The Mayor's Paragon

By Marillasaurus

1.8M 24K 17.5K

O N G O I N G WARNING: MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK. Flawed Series #5: The Mayor's Paragon ~*~ Fo... More

FLAWED SERIES #5: THE MAYOR'S PARAGON
PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17

07

72K 1K 649
By Marillasaurus

This chapter is dedicated to ijiamoli , trypremiumm , applesjam , szxassaaammf, and hopelesslydinsyl

Last chapter sana 'tong dedications kaso nakalimutan ko, kaya here na lang hihi.

~*~

"ELI! Tulungan mo na ako! Sige na!" pangngungulit ko sa kaibigan ko.

"Bhie, malaki ka na. Kaya mo na 'yan, kaya mo na nga gumawa ng bata 'di ba?" sambit niya sa akin habang humihiwa ng karne para sa lulutuin niyang sinigang na baboy.

Napasimangot ako sa sinabi niya. "Paano ako makakagawa ng bata e ayaw nga niya iputok sa loob ko?"

"Edi sandokin mo 'yong pinutok niyang semilya bago mo ilagay sa pepe mo, problema ba iyon?" she sarcastically said.

"Gaga, kung ano-anong pinagsasabi mo."

"Maka-gaga naman 'to parang pinipilit kita ah," masungit na saad niya. "E kung gusto mo, gumagamit naman kayo ng condom 'di ba?"

Napaisip ako sa tanong niya sa akin.

Condom? He doesn't usually use those since he once told me that it lessens the pleasure. That's why he usually uses withdrawal.

"M-Minsan..." sambit ko sa kaniya.

Bigla sa aking napalingon si Eli at nabitawan niya pa ang hawak niyang kutsilyo dahil sa sinabi ko.

"What?! Minsan?!" she asked with her eyes wide open.

I pressed my lips together before playing with my fingers as I look at her.

"W-Well, kapag naaalala niya."

Doon na napataas ang kaniyang kilay at galit na hinarap ako para makausap nang maayos.

"The fuck, Yña?! Paano kung nabuntis ka? O paano pala kung may sakit siya?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"E parang kanina lang sinasabi mong magpabuntis ako ah. Ang labo mo rin e. At saka 'wag kang mag-alala dahil lagi kaming nagpapacheck-up buwan-buwan," pagpapakalma ko sa kaniya.

Kasama iyon sa kontrata. Check-up at birth control pills. Dapat wala akong makalimutan doon.

Napailing na lang siya bago niya tiniklop ang kaniyang braso sa ibabaw ng kaniyang dibdib.

"Hay naku, ewan ko sa'yong babae ka. Sa dinami-rami ba naman ng lalaki riyan sa paligid, ba't 'yan pa kasing si Mayor na hindi ka naman mahal?" sermon niya sa akin.

Napabuntong hininga ako dahil sa tanong niya. "E mahal ko nga kasi."

"Pero hindi ka nga mahal. Tanga naman nito," sumbat niya.

Agad akong napasimangot sa sinabi ng kaibigan ko. Kaibigan ko ba talaga 'to?

"Parang 'di kita kaibigan, Eli ha. Nakakasakit ka na," nakasimangot kong sambit sa kaniya.

She blinked her eyes at me before scoffing.

"So kapag ako nakakaramdam ka ng sakit pero kapag siya martyr ka. Painful pag sa'kin, painless sa kaniya? Wow ha."

"Syempre, iba naman iyon," sambit ko.

"Naku babaeta ka. Hindi na ako magtataka kung magiging desperada ka bigla magka-anak mula sa kaniya. Baka mamaya bigla mong kunin 'yong condom na may semelya niya tapos i-i-inject mo sa kepey mo 'yong sperm," aniya.

Napanguso ako bigla dahil sa sinabi niya. "G-Grabe ka naman sa akin..."

She made a face at me. "Hoy, sa tono pa lang ng pananalita mo, alam ko na ang tumatakbo sa utak mo. Huwag mo ng isipin 'yan, masisira lang ang buhay mo."

"Hindi ko naman gagawin 'yan..." sambit ko. "Saka na kapag desperado na ako magkaanak."

Napangiwi ako noong masama siyang tumingin sa akin. Mas lalo akong napangiwi noong naiinis niyang ginalo ang buhok niya dahil sa sobrang stress.

"Haist naku naman kasi Yña e. Hindi ba pwedeng ibang lalaki na lang? Ako na ang naawa sa'yo. Pulang-pula ang lalaking mahal mo. Allergic ka ba sa berde ha?"

"My Mama said it was okay. My Mama said it was quite alright," pagkanta ko.

Mabilis siyang naglakad papalapit sa akin at napadaing ako noong binatukan niya ako nang pagkalakas-lakas dahil sa sinabi ko. Agad akong napahawak sa ulo kong tinuktukan niya bago siya tinignan nang masama.

"Aray ko ha! Mapanakit ka! Kaya ka walang jowa e!" I yelled at her.

"Mas okay ng wala akong jowa kaysa maging bulag katulad mo! At saka wala ka rin namang jowa ah! Kung makaasta 'to kala mo may jowa, e 'di ka nga mahal 'di ba?" sumbat niya sa akin.

"At least umuuwi siya sa akin."

"Gaga, anong umuuwi sa'yo? Ni hindi nga kayo nakatira sa iisang bahay e," pagsasabi niya ng totoo na siyang ikinainis ko.

"Oo na, 'wag mo ng ipamukha sa'kin! Masakit na!" sigaw ko sa kaniya.

"Ipapamukha ko sa'yo araw-araw para magtanda ka na! Kailan ka ba magigising sa katotohanang hindi ka naman niya mamahalin?" sigaw niya pabalik sa akin.

"Bakit? Ikaw ba siya? Paano mo alam?" parang batang tanong ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

Napapikit siya nang mariin sa sinabi ko bago muling napasabunot sa kaniyang buhok. Maya-maya ay napapikit siya bago napahilot sa kaniyang sentido.

"Alam mo, tumahimik ka na lang. Baka mamaya mai-flush kita sa toilet."

"Hindi naman ako kasiya riyan."

Napabuntong hininga na lang siya sa akin bago napailing.

"Alam mo, Yña. Bagay kayo ni Mayor," sambit niya.

Napangiti ako nang malapad dahil sa sinabi niya. I excitedly pressed my elbow on the table before moving leaning my body on top of the table.

"Talaga?" masayang tanong ko.

"Oo. Kasi pareho kayong tanga," masungit niyang saad.

Agad na nawala ang ngiti sa aking labi at napaayos ako ng upo.

"Hoy! Verbal abuse na 'yan, Eli!" nagtatampong sabi ko sa kaniya.

Inirapan niya lang ako bago tuluyang tinalikuran at muling itinuon ang kaniyang pansin sa paghihiwala ng karne. Napanguso na lang ako at humalumbaba sa mesa.

Day off ko ngayon kaya naman ginagambala ko ang kaibigan kong ito. Day off niya rin kaya nasa bahay lang siya at pumayag lang siyang gambalain ko siya dahil may kapalit. I'm going to be her taster today. She told me to taste test her recipes and I immediately agree. Makakalibre rin ako ng pagkain.

"Eli! Dali na! Tell me what to do." Pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Ayaw ko nga. Bahala ka riyan. Buhay mo 'yan. Kaya mo na 'yan."

I whined like a child. "Ano nga kasing gagawin ko?"

"Malay ko. Bumukaka ka na lang sa harap niya. Pakita mo 'yong kochie mo para 'di siya magalit sa'yo," aniya.

"E mas nagagalit iyon kapag nakita si Kochie. Nagagalit 'yong pochie niya," sambit ko.

Bigla siyang napalingon sa akin. "Ha? Anong pochie?"

"Iyong patutoy niya."

Napanganga siya at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin na para bang ako na ang pinaka ewan na tao sa mundong ito.

"Tangina namang pangalan ng titi 'yan. Pochie talaga?" nakangiwing tanong niya.

"E syempre kochie 'yong tawag sa akin, edi syempre dapat pochie rin sa kaniya."

Her face went blank like all of the emotions she have was washed out. She numerously shook her head before turning her head back at me.

"Tangina mo. Nai-stress na ako sa'yo. Dagdag ka sa stress ko." Rinig kong sabi niya sa akin.

"Tulungan mo na kasi ako! Paano ko ba sasabihin sa kaniya na...na bumalik na 'yong babaeng iyon?" Pahina nang pahina ang boses ko habang nagtatanong.

Napatingin na lang ako sa mesang nasa harapan ko ngayon at napabuntong hininga nang malalim. I just can't bring myself to tell him that she's already back. I can't find my voice and it seems that I can't find a proper timing to tell him that news. Natatakot ako sa magiging reaksiyon niya.

Paano kung dahil sa pagbalik ni Zamira ay mapalayo ako kay Riez? Paano kung utusan niya si Riez na alisin ako sa trabaho? Paano kung dahil sa kaniya mawala ang lahat ng mga efforts ko? Riez is slowly changing. He's slowly opening to me and I don't want to lose everything we have right now. I love the thing we have in this moment...

"Edi sabihin mo lang na 'Hey, she's back'. Ano bang mahirap doon?" tanong ni Eli sa akin at nagsimula ng ihanda ang mga sangkap na iluluto niya.

"E sa natatakot nga ako!" I answered, clearly frustrated about everything.

"Edi 'wag mo na lang sabihin," aniya ulit.

Kahit na gusto kong hindi sabihin sa kaniya, wala naman akong magagawa dahil babalik at babalik pa rin si Zamira rito kahit na anong gawin ko.

"E magagalit naman siya kapag 'di ko sasabihin," mahinang bulong ko.

"Edi kapag nagalit, paamoy mo si Kochie. Siguraduhin mo lang na mabango ha, baka mamaya amoy expired naman na 'yang si Kochie. Edi talagang magagalit siya."

Napailing na lang ako. "Wala kang sense kausap."

"E syempre walang sense kausap ko e," sagot niya.

"Eli!"

Kung hindi ka lang nagluluto, sasabunutan talaga kita. Pasalamat ka at mabait akong tao ngayon.

"E ano bang gusto mong gawin ko? Ako magsabi sa kaniya?" tanong niya.

Bigla akong napaayos ng upo bago tinitigan ang kaniyang likod. "Talaga? Gagawin mo iyon?"

"Malamang hindi. Ano ka, ginto? Ha, asa."

"Eli! Sige na!" Pagpupumilit ko sa kaniya.

Napabuntong hininga siya bago tinakpan ang kaldero at muli akong hinarap. She looked at me seriously.

"Huwag mo akong idamay riyan, Yña. You should decide for yourself. I can't help you since I am outside of whatever you call your relationship. All I could do is to give advice but other than that? Wala na akong maitutulong sa'yo. It's either you take my advice or leave it. It's your decision and action that will matter the most, it's not mine. I'm not in that relationship, you are."

Pagkatapos ay muli niya akong tinalikuran at itinuon na niya ang buong pansin niya sa pagluluto habang ako naman ay tahimik na napaisip. Ipinatong ko ang aking braso sa ibabaw ng mesa bago ko ipinatong ang aking baba sa aking braso at tumitig na lang sa may pader.

Eli's right. I can't let other people do what I should do. This is just between me and Riez and I should be the one thinking of what I should do. Eli doesn't know what our relationship is. Most importantly, she doesn't know what going on inside my relationship with Riez. All she knows are little pieces of the truth and not everything. I could ask for advice from her but at the end of the day, everything is still up to me.

"TAMA na! Hindi ko na kaya!" reklamo ko bago tinakpan ang aking bibig.

"Sige na! Isubo mo na! Mas malaki 'to oh."

"Mas lalong ayaw ko! Ang sakit na ng panga ko!"

"Isubo mo na kasi!"

"Masakit na ang ngalangala ko! Isubo mo kung gusto mo. Try mo rin kaya!"

"E ikaw niya pinapasubo ko e!"

"Ayaw ko nga! Ang sakit na ng panga ko kakanguya! Kanina pa ako kumakain at busog na ako!"

"Pero alam kong kapag si Mayor ang sinusubo mo hindi ka napapagod!" sigaw niya sa akin.

"Hoy, ibang usapan naman 'yan!" Napanguso ako.

Umirap siya sa akin bago bumuntong hininga. "Sige na kasi. Last na 'to. I swear."

"Ang sakit na nga ng ngalangala ko," reklamo ko sa kaniya.

"Last na." Pagpilit niya.

Wala akong nagawa kung hindi ang ngumanga kaya naman napangiti si Eli nang malaki bago isinupo sa akin ang isa pang flavour ng cake na binake niya kanina. Pagkatapos kong nguyain iyong cake at tunawin sa bibig ko, mabilis ko siyang nilunok.

"Sa lahat ba naman kasi ng ipapakain mo sa'kin, matatamis pa. Ang sakit na ng ngalangala ko. Pakiramdam ko gasgas na siya," sambit ko bago kinuha ang isang basong tubig at mabilis iyong ininom.

She frowned. "Iba gumasgas niyan. Sisisihin mo pa 'tong mga cake ko ha gaga ka."

Pinigilan ko ang sarili kong batukan si Eli. Kailangan kong magpigil at kailangan kong maging mabait dahil hihingin ko 'yong isang cake. Gusto ko ibigay kay Riez, baka magustuhan niya. Ang sabi nga ng iba, a way to a man's heart is through his stomach. Kaya naman papakainin ko siya palagi. Pinapakain ko naman siya palagi pero syempre dapat 'yong nabubusog siya.

"So how about this one?" tanong niya sa akin bago itinuro ang pang walong slice ng cake na kinain ko.

"Masyadong matamis 'yong coating pati na rin 'yong icing. Nakakasuya siya kainin. Hindi rin malambot 'yong sponge ng cake. Medyo nasobrahan din siya sa filling kaya sobrang tamis. I like the sixth one. It's not that sweet and the sponge is softer in the mouth. It melts easily. Masarap din 'yong nilagay mong cookies sa ibabaw. It matched the filling of the cake," komento ko.

Napanguso siya bago tumango. "Okay, I'll go with your suggestion."

"Wait." Pagpigil ko sa kaniya noong nakita kong kinuha niya 'yong pang anim na cake.

"What?" nagtataka niyang tanong.

I innocently smile at her before batting my eyelashes at her and giving her the cutest look I have. Si Riez lang dapat ang makakakita ng cute na mukha ko pero dahil may kailangan ako sa kaniya, kailangan kong humawak sa patalim!

"Can I have that one?" I asked before pointing to the cake in her hand using my lips.

Tinaasan niya ako ng kilay bago niya hinawakan ang cake sa isang kamay niya habang iyong isa naman ay nilagay niya sa kanyang bewang.

"Why?" masungit niyang tanong.

"I-I like it," nakangiwi kong sagot.

She didn't say anything for a moment and just studied me carefully. Titig na titig siya sa mga mata ko na gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko ginawa dahil alam kong mapapansin niyang nagsisinungaling lang ako sa kaniya. I gulped nervously when her eyes narrowed at me.

"W-Well?"

"Yña, kaibigan mo ako. Kahit takbo ng utot mo, alam ko."

"Eli, hindi tumatakbo ang utot ko."

"Manahimik ka," masungit niyang saad.

I forced a smile before closing my mouth and acting as if I zipped it.

"Alam ko naman ibibigay mo lang to sa alaga mong dragon," aniya sa akin.

"Wala akong alagang dragon. Kailan pa ako nagkaroon ng alagang dragon?" tanong ko kay Eli.

Napatingin siya sa akin na para bang gusto na niyang hablutin ang buhok ko sa inis.

"Si Mayor! Si Mayor ang dragon, okay?!"

Nagpigil ako ng tawa dahil sa itsura niya. Gigil na gigil siya habang nakatingin sa akin at kulang na lang ay itapon na niya ako sa outer space.

Natawa ako nang mahina. "So, pwede ko bang hingin 'yong cake?" tanong ko ulit sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot at nanatiling nakasimangot pero maya-maya ay inirapan niya ako na siyang ikinangiti ko. Kapag umirap siya, alam ko ng ibibigay niya sa akin 'yong cake. Nilagay niya iyong cake sa ibabaw ng mesa bago ako tinalikuran.

"Pasalamat ka talaga mahal kita." Rinig kong bulong niya habang naglalakad papalapit sa isang cabinet.

"I love you too, Eli!" I giggled.

Nakita kong binuksan niya ang isang cabinet bago humugot ng isang kahon na lalagyan ng cake. Since she bakes a lot, sometimes she does it as a business. Pero dahil busy siya maging isang cook sa isang restaurant, minsan wala na siyang oras para mag-bake.

Pagkakuha niya no'ng box, naglakad ulit siya papalapit sa mesa bago dahan-dahang nilagay sa kahon 'yong cake.

"Ginugutom mo siguro si Mayor 'no? Pakainin mo kasi, Yña," aniya sa akin.

Kailan ko ba ginutom iyon? E palagi nga akong kinakain no'n. 'Di naman ako nagreklamo kahit kailan ah.

"Palagi ko naman siyang pinapakain ah," sambit ko sa kaniya.

"O sige nga, anong pinapakain mo?"

"Si Kochie."

She pressed her lips together before taking a deep breath and closing her eyes. Napangiti na lang ako dahil sa ginawa niya pero malakas akong natawa at mabilis na umilag noong bigla niyang binuksan ang mga mata niya at kinuha iyong isang plastic na measuring cup bago ako binato.

"Ang harot mong babae ka! Dapat na yata kitang ipabasbas kay Father Yohan para mawala ang kaharutan mo."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Father Yohan? Sino 'yon?"

Bigla na lang siyang ngumiti nang malaki dahil sa tanong ko.

"Iyong gwapong pare," aniya. "Hindi talaga ako mahilig lumuhod pero kapag siya jusmaryusip hihigaan ko pa kung gusto niya."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi ng aking kaibigan. "Pinagnanasahan mo ang isang pare?!"

"Gaga, palabas lang iyon 'no. Pero ang gwapo kasi ni Eunwoo e. Haist," nagde-daydream na sambit niya.

"Eunwoo ka nang Eunwoo e 'di ka nga kilala."

"Aba ang tarantadang 'to. Makapagsalita kala mo mahal ah. Atapang ka ha."

"Naku, ewan ko rin sa'yo Eli. Kinakain ka na ng K-Drama. Paano ka magkakasawa niyan?"

"Ayaw ko magkaasawa. Sapat na sa'kin kapag ibabaon ni Yohan ang kaniyang mahiwagang krus sa aking kochie."

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Sa lahat ba naman ng pipiliin mong itutusok sa'yo krus pa? Pero bakit parang ibang krus naman yata ang krus na tinutukoy mo?"

"Bakit ba panira ka ng trip?!" nababanas na tanong niya sa akin bago ako inirapan bago kumuha ng ribbon at itinali iyon sa kahon bago binigay sa akin. "Oh 'yan, pakain mo na kay sugar papi mo."

Halos mapunit ang labi ko bago ko iyon kinuha mula sa kaniya. "Salamat nang marami, Eli. Mahal na mahal kita! Kahit magpatusok ka na kay Father Yohan, tignan mo para abot sa ngalangala mo 'yong krus ha? Maging lechon ka na para masaya."

Bumagsak ang ngiti sa labi ni Eli bago ako tinignan ng masama. Hinablot niya ang naiwang plastic na measuring cup bago iyon ibinato sa akin na siya namang iniwasan ko habang tumatawa.

"Kahit kailan ka talaga, Yña! Naasar na ako sa'yo!" gigil na sigaw niya pero sinumbatan ko lang iyon nang malakas na pagtawa.

"MAG-INGAT ka sa daan ha? Sa harap lang ang tingin mo habang nagmamaneho," paalala sa akin ni Eli.

"Malamang, alangan naman na sa gilid ako titingin 'di ba?" saad ko.

Itinaas niya ang kaniyang kamao bago ako tinuktukan sa ulo na siyang ikinatawa ko.

"Umayos ka, Yña!" masungit na sambit niya habang nakasimangot.

"Opo, Mama. Maayos po ako, matagal na."

"E dalian mo nga at lumayas ka na, baka mai-flush kita sa toilet ng wala sa oras," nanggigigil na sambit niya sa akin.

Napangiti na lang ako bago ko siya sinugod at niyakap nang mahigpit. "Thank you sa cake. See you next week."

Niyakap niya ako pabalik bago hinaplos ang aking likod. "Yeah. Yeah. Dali na alis ka na. Baka mamaya magbago pa ang isip ko at bawiin ko iyong cake."

Mabilis akong humiwalay sa kaniya bago agad-agad na tumakbo papalayo sa kaniya habang yakap-yakap ang binake niyang cake.

"Ingat!" she shouted.

I looked back at her before smiling and waving goodbye. Dahil malapit lang naman ang paradahan ng jeep sa apartment ni Eli, hindi ako nahirapang pumila at sumakay. Medyo kaunti ang tao kaya naman kaunti lang din ang nakapila.

Maingat ang pagkakahawak ko sa kahon ng cake habang bumabyahe, iniiwasan na baka masagi ito ng ibang pasaherong sasakay at baba ng jeep. Napatitig ako sa kahon at hindi maiwasang ngumiti nang maliit.

I hope that he'll like it.

Kahit na hindi ako ang nag-bake, na siyang ikinadismaya ko, pero sana magustuhan niya pa rin. Kung magugustuhan niya ang cake na 'to, magpapaturo na talaga ako kay Eli kung paano mag-bake ng cake para naman magawan ko ng cake ang aking future husband.

Bago tumuloy sa condo ni Riez, pinili ko munang bumaba sa isang coffee shop para bilhan ng kape si Riez. Mahilig kasi iyon sa kape, kung hindi hot black coffee, cold black coffee naman ang gusto niya.

Hindi rin naman malayo itong coffee shop na pinuntahan ko mula sa condo ni Riez. It's walking distance so I don't need to worry about the transportation. Pagkapasok ko sa loob ng coffee shop ay mabilis na nag-angat ng tingin ang lalaki sa counter at tinitigan ako. Maya-maya pa ay nakita ko ang pagbuo ng isang malaking ngiti sa kaniyang labi kaya naman lumitaw ang dalawang biloy niya sa magkabilang pisngi.

"Hi, love bug!" maligalig niyang bati sa akin.

Malakas ang pagkakasabi niya no'n kaya naman nagtinginan ang ibang mga customer nila sa loob. Mabilis akong naglakad papunta sa counter bago siya pinanlakihan ng mga mata.

"Stop calling me that, Azaire!" sita ko sa binata.

He sent me a teasing smile. "Why? Ang cute kaya. You're my love bug."

"Sige ka kung may makarinig diyan baka mamaya mapagkamalan tayong magjowa edi wala ng manliligaw sa'yo," panakot ko sa kaniya.

He chuckled before waving his hand. "It's okay, love bug. Sawa na rin ako sa atensiyon ng mga babaeng patay na patay sa akin."

Napangiwi ako sa kahambugan niya pero may katotohanan naman iyon. Azaire is one of the employee here in the café that I usually go to. Dahil nga sa mahilig sa kape si Riez kahit na hindi halata, palagi akong bumibili dito kaya naman hindi na ako nagtataka kung paano ako natandaan ni Azaire.

Azaire is really friendly...well to the people he wanted to be friendly with and I guess I was one of the lucky girls that wsa able to be friend with him. Gwapo si Azaire. Chinito siya. Maputi. Matangos ang ilong at manipis ang kulay rosas niyang mga labi. Dumagdag din sa kagwapuhan niya ang kaniyang dalawang malalim na biloy sa magkabilang pisngi. Single siya at pihikan sa babae. Ang problema lang, ako ang ginagawa niyang shield para hindi siya lapitan ng mga gustong manligaw sa kaniya.

"Black iced coffee, right?" tanong niya kaya naman tumango ako. "Okay, coming for my love bug."

Napairap na lang ako sa endearment niya sa akin. Nagsimula na siya sa paggawa ng order ko at wala sa sariling napatitig ako sa kaniyang mukha.

"Wala ka bang balak magkajowa, Azaire? Ako na nahihirapan kapag maraming tumitingin sa akin na halos gusto akong patayin," sambit ko sa kaniya.

Ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko dahil sa mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko man sila nakikita, ramdam na ramdam ko ang talas ng mga mata nila.

"Hinihintay nga kasi kita. Ikaw ang gusto kong maging syota."

"Hindi tayo bagay."

"Syempre naman, tao kasi tayo."

"Seryoso ako, Azaire."

"E, wala pa nga akong nakikitang maganda maging syota."

Nangalumbaba ako sa ibabaw ng counter. "Baka naman kasi nakapikit ka kaya ka walang makita?"

"Mulat na mulat ang mga mata ko, love bug."

"Hmm, baka nga hindi mo pa nahahanap ang iyong true love. Hindi bale at bata ka pa naman, explore the world ka muna bago ka magjowa," saad ko sa kaniya.

"Paano kapag fetus pa lang pala 'yong para sa akin, love bug?" tanong niya.

"Edi may instant lolo na siyang titingalain, 'di ba?" biro ko sa kaniya.

I heard him chuckle and at the same time, he finished the coffee he was making. To finish my order up, he placed the cover of the paper cup before giving it to me.

"What if tayo na lang?" he randomly said.

I laughed at his suggestion before shaking my head. "We're not compatible. At saka kawawa naman ang fetus na para sa'yo."

"But let's have a deal," alok niya.

"What deal?"

Nakita kong tumaas ang isang gilid ng kaniyang labi. "If we're not yet married after five years, why don't we just get married?"

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Kami? Magpapakasal? Aba'y parang laro lang ang tingin niya sa pagpapakasal ha.

"Siraulo. Halatang wala kang plano sa buhay. Dadamay mo pa ako."

He pout. "Why don't we give it a try? Try lang naman. Atsaka, ayaw mo ba no'n? May instant future husband ka na."

Inirapan ko siya bago kinuha ang kape ni Riez.

"Ayaw ko. At saka magpapakasal na ako 'no at hindi ako tumatanggap ng kabit."

"Totoo?! Sinong papakasalan mo?" gulat na tanong niya sa akin.

I smiled at him. "Secret."

Umaasa lang naman ako. Malay mo magkatotoo 'di ba. Edi happy new year sa akin kapag nangyari iyon.

"Kapag nagpakasal ka, invite mo ako ha? At saka siguraduhin mong may shanghai kayo sa handaan. Magwawa ako kapag walang shanghai," pagsakay niya.

Natatawang umiling na lang ako bago kinuha sa bag ko ang aking wallet at ibinigay sa kaniyang ang bayad. Ayaw pa niyang tanggapin iyon noong una dahil baka raw magbago ang isip ko at hindi ko na siya i-invite sa 'kasal' ko pero ipinilit ko. Baka mamaya malugi pa sila, ako pa sisihin. Nag-usap pa kami ng ilang mminuto bago ko napagdesisyunang umalis na sa coffee shop na iyon kaso lalabas na sana ako pero nagulat ako noong may humablot sa aking braso na siyang naging dahilan kung bakit ako napahinto sa paglalakad.

"Kesiya?"

Napakunot ang noo ko bago nilingon ang nakahawak sa aking braso ngunit unti-unting nawala ang pagkakakunot ang noo ko noong nakita ko ang tanong nakangiti sa akin nang malaki.

"Governor?"

Tumango siya habang nakangiti pa rin ng malaki. "Yeah. Hi!" magiliw na pagbati niya.

Kahit naguguluhan at ngumiti ako nang maliit at hindi pinakita ang pagkailang sa kaniya.

"What are you doing here?" I casually asked him before carefully removing his hands on my arm. Napansin naman niya iyon at nakuha ang gusto kong mangyari kaya naman binitawan niya ang aking braso.

He tilt his head. "What else? I'm stalking you!" saad niya na parang normal lang ang sinasabi niya.

"What?!" I freaked out.

He looked at my expression for a while before chuckling. "Of course, I'm just joking. I met someone here for business that's why I am here."

Tinitigan ko pa siya ng ilang minuto. I become wary of him because of what he said seconds ago and even though he already said that he did have a business here, I couldn't get rid of the uneasiness I am feeling.

"A-Ah, gano'n po ba," I awkwardly said. "Uhm, I still have somewhere to go, Governor. Mauna na po ako."

I want to leave. Being with him gives me this kind of chill that I couldn't explain. Para bang may dala siyang kung anong gulo sa kaniya. Just seeing his face and smirk makes me feel goosebumps. It's just my gut is telling me that he's up to no good.

Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sagot at dali-dali na akong tumalikod at mabilis na naglakad palabas ng coffee shop ng pero hindi pa ako masyadong nakakalayo ay narinig ko na naman siyang nagsalita.

"Aren't you curious about the deal I made with your beloved Mayor?!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. My brain told me to just ignore him and just keep going since I could just ask Riez about it but knowing Riez, he is not the person he usually tells the truth when he thinks that it's not necessary. My steps slowly halted until I stopped taking new steps and just stood on the sidewalk.

If I can't make Riez speak, I'll make someone else do what he can't.

After making my decision, I looked back at him and I saw his face immediately brightened. He immediately raise his hand before waiving at me like crazy. Napalunok ako bago nagsimulang maglakad pabalik sa kinaroroonan niya at wala siyang ginawa kundi ang titigan lang ang bawat galaw ko. Habang papalapit ako nang papalapit sa kaniya, palaki nang palaki ang kaniyang ngiti na halos mapunit na ang kaniyang labi, literal.

Noong nasa harap na niya ako, huminga ako nang malalim bago siya tiningala dahil mas matangkad siya sa akin. Nakapaskil pa rin sa kaniyang mukha ang isang malaking ngiti ngunit wala akong kahit na anong mabasa sa kaniyang mga mata. It's empty and it looks very dangerous.

"What's your deal?" diretsong tanong ko.

"Ah, no. Not that fast, sweetheart. Patience. You need patience."

I smiled sarcastically. "I don't have that much patience, Governor."

Natawa siya sa naging sagot ko. "Nagmana ka sa amo mo, pareho kayong walang pasensiya."

"I am no animal, Governor. Don't treat me one if you don't want to be treated as one, yes?"

Napatango siya habang nakatingin sa akin. Bahagyang nag-iba ang kaniyang ekspresyon na hindi ko maintindihan.

"Hmm, I like your personality," komento niya.

"I do to." Ngumisi ako pero agad iyong nawala. "Now, tell me what your deal was."

"You're a little bossy for someone who needs something from me, aren't you?" he said, clearly amused.

Blangko ko lang siyang tinitigan at hindi nagpatinag. I can feel that if I show some softness to him, he'll take advantage of that and manipulate me into things. It's better to act like this.

"I am," sambit ko. "Otherwise, I won't be talking to you if I don't need something."

Ngumisi siya nang nakakaloko. "Then why don't you just ask the Mayor about our deal?" aniya ngunit maya-maya ay nanlaki ang kaniyang mga mata bago kunwari at tinakpan ang kaniyang bibig. "Don't tell me that he didn't told you what we agreed upon?"

Ngumisi ako sa kaniya at hindi nakita ang gusto niyang makita sa aking mukha.

"I haven't asked him yet," sabi ko. "...but since you already suggested that, then maybe I could just ask him." Ngumiti ako sa kaniya bago iwigayway ang aking kamay. "Then I should go since we have nothing to talk about. Bye!"

Agad akong tumalikod sa kaniya at akmang maglalakad na paalis pero...

"Wait! Kesiya..."

Agad akong napangiti at lihim na nagpasalamat sa aking mga magulang dahil sa kanilang genes.

Thank you for giving me some good genes, Ma, Pa! It's very useful!

Naghintay muna ako ng ilang segundo bago muling lumingon sa kaniya pero binura ko ang lahat ng ekspresyon ko sa aking mukha. Some people would control you once they see you become desperate for something they have. They will love the pleasure of you chasing after them and listening to every word they say...but it's totally different when you show them that you don't care at all. They would be scared and they would be the ones to be desperate instead of you. It's just like reversing the situation.

"What? May sasabihin ho ba kayo, Gobernador? May pupuntahan pa ho ako," mahinhin ngunit madiing sabi ko.

I clearly saw him lose his cool before trying to mask it after some seconds.

"I-I'll tell you our deal," aniya.

I mentally smirk at that. Gotcha!

"But I could ask the Mayor about your deal, Governor. No need to tell me," kibit balikat na sambit ko sa kaniya.

He unconsciously wet his lips before I notice how he fidget.

"N-No. I should tell you," giit niya.

Well, sino ba ako para tumanggi sa grasya? Aba go, spell the tea!

"So?" naiinip na tanong ko sa kaniya. "What was your deal? Anong kapalit ng perang ibibigay mo kay Riez?"

Nakita kong hindi na siya mapakali at kung saan-saan na siya tumitingin. He looks anxious for a while but when he noticed that I am still looking at him and waiting for his answer, he began to gather himself before clearing his throat and looking at me straightly in the eyes which stirred an emotion inside me.

The way he looks at me, I can sense that there's something wrong with it. I could tell that he was hesitating to tell me the truth but I am dying to know their deal and it was making me scared as time passed by and he was still not giving me an answer.

Pinatatag ko ang aking sarili bago lumunok. "Well?" I asked.

He took a deep breath before finally giving me an answer which I was not ready to hear.

"He sold you," aniya.

Napakunot ang aking noo sa sinabi niya at hindi iyon agad nai-proseso ng aking utak.

"W-What?" nanghihinang tanong ko sa kaniya.

"Binenta ka niya sa akin. I could have you for a night in exchange for twenty million. That's the condition. That's our deal."

~*~

A/N: you have two options. It's either you trust Riez and wait for the next chapter or hate him, trust the Governor instead and remove this story from your library.

Overthink malala HAHAHA kaya niyo yan. Tho, I wanna give a heads up to everyone that this might be my last update for this month (maybe even this year) since I will be busy at the hospital soon and might not be able to find time to write another update.

Ayurn lang! See you next year! Chos, see you next chapter <3

Continue Reading

You'll Also Like

111K 5.6K 41
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
204K 3.9K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...
9.2M 204K 55
C O M P L E T E D W A R N I N G: MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK! CALLOUS GENTLEMAN SERIES #1: ~*~ One day, Eirysia found herself getting mar...
3.3K 289 38
[COMPLETED] --- Zharia Amore Villarica was given a big responsibility and that is to manage and become the CEO of their own hotel, the Villa Hotel. H...