna ako hangga't di ka bumabalik sa bahay!" tapos kinuha niya yung cellphone niya. "Hello yaya. Pakisabi sa driver dalhan ako ng damit dito... Damihan mo na, hindi ko alam kung kelan ako magtatagal dito... Opo... Pakisabi na din kay Lolo... Opo... Salamat..." tapos binaba niya na yung phone. "Hindi ako aalis dito sa bahay niyo hangga't di ka sumama! Understand?!" tapos ngumisi siya.



Aish! Akala ko nakalaya na ko sa judgemental na lalaking yun pero di pa pala! Arrgh! Nasstress talaga akooooo! 



Pumasok na lang din ako sa loob at nadatnan ko dun si Jeremy na nakikipaglaro kay Marky. Naglalaro ata sila nung textcards ba yun? Yung may hawak silang tigisang cards tapos mag-aapir sila tapos malalaglag yung dalawang cards, tapos kung sino yung nakataob na cards, talo. Gets? Basta yun na yun. xD



Napatitig ako sa naglalarong si Jeremy. Tuwang-tuwa siya. And ito ang first time na nakita ko siyang tumawa. Opo, tumawa. Yung ngiti na may sounds. He laughed. The monster laughed. And hindi ko nga na maikakaila na gwapo itong taong to. And the way he plays with my baby bro, he seems friendly. Pero bakit wala siyang friend? Loner siya lagi sa school. Actually, payag na sana ako kaibiganin siya, kaya lang ang sakit lang nung sinabi niya kaya nagbago isip ko.







The Next Morning...



Akala ko joke lang yung pagstay niya dito. Pero nagulat ako at nakita ko siyang nagtutupi ng kumot sa sofa namin. So dyan siya natulog? Ang spoiled brat na ito natulog sa sofa? Naku! Baliktad na ata ang ikot ng mundo! >.<



Napatingin siya sa akin tapos tinaasan ako ng kilay, "What are you lookin' at?" tanong niya.


"Jan ka natulog?" tanong ko.


"Oo bakit? Naawa ka ba? Sumama ka na kasi sa akin pabalik ng mansion." sabi niya.


"Ako naaawa? Nah. And hindi na ko sasama. Kaya umuwi ka na okay?" tapos lumabas na ko at pupunta ako sa Karinderia ni Ate Marina. Namiss ko din yung baklang yung no. 







***

"Ate Marinaaaaaaa!" malayo pa lang at sumigaw na ko. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti sabay bitaw ng hawak  na sandok. Ako naman tumakbo na dun papunta sa karinderia.


"Kylie! Namiss kita? Kamusta naman? Ang ganda mo ngayon ah! Inferlaloo sayo." bati niya sa 'kin.


"Namiss din kita ate Marina! Tara, tulungan kita." tapos nagderecho na ko dun sa loob at nagstart na magserve sa mga customers. Kinamusta din nila ako kasi mga regular customers ang andun at kilala naman nila ako kasi nagtrabaho din ako dito.



"Bakit ka andito? Di ba nagaaral ka?" tanong ni ate Marina.


"Ah opo. Pero ngayon hindi na. May asungot po kasi eh, kaya ayaw ko na." sabi ko.


"May nangaaway ba sayo? Sabihin mo kung sino at jojombagin ko para sayo!" 


"Wala po.Okay na. Kaya nga po umalis na lang ako dun eh."


"Ayy nako, buti naisipan mo din umalis doon. Kesa naman pinapahirapan ka."



The whole day andun lang ako. Alam naman ni Mama eh. And by the time na makauwi na siguro ako dun eh wala na yun asungot na yun. Kung anu-anong sinabi niya sa akin pero hindi man lang nagsorry. Kamusta naman yun? Walangya talaga.



10 pm na at nagsara na ng karinderia si ate Marina. Tinulungan ko siyang magsara at nung pauwi na ko, pinadala niya sa akin yung tinira niya sa aking kalderetang baka. Alam niya kasing favorite ko yun eh. Hayy. Kaya mahal na mahal ko tong si ate Marina eh. ^__^



Pagdating ko ng bahay, ang saya-saya ko pa dahil excited na kong kumain dahil ang sarap ng ulam at alam ko din na wala na dun si Jeremy, tatahimik na din ako buhay ko. Hayy salamat naman. Pero mali ako, andun pa siya! Oo andun pa nga! Masayang-masaya silang nanonood ng cartoons kasama yung kapatid ko na si Marky! Walanjo. -___-



"Hoy! Bakit ka pa din andito?! Sabi ko umuwi ka na di ba?!" sigaw ko.


Napatingin naman siya sa akin, "D'you need to shout? Psh." aba! At siya pa ang galit huh?! Grabe naman din tong lalaking to no!


"Ate, bakit mo ba pinapaalis si kuya Jeremy? Ang saya kaya. Nuod ka din ate!" sabi naman ni Marky. At kelan pa niya naging kuya itong halimaw na to?


"Kuya? Kelan mo pa naging kuya yan? Pwede ba wag mo siyang tawaging kuya, di kasi bagay eh! Arrrgh!" 



Nagpunta ako sa kusina at nilagay sa mangkok yung kalderetang dala ko. Naiinis ako! Tatanda ako ng maaga ng dahil sa lalaking yun eh! Napaka-epal eh! Psh. Ano ba kasing gustong mangyari nung lalaking yun? Hayy.



"Anak, bakit ba ayaw mo pang sumama sa kanya pabalik? Nagsorry naman siya sayo eh. Tsaka hindi naman niya yun sinasadya no." sabi ni Mama.


"Mama, sa inyo po nagsorry siya. Pero sa akin hindi. So what's the point di ba?" hayy. Nabbrain wash na niya si Mama. Leshe. =__=



As usual kasabay na naman namin siyang magdinner. At ang ulam namin ay tilapia at mixed veggies sa gata and syempre yung kalderetang baka na uwi ko na luto ni ate Marina. Napatingin naman ako kay Jeremy na pabalik-balik ang tingin sa mga nakahain sa mesa.



"Kumain ka na kaya. Ayaw mo ng ulam?" tanong ko.


"Ano ba yan? Ngayon lang ako nakakita ng ganyan." sabi niya. Napahawak na lang ako sa mukha ko. Hayy. He's a rich brat after all.


"Eto, gulay yan. Yan naman tilapia, fish yan. Eto naman, kaldereta, beef yan. Masarap yan promise. Kaya wag ka na maginarte jan, kainin mo kung ano nakahain jan." sabi ko.


"Ano ka ba naman Kylie? Sorry Jeremy ha, ano ba gusto mo at baka meron kami dito. Lulutuan na lang kita." sabat naman ni Mama.


"Mama hayaan niyo po siya. Ang arte eh. Kung ayaw niya edi di wag niya."sabi ko.


"Wag ka nga ganyan Kylie. Ano ba gusto mo?" - Mama.


"No it's okay. Ito na lang po." - jeremy.



Kumuha siya ng kaldereta tapos tinikman niya. Parang ewan lang yung facial expression niya, parang nandidiri na ewan. Sapakin ko to eh. Pagkain pa din yun no. Tsaka ang sarap kaya nun.



Pero nagulat ako at parang napasarap pa siya ng kain. So nagustuhan niya yun kaldereta? At mind you guys, nagustuhan din niya yung gulay! Infairness, buti di naginarte. Pag naginarte 'to tatadyakan ko to pabalik ng mansion nila eh. Ayaw pa kasing umuwi eh. Ang kulit =__=






Umaga na naman at pupunta na ulet ako kay ate Marina. Second day naman dito ni Jeremy sa bahay. Talagang walang balak umuwi ah? Psh. 



Pagbaba ko ng kwarto ko, nadatnan ko siyang nasa labas. "Hoy, uwi ka na?" bungad ko agad sa kanya.


"Sasama ka na ba?" tanong niya.


"Hindi pa din." - Me


"Edi hindi pa din ako." - Jeremy.



Nagderecho na lang ako palabas at masstress lang ako dito. Tinawag naman niya ako, "Hoy!"


Lumingon ako, "May pangalan ako. Ako po si Kylie, hindi ako si hoy. Psh." tapos binuksan ko na yung gate.


"Hoy Kylie! Saan ka pupunta?" - Jeremy.


"Pake mo?" - Me.


"Saan nga?!" sigaw niya,


"Magttrabaho ako!" sigaw ko.


"SAMA!" seryoso siya?! Naintindihan ba niya talaga yung sinasabi ko? 



Lumabas din siya at sinundan ako. So seryoso siya? Okay fine. Bahala siya. Tutal wala naman siyang magawa sa buhay niya edi tuloy-tuloyin niya na. 



"Ate Marinaaaaa! Good morning!"


"Anjan ka na pala! Halika na at tulungan mo ko dito! Ohhhh, sino yang fafa na kasama mo? Ikaw ha.." tapos ngumiti ng nakakaloko si ate Marina at kinurot pa ako sa tagiliran.


"Ah eto. Siya yung asungot." 


"Naku, ang gwapong fafang asungot pala niyan eh! Lika nga dito fafa!" tapos hinatak na ni ate Marina papasok dun. Ako naman nakatayo lang habang tumitingin sa kanila dun. Landi ni bakla. Haha.



Nakaupo lang ako dun sa lamesa sa karenderia at si Jeremy ang gumagawa ng lahat. At nagugulat ako sa nakikita ko! Nakangiti siya the whole time at walang bakas ng kaartehan sa katawan! Hindi siya umaangal! Enjoy much? Grabe lang ha. At pansin ko lang, ang dami atang babae dito ngayon. Psh. Nakakita lang ng gwapo eh.



Napatingin naman sa gawi ko si Jeremy at bigla naman siyang kumindat. O___O Para saan naman yun?!



"Ate, boyfriend mo po siya? Kinindatan ka eh." halos masamid naman ako sa tanong sa akin! Haha! Pinapatawa ba niya ako? =__=


"HAHAHA! Hindi no! Ikaw talagang bata ka.." grabe lang ha.


"Talaga? Bagay kasi kayo eh. Hihi." tapos umalis na. Echuserang bata 'to. Sabunutan ko yun eh. -__-



Hayy. Napaka-malas ko naman at napapagkamalan akong girlfriend nung lalaking yun. Pero compliment ba yun? Bagay daw kami eh. So maganda ako? Hahaha! In my wildest dreams! Never naman yun mangyayari no! Makikipag-kaibigan pa nga lang ako sa kanya hindi ko na magawa, pano pa kaya kung more than that? Hayy. Kung anu-ano na namang nasa isip ko oh! Psh.



"Hoy. Ano iniisip mo jan? Naggwapuhan ka sa kin no? Psh." napaka-kapal! Kelangan pa bang ipamuka na gwapo siya? Psh. Bakit ba ang daming nagkakagusto sa kanya? Oo gwapo nga siya, pero ang ugali naman parang ewan sa kalye. Sarap umpugin! >_<


"Asa ka pa." sabi ko naman. Totoo naman eh. Never ko siyang pagnanasahan no. Tss.


"Deny ka pa. O eto favorite mo, kumain ka daw sabi ni ate Marina." sabi niya.



O___O



Tapos umalis na siya. Wait. Totoo ba yung nangyari? Dinalan niya ako ng pagkain? Ano yun, bait-baitan? No. May mali sa kanya eh. Hindi siya yun! Clone lang niya yun! Dapat sinisigawan niya ako at sinusungitan pero anyare? Ang calm niya ata ah. Weird. Katakot. -___-

Seguir leyendo

También te gustarán

537K 27.8K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
955K 30.5K 129
DIM Series #1: Iñigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...
15M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
2.8M 79.9K 60
He bought me, but I didn't know that I was more than a hundred billion worth.