Lost In The Weather (Lusiento...

By Ayanna_lhi

2.1K 101 15

When Thalia Channel Lastimosa found out that Yijin Lorenzo- the almost perfect guy everyone is dreaming of ha... More

YANNA
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE

CHAPTER 13

30 1 0
By Ayanna_lhi

CHAPTER 13 | Arcade |

The thing about love is it will come unexpectedly. Kahit ilang beses nating sabihin sa sarili natin na ayaw na natin magkagusto sa isang tao, pilit itong hindi matutupad kapag may taong dumating na muling magpapatibok ng puso natin. Kahit ilang beses nating pilit na itanggi, mahirap. Ilan lang ang nakakaligtas na hindi mahulog.

In my case, gano’n ako kay Yijin. Alam ko nga lang ngayon na hindi pa gano’n kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. To be honest, I still have doubts. Natatakot akong baka nagustohan ko lang si Yijin dahil sa guwapo siya at tinatangi ng lahat. Dahil inaasar nila kaming lahat. I don't want to like him because of his physical appearance and for the clout. Ayoko ng gano’n, I want to like someone because he’s more than his surface.

Sana lang talaga ay nagustohan ko siya dahil sa angking bait niya. Alam kong nakaapekto sa ’kin ang mga pang-aasar nila pero sana naging parte ang pagkakita ko sa kabutihan ng puso niya.

I sighed heavily, mabilis na lumipas ang mga araw. Parang kailan lang nang unang araw namin sa school tapos ngayon ay christmas break na.

Hassle ang Señior High, nakakapagod at nakakawala ng lakas. Sobrang bilis ng pacing ng lahat, isang araw wala kang ginagawa, the next day tambak ka ng school works. Gano’n ang Señior High kaya naman tuwang-tuwa ako ngayon sa bakasyon dahil marami akong libreng oras.

I told Seri and Chloe my feelings for Yijin,  crush lang naman. At halos magkagulo ang GC naming tatlo dahil sa sinabi ko.

Eternal Friends

Seriah Salustiana:

Matagal ko nang alam! Hahahaha

Sheniyah Chloe:

Omay! Kinikilig ako! The best love team ever!

I bit my lower lip, alam ko naman na ganito ang magiging reaction nila pero kinikilig pa rin ako. I typed a message.

Thalia Channel Lastimosa:

Crush lang naman guys, huwag niyo ’kong aasarin, ah!


I don’t know if people will understand me for this but I always classify my feelings. Admire, crush, like, love. Kung para sa iba, halos magkapareho lang ang ibig sabihin ng mga salitang ’yan, sa ’kin hindi.


Admire is for idolizing someone because he’s good at something. Halimbawa ay nagagandahan ka sa boses niya at kinikilig ka kapag naririnig ito. That's just admiration not a crush. We tend to admire someone because they made us amaze of something they’re good at.


Crush, gaya nang sinasabi ng marami, paghanga lamang ito. Halos magkapareho lang sila ng admiration pero ang pinagkaiba lang nito ay hinahangaan mo na ang buong pagkatao niya. Crush is a passing infatuation, marami ang nagkakamali rito dahil akala nila gusto na nila ang isang tao pero hindi naman pala. People who commit this mistake tends to fall out of love easily in a relationship. Sila ’yung madali lang pagsasawaan ang relasyon.


Kapag may crush ka, nakakakilig. It can give you fleeting feeling at may instances na palaging gusto mo siyang makita. That is why a mere crush can turn into liking that person. If you like a person, kayang-kaya mo siyang tanggapin at gustohin ang buo niya kasama ang mga pagkakamali at kung ano mang bad sides niya. Malalaman mong gusto mo ang isang tao kapag gusto mong higit pa sa pagkakaibigan ang relasyon ninyo.

Love is way deeper from them all, it endureth all things, fight all things, and it makes you braver. Love will easily or slowly strike you in different ways, it's an intense feeling to someone. Love is too powerful that it will makes you willing to do all things for that person. Kahit na mabigat na mga sakripisyo ay kaya mong gawin para sa pagmamahal. Love is a mixture of all feelings, both happy and sad feelings.


Kaya para kay Yijin, crush ko lang siya.

“Syempre kailangan magpaganda ako kasi uuwi ang papa mo,” ani Mama habang kinakaladkad ako sa mall. Well, not literally. Palihim naman akong napangisi, ang totoo ay tinatamad ako at gusto kong matulog buong araw. Napagod kasi ako sa christmas party namin sa school kahapon.


“Maganda ka naman na, hulog na hulog nga sa ’yo si Papa,” I teased her. Napasimangot naman siya sa ’kin.

My father is working in a company na naka-base sa Manila. Two years ang contract niya roon bago siya ulit pwedeng ma-assign sa probinsya namin. Tiniis na lang nila Mama at Papa na magkalayo ng two years para stable na kami rito at hindi na palipat-lipat.

Unang taon pa lang ni Papa roon, mabuti na lang at nabigyan siya ng mahabang Christmas break ngayon. Miss ko na talaga siya, kahit na may video call at messenger, hindi pa rin iyon sapat para maibsan ang pagka-miss ko sa kanya.

Pumasok kami sa isang beauty salon, inaya ako ni Mama ng kung ano-anong service pero wala akong mapili. Ayaw ko naman magpa-rebond ng buhok dahil gusto ko ang natural na alon nito. Kahit ang manicure at pedicure ay tinanggihan ko dahil takot ako sa nipper, isa pa malinis naman ang mga kuko ko.


“Doon na lang po ako sa arcade, Ma. Text mo na lang ako kapag tapos ka na,” paalam ko. May nadaanan kasi kaming arcade kanina at nakuha n’yon ang atensyon ko kaya gusto kong puntahan. Mabuti na lang at pinayagan ako ni Mama at binigyan ng pera.


My eyes immediately glued at the claw machine. Nasa labas ito ng arcade at nakahelira. Bawat machine ay iba’t iba ang stuff toys na nasa loob. Meron ring candy at marshmallow machine.

Gusto kong makakuha ng something sa claw machine pero mahirap daw ’yon. Gayahin ko kaya ’yung mga hack kuno sa Tiktok? Baka totoo mga ’yon?


Abala ako sa mga iniisip nang biglang may kamay na tumabon sa mga mata ko. My sight darkened, hindi ako gumalaw habang pinapakiramdaman ang mainit at malambot na kamay na tumabon sa mga mata ko.


“S-sino ka?” tanong ko pero hindi siya sumagot. Hindi ko alam kung sinong kakilala ito. I got no response kaya napasimangot ako. Umatras ako at mabilis na humarap sa taong nasa likod ko, hindi naman mahigpit ang pagkakatabon niya sa ’kin kaya mabilis akong nakawala.


“Sino ba kasi—” My jaw dropped upon seeing the person behind me. Nanlaki ang mga mata ko at agad na nag-unahan sa pagtibok ng mabilis ang puso ko. “Y-yijin," I stuttered.


Tumawa siya sa reaction ko at mabining ngumiti sa ’kin. He’s sporting a maroon polo shirt and a black jeans but he looked so good! Para siyang modelo ng branded shirts sa suot niya.


“Ikaw lang mag-isa?” he beamed at me. Hindi nagkakalayo ang height namin pero mas matangkad siya.


“Huh? Ah, oo ako lang.” Gosh! You have to calm yourself down Thalia Channel! “Ay hindi, I mean k-kasama ko si, Mama. Nasa taas siya, sa salon.”


Tumango-tango siya at tiningnan ang tinitingnan ko kanina. “Pareho pala tayo,” aniya. Nag-iwas ako ng tingin at bumaling sa arcade.


“Nasa salon din ang mama mo?” I asked. Naglakad ako palapit sa arcade, sumunod naman siya.


“Oo,” aniya.


“Sa Pagena?” banggit ko sa salon na pinuntahan ni Mama.


“Hindi, sa Louise Naval ba ’yon?”


“Nevel,” pagtatama ko sa kanya na tinanguan niya.


“Papasok ka sa arcade?” he asked.


“Sana,” nahihiyang ani ko. Hindi ko na alam ano ang sunod na sasabihin ko. This is so awkward!


“Anong sana?” natatawang aniya. “Tara, pasok tayo,” aya niya.


“Libre mo?” I joked. ‘Yon kasi ang madalas na sabihin namin kapag may isang nang-aaya sa ’min ng gala.


Natawa siya, “Sige ba!”


“Joke lang, tara pasok tayo.” Nauna akong pumasok sa kanya. Dumeritso agad ako sa token machine para mapalitan ang pera ko ng tokens.

“Akala ko libre ko?” ani Yijin. He beamed at me again kaya napaiwas ako ng tingin, nasa gilid ko lang siya at sobrang awkward na magkatapat ang mukha namin. Baka sa sobrang lapit niya marinig niya ang kabog sa dibdib ko.

“Joke lang nga sabi ko.” Nang matapos ako ay si Yijin naman ang nagpapalit ng pera.

“Kamusta ’yung chrismas party n’yo kahapon?” tanong niya habang hinihintay ang machine.

“Okay lang naman, masaya naman.”

“Masarap ulam n'yo?” he barked a laugh kaya natawa rin ako.


“Oo naman, lalo na ’yung lumpia. Sa inyo ba? ’Di ba party n’yo rin kahapon?” balik tanong ko.


“Lasang practical research ’yung menudo namin.”


I laugh a little, “Research nga naman.”


“’Di ba may research na rin kayo?” tanong niya ulit.


“Oo, meron na rin. Smooth lang naman sa ’min.”


“Writer ka kasi kaya madali lang sa ’yo magsulat ng mga papers. Galing!” Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi niya.


“Hindi naman, magkaiba ang novels or fictions sa academic writing,” ani ko. Our conversation go on smoothly, bago kami nagpasyang mag-shoot muna ng bola sa whoops.


“Magaling ka rito, eh. Hindi ako marunong,” ani ko habang sinusubukang mag-shoot. Sa limang bola na hinahagis ko ay isa lang ang nasho-shoot, kapag swerte dalawa.


“Maliit ka kasi, hindi mo abot ang ring,” natatawang ani Yijin. Agad ko naman siyang sinimangutan.


“Wow, ang tangkad mo rin, eh no?” I sarcastically said. He laugh and suddenly pinch my check. Muntik na ’kong mapatalon sa ginawa niyang ’yon. Kumalma na ang puso ko kanina pero naghurmentado na naman ito ngayon.


Napagod ako sa pagsho-shoot pero hindi ako pinigilan nito sa paglaro ng iba pang games. Nakipag-barilan at karera pa nga ’ko kay Yijin. Tuwang-tuwa ako at sobra kong na-enjoy ang lahat ng mga pinaggagagawa namin. Pawisan tuloy ako nang matapos kami.


“Nakakatuwa ’yon, sayang hindi tayo nanalo,” ani ko habang palabas kami ng arcade. Ubos na ang tokens ko at medyo nahihilo na ’ko.


“Okay lang ’yon, bawi na lang next time. Kung walang next time, next life na lang.” I laugh at his statement.


“May arcade ba sa next life?” tanong ko.


“Malamang. . . wala,” natatawang aniya kaya napailing ako. “Hindi ka pa hinahanap?” tanong niya. Napatingin ako sa cellphone ko at wala pa namang text si Mama.


“Hindi pa naman, ikaw ba?”


“Kain muna tayo, nagutom ako roon.” Natawa ako at tumango.


“Sige,” ani ko. Maglalakad na sana ako papuntang food court nang pigilan niya ’ko.


“Gusto mo sa claw-machine? I mean, gusto mo subukan?” Natigilan ako at napatingin sa claw-machine.


“Wala na ’kong tokens.” May kinuha si Yijin sa bulsa niya, ipinakita niya sa ’kin ang dalawang token.

“Hindi pa pala naubos sa ’yo?” ani ko. Natatawa siyang tumango at inabot sa ’kin ang isang token.

“Subukan lang natin,” aniya sabay pwesto roon sa isang claw-machine na may mga angry birds na stuff toys. “Saan ba maganda?” aniya. “’Yung green kaya? ‘Di ba favorite color mo ’yon?”

My chest hammered, “Paano mo nalaman?”


Ngumiti lang siya at hinulog ang token sa machine. Sadly, hindi niya nakuha kaya ako naman ang sumubok. Kaso ang hirap.


“Sira yata ’tong machine, masyadong paasa,” nakasimangot kong ani.


“Sinisi mo pa ang machine, tayo na nga. Okay lang ’yan,” he said it cooly. Ang lalaking ’to, parang hindi talaga alam paano mainis.


We ended up eating ice cream and fries in the food court. Madalas pa siyang tingnan ng mga tao kasi nga naman masyadong agaw pansin ang mukha niya.


Hindi siya gaanong maputi, hindi rin naman moreno. Sakto lang at bagay sa kanya. Mapungay ang mga mata niya at kung tumitig ay para bang nang-aakit, matangos ang kanyang ilong. Mas lalo pang namula ang natural na niyang pulang mga labi dahil sa pagkain ng malamig.

Siguro noong ginawa si Yijin, good mood ang langit.

“Mahirap nga ang buhay lalo na sa panahon ngayon. Nakakalungkot lang na minsan ay nakakalimutan ng tao na may Dios at pwede silang humingi ng tulong,” Yijin said. Right, our conversation is about our faith and our conversion to God.


“I do believe now that no one is alone, that no one has someone who don't understands them. Because Christ do, He never leaves us, He always understand us better than others. He knows our hearts content, our desires, and our pains. Christ understands us better than others kasi Siya mismo napagdaanan niya ’yon. He once bear our sins and agony. He felt it all. People are never alone, because God is always with them.”


“Always with us,” he corrected me. Tipid naman akong napangiti.


“Christ is the perfect epitome of all things, He is the perfect example for everything.” Our conversation goes on smoothly and it made my heart lighter. I felt healed again. This kind of conversation really gives my heart inspiration to keep going in life. We kept on talking hanggang sa napunta kina Seri at Klint ang conversation.


“May crush ba si Seri kay Klint?” he asked. Nagkibit lang naman ako ng balikat. May inamin sa ’kin si Seri pero hindi ko sasabihin sa iba. She told me to keep it a secret.

“Si Klint ba? May sinabi siya tungkol kay Seri?” tanong ko pabalik.

“Wala naman, lagi ko lang kasi napapansin ang dalawang ’yon. Bagay sila,” aniya.

“Baka magkatuloyan pa ang dalawang ’yon,” tulala kong ani habang iniisip kung gaano na ka-close sina Seriah at Klint ngayon.

“Ikaw ba, sino ang crush mo?” I was immediately shock by Yijin's question. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nagtama ang paningin naming dalawa.



Yanna ✍️

______
Might delete this later

Special Note:

Hi! How is everyone doing? Merry Christmas and have a happy new year. Thank you for always waiting for my UD. I know I have a lot to improve but you're still with me.

AND to clear some talks, personally. . .  I wrote Lost In The Weather with someone in mind and Chantal is the most closest character to me that I have ever wrote. Chantal is a reflection of myself.

But LITW is not my own love story. Some scenes where true and where based on reality. But the ENTIRE story is not mine love story. This is still fictional. 

Have a blessed year everyone! Keep fighting! God is with you always. (⁠づ⁠。⁠◕⁠‿⁠‿⁠◕⁠。⁠)⁠づ

Continue Reading

You'll Also Like

692 78 40
Amanda Gabrielle is a girl who had a traumatic childhood. She was neglected by her own family, which led her to be the girl who only finds comfort in...
419 90 21
What happened after August?
940K 30.3K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...